415. Ang Kombersiyon ni Zacchaeus.

Hulyo 17, 1944.

Nakikita ko ang isang malaking liwasan, na nagmumukhang isang palengke at nalililiman ng mga palmera at iba pang mas mabababang madadahon na mga punungkahoy. Ang mga punong palmera ay tumutubo rito at doon, nang walang kaayusan at ang kanilang nasa-tuktok na mga dahon ay lumalagaslas sa mainit na nasa mas mataas na ihip ng hangin, na nagpapataas sa isang mapula-pulang alikabok, na tila ito ay nanggagaling sa isang disyerto o mula sa di-binukid na mga lugar ng mapula-pulang lupa. Ang ibang mga punungkahoy, sa halip, ay nakagagawa ng malililim na mga portiko sa mga tabi ng liwasan, at ang mga nagtitinda at mga mámimili ay naninilungan sa ilalim ng mga ito, sa isang walang-tigil na kaingayan ng pagsisigawan.

Sa isang sulok ng liwasan, sa eksaktong lugar kung saan ang pangunahing daan ay doon mismo patungo, ay may isang sinaunang tanggapan ng pagbubuwis. Doon ay may mga timbangan at mga panukat, at isang upuan kung saan nakaupo ang isang maliit na lalaki na siyang nangangasiwa, tumitingin at nangongontrata ng pera at kung kanino ang lahat ay nakikipagusap, na tila siya ay kilalang-kilala. Alam ko na siya ay si Zacchaeus, ang mágbubuwís, katulad na ito ang tawag sa kanya ng maraming tao, ang ilang tao ay lumalapit sa kanya upang magtanong ng tungkol sa mga pangyayari sa bayan, at sila ay karamihan mga estranghero, ang ilan ay upang magbayad ng buwis. Marami ang nagtataka na nakikita siyang nag-aalala. Siya sa katunayan ay tila wala-sa-sarili at nakalubog sa pag-iisip. Tumutugon siya nang paisa-isang salita lamang at kung minsan sa pamamagitan ng kilos lamang, na nagpapamangha sa karamihan, na nakakikilala sa kanya bilang madaldal. Ang ilan ay nagtatanong sa kanya kung masama ang kanyang pakiramdam o kung mayroon siyang kamag-anak na may sakit. Ngunit sinasabi niya wala.

Tanging dalawang beses lamang siya nagpakita na siya ay interesado. Ang una ay nang tinanong niya ang dalawang tao na mga nanggaling sa Herusalem at mga nagsasalita tungkol sa Nazareno, tungkol sa Kanyang mga himala at itinuturo. Si Zacchaeus pagkatapos ay magtatanong ng maraming tanong: «Siya ba ay talagang kasing buti katulad ng kanilang sinasabi? At ang Kanyang bang mga salita ay sumasang-ayon sa mga nangyayari? Talaga bang ginagamit Niya ang awa na Kanyang tinuturo? Para sa kapakanan ng lahat, pati na rin mga publikano? Totoo ba na wala Siyang tinatanggihang sinuman?» At siya ay makikinig, mag-iisip at magbubuntung-hininga. Ang ikalawang beses ay nang ang isang tao ay itinuro sa kanya ang isang may-balbas na lalaki, na dumaraan na may maliit na asno na kargado ng mga kagamitan pambahay. «Kita mo iyon, Zacchaeus? Iyan ay si Zachariah, ang ketongin. Siya ay naninirahan sa isang sepulkro sa loob ng sampung taon. Ngayon na siya ay magaling na, bumili siya ng mga kagamitan para sa kanyang bahay, na tinanggalan ng mga laman ayon sa Batas, nang ang kanyang mga kamag-anak ay sinabing may mga ketongin.»

«Tawagin siya.»

Si Zachariah ay lumapit.

«Ikaw ba ay ketongin dati?»

«Oo at gayon din ang aking asawa at aking dalawang anak. Ang aking asawa ang unang nagkaroon at hindi namin ito napuna kaagad. Ang mga bata ay nagkaroon sa pagtabi sa kanilang ina sa pagtulog, at ako, nang siya ay aking tinabihan. Kaming lahat ay mga ketongin! Nang ako ay natuklasan, pinalayas nila kami sa nayon... Pinabayaan sana nila kami sa aming bahay, dahil ang aming bahay ay ang pinakahuli... sa dulo ng kalsada. Hindi sana kami nakapagbigay ng kahit anong problema sa kanino man... Nakapaglagay na rin ako ng isang napakataas na harang, upang kami ay sana hindi makita. Iyon ay isa nang sepulkro... ngunit iyon ay ang aming tahanan... pinalayas nila kami. Pinalayas! Pinalayas! Walang bayan ang may gusto sa amin. At tamang-tama sila! Ni ang aming sariling bayan ay walang gusto sa amin. Namalagi kami malapit sa Herusalem, sa loob ng isang walang-laman na sepulkro. Marami sawing-palad ang naroroon. Ngunit ang mga bata ay namatay, sa lamig ng kuweba. Ang sakit, lamig at pagkagutom ay ang pumatay sa kanila pagkaraan... Sila ay dalawang lalaki... ang gaganda nila bago ang pagkakasakit. Sila ay malakas at maganda, madilim na kulay-kape katulad ng dalawang blackberry sa Agosto, kulot at masigla. Sila ay naging dalawang kalansay punó ng sugat... Wala nang naiwang buhok sa kanila, ang kanilang mga mata ay natatakpan ng mga langib, ang kanilang mga paa at mga kamay ay bumabagsak na mga puting kaliskis hanggang maubos. Nakita ko ang mga katawan ng aking mga anak na nauubos!... Hindi na sila nagmumukhang mga tao noong umagang sila’y mamatay... magkakasunod sa pagitan ng kaunting oras... ibinaon ko sila sa ilalim ng kaunting lupa at maraming bato, katulad ng mga labí ng mga hayop, habang sumisigaw ang kanilang ina... Pagkaraan ng ilang mga buwan ang kanilang ina ay namatay... at ako’y naiwan nag-iisa... Ako ay naghihintay na mamatay at walang maghuhukay ng libingan para sa akin...

