416. Sa Nayon ni Solomon.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ilalagay mo rito ang bisyon ni Jesus at ang pulubi sa daan patungong Jericho, na nagkaroon ka noong ika 17 ng Mayo 1944, at kaagad pagkatapos, ang bisyon tungkol sa kombersiyon ni Zacchaeus, ng ika 17 ng Hulyo 1944.

--------------------

Abril 13, 1946.

Si Jesus ay dumating doon sa kalaliman ng gabi. Ang pusisyon ng buwan ay nagagawa akong isipin na ngayon ay mga alas dos ng madaling araw. Isang magandang buwan, na nagsisimula nang lumiit sumisinag sa gitna ng maliwanag na kalangitan nagkakalat ng kapayapaan sa lupa. Kapayapaan at masaganang hamog, ang mabibigat na hamog ng maiinit na bansa, makabubuti sa mga tanim pagkaraan ng nakasusunog na init ng araw sa maghapon.

Ang mga peregrino ay maaaring sinundan ang mabatong daan ng ilog, na tuyo malapit sa mga pampang, dahil ang tubig ay nasa gitna lamang ng lalim nito dahil sa katuyuan ng tag-init. At mula sa gilid ng hangganan ng tanim na mga yantok inakyat nila ang kakahuyan na nagpapanabi sa mga pampang at sumusuporta sa mga ito sa pamamagitan ng mga ugat ng mga punong tumutubo malapit sa tubig.

«Tayo’y tumigil dito at hintayin ang umaga» sabi ni Jesus.

«Guro... sumasakit ang aking buong katawan...» sabi ni Mateo.

«Sa palagay ko ako ay may lagnat. Ang ilog ay hindi ang magandang lugar sa tag-init... katulad ng nalalaman Ninyo» dagdag ni Felipe.

«Ngunit naging mas mahirap kung mula sa ilog tayo ay umakyat sa mga bundok ng Judaea. Iyan ay alam-na-alam din» sabi ng Zealot, na nalulungkot para kay Jesus, kung Kanino sinasabi nila ang lahat ng kanilang pangamba at reklamo, ngunit ang tungkol sa Kaninong nararamdaman ay walang nakaiintindi.

«Hindi na bale, Simon. Tama sila. Ngunit malapit na tayong makapagpapahinga... Pakiusap, isang maikling distansiya na laman... At isang maikling pahinga rito.. nakikita ninyo kung papaano ang buwan lumulubog nang pakanluran. Bakit gisingin ang matanda at si Jose, na baka may sakit pa, kung maya-maya lamang ay umaga na?...»

«Ang problema ang lahat dito ay basa ng hamog. Hindi mo malaman kung saan ka uupo...» bulong ng Iskariote.

«Natatakot ka bang marumihan ang iyong damit? Hindi na bale, pagkatapos ng sapilitan na mga pagmamartsang ito sa alikabok at hamog, wala tayong gagawin na pagmamagilas dito! Maging ano pa man mas gugustuhin ng mabait na si Helkai ang kung ano ito ngayon. Ang inyong mga Griyegong palawit... ha! ha! Ang mga nasa laylayan at ang mga nakapaligid sa mga manggas ay nakabitin sa mga ribbon ng matitinik na mga palumpong ng disyertong Judaean, at ang nasa paligid ng iyong leeg ay nasira ng iyong pawis... Ikaw ngayon ay isa nang perpektong Judaean... sabi ni Tomas, na laging masayahin.

«Ako ay perpektong sawing-palad, maruming katulad ko, at naiinis nito» sagot ni Judas nang galit.

«Sapat na para sa iyo na magkaroon ng isang malinis na puso, Judas» sabing kalmante ni Jesus. «Iyan ay importante...»

«Importante! Importante! Tayo ay hapo na sa pagod, sa gutom... Sinisira natin ang ating kalusugan, at iyan lamang ang importante» tugon nang may-kabastusan ni Judas.

«Hindi kita pinipilit na manatili... Ikaw ang may kagustuhan na manatili.»

