41. Ang Pakikipagtalo ni Jesus sa mga Doktor sa Templo.

Enero 28, 1944.

¹Nakikita ko si Jesus. Siya ay isang nagbibinata. Siya ay nakadamit ng isang tunika na sa palagay ko ay gawa sa puting linen, at umaabot ito hanggang sa Kanyang mga paa. Sa ibabaw nito, may suot Siyang isang malabnaw na pulang rektanggulong kapirasong tela. Walang saklob ang Kanyang ulo, ang Kanyang mahabang buhok ay umaabot sa kalahatian ng Kanyang mga tainga at ito ay medyo mas madilim sa kulay kaysa noong nakita ko Siya bilang isang bata. Siya ay isang malakas na bata at napakataas para sa Kanyang edad, na bata pa rin sa pagkumpara, katulad na ito ay halatang-halata sa Kanyang hitsura.

Tinitingnan Niya ako ngumingiti at inuunat ang Kanyang mga kamay patungo sa akin. Ngunit ang Kanyang ngiti ay ang ngiti na nakikita ko sa Kanya noong Siya ay isa nang ganap na lalaki: maamo ngunit kung baga seryoso. Siya ay nag-iisa. Wala akong makitang iba pansamantala. Siya ay nakasandal sa isang mababang pader sa isang minor na daan na lahat paakyat at pababa, may mga batong nakakalat at may isang kanal sa gitna na sa masamang panahon ay maaaring nagiging isang maliit na ilog. Ngunit sa pangkasalukuyan ito ay tuyô sapagkat ang araw ay maganda.

Ako ay tila rin lumalapit patungo sa mababang pader at tumingin ako sa paligid at sa ibaba, katulad ng ginagawa ni Jesus. Nakakakita ako ng isang grupo ng mga bahay na hindi regular ang mga porma. Ang ilan sa mga bahay ay matataas, ang iba mabababa, at sila ay nakakalat sa lahat ng direksiyon. Nagmumukha silang sandakot na maliliit na puting mga bato na itinapon sa maitim na lupa sa ibaba: ang pagkumpara ay hindi maganda ngunit mabuti na rin. Ang mga kalsada at mga daanan ay katulad ng mga ugat sa lahat ng kaputian na iyon. Dito at doon nakakakita ako ng ilang mga halaman umuusli mula sa mga pader. Marami ang nasa pamumulaklak habang ang iba ay natatakpan na ng mga bagong dahon. Maaaring ngayon ay tagsibol.

Sa aking kaliwa, ay naroon ang masibong istruktura ng Templo, sa tatlong grupo ng mga terasa na punó ng mga gusali at mga tore at mga yarda at mga balkonahe. Sa gitna, ang pinakamataas pinaka-solemne at maringal na gusali ay tumataas na may bilugang mga domo, na nagniningning sa sikat ng araw na tila nababalot ito ng tanso o ginto. Ang lahat ng ito ay nababakuran ng isang pandigmang pader, ang mga dungawán nito ay katulad ng mga dungawán ng isang muog. Ang isang tore na mas mataas kaysa sa iba pa, itinayo sa itaas ng isang kung baga makipot na umaakyat na daan, ay makikita mula rito ang isang maliwanag na tanawin ng napakalaking gusaling ito, nagmumukha itong isang mabalasik na guwardiya.

Si Jesus ay tinititigan ang lugar. Pagkatapos siya ay lumingon, sumandal muli sa pader, katulad ng Kanyang ginawa kanina at tinitingnan ang isang maliit na burol na nasa harapan ng gusali, isang maliit na burol na punó ng mga bahay ang paanan, habang ang lahat na iba pa nito ay walang mga bahay. Nakikita ko na ang isang kalsada ay nagtatapos sa banda roon nang palikò, sa kabila nito ay walang iba bagkus ang isang sementadong daan na may malalapad na kudradong bato, na maluluwag at di-pantay-pantay. Sila ay hindi napakalaki, hindi katulad ng mga bato ng mga konsular na daan ng Romano: mas nakakatulad pa nito ang klasikong mga bato ng lumang mga lakarán sa Viareggio (hindi ko alam kung mayroon pa ring natitira) ngunit hindi sila mágkakakabít. Isang tunay na magaspang na daan. Ang mukha ni Jesus ay naging napakaseryoso na aking tinitingnan ang maliit na burol umaasang makikita ko ang pinagmumulan ng Kanyang kalungkutan. Ngunit wala akong nakikitang anuman na espesyal. Ito ay isang hubad na maliit na burol at wala nang iba pa. Sa halip nawala ko si Jesus sapagkat noong lumingon ako, Siya ay wala na roon. At nakatulog ako sa bisyon na iyon.

²... Nang magising ako na ang alaalang iyon nasa aking puso, pagkatapos na nakakuha ulit ako ng lakas at ang aking isip ay nasa kapayapaan, sapagkat silang lahat ay tulog, nakita ko ang aking sarili na nasa sa isang lugar na hindi ko pa kailanman nakita noon. Dito ay may mga yarda at mga pontanya at mga balkonahe at mga bahay, o kung baga mga pabelyon, sapagkat mas nagmumukha silang mga pabelyon kaysa mga bahay. May isang malaking pulutong ng mga tao na nakadamit sa lumang istilo ng mga Hudyo, at may labis na hiyawan. Noong ako ay tumingin sa paligid napuna ko na ako ay nasa loob ng isang malaking gusali na tinitingnan ni Jesus noon, sapagkat nakikita ko ang pandigmang pader na nakapaikot dito, ang tore na nagbabantay sa ibabaw nito at ang kahanga-hangang gusali na tumataas sa gitna, at sa paligid nito ay may magaganda at malalaking balkonahe, kung saan maraming mga tao ang abalá sa kanilang mga ginagawa.

