418. Ang Maladimonyo ng Decapolis.

Setyembre 29, 1944.

Si Jesus at ang Kanyang mga disipulo ay gumagala pa rin sa kabukiran. Ang panahon ng paggapas ay tapos na ngayon at ang mga bukid ay nagpapakita ng sunog na mga tuud-tuod. Si Jesus ay naglalakad sa tabi ng isang malilim na landas at nagsasalita sa ilang mga tao na sumali sa grupo ng mga apostol.

«Oo» sabi ng isa. «Walang makagamot sa kanya. Siya ay mahigit pa sa isang baliw. At natatakot niya ang lahat, mga babae lalo na, sapagkat hinahabol niya sila nang may malalaswang salita. Isang trahedya kung sila ay maabutan niya!»

«Wala kailanman ang nakaaalam kung nasaan siya» sabi ng isa pang lalaki. «SA mga bundok, sa mga kakahuyan, sa mga bukid, bigla na lamang siyang lilitaw katulad ng isang ahas... Ang mga babae ay nahihintakutan sa kanya, ang isa sa kanila, isang bata-pang babae, na bumabalik mula sa ilog, ay namatay gawa ng mataas na temperatura sapagkat siya ay nahawakan ng baliw na lalaki.»

«Noong isang araw ang aking bayaw ay pumunta sa lugar kung saan siya naghahanda ng isang sepulkro para sa kanyang sarili at sa kanyang mga kamag-anak, sapagkat ang kanyang ama ay namatay, at ibig niyang magawa ang lahat na preparasyon para sa paglilibing. Ngunit kinailangan niyang lumayas sapagkat ang maladimonyo, hubad at humahagulhol katulad ng dati, ay nasa loob at nagbabantang batuhin siya... Hinabol niya siya hanggang sa layo ng nayon, pagkatapos bumalik sa sepulkro at ang patay ay kinailangan na ilibing sa aking sepulkro.»

«At ano ang tungkol sa panahon nang maalaala niya na sina Tobias at Daniel ay dinala siya nang sapilitan, itinali siya at ibinalik sa bahay?  Siya ay naghintay para sa kanila nagtatago sa mga yantok at sa putik ng ilog at nang sila ay sumakay na sa bangka upang mangisda o magtawid ng mga tao, hindi ko alam kung alin, binuhat niya ang bangka sa pamamagitan ng lakas ng isang dimonyo at itinaob ito. Nailigtas nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng isang himala, ngunit kung ano ang nasa loob ng bangka ay nawala at ang pinaka kilya ng bangka ay nasira at ang mga sagwan ay nabali.»

«Ngunit hindi ba ninyo siya pinatingnan sa mga pari?»

«Oo, dinala siya sa Herusalem nakatali katulad ng isang paldo... Anong paglalakbay iyon!... Ako ay naroroon at masasabi ko sa Inyo na hindi ko na kinakailangan na pumunta pa sa impiyerno upang malaman kung ano ang nangyayari at sinasabi doon. Ngunit walang nangyari niyon...»

«Kasing samá din ng dati?»

«Mas grabe pa!»

«Datapwat... ang Pari!...»

«Ngunit ano ang maaasahan Ninyo!... Kinakailangan na...»

«Ano? Magpatuloy...»

Nagkaroon ng katahimikan.

«Magsalita. Huwag matakot, hindi kita aakusahan.»

«Bueno... sinasabi ko... ngunit ayaw kong makagawa ng kasalanan... sinasabi ko... na... bueno... ang pari ay maaaring naging matagumpay kung...»

«Kung siya ay isang banal na tao, ibig mong sabihin, ngunit ayaw mong mangahas na sabihin iyan. Sinasabi Ko sa iyo: huwag manghusga. Ngunit ang sinasabi mo ay tama. Iyan ay nakalulungkot na tama!...»

Si Jesus ay naging tahimik at nagbubuntung-hininga. Isang maikling napapahiyang katahimikan.

Pagkatapos may isang nangahas na dugtungan muli ang talumpati: «Kung siya ay ating makikita, pagagalingin ba Ninyo siya? Lilinisin ba Ninyo ang kabukiran na ito ng ganyang problema?»

