414. Ang Pulubi sa Daan Patungong Jericho.

Mayo 17, 1944.

Nakikita ko si Jesus sa napaka-alikabok at maaraw na pangunahing daan. Wala rito ni pinakamaliit na kapiraso ng lilim, wala ni isang uhay ng damo. Nariyan ang alikabok sa daan, nariyan ang alikabok sa basurahang kabukiran na nagpapanabi sa daan. Talagang wala rito ng kaaya-ayang mga burol ng Galilee o ng makakahoy na mga bundok ng Judaea, na napakayaman sa tubig at mga patulan. Ang lupa rito ay  hindi talagang isang disyerto sa kalikasan nito, bagkus ito ay naging isang disyerto sa kagagawan ng tao iniiwan itong di-binubukid. Ito ay isang patag na kabukiran at wala akong makita ni isang burol, kahit na sa malayo. Sa dahilan na hindi ko kabisado ang Palestina, hindi ko masabi kung anong rehiyon ito. Ito ay tiyak na isang lugar na hindi ko pa nakita sa mga nakaraang bisyon. Sa isang tabi ng daan ay may mga tambak ng dinurog na mga bato, baka gagamitin sa pagsasaayos ng daan, na nasa pinakamasamang kalagayan. Sa kasalukuyan ang isa ay malulubog sa alikabok: kapag umuulan ito ay maaaring isang agos ng putik. Wala akong makitang mga bahay, sa malapit man sa daan o sa malayo.

Si Jesus katulad ng dati, ay naglalakad nang mga ilang metro sa unahan ng mga apostol, na, mga naiinitan at pagod, sumusunod sa Kanya sa isang grupo. Upang maprotektahan ang kanilang sarili sa init ng araw itinakip nila ang laylayan ng kanilang manta sa kanilang ulo at nagmumukha silang isang samahan ng isang kompraternidad na nakadamit ng maraming-kulay na mga kapa. Si Jesus, sa halip, ay walang takip ang ulo. Ang araw ay tila hindi sa Kanya nakayayamot.  Nakasuot Siya ng isang maputing linen na tunika na maikli ang mga manggas. Ito ay napakalapad at maluwang. Ni hindi rin Niya suot ang Kanyang pangkaraniwang tali na sinturon. Ang Kanyang mga damit ay bagay-na-bagay sa napakainit na lugar na ito. Ang Kanyang ding manta ay maaaring gawa sa kalawakang-asul na linen sapagkat napakagaan nito at bumabagsak nang maluwang sa Kanyang katawan, na kung gayon hindi masyadong balót katulad ng dati. Ang Kanyang mga balikat ay natatakpan, ngunit ang Kanyang mga kamay ay libre. Hindi ko alam kung papaano Niya ito naikabit dito nang gayon.

May isang lalaki na nakaupo, hindi lamang, bagkus, medyo nakahiga sa ibabaw ng isa sa mga nakatambak na mga dinurog na mga bato. Maaaring siya ay isang abang pulubi. Ang kanyang damit (sa isang pananalita) ay isang maruming punit-punit na maikling tunika, na maaaring minsan ito ay maputi, subalit ngayon ay kakulay ng putik. Nakasuot siya ng dalawang nasnas na mga sandalyas: dalawang suwelas na may mga butas, na may mga tali. Sa kanyang mga kamay ay mayroon siyang isang tungkod gawa sa isang sanga ng isang punungkahoy. Mayroon siyang maruming bendahe sa kayang ulo noo, at isa pang maruming basahan, may mantsa ng dugo, sa kanyang kaliwang hita. Ang kaawa-awang tao ay nangayayat, isang tambak ng mga buto, marumi, mabuhok, magulo ang buhok.

Bago niya panawagan si Jesus, si Jesus ang papunta sa kanya. Nilalapitan Niya ang kaawa-awang sawing-palad at tinanong Niya: “Sino ka?»

«Isang mahirap na tao nanghihingi ng tinapay.»

«Sa daan na ito?»

«Ako ay patungo sa Jericho.»

«Ang daan ay mahaba at ang kabukiran ay pinag-iwanan ng mga tao.»

«Alam ko, ngunit ang mga Hentil na dumaraan dito ay mas maaari pang mabigyan ako ng isang piraso ng tinapay at isang sentimos, kaysa ang mga Hudyo mula kung kanino ako nanggaling.»

«Nanggaling ka ba sa Judaea?»