Ako ay halos bulag na nang isang araw ang Nazareno ay dumaan. Mula sa aking sepulkro ako ay sumigaw:  “Jesus! Anak ni David, maawa sa akin!”. Ang isang pulubi, na hindi natatakot na magdala sa akin ng kanyang tinapay, ay nagsabi sa akin na siya ay napagaling sa kanyang pagkabulag sa pagsigaw ng ganyang panawagan. At sinabi niya: “Hindi lamang Niya ako binigyan ng paningin ng aking mga mata, bagkus ang paningin din ng aking kaluluwa. Nakita ko na Siya ay ang Anak ng Diyos at nakikita ko ang bawat isa sa pamamagitan Niya.  Iyan kung bakit, aking kapatid, hindi kita iniiwasan, bagkus dinadalhan kita ng tinapay at pananampalataya. Pumunta ka sa Kristo. Upang sana isa pang kaluluwa ang magpala sa Kanya”. Makakapunta ako. Ang aking mga paa, nagka-ulser hanggang sa buto, ay hindi ako pinalalakad... maging ano pa man... babatuhin nila ako, kung ako ay kanilang makita. Naghintay ako nang maingat para sa Kanya na dumaan. Madalas Siyang dumaraan sa pagpunta sa Herusalem. Isang araw nakakita ako, hanggang sa maaninag ko, ang isang ulap ng alikabok sa daan at maraming tao at nakaririnig ako ng mga sigawan. Kinaladkad ko ang aking sarili hanggang sa gilid ng burol, kung saan naroroon ang mga sepulkrong mga kuweba, at nang sa isip ko nakakakita ako ng isang ulo na walang takip at maganda ang buhok na nagniningning sa pagitan ng iba pang mga ulo na may mga takip, ako ay sumigaw nang malakas, sa tuktok ng aking boses. Sumigaw ako nang tatlong beses, hanggang narating Siya ng aking sigaw. Siya ay tumalikod. Siya ay tumigil. Pagkatapos Siya ay lumakad patungo sa akin. Siya ay magandang lalaki, mabait, may isang tinig, isang ngiti!... Siya ay nagtanong: “Ano ang gusto mong gawin Ko para sa iyo?”.

«Ibig kong malinisan”.

“Naniniwala ka ba na magagawa Ko? Bakit?” Tinanong Niya ako.

«Sapagkat Kayo ang Anak ng Diyos”.

«Naniniwala ka diyan?»

“Naniniwala ako diyan” tumugon ako. “Nakikita ko ang Kataastaasan na kumislap sa Kanyang kaluwalhatian sa itaas ng Inyong ulo. Anak ng Diyos, maawa sa akin!”.

Pagkatapos nag-unat Siya ng isang kamay at ang Kanyang mukha ay umapoy. Ang Kanyang mga mata ay tila dalawang asul na mga araw, at sinabi Niya: “Gusto Ko ito. Maging malinis” at pinagpala Niya ako sa pamamagitan ng isang ngiti!... Ah! Anong ngiti! Nakaramdam ako ng isang lakas na pumasok sa akin. Katulad ng isang espadang apoy na lumalagos hinahanap ang aking puso, ito’y dumaraan sa aking mga ugat. Ang aking puso, na may sakit, ay naging katulad noong ako ay dalawampung taong gulang, ang kasing lamig-ng-yelo na dugo ay naging mainit at mabilis ang daloy sa aking mga ugat. Wala nang mga kirot, walang kahinaan, at isang lugod, anong lugod iyon!... Siya ay nakatingin sa akin,  sa pamamagitan ng Kanyang ngiti ginawa Niya akong masaya. Pagkatapos sinabi Niya: “Humayo, ipakita mo ang iyong sarili sa mga pari. Ang iyong pananampalataya ay ang nagligtas sa iyo”.

Diyan ko napuna na ako pala ay napagaling na at tiningnan ko ang aking mga kamay at mga paa. Wala na roon ang mga sugat. Naroon ang sariwang malarosas na laman kung saan naroroon dati ang buto na walang nakatakip na laman. Tumakbo ako patungo sa isang maliit na umaagos na tubig at tiningnan ko ang aking sarili. Ang akin ding mukha ay malinis. Ako ay malinis! Malinis pagkaraan ng pagiging kadiri-diri sa loob ng sampung taon!... O! Bakit hindi Siya dumaan noon? Nang ang aking asawa at mga anak ay buhay pa? Napagaling sana Niya kami. Ngayon, nakikita mo? Bumibili ako ng mga kagamitan para sa aking bahay... ngunit ako ay nag-iisa lang!...»