Naintindihan ko na ako ay nasa loob ng bakuran ng Templo sa Herusalem. Nakakakita ako ng mga Pariseo sa mahahabang dumadaloy na mga damit, mga paring nakasuot ng linen at may suot na mamahaling mga plaka sa ibabaw ng kanilang mga dibdib at sa kanilang mga noo at may iba pang nagkikislapan na mga punto dito at doon sa kanilang iba't ibang mga kapa, na napakalalapad at napakapuputi, natatalian sa kanilang mga baywang ng mamahaling mga sinturon. Mayroon ding iba na mas kakaunti ang mga dekorasyon, ngunit maaaring kasapi pa rin sila sa saserdotal na kasta at pinalillibutan ng mas nakababatang mga disipulo. Nabatid ko na sila ay ang mga doktor ng Batas.

³Sa gitna ng mga taong ito ako ay nawawala, sapagkat hindi ko alam kung bakit o kung ano ang aking ginagawa rito. Lumapit ako sa isang grupo ng mga doktor kung saan sila ay nagsimula ng isang teolohikal na pagtatalo. Maraming tao na ang ginagawa ay ganito rin.

Sa pagitan ng «mga doktor» ay may isang grupo na pinamumunuan ng isa na ang pangalan ay Gamaliel at ng isa pang matanda at halos bulag na lalaki na sumusuporta kay Gamaliel sa pagtatalo. Ang lalaking ito, na ang kaninong pangalan napakinggan ko ay Hillel (sinusulat ko ito na may ‘h’ sapagkat naririnig ko ang isang pasingaw na tunog sa simula ng pangalan) ay tila isang tagapagturo o kamag-anak ni Gamaliel, sapagkat ang huli ay tinatrato siya nang may pagkakilala at paggalang din. Ang grupo ni Gamaliel ay mas malawak ang pananaw, samantalang ang isa pang grupo, at ito ay mas nakakarami, ay pinangungunahan ng isa na ang pangalan ay Shammai, at kapuna-puna sa pagka-konserbatibo, sa mapaghinanakit na intoleransiya na tinuran nang mabuti sa Ebanghelyo.

Si Gamaliel, napalilibutan ng isang siksik na grupo ng mga disipulo, ay nagsasalita tungkol sa pagdating ng Mesiyas, at ibinabasi ang kanyang mga obserbasyon sa propesiya ni Daniel, sinasabi niya na ang Mesiyas ay maaaring naipanganak na, sapagkat ang prenopesiya na pitumpung linggo, mula noong panahon na pinalabas ang dekreto ng pagtatayong-muli ng Templo, ay natapos na mga sampung taon na ang nakararaan. Si Shammai ay sinasalungat siya nagsasabing, kung totoo na ang Templo ay naitayo nang muli, totoo rin na ang pagkaalipin ng Israel ay lumaki at ang kapayapaan, na siyang sinasabi ng propeta na dadalhin ng tinatawag niya na «Prinsipe ng Kapayapaan», ay napakalayo pa na mapunta sa mundo at lalo nang malayo mula sa Herusalem. Ang bayan sa katotohanan ay nasisiil ng isang kaaway na napaka-pangahas na ipilit ang kanyang paghahari sa loob ng bakuran ng Templo, na napaghaharian ng Antonia Tower, punó ng mga lehiyonaryong Romano, nakahandang patahimikin sa pamamagitan ng kanilang mga espada ang kahit anong pagkakagulo na maaaring sumiklab para sa págsasarilí ng bansa.

Ang pagtatalo, punó ng makapritsong mga pagtututol, ay walang katapusan na nakakaladkad patungo sa kung saan-saan. Ang lahat na mga doktor ay pinakikita ang lahat ng kanilang mga natutunan, hindi labis upang matalo ang kanilang kalaban bagkus upang maipakita ang kanilang mga sarili sa paghanga ng mga nakikinig. Ang kanilang pakay ay halatang-halata.

⁴Mula sa saradong grupo ng mga naniniwala ang maliwanag na tinig ng isang batang lalaki ay narinig: «Tama si Gamaliel.»

Nagkaroon ng pagkagulat sa loob ng pulutong at sa loob ng grupo ng mga doktor. Hinahanap nila ang nakialam. Ngunit hindi na kinakailangan na hanapin pa siya, sapagkat siya ay hindi nagtatago. Naglalakad siya sa pagitan ng pulutong at lumapit sa grupo ng mga «rabbi». Nakilala ko ang aking Jesus Na nagbibinata. Siya ay nakatitiyak sa Kanyang sarili at bukas-palad, ang Kanyang mga mata ay kumikislap sa katalinuhan.

«Sino Ka?», tinatanong Siya nila.

«Ako ay isang anak ng Israel, na naparito upang tupdin ang pinanunúto ng Batas.»

Ang Kanyang pangahas at prangkong tugon ay naunawaan, at kumita ito para sa Kanya ng mga ngiti ng pagsang-ayon at pabor. Nagkaroon sila ng interes sa batang Israelita.

«Ano ang pangalan Mo?»

«Jesus ng Nazareth.»