«Oo, mula sa Herusalem. Ngunit kinailangan kong umikot nang malayo upang makita ang ilang mabubuting tao sa kabukiran, dahil sila ay laging nagbibigay ng kahit ano. Ang mga tao sa bayan ay hindi nagbibigay ng kahit ano. Walang awa doon.»

«Tama ka. Wala roong awa.»

«Ngunit Kayo ay may awa. Kayo ba ay Judaean?»

«Hindi. Ako at taga Nazareth.»

«Minsan ang mga Nazareno ay may masamang reputasyon. Ngunit ngayon kailangan na sabihin natin na sila ay mas mabuti kaysa sa mga tao sa Judaea. Kahit na sa Herusalem, tanging ang mga tagasunod lamang ng Nazarenong iyon, Na sinasabi nila na isang Propeta, ang mabuti. Kilala ba Ninyo Siya?»

«At kilala mo ba Siya?»

«Hindi. Ako ay pumunta roon sapagkat, tingnan Ninyo, ang aking paa ay manhid at umikli, at hinihila ko ang aking sarili nang may kahirapan. Wala ako sa kondisyon na magtrabaho at namamatay ako sa gutom at mga palò. Umaasa akong makita ko Siya, sapagkat nasabihan ako na pinagagaling Niya sinuman ang Kanyang hipuin. Totoo na ako ay hindi kasali sa piniling sambayanan... ngunit sinasabi nila na Siya ay mabuti sa lahat. Nasabihan ako na Siya ay nasa Herusalem para sa Kapistahan ng mga Linggo. Ngunit mabagal ang aking paglalakad... at ako ay pinalò at iniwan na nagdurusa sa daan... Nang ako ay nakarating sa Herusalem, nakaalis na Siya, sapagkat sinabi nila sa akin na ang mga Hudyo ay minaltrato din Siya.»

«At ikaw ba ay minaltrato nila?»

«Lagi nilang ginagawa iyan. Tanging ang mga sundalong Romano lamang ang nagbibigay sa akin ng isang piraso ng tinapay.»

«At ano ang sinasabi ng mga tao sa Herusalem tungkol sa Nazarenong iyon?»

«Na Siya ay ang Anak ng Diyos, isang dakilang Propeta, isang Santo, isang Makatarungan na tao.»

«At ano sa isip mo Siya?»

«Ako... ako ay isang idolatra. Ngunit sa palagay ko Siya ang Anak ng Diyos.»

«Papaano mo napaniniwalaan iyan, kung ni hindi mo Siya nakikilala?»

«Alam ko ang Kanyang mga gawa. Tanging Diyos lamang ang maaaring maging kasing buti at makapagsasalita ng mga salita katulad ng Kanyang ginagawa.»

«Sino ang nagsabi sa iyo ng mga salitang iyan?»

«Ibang mahihirap na tao, mga taong pinagaling, mga bata na nagdadala sa akin ng ilang tinapay... Ang mga bata ay mabubuti at wala silang pakialam tungkol sa mga naniniwala at mga idolatra.»

«Ngunit tagasaan ka?»

«...»

«Sabihin sa Akin. Ako ay katulad ng mga bata. Huwag matakot. Ngunit maging sinsiro.»

«Ako ... ay isang Samaritano. Huwag Ninyo akong bugbugin...»

«Wala Akong binubugbog na sinuman. Wala Akong pinandidirihan na sinuman. Nalulungkot Ako para sa lahat.»

«Kung gayon... Kung gayon Kayo ang Rabbi ng Galilee!»

Ang pulubi ay pinagpatirapa ang sarili, mula sa ibabaw ng tambak na mga bato siya ay bumagsak sa alikabok katulad ng isang patay na katawan, sa harapan ni Jesus.

«Tumayo ka. Ako iyon. Huwag matakot. Tumayo at tingnan Ako.»

Ang pulubi ay tumitingala, nasa kanyang mga tuhod pa rin: siya ay lahat napaikli dahil sa pagkasira ng porma ng kanyang katawan.

«Bigyan ang taong ito ng makakain at ilang maiinom» sabi ni Jesus sa mga apostol na mga kararating pa lamang.

Si Juan itong siyang nagbibigay ng tinapay at tubig.

«Gawin siyang makaupo, upang siya ay sana makakain nang komportable. Kumain, kapatid.»

Ang kaawa-awang lalaki ay lumuluha. Siya ay hindi kumakain. Tinitingnan niya si Jesus sa pamamagitan ng mga mata ng isang nawawalang na aso, na hinahaplos at pinakakain, sa unang pagkakataon, ng isang maawaing tao.

«Magpakabusog!» utos ni Jesus ngumingiti.