«Pagkatapos ng tagal na ito!... Mas mabuti pang ginawa ko. Ako ay...»

«Mabuti pa sigurong sabihin mo ang salita na nagpapakirot sa iyong mga labì: “Naikompromiso ka sa mga mata ng Sanhedrin”. Ngunit lagi ka nang makagagawa ng pagsasatama... at makuha muli ang kanilang kompiyansa...»

«Ayaw kong gumawa ng mga pagsasatama... sapagkat minamahal ko Kayo at gusto kong manatiling kasama Kayo.»

«Sa katunayan sinasabi mo iyan sa pamamaraan na kaysa pagmamahal iyan ay tila katulad ng poot...» bulong ni Judas ni Alfeo sa pagitan ng kanyang mga ngipin.

«Bueno... ang bawat tao ay may kanyang sariling pamamaraan ng pagsasaad ng kanyang pagmamahal.»

«Siyempre! Mayroon din ng nagmamahal sa kanyang asawa ngunit pinapatay niya siya sa pamamagitan ng mga suntok... Ayaw ko ng ganyang klase ng pagmamahal» sabi ni Santiago ni Zebedeo nagsisikap na matapos ang usapan sa pamamagitan ng isang katatawanan. Ngunit walang tumatawa. Ngunit wala, pasalamat sa Diyos, ng tumutugon.

Si Jesus ay nagpapayo: «Tayo na’t maupo tayo sa pamasukan ng bahay. Ang salambi ay malapad at mapoprotektahan tayo sa hamog, at may tuntungan sa paanan ng maliit na bahay...»

Sila ay sumunod nang walang sinasabi at nang sila ay makarating sa bahay sila ay naupo sa isang linya sa tabi ng pader.

Ngunit ang simpleng winika ni Tomas: «Ako ay nagugutom. Ang mga pagmartsang ito sa gabi ay nakakagutom» ay binuhay ang pagtatalo.

«Ang pagmamartsa ay walang pakialam diyan! Ang katunayan ay sa loob ng ilang araw tayo ay namumuhay sa wala!» tugon ng Iskariote.

«Sa katotohanan sa bahay nina Nike at ni Zacchaeus tayo ay nagkaroon ng mabubuting pagkain. At si Nike ay binigyan tayo ng labis na pagkain na kinailangan natin itong ibigay sa mahihirap, kung hindi’y napanis iyon. Hindi tayo kailanman nagkulang sa tinapay. Ang giya ng karabana ay binigyan din tayo ng tinapay at mantikilya...» wika ni Andres.

Si Judas, na hindi ito masasalungat, ay tahimik

Ang isang tandang ay tumilaok mula sa malayo binabati ang unang tanda ng liwanag ng umaga.

«O! mabuti! Mamaya lamang ay umaga na» sabi ni Pedro nag-uunat ng sarili, dahil halos makatulog na siya.

Hinintay nila ang umaga sa katahimikan.

Isang paghuni sa loob ng isang kulungan ng mga tupa... Pagkatapos isang kampanilya ng guwarnisyon sa malayo sa pangunahing daan, parehong malayo mula sa kanilang kinaroroonan... Ang malapit na paghuni ng mga kalapati ni Ananias. Ang paos na tinig ng isang lalaki sa hangganan ng tanim na mga yantok... Ito ay isang mangingisdang bumabalik dala ang kanyang huli sa gabi nagmumura dahil ito ay kakaunti. Nakita niya si Jesus at siya ay tumigil. Siya'y nag-aalinlangan, pagkatapos nagsalita: «Kung ibibigay ko ito sa Inyo mangangako ba Kayo ng marami sa susunod?»

«Para sa kikitain o para sa iyong pangangailangan?»

«Para sa aking pangangailangan. Mayroon akong pitong anak, ang aking asawa at ang kanyang ina.»

«Tama ka. Maging mapagkawanggawa at pinangangako Ko sa iyo na hindi ka magkukulang kung ano ang kinakailangan.»