Ang pakiramdam na kagandahang-loob ay naglaho sa grupo ni Shammai. Ngunit si Gamaliel, mas may kaamuan, ay patuloy sa pakikipagusap kay Hillel. Si Gamaliel ngang totoo ang may paggalang na nagmungkahi sa matandang lalaki: «Tanungin ang bata ng kahit ano.»

«Saan Mo binabasi ang Iyong pagtitiyak?» tanong ni  Hillel. (Ilalagay ko na ngayon ang mga pangalan sa harapan ng mga tugon sa pagpapaikli at kalinawan.)

Jesus: «Sa propesiya na hindi maaaring magkamali tungkol sa panahon at sa mga tanda na lumabas noong ito ay nagkatotoo. Totoo na si Caesar ay napaghaharian tayo, ngunit ang mundo at ang Palestina ay nasa gayong kapayapaan noong natapos ang pitumpung linggo, na naging posible para sa Caesar na iutos ang senso sa kanyang mga nasasakupan. Kung nagkaroon ng mga digmaan sa Imperyo at mga kaguluhan sa Palestina, hindi sana niya nagawa ito. Dahil sa ang panahon na iyon ay nakumpleto na, ang isa pang panahon ng animnapu’t dalawang linggo dagdagan ng isa mula sa pagkatapos ng pagtayong-muli sa Templo ay kinukumpleto na rin, upang ang Mesiyas ay sana mapahiran ng langis at ang natitira pang propesiya ay sana magkatotoo para sa sambayanan na ayaw sa Kanya. Mapagdududahan ba ninyo ito? Hindi ba ninyo naaalaala ang bituin na nakita ng mga Mago mula sa Silangan at tumigil sa itaas ng kalangitan ng Bethlehem ng Judah at na ang mga propesiya at mga bisyon, mula pa kay Jacob pataas, ay sinabi nito na ang lugar na iyan ang itinakdang siyang kapanganakang lugar ng Mesiyas, anak ng anak ng anak ni Jacob, sa pamamagitan ni David na mula sa Bethlehem? Hindi ba ninyo naaalaala si Balaam? “Isang Bituin ang ipanganganak kay Jacob”. Ang mga Mago mula sa Silangan, na ang kaninong kadalisayan at pananampalataya ay nagbukas sa kanilang mga mata at mga tainga, ay nakita ang Bituin at naintindihan ang Pangalan nito: “Mesiyas”, at sila ay pumunta upang sambahin ang Liwanag na bumaba sa mundo.»

jesus_argueSi Shammai, pinanlilisikan Siya: «Ang ibig Mo bang sabihin ang Mesiyas ay pinanganak sa Bethlehem-Ephrathah sa panahon ng Bituin?»

Jesus: «Oo.»

Shammai: «Kung gayon wala na siya. Hindi mo ba alam, Bata, na pinapatay ni Herodes ang lahat na pinanganak ng babae, mula isang taong gulang hanggang dalawang taon, sa Bethlehem at sa mga kapaligiran? Ikaw, Na napakadunong sa mga Iskriptura, ay kailangan na malaman din ito: “Isang tinig ang napakinggan sa Ramah... ito ay si Rachel umiiyak para sa kanyang mga anak”. Ang mga lambak at mga burol sa Bethlehem, na nag-ipón sa mga luha ng namamatay na Rachel, ay naiwan na punó ng mga luha, at ang mga ina ay umiyak muli sa pinatay na mga bata. Kasama rito, ay tiyak na naroroon ang Ina ng Mesiyas.»

Jesus: «Nagkakamali ka, matandang lalaki. Ang pag-iyak ni Rachel ay naging isang hosana, sapagkat doon, kung saan niya pinanganak “ang anak ng kanyang mga kapighatian”, ang bagong Rachel ay nagbigay sa mundo ng Benjamin ng makalangit na Ama, ang Anak ng Kanyang kanang kamay, Siya Na nakatalagang mag-iipon sa sambayanan ng Diyos sa ilalim ng Kanyang setro at palayain ito sa pinaka-nakakatakot na pagkaalipin.»

Shammai: «Papaano iyan mangyayari, kung Siya ay napatay?»

Jesus: «Hindi ka ba nakapagbasa tungkol kay Elijah! Siya ay dinala ng karwaheng apoy. At hindi ba maililigtas ng Panginoong Diyos ang kanyang Immanuel upang sana Siya ay maging ang Mesiyas ng kanyang sambayanan? Siya, Na naghiwalay sa dagat sa harapan ni Moses na sana ang Israel ay makapaglakad sa tuyong lupa patungo sa lupain nito, hindi ba kaya Niya pinadala ang Kanyang mga anghel upang iligtas ang Kanyang Anak, ang Kanyang Kristo, sa kabangisan ng tao? Sasabihin Ko sa iyong totoo: ang Kristo ay buhay at nasa pagitan ninyo, at kapag dumating na ang Kanyang oras, ipakikita Niya ang Kanyang Sarili sa Kanyang kapangyarihan.» Si Jesus, sa pagsasabi ng mga salitang ito, na aking nilagyan ng tanda, ay may isang matalas na tunog sa Kanyang tinig na pumuno sa ere. Ang Kanyang mga mata ay mas matingkad kailanpaman, at nang may paggalaw ng pag-utos at pangangako iniunat Niya ang Kanyang kanang braso at kamay at ibinábaba ito na tila Siya ay nanunumpa. Siya ay isang bata, ngunit kasing solemne katulad ng isang lalaki.

