413. Sa Bethany.

Abril 11, 1946.

Ang paglubog-ng-araw ay pinapupula ang kalangitan nang si Jesus ay dumating sa Bethany. Ang Kanyang naiiinitan na maalikabok na mga apostol ay sinusundan Siya. At si Jesus at ang Kanyang mga apostol ay ang tanging mga tao na naglalakas-loob sa umaapoy na daan – kasing init ng isang pugon -  na nakatatanggap ng kaunting lilim mula sa mga punungkahoy na umaabot sa mga dalisdis ng Bethany mula sa Mount of Olives. Ang tag-init ay umaapoy, ngunit ang kapootan ay mas lalo pang lumalagablab. Ang mga bukid ay walang tanim at sunog katulad nila ang mga pugon na nanginginig sa buga ng init. Ngunit ang mga kaaway ni Jesus ay mas lalo pang walang-laman – hindi ko ibig sabihin ng pagmamahal – bagkus ng katapatan, ng pantaong mga moral, nagngangalit ng kapootan... At mayroon lamang bagkus isang tahanan, isang masisilungan para kay Jesus: ang Bethany. May pagmamahal dito, kaginhawahan, proteksiyon at katapatan... Ang Inuusig na Peregrino ay pinagagawi ang Kanyang mga hakbang doon, sa Kanyang puting damit, malungkot ang hitsura, may pagod na hakbang ng isang hindi makatitigil, tinutulak ng Kanyang mga kaaway malapit sa likuran, may pagpapasa-Diyos na tingin ng isang iniisip na ang kanyang kamatayan na papalapit oras-oras, sa bawat hakbang, kamatayan na tinatanggap ng isa, dala ng pagsunod sa Diyos...

Ang bahay, nasa gitna ng malaking hardin nito, ay sarado at tahimik, naghihintay sa mas malamig na mga oras. Ang hardin ay walang laman at walang tao, at ang araw lamang ang naghahari nang di-matututulan doon.

Si Tomas ay tumawag sa kanyang malakas na baritonong tinig.

Isang kurtina ang hinawi, isang mukha ang dumungaw... Pagkatapos isang sigaw: «Ang Guro!» at ang mga katulong ay nagmadaling lumabas, sinusundan ng nagtatakang mga sinyora, na tiyak na hindi umaasang darating si Jesus sa mainit na oras ng araw na iyon.

«Rabboni!», «Aking Panginoon!» Sina Martha at Maria ay bumabati mula sa malayo, yumuyukod na, nakahanda na silang magpatirapa, katulad ng ginagawa nila, nang ang geyt ay kaagad nabuksan at si Jesus ay hindi na nakahiwalay sa kanila.

«Martha, Maria: kapayapaan sa inyo at sa inyong tahanan.»

«Kapayapaan sa Inyo, Guro at Panginoon... Ngunit bakit sa oras na ito?» tanong ng magkapatid, pinaaalis ang mga katulong upang si Jesus ay makapagsalita nang malaya.

«Upang pahingahan ang Aking katawan at kaluluwa kung saan Ako hindi kinapopootan...» malungkot na sabi ni Jesus, inuunat ang Kanyang mga kamay, na tila upang sabihin: «Gusto ba ninyo Ako?» at nagsisikap Siyang ngumiti, ngunit ang Kanyang napakalungkot na ngiti ay pinasisinungalingan ng Kanyang namimighating mga mata.

«Sinaktan ba nila Kayo?» tanong ni Maria namumula.

«Ano ang nangyari sa Inyo?» tanong ni Martha at nagdagdag siya nang maka-ina: «Halikayo, bibigyan ko Kayo ng ilang pampalamig. Gaano Kayo katagal na naglalakad, dahil pagod-na-pagod Kayo?»

«Mula sa pagsikat ng araw... at masasabi Ko nang walang-tigil, sapagkat ang maikling pagpapahinga sa bahay ni Helkai, ang miyembro ng Sanhedrin, ay mas malala pa kaysa sa isang mahabang paglalakbay...»

«Doon ba nila Kayo pinamighati?»

«Oo... at una pa sa Templo...»

«Ngunit bakit Kayo pumunta sa ahas na iyon?» tanong ni Maria.

«Sapagkat kung Ako ay tumangging pumunta, mapangangatwiranan nito ang kanyang poot,  na iaakusa sa Akin ng panghahamak sa mga miyembro ng Sanhedrin. Ngunit ngayon... pumunta man Ako o hindi, ang sukat ng poot ng mga Pariseo ay puno na... at wala nang pansamantalang kapayapaan...»

«Nakarating na ba tayo riyan? Manatiling kasama namin, Guro. Hindi nila Kayo sasaktan dito...»