«Ito, kung gayon. Sa loob diyan, nariyan din ang nasaktan na lalaki na hindi gumagaling sa kabila ng panggagamot...»

«Gantimpalaan ka nawa ng Diyos at bigyan ka ng kapayapaan» sabi ni Jesus.

Ang mamâ ay nagpaalam at umalis, iniiwan ang kanyang isda na nakatusok sa isang siit ng tambo ang bunganga.

Ang katahimikan ay bumagsak muli sa kanila, napuputol lamang ng lagaslas ng mga yantok, ng mga tili ng ilang ibon... Pagkatapos ang isang paglangitngit ay narinig mula sa malapit.  Ang pangkabukiran na maliit na tarangkahan, na ginawa ni Ananias, ay lumangitngit nang binuksan at ang maliit na matandang lalaki ay lumitaw sa daan binabása ang kalangitan. Ang isang tupa ay sumusunod sa kanya nag-iingay...

«Kapayapaan sa iyo, Ananias!»

«Guro! Ngunit... gaano na Kayo katagal dito? Bakit hindi Kayo tumawag, upang nabuksan ko sana ang pinto para sa Inyo?!»

«Hindi pa nagtatagal. Ayaw Kong maistorbo ang sinuman... Kumusta si Jose?»

«Nalalaman Ninyo?... Hindi siya magaling. Ang nanà ay lumalabas mula sa kanyang tainga at sumasakit ang kanyang ulo. Sa palagay ko siya ay mamamatay. Ibig-sabihin, sa palagay ko. Naririto na Kayo ngayon at sa palagay ko makapanunumbalik siya. Ako ay papalabas upang kumuha ng ilang yerba para makagawa ng isang panapal...»

«Ang mga kasamahan ba ni Jose ay naririto?»

«Ang dalawa sa kanila. Ang iba ay nauna na. Sina Solomon at Elias ang naririto.»

«Ang mga Pariseo ba ay ininis kayo?»

«Kaagad nang Kayo ay makaalis. Hindi pagkatapos. Ibig nilang malaman kung saan Kayo pumunta. Sinabi ko: “Sa aking manugang-na-babae. Sa Masada”. Nagawa ko ba ang mali?»

«Hindi.»

«At... totoo bang pumunta Kayo doon?» Ang maliit na matanda ay nananabik.

«Oo, naroroon Ako. Mabuti ang kanyang kalagayan.»

«Ngunit... hindi ba siya nakinig sa Inyo?...»

«Hindi, hindi siya nakinig. Kailangan na magdasal tayo nang labis para sa kanya.»

«At para sa maliliit ni bata... Na sana palakihin niya sila para sa Panginoon...» sabi ng matanda at dalawang malalaking luha ang bumaba sa kanyang mukha upang sabihin ang hindi niya masabi. Siya ay nagpalagay: «Nakita Ninyo sila?»

«Masasabi Ko na nakita Ko ang isa... Nasulyapan Ko ang iba pa. Lahat sila ay maayos ang kalagayan.»

«Inaalay ko ang aking pagrerenunsiya at pagpapatawad sa Diyos... Ngunit... nakapamimighati nang labis na kailangang sabihin: “Hindi ko na sila makikitang muli”...»

«Makikita mo nang madali ang iyong anak at magiging nasa kapayapaan ka kasama siya sa Langit.»

«Salamat sa Inyo, Panginoon. Pasok Kayo...»

«Oo. Tayo na kaagad sa nasaktang tao. Nasaan siya?»

«Sa pinakamagandang kama.»

Pumunta sila sa naaalagaang-mabuti na pangkusinang-hardin, at mula roon nagpatungo sa kusina at mula sa kusina patungo sa maliit na silid. Si Jesus ay niyuyukuan ang may-sakit na lalaki na umuungol sa kanyang pagtulog. Siya ay yumuyuko... at hinihingahan ang tainga na nakabalot sa mga lamuymoy ng tela na puno na ng nanà. Tumayo Siya at umalis nang walang ingay.