«Hindi mo na ba Siya nakita ulit?»

«Hindi, ngunit alam ko na Siya ay nasa lugar na ito ngayon at iyan kung bakit ako naparito. Ibig ko Siyang pagpalain muli at mapagpala Niya ako upang magkaroon ako ng lakas sa aking pag-iisa.»

Si Zacchaeus ay itinungo ang kanyang ulo at siya’y tahimik. Ang grupo ay naghiwalay.

Ilang mga sandali ang dumaan. Ngayon ay mas mainit. Ang palengke ay nawawalan ng mga tao. Ang tagabuwis na ang kanyang ulo nakasandal sa isang kamay ay nag-iisip, nakaupo sa kanyang mesa.

«Naririto ang Nazareno!» sigaw ng ilang mga bata, tinuturo ang pangunahing daan.

Ang mga babae, mga lalaki, mga maysakit, mga pulubi ay nagmamadali patungo sa Kanya. Ang liwasan ay walang-tao. Tanging ilang mga asno at mga kamelyo lamang, nakatali sa mga puno ng palmera, ang nananatili sa kanilang kinaroroonan, at si Zacchaeus nananatili sa kanyang tanggapan.

Pagkatapos siya ay tumayo at umakyat sa ibabaw ng kanyang mesa. Ngunit wala siyang makita kahit na ano sapagkat maraming tao ang kumuha ng mga sanga at winawagayway ito nang malugod at si Jesus ay niyuyukuan ang mga taon may sakit. Si Zacchaeus pagkatapos ay hinubad ang kanyang pangibabaw at nakasuot lamang ng kanyang maikling tunika inakyat niya ang isa sa mga punungkahoy. Tumaas siya sa malaking makinis na puno nang may kahirapan dahil sa kanyang maiikling kamay at mga paa. Ngunit siya ay nagtagumpay at umupo nang pabalagbag sa dalawang sanga. Ang kanyang mga paa ay nakalawit sa mga sangang iyon at mula sa kanyang baywang pataas siya ay dumudungaw na tila siya ay nasa isang bintana at siya ay nanonood.

Ang mga pulutong ay nakarating sa liwasan. Si Jesus ay tumingala at ngumingiti sa nag-iisang nanonood na nakaupo sa mga sanga. «Zacchaeus, bumaba ka kaagad. Titigil Ako sa iyong bahay ngayon» utos Niya.

At si Zacchaeus pagkatapos ng ilang sandali ng pagtataka, ang kanyang mukha namumula sa pananabik, pinadalusdos ang kanyang sarili patungo sa lupa katulad ng isang sako. Siya ay sabik-na-sabik na halos nakalimutan niyang magsuot ng damit. Isinasara niya ang kanyang mga libro at ang tanggapan ng pagbubuwis nang may pagkilos na ang ibig-sabihin siya ay nagmamadali, subalit ito ay nagiging napakabagal. Ngunit si Jesus ay matiyaga. Hinahaplos Niya ang ilang mga bata habang naghihintay.

Si Zacchaeus sa wakas ay handa. Nilalapitan niya ang Guro at pinasusunod Siya patungo sa isang magandang bahay na may isang malaking hardin sa paligid, sa gitna ng bayan. Isang magandang bayan. Hindi masyadong mas mahinang klase sa Herusalem kung tungkol sa mga gusali, kung hindi sa laki ng mga gusali.

Si Jesus ay pumasok at habang naghihintay para sa pagkain na maihanda, inaasikaso Niya ang mga may-sakit at ang malulusog na tao. Nang may gayong tiyaga... katulad na Siya lamang ang makagagawa.

Si Zacchaeus ay paparoo’t parito, inaabala ang sarili. Siya ay wala sa sarili nang malugod. Ibig niyang magsalita kay Jesus. Ngunit si Jesus ay laging napalilibutan ng isang pulutong ng mga tao.

Sa wakas pinahayo ni Jesus ang lahat nagsasabing: «Bumalik sa pagsikat-ng-araw. Umuwi na kayo ngayon sa inyong mga tahanan. Kapayapaan sa inyo.»

Ang hardin ay nawawalan ng laman at ang pagkain ay inihain sa loob ng isang magandang bulwagan nakaharap sa hardin. Si Zacchaeus ay ginawa ang mga bagay-bagay sa magandang istilo. Wala akong nakikitang iba pang mga kamag-anak, kung kaya't iniisip ko na si Zacchaeus ay binata at naninirahan lamang kasama ang maraming katulong.

