410. Ang Liryo ng Lambak.

Abril 8, 1946.

Ang apostoladong grupo ay iniwan ang kapatagan sa likuran at sa tabi ng maburol na daan, sa pagitan ng mga bundok at mga lambak, ito ay patungong Herusalem. Upang mapaikli ang paglalakbay hindi nila kinuha ang pangunahing mga daan, bagkus ang nangungulilang nakakapagod na mas maiikling daan, na, bagaman, ay napakabilis.

Sa kasalukuyan sila ay nasa ilalim ng isang berdeng lambak na mayaman sa tubig at maliliit na bulaklak. Marami ding mababangong liryo ng lambak, nagawa si Tadeo na magwika na tama lamang na tawagin ang mga bulaklak na ito na «mga liryo ng lambak” at purihin ang kanilang marupok ngunit lumalaban na kagandahan at ang kanilang maselan na halimuyak.

«Ngunit sila ay patiwarik na mga liryo» wika ni Tomas. «Nakatingin sila sa ibaba sa halip na sa itaas.»

«At gaano silang napakaliit! May mga bulaklak tayo na mas mararangya kaysa sa mga iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit nila pinupuri sila nang labis...» sabi ng Iskariote nang mapanuya, hinahampas ang isang maliit na bungkos ng mga liryo ng lambak na nasa pamumulaklak.

«Huwag! Bakit? Napakalambot nilang tingnan!», nakialam si Andres pinagtatanggol ang abang mga bulaklak at siya ay yumuko upang pulutin ang naputol na mga tangkay.

«Nagmumukha silang mga dayami, wala nang iba pa. Ang magey ay mas maganda, ito ay mahestuwoso at nangingibabaw. Karapat-dapat ng Diyos at ng pamumulaklak para sa Diyos.»

«Mas nakikita ko ang Diyos sa maliliit na kalis na ito... Tingnan kung gaano sila kayumi!... Nakayupi, labis na malukong... Nakakatulad nila ang alabastro, purong waks at sila ay tila ginawa ng napakaliit na mga kamay... Sa halip ang Walang-hanggang Isa ang gumawa sa kanila! O! Kapangyarihan ng Diyos!...» Si Andres ay halos nagtatalik sa kasiyahan sa pagninilay iniisip ang mga bulaklak at ang perpeksiyon ng Tagapaglikha.

«Nagmumukha kang katulad ng isang kaawa-awang maliit na babae na may sakit sa nerbiyos!...» pagbibiro ni Judas ng Kerioth tumatawang malisyoso.

«Hindi. Sa katunayan ako rin – at ako ay isang platero ng ginto at kung gayon isang eksperto sa bagay na iyan –ang tingin ko rin sa mga tangkay na ito ay perpekto. Mas mahirap gayahin iyan sa metal kaysa gayahin ang magey. Sapagkat kailangan na malaman mo, aking kaibigan, na nasa napakamaliliit na detalye mabibisto ang galing ng isang artisano. Bigyan mo ako ng isang tangkay, Andres... At ikaw, na ang malalaking mata ay hinahangaan lamang ang malalaking bagay, halika rito at tingnan. Alin na artisano ang makagagawa ng mga kopa na napakagaan at perpektong katulad ng mga ito, denedekorasyunan ito ng munting mga topasyo sa ibaba diyan, sa pinakaibaba, at dinudugtong sila sa tangkay sa pamamagitan ng mayuming pakurbang mga piligrinang ito.

«O! anong mga makata ang lumitaw sa pagitan natin! Ikaw din, Tomas, napaka...»

«Ako ay hindi isang tanga o isang kaawa-awang maliit na babae, alam mo! Ako ay isang artista. At pinagmamalaki ko ito. Guro, gusto ba Ninyo ang mga bulaklak na ito?» Si Tomas ay tinatanong si Jesus Na kanina pa nakikinig nang walang sinasabi kahit ano.

«Gusto Ko ang buong Sangnilikha. Ngunit ang mga bulaklak na ito ay ang isa sa mga gustung-gusto Ko...»

«Bakit?» tanong ng ilang mga apostol. At si Judas ay kasabay na nagtanong: «Gusto ba ninyo ang mga ahas din?» at tumatawa siya.

«Oo, may nagagawa rin sila...»

«Anong pakay?» marami ang nagtatanong.

«Ang mangagat. Ah! Ah! Ah!» sabi ni Judas tumatawang nananadya.

«Kung gayon kailangan na gustuhin mo sila nang labis» balik-sabi ni Tadeo pinuputol ang tawa ni Judas nang may malinaw na ibig-sabihin. Ang iba ay ngayon tumatawa sa magaling na salita.

Si Jesus ay hindi tumatawa. Sa kabaligtaran, Siya ay maputla at malungkot. Tinitingnan Niya ang Kanyang labindalawang apostol at lalo na ang dalawang nagtatalo na nakatingin sa isa’t isa, ang isa galit, ang isa pa mahigpit, at Siya ay tumugon sa kanilang lahat, upang makatugon lalo na sa Iskariote.

