417. Sa Isang Maliit na Nayon ng Decapolis. Ang Parabula Tungkol sa Eskultor.

Oktubre 2, 1944.

Ito ang aking nakikita. Isang maliit na ilog sa isang nayon, na naglalaman ng iilang disenteng mga bahay. Ang ilog ay maaaring ang isang pinanggalingan ni Jesus noong, nasa isang bangka, tinawid Niya ang Jordan na nasa pagbaha, sapagkat nakikita ko ang mamamangka at ang kanyang mga kamag-anak na dumating upang salubungin Siya, Na nagpauna sa Iskariote at kay Tomas, upang maihanda ang daan para sa Kanya.

Ang mamamangka, nang kanyang makita si Jesus na parating mula sa malayo,  ay binilisan ang kanyang hakbang at nang siya ay nasa harapan na Niya, siya ay yumukod nang magalang nagsasabing: «Malugod Kayong binabati, Guro, ng aming mga maysakit. Naghihintay sila para sa Inyo. Nagkuwento ako sa kanila nang labis tungkol sa Inyo. Ang buong nayon ay binabati Kayo sa pamamagitan ng aking mga labì nagsasabing: “Pagpalain ang Mesiyas ng Kataastaasang Diyos!”»

«Kapayapaan sa inyo at sa nayon na ito. Ako ay naririto para sa inyo. Hindi kayo mabibigo sa inyong mga pag-asa. Ang mga naniniwala ay makikita ang Langit na maawain. Tayo na.» At si Jesus ay nagpapatuloy patungo sa gitna ng nayon, naglalakad katabi ang mamamangka.

Mga lalaki, mga babae at mga bata ay naglilitawan sa mga pintuan at pagkatapos sinusundan ang maliit na prusisyon, habang ito ay umaabante. Sa bawat hakbang ang bilang ng mga tao ay lumalaki habang marami pa ang sumasali sa mga naroroon na. Ang ilang mga tao ay bumabati, ang ilan nagpapalà, ang ilan nananawagan.

«Guro» sigaw ng isang ina «ang aking anak na lalaki ay may sakit. Halikayo, Pinagpalang Isa!»

At si Jesus ay lumiko patungo sa isang abang bahay. Ipinatong Niya ang Kanyang isang kamay sa balikat ng ina na lumuluha at nagtanong: «Nasaan ang iyong anak?»

«Naririto, Guro, halikayo.»

Ang ina, si Jesus, ang mamamangka, si Pedro, si Juan, si Tadeo at ilang lokal ng mga tao ay pumasok. Ang iba pa ay nagsisiksikan sa pintuan at pinahahaba ang mga leeg upang makakita.

Sa isang sulok ng abang madilim na kusina ay may isang maliit na kama malapit sa umaandap-andap na paapuyan. Sa ibabaw ng kama ay naroon ang maliit na labí ng isang bata mga pitong taong gulang. Sinabi kong maliit na labí dahil siya ay labis na nangayayat, manilaw-nilaw, walang-galaw. Makikita lamang ng isa ang mabigat na paghangos ng maliit na dibdib, apektado, sasabihin ko, ng TB.

«Tingnan Ninyo, Guro. Inubos ko ang lahat ng aking maibibigay upang mailigtas ang isang ito man lamang. Ako ay isang balo, ang iba pang dalawang anak na lalaki ay namatay sa edad din ng isang ito ngayon. Dinala ko siya hanggang sa layo ng Caesarea sa Dagat upang siya ay matingnan ng isang Romanong doktor. Ngunit ang tanging nasasabi niya sa akin ay: “Tanggapin mo na. Ang bukbok ay inuubos siya”. Tingnan Ninyo...»

At ang ina ay inalisan ng takip ang kawawang maliit na bagay, tinutulak ang maliliit na blanket. Kung saan walang mga bendahe, ay naroon ang maliliit na buto na umuusli mula sa tuyong manilaw-nilaw na balat. Ngunit maliit na bahagi lamang ng katawan ang inalisan ng takip. At ibang bahagi ay natatakpan ng mga bendahe at mga linen at nang inalis ito nang ina, nagpapakita ito ng di-mapagkakamalang nagtutubig na mga butas ng bukbok sa buto. Isang nakakaawang tanawin. Ang may-sakit na bata ay labis na nakasubsob na hindi siya kumikilos. Ni hindi man lamang siya tila interesado sa lahat. Ibinubukas lamang niya ang kanyang malalim na malabong mga mata, titingin, sasabihin ko ng naiinis na tingin sa mga tao at isasara itong muli.

