411. Sa Herusalem para sa Pentekostes.

Abril 9, 1946.

Ang siyudad ay punó ng tao. Ang Templo ay nagsisiksikan. Si Jesus ay umakyat kaagad dito nang Siya ay makapasok sa Herusalem dumaraan sa geyt malapit sa Bethesda, ibig sabihin, halos kaagad-agad, bago malaman ng mga tao na Siya ay nasa Bayan at bago ang balita makakalat mula sa bahay kung saan doon nila iniwan ang kanilang mga bagahe at kung saan sila ay naghugas at nag-ayos ng kanilang mga sarili, upang makapasok sa Templo na malinis at walang alikabok at pawis.

Naroroon ang dating di-nararapat na ingay ng mga nagtitinda at mga tagapalit-ng-pera, at ang dating patuloy na pagbabagu-bago ng kulay at mga mukha.

Si Jesus, kasama ang mga apostol na nakabili na ng mga kakailanganin para sa pag-aalay, ay pumuntang tuluyan sa lugar ng pananalangin at nanatili doon nang matagal. Siyempre, Siya ay napuna ng maraming tao, kapwa mabuti at masama, at ang isang bulung-bulungan ay kumakalat katulad ng hangin at kasama ng ingay ng mga dahon na lumalagaslas sa hangin, patungo sa malaking mas nasa-labas na bakuran, kung saan ang mga tao ay tumitigil at nagdarasal. At, pagkatapos ng pananalangin, nang binabalikan Niya ang Kanyang dinaanan, ang isang linya ng mga tao, na palaki na nang palaki, ay sumusunod sa Kanya patungo sa iba pang malalaking bukas na lugar sa loob ng gusali, mga balkonahe, mga bakuran, hanggang sila ay naging isang pulutong na nakapaikot sa Kanya at nakikiusap sa Kanya na Siya ay magsalita.

«Sa ibang oras, mga anak! At sa ibang lugar!» sabi ni Jesus, at Kanyang itinataas ang Kanyang kamay upang pagpalain sila, nagsisikap Siya makalayo.

Ang mga eskriba, mga Pariseo at ang kanilang mga disipulo, nakakalat sa pagitan ng mga tao, ay nanunuyang nagsasabi sa isa’t isa ng maiigting na mga salita, na tunay na panunuya, katulad ng: «Ang kahinahunan ay nagpapayo» o: «Eh! Medyo takót...» o: «Narating na Niya ang gulang ng pangangatwiran» o: «Hindi tangang katulad ng naisip natin...» Ngunit ang mas malaking bahagi, ang mga nakaaalam at nagmamahal sa Kanya o ang mga sinsirong nagmimithing makilala Siya, at kung gayon walang kinikimkim na sama-ng-loob laban sa Kanya, ay namimilit sa pagsasabing: «Pagkakaitan ba Ninyo kami ng kapistahan sa Kapistahan? Mabuting Guro, hindi Ninyo magagawa iyan! Marami sa amin ang gumawa ng mga sakripisyo upang manatili rito sa paghihintay sa Inyo...» at ang iba ay pinatatahimik ang mga nanunuya o binibigyan sila ng matatalas na kasagutan.

Halatang-halata na ang masa ay nakahandang dumugin ang masasamang minoridad, na, tuso at manlilinlang katulad nila, ay nakaintindi, at hindi lamang sila nanahimik, bagkus nagsisikap na makalayo. At bagama't sila ay nasa bakuran ng Templo, maraming tao ang hindi nag-aalinlangan na pagtawanan at paringgan ng pag-aabuso ang mga umaalis, habang ang iba, karamihan mga may-edad na tao, at kung gayon mas nag-iisip, ay nagtatanong kay Jesus: «Dahil nalalaman Ninyo, pakiusap na sabihin sa amin, ano ang mangyayari sa lugar na ito, sa bayan na ito, sa buong Israel, na hindi susuko sa Tinig ng Panginoon»