«Kung ang Diyos ay nilikha sila, ibig-sabihin nito may silbi sila. Wala sa sangnilikha ang walang-silbi o ganap na masama. Ang Kasamaan lamang ang malinaw at tanging nakapipinsala at kapighatian sa kanila na pinahihintulutan ito na makagat sila. Ang isa sa mga epekto ng kagat nito ay ang kawalang-kakayahan na makapagsabi kung alin ang Mabuti at alin ang Masama, pagkatapos nariyan ang paglihis sa rason at ng konsiyensya nailigaw patungo sa masasamang bagay, at pagkatapos espirituwal na pagkabulag, na dahil dito, Judas ni Simon, hindi nakikita ng isa ang kapangyarihan ng Diyos na sumisinag sa mga bagay, kahit na kung sila ay mumunti. At ang Kanyang kapangyarihan ay nakasulat sa bulaklak na ito, sa pamamagitan ng kagandahan nito at amoy, at sa hugis nito, na ibang-iba sa iba pang mga bulaklak, at sa pamamagitan ng patak ng hamog na ito na nanginginig at kumikislap nakabitin sa may-waks na gilid ng munting petalo at tila isang luha ng pasasalamat sa Tagapaglikha, Na gumawa sa lahat nang maayos, may-pakinabang at sari-sari’t iba't iba. Ngunit nakasulat na ang lahat ay maganda para sa unang mga magulang, hanggang sa ang kanilang mga mata ay naging di-malagusan ng liwanag gawa ng kasalanan... At ang lahat ay nagsasalita sa kanila tungkol sa Diyos noon hanggang sa ang likido na sumira sa kanilang kakayahan para sa Diyos, ay nailagay sa mga bagay, o kung baga, sa kanilang mga mata. Kahit sa mga araw ngayon, habang ang espiritu ay siyang mas naghahari sa isang nilikha, mas lalong binubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili...»

«Si Solomon ay inawit ang mga kababalaghan ng Diyos at gayon din si David... subalit ang kanilang mga espiritu ay hindi ang mga naghahari sa kanila! Guro, naisahan ko Kayo ngayon.»

«Gaano kang kabastos! Anong lakas-ng-loob mong magsalita niyan?»

«Hayaan siyang magsalita... Hindi ko pinapansin ang kanyang mga salita, na kinakalat ng hangin at hindi nakapag-iiskandalo sa mga yerba at mga punungkahoy. Tayo lamang ang nakaririnig ng mga ito at nalalaman natin kung papaano ikabit sa kanila ang importansiya na karapat-dapat sa kanila, hindi ba? At hindi na natin sila maaalaala pa. Ang kabataan ay madalas walang-pag-iisip. Bartolomai. Kailangang kaawaan mo ito... Ngunit may nagtatanong sa Akin kung bakit mas gusto Ko ang mga liryo ng lambak... Ito ang Aking tugon: “Dahil sa kababaang-loob nito”. Ang lahat nito ay nagsasalita ng kababaang-loob... Ang mga batik nito nagsasalita ng ang mga pagmamahal nito... ang aktitud ng bulaklak... Nagagawa Ako nito na isipin Ko ang Aking Ina... Ang bulaklak na ito... napakaliit! Subalit gaano katamis ang pabango ng kahit isang bulaklak lamang. Ang hangin sa paligid nito ay napababanguhan nito... Ang Akin ding Ina... mapagpakumbaba, may-pagpipigil, di-kilala, hinihingi lamang Niya na maging di-kilala... Subalit ang pabango ng Kanyang kabanalan ay napakalakas noon na kinuha Ako nito mula sa Langit...»

«May nakikita ba Kayong isang simbolo ng Inyong Ina sa bulaklak na iyan?»

«Oo, may nakikita Ako, Tomas.»

«At sa palagay ba Ninyo ang ating mga ninuno ay nahulaan Siya, nang pinupuri nila ang liryo ng lambak?» tanong ni Santiago ni Alfeo. «Kinukumpara Siya nila noon sa iba pang mga tanim at mga bulaklak: sa rosal, sa punong-olibo, at sa pinakamagiliw na mga hayop: sa mga kalapati, sa mga kalapati sa kakahuyan...»

«Ipinakakahulugan nila sa Kanya ang lahat na magagandang bagay na nakita nila sa sangnilikha. At Siya nga ang totoong Kagandahan ng sangnilikha. Ngunit tatawagin Ko Siyang Liryo ng lambak at mapayapang Punong-Olibo, kung kailangan Kong awitin ang Kanyang mga papuri» at si Jesus ay sumasaya at nagliliwanag iniisip ang Kanyang Ina, at binibilisan Niya ang Kanyang hakbang upang makapag-isa...

Sila ay nagpapatuloy sa paglakad, sa kabila ng init ng araw, sapagkat sa uka ng lambak ay may pagkakasunud-sunod ng mga punungkahoy na nagpoprotekta sa araw.