Hillel: «Bata, sino ang nagturo sa Iyo ng mga salitang ito?»

Jesus: «Ang Espiritu ng Diyos. Ako ay walang taong tagapagturo. Ito ay ang Salita ng Panginoon Na nagsasalita sa inyo  sa pamamagitan ng Aking mga labì.»

Hillel: «Lumapit Ka sa amin upang sana makita Kita, Bata,  at ang aking pag-asa ay sana mabuhayan-muli ng Iyong pananampalataya at ang aking kaluluwa matanglawan ng Iyong kaningningan.»

⁵At ginawa nila si Jesus na maupo sa isang mataas na bangkito sa pagitan nina Gamaliel at Hillel at binigyan nila Siya ng ilang mga rolyo upang basahin at ipaliwanag. Ito ay isang pinaka-iksaminasyon. Ang mga tao ay nag-uumpugan ang mga ulo at nakikinig.

Si Jesus ay nagbabasa sa Kanyang maliwanag na tinig: «Maginhawahan, aking sambayanan. Magsalita sa puso ng Herusalem at sabihin sa kanya na ang panahon ng kanyang pagseserbisyo ay tinapos na... Ang isang tinig ay sumisigaw sa disyerto: “Maghanda ng isang daan para sa Panginoon... pagkatapos ang kaluwalhatian ng Panginoon ay ibubunyag...”»

Shammai: «Kita Mo iyan, Nazareno. Tinutukoy niyan ang isang natapos na na pagkaalipin, ngunit hindi kahit kailanman noon na tayo ay naging mga alipin nang katulad ngayon. At may binabanggit na isang prekursor. Nasaan siya? Nagsasalita Ka ng kalokohan.»

Jesus: «Sasabihin Ko sa iyo na ang panghihikayat ng Prekursor ay kailangan na sa iyo maituon nang higit pa kaysa sa sino pa man. Sa iyo at sa mga katulad mo. Kung hindi’y hindi mo makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon, ni hindi mo maiintindihan ang salita ng Diyos sapagkat ang panghahangad ng masama, pagmamalaki at pagsisinungaling ay mapipigilan kang makakita at makarinig.»

Shammai: «Anong lakas ng loob Mong magsalita sa isang guro nang ganyan?»

Jesus: «Ganyan Ako magsalita. At ganyan Ako magsasalita kahit hanggang sa Aking kamatayan, sapagkat sa itaas Ko ay naririyan ang mga interes ng Panginoon at ang pagmamahal para sa Katotohanan na ang Kaninong Anak ay Ako. At dinadagdag Ko, rabbi, na ang pagkaalipin na siyang sinasabi ng Propeta, at na siyang Aking sinasabi, ay hindi ang isang iyong iniisip, ni hindi rin ang pagkaharing iyong iniisip. Sa kabaligtaran, sa pamamagitan ng mga merito ng Mesiyas ang tao ay mapalalaya sa pagkaalipin ng Kasamaan, na naghihiwalay sa kanya sa Diyos, at ang tanda ng Kristo ay mapupunta sa mga espiritu, napalaya sa bawat pasanin at ipinailalim sa eternal na kaharian. Ang lahat ng mga nasyon ay iyuyuko ang kanilang mga ulo, o sambahayan ni David, sa harapan ng Usbong na pinanganak sa iyo at lalago ito sa pagiging isang púno na sasakop sa buong mundo at tataas sa Langit. At sa Langit at sa lupa ang bawat bunganga ay pupurihin ang Kanyang Pangalan at iyuyuko ang tuhod nito sa harapan ng Pinahiran ng Diyos, ang Prinsipe ng Kapayapaan, ang Lider, sa harapan Niya Na sa pag-alay ng Kanyang Sarili ay pupunuin ng lugod at ng pagkain ang bawat pinanghinaan ng loob at ang namamatay na kaluluwa, sa harapan ng Banal na Isa Na magtatatag ng alyansa sa pagitan ng Langit at lupa. Hindi katulad ng Tipan na ginawa ng mga Nakatatanda ng Israel noong sila ay inilabas ng Diyos sa Ehipto, tinatrato silang mga katulong pa rin, bagkus lalagyan ng isang makalangit na paternidad ang mga kaluluwa ng mga tao na ang Grasya naibalik na muli sa pamamagitan ng mga merito ng Tagapagtubos, na sa pamamagitan Niya ang lahat na mabubuting tao ay makikilala ang Panginoon at ang Santuwaryo ng Diyos ay hindi na muli mabubuwag at masisira.»

Shammai: «Huwag maglapastangan, Bata! Alalahanin si Daniel. Sinasabi niya na pagkaraan ng kamatayan ng Kristo, ang Templo at ang Bayan ay sisirain ng isang sambayanan at ang isang lider ay darating mula sa malayo. At pinangangatawanan Mo na ang santuwaryo ng Diyos ay hindi na muling mabubuwag! Irespeto ang mga Propeta!»

Jesus: «Sasabihin Ko sa iyong totoo na may Isa Na mas mataas pa kaysa sa mga Propeta, at hindi mo Siya nakikilala at hindi mo Siya makikilala sapagkat ayaw mo. At sasabihin Ko sa iyo na ang Aking sinasabi ay totoo. Ang totoong Santuwaryo ay hindi mapaiilaliman ng kamatayan. Bagkus katulad ng Tagapagpabanal nito ito ay tataas sa eternal na buhay at sa katapusan ng mundo ito ay mabubuhay sa Langit.»