Ang kaawa-awang mamâ ay kumakain sa pagitan ng isang hikbi at ng isa pa at ang mga luha ay binábasa ang kanyang tinapay. Ngunit may isang ngiti rin kasama ng kanyang mga luha. Unti-unti siyang nagkaroon ng kompiyansa.

«Sino ang nanugat sa iyo rito?» tanong ni Jesus hihipo ng Kanyang mga daliri ang bendahe sa kanyang noo.

«Ang isang mayaman na Pariseo ay sinadyang sagasaan ako ng kanyang kariton... Ako ay nakatayo sa sangahan ng mga daan nanghihingi ng tinapay. Pinatakbo niya ang kanyang mga kabayo patungo sa akin nang mabilis, na ako ay hindi nakaiwas. Ako ay nasa punto na na mamatay dahil noon. May butas pa ako sa aking ulo, mula kung saan ang bilasa na bagay ay lumalabas.»

«At sino ang pumalo sa iyo diyan?»

«Nilapitan ko ang bahay ng isang Saduseo, kung saan may isang bangkete, nanghihingi ng ilang mga tira, na napagpilian na ng mga aso. Nakita niya ako at pinahabol ako sa mga aso. Ang isa sa kanila ay pinira-piraso ang aking hita.»

«At ano ang tungkol sa malaking peklat na puminsala sa iyong kamay?»

«Ang isang eskriba ay binigyan ako ng isang palo ng kahoy tatlong taon na ang nakararaan. Nalaman niya na ako ay isang Samaritano at pinalo ako binabali ang aking mga daliri. Iyan kung bakit hindi ako makapagtrabaho. Na ang aking kanang kamay sira, ang aking paa manhid, papaano makagagawa ng pagkakakitaan para mabuhay?»

«Ngunit bakit mo iniiwan ang Samaria?»

«Masama ang maging may pangangailangan, Guro. Kami ay hindi masayang-masaya, at walang sapat na tinapay para sa lahat. Kung tutulungan Ninyo ako...»

«Ano ang gusto mong gawin Ko para sa iyo?»

«Ang pagalingin ako upang sana makapagtrabaho ako.»

«Sa palagay mo ba magagawa Ko?»

«Oo, pinaniniwalaan ko iyan, sapagkat Kayo ang Anak ng Diyos.»

«Pinaniniwalaan mo iyan?»

«Pinaniniwalaan ko.»

«Ikaw, isang Samaritano, pinaniniwalaan iyan? Bakit?»

«Hindi ko alam. Alam ko na naniniwala Ako sa Inyo at sa Kanya Na nagpadala sa Inyo. Ngayon na Kayo ay nakapunta na, wala nang pagkakaiba sa pagsasamba. Sapat nang sambahin Kayo upang masamba ang Inyong Ama, ang eternal na Panginoon. Kung nasaan Kayo, naroon ang Ama.»