«Magkukulang Ako sa Aking misyon... Maraming kaluluwa ang naghihintay para sa kanilang Tagapagligtas. Kailangan Kong pumunta...»

«Ngunit pipigilan nila Kayo na makapunta!»

«Hindi. Uusigin nila Ako sa pagpapabaya nila sa Akin na makaalis, upang mabantayan nila ang bawat hakbang Ko, pababayaan Akong makapagsalita upang mapag-aralan ang bawat salita, binabantayan Akong katulad ng pagbabakas ng mga pangaso sa isang tibagan ng mga bato, upang sila ay baka magkaroon ng... kahit ano, na maaaring magmukhang isang pagkakamali... at ang lahat ay magsisilbi...»

Si Martha, na laging napakagalang, ay antig-na-antig ang damdamin, na itinaas niya ang kanyang kamay upang haplusin ang Kanyang nangayayat na pisngi, ngunit siya ay tumigil namumula at nagsabi: «Patawarin Ninyo ako! Nalulungkot ako para sa Inyo katulad na nalulungkot ako para sa aming Lazarus! Patawarin ako, Panginoon, para sa pagmamahal sa Inyo katulad ng isang naghihirap na kapatid!»

«Ako ang naghihirap na kapatid... Mahalin Ako nang may purong pagmamahal ng kapatid na babae... Ngunit ano ang ginagawa ni Lazarus?»

«Siya ay nanghihina, Panginoon...» tugon ni Maria at ang pagtatapat na ito kasabay na nakikita ang kanyang Guro na napakalungkot ay nagagawa siyang padaluyin ang mga luha na bumubukal na sa kanyang mga mata.

«Huwag lumuha, Maria, ni para sa Akin o para sa kanya. Ginagawa namin ang dibinong kalooban. Ang isa ay kailangan na lumuha sa mga hindi nag-aalam kung papaano gawin ang kalooban na iyan...»

Si Maria ay yumuko upang kunin ang kamay ni Jesus at hinahalikan ang dulo ng Kanyang mga daliri.

Sila pansamantala ay nakarating sa bahay at habang sila ay pumapasok pumunta sila kaagad kay Lazarus, habang ang mga apostol ay nagpapahinga pinalalamigan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng inaalok sa kanila ng mga katulong.

Si Jesus ay niyuyukuan si Lazarus, na nangangayayat pa nang nangangayayat, at hinahalikan siya upang mapaginhawahan ang kalungkutan ng Kanyang mahal na kaibigan.

«Guro, gaano Ninyo ako kamahal! Ni hindi na Kayo naghintay hanggang gabi upang puntahan ako. Sa init na ito...»

«Aking mahal na kaibigan, kinalulugdan Ko ang makasama ka at kinalulugdan mo ang makasama Ako. Ang iba pa ay walang anuman.»

«Totoo iyan. Wala iyan. Kahit na ang aking paghihirap ay hindi na mahalaga sa akin... Ngayon nalalaman ko kung bakit ako naghihirap at kung ano ang aking makukuha sa paghihirap» at si Lazarus ay inginingiti ang isang matalik na espirituwal na ngiti.

«Oo, iyan ay ganyan, Guro. Halos masasabi ng isa na ang aming Lazarus ay nagbubunyi sa pagiging may-sakit at...» ang isang hikbi ay nagpatigil sa tinig ni Martha at siya ay naging tahimik.

«Sige na, mas mabuti pang sabihin mo: sa kamatayan. Guro, sabihin sa kanila na kailangan nila akong tulungan, katulad na tinutulungan ng mga Levita ang mga pari.»

«Upang gawin ang ano, Aking kaibigan?»

«Na matupok ang sakripisyo...»

«Ngunit sa kabila nito, hanggang kamakailan, nanginginig ka sa idea ng kamatayan! Kung gayon hindi mo na kami minamahal? Hindi mo na minamahal ang Guro? Ayaw mo ba Siyang paglingkuran?...» tanong ni Maria, na mas malakas ngunit maputla sa kapighatian, at kanyang hinahaplos ang manilaw-nilaw na kamay ng kanyang kapatid.

«At ako ba ay tinatanong mo, ikaw lang, maalab at mapagbigay na kaluluwa? Hindi ba’t ako ang iyong kapatid? Wala ba ako ng dugo ng katulad sa iyo, at katulad na banal na mga pagmamahal: si Jesus, mga kaluluwa at kayo, aking minamahal na mga kapatid?... Ngunit mula noong Paskuwa ang aking kaluluwa ay tumanggap ng isang dakilang salita. At mahal ko ang kamatayan. Aking Panginoon, inaalay ko ito sa Inyo, para sa Inyong mga intensiyon.»