Si Jesus ay hinahaplus-haplos siya. Ipinapatong Niya ang Kanyang mahabang kamay sa maliit na abandonadong ulo, at ang bata ay ibinubukas muli ang kanyang mga mata, tumitingin nang mas may interes sa di-kilalang lalaki, na humihipo sa kanya nang may labis na kagiliwan at ngumingiti nang may labis na habag.

«Ibig mo bang mapagaling?» sabi ni Jesus sa mababang tinig, niyuyukuan ang kanyang matamlay na mukha. Natakpan na Niya kanina ang maliit na katawan nagsasabi sa ina, na ibig na maglagay ng ilang mga bendahe: «Hind na iyan kinakailangan, babae. Hayaan siyang ganyan.»

Ang maliit na pasyente ay tumango nang hindi nagsasalita.

«Bakit?»

«Para sa aking ina» sabi niya sa napakahinang tinig. Ang kanyang ina ay umiyak nang mas mabigat.

«Lagi ka bang magiging mabait kung ikaw ay gumaling? Isang mabuting anak? Isang mabuting mamamayan? Isang mabuting naniniwala?» Itinatanong Niya ito nang nakahiwalay nang maliwanag ang bawat tanong, upang mabigyan ng panahon ang bata na matugunan ang bawat isa. «Lagi mo bang aalalahanin kung ano ang iyong ipinapangako ngayon?»

Ang mahina, subalit napakalalim sa pagmimithi, na «oo», ay binibigkas nang paulit-ulit, katulad ng magkakasunod na buntung-hininga mula sa kanyang kaluluwa.

«Ibigay mo sa Akin ang iyong kamay, Aking maliit na bata.» Ang maliit na pasyente ay ibig na ibigay ang kanyang malusog na kamay, ang kaliwa. Ngunit si Jesus ay nagsabi: «Ibigay mo sa Akin ang kabila. Hindi kita sasaktan.»

«Panginoon» sabi ng ina «iyan ay isang malaking sugat. Hayaan Ninyong lagyan ko ng bendahe. Para sa Inyo...»

«Walang anuman iyan, babae. Nasusuklam lamang Ako sa kawalang-kadalisayan ng mga puso. Ibigay mo sa Akin ang iyong kamay at sabihin kasabay Ko: “Ibig kong maging laging mabuti bilang isang anak, bilang isang lalaki, bilang isang naniniwala sa totoong Diyos”.»

Ang bata ay inuulit ito dinidiinan ang kanyang tinig. O! ang kanyang kaluluwa ay nasa kanyang tinig, at ang kanyang pag-asa din... at tiyak na ang sa kanyang ina rin.

Isang solemneng katahimikan ang bumaba sa silid at sa kalsada. Si Jesus, Na hawak ang kanang kamay ng bata ng Kanyang kaliwang kamay, ay itinaas ang Kanyang kanang kamay, nang may paggalaw katulad ng kapag Siya ay magbibigkas ng isang katotohanan, o kapag ipinipilit Niya ang Kanyang Sarili sa mga sakit at mga elemento, at tumatayong tuwid nang maringal, sinabi Niya sa isang malakas na tinig: «At gusto Kong gumaling ka. Bangon, bata, at purihin ang Panginoon» at binitiwan Niya ang maliit na kamay na ngayon ay ganap nang magaling, payat, ngunit wala ni kaunting pagkatalop, at sinabi Niya sa ina: «Alisan ng takip ang bata.»

Ang babae, na nagmumukhang nasa pagitan ng hatol ng kamatayan at ng hatol ng awa, ay may-alinlangan na inaalis ang mga blanket... at siya ay napasigaw at itinapon ang kanyang sarili sa napakapayat ngunit matinong katawan, hinahalikan at niyayakap ito... nabaliw sa tuwa. Kung kaya't hindi niya nakita si Jesus na umaalis mula sa kama patungo sa pintuan.