Hillel: «Makinig sa akin, Bata. Si Haggai ay nagsasabi: “... Ang isang Hinihintay ng mga nasyon ay darating... dakila kung gayon ang magiging kaluwalhatian ng bahay na ito, at ng huling ito mahigit pa sa naunang isa”. Tinutukoy kaya niya ang Santuwaryong Iyong sinasabi?»

Jesus: «Oo, guro. Iyan ang ibig niyang sabihin. Ang inyong katapatan ay nadala kayo sa Liwanag at sinasabi Ko sa inyo: kapag naganap na ang sakripisyo ng Kristo, magkakaroon kayo ng kapayapaan sapagkat kayo ay isang Israelita na walang kasamaan.»

Gamaliel: «Sabihin sa akin, Jesus. Papaano ang kapayapaan na sinasabi ng mga Propeta maaasahan, kung ang kasiraan ay darating sa sambayanan na ito sa pamamagitan ng digmaan? Magsalita at tanglawan din ako.»

Jesus: «Naaalaala mo ba, guro, kung ano ang sinasabi ng mga naroroon noong gabi ng kapanganakan ng Kristo? Na ang mga anghel ay umawit: “Kapayapaan sa mga tao ng mabuting kalooban” ngunit ang mga taong ito ay hindi ng mabuting kalooban at hindi magkakaroon ng kapayapaan. Hindi nito kikilalanin ang Hari nito, ang Makatarungang Tao, ang Tagapagligtas, sapagkat inaasahan nila Siya na magiging isang hari na may pantaong kapangyarihan, samantalang Siya ay ang Hari ng espiritu. Hindi nila Siya mamahalin, sapagkat hindi nila magugustuhan kung ano ang tinuturo ng Kristo. Hindi tatalúnin ng Kristo ang kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng kanilang mga karwahe at mga kabayo, sa halip tatalúnin Niya ang mga kaaway ng kaluluwa, mga kaaway na nagsisikap na makulong sa impiyerno ang puso ng tao na nilikha para sa Panginoon. At hindi ito ang tagumpay na inaasahan ng Israel mula sa Kanya. Ang iyong Hari ay darating, Herusalem, nakasakay sa isang “asno at isang bisiro”, ibig sabihin,  ang makatarungang mga tao ng Israel at ang mga Hentil.  Ngunit sasabihin Ko sa inyo, ang bisiro ay mas magiging matapat sa Kanya at susundan Siya inuunahan ang asno at lalago sa mga daan ng Katotohanan at Buhay. Dahil sa kasamaan nito, ang Israel ay mawawalan ng kapayapaan nito at maghihirap nang maraming siglo at gagawin nito na maghirap ang Hari nito at gagawin Siyang ang Hari ng kapighatian Na siyang sinasabi ni Isaiah.»

Shammai: «Ang Iyong bunganga ay naglalasang gatas at paglalapastangan din, Nazareno. Sabihin sa akin: nasaan ang Prekursor? Kailan siya napapunta sa atin?»

Jesus: «Siya ay naririyan. Si Malachi ba ay hindi nagsasabi: “Dito ipadadala ko ang Aking mensahero upang ihanda ang daan para sa Akin; at ang Panginoon na inyong hinahanap ay bigla na lamang papasukin ang Kanyang Templo, at ang anghel ng Tipan Na inyong inaasam”? Kung gayon ang Prekursor ay kaagad nauuna sa Kristo. Siya ay naririyan na, katulad na ang Kristo ay naririyan na. Kung maraming mga taon ang mamamagitan sa kanya na maghahanda ng mga daan para sa Panginoon at sa Kristo, ang lahat na mga daan ay mahahadlangan at mababaluktot na muli. Alam ng Diyos at inaayos ito bago pa man na ang Prekursor ay kailangan na mauna sa Guro nang isang oras lamang. Kapag makita ninyo ang Prekursor na ito, masasabi ninyo: “Ang misyon ng Kristo ay nagsisimula na”. At sasabihin Ko sa inyo: bubuksan ng Kristo ang maraming mga mata at maraming mga tainga kapag Siya ay nasa daan na Niya. Ngunit hindi Niya bubuksan ang sa inyo o ang mga mata at tainga ng mga taong katulad ninyo, sapagkat ipapapatay ninyo Siya Na nagdadala sa inyo ng Buhay. Ngunit kapag ang Tagapagtubos ay naupo sa Kanyang trono at sa Kanyang altar, sa mas mataas pa kaysa sa Templong ito, sa mas mataas pa kaysa sa Tabernakulong nakapaloob sa Banal ng mga Banal, sa mas mataas pa kaysa sa Kaluwalhatian na suportado ng Kerubin, maldisyon para sa mamamatay ng diyos at búhay para sa mga Hentil ang dadaloy mula sa libu-libo at libu-libo pang mga sugat, sapagkat Siya, o guro na hindi nag-aalam tungkol dito, ay hindi, inuulit Ko, hindi ang hari ng isang pantaong kaharian, bagkus ng isang espirituwal na Kaharian at ang Kanyang mga masasakupan ay magiging tanging ang mga tao na alang-alang sa Kanya ay matututong magbagong-buhay sa espiritu at, katulad ni Jonah, pagkatapos na maipanganak, ay matututong maipanganak muli, sa ibang mga dalampasigan: “Sa mga dalampasigan ng Diyos”, sa pamamagitan ng isang espirituwal na rehenerasyon na mangyayari sa pamamagitan ng Kristo, Na magbibigay sa sangkatauhan ng totoong Buhay.»