Si Jesus ay tinitingnan ang mga ulo na may kulay-abo o puting mga buhok na iyon nang naaawa at tumugon:

«Si Jeremiah ay sinabi sa inyo kung ano ang mangyayari sa mga tumutugon sa kislap ng dibinong galit sa pamamagitan ng pagdadagdag ng kanilang mga kasalanan, at ang tingin sa dibinong awa bilang isang katibayan ng kahinaan sa panig ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay hindi kailangan na pagtawanan, Aking mga anak. Kayo, katulad ng sinabi ng Eternal na Diyos sa pamamagitan ng mga labì ni Jeremiah, ay katulad ng luwad sa mga kamay ng isang gumagawa ng palayok, dahil ang luwad ay ang mga ang tingin sa kanilang mga sarili ay matataas, katulad na luwad ang mga naninirahan sa lugar na ito at ang mga naninirahan sa maharlikang palasyo. Walang pantaong kapangyarihan ang makalalaban sa Diyos. At kung ang luwad ay lumalaban sa gumagawa ng palayok at ibig nitong magkaroon ng nakatatakot na mga hugis, ang gumagawa ng palayok ay gagawin itong muli na isang dakot na luwad at magsisimula  ulit at gagawin itong ibang palayok hanggang madama nito na ang gumagawa ng palayok ay ang mas malakas at sa gayon susunod ito sa kalooban niya. At maaaring mangyari din na ang palayok ay mabasag, dahil nagpipilit itong hindi makorte, dahil tinatanggihan nito ang tubig na ginagamit ng gumagawa ng palayok upang mabasa ito at makorte nang hindi nagkakabitak. Ang gumagawa ng palayok ay kung gayon ibabasura ito at kukuha ng bagong luwad at huhubugin ito ayon sa gusto niya. Hindi ba’t ito ang sinasabi ng propeta nang ipinaliliwanag niya ang simbolo ng gumagawa ng palayok at ng palayok? Iyan ang kanyang sinasabi. At inuulit ang mga salita ng Panginoon, sinasabi niya: “Katulad na ang luwad ay nasa kamay ng gumagawa ng palayok, kung gayon ikaw, Israel, ay nasa kamay ng Diyos”. At ang Panginoon ay nagdadagdag, bilang isang babala sa mga di-matugnaw, na tanging ang pagpepenitensiya at pagsisisi lamang, kapag kinagagalitan ng Diyos ang tao, ang makapagpapabago sa dekreto ng Diyos na maparusahan ang mapagrebeldeng mga tao.

Ang Israel ay hindi nagsisi. Kaya hinampas ng mga banta ng Diyos ang Israel nang maraming beses. Ang Israel ay hindi nagsisisi kahit na ngayon na ang isang propeta, ngunit Isa Na mahigit pa sa isang propeta ang nagsasalita sa kanya. At ang Diyos Na nagkaroon ng kataastaasang awa sa Israel at nagpadala sa Akin, ay ngayon sinasabi sa inyo: “Sa dahilan na hindi kayo nakikinig sa Aking sariling Tinig, ikalulungkot Ko ang mabuting nagawa Ko sa inyo at maghahanda Ako ng isang sakuna para sa inyo”. At Ako, Na siyang Awa, bagama't nalalaman Ko na Ako ay nagsasalita nang walang kapupuntahan, sumisigaw Ako sa Israel: “Ang bawat isa sa inyo, talikdan ang inyong masasamang pamamaraan. Itama ang inyong pamumuhay at ang inyong mga kiling. Upang kapag, papapangyarihin na ang plano ng Diyos laban sa nagkasalang Nasyon, ang mga mas mabubuti man lamang dito ay mapanatili sana nilang malaya ang kanilang espiritu sa kasalanan sa pangkalahatang pagkawala ng mga kabutihan, ng kalayaan, ng pagkakaisa, at nakakaisa ang Diyos hindi sana mawala sa kanila ang eternal na mga kabutihan habang nawawala sa kanila ang makalupang mga kabutihan”.