Ngunit ang bata ay nakakita at nagsabi: «Pagpalain Ninyo ako, Panginoon, at pahintulutan Ninyo ako na pagpalain Kayo... Inay... hindi ba kayo nagpapasalamat?»

«O! patawarin Ninyo ako...» Ang babae, na ang bata nasa kanyang mga kamay, ay itinapon ang sarili sa paanan ni Jesus.

«Naiintindihan Ko, babae. Humayo sa kapayapaan at maging masaya. Paalam, bata. Maging mabuti. Paalam, sa lahat.» At Siya ay lumabas.

Maraming babae ang itinataas ang kanilang mga anak upang ang pagpapalà ni Jesus ay maprotektahan sila sa kasamaan sa hinaharap. Ang maliliit na bata ay gumagapang sa ilalim ng mga adulto upang sila ay mahaplos. At si Jesus ay nagpapalà, naghahaplos, nakikinig, tumitigil din Siya upang pagalingin ang tatlong tao na may sakit ang mga mata at ang isang lalaking nanginginig na tila siya ay apektado ng sayaw ni St. Vitus. Siya ngayon ay nasa gitna na ng nayon.

«Mayroon akong kamag-anak dito, bingi-at-pipi mula pa nang pinanganak. Siya ay mapamaraan, ngunit wala siyang magawa kahit ano. Pagalingin Ninyo siya, Jesus» sabi ng mamamangka.

«Dalhin mo Ako sa kanya.»

Pinasok nila ang isang maliit na pangkusinang-hardin sa dulo nito kung saan ay may isang bata-pang lalaki, mga tatlumpung taon gulang, na nag-iigib ng tubig mula sa isang balon at binubuhos ito sa mga gulayin. Dahil siya ay bingi at nakatalikod, hindi niya napupuna kung ano ang nangyayari at kalmante siyang patuloy sa kanyang ginagawa, sa kabila na ang sigawan ng pulutong ay napakalakas upang natatakot nito ang mga kalapati sa mga bubungan ng bahay.

Ang mamamangka ay pinupuntahan siya, at kinuha ang kanyang kamay at pinasusunod siya patungo kay Jesus.

Si Jesus ay tumayo sa harapan ng di-masayang tao, napakalapit sa kanya, katawan sa katawan, upang sa pamamagitan ng Kanyang dila mahihipo Niya ang dila ng pipi, na nakatayo na ang kanyang bunganga nakabukas, at na ang Kanyang hinlalaking mga daliri nasa mga tainga ng pipi’t-bingi. Siya ay nagdarasal nang sandali na ang Kanyang mga mata nakatingin sa kalangitan. Pagkatapos sinabi Niya: «Magbukas!» at inaalis ang Kanyang mga daliri Siya ay tumabi.

«Sino Kayo na nagpalaya sa aking dila at mga tainga?» sigaw ng lalaki na pinagaling nang mahimala.

Si Jesus ay kumikilos at nagsisikap na makapagpatuloy sa paglabas mula sa likuran ng bahay. Ngunit ang pinagaling na lalaki at ang mamamangka ay pinigil Siya, ang isa nagsasabing: «Siya ay si Jesus ng Nazareth, ang Mesiyas» at ang isa bumubulalas: «O! manatili, na sana masamba ko Kayo!»

«Sambahin ang Kataastaasang Diyos at maging laging tapat sa Kanya.. Lakad. Huwag mag-aksaya ng panahon sa walang-kabuluhang mga salita, at huwag gawin ang himala na isang palipasan ng oras. Gamitin mo ang iyong dinala upang makagawa ng mabuti, at pakinggan ang mga tinig ng Tagapaglikhang Espiritu na nagmamahal at nagpapalà sa iyo, sa pamamagitan ng iyong puso, kaysa sa pamamagitan ng iyong mga tainga.»