Sa katapusan ng pagkain, nang ang mga disipulo ay kumalat sa lilim na mga palumpong, si Zacchaeus ay nananatiling kasama ni Jesus sa loob ng malamig na bulwagan. Sa katunayan si Jesus ay nanatiling nag-iisa nang mga ilang sandali para sa kaunting pagpapahinga, habang si Zacchaeus ay umaalis upang Siya ay makapagpahinga. Ngunit siya ay bumalik at sumisilip sa isang maliit na pagitan ng mga kurtina. Nakikita niya na si Jesus ay hindi natutulog, bagkus nag-iisip. Siya kung gayon ay nilapitan Siya. May dala-dala siyang isang maliit na kahon, na kanyang inilalapag sa ibabaw ng mesa malapit kay Jesus at nagsasabi: «Guro... sila ay nagsalita sa akin tungkol sa Inyo. Nang matagal-tagal na. Isang araw sa tabi ng isang bundok Kayo ay nagsalita ng maraming makatotohanang bagay, na ang ating mga doktor ay hindi ito mahihigitan. Ito ay nananatili sa loob ng aking puso... at mula noon ako ay nag-iisip tungkol sa Inyo... Pagkatapos ako ay nasabihan na Kayo ay mabuti at na hindi Ninyo tinatanggihan ang mga nagkakasala. Ako ay isang makasalanan, Guro. Sinabi nila sa akin na nanggagamot Kayo ng mga maysakit. Ang aking puso ay may sakit, sapagkat ako ay nandaya, nagsasagawa ako ng usurya, ako ay matagal nang makasalanan, isang magnanakaw, matigas sa mahihirap. Ngunit ngayon, ako ay napagaling, sapagkat nagsalita Kayo sa akin. Ako ay Inyong nilapitan at ang mga dimonyo ng kahalayan at mga kayamanan ay lumayas. At mula sa araw na ito, ako ay pag-aari Ninyo, kung hindi Ninyo ako tatanggihan, at upang mapatunayan sa Inyo na ako ay naipanganak nang muli sa Inyo hinuhubaran ko ang aking sarili ng lahat ng kayamanan na kinita ko sa masamang pamamaraan at binibigay ko sa Inyo ang kalahatian ng aking kayamanan para sa mahihirap at gagamitin ko ang natitirang kalahati upang mabayaran, nang apat na ulit, anuman ang aking nakuha sa pandaraya. Kilala ko kung sino ang aking mga dinaya. Pagkatapos, pagkatapos na maibalik sa kanila kung ano ang para sa kanila, susundan ko Kayo, Guro, kung pahihintulutan Ninyo ako...»

«Gusto Ko iyan. Halika. Ako ay naparito upang magligtas at tawagin ang mga tao sa Liwanag. Ngayong araw ang Liwanag at ang Kaligtasan ay pumunta sa tahanan ng iyong puso. Ang mga taong iyon, sa kabila ng geyt na mga pabulung-bulong sapagkat tinubos kita nakaupo sa iyong bangkete, ay nakakalimutan na ikaw ay isang anak ni Abraham katulad nila, at na Ako ay naparito upang iligtas ang nawawala at upang magbigay ng Buhay sa mga patay ang espiritu. Halika, Zacchaeus. Naintindihan mo ang Aking salita nang mas mabuti pa kaysa sa maraming tao na mga sumusunod sa Akin upang Ako ay kanila lamang maakusahan. Kung gayon makakasama kita magmula ngayon.

Ang bisyon ay nagtatapos dito.

--------------------

Hulyo 18, 1944.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«May lebadura at lebadura. Nariyan ang lebadura ng Kabutihan at ang lebadura ng Kasamaan. Ang lebadura ng Kasamaan, isang Makadimonyong lason, ay mas madaling umasim kaysa sa lebadura ng Kabutihan, sapagkat ang materyal ay mas madali para sa pangangasim nito sa puso ng tao, sa isip ng tao, sa laman ng tao, ang tatlong ito narahuyo ng isang makasariling kalooban, kontra kung gayon sa unibersal na Kalooban, na siyang ang Kalooban ng Diyos.

Ang kalooban ng Diyos ay unibersal sapagkat hindi ito nakapaloob sa isang personal na kaisipan, bagkus tinitingnan nito ang ikabubuti ng buong sansinukuban. Walang makapagdadagdag sa perpeksiyon ng Diyos sa kahit anong paraan, dahil lagi Niyang taglay ang lahat sa perpektong pamamaraan. Kung gayon hindi maaaring magkaroon sa Kanyang isip ng pansariling pakikinabang na siyang magpapakilos sa Kanya. Kapag nagsasabi tayo: “Ito ay ginagawa para sa mas malaking kaluwalhatian ng Diyos, sa interes ng Diyos”, hindi natin pinakakahulugan na ang dibinong kaluwalhatian ay maaari pang paunlarin, bagkus na ang lahat na sa loob ng Sangnilikha ay nagtataglay ng tanda ng kabutihan at ang kahit sinong tao na gumagawa ng mabuti, at kung gayon karapat-dapat na taglayin ito, ay naaadornohan ng tanda ng dibinong Kaluwalhatian at kung gayon nagbibigay ng kaluwalhatian sa Kaluwalhatian mismo, Na siyang naglikha sa lahat nang may-kaluwalhatian. Ito, sa maikling pananalita, ang katibayan na tinataglay ng mga tao at mga bagay sa Diyos, nagbibigay ng ebidensiya, sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, tungkol sa perpektong Pinanggalingan mula kung saan sila nagmula.

Kung gayon, kapag ang Diyos ay inuutusan o pinapayuhan kayo na gumawa ng isang pagkilos o pinasisigla kayo ng isang pagkilos, hindi Niya tinatangka ang kahit anong pagkamakasariling interes, bagkus ang inyong kabutihan, nang may mapakipagkapwang mapagkawanggawang kaisipan. Iyan, kung gayon, ang rason kung bakit ang Kalooban ng Diyos ay hindi kailanman makasarili, sa kabaligtaran ito ay ang Kalooban na ang ganap na tinatangka ay ang pakikipagkapuwa at pansansinukuban na kabutihan.

