408. Ang mga Apostol Nagsasalita.

Abril 5, 1946.

«Ikinamamatay kong mapunta sa mga bundok!» bulalas ni Pedro bumubuga at umiihip at nagpupunas ng pawis na pumapatak sa kanyang mga pisngi at leeg.

«Ano? Kinapopootan mo ang mga bundok, at ngayon gusto mo ito? nanunuyang tanong ni Judas Iskariote, na naging mapaghari-harian at pangahas muli, ngayon na ang kanyang takot na siya ay mabisto ay walang napupuntahan.

«Oo, ngayon talagang gusto ko sila. Sa panahong ito ng taon sila ang tamang lugar. Hindi lamang katulad ng aking dagat... Ang isang iyon, ah! Ngunit... hindi ko maintindihan kung bakit ang mga bukid ay mas mainit pagkatapos ng anihan. Ang araw ay gayon pa rin, subalit...»

«Ito ay hindi dahil na sila ay mas mainit. Ang katotohanan sila ay mas malungkot tingnan at tayo ay mas nalulungkot tinitingnan sila na ganyan, kaysa sa kung sila ay puno ng butil» may katwirang tugon ni Mateo.

«Hindi. Tama si Simon. Sila ay mainit na hindi mo ito matagalan pagkatapos na sila ay gapasin. Hindi pa ako naiinitan nang ganito» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Hindi kailanman? At ano ang init na ating dinanas patungo kay Nike?» balik-sabi ni Judas ng Kerioth.

«Hindi iyon naging kasing init nito» tugon ni Andres.

«Hindi kataka-taka! Ang tag-init ay apatnapung araw nang naririto at dahil diyan ang araw ay nakakasunog» pagpilit ni Judas.

«Ang mga tirang tuud-tuod sa katotohanan ay nagbibigay ng mas malaking init kaysa sa mga bukid na puno ng butil, at ang dahilan ay malinaw. Ang mga sinag ng araw, na dati ay tumitigil sa tuktok ng mga uhay ng butil, ay ngayon bumabagsak nang tuwiran sa lantad na lupa at ang lupa ay pinatatalbog ito nang pataas, kontra sa araw na bumababa mula sa itaas, at kung gayon ang tao ay nasa pagitan ng dalawang apoy» may-kahabaang sabi ni Bartolomeo.

Ang Iskariote ay tumatawang may-panunuya at nagbibigay siya ng mababang pagyuko sa kanyang kasamahan nagsasabing: «Rabbi Natanael, binabati ko kayo at pinasasalamatan ko kayo para sa inyong may-pinag-aralang leksiyon.» Siya ay nakapananakit hangga't sa magagawa ng isang tao.

Si Bartolomeo ay tinitingnan siya... ngunit siya ay tahimik. Si Felipe sa halip ay ipinagsasanggalang siya: «Walang pangangailangan na maging mapanuya! Ang sinabi ay tama! Tiyak na hindi mo pasisinungalingan ang isang katotohanan na milyun-milyon na tao na may mabuting sentido komun ay nahusgahang totoo, may katwiran at makikita.»

«Siyempre! Siyempre! Alam ko, na lahat kayo ay may-pinag-aralan, mga dalubhasa, may sentido komun, mabuti, perpektong mga tao. Kayo ay ang lahat! Lahat! Ako lamang ang tanging maitim na tupa sa maputing kawan!... Ako lamang ang bastardong tupa, ang kahihiyan na inilalantad at ipinasusuwag sa lalaking tupa... Ako lamang ang tanging makasalanan, ang di-perpektong isa, ang dahilan ng lahat ng kasamaan sa pagitan natin, sa Israel, sa mundo... baka sa mga bituin din... Hindi ko na ito matatagalan pa! Hindi labis dahil nakikita ko na ako ang hulí, bagkus dahil nakikita ko na ang mga walang pangalan, katulad ng dalawang tangang iyon na nagsasalita sa Guro, ay hinahangaan na tila sila ay dalawang banal na mga taong-marurunong, pagod na ako ng...»

«Makinig, bata...» Si Pedro ay nagsisimulang magsalita, habang namumula ang mukha hindi labis dahil sa init, bagkus dahil sa pagpipigil sa sarili.

Ngunit si Tadeo ay pinuputol siya: «Hinuhusgahan mo ba ang ibang mga tao sa pamamagitan ng iyong sariling panukat? Subukan at maging isang “walang-pangalan” mismo katulad ng aking kapatid na si Santiago at si Juan ni Zebedeo, at hindi na magkakaroon ng mga imperpeksiyon sa loob ng apostoladong grupo.»

«Tingnan na ngayon, kung tama ako! Ako ay imperpeksiyon! Ah! Iyan ay sobra! Ngunit iyan ay...»