Siyempre, walang-kabuluhan ang sabihan ang isang tao, na masayang-masaya, na huwag magsalita tungkol sa kanyang kaligayahan! Ang pinagaling na lalaki ay bumabawi para sa napakaraming taon ng di-makapagsalita at di-makarinig, sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan sa lahat na mga tao na naroroon.

Ang mamamangka ay namimilit kay Jesus na pumasok sa kanyang bahay upang magpahinga at tumanggap ng ilang pampalamig. Pakiramdam niya na siya ang gumawa ng lahat ng paggalang sa kapaligiran ni Jesus at pinagmamalaki niya ito. Gusto niya na ang kanyang karapatan ay kilalanin.

«Ngunit ako ang kilalang nakatatanda ng nayon» sabi ng matandang mapangibabaw na lalaki.

«Ngunit kung ako ay wala noon kasama ang aking mga bangka, hindi sana ninyo nakita si Jesus» tugon ng mamamangka.

At si Pedro, na laging prangko at bigláin, ay nagsabi: «Sa katunayan... kung hindi kita sinabihan ng kaunting bagay, ikaw... ang mga bangka...»

Si Jesus ay mapalad na nakialam, ginagawang masaya ang lahat. «Tayo na malapit sa ilog. Habang naghihintay para sa ating pagkain doon – at gawin itong matipid at tama lang, sapagkat ang pagkain ay upang makinabang ang katawan at hindi para sa gusto ng katawan – Ako ay mag-eebanghelyo. Ang sinuman na gustong makinig sa Akin o may itatanong sa Akin, ay maaaring sumama sa Akin.» masasabi ko na ang buong nayon ay ibig na sumunod sa Kanya.

Si Jesus ay sumampa sa bangkang nakasadsad sa batuhang lalim at mula sa puwede-nang pulpito na iyon Siya ay nagsasalita sa Kanyang mga tagapakinig, na mga nakaupo sa harapan Niya, sa kalahating pabilog, sa pampang at sa pagitan ng mga punungkahoy.

Ginawa Niyang panimulang punto ang itinanong sa Kanya ng isang lalaki: «Guro, ang ating Batas ay tila sinasabi na hinampas ng Diyos ang mga pinanganak na sawing-palad, sa katunayan pinagbabawalan Niya sila na maglingkod sa altar. Papaano sila masisisi? Hindi ba’t makatarungan na sisihin ang kanilang mga magulang na siyang nagpanganak sa mga sawing-palad na mga anak na lalaki? Lalo na ang mga ina? At papaano natin tatratuhin ang mga pinanganak na walang-suwerte?»

«Makinig. Ang isang dakilang perpektong eskultor isang araw ay naglilok ng isang estatuwa at nakagawa siya ng isang perpektong gawa, na siya nasiyahan at nagsabi: “Ibig kong mapuno ang Lupa ng ganitong kababalaghan”. Ngunit sa pamamagitan ng kanyang sarili hindi niya ito magagampanan. Kung kaya't tumawag siya ng ibang mga tao upang tulungan siya at nagsabi sa kanila: “Ayon sa modelong ito igawa ako ng sanlibong estatuwa ganito ang pagkaperpekto. Ako ang maglalagay dito ng panghuling retoke, naglalagay ng damdamin sa kanilang mga hitsura. Ngunit ang kanyang mga katulong ay hindi makayanan ang ganitong perpeksiyon, sapagkat bukod sa sila ay labis na mas mababa ang nalalaman kaysa ng kanilang panginoon, sila ay kahit papaano nalasing sa pagkain ng isang prutas, na ang katas nito ay nagbibigay ng deliryo at kapurulan. Ang eskultor kung gayon ay binigyan sila ng ilang hulmahan at nagsabi: “Imolde ang materyal diyan: magiging isang perpektong gawa iyan at kukumpletuhin ko iyan, binibigyan iyan ng buhay sa pamamagitan ng panghuling diskarte”. At ang mga katulong ay nagsimulang magtrabaho.