Sa kabilang dako, ang lebadura ng Kabutihan, espirituwal na semilya nagmumula sa Diyos, ay tumutubo sa pamamagitan ng mga kahirapan at paghihirap, dahil mayroon ito ng laban sa sarili nito ang mga reaksiyon na kapaki-pakinabang sa kabilang isa: ang laman, ang puso, ang isip ng tao, kung saan nakalaganap ang pagkamakasarili, ang kabaligtaran ng Kabutihan, na sa pamamagitan ng pinanggalingan nito ay maaaring bagkus hindi ang Pagmamahal. Ang karamihan na tao ay nagkukulang ng mabuting kalooban at gawa niyan ang Kabutihan ay nagiging baog at namamatay, o nabubuhay nang hindi maganda na ito ay hindi umaalsa: nananatili itong katulad nang dati. Wala ritong malalang diperensiya. Ngunit wala rito ni kahit ang pagsisikap na makagawa ng pinakamalaking kabutihan. Ang espiritu kung gayon ay nakahiga na walang galaw: hindi patay, ngunit hindi mamunga.

Itanim sa isip na ang hindi gumawa ng kasamaan ay nagsisilbi lamang na maiwasan ang Impiyerno. Upang kasiyahan kaagad ang magandang Paraiso ang isa ay kailangan na gumawa ng mabuti. Ito ay kinakailangan. Hanggang sa dami na kabutihan na magagawa ng isa, nilalabanan ang sarili at ibang mga tao. Sapagkat sinabi Ko na Ako ay naparito hindi upang magdala ng kapayapaan bagkus digmaan, sa pagitan din ng ama at mga anak, mga magkakapatid na lalaki at magkakapatid na babae, kapag ang digmaan na iyan ay ang ipagsanggalang ang Kalooban ng Diyos at ang Kanyang Batas laban sa pag-aabuso ng mga kalooban ng tao tinatangka kung ano ang laban sa ginugusto ng Diyos.

Sa loob ni Zacchaeus ang munting lebadura ng kabutihan ay umalsa nang malaki.  Tanging maliit na kapiraso lamang ng orihinal ang napapunta sa kanyang puso: naipaliwanag nila sa kanya ang Aking Sermon sa Bundok. At naipaliwanag nila ito nang napakasamâ, napira-piraso ito nang marami, katulad ng nangyayari sa mga talumpati na ibinabalita.

Si Zacchaeus ay isang publikano at isang makasalanan, ngunit hindi sa pamamagitan ng masamang kalooban. Katulad niya ang isa na masama ang pagkakita sa mga bagay-bagay dahil ang isang hadlang na katarata ay nakatakip sa mga lente ng kanyang mga mata. Ngunit nalalaman niya na kapag ang hadlang ay maalis, makakakita siya nang maayos muli. At ang may-sakit na taong iyon ay ibig na maalis ang hadlang. Si Zacchaeus ay katulad niyan. Siya ay hindi kumbinsido o masaya. Hindi siya kumbinsido ng mga pagsasabuhay ng mga Pariseo, na siyang pumalit na sa totoong Batas. At hindi siya masaya sa kanyang paraan ng pamumuhay.

Likas na hinahanap niya ang Liwanag. Ang totoong Liwanag. Nakita niya ang kislap nito sa kapirasong iyon ng Aking talumpati at tinago niya ito sa loob ng kanyang puso katulad ng isang tagong-kayamanan. Sapagkat minahal niya ito – itanim ito sa isip, Maria, sapagkat minahal niya ito, ang kislap ay naging mas buhay-na-buhay pa, malawak at maapoy, at nagawa siyang makita niya nang maliwanag ang Kabutihan at ang Kasamaan at nagawa siyang makapili nang tama, walang-pagpipigil na pinuputol ang lahat na mga galamay, na dati, mula sa mga bagay patungo sa kanyang puso at mula sa kanyang puso patungo sa mga bagay, ay isang lambat ng malisyosong pagkaalipin na nakabalot sa kanya.

“Sapagkat minahal niya ito”. Iyan ang lihim ng tagumpay o kabiguan. Nagtatagumpay ang isa kapag siya ay nagmamahal. Kakaunti ang tagumpay ng isa kapag siya ay matipid magmahal. Walang tagumpay kahit ano ang isa kung siya ay hindi nagmamahal. Kahit sa ano pa. Mas lalo na sa mga bagay na tungkol sa Diyos, kung saan, sa dahilan na ang Diyos ay hindi nadarama ng korporyal na mga pandama, sasabihin Kong tahasan, ang isa ay kailangan na magmahal nang perpekto, hanggang sa maabot ng isang nilikha ang perpeksiyon, upang magtagumpay sa isang gawain. Sa kabanalan, sa kasong ito.

Si Zacchaeus, nasusuklam sa mundo at sa laman, katulad na siya ay nasuklam sa kalupitan ng mga pagsasabuhay ng mga Pariseo, napaka mapunahin at mahigpit para sa ibang mga tao, mapagpalayaw para sa kanilang sarili, ay minahal ang maliit na tagong-yaman ng isang salita Ko, na nakaabot sa kanya nang di-sinasadya, sa pantaong pananaw. Minahal niya ito bilang ang pinakamagandang bagay na tinaglay kailanman ng kanyang apatnapung-taon na pamumuhay, at mula sa sandaling iyon iniukol niya ang kanyang puso at isip sa puntong iyon.