«Ang mga bisyon ng mga propeta ay laging may iisang pakay: ang mabigyan ng babala ang mga tao tungkol sa kung ano ang maaaring mangyari. At ito ay sinabi ng simbolo ng palayok na galing sa luwad, binasag sa presensya ng mga tao, kung ano ang naghihintay para sa mga bayan at mga kaharian na hindi sumusuko sa Panginoon, at...»

Ang mga nakatatanda, ang mga eskriba, ang mga dalubhasa at mga Pariseo, na mga umalis kanina, ay maaaring sinabihan ang mga tanod ng Templo at ang mahistrado na nangangasiwa sa kaayusan. At ang isa sa kanila, sinusundan ng isang grupo ng kakatwang mga sundalo, na tanging ang mga mukha lamang ang tila ibig na makipaglaban, dahil sila ay isang halo ng katangahan na may kaunting malisya at labis na kagaspangan, huwag nang sabihin na pagiging-kriminal, ay lumalapit kay Jesus. Ang Guro ay nagsasalita nakasandal sa isang malaking poste ng balkonahe ng tinatawag na “porch of Pagans” at sa dahilan na ang mahistrado ay hindi makaraan sa mga pulutong, na pumorma ng isang di-mapapasok na pabilog sa paligid ni Jesus, siya ay sumigaw: «Lumayas ka! Kundi’y ipatatapon kita sa aking mga sundalo sa labas ng bakuran...»

«Ugh!  Ang malalaking berdeng mga langaw! Mga bayani laban sa mga kordero! Hindi ba kayo makapasok upang ikulong ang mga gumawa sa Herusalem na maging isang bahay-aliwan, at ang Templo na maging isang palengke? Lumayas ka, ikaw na may pusong-manok na tao, lumayas ka at manatiling kasama ang mga pusang-baybayin... Ugh! Ugh!» Ang mga tao ay hinaharap ang kakatwang mga sundalo at nililinaw na hindi nila pinahihintulot na insultuhin ang Guro.

«Isinasagawa ko ang mga tagubilin na aking tinanggap...» sabi na may pagpapaumanhin ng lider ng mga... pulis na iyon.

«Isinasagawa mo ang mga tagubilin ni Satanas at hindi mo nababatid iyan. Umalis ka na ngayon, at manawagan para sa awa ng Diyos dahil iniinsulto at pinagbabantaan mo ang Guro! Huwag mangahas na hawakan ang Guro! Malinaw ba ito sa iyo? Kayo ang aming mga maniniil. Siya ang Kaibigan ng mahihirap. Kayo ang nagpápasamâ sa amin, Siya ang aming banal na Guro. Kayo ang aming kasiraan, Siya ang aming Kaligtasan. Kayo ay taksil, Siya ay mabuti. Lumayas kayo, kung hindi gagawin namin sa inyo kung ano ang ginawa ni Mattathias sa Modein. Pagugulungin namin kayo sa dalisdis ng Moriah katulad ng idolatrang mga altar, at lilinisin namin ang lugar na inyong nilapastangan, hinuhugasan ito sa pamamagitan ng inyong dugo, at ang mga paa ng tanging Banal na Tao sa Israel ay lalakaran ang dugo na iyan upang pumunta sa Banal ng mga Banal at maghari doon, ayon sa karapat-dapat sa Kanya! Lumayo rito! Kayo at ang inyong mga panginoon! Layas, kayong binayarang mga basagulero naglilingkod sa upahang mga mamamatay-tao...»

Ito ay isang nakakatakot na kaingayan... Ang mga tanod na Romano ay nagmadali doon mula sa Antonia pinangungunahan ng isang maedad na mahigpit na nagmamadaling opisyal.

«Magparaan, kayong maamoy! Anong nangyayari? Naglalapaan ba kayo dahil sa ilang piraso ng inyong gálisin na mga kordero?»