Ngunit ang eskultor ay may isang malaking kaaway. Isang personal na kaaway at kaaway ng kanyang mga katulong at sinubukan niya sa bawat paraan na magmukhang masama ang eskultor at upang magkagalit ang eskultor at ang kanyang mga katulong. Kung kaya't ginagawan niya ng masama ang kanilang ginagawa sa pamamagitan ng kanyang katusuhan, binabago ang materyal na ibubuhos sa mga molde, o binabawasan ang apoy, o pinupuri nang sobra-sobra ang mga katulong. Nangyari na ang naghahari ng mundo, sa pagsisikap na mapigilan hangga't maaari na makalabas ang gawa sa di-perpektong kopya, ay nagpataw ng mabibigat ng kondisyon sa mga modelo na ginawa nang di-perpekto. At ang isa sa mga kondisyon na iyon ay na ang mga modelo na iyon ay hindi maaaring maipakita sa loob ng Bahay ng Diyos, kung saan ang lahat ay dapat o kailangan na maging perpekto. Sasabihin Ko: kailangang maging perpekto, sapagkat ito ay hindi perpekto. Kahit na kung ang hitsura ay maganda, ang katotohanan ay hindi. Ang mga naroroon sa loob ng Bahay ng Diyos ay tila walang kapintasan, ngunit ang mata ng Diyos ay nakakakita ng pinakamalalang kapintasan sa kanila. Ang mga diperensiya ay nasa loob ng kanilang mga puso.

O! ang puso! Ito ay sa pamamagitan ng puso na ang isa ay naglilingkod sa Diyos; siya nga: ito ay sa pamamagitan ng puso. Hindi kinakailangan, o sapat nang magkaroon ng malilinaw na mata at perpektong pandinig, magandang-pakinggan na tinig, magagandang mga galamay, upang awitin ang mga papuri na kaaya-aya sa Diyos. Hindi kinakailangan o sapat na na magkaroon ng malilinis at pinabanguhang mga damit. Ang espiritu ay kailangan na maging puro at perpekto, may armoniya at maayos na hugis ng paningin, pandinig, tinig, sa espirituwal na mga porma, at ang mga ito ay kailangan na adornado ng kadalisayan; iyan ang magandang malinis na damit na pinabanguhan ng karidad: iyan ang langis na tigmak sa esensiya na ibig ng Diyos.

At anong klase ng karidad ang magiging saloobin ng isang tao, na bilang masaya at nakikita ang isang di-masayang tao, ay kasusuklaman at kapopootan siya? Sa kabaligtaran, doble at tripleng karidad ang kailangan na ibigay sa mga, bagama't walang-pagkakasala, pinanganak na kaawa-awang mga sawing-palad. Ang kasawiang-palad ay isang kirot na nagbibigay ng merito sa mga taong mayroon nito at sa mga tao na, kaisa ang mga biktima, naghihirap nakikita silang tinitiis ito dala ng pagmamahal sa pagkakamag-anak, at baka dinadagukan nila ang kanilang dibdib iniisip: “Ako ang dahilan ng ganitong kirot sa pamamagitan ng aking mga bisyo”. At ito ay hindi kailangan na maging kailanman ang dahilan ng isang espirituwal na pagkakamali sa mga taong nakakakita nito. Ito ay magiging isang pagkakamali kung ito ay maging kontra-karidad. Kung kaya't sasabihin Ko sa inyo: “Huwag kailanman mawalan ng karidad sa inyong kapwa. Siya ba ay pinanganak na isang kaawa-awang sawing-palad? Mahalin siya sapagkat tinitiis niya ang isang malaking kirot. Siya ba ay naging di-masaya sa sarili niyang kagagawan? Mahalin siya sapagkat ang kanyang pagkakamali ay naging isang kaparusahan na. Siya ba ay isang magulang ng isang sawing-palad na ipinanganak na ganyan o naging ganyan? Mahalin siya sapagkat wala nang hihigit pang kapighatian kaysa sa kapighatian ng isang magulang na nahampas sa kanyang anak.. Ito ba ay isang ina na nanganak ng isang halimaw? Mahalin siya sapagkat siya ay totoong  dinudurog na ng ganyang kirot, na kanyang tinitingnan na siyang pinaka di-makatao. Iyan ay di-makatao”.