Si Shammai at ang kanyang mga tagasunod: «Ang Nazarenong ito ay Satanas!»

Si Hillel at ang kanyang mga tagasunod: «Hindi. Ang Batang ito ay isang Propeta ng Diyos. Manatili Ka sa akin, Bata. Isasalin ng aking matandang edad kung ano ang nalalaman ko sa Iyong kaalaman at Ikaw ay magiging Guro ng sambayanan ng Diyos.»

Jesus: «Sasabihin Ko sa inyong totoo na kung marami ang katulad ninyo, ang kaligtasan ay darating sa Israel. Ngunit ang Aking oras ay hindi pa dumarating. Ang mga tinig mula sa Langit ay nagsasalita sa Akin at sa pag-iisa kailangan na ipunin Ko sila  hanggang dumating ang Aking oras. Pagkatapos sa pamamagitan ng Aking mga labì at ng Aking dugo Ako ay magsasalita sa Herusalem, at ang kapalaran ng mga Propeta pinagbabato at pinapatay niya, ay magiging Akin ding kapalaran. Ngunit sa itaas ng Aking buhay ay nariyan ang Panginoong Diyos, kung Kanino Ko sinusumite ang Aking Sarili bilang isang matapat na lingkod, upang gawin ang Aking Sarili na isang tuntungan para sa Kanyang kaluwalhatian, naghihintay na gagawin Niya ang mundo na maging isang tuntungan sa mga paanan ng Kristo. Maghintay para sa Aking oras. Ang mga batong ito ay maririnig muli ang Aking tinig at manginginig napapakinggan ang Aking huling salita. Pinagpala ang mga tao na sa tinig na iyan maririnig ang Diyos at maniniwala sa Kanya dahil diyan. Sa kanila ibibigay ng Kristo ang kaharian na iyan na ang inyong pagkamakasarili ay iniisip na isang pantaong kaharian, samantalang iyan ay isang makalangit na kaharian at dahil diyan sinasabi Ko: “Naririto ang Inyong lingkod, Panginoon, Na naparito upang gawin ang Inyong kalooban. Gawing mangyari ito, sapagkat nananabik Akong gampanan ito”.»

At dito, sa bisyon ni Jesus na ang Kanyang mukha umaapoy sa espirituwal na init at nakataas sa Langit, ang Kanyang mga kamay nakaunat, nakatayong tuwid sa gitna ng namamanghang mga doktor, ang bisyon ay nagtatapos.

(at ngayon ay 3:30 ng ika 29).

                                                                -------------------------------

Enero 29 1944.

⁶Mayroon ako ritong dalawang bagay na sasabihin sa inyo at na tiyak na magugustuhan ninyo. Nagpasya akong isulat sila kaagad nang makalabas ako sa aking kaantukan. Ngunit sa dahilan na may isang bagay na mas kailangang-kailangan, isusulat ko ito saka na. (…)

Ang ibig kong sabihin sa inyo sa simula ay ito. Ngayon tinatanong ninyo ako kung papaano ko nalaman ang mga pangalan ni Hillel, Gamaliel at ni Shammai.

Ito ay ang tinig na aking tinatawag «ang ikalawang tinig» na nagsasabi sa akin ng mga bagay na ito. Isang tinig na mas mahina pa kaysa sa tinig ni Jesus at ng mga tinig ng ibang mga tao na nagdidikta. Ito ay mga tinig, sinabi ko ito sa inyo at aking inuulit, na naririnig ng aking espirituwal na pandinig bilang kapareho ng mga tinig ng tao. Naririnig ko sila bilang mabait o galit na mga tinig, malakas o mahina, malugod o malungkot, na tila ang isa ay nagsasalita nang napakalapit sa akin, ang «ikalawang tinig», sa halip, ay katulad ng isang liwanag, isang pakiramdam na nagsasalita sa loob ng aking espiritu. «Sa loob» hindi «sa» aking espiritu. Ito ay isang pahiwatig.

Kung kaya’t, habang nilalapitan ko ang grupo ng mga nagtatálong mga partido at hindi ko nalalaman kung sino ang ilustradong personahe na nakikipagtalo nang mainitan sa tabi ng isang matandang lalaki, ang internal “na isang bagay na ito” ay nagsabi sa akin: “Gamaliel – Hillel”. Oo. Una Gamaliel at pagkatapos Hillel. Wala akong pagdududa tungkol dito. Habang nag-iisip ako kung sino sila, ang internal na tagapag-ulat ay sinabi sa akin ang ikatlong di-mabuting indibidwal, habang tamang-tamang tinatawag siya ni Gamaliel sa pangalan. At diyan ko nalaman kung gayon kung sino ang mamâ na may hitsura ng isang Pariseo.

Ngayon ang internal na tagapag-ulat na ito ay ginagawa akong maintindihan ko na nakikita ko ang sansinukuban pagkaraan ng kamatayan nito. Ganito rin ang nangyayari nang maraming beses sa mga bisyon. Ang tagapag-ulat na ito ang gumagawa sa akin na maintindihan ko ang ilang mga detalye na hindi ko kailanman masasakyan nang aking sarili mismo at na kinakailangan para sa pag-intindi. Hindi ko alam kung nagawa kong malinaw ang aking sarili.