«Oo, sa palagay ko ito ay ang labis na alak na pinainom sa atin ni Jose at ang init na ito ay nababalisa ka... reaksiyon lamang ito ng dugo...» sabi nang napaka-kalmante ni Tomas, upang gawing isang biro ang pagtatalo, na malapit nang tumaas.

Ngunit si Pedro ay naubos na ang kanyang pasyensiya at na may nakapirming mga ngipin at nakarimatseng mga kamao upang patuloy na mapangibabawan ang kanyang sarili, sinabi niya: «Makinig bata. Isang bagay lamang ang kailangan mong gawin: lumayo nang sandali...»

«Ako? Lumayo? Sa pamamagitan ng utos mo? Ang Guro lamang ang makapagbibigay sa akin ng mga utos at Siya lamang ang aking susundin. Sino ka? Isang mahirap...»

«Isang mangmang, magaspang, mabuti-para-sa-wala na mangingisda. Tama ka... Ako ang unang magsasabi niyan. At sa harapan ng omnipresente, nakakakita-sa-lahat na si Jehovah, pinatutunayan ko na mas gusto ko na maging ang huli, sa halip na una, dinideklara ko na gusto kong makita ka o sino pa mang iba sa lugar ko, ngunit ikaw sa lahat, upang mapalaya ka sana sa halimaw ng paninibugho, na nagagawa kang di-makatarungan, at sana kailangan lamang na sundin kita, aking bata... At maniwala sa akin, mas higit na hindi ako mamomroblema ng kaysa kailanganin kong magsalita sa iyo bilang “una”. Ngunit Siya, ang Guro, ay itinalaga akong “una” sa pagitan ninyo... At kailangan ko Siyang sundin una sa lahat at higit pa kaysa sa kailangan kong sundin ang sino pa mang iba. At kailangan na sumunod ka. At sa pamamagitan ng aking mabuting sentido komun ng isang mangingisda sinasabi ko sa iyo na lumayo, hindi ayon sa pagkaintindi mo, pinagkakamalan ang aking nagpapaginhawang mga salita na mga maapoy na mga salita, ito ay bagkus ang lumayo nang sandali at mag-isa, magnilay... Ikaw ay nasa likuran naming lahat mula sa Bether hanggang sa lambak. Gawin mo iyang muli... Ang Guro nasa unahan... ikaw sa likuran... kami... ang mga walang-pangalan, sa gitna. Ang tanging gagawin lamang ng isa upang makaintindi at kumalma ay ang mag-isa. Makinig sa akin... Ito ay makakabuti para sa lahat, at sa iyo una sa lahat» At kinuha niya siya sa kamay at inilabas sa grupo, nagsasabing: «Ayan, manatili diyan habang sinasamahan namin ang Guro. Pagkatapos... sumama nang unti-unti, unti-unti... at makikita mo na ang bagyo maya-maya lang ay tapos na» at iniwan niya si Judas, sinasamahan ang kanyang mga kasamahan na mga nauuna na nang mga ilang metro.

«Ugh! Mas pinagpapawisan ako na nagsasalita sa kanya kaysa sa paglalakad... Anong sumpong! May makukuha ba tayo kailanman ng kahit na ano mula sa kanya?»

«Hindi kailanman, Simon. Ang aking Kapatid ay nagpipilit na mapanatili siya. Ngunit... wala Siyang makukuhang kahit na anong mabuti mula sa kanya» tugon ni Judas Tadeo sa kanya.

«Siya ay isang tunay na kaparusahan para sa atin!» bulong ni Andres, at naghinuha siya: «Si Juan at ako ay halos natatakot sa kanya at lagi kaming nananahimik kinatatakutan ang karagdagan pang mga pag-aaway.»

«Iyan sa katotohanan ang pinaka-magandang patakaran» sabi ni Bartolomeo.

«Hindi lamang ako makapanahimik» pagtanggap ni Tadeo.

«Ni hindi rin ako magtagumpay nang husto... Ngunit natuklasan ko ang lihim upang maging ganyan» sabi ni Pedro.

«Alin? Sabihin sa amin...» sabi nilang lahat.

«Nagtatrabaho nang katulad ng isang toro sa araro. Kahit na ang walang-pakinabang na trabaho... Isang bagay na magsisilbing makalabas mula sa aking dibdib ang bigat na namumuo sa loob ko... isang bagay na hindi si Judas.»

«Ah! Naintindihan ko! Iyan kung bakit nagawa mong masira ang mga tanim nang bumababa patungo sa lambak! Iyan kung bakit, eh!» tanong ni Santiago ni Zebedeo.

«Iyan nga... Ngunit ngayon... dito... wala akong kailangang maputol nang hindi nakagagawa ng pinsala. Nariyan lamang ang mga namumungang-puno na isang kasalanan ang sayangin sila... Tatlong beses akong kahirap nagtrabaho... sinisira ang aking sarili... upang hindi ako maging ang matandang Simon ng Capernaum... At ang aking mga buto ay sumasakit...»