Pagkaraan nang ilang sandali si Pedro ay nilakihan ang paghakbang at sinamahan ang Guro. Tinawag niya Siya sa mababang tinig: «Aking Guro!»

«Aking Pedro!»

«Maiistorbo ko ba Kayo, kung sasabay ako sa Inyo?»

«Hindi, Aking kaibigan. Ano ang kailangang-kailangan na sabihin mo sa Akin, na napilitan kang pumunta sa iyong Guro?»

«Isang katanungan... Guro, ako ay isang mausisang tao...»

«Kung gayon?» si Jesus ay ngumingiting tinitingnan ang Kanyang apostol.

«At gusto kong malaman ang maraming bagay...»

«Na isang kapintasan, Aking Pedro.»

«Alam ko...  Ngunit hindi sa palagay ko isang kapintasan ito ngayon. Kung gusto kong malaman ang isang bagay na hindi maganda o barambadong mga kilos upang sana mapagsabihan ko ang gumawa nito, o! kung sa gayon ito ay isang kapintasan. Ngunit nalalaman Ninyo na hindi ko Kayo tinanong kung may kagagawan si Judas kahit papaano sa pagkatawag sa Inyo sa Bether at dahil...»

«Ngunit ikinamamatay mo ang makaalam...»

«Oo, Totoo iyan. Ngunit ito ay isang mas malaking merito, hindi ba?»

«Iyan ay isang mas malaking merito. Dahil isang malaking merito ang kontrolan ang sarili. Iyan ay magpapatunay sa kanya, na kumikilos nang ganyan, ng tunay na mabuting pag-unlad sa espirituwal na pamumuhay, tunay na aktibong pagkaintindi at pagkaunawa sa mga leksiyon ng Guro.»

«Gayon ba? At nalulugod ba Kayo?»

«O! Pedro, bakit tanungin Ako? Mahigit pa sa masaya Ako.»

«Totoo bang talaga? O aking Guro! Kung gayon ang Inyo bang abang Simon ang labis na nagpapasaya sa Inyo?»

«Oo, iyan nga. Hindi mo ba alam?»

«Ayaw kong mangahas na paniwalaan ito. Ngunit nakikita Kayong masaya, ginawa ko si Juan na tanungin Kayo kahapon.  Sapagkat akala ko ito ay si Judas din na bumubuti... bagama't walang akong katibayan tungkol diyan. Ngunit baka ako ay isang masamang hukom. Si Juan ay sinabi sa akin na sinabi Ninyo na Kayo ay masaya dahil may isang nagiging banal... Ngayon lang sinabi Ninyo na Kayo ay masaya dahil ako ay nagiging mas mabuti. Ngayon alam ko na. Ang isang nagpapagawa sa Inyo na masaya at masayahin ay ako, ang kaawa-awang Simon... Ngunit ngayon ibig ko na ang aking sakripisyo ay magawa si Judas na magbago. Hindi ako mainggitin, Gusto ko ang lahat na maging perpekto, upang magawa Kayong perpektong masaya. Magtatagumpay ba ako?»

«Magtiwala, Simon, magtiwala at magpursige.»

«Gagawin ko! Tiyak na gagawin ko! Alang-alang sa Inyo... at sa kanya din. Sapagkat natitiyak ko na hindi siya malulugod na maging laging ganyan. Matapos man ang lahat... maaari siyang maging isang anak ko... H’m sa katunayan mas gusto kong maging ama ni Marjiam! Ngunit... magiging isang ama ako sa kanya, nagtatrabaho na mabigyan siya ng isang kaluluwang karapat-dapat sa Inyo.»

«At sa iyo, Simon» at si Jesus ay yumuyuko at hinahalikan ang kanyang buhok.

Si Pedro ay umaapaw sa kasayahan... Pagkaraan nang kaunti tiya ay nagtanong: «Wala ba Kayong sasabihin sa akin na iba pa? Wala na bang ibang mabuting balita, isang bulaklak sa pagitan ng mga tinik, na Inyong natatagpuan kahit saan?»

«Oo, mayroon. Ang isa sa mga kaibigan ni Jose na lumalapit sa Liwanag.»

«Talaga? Isang miyembro ng Sanhedrin?»

«Oo, ngunit kailangan na huwag natin sabihin sa iba. Kailangan na tayo ay magdasal at maghirap para sa bagay na iyan. Hindi mo ba Ako tatanungin kung sino iyon? Hindi ka ba nananabik na makaalam?»

«Labis-labis. Ngunit hindi ko Kayo tatanungin. Isang sakripisyo para sa di-kilalang tao.»

«Pagpalain ka nawa, Simon! Ginagawa mo Ako na totoong masaya ngayon, magpatuloy nang ganyan at mas mamahalin pa kita nang lalo at gayon din ang Diyos. Ngayon tayo ay tumigil at maghintay para sa iba...»

031210

 

 



Sunod na kabanata