Ngunit titigil na ako sapagkat si Jesus ay nagsisimula nang magsalita. (…)

                                                                ---------------------------

Pebrero 22, 1944.

jesus sinab

⁷Sinasabi ni Jesus:

«Munting Juan, maging matiyaga. Mayroong isang bagay. At ating gawin ito upang masiyahan ang iyong espirituwal na Director at makumpleto ang gawa. Ibig Ko ang gawang ito na maibigay bukas: Miyerkules ng Abo. Ibig Kong kumpletuhin mo ang gawain na ito sapagkat... gusto Kong maghirap kang kasama Ko.

⁸Tayo ay bumalik, sa malayo. Tayo ay bumalik sa Templo kung saan Ako, isang labindalawang taong gulang na bata, ay nakikipagtalo. Hindi, bagkus, tayo ay bumalik sa mga daan na magdadala sa isa sa Herusalem at mula sa Herusalem hanggang sa Templo.

Tingnan ang pagkabahala ni Maria, noong Kanyang napuna, pagkatapos na ang mga kalalakihan at mga kababaihan ay nagka-ipun-ipon, na Ako ay hindi kasama ni Jose.

Hindi Niya sinisisi nang grabe ang Kanyang esposo. Ang bawat babae ay sana ginawa na iyan. Ginagawa ninyo iyan sa mas kulang pa, kinakalimutan na ang lalaki ay ang ulo pa rin ng pamilya. Ngunit ang kirot na lumalabas sa mukha ni Maria ay sinasaktan ang puso ni Jose nang mas higit pa kaysa sa kahit ano pa mang paninisi. Si Maria ay hindi mahilig sa mga madramang pagpapakita ng Kanyang masamang nararamdaman. Ginagawa ninyo iyan para sa mas kulang pang dahilan sapagkat hilig ninyo ang mapuna at kaawaan. Ngunit ang Kanyang pigíl na pamimighati ay kitang-kita: Siya ay magsisimulang manginig, ang Kanyang mukha ay mamumutla, ang Kanyang mga mata ay dilat-na-dilat at kung gayon nakakakuha Siya ng awa nang higit pa kaysa sa kahit ano pa mang biglaang buhos ng mga luha at mga iyak.

Siya ay hindi na pagod o gutom. Subalit ang paglalakbay ay isang mahabang paglalakbay at wala pa Siyang kinakain na kahit ano sa loob ng  napakaraming oras! Ngunit hindi Niya pinapansin ang lahat: ang kama na Kanyang inihahanda at ang pagkain na nakahanda nang ipamigay. Siya ay bumalik. Gabi noon, madilim. Hindi na bale. Ang bawat hakbang ay dinadala Siya patungo sa Herusalem. Tumitigil Siya sa mga karabana at mga peregrino at tinatanong sila. Si Jose ay nakasunod sa Kanya at tinutulungan Siya. Isang mahabang araw ng paglalakad pabalik sa Herusalem at pagkatapos ang mainitang paghahanap sa bayan.

Saan, saan kaya napunta ang Kanyang Jesus? At sa pamamagitan ng pag-uubaya ng Diyos para sa maraming oras hindi Niya malalaman kung saan Ako hahanapin. Ang maghanap para sa isang bata sa loob ng Templo ay tila walang katuturan. Ano ang maaaring gawin ng isang bata sa loob ng Templo? Ang pinakamaganda nang mangyayari ay, kung siya ay nawala sa bayan at ang kanyang maliliit na hakbang ay nadala siyang pabalik sa Templo,  umiyak sana siya para sa kanyang ina at nakatawag pansin sana ito sa mga tao at mga pari, na maaaring gumawa ng kinakailangang mga hakbang upang makita ang mga magulang sa pamamagitan ng mga patalastas na iiwanan sa mga geyt. Ngunit walang mga patalastas. Wala sa bayan ang sinuman na nakaaalam ng kahit ano tungkol  sa Batang ito. Maganda? Olandesa? Malakas? Napakaraming katulad niyan! Iyan ay napakaliit upang makapagsabi ang sinuman: “Nakita ko Siya.  Siya ay naroroon o roon”!

⁹Pagkatapos, pagkaraan ng tatlong araw, ang simbolo ng tatlong iba pang mga araw ng paghihirap sa hinaharap, si Maria, hapô, ay pinasok ang Templo, naglalakad sa tabi ng mga yarda at ng mga bulwagan. Wala. Siya ay tumatakbo, ang kaawa-awang Ina, patungo sa kung saan may naririnig Siyang tinig ng isang bata. Kahit na ang paghuni ng mga kordero ay nagbibigay sa Kanya ng pahiwatig na naririnig Niya ang Kanyang Anak na umiiyak at naghahanap para sa Kanya. Ngunit si Jesus ay hindi umiiyak. Siya ay nagtuturo. Nang bigla na lamang, mula sa nakaharang na isang malaking grupo ng mga tao, napakinggan Niya ang Kanyang tinig nagsasabing: “Ang mga batong ito ay manginginig...” Nagsikap Siyang makaraan sa gitna ng pulutong, at nagtagumpay pagkaraan ng labis na pagsisikap. Ayón ang Kanyang Anak, nakatayo sa gitna ng mga doktor na ang Kanyang mga kamay nakaunat.

¹⁰Si Maria ay ang Mahinahon na Birhen. Ngunit sa pagkakataon na ito ang pagkabahala ay natalo ang kahinahunan. Ito ay isang bagyo na sumisira ng lahat. Tumakbo Siya patungo sa Kanyang Anak, niyayakap Siya, itinataas Siya mula sa bangkito at ibinababa Siya sa lupa at Siya ay bumulalas: “O! Bakit Mo ito ginawa sa amin? Sa loob ng tatlong araw kami ay naghahanap para sa Iyo. Ang Iyong Inay ay namamatay sa kirot, Anak. Ang Iyong ama ay hapò sa pagod. Bakit, Jesus?”