«Kung gayon hindi mo na hihilingin sa Akin na pagalingin ka?»

«Hindi, Rabboni. Hinihingi ko sa Inyo na pagpalain ako na sana magawa kong maghirap... at mamatay... at kung ako ay hindi nanghihingi ng labis... ang makatubos... sinabi Ninyo...»

«Sinabi Ko. At pinagpapalà kita upang mabigyan ka ng lahat ng kinakailangang lakas.» At si Jesus ay pinapatong ang Kanyang mga kamay sa kanya at pagkatapos hinahalikan siya.

«Tayo ay mágkakasáma at tuturuan Ninyo ako...»

«Hindi sa ngayon, Lazarus. Hindi Ako mananatili. Napunta lamang Ako para sa kaunting oras. Ako ay aalis ngayong gabi.»

«Ngunit bakit?» tanong ng tatlong nalulungkot na magkakapatid.

«Sapagkat hindi Ako makapananatili... Babalik Ako sa taglagas. At pagkatapos titigil Ako rito nang matagal at marami Akong gagawin dito... at sa kapaligiran...»

Nagkaroon ng malungkot na katahimikan. Pagkatapos si Martha ay pinakikiusapan Siya: «Magpahinga man lamang nang kaunti, ilang pampalamig...»

«Walang makapampapalamig sa Akin nang higit pa kaysa sa inyong pagmamahal. Hayaang makapagpahinga ang Aking mga apostol at hayaan Akong makapanatili rito, kasama kayo, nang ganito, sa kapayapaan...»

Si Martha ay umalis lumuluha, pagkatapos siya ay bumalik na may ilang kopa ng malamig na gatas at ilang maagang prutas...

«Ang mga apostol ay nakakain ng kahit ano, at pagod katulad nila, sila ngayon ay natutulog. Aking Panginoon, talaga bang ayaw Ninyong magpahinga?»

«Huwag mamilit, Martha. Bago sumikat ang araw sila ay maghahanap para sa Akin dito, sa Gethsemane, sa bahay ni Johanna, sa bawat mapag-arugang bahay. Ngunit pagsikat ng araw magiging malayo na Ako.»

«Saan Kayo pupunta, Guro?» tanong ni Lazarus.

«Pagawing Jericho, ngunit hindi sa karaniwang daan... Lalakad Ako pagawing Tekoa at pagkatapos babalik Ako pagawing Jericho.»

«Isang mahirap na paglalakbay sa panahon na ito!...» bulong ni Martha.

«Iyan kung bakit ang daan ay mangungulila. Maglalakad kami sa gabi. Ang mga gabi ay maliwanag kahit bago pa tumaas ang buwan... At pagkatapos pagsikat-ng-araw na...»

«At pagkatapos?» tanong ni Maria.

«At pagkatapos sa ibayo ng Jordan. At sa kataasan ng hilagang Samaria, tatawirin ko ang ilog at pupunta sa lugar na ito.»

«Pumunta sa Nazareth kaagad. Kayo ay pagod...» sabi ni Lazarus.

«Kailangan Ko munang pumunta sa lugar ng baybayin... Pagkatapos... Pupunta Ako sa Galilee. Ngunit Ako ay kanilang uusigin kahit na doon...»

«Lagi nang naroroon ang Inyong Ina upang paginhawahan Kayo...» sabi ni Maria.

«Oo, kaawa-awang Ina!»

«Guro, ang Magdala ay sa Inyo, alam Ninyo» pinaaalalahanan Siya ni Maria.

«Alam Ko, Maria. Nalalaman Ko ang lahat na kabutihan at ang lahat na kasamaan...»

«Nakahiwalay nang ganito!... nang gayong katagal na panahon! Buhay pa kaya ako, pagbalik Ninyo, Guro?»

«Huwag mong pagdudahan iyan. Huwag lumuha... Kailangan na masanay din tayo sa paghihiwalayan. Ang mga pagkakahiwalay ay nagsisilbing pagsubok sa lakas ng mga damdamin. Ang mga puso ng ating minamahal ay mas maiintindihan kapag nakikita natin sila sa pamamagitan ng espirituwal ng mga mata, mula sa malayo. Kapag tayo ay hindi nauudyukan ng pantaong kasiyahan ng pagiging kalapit ang taong ating minamahal, mapaninilayan natin ang espiritu at pagmamahal ng taong iyon...... at magkakaroon tayo ng mas mabuting pagka-intindi tungkol sa kaakuhan ng ating nasa-malayong minamahal... Natitiyak Ko na, iniisip ang Inyong Guro, mas maiintindihan ninyo Siya nang mabuti, kapag nakikita at pinagninilayan ninyo ang Aking mga gawa at pagmamahal nang mapayapa.»