«Napakinggan ba ninyo, Aking mga kaibigan? (Si Jesus ay kinakausap ang Kanyang mga disipulo). Ang lalaking ito ay nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu Na nagpapaliwanag sa katotohanan para sa kanya. At sasabihin Ko sa inyong totoo na siya ay mas superior sa mga eskriba at mga Pariseo, sa malulupit na Saduseo, sa lahat ng mga idolatrang iyon na may kasinungalingan na tinatawag ang kanilang mga sarili na mga anak ng Batas. Ang Batas ay nagpapanuto na mahalin natin ang ating kapwa, pagkatapos ng Diyos. At nagbibigay sila ng palò sa kapwa na nanghihingi ng tinapay, nananagasa sila ng mga kabayo at mga aso sa mga nakikiusap, sa isang kapwa na ibinababa ang kanyang sarili nang mas mababa pa kaysa sa mga aso ng isang mayaman na tao, pinahahabol siya sa kanilang pinaka mga aso, upang magawa siyang mas di-masaya kaysa sa nagagawa sa kanya ng kanyang mga sakit. Mapanghamak, malupit, mga mapagkunwari, ayaw nilang makilala ang Diyos at mamahal. Kung ito ay ang kanilang ginusto, magagawa nilang makilala Siya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, katulad ng sinabi ng lalaking ito. Sa pamamagitan ng mga gawa, hindi ng mga pagsasanay nagagawa ang mga tao na makita nila ang buháy na Diyos sa mga puso ng mga tao at madala sila sa Diyos. At ikaw, Judas, dahil pinupuna mo na Ako ay hindi nag-iingat sa Aking pagpasya, sabihin sa Akin, hind Ko ba sila kagagalitan? Ang maging tahimik, magmaang-maangan na sinasang-ayunan Ko sila, ay mangangahulugan na sinasang-ayunan Ko ang kanilang ginagawa. Hindi. Para sa kaluwalhatian ng Diyos, Na ang Kaninong Anak ay Ako, hindi Ko maipahihintulot na paniwalaan ng mga aba, di-masayang mga tao na sinasang-ayunan Ko ang kanilang mga kasalanan. Naparito Ako upang ang mga Hentil ay magawang mga anak ng Diyos. Ngunit hindi Ko iyan magagawa kung nakikita nila na ang mga anak ng Batas – ganyan ang kanilang tawag sa kanilang mga sarili, ngunit sila ay mga anak-sa-labas – ay nagsasabuhay ng isang paganismo na mas makasalanan pa kaysa ng sa mga hentil, sapagkat ang mga Judiong ito ay alam nila ang Batas ng Diyos, at ngayon, katulad-na-katulad mismo ng di-malilinis na hayop, dinuduraan nila ang Batas ng mga pagbulbok ng kanilang nasiyan na masimbuyong mga damdamin. Kailangan Ko bang maniwala, Judas, na ikaw ay katulad nila? Ikaw, na pumupuna sa Akin para sa katotohanan na Aking sinasabi? O kailangan Ko bang isipin na nag-aalala ka tungkol sa iyong sariling buhay? Ang sumusunod sa Akin ay hindi kailangan na mag-alala tungkol sa pantaong mga alalahanin. Sinabi Ko sa iyo Judas na may oras ka pang mamilì sa pagitan ng Aking pamamaraan at ng pamamaraan ng mga Judaean, na iyong sinasang-ayunan. Ngunit isipin na ang Aking pamamaraan ay pumupunta sa Diyos; ang isa sa Kaaway ng Diyos. Isipin iyan at magpasya. Ngunit maging sinsiro. At ikaw, Aking kaibigan, bumangon at maglakad. Alisin ang mga bendaheng iyan. Bumalik ka sa iyong tahanan. Ikaw ay magaling na dahil sa iyong pananampalataya.»

Ang pulubi ay tinitingnan si Jesus tulalà. Hindi siya mangahas na iunat ang kanyang kamay... ngunit sinusubukan niya. Ito ay may kapinsalaan, katulad-na-katulad ng kanyang kaliwang kamay. Binitiwan niya ang kanyang tungkod, at itinutulak ang kanyang mga kamay sa tambak ng mga bato, siya ay tumayo. Ang paralisis na pumipigil sa kanyang paa ay wala na. Iginagalaw niya ang kanyang paa, binabaluktot ito... humakbang ng isa, dalawa, tatlo. Siya ay naglalakad... tinitingnan niya si Jesus nang may isang sigaw at mga luha ng kagalakan. Pinupunit niya ang mga bendahe mula sa kanyang noo. Hinihipo niya ang likuran ng kanyang ulo, kung saan naroroon dati ang may-impeksiyon na butas. Wala na ito. Ang lahat ay magaling na. Pinupunit niya ang may dugong basahan mula sa kanyang paa: ang balat ay walang sugat.

«Guro, Guro at aking Diyos!» sigaw niya, itinataas ang kanyang mga kamay, at pagkatapos lumuluhod upang halikan ang mga paa ni Jesus.

«Umuwi ka na, at laging maniwala sa Panginoon.»

«At saan ako pupunta, Guro at Diyos, bagkus sa Inyo, Na mabuti at banal? Huwag Ninyo akong tanggihan, Guro...»

«Pumunta sa Samaria. At magsalita tungkol kay Jesus ng Nazareth. Ang oras ng Panunubos ay malapit na. Maging Aking disipulo kasama ang iyong mga kapatid na lalaki. Humayo sa kapayapaan.»

Si Jesus ay pinagpapala siya at sila ay naghiwalay pagkatapos. Ang pinagaling na lalaki ay naglalakad nang mabilis pagawing hilaga, palingun-lingon paminsan-minsan upang tumingin.

Si Jesus, kasama ang Kanyang mga apostol, ay iniiwan ang daan at sila ay nagpapatuloy pagawing silangan dumaraan sa di-binukid na mga lupa, kinukuha ang isang maliit na landas na tumatawid sa pangunahing daan at ito ay lumalapad sa mas malayo pa sa unahan. Baka ito ang daan patungong Jericho. Hindi ko alam.

151210



Sunod na kabanata