«Hindi ba Ninyo siya gigisingin?» tanong ng matanda sa mababang tinig.

«Hindi. Hayaan siyang makatulog. Hindi na siya naghihirap. Magpapahinga siya. Tayo na sa iba.»

Ginawa ni Jesus na nakabukas nang kaunti ang pinto nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay at pumunta Siya sa malaking silid kung saan naroroon ang maliliit na kama na binili nang nakaraan. Ang dalawang disipulo, bilang pagod, ay natutulog pa rin.

«Sila ay nagbantay hanggang umaga. Ako ang nagbantay sa kanya mula umaga hanggang gabi. Kung kaya't sila ay pagod. Napakabuti nila.»

Ang dalawa ay maaaring natutulog na nakabukas ang mga tainga, sapagkat sila ay nagising kaagad: «Guro! Aming Guro! Tamang-tama ang dating Ninyo! Si Jose ay...»

«Magaling na. Inasikaso Ko na siya. Siya ay natutulog at hindi nag-aalam. Wala nang problema siya ngayon. Ang kanyang tanging gagawin ay ang linisan niya ang kanyang sarili ng mga nanà at siya ay magiging kasing lusog katulad ng dati.

«O! kung gayon linisan din Ninyo kami, sapagkat kami ay nagkasala.»

«Papaano?»

«Upang matulungan si Jose hindi kami pumunta sa Templo...»

«Ang karidad ay nagagawa ang bawat lugar na isang templo. At sa Templo ng karidad ay naroroon ang Diyos. Kung tayong lahat ay nagmamahalan sa isa’t isa, ang buong Sangkalupaan ay magiging isang Templo. Huwag mag-alala. Ang araw ay darating kung kailan ang Pentekostes ay mangangahulugang “Pagmamahal”. Isang manipestasyon ng pagmamahal. Naipagdiwang ninyo, pinapangunahan ang mga panahon, ang Pentekostes sa hinaharap, sapagkat nagmahal kayo sa inyong kapatid.»

Mula sa isa pang silid ang tinig ni Jose ay narinig tumatawag: «Ananias! Elias! Solomon! Ngunit magaling na ako!» at ang lalaki, payat at maputla pa rin, subalit hindi na naghihirap, ay lumitaw suot lamang ang kanyang maikling tunika. Nakita niya si Jesus at nagsabi: «Ah! Kayo iyon, aking Guro!» at siya ay tumakbo upang halikan ang Kanyang mga paa.

«Pagkalooban ka sana ng Diyos ng kapayapaan, Jose, at patawarin mo Ako kung ikaw ay naghirap dahil sa Akin.»

«Nagluluwalhati ako sa pagdanak na aking dugo para sa Inyo, katulad ng ginawa ng aking ama. Pinagpapala ko Kayo sa paggawa Ninyo sa akin na karapat-dapat niyan!» Ang simpleng lisong mukha ni Jose ay nagniningning sa tuwa binibigkas ang mga salitang iyon at nagmumukha siyang noble, na may kagandahan ng isang lalaki na nagmumula sa nasa-loob na liwanag.

Si Jesus ay hinahaplos siya at nagsabi kay Solomon: «Ang iyong bahay ay nagsisilbing makagawa ng labis na kabutihan.»

«O! sapagkat ito ay sa Inyo na ngayon. Dati nagsisilbi lamang ito para sa malalim na tulog ng isang mamamangka. Ngunit natutuwa ako na ito ay naging kapaki-pakinabang sa Inyo at sa makatarungang lalaking ito. Magkakaroon na kami ngayon ng ilang mabubuting araw kasama Kayo.»

«Hindi, Aking kaibigan. Kayo ay aalis kaagad. Hindi na tayo pinagkakalooban ng kahit anong pagpapahinga. Ang panahong ito ay magiging isang tunay na pagsubok at tanging ang may malalakas na kalooban lamang ang mananatiling tapat. Atin na ngayon pipirasuhin ang tinapay nang magkakasama at pagkatapos kayo ay aalis kaagad, nagdaraan sa tabi ng ilog, nauuna sa Akin nang kalahating araw.»