«O! Guro! Ngunit hindi kami nagdududa tungkol sa Inyo!»

«Ni hindi rin Ako tungkol sa inyo. Alam Ko. Ngunit makikilala ninyo Ako nang mas mabuti. At sinasabi Ko sa inyo na mahalin Ako, sapagkat alam Ko ang inyong mga puso. Sasabihin Ko lamang: magdasal para sa Akin.»

Si Lazarus at ang kanyang mga kapatid ay lumuluha... Si Jesus ay malungkot-na-malungkot! Papaano ang isa hindi luluha?

«Ano ang gusto ninyo? Ang Diyos ay naglagay ng pagmamahal sa pagitan ng mga tao. Ngunit ang mga tao ay pinalitan ito ng poot... At ang poot ay hindi lamang pinaghihiwalay ang mga magkakaaway, bagkus ipinahihiwatig ang sarili nito upang mapaghiwalay ang mga magkakaibigan.»

Nagkaroon ng matagal na katahimikan.

Pagkatapos si Lazarus ay nagsabi: «Guro, lumayo Kayo sa Palestina nang matagal-tagal...»

«Hindi. Ang Aking lugar ay dito: upang mamuhay, mag-ebanghelyo, mamatay.»

«Ngunit naisaayos Ninyo si Juan at ang Griyegong babae. Pumunta Kayo at sumama sa kanila.»

«Hindi. Sila ay kailangan na mailigtas. Kailangan Kong magligtas. At iyan ang kaibahan na naglilinaw sa lahat. Ang altar ay naririto, at ang upuan ay naririto. Hindi Ako makapupunta sa ibang lugar. Maging ano pa man... sa palagay ba ninyo mababago niyan kung ano ang napagpasyahan na? Hindi. Ni sa Lupa o sa Langit. Mababahiran lamang nito ang espirituwal na kadalisayan ng pigura ng pagiging Mesiyas. Magiging Ako ang “duwag” na inililigtas ang sarili mismo tumatakas. Kailangan Kong magtatag ng halimbawa para sa kasalukuyan at sa hinaharap ng mga henerasyon na sa mga bagay tungkol sa Diyos, sa banal na mga bagay, ang isa ay hindi dapat na maging duwag...»

«Tama Kayo, Guro» sabi ni Lazarus nang may buntung-hininga.

At si Martha, hinahawi ang kurtina sa tabi, ay nagsabi: «Tama Kayo... Dumidilim na... Ang araw ay nakalubog na...»

Si Maria ay umiiyak nang kaawa-awa, na tila ang salitang iyon ay may kapangyarihan na durugin ang lakas-ng-loob ng kanyang moral, na magpahanggang ngayon ay nakapagpigil sa kanyang kapighatian na manatiling tahimik na mga luha. Umiiyak siya nang mas kahabag-habag kaysa nang siya ay nasa loob ng bahay ng Pariseo, nang pinananawagan niya ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng kanyang mga luha na patawarin siya...

«Bakit ka umiiyak nang ganyan?» tanong ni Martha.

«Sapagkat  nakapagsalita ka ng katotohanan, kapatid! Wala nang sinag-ng-araw... Ang Guro ay aalis na... Wala nang sinag-ng-araw para sa akin... para sa atin...»¹

«Maging mabuti. Pinagpapala Ko kayo at harinawang ang Aking pagpapalà ay manatili sa inyo. At ngayon iwanan ninyo Ako kasama si Lazarus na napapagod at nangangailangan ng kapanatagan. Binabantayan ang Aking kaibigan Ako ay magpapahinga. Asikasuhin ang mga apostol at tiyakin na sila ay handa para sa oras ng mga anino...»

Ang mga babaeng disipulo ay umalis at si Jesus ay nananatiling tahimik, nakalubog sa pag-iisip, nakaupong malapit sa Kanyang nanghihina na kaibigan, na masaya para sa gayong kalapitan, ay nakatulog na may isang malumanay na ngiti sa kanyang mukha.

091210

 



¹ Si Maria Valtorta, ang sumulat ng Gawa na ito, sa huling mga taon ng kanyang buhay, kapag ang kanyang isip ay tila walang laman at nagsasalita nang kakaunti lamang, paminsan-minsan nagsasalita siyang bigla na lamang anumang oras ng tungkol sa araw, at kung minsan paulit-ulit: «O! Gaanong sinag-ng-araw ang mayroon dito!» Walang sinuman ang kailanman nakaintindi kung ano ang kanyang ibig-sabihin. Baka maaaring hulaan ang ibig-sabihin nito sa liwanag ng nasa-itaas na bulalas ni Maria ng Magdala, na para kung kanino si Jesus ay ang araw.



Sunod na kabanata