Hindi ka magtatanong ng “bakit” sa Kanya Na nakaaalam. “Bakit” Siya umasal sa gayong paraan. Hindi mo tatanungin ang may mga bokasyon ng “bakit” iniwan nila ang lahat upang sundin ang tinig ng Diyos. Ako ay Karunungan noon at alam Ko. Ako ay tinawag sa isang misyon at ginagampanan Ko ito. Sa itaas ng makalupang ama at ina ay nariyan ang Diyos, ang Dibinong Ama. Ang Kanyang mga interes ay mataas sa atin, ang Kanyang mga nararamdaman ay superyor sa lahat na iba pa. At sinabi Ko sa Aking Ina.

Tinapos Ko ang Aking pagtuturo sa mga doktor sa pamamagitan ng leksiyon kay Maria, ang Reyna ng mga doktor. At hindi Niya kailanman nakalimutan iyon. Ang araw ay nagsimula na ulit na sumikat sa Kanyang puso ngayon na Ako ay nasa sa Kanya na, mapagpakumbaba at masunurin, sa tabi Niya, ngunit ang Aking mga salita ay malalim na napabaon sa Kanyang isip. Magkakaroon ng labis na sikat ng araw at maraming mga ulap ang mag-iipun-ipon sa kalangitan sa susunod na dalawampu’t isang taon na mapapasa-lupa Ako. At dakilang mga lugod at maraming mga luha ang magsasalit-salitan sa Kanyang puso sa loob ng susunod na dalawampu’t isang taon. Ngunit hindi na muli Siya magtatanong: “Aking Anak, bakit ginawa Mo ito sa amin?”

O! walang pakundangan na mga tao, matutunan ang inyong leksiyon.

Pinangasiwaan at pinaliwanagan Ko ang bisyon, sapagkat ikaw, munting Juan, ay wala nang magawa pang iba.

¹¹Ngayon makinig sa Aking sasabihin. Gusto Kong mabuo ang munting aklat na ito ayon sa sumusunod:

Unang kapighatian: Ang Presentasyon sa Templo. Ikalawang kapighatian: pagtira sa Ehipto. Ikatlong kapighatian: Si Jesus nawala sa Templo, Ikaapat na kapighatian: ang kamatayan ni San Jose. Ikalimang kapighatian: Ang Aking pag-alis sa Nazareth. Pagkatapos ang diktasyon na may petsang Pebrero 10, 1944. Ikaanim na kapighatian: ang deskripsiyon tungkol sa bisyon na may petsang Pebrero 13 (4 na punto: ang sinagoga, ang bahay sa Nazareth, sermon ni Jesus sa sinagoga, ang pakikipagusap sa Kanyang Ina pagkatapos na makatakas sa Nazareth). Ikapitong kapighatian: ang bisyon na may petsang Pebrero 14. Pagkatapos ang diktasyon na may petsang Pebrero 15. Pagkatapos ang diktasyon na may petsang Pebrero 16. Ikawalong kapighatian: ang hapunan noong Paskuwa. Ikasiyam na kapighatian: ang Pasyon, kinukuha ang bisyon na may petsang Pebrero 11, l943 at kinakabit ito sa isa na may petsang Pebrero 18. Ikasampung kapighatian: ang paglilibing kay Jesus (Pebrero 19). Pagkatapos ang bisyon at ang diktasyon na may petsang Pebrero 21. Ang bisyon at ang diktasyon na may petsang Pebrero 21. Ang bisyon at ang diktasyon na may petsang Pebrero 22 hanggang sa punto na tinuran. Ang iba pang diktasyon tungkol sa pagkakita kay Jesus sa Templo ay kailangan na ilagay sa lugar nito sa ikatlong kapighatian.

Una si Padre ay gagawin ang pangkaraniwang munting aklat para sa kanyang sarili at para sa iyo at itatama mo ito upang sana wala ni kahit isang pagkakamali dito. Pagkatapos gagawin niya ang mga kopya na gusto niya para sa ibang mga tao. Siyempre ang bawat bisyon ay kailangan na masamahan ng diktasyon nito. Si Padre ay gusto ang lahat para sa Linggo ng Pagkabuhay. Gusto Ko iyan bilang preparasyon para sa Linggo ng Pagkabuhay at gagawin Kong maibigay ito sa iyo ngayong araw sapagkat ngayon ay 4:30 n.g. ng Miyerkules ng Abo, ang unang araw Kuwaresma. 

Magtrabaho, mga anak at pagpalain sana kayo. At pagpalain sana ang mga tatanggap sa regalo nang may simpleng mga puso at pananampalataya. Ang apoy na gusto ng Ama ngayon ay magsisindi sa kanila. Ang mundo ay hindi magbabago sa kalupitan nito. Ito ay labis na naging marumi. Ngunit sila ay pagiginhawahan at mararamdaman nila ang pagkauhaw para sa Diyos, ang insentibo sa kabanalan, na tataas sa loob nila.

Humayo sa kapayapaan, munting Juan. Ang iyong Jesus ay pinasasalamatan ka at pinagpapala ko.

(212) 280610/012913/032713/040213

Sunod na kabanata.