«Sila ay nagrerebelde laban sa mga sundalo...» ang mahistrado ay nagsisikap na magpaliwanag.

«Ng di-malulupig na Mars! Ang mga... sundalong ito? Ah! Ah! Lakad at harapin ang mga ipis, kayong mga mandirigma ng imbakan ng mga alak.» Pagkatapos kanyang kinakausap ang mga tao: «Sabihin sa akin...»

«Ayaw nila na makapagsalita ang Galilean na Rabbi. Ibig nilang palayasin Siya. Baka ibig nilang hulihin Siya...»

«Ang Galilean na Rabbi? Non licet¹. Sinasabi ko sa inyo sa wika ng Romano ang salita ni Juan Decollate. Ah! Ah! Magmartsa ka patungo sa iyong bahay-aso ikaw at ang iyong mga asong pangaso. At sabihin sa mga tuta na manahimik din. Alam ng Inahing-Lobo kung papaano din lapain ang mga iyon... Malinaw ba ito? Ang Roma lamang ang may karapatan na manghusga. At Kayo, Galilean... makapagpapatuloy Kayo sa Inyong mga kuwento... Ah! Ah!» at siya ay tumalikod, ang kanyang pretol nagniningning sa araw, at umalis.

«Eksaktong katulad ng kay Jeremiah...»

«Katulad ng lahat ng mga propeta, kailangan mong sabihin...»

«Ngunit ang Diyos pa rin ang nagtatagumpay.»

«Guro, magpatuloy Kayo sa Inyong pagsasalita. Ang mga ahas ay lumayas na.»

«Hindi, hayaan Siyang makaalis, kung hindi ang bagong mga Pashhur² ay babalik na may  mas malaking panlaban at bihagin Siya...»

«Walang ganyang panganib... Habang umaatungal ang mga leon ang mga ayena ay hindi lumalabas...»

Ang mga tao ay nagsasalita gumagawa ng kanilang mga komentaryo sa malaking kaguluhan.

«Nagkakamali kayo» sabi ng isang mamantikang Pariseo nababalot sa kanyang marangyang manta, sinusundan ng mga katulad niya at ng ilang mga doktor ng Batas. «Nagkakamali kayo. Kailangan na huwag ninyong isipin na ang buong lipi ay katulad ng ilang ng mga miyembro nito. Eh! Eh! May mabuti at masama sa bawat punong kahoy.»

Oo. Sa katunayan ang mga igos sa pangkalahatan ay matamis. Ngunit kung sila ay hilaw o hinog-na-hinog sila ay maasim o asido. Kayo ay asido. Katulad ng mga igos ng napakasamang basket ng propetang si Jeremiah» sabi ng isang nasa gitna ng pulutong: isang lalaki na hindi ko kilala, subalit maaaring kilalang-kilala ng mga pulutong at isa ring malakas na tao, sapagkat nakikita ko ang mga tao na kumikindat nang may-pagsang-ayon habang ang Pariseo ay tinatanggap ang dagok nang hindi umaalma.

Sa kabaligtaran, sa isang mas pinatamisan na pamamaraan, lumakad siyang patungo sa Guro at nagsabi sa Kanya: «Isang magandang paksa para sa Inyong Karunungan. Rabbi, magsalita sa amin tungkol sa paksang ito. Ang Inyong mga pagpapaliwanag ay napaka... bago... napaka... galing... Pinakikinggan namin ito nang may katakawan.»

Si Jesus ay tinititigan ang kampeon ng Pariseo at pagkatapos tumugon sa kanya: «Ikaw, Helkai, at ang iyong mga kaibigan ay mayroon pa ring ibang kinatatakawan. Ngunit ibibigay din sa inyo ang pagkain na iyan... na mas asido pa kaysa sa mga igos. At mahahawa nito ang inyong mga puso katulad na nahahawahan ng maaasim na igos ang mga bituka.»