Ngunit mas lalo pang mas malalim ang kapighatian ng isang babae na siyang ina ng isang anak, na isang halimaw sa kanyang kaluluwa, dahil nakikita niya na siya ay nagluwal ng isang dimonyo na mapanganib para sa Lupa, para sa Amangbayan, para sa Pamilya, para sa mga kaibigan. O! ang kaawa-awang ina ng isang malupit, makahayop na anak, mamamatay-tao, traydor, magnanakaw, naging maruming tao, ay ni hindi makapaglakas-loob na itaas man lang ang kanyang noo! Bueno, sasabihin Ko sa inyo: Mahalin din ang mga ina na ito, ang pinaka di-masasayang ina. Ang mga ina na sa loob ng kasaysayan ay makikilalang mga ina ng mga mamamatay-tao, mga traydor.

Kahit saan mang dako napakinggan ng Lupa ang pagtangis ng mga ina na ang kaninong mga puso ay nadurog dahil sa malupit na kamatayan ng kanilang mga anak. Mula pa kay Eba ilang mga ina ang nakaramdam na ang kanilang mga bituka ay kinakayod nang mas makirot pa kaysa sa kirot ng panganganak, hindi lamang, bagkus, naramdaman nila ang kanilang mga bituka at mga puso na pinupunit ng isang malupit na kamay, sa presensya  ng kanilang pinapatay na anak, pinahihirapan, minamartir ng mga tao, at inuungol nila ang kirot na kanilang nararamdaman, itinatapon ang kanilang sarili nang may-pagwawalà ng nanginginig-sa-pamimighati na pagmamahal sa mga labí na hindi na makarinig sa kanila, o mapaiinitan ng kanilang init, o ito’y makapagsasalita pa na may isang tingin, isang paggalaw na magagawa ng kanilang mga labì: “Inay naririnig ko kayo”.

Subalit sa kabila nito sasabihin Ko sa inyo na hindi pa narinig ng Lupa ang sigaw at hindi pa nakolekta ang mga luha ng kabanalbanalang Ina at ng pinaka di-masayang isa sa pagitan ng lahat na maaalaala magpakailanman ng tao: ang Ina ng Pinatay na Tagapagtubos at ang ina ng lalaki na siyang magiging Kanyang traydor. Ang dalawang ina na iyan, mga martir sa magkaibang paraan, ay mapapakinggang nagluluksa milya-milya ang pagitan ng dalawa, at ang inosente at banal na Ina, ang pinaka-inosente, ang Inosenteng Ina ng Inosente, ay magiging ang isa Na magsasabi sa Kanyang nasa malayong kapatid-na-babae, ang martir ng isang anak-na-lalaki na mas malupit kaysa ano pa man sa Lupa: “Kapatid, minamahal kita”.

Magmahal upang maging karapat-dapat ng Babaeng iyan Na magmamahal sa lahat at sa katauhan ng lahat. Iyan ang pagmamahal na magliligtas sa Lupa.»

At si Jesus ay bumababa mula sa Kanyang pangkabukiran na pulpito at yumuyuko upang haplusin ang isang maliit na batang-lalaki na gumugulong sa damuhan ng mabatong tabi ng ilog halos hubad sa kanyang maliit na kamiseta. Pagkatapos ng napakaraming banal na salita mula sa isang Guro, kaaya-ayang makita Siya nang ganyan, nagkaka-interes sa isang bata, katulad ng pangkaraniwang tao, at pagkatapos magpipiraso ng tinapay, ipamamahagi ito nang paikot at inaabot ito sa mga malapít sa Kanya, nakaupo at kumakain katulad ng bawat tao, habang tiyak na naririnig na Niya sa Kanyang puso ang iyak ng Kanyang Ina at nakikita si Judas sa tabi Niya.

Ang ganyang pagpipigil sa Kanyang mga nararamdaman ay nakamamangha sa akin, na napaka mabiglain, nang higit pa kaysa sa ano pa man na ibang mga bagay. Ito ay isang patuloy na leksiyon sa akin. Ang mga taong naroroon, sa halip, ay tila totoong nararahuyo. Sila ay tulalá at tahimik habang kumakain at nakatingin sila na may pagpitagan sa mabait na Guro ng pagmamahal.

261210

 

 



Sunod na kabanata