Hindi lamang sa kasamaan naroroon na ang puso ng tao kung saan naroroon ang kanyang tagong-kayamanan. Bagkus sa kabutihan din. Ang mga santo kaya sa loob ng kanilang pamumuhay ay hindi nailagay ang kanilang puso kung saan naroroon ang kanilang tagong-kayamanan sa Diyos? Oo, naroroon ang puso nila. At iyan kung bakit, tinitingnan lamang ang Diyos, nakaraan sila sa Lupa, nang hindi nahahawahan ang kanilang mga kaluluwa ng putik ng Lupa.

Nang umagang iyon, kahit na kung Ako ay hindi nagpakita doon, makakakuha din Ako ng isang proselito. Sapagkat ang talumpati ng ketongin ay nakumpleto ang pagbabagong-anyo ni Zacchaeus. Sa tanggapan ng pagbubuwis ay wala na ang nandarayang mabisyong publikano, bagkus isang tao na pinagsisisihan ang kanyang nakaraan at nagpasyang magbagong-buhay. Kung Ako ay hindi pumunta sa Jericho, isasara niya ang kanyang tanggapan, kukunin ang kanyang pera at lalakad para hanapin Ako, sapagkat hindi na siya makapamuhay nang wala ang tubig ng Katotohanan, nang wala ang tinapay ng Pagmamahal, nang wala ang halik ng Kapatawaran.

Ang karaniwang mga kritiko na laging pinagmamasdan Ako upang ako ay akusahan, ay hindi nakita iyan at mas kakaunti pa ang kanilang maiintindihan. Iyan kung bakit sila ay nagtataka sa Akin kumakain kasama ang isang makasalanan. O! sana kayo ay hindi nanghuhusga, iniiwan ang gawain na iyan sa Diyos, kayong kaawa-awang bulag na mga tao, na ni hindi ninyo mahusgahan ang inyong mga sarili! Hindi Ako kailanman sumasama sa mga makasalanan upang aprobahan ang kanilang kasalanan. Sumasama Ako upang alisin sila sa pagkakasala, sapagkat madalas na sila ay mayroon lamang ng panlabas na aspekto ng kasalanan: ang kanilang nagsisising mga kaluluwa ay nagkaroon na ng bagong mga kaluluwa, namumuhay upang makapagbayad-kasalanan. Kung gayon Ako ba ay kasama ng isang makasalanan? Hindi, kasama ko ang isang natubos na kaluluwa, nangangailangan lamang ng isang gabay upang makatayo sa mga kahinaan nito ng isang kaluluwa na bumangon mula sa kamatayan.

Gaano ang maituturo sa inyo ng episodyo ni Zacchaeus! Ang kapangyarihan ng matuwid na intensiyon na nagpapasigla sa mithiin. Matuwid na mithiin na nag-uudyok sa isa na hanapin ang mas malalim at mas malalim pang kaalaman tungkol sa Kabutihan at hanapin ang  Diyos nang walang-tigil hanggang marating niya Siya, totoong pagsisisi na nagbibigay ng lakas-ng-loob ng pagtitiis. Si Zacchaeus ay may matuwid na intensiyon na makinig sa mga salita ng totoong Doktrina. Nang siya ay makarinig ng ilan, ang kanyang matuwid na mithiin ay nag-udyok sa kanya ng mas malaking mithiin at kung gayon ng walang-tigil na pagsisiyasat para sa Doktrinang iyon; ang pagsisiyasat para sa Diyos, nakatago sa totoong Doktrina, naghiwalay sa kanya mula sa malupit na mga diyos ng kayamanan at kahalayan at ginawa siyang isang bayani ng pagrerenunsiya.

“Kung ibig mong maging perpekto, lakad, ipagbili ang mayroon ka at sundan Ako” sinabi Ko sa mayaman na binata, ngunit hindi niya ginawa ito. Ngunit si Zacchaeus, bagama't mas napatigas ng kasakiman sa pera at kahalayan, ay nagawang gawin ito. Sapagkat, sa pamamagitan ng kaunting mga Salita na ikinuwento sa kanya, katulad ng bulag na pulubi at ng ketongin na pinagaling Ko, nakita niya ang Diyos. Ang isang kaluluwa ba na nakita sa Diyos, ay mabibighani pa ng maliliit na bagay ng Lupa? Posible ba iyan, Aking munting nobya?»

_________________

Hulyo 19, 1944.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Sa Aking ilang mga beatitude binigkas Ko ang mga kinakailangan upang makamit ang mga ito at ang mga gantimpala na ibibigay sa mga pinagpala. Ngunit habang ang mga kategoriya na binanggit ay magkakaiba, ang gantimpala ay pareho, kung inyong titingnan ang sitwasyon nang mabuti: ang kalugdan ang gayon ding mga bagay na kinalulugdan ng Diyos.