«Hindi, Guro. Sinusumpa ako ito sa ngalan ng buhay na Diyos! Ang aking mga kaibigan at ako ay kinasasabikan lamang ang mapakinggan Kayo... Nakikita ng Diyos kung...»

«Tama na iyan. Ang tapat na mga tao ay hindi kailangan na manumpa. Ang kanilang mga gawa ay ang kanilang sumpa at saksi. Ngunit Ako ay hindi magsasalita tungkol sa napakabuti at napakasamang mga igos...»

«Bakit hindi, Guro? Natatakot ba Kayo na ang mga katotohanan ay masasalungat ang Inyong mga kapaliwanagan?»

«O! hindi! Sa kabaligtaran...»

«Kung gayon, nakakakita Kayo ng pagdurusa, kahihiyan, espada, salot, taggutom para sa amin?»

«Ang lahat na iyan at higit pa.»

«Higit pa? Ano? Kung gayon ang Diyos ay hindi na kami minamahal?»

«Minamahal kayo Niya nang labis na tinupad Niya ang Kanyang pangako.»

«Kayo! Kayo ba ang Kanyang pangako?»

«Ako nga.»

«Kung gayon, kailan Ninyo itatatag ang Inyong Kaharian?»

«Ang mga pundasyon nito ay nailagay na.»

«Saan?»

«Sa mga puso ng mabubuting tao.»

«Ngunit iyan ay hindi isang kaharian. Iyan ay pagtuturo!»

«Katulad na ang Kaharian ay isang espirituwal na kaharian, ang mga espiritu ang mga nasasakupan nito. At ang mga espiritu ay hindi nangangailangan ng mga palasyo, mga bahay, mga sundalo, mga pader. Kailangan lamang nilang malaman ang Salita ng Diyos at isabuhay ito. Na siyang nangyayari sa mabubuting tao.»

«Ngunit mabibigkas ba Ninyo ang Salita na iyan? Sino ang nagbigay sa Inyo ng karapatan?»

«Ang pag-aari.»

«Alin na pag-aari?.»

«Ang pag-aari ng Salita. Binibigay Ko kung ano Ako. Ang Isa Na may buhay, ay makapagbibigay ng buhay. Ang isa na may pera, ay makapagbibigay ng pera. Sa pamamagitan ng Aking eternal na Kalikasan nasa Akin ang Salita na nagsasalin sa Dibinong Isip at binibigay Ko ang Salita, sapagkat ang Pagmamahal na maipakilala ang Isip ng Kataastaasan, Na siyang Aking Ama, ay pinipilit Akong ibigay ang kaloob na iyan.»

«Mag-ingat sa Inyong sinasabi! Iyan ay isang kapangahasang wika! Baka makasasamâ iyan sa Inyo!»

«Mas makasasamâ ang magsinungaling, sapagkat mangangahulugan iyan na nililigaw Ko ang Aking Kalikasan at kinakaila Siya mula kung Kanino Ako nanggaling.»

«Kung gayon Kayo ay Diyos, ang Salita ng Diyos?»

«Ako nga.»

«At sinasabi Ninyo iyan nang ganyan? Sa presensya ng napakaraming saksi na maaaring magsuplong sa Inyo?»

«Ang Katotohanan ay hindi nagsisinungaling. Ang Katotohanan ay hindi gumagawa ng mga pagtantsa. Ang Katotohanan ay makabayani.»

«At iyan ang katotohanan?»

«Ang Katotohanan ay Siya Na nagsasalita sa inyo. Sapagkat ang Salita ng Diyos ay sinasalin ang Isip ng Diyos, at ang Diyos ay Katotohanan.»