Si Bartolomeo at ang Zealot ay gayon din ang pinakikita at nagsalita ng gayon ding mga salita: niyakap nila si Pedro bumubulalas: «At ikaw ay nagtataka na itinalaga ka Niya na una sa pagitan natin? Ikaw ay isang tagapagturo sa amin...»

«Ako? Dahil diyan?... Isang walang-kuwenta!... Ako ay isang kaawa-awang tao... Hinihingi ko lamang sa inyo na mahalin ako sa pagbibigay sa akin ng marunong na payo, simpleng nagmamahal na payo. Pagmamahal at kasimplehan na sana ako maging katulad ninyo... At alang-alang lamang sa Kanya dahil Siya ay labis nang namimighati...»

«Tama ka. Na sana tayo man lamang ay hindi maging ang dahilan ng Kanyang kapighatian!» bulalas ni Mateo.

«Nagkaroon ako ng malaking takot nang si Johanna ay pinatawag Siya. Kayong dalawa, na nauna, talaga bang wala kayong nalalaman na kahit ano?» tanong ni Tomas.

«Wala, walang tiyak. Ngunit iniisip namin na iyon ay may kaugnayan sa taong iyon sa likuran doon... na lagi nang may binabalak na kung ano» tugon ni Pedro.

«Manahimik! Ganyan din ang aking suspetsa nang mapakinggan ko ang Guro na nagsalita noong Sabbath» pagtanggap ni Judas Tadeo.

«Gayon din ako» sagot ni Santiago ni Zebedeo.

«O!... Hindi ko kailanman inisip iyan... ni kahit na noong makita ko si Judas na napaka-lungkot, napaka-bastos noong gabi, kailangan kong sabihin» sabi ni Tomas.

«Bueno. Ating kalimutan ang tungkol diyan. At subukan natin na... mapabuti siya, sa pamamagitan ng ating pagmamahal at mga sakripisyo. Katulad na naituro sa atin ni Marjiam...» sabi ni Pedro.

«Ano kaya ang maaaring ginagawa ni Marjiam?» tanong ni Andres ngumingiti.

«Sino ang nakaaalam!?... Malapit na natin siyang makasama. Ikinamamatay ko ang makita siya... Ang mga pagkakahiwalay na ito totoong nahihirapan ako nang husto.»

«Bakit kaya gusto ng Guro ang ganito. Ngayon... si Marjiam ay maaari ding makasama natin. Siya ay hindi na ang maliit na mahinang bata» wika ni Santiago ni Zebedeo.

«At pagkatapos.... kung siya ay nakapaglakad nang malayo noong nakaraang taon kung kailan siya noon ay napaka-hina, mas lalo na siyang makapaglalakad ngayon» sabi ni Felipe

«Sa palagay ko ito ay upang maiwasan na makakita siya ng ilang hindi magagandang bagay...» sabi ni Mateo.

«O makahalubilo ang ilang klaseng mga tao...» pabulong ni Tadeo na hindi matiis ang Iskariote.

«Baka tama kayong pareho» sabi ni Pedro.

«Siguradong hindi! Maaaring ginagawa Niya ito upang lumaki ang bata nang mas malakas. Makikita ninyo na sa susunod na taon makakasama natin ang bata.

«Sa sunod na taon! Makakasama pa ba natin ang Guro sa susunod na taon?» tanong ni Bartolomeo nag-iisip. «Ang Kanyang mga talumpati ay tila... napaka may-tinutukoy na kung ano sa akin...»

«Huwag mong sabihin iyan!» nakikiusap ang iba.

«Ayaw kong sabihin nang ganyan. Ngunit ang hindi magsalita ay hindi makakatulong na maalis kung ano ang nakatalagang mangyayari.»

«Bueno... Iyan pa ang isang rason kung bakit tayo ay kailangan na maging mas mabuti sa loob ng mga susunod na buwan... Upang hindi Siya mapamighati sa pagiging hindi handa. Ang ibig kong sabihin, ngayon na tayo ay magpapahinga sa Galilee, kailangan na turuan Niya tayong labindalawa lalo na hangga't maaari... Maging ano pa man darating din tayo diyan...»

«Oo. At iyan ang aking hinihintay. Ako ay matanda na at ang mga pagmamartsang ito sa init na ito ay nakagagawa ng labis na pampersonal na problema sa akin» pagtatapat ni Bartolomeo.

«At sa akin. Ako ay dating mabisyong tao at kung bibilangin mo ang aking mga taon mas matanda ako kaysa sa inisip ninyo. Mga kalabisan... eh! Nararamdaman ko na ang mga resulta nito sa aking mga buto ngayon... At kaming mga anak ni Levi ay naghihirap sa ganyang problema ayon sa kalikasan...»