Magkakaibang kategoriya. Naipaliwanag Ko na na ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang isip ay naglilikha ng mga kaluluwa ng iba't ibang mga kiling, upang ang Lupa ay magkaroon ng makatarungang balanse sa lahat ng mas mabababa at mas matataas na mga pangangailangan. Kung ang pagrerebelde ng tao ay balisahin ang balanse na iyan, katulad na lagi niyang gustong gawin laban sa dibinong Kalooban, Na siyang gumagabay sa kanya sa makatarungan na daan, hindi na ito kasalanan ng Diyos. Ang mga tao, na laging walang-kasiyahan sa kanilang sitwasyon, ay pinakikialaman at binabalisa ang mga kalagayan ng ibang mga tao, sa pamamagitan ng totoo at tamang pag-aabuso ng kapangyarihan, o sa pamamagitan ng mga pagtatangka ng gayong pag-aabuso. Ano ba ang mga pandaigdig na digmaan, mga alitan sa pamilya, propesyonal na pag-aaway, bagkus ganyang aktibong pag-aabuso? Ano ba ang panlipunan na mga rebolusyon, ano ba ang mga doktrina na dinaramtan ng pangalang “panlipunan”, bagkus sa katotohanan ay walang iba bagkus arogansiya at ang pinaka kabaligtaran ng karidad, sapagkat di nila gusto o sinasabuhay ang katarungan na kanilang tinuturo, sa kabaligtaran pinaapaw nila ang paglitaw ng mga karahasan, na hindi nakakapagpaginhawa sa nasisiil na mga tao, bagkus dinadagdagan nila ang bilang ng mga taong ito sa ikalalamang ng iilan na mga aroganteng tao?

Ngunit kung saan Ako, Diyos, naghahari, ang ganyang mga pagbabagu-bago ay hindi nangyayari. Walang nagbabalisa sa kaayusan sa Aking Kaharian at sa mga espiritu na talagang Akin. Kung gayon ang ilang itsura ng napakaraming hugis ng kabanalan ng Diyos ay isinasabuhay at ginagantimpalaan, sapagkat ang Diyos ay makatarungan, puro, mapayapa, maawain, malaya sa kasakiman ng naglalahong mga kayamanan, malugod sa kasayahan ng Kanyang pagmamahal. Ang ilang mga kaluluwa ay kumikiling patungo sa isang porma, ang ilan sa iba pa. Sila ay kumikiling sa isang dakilang paraan, sapagkat ang lahat na birtud ay nasa mga santo. Ngunit isa ang nangingibabaw, at dahil dito, ang santong iyan ay ipinagbubunyi ng mga tao. Ngunit pinagpapala at ginagantimpalaan Ko siya dahil sa lahat na mga birtud, sapagkat ang gantimpala ay “ang kalugdan ang Diyos” kapwa para sa mapayapa at maawain, para sa mga nagmamahal ng katarungan at para sa mga inuusig ng kawalang-katarungan, para sa puro at sa pinapaghirap, para sa mapagpakumbaba at para sa puro sa espiritu.

Ang puro sa espiritu! Gaano ang pagpapaliwanag na ito laging napagkakamalan ng pag-intindi, kahit na ng mga nakadarama ng ibig-sabihin nito. Ayon sa pagkamababaw na pag-intindi ng tao at sa kanyang may-katangahang pambabaligtad ng ibig-sabihin, at ayon sa kamangmangan, na ang tingin mismo sa sarili ay marunong, ang puro sa espiritu ay pinakakahulugan niya na “tanga”.

Ang mas mabuting klase ng mga tao iniisip nila na ang espiritu ay katalinuhan, isip; ang mas materyalismong mga tao ang tingin dito ay kagalingan at malisya. Hindi. Ang espiritu ay mas malayong superyor sa katalinuhan. Ito ang hari ng lahat sa inyo. Ang lahat na pisikal at moral na mga katangian ay mga nasasakupan at mga katulong ng hari na iyan. Iyan ang sitwasyon kung saan ang isang nilikha na deboto sa Diyos sa isang pamamaraan bilang isang anak ay alam kung papaano ilagay sa tamang lugar ang mga bagay. Kung sa halip ang isang nilikha ay hindi deboto sa pamamaraan ng isang anak, mga idolatriya ang mangyayari, at ang mga katulong ay nagiging mga reyna at inaalis sa puwesto ang espiritu na hari. Isang anarkiya na siyang dahilan ng malaking kapahamakan katulad ng lahat ng mga anarkiya.

Ang karukhaan sa espiritu ay naglalaman ng pagkakaroon ng soberanong kalayaan sa lahat na siyang kinasisiyahan ng tao, at para kung saan ang tao ay umaabot sa paggawa ng materyal na krimen o ng di-naparurusahan na moral na krimen na madalas nakakalusot sa batas ng tao, ngunit hindi napaliliit ng krimen na ito ang bilang ng mga biktima, sa kabaligtaran napalalaki pa nito ang bilang at may kasama pa ito ng mga konsekwensiya na hindi lamang limitado sa pagkuha ng buhay ng biktima, bagkus napagkakaitan nito kapwa ang mga biktima at ang kanilang mga kamag-anak ng kanilang mabuting reputasyon at paghahanap-buhay.