Ang mga pulutong ay lahat nakikinig, maasikaso, sa katahimikan, sa pinag-uusapan, na, bagama't, ay isinasagawa nang walang kagaspangan. Mas marami pang tao ang nagmadali patungo roon mula sa iba pang bahagi, at ang bakuran ay nagsisiksikan: daan-daan na mga mukha ang nakatingin sa isang lugar. At mas marami pang mukha, na may nakaunat na mga leeg, ang makikita mula sa mga butas patungo sa bakuran na ito, nananabik na makakita at makarinig... Si Helkai, ang miyembro ng Sanhedrin, at ang kanyang mga kaibigan ay nagtitinginan sa isa’t isa... Isang mabilis na palitan ng mga nananabik na sulyap. Ngunit nagpipigil sila. Hindi lang iyan bagkus, ang isang matandang dalubhasa ay nagtatanong nang napaka may-kabaitan: «Ano ang aming dapat na gawin upang maiwasan ang mga kaparusahan na Inyong nakikita?»

«Kailangan na sundan ninyo Ako, at higit sa lahat maniwala sa Akin. At kahit mas mahigit pa: mahalin Ako.»

«Kayo ba ay isang mascot?»

«Hindi. Ako ang Tagapagligtas.»

«Ngunit wala Kayong mga sundalo...»

«Mayroon Ako ng Aking Sarili. Tandaan, kailangan na tandaan ninyong lahat, alang-alang sa inyong sarili at dala ng awa para sa inyong mga kaluluwa, tandaan ang mga salita ng Panginoon kay Moses at kay Aaron, nang sila ay nasa loob pa ng lupain ng Ehipto: “Ang bawat lalaki ng sambayanan ng Diyos ay kailangang kumuha ng isang kordero na walang depekto, isang lalaki na santaong gulang. Isang hayop para sa bawat sambahayan, at kung ang bilang ng mga tao sa pamilya ay napakaliit na makain ang buong hayop, kailangan na sumama sa kanilang kapitbahay. At inyong isasakripisyo ito sa ika-labing-apat na araw ng buwan ng Abib, na tinatawag na ngayon na Nisan, at sa pamamagitan ng dugo ng sinakripisyong hayop babasain ninyo ang mga hamba ng pintuan at ang katangan ng inyong mga bahay. At sa gabi din na iyon kakainin ninyo ang laman na inihaw, kasama ang tinapay na walang lebadura at ang mapait na mga yerba. At susunugin ninyo ang anuman na matitira. At kakainin ninyo ito na kayo ay may pahang nakatali sa inyong baywang, may mga sandalyas sa inyong mga paa, may isang tungkod sa inyong kamay, kakainin ninyo ito nang madalian, sapagkat iyon ay ang paskuwa ng Panginoon. At sa gabing iyan Ako ay daraan at hahampasin ang lahat na panganay na anak ng tao at hayop, na nasa loob ng bahay na walang marka ng dugo ng kordero”. Sa kasalukuyan, sa bagong paskuwa ng Diyos, ang pinakatunay na paskuwa, sapagkat tanging ang Diyos lamang ang dumaraan sa pagitan ninyo sa isang makikitang pamamaraan, makikilala sa pamamagitan ng Kanyang mga tanda, ang maliligtas lamang ay ang mga may marka ng nakapagliligtas na tanda ng Dugo ng Kordero. Sapagkat totoong kayong lahat ay mamamarkahan nito. Ngunit tanging ang mga nagmamahal lamang sa Kordero at magmamahal sa Kanyang mga tanda, ang tatanggap ng kaligtasan mula sa Dugo na iyon. Ang tungkol sa iba ito ay ang marka ni Cain. At  nalalaman ninyo na si Cain ay hindi na karapat-dapat na makakita sa mukha ng Panginoon at wala nang kapayapaan. At hinahabol ng paninisi ng konsiyensya, ng kaparusahan, ni Satanas, ang kanyang malupit na hari siya ay naging isang takas at lagalag sa Lupa habang siya ay nabubuhay. Siya ay totoong isang dakilang pigura ng Sambayanan na hahampas sa bagong Abel...»

«Si Ezekiel ay nagsasalita din ng tungkol sa Tau... Sa palagay ba Ninyo ang Inyong Tanda ay ang Tau ni Ezekiel?»