«At ano ang tungkol sa akin? Ako ay may sakit sa loob ng maraming taon... at ang pamumuhay na iyon sa loob ng mga kuweba, na may kakaunting miserableng pagkain. Mararamdaman ng isa ang epekto ng gayong mga sitwasyon!

«Ngunit lagi mong sinasabi na mula nang ikaw ay napagaling laging malakas ang iyong pakiramdam?» tanong ni Judas na sumama na sa kanila at nasa likuran ng Zealot. «Ang epekto kaya ng himala ay natapos na?»

Ang nasira ngunit makahulugang mukha ng Zealot ay napangiwi, at tila upang magsabi: «Siya ay naririto! Panginoon, pagkalooban Ninyo ako ng pasyensiya!» Ngunit siya ay tumugon nang napakabait: «Hindi. Ang epekto ng himala ay hindi pa tapos. At makikita mo ito. Hindi pa ako muli nagkasakit. Ako ay malakas at malusog. Ngunit ang mga taon ay mga taon at ang pagod ay pagod. At ang init na ito, na nagagawa tayong mabasa ng pawis na tila tayo ay nahulog sa kanal, at ang mga gabi, na masasabi ko na lamig-yelo kompara sa init ng araw at pinayeyelo ang ating pawis sa ating mga katawan, habang ang hamog ay nagdadagdag ng mas marami pang kahalumigmigan sa ating mga damit na basa na ng pawis, ang lahat na iyan ay talagang hindi sa akin nakagagawa ng maganda. At gusto kong magkaroon ng pahinga upang maalagaan ko ang aking sarili. Sa umaga, lalo kapag tayo ay natutulog sa ilalim ng bukas na kalangitan, naninigas ang aking buong katawan. Kung ako ay maiimbalido, ano ang magiging pakinabang ko?»

«Makapaghihirap ka. Sinasabi ni Jesus na ang paghihirap ay kasing buti ng trabaho at panalangin» si Andres ay tumugon sa kanya.

«Walang anuman iyan. Ngunit mas gusto kong paglingkuran Siya bilang apostol at...»

«At ikaw ay pagod na din. Tanggapin mo. Pagod ka na na ipagpatuloy ang ganitong buhay nang walang inaasahang magagandang oras, sa kabaligtaran, may pang-uusig na inaasahan at... pagkatalo. Nagsisimula ka nang mag-isip na namimiligro kang maging inuusig-ng-batas muli» sabi ni Judas ng Kerioth.

«Wala akong iniisip na kahit na ano. Ang sinasabi ko ay pakiramdam ko magkakasakit ako.»

«O! dahil pinagaling ka Niya nang minsan!...» at si Judas ay mapanuyang tumatawa.

Si Bartolomeo ay nararamdaman na isa na naman na pag-aaway ang parating at upang maiwasan ito tinawag niya si Jesus. «Guro! Wala ba diyan ng para sa amin? Lagi Kayong nasa unahan namin!...»

«Tama ka, Bartolomai. Ngunit tayo ay titigil na ngayon. Nakikita mo ba ang maliit na bahay na iyon? Tayo ay pupunta roon sapagkat ang araw ay napakalakas. Lalakad tayong muli sa gabi. Kailangan na magmadali tayong pabalik sa Herusalem, sapagkat ang Pentekostes ay malapit na.»

«Ano ang inyong pinag-uusapan?» tanong ni Judas Tadeo sa kanyang kapatid.

«Isipin na lamang! Kami ay nagsimulang pagusapan si Jose ng Arimathea at kami ay nagtapos na pinag-uusapan ang tungkol sa dating ari-arian ni Joachim ng Nazareth at ang tungkol sa kanyang kinaugalian – hangga't sa magagawa niya – na kinukuha ang kalahati ng ani para sa kanyang sarili ibinibigay ang natitira sa mahihirap, na mabuting naaalaala lagi ng mga tao sa Nazareth. Gaanong mapag-ayuno ang dalawang makatarungang taong iyon, sina Anna at Joachim! Hindi kataka-taka na sila ay pinagkalooban ng himala ng isang Anak na Babae, ng Anak na Babaeng iyon!... At kasama si Jesus sinasariwa ko ang nakaraan, noong kami ay maliliit na mga bata pa...» At nagpapatuloy sila ng paguusap habang patungo sa bahay dumaraan sa maaraw na mga bukid.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus: «Ilalagay mo rito ang bisyon tungkol sa mahimalang paghihimalay alang-alang sa maliit na matandang babae (sa kapatagan sa pagitan ng Emmaus sa kapatagan at ng mga bundok patungong Herusalem) na nagkaroon ka noong Setyembre 27, 1944.»

291110

 



Sunod na kabanata