«Oo, Guro. Si Jose din?»

«Oo. Maliban kung siya ay natatakot ng bagong kapinsalaan...»

«O! Guro! Maging sa Diyos sana na kailangan kong pangunahan Kayo sa kamatayan nagpapadaloy ng aking dugo para sa Inyo!»

Lumabas sila sa mahamog na pangkusinang-hardin nagningning sa maagang sikat ng araw. At si Ananias ang gumagawa ng pagpaparangal ng bahay sa pamamagitan ng pagpitas ng ilang maaagang igos mula sa mga sangang mas naaabot, at humihingi siya ng paumanhin na hindi niya magawang mag-alay ng isang batang kalapati sapagkat ang dalawang inakay ay ginamit para sa may-sakit na lalaki. Ngunit naroroon ang isda at inabala nila ang kanilang mga sarili sa paghahanda ng pagkain.

Si Jesus ay naglalakad sa pagitan nina Elias at Jose na nagkukuwento sa Kanya tungkol sa huling pakikipagsapalaran at tungkol sa lakas ni Solomon, na siyang pumasan sa nasaktang lalaki nang milya-milya, na kanilang nilakbay nang unti-unti sa gabi...

«Ngunit ikaw, Jose, ay pinatawad mo ang mga nanakit sa iyo, hindi ba?»

«Hindi ako nagkaroon ng sama-ng-loob sa di-masayang mga taong iyon. Inalay ko ang aking pagpapatawad at ang aking mga paghihirap para sa katubusan nila.»

«Iyan ang dapat na gawin ng isa, Aking mabuting disipulo! At ano ang tungkol kay Ogla?»

«Si Ogla ay umalis kasama ni Timoneus. Hindi ko alam kung siya ay magpapatuloy na kasama niya o kung siya ay titigil sa Mount Hermon. Lagi niyang sinasabi na gusto niyang pumunta sa Lebanon.»

«Bueno, pasiglahin sana siya ng Diyos na gawin kung ano ang pinakamabuti.»

Maraming ibon na ngayon ang sumisiyap nang sabay-sabay sa pagitan ng mga sanga, habang ang mga paghuni, ang mga tinig ng mga bata at mga babae, ang pagsinghal ng mga asno, ang paglangitngit ng mga muton ng mga bubon, ay nagsasabi na ang nayon ay gising na.

Sa pangkusinang-hardin ang tinapay ay pinipiraso, ang isda iniaabot at natapos nila ang kanilang pagkain. Kaagad pagkatapos, ang tatlong disipulo, benendisyunan ni Jesus, ay iniwan ang bahay at naglakad nang mabilis sa tabi ng daan, hanggang sa layo ng ilog, at naglaho sa paningin patungo sa malamig na malilim na hangganan ng mga tanim na yantok... Hindi na sila makita...

«At ngayon tayo ay magpahinga na hanggang gabi at pagkatapos susundan natin sila» utos ni Jesus.

Ang ilan sa kanila ay nahiga sa maliliit na kama, ang ilan sa ibabaw ng mga tambak ng mga lambat, na ginawa ni Ananias, nagsasabi na sa gayon mayroon man lang siyang ginagawa at may kinikita siya ng para sa kanyang tinapay, at lahat sila ay nagsisikap na makatulog nang mabuti.

Sa pansamantala si Ananias, pagkatapos na makuha ang mga damit na basa ng pawis,, siya ay lumabas nang walang-ingay, isinasara ang pinto at ang tarangkahan at bumaba sa ilog upang labhan ang mga damit, upang ito ay malinis at tuyo na pagdating ng gabi...

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«At dito ilalagay mo ang bisyon: “Si Jesus sa isang maliit na nayon ng Decapolis” ng ika-2 ng Oktubre 1944, at pagkatapos ang isa pa: “Ang Maladimonyo ng Decapolis” ng ika-29 ng Setyembre 1944.»

221210

 

 



Sunod na kabanata