«Iyan nga.»

«Kung gayon inaakusahan Ninyo kami dahil may abominasyon sa Herusalem?»

«San hindi Ko ito magawa. Ngunit ito ay ganyan nga.»

«At walang mga makasalanan sa mga minarkahan ng Tau? Mapanunumpaan ba Ninyo ito?»

«Hind Ako nanunumpa para sa kahit anuman. Ngunit sasabihin Ko na kung mayroon mang mga makasalanan sa mga minarkahan, ang kanilang kaparusahan ay magiging mas nakakatakot, sapagkat mga mapakiapid ng espiritu, mga tagatakwil, mga mamamatay ng Diyos, na naging ganito pagkatapos na maging Kanyang mga tagasunod, ay ang magiging pinakadakila sa Impiyerno.»

«Ngunit ang hindi makapaniwala na Kayo ay Diyos, ay hindi makagagawa ng kasalanan. Sila ay mapangangatwiranan…»

«Hindi. Kung hindi ninyo Ako nakilala, kung hindi ninyo nagawang mapatunayan ang Aking mga gawa, kung hindi kayo nagkaroon ng pagkakataon na maiksamen ang Aking mga salita, hindi kayo nagkasala. Kung kayo ay hindi mga dalubhasa sa Israel, hindi kayo maliligaw. Ngunit nalalaman ninyo ang mga Banal na mga Kasulatan at nakikita ninyo ang Aking mga gawa. Makagagawa kayo na paghahambing. At kung inyo lamang ginagawa nang tapat, makikita ninyo Ako sa mga salita sa Banal na Kasulatan at makikita ninyo ang mga salita ng Banal na Kasulatan sa Akin, naisalin sa Aking mga kilos. Sa gayon hindi kayo mapangangatwiranan sa hindi ninyo pagkakilala sa Akin at para sa pagkapoot sa Akin. Napakaraming mga diyus-diyusan, labis-labis na abominasyon, labis-labis na pornikasyon, kung saan tanging ang Diyos lamang ang dapat na naroroon. At ganito rin ang tungkol sa bawat lugar kinaroroonan ninyo. Ang Kaligtasan ay nasa pagtalikod sa lahat ng mga ito at sa pagtanggap sa Katotohanan na nagsasalita sa inyo. Dahil dito, kung saan kayo pumapatay o nagsisikap na pumatay, kayo ay papatayin. At iyan kung bakit kayo ay huhusgahan sa hangganan ng Israel, kung saan ang lahat na kapangyarihang pantao ay natatapos, at ang Eternal na Ama lamang ang Hukom ng Kanyang mga nilalang.»

«Bakit ganyan Kayo magsalita, Panginoon? Kayo ay mahigpit.»