«Umaasa ba kayo na baka magawa Ko ito? Bakit?»

«Sapagkat Kayo ay banal.»

«Ang Diyos ay banal.»

«At Kayo ay ang Kanyang Anak.»

«Papaano mo nalalaman?»

«Eh! Ang mga tao ay nagsasalita, maging ano pa man, kami ay dito naninirahan, malapit sa ilog, at nalalaman namin ang Inyong ginawa noong nakaraang tatlong buwan. Sino ang makapagpapatigil sa isang ilog na nasa pagbaha, bagkus ang Anak ng Diyos?»

«At ano ang tungkol kay Moses? At kay Joshua?»

«Ginawa nila iyon sa ngalan ng Diyos at para sa Kanyang kaluwalhatian. At nagawa nila iyon sapagkat sila ay banal. Kayo ay mas dakila kaysa sa kanila.»

«Gagawin ba Ninyo ito, Guro?»

«Gagawin Ko, kung makikita natin siya.»

Sila ay nagpapatuloy. Ang lumalakas na init ay nagawa silang iwanan nila ang daan at nanilungan sa isang palumpungan sa tabi ng ilog, na hindi alun-alon katulad na ito ay noong pagbaha. Bagama't malaki pa rin ang tubig, ang tubig ay kalmante at asul, nagniningning sa sikat ng araw. Ang landas ay lumalapad at ang mapuputing bahay ay lumilitaw sa dulo nito. Maaaring parating sila sa isang nayon. Sa mga hangganan nito ay may ilang maliliit na napakaputing mga gusali, na may iisang bukasan lamang sa isang pader. Ang ilan ay nakabukas. Ang karamihan sa mga ito ay saradung-sarado. Walang tao sa paligid. Ang mga bahay na ito ay nakakalat sa di-binubukid na lupa, na tila abandonado. Mga dawag at malalaking bato lamang ang naroroon.

«Layas! Layas! Balik o papatayin ko Kayo!»

«Ang maladimonyo ay nakita tayo! Ako ay aalis.»

«Ako rin.»

«At susundan kita.»

«Huwag matakot. Manatili rito at manood.»

Si Jesus ay labis na nakatitiyak sa Sarili na ang... matatapang sa grupo ay sumunod, ngunit sila ay nagtatago sa likuran ni Jesus. Ang mga disipulo rin ay nananatili sa likuran Niya.  Si Jesus ay nagpapatuloy nang nag-iisa at maringal, na tila wala Siyang nakita at narinig.

«Layas!» Ang tinig ay isang nakakabinging sigaw. Ang tunog nito ay katulad ng isang angil at isang hagulhol. Tila imposible na ito ay magagawa ng isang tao. «Layas! Atras! Papatayin ko Kayo! Bakit Ninyo ako inuusig? Ayaw ko Kayong makita!» Ang pinaghahari ng dimonyo na lalaki ay tumatalbog, siya ay hubad, kayumanggi, na may mahabang gusot na buhok at balbas. Ang kanyang naninindig na mga kulot na buhok na may mga tuyong dahon at alikabok ay bumabagsak sa kanyang mabalasik na mapupulang mata, na gumugulong sa kanilang mga saket, at umaabot hanggang sa kanyang bunganga. At ang kanyang bunganga nakabukas sa pag-alulong at pagtatawa ng isang baliw – ang tunog nito ay katulad ng isang masamang-panaginip – ay bumubulà at dumurugo, sapagkat ito ay kanyang pinupukpok ng isang matalas na bato at sinasabi niya: «Bakit hindi Kita mapatay? Sino ang pumipigil sa aking lakas? Kayo ba ito? Kayo?»

Si Jesus ay tinitingnan siya at nagpapatuloy.

Ang baliw ay gumugulong sa lupa, kinakagat ang sarili, mas lalo pang bumubulà, pinupukpok ang sarili sa pamamagitan ng bato, iigkas sa kanyang mga paa, itinuturo ang kanyang hintuturo kay Jesus, Na kanyang tinititigan nang walang-tigil at may-kabangisan at nagsabi: «Makinig! Makinig! Siya Na darating ay...»

«Manahimik, dimonyo ng lalaki! Inuutos Ko sa iyo.»

«Hindi! Hindi! Hindi ako mananahimik. Ano ang naririyan sa pagitan Ninyo at namin? Bakit hindi Ninyo kami pabayaan sa kapayapaan? Hindi ba Kayo kontento na ikulong kami sa kaharian ng impiyerno? Hindi pa ba sapat iyan sa Inyo na Kayo ay pumarito pa upang agawin ang tao sa amin? Bakit pinipilit Ninyong pabalikin kami doon sa ibaba? Pabayaan kaming manirahan sa aming mga biktima! Sa dahilan na Kayo ay dakila at makapangyarihan, dumaan at manakop, kung magagawa Ninyo. Ngunit hayaan kaming magbunyi at nakapananakit. Kami ay naririto para diyan. O! isi.., Hindi! Hindi ko masasabi iyan! Huwag Ninyo akong gawin na sabihin ko iyan sa Inyo! Hindi ko kayo maisusumpa! Napopoot ako sa Inyo! Inuusig ko Kayo! Naghihintay ako sa Inyo upang pahirapan Kayo! Napopoot ako sa Inyo at sa Kanya mula kung Kanino Kayo nagmumula at kinapopootan ko Siya Na siyang Inyong Espiritu. Kinapopootan ko ang pagmamahal, sapagkat ako ay Poot! Ibig ko Kayong isumpa! Ibig ko Kayong patayin! Ngunit hindi ko magawa! Hindi ko magawa! Hindi pa! Ngunit maghihintay ako para sa Inyo, o Kristo, maghihintay ako para sa Inyo. Makikita ko Kayong patay! O anong malugod na oras! Hindi! Hindi malugod! Kayo patay? Hindi. Hindi patay. At ako talo! Talo! Laging talo!... Ah!...»  Ang atake ay nasa katindihan.

Si Jesus ay nagpapatuloy papalapit sa nadimonyohan pinananatili siyang nasa loob ng batubalani ng Kanyang mga mata. Si Jesus ngayon ay nag-iisa na lamang. Ang mga apostol at ang iba pang mga tao ay nagpaiwan sa likuran. Ang mga tao ay nasa likuran ng mga apostol, na nasa mga tatlumpung metro mula kay Jesus.

Ang ilan sa mga mamamayan ng nayon, na tila lumalabas na marami ang nakatira at sa palagay ko mayayaman din, ay lumabas, nakuha ang kanilang pansin ng mga sigawan, at ngayon mga nanonood sa nangyayari, nakahandang tumakbo katulad-na-katulad ng ibang grupo. Kung kaya't ang eksena ay ang sumusunod: sa gitna ay ang nadimonyohan na lalaki at si Jesus, ngayon mga ilang metro na lamang ang pagitan ng dalawa; sa likuran ni Jesus, sa kaliwa, ang mga apostol at ang mga tao ng kabukiran; sa kanang tabi, sa likuran ng nadimonyohan, ang mga mamamayan

Si Jesus, pagkatapos na inutusan ang dimonyo na manahimik, ay hindi na ulit nagsalita pa. Tinititigan lamang Niya ang nadimonyohan. Ngunit ngayon Siya ay tumigil at itinataas ang Kanyang mga kamay, inuunat Niya ang Kanyang mga kamay patungo sa lalaking napaghaharian ng dimonyo at magsasalita na. Ang sigaw ng lalaki ay ngayon nakakatakot. Siya ay namimilipit, lumulukso patungo sa kanan, sa kaliwa, pataas. Nagmumukha siyang ibig na lumayas o itapon ang sarili mismo kay Jesus, ngunit hindi niya magawa. Siya ay naipako doon at bukod sa kanyang pamimilipit, wala na siyang magawa pang iba.

Nang iniunat ni Jesus ang Kanyang mga kamay, ang Kanyang mga kamay pinahahaba na tila ibig Niyang manumpa, ang baliw ay humagulhol nang mas malakas at pagkatapos ng pagmumura, pagtawa at panunumpa, nagsimula siyang umiyak at mangusap. «Hindi, hindi sa impiyerno! Huwag Ninyo akong ipadala doon! Ang aking buhay ay nakakatakot kahit na rito, nakakulong sa tao, sapagkat ibig kong maglakbay sa mundo at pagpira-pirasuhin ang Inyong mga nilikha. Ngunit huwag doon! Huwag! Huwag! Hayaan ako sa labas!...»

«Lumabas ka sa kanya. Iyan ay isang utos.»

«Hindi!»

«Labas.»

«Hindi!»

«Labas»

«Hindi!»

«Sa ngalan ng totoong Diyos, lumabas ka!»

«O! Bakit Ninyo ako tinatalo? Ngunit hindi ako lalabas, hindi. Kayo ang Kristo, ang Anak ng Diyos, ngunit ako ay...»

«Sino ka?»

«Ako si Beelzebub, ang Panginoon ng mundo at hindi ako susuko. Hinahamon ko Kayo, o Kristo!»

Ang nadimonyohan ay bigla na lamang hindi gumagalaw, nanigas, halos maringal, at nakatitig nang lagi kay Jesus nang may lumiliwanag na mga mata, halos hindi ginagalaw ang kanyang mga labì upang makabigkas ng di-maintindihang mga salita at gumagawa ng magagaang galaw sa pamamagitan ng kanyang mga kamay malapit sa kanyang mga balikat at ang kanyang mga siko nakabaluktot.

Si Jesus din ay tumigil. Na ang Kanyang mga kamay nakalupi sa Kanyang dibdib tinititigan Niya siya. Ginagalaw din nang kaunti ni Jesus ang Kanyang mga labì, ngunit wala akong mapakinggan kahit anong salita.

Ang mga taong naroroon ay naghihintay, ngunit hindi sila magkasundo sa isa’t isa:

«Hindi Niya ito magawa!»

«Oo, ang Kristo ay magtatagumpay na.»

«Hindi. Ang isa ang nananalo.»

Siya ay malakas.»

«Oo, malakas siya.»

«Hindi.»

Si Jesus ay ibinukas ang Kanyang mga kamay. Ang Kanyang mukha ay nagpapakita ng utos, ang Kanyang tinig ay katulad ng kulog. «Lumabas ka. Sa huling pagkakataon. Lumabas ka, o Satanas! Ako ito Na nag-uutos!»

«Aaaaaah!» (Ito ay isang napakahabang sigaw ng walang-katapusan na pagpapahirap. Ni kahit na ang isang tao na unti-unting tinutusok ng isang espada ay hindi makasisigaw nang gayon). At ang sigaw ay nagtatapos sa mga salita: «Ako ay lalabas. Oo, natalo Ninyo ako. Ngunit ipaghihiganti ko ang aking sarili. Ako ay Inyong pinalalayas, ngunit may isang dimonyo sa tabi Ninyo at pupunta ako sa kanya at paghaharian ko siya, nilalagyan siya ng ganap ng aking kapangyarihan. At walang utos Ninyo ang makapaghihiwalay sa kanya sa akin. Sa bawat panahon, sa bawat lugar ako, ang tagapaglikha ng Kasamaan, ay naglilikha ng mga anak na para sa aking sarili. At katulad ng Diyos na nilikha ang Sarili ng Sarili Mismo, ako ay nilikha ang aking sarili ng aking sarili mismo. Ipinaglilihi ko ang aking sarili sa loob ng puso ng tao at siya ang nagluluwal sa akin, nagluluwal siya ng isang bagong Satanas, na siya mismo at nagbubunyi ako sa pagkakaroon ng napakaraming anak! Kayo at ang mga tao ay laging makakakita ng aking mga nilikha, na mga kasing dami na mga Satanas. Ako ay aalis, o Kristo, upang kunin ang pag-aari ng aking bagong kaharian, ayon sa ibig Ninyo, at iniiwan ko sa Inyo ang kaawa-awang sawing-palad na ito na aking minaltrato. Sa lugar niya, dahil iiwanan ko siya sa Inyo, ang limos ni Satanas sa Inyo, Diyos, kukuha ako ng sanlibo at sampung libo ngayon, at matatagpuan Ninyo sila kapag ang Inyong katawan na kahindik-hindik na nagkapilas-pilas ay iaabot bilang laruan sa mga aso, at kukuha ako ng sampunlibo at sandaang libo sa hinaharap na mga siglo upang gamitin sila bilang instrumento para sa akin at isang pagpapahirap para sa Inyo. Sa palagay ba Ninyo mananalo Kayo sa pagtaas ng Inyong Tanda? Ang aking mga tagasunod ay patutumbahin ito at ako ang mananalo... Ah! Hindi totoo na ako ang mananalo! Ngunit pahihirapan ko Kayo kapwa sa Inyong Sarili at sa Inyong mga tagasunod!...»

Isang malakas na bagsak, katulad ng kulog, ang narinig, ngunit wala ni kislap ng liwanag o dagundong ng kulog. Tanging isang matalas na nakapipilas na lagapak lamang, at habang bumabagsak ang nadimonyohan katulad ng isang patay na katawan sa lupa at nananatili doon, ang isang malaking katawan ng kahoy ay nabulid malapit sa mga apostol, na tila ito ay pinutol mga isang metro mula sa lupa ng isang lagari na lumalagri nang kasing bilis ng kidlat. Ang grupo ng mga apostol ay tamang-tama lamang na nakaiwas, habang ang lokal na mga tao ay tumatakbong paalis.

Ngunit si Jesus, Na nakayuko sa nakapatirapang lalaki at nahawakan ang kanyang kamay, ay tumalikod, nakayuko pa rin at ang kamay ng pinagaling na lalaki nasa Kanyang sariling kamay, sinabi Niya: «Halika. Huwag matakot!» Ang mga tao ay lumalapit nang mahina ang loob. «Siya ay magaling na. Magdala ng damit.» Isang lalaki ang tumakbo upang kumuha ng damit.

Ang lalaki ay natauhan nang unti-unti. Ibinukas niya ang kanyang mga mata at nakatagpo ang mga mata ni Jesus. Siya ay naupo. Sa pamamagitan ng kanyang libreng kamay pinupunas niya ang kanyang pawis, dugo at bulà, tinutulak niya ang kanyang buhok papunta sa likuran at tinitingnan ang sarili. Nang makita niya na siya ay hubad sa presensya ng napakaraming tao, nakaramdam siya ng kahihiyan. Siya ay nagyumukyok at nagtanong: «Ano ang nangyari? Sino Kayo? Bakit ako naririto? Hubad?»

«Wala, Aking kaibigan. Magdadala na sila ngayon ng ilang damit at ikaw ay babalik sa iyong tahanan.»

«Saan ako nanggaling? At saan Kayo nanggaling?» nagsasalita siya sa mahinang pagod na tinig ng isang may-sakit na tao.

«Ako ay nanggaling sa Karagatan ng Galilee.»

«At papaano nangyari na ako ay kilala Ninyo? Bakit Ninyo ako tinutulungan? Ano ang Inyong pangalan?»

Ilang mga lalaki ang dumating may dalang isang tunika na kanilang inilagay sa lalaki na napagaling nang mahimala. At isang matandang babae ang dumating umiiyak at kanyang idinidiin sa kanyang puso ang napagaling na lalaki.

«Anak!»

«Inay! Bakit ninyo ako iniwan nang ganito katagal?»

Ang matandang babae ay mas lalo pang umiyak at hinahalikan at hinahaplos siya. Baka magsasalita pa siya nang marami, ngunit pinangibabawan siya ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang mga mata at pinasigla siya para sa mas mahabagin na mga salita: «Nagkasakit ka nang malubha, anak! Purihin ang Diyos Na naggamot sa iyo at ang Mesiyas Na kumilos sa ngalan ng Diyos.»

«Siya? Ano ang pangalan Niya?»

«Jesus ng Galilee. Ngunit ang Kanyang pangalan ay Kabutihan. Halikan mo ang Kanyang kamay, anak, at hingin mo sa Kanya na patawarin ka para sa iyong ginawa o sinabi... tiyak na nakapagsalita ka sa iyong...»

«Oo, nagsalita siya nang siya ay nilalagnat» sabi ni Jesus upang maiwasan ang di-mabuting mga salita. «Ngunit hindi siya ang nagsasalita at hindi Ako mahigpit sa kanya. gawin siyang mabuti na ngayon. Gawin siyang maging mahinahon.» idinidiin ni Jesus ang salita. Ang lalaki ay iniyuko ang kanyang ulo, nahihiya.

Ngunit kung ano ang hindi ni Jesus sinasabi sa kanya ay sinabi ng mayayamang mamamayan na ngayon ay nakalapit na sa kanila. Kasama sa kanila ay ilang di-maipapahayag na mga Pariseo. «Ikaw ay naging masuwerte! Mabuti ang nangyari na natagpuan mo Siya, ang panginoon ng mga dimonyo.»

«Ako... isang nadimonyohan?» Ang lalaki ay nahihintakutan.

Ang matandang babae ay bumulalas: «Kayong mga isinumpa! Wala kayo ni awa o paggalang! Kayong sakim na malulupit na ahas! At ikaw din, ikaw na walang-silbing ministro ng sinagoga. Ang Banal na Isa panginoon ng mga dimonyo?»

«At sino sa palagay mo ang may kapangyarihan sa kanila bagkus ang kanilang hari at ama?»

«O! Lapastangang mga tao! Mga manlalapastangan! Isum...»

«Manahimik, babae. Maging masaya sa iyong anak. Huwag manumpa. Hindi nila Ako nababalisa o pinagpapaalala. Makakahayo na kayong lahat sa kapayapaan. Ang Aking pagpapalà sa mabubuting tao. Tayo na, Aking mga kaibigan.»

«Maaari ko ba Kayong sundan?» Ang napagaling na lalaki ang nagtatanong.

«Hindi. Manatili rito. Maging Aking saksi at lugod ng iyong ina. Lakad.»

At sa gitna ng nagbubunyi sigawan at binubulong na panunuya tinatawid ni Jesus ang bahagi ng maliit na bayan at pagkatapos bumalik sa lilim ng mga punungkahoy sa tabi ng ilog.

Ang mga apostol ay nagsisiksikan sa paligid Niya.

Si Pedro ay nagtanong: «Guro, bakit ang di-malinis na espiritu ay nakapanlaban nang labis?»

«Sapagkat iyon ay isang kumpletong espiritu.»

«Ano ang ibig sabihin niyan?»

«Makinig sa Akin. Ang ilang mga tao ay binibigay ang kanilang sarili kay Satanas sa pagbubukas ng isang pintuan sa isang púnong bisyo. Ang ilan ay binibigay ang kanilang sarili nang dalawang beses, ang ilang tatlong beses, ang ilan pitong beses. Kapag ang isa ay ibinukas ang kanyang espiritu sa pitong bisyo, diyan pumapasok ang kumpletong espiritu sa kanya. Si Satanas, ang maitim na prinsipe, ang pumapasok.»

«Papaano ang lalaking iyon, na bata pa, naalihan ni Satanas?»

«O! Aking mga kaibigan! Nalalaman ba ninyo kung saang landas si Satanas pumupunta? Sa pangkalahatan tatlo ang madalas puntahan na mga landas, at isa ang hindi kailanman nawawala. Tatlo: sensuwalidad, pera, pagmamalaki ng espiritu. Ang sensuwalidad ang isa na laging naririyan. Tagapagdala ng iba pang pagkiling-sa-pagkakasala, ito ay dumaraan nagkakalat ng lason at ang lahat ay yumayabong nang may maladimonyong pamumulaklak. Iyan kung bakit Ko sinasabi sa inyo: “Maging mga panginoon ng inyong laman”. Gawin ang kontrol na iyan na maging ang simulain ng lahat na iba pa, katulad na ang pagkaalipin na iyan ay ang simula ng lahat na iba pa. Ang tao na naalipin ng kahalayan, ay nagiging magnanakaw, manloloko, malupit, mamamatay-tao, upang mapaglingkuran ang kanyang kalaguyo. Ang pinaka pagka-uhaw para sa kapangyarihan ay may kaugnayan din sa laman. Hindi ba sa palagay ninyo? Ganyan iyan. Pagnilayan iyan at makikita ninyo kung Ako ay nagkakamali. Iyon ay sa pamamagitan ng laman na si Satanas ay nakapasok sa tao at sa pamamagitan ng laman bumabalik siya sa tao, at masaya siya kung magagawa niya ito. Siya, isa at pitong ibayo, ay pumapasok sa pamamagitan ng pagpaparami ng kanyang mga hukbo ng mas maliliit na dimonyo.»

«Sinabi Ninyo na si Maria ng Magdala ay mayroon noon ng pitong dimonyo. Iyan ang sinabi Ninyo at sila ay tiyak na mga dimonyo ng kahalayan. Subalit napalaya Ninyo siya nang napakadali.»

«Oo, Judas. Totoo iyan.»

«Kung gayon?»

«Kung gayon, ayon sa iyo, ang Aking teoriya ay mali. Hindi, Aking kaibigan. Ang babaeng iyon ay ginusto na niya, noong panahon na iyon, na makalaya mula sa kanyang pagkaalipin. Ginusto niya. Ang kapangyarihan ng kalooban ay ang lahat.»

«Bakit, Guro napupuna namin na marami sa mga babae ang naalihan ng dimonyo, at masasabi namin, ng dimonyong iyon?»

«Tingnan, Mateo. Ang babae ay hindi kapareho ng lalaki sa pagkaporma at sa kanyang reaksiyon sa orihinal na kasalanan. Ang lalaki ay may iba pang tinatangka para sa kanyang mga mithiin na maaaring humigit-kumulang mabuti. Ang babae ay may iisang tinatangka lamang: pagmamahal. Ang lalaki ay may ibang pagkaporma. Ang babae ay mayroon ng isang ito, sensitibo, na mas perpekto pa, dahil ang pakay nito ay panganganak. Nalalaman ninyo na ang bawat perpeksiyon ay nagdadala ng isang paglaki ng pagka-sensitibo. Ang isang perpektong tainga ay naririnig nito ang nakalalampas sa isang di-masyadong perpektong tainga at natutuwa ito dahil diyan. Ganyan din ang tungkol sa mga mata, sa panlasa ng dila at sa pangamoy. Ang babae ay noon ang sanang magiging katamisan ng Diyos sa Lupa, siya ang dapat noon na maging ang pagmamahal, ang pagkakatawang-tao ng apoy na iyon na nagpapagalaw sa Kanya Na Siyang nga, ang manipestasyon, ang testimonya ng pagmamahal na iyon. Ang Diyos kung gayon ay niregaluhan siya ng isang napakataas na sensitibong espiritu, upang, isang araw bilang isang ina, maaari niyang malaman at malalaman niya kung papaano buksan ang mga mata ng mga puso ng kanyang mga anak sa pagmamahal para sa Diyos at sa kanilang kapwa mga nilikha, katulad na ang lalaki ay bubuksan niya ang mga mata ng katalinuhan ng kanyang mga anak sa pag-intindi at pagkilos. Isipin ang utos ng Diyos sa Kanyang Sarili: “Tayo ay gumawa ng katu-katulong para kay Adan”. Ang Diyos-Kabutihan ay bagkus ibig na makagawa ng isang mabuting katu-katulong para kay Adan. Siya na mabuti ay nagmamahal. Ang katu-katulong ni Adan, kung gayon, ay dapat na nakapagmamahal upang magtagumpay na magawa ang araw ni Adan na masaya sa napakaligayang Hardin. Siya noon ay dapat na maging may lubos na kakayahan sa pagmamahal katulad na maging ang ikalawa, katulong at kahalili ng Diyos, sa pagmamahal sa lalaki, ang Kanyang nilikha, upang kahit na kung hindi ibinunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili sa Kanyang anak sa pamamagitan ng Kanyang mapagmahal na tinig, ang lalaki ay hindi kailangan na maging di-masaya dahil sa pagkukulang sa pagmamahal. Si Satanas ay nalalaman ang gayong perpeksiyon. Si Satanas ay maraming nalalaman na mga bagay. Siya ito na nagsasalita sa pamamagitan ng mga labì ng mga babaeng pari ng dimonyo nagsasabi ng mga kasinungalingan na inihalo sa katotohanan. At – tandaan ninyo itong lahat, kapwa kayo na mga naririto at ang mga darating sa hinaharap – nagsasalita siya ng ganyang katotohanan, na kanyang kinapopootan sapagkat siya ay ang Kasinungalingan, upang marahuyo lamang kayo sa pamamagitan ng ilusyon na ang Liwanag ang nagsasalita at hindi ang Kadiliman. Si Satanas, tuso, mapagpahirap at malupit, ay nakakagapang patungo sa perpeksiyon na ganyan, manunuklaw siya doon at mag-iiwan ng kanyang lason. Ang perpeksiyon ng babae sa pagmamahal kung gayon ay ang naging instrumento ni Satanas upang mapangibabawan ang lalaki at babae at magkalat ng kasamaan...»

«Ano ang tungkol sa aming mga ina, kung gayon?»

«Juan, natatakot ka ba para sa kanila? Hindi lahat na babae ay instrumento para kay Satanas. Perpektong katulad nila sa kanilang mga damdamin, humihigit sila sa pagkilos: mga anghel kung ibig nilang maging kasama ng Diyos, mga dimonyo kung ibig nilang maging kasama si Satanas. Ang banal na mga babae, at ang iyong ina ay isa sa kanila, ay gustong makasama ang Diyos at sila ay mga anghel.»

«Hindi ba Ninyo iniisip na ang kaparusahan sa babae ay di-makatarungan, Guro? Ang lalaki rin ay nagkasala.»

«At ano ang tungkol sa gantimpala kung gayon? Nakasulat na ang Kabutihan ay babalik sa mundo sa pamamagitan ng Babae at si Satanas ay matatalo.»

«Huwag kailanman husgahan ang gawa ng Diyos. Iyan ang unang bagay. Ngunit isipin na dahil ang Kasamaan ay nakapasok sa mundo sa pamamagitan ng babae, makatarungan na sa pamamagitan ng Babae makapasok ang Kabutihan sa mundo. Ang pahina na isinulat ni Satanas ay kailangan na makansela. At ang mga luha ng isang Babae ay gagawin iyan. At dahil isisigaw ni Satanas ang kanyang iyak magpasawalanghanggan, ang tinig ng isang Babae ay aawit upang lunurin ang mga iyak na iyan.»

«Kailan?»

«Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang Kanyang tinig ay nakababa na mula sa Langit kung saan ang Kanyang aleluya ay inawit mula sa kawalang-hanggan.»

«Siya ba ay magiging mas dakila pa kay Judith?»

«Mas dakila pa kaysa sa bawat babae.»

«Ano ang Kanyang gagawin?»

«Babaligtarin Niya si Eba kasama ang kanyang tripleng kasalanan. Absulutong pagsunod. Absulutong kadalisayan. Absulutong kababaang-loob. Siya ay tataas sa ibabaw niyan: isang matagumpay na reyna...»

«Ngunit, Jesus, hindi ba’t ang Inyong Ina ang pinakadakila, bilang nagpanganak sa Inyo?»

«Dakila siya na ginagawa ang kalooban ng Diyos. At iyan kung bakit si Maria ay dakila. Ang lahat na iba pang mga merito ay nanggagaling sa Diyos. Ngunit ang isang iyon ay ganap na sa Kanya at pagpalain nawa Siya para diyan.»

At ang lahat ay nagtatapos.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Nakita mo ang isang tao na “inalihan” ni Satanas. Napakaraming tugon sa Aking mga salita. Hindi labis para sa iyo katulad na para sa ibang mga tao. Mapakikinabangan ba ang mga ito nang kahit na papaano? Wala ng kahit anong pakinabang ang mga ito