Ang tao na dukha sa espiritu ay hindi na naaalipin ng mga kayamanan. Kahit na kung siya ay hindi na umabot sa punto na itakwil ang mga kayamanan, pinagkakaitan ang sarili ng mga ito at ng bawat kaginhawahan sa pamamagitan ng pagpasok sa isang monasteryong pamumuhay; alam niya kung papaano gamitin para sa kanyang sarili ang mga kayamanan nang may-pagtitipid, na isang dobleng sakripisyo, upang maging mapagtapon ng mga regalo para sa mahihirap ng mundo. Naintindihan niya ang Aking pangungusap: “Gumawa ng mga kaibigan sa pamamagitan ng di-makatarungang mga kayamanan”. Sa pamamagitan ng kanyang pera, na baka kaaway ng kanyang espiritu, dinadala ito sa kahalayan, kasakiman at laban-sa-karidad, ginagawa niya itong isang katulong na magpapatag sa daan patungo sa Langit para sa kanya – ang mayaman: dukha sa espiritu – isang daan na ganap na may kalat ng kanyang mga pagpapakahiya at ng kanyang mapagkawanggawang mga gawa para sa mga problema ng kanyang kapwa mga nilikha. Gaano karaming mga kawalang-katarungan ang maiisaayos at mapapagaling ng tao na dukha sa espiritu! Ang kanyang sariling mga kawalang-katarungan noong panahon kung kailan, katulad ni Zacchaeus, siya ay bagkus isang sakim na tao na may matigas-na-puso. Mga kawalang-katarungan sa kanyang kapwa nilikha, maging sila mang ay buháy o patay. Panlipunan na mga kawalang-katarungan.

Nagtatayo kayo ng mga monumento sa mga taong dakila lamang dahil sa sila ay malalakas. Bakit hindi kayo magtayo ng mga monumento sa mga lihim na nagbibigay-biyaya sa mga naghihikahos ng sangkatauhan, sa mahihirap at mga manggagawa, sa mga ginagamit ang kanilang kayamanan hindi upang gawin ang kanilang sariling buhay na maging isang laging kapistahan, bagkus upang magawang mas maningning, mas mabuti at mas nakaangat ang pamumuhay ng mahihirap, ng mga naghihirap, ng mga imbalido, ng mga pinababayaan ng mga malalakas sa kamangmangan, sapagkat ang kanilang kamangmangan ay mas makabubuti sa kanilang mga panginoon? Ilan ang naririyan, ang mga hindi rin napakayaman, hindi lamang, bagkus, hindi masyadong mahirap, subalit makapag-sasakripisyo ng “dalawang sentimos” na mayroon sila, upang mapagaanan ang isang paghihirap, na, bilang walang ng Liwanag na mayroon sila – at ang kanilang mga kilos ay nagagawa ang isa na maintindihan na mayroon sila nito – mas malaki pa kaysa sa kanilang sariling paghihirap.

Mga dukha sa espiritu ang mga tao na,  nawawala ang kanilang sariling pag-aari, maging malaki o maliit man ito, ay alam kung papaano mapanatili ang kanilang kapayapaan at pag-asa, nang hindi nanunumpa o napopoot sa sinuman, sa Diyos man o sa mga tao.

Ang malawak na kategoriya ng “dukha sa espiritu”, na Aking binanggit bilang ang unang beatitude – sapagkat masasabi Ko na kung wala ang kalayaan na iyan sa lahat na kinasisiyahan sa buhay, hindi posibleng magkaroon ng iba pang mga birtud na nagbibigay ng beatitude – ay hinati-hati at hinati-hati pa sa maraming mga porma

Kababaang-loob ng isip na hindi namimintog sa pagmamalaki at hindi pinoproklama ang sarili na kataastaasang isip, bagkus ginagamit ang regalo ng Diyos kinikilala ang Pinanggalingan nito, para sa Kabutihan. Para diyan lamang.

Pagkamabigayin sa mga damdamin, kung saan ang isa ay pinagkakaitan din ang sarili ng mga ito, upang masundan ang Diyos, at ng buhay din, ang pinakatunay na kayamanan at ang pinakamahal nang likas ng nilikhang hayop. Ang lahat ng Aking mga martir ay mapagbigay nang ganyan, sapagkat ang kanilang mga espiritu ay naging dukha, upang maging “mayaman” sa tanging eternal na mga kayamanan: sa Diyos.

Katarungan sa pagmamahal sa ating personal na mga bagay. Katungkulan natin ang mahalin sila, sapagkat sila ay testimonya ng Maykapal sa pabor natin. Nakapagsalita na Ako tungkol diyan sa naunang mga diktasyon. Ngunit hindi dapat natin silang mahalin nang higit pa sa Diyos o sa Kanyang Kalooban; hindi ninyo dapat silang mahalin hanggang sa punto na isumpa ang Diyos, kung ang mga ito ay agawin sa inyo ng tao.

At panghuli, uulitin Ko ito, kalayaan sa pagkaalipin sa pera.

Ito ang iba't ibang porma ng espirituwal na karukhaang iyan na sinabi Ko na makakakuha ng  Langit gawa ng katarungan. Ipailalim sa inyong mga paa ang lahat na naglalahong mga kayamanan ng pantaong pamumuhay upang makamit ang eternal na mga kayamanan. Tingnan ang Lupa at ang madayang prutas nito, na matamis sa labis ngunit mapait sa loob, bilang ang huling bagay, at mamuhay nang nagtatrabaho upang makuha ang Langit. O! walang prutas doon na may huwad na lasa. Naroon ang di-maipahayag na prutas ng kinalulugdan ang Diyos.

Si Zacchaeus ay naintindihan ito. Ang pangungusap na iyon ay ang palaso na nagbukas sa kanyang puso sa Liwanag at Karidad. Binuksan Ko ito sa Akin habang nilalapitan Ko siya upang sabihin sa Kanya: “Halika”. At nang nalapitan Ko na siya upang tawagin siya, siya ay “dukha na sa espiritu”. Siya kung gayon ay may kakayahan nang taglayin ang Langit.»

191210



Sunod na kabanata