«Ako ay makatotohanan. Ako ang Liwanag. Ang Liwanag ay pinadala upang maliwanagan ang Kadiliman. Ngunit ang Liwanag ay kailangan na magningning nang malaya. Ang Kataastaasan ay nakapagpadala sana nang walang kapararakan sa Kanyang Liwanag, kung Kanyang itinago ang Liwanag na iyan sa ilalim ng isang bayong. Ni ang mga tao ay hindi ginagawa ito kapag sila ay nagsisindi ng isang lampara, kundi’y walang kabuluhan ang pagsindi rito. Kung ito ay kanilang sinisindihan, ginagawa nila ito upang sana magbigay ito ng liwanag at ang mga nasa loob ng bahay ay sana makakita. At ang Liwanag ay nagniningning. At pagpalain ito, kung ang pinakapurong mga sinag nito ay nagpapakita sa inyo ng mga butiki, mga alakdan, mga patibong, mga sapot, mga bitak sa mga pader. Ginagawa ito nito para sa kabutihan ninyo, upang mabigyan kayo ng pagkakataon na makilala ang inyong mga sarili, upang malinis ninyo ang inyong mga sarili, pinalalayas ang nakamamatay na mga hayop, ibig sabihin, ang masisimbuyong damdamin at mga kasalanan, upang sana maitayo ninyong muli ang inyong mga sarili bago maging huli na ang lahat, at sana makita ninyo kung saan ninyo inihahakbang ang inyong mga paa: sa patibong ni Satanas, bago kayo mahulog dito. Ngunit upang makakita, bilang karagdagan sa isang malinaw na liwanag, nangangailangan ang isa ng malinaw na mata. Walang liwanag ang makapagpapaliwanag sa isang mata na puno ng nana gawa ng sakit. Linisin ang inyong mga mata at ang inyong mga espiritu, upang sana ang Liwanag ay bumaba sa inyo. Bakit mamatay sa Kadiliman kung ang Kabutibutihang Diyos ay pinadadala sa inyo ang Liwanag at Gamot upang mapagaling kayo? Hindi pa huli. Sa panahon na natitira pa para sa inyo, pumunta sa Liwanag, sa Katotohanan, sa Buhay. Pumunta sa inyong Tagapagligtas Na inuunat ang Kanyang mga kamay sa inyo, at binubuksan ang Kanyang puso sa inyo, pinakikiusapan kayo na tanggapin ninyo Siya para sa inyong sariling eternal na kabutihan.»

Si Jesus ay tunay na nakikiusap, nanunuyong mapagmahal, at wala bagkus pagmamahal ang lumalabas mula sa Kanya... Kahit na ang pinakamatigas na hayop, kahit na ang pinakalasing sa kapootan, ay nadarama ito, at ang kanilang mga armas ay umaamin ng pagkatalo at ang kanilang lason ay hindi mailabas ang asidong kapaitan nito.

Sila ay nagkakatinginan sa isa’t isa. Pagkatapos si Helkai ay nagsalita sa katauhan ng lahat: «Nasabi Ninyo ang katotohanan, Guro! Nakikiusap ako sa Inyo na tanggapin ang bangkete na aking inaalay upang maparangalan Kayo.»

«Ang tanging karangalan na Aking hinihingi ay ang makuha ang Inyong mga kaluluwa. Hayaan Ako sa Aking karukhaan...»

«Hindi Ninyo ako sasaktan ng Inyong pagtanggi?!»

«Walang masamang intensiyon. Nakikiusap Ako sa inyo na iwanan Akong kasama ang Aking mga kaibigan.»

«Sila ay inaanyayahan din, sino ang maaaring magduda rito? Sila ay inaanyayahan kasama Ninyo. isang malaking karangalan para sa aking tahanan!... Pumupunta Kayo sa ibang dakilang mga tao! Bakit hindi pumunta kay Helkai?»

«Bueno... Pupunta Ako. Ngunit, maniwala sa Akin, sa kalihiman ng iyong bahay hindi Ako makapagsasalita ng mga salitang iba sa Aking nasabi rito, sa pagitan ng mga tao.»

«Ni hindi rin ako! Ni ang aking mga kaibigan! Pinagdududahan kaya Ninyo ito?...»

Si Jesus ay tinitingnan siya. Pagkatapos sinabi Niya: «Pinagdududahan Ko lamang ang hindi Ko nalalaman. Ngunit nalalaman Ko ang mga iniisip ng mga tao. Tayo na sa iyong bahay... Kapayapaan sa mga nakinig sa Akin.»

At katabi si Helkai ang Kanyang mga hakbang ay patungo sa labas ng Templo, sinusundan ng linya ng Kanyang mga apostol kahalo, ngunit hindi kinasasabikan ito, ang mga kaibigan ni Helkai.

061210

 



¹ Non licet, sa wikang Tagalog ay maaaring “Magagawa ng mga diyos ang hindi magagawa ng baka.” – rlb.

² Pashhur – ang pangalan ng pari na nang-usig kay Jeremiah. – rlb.



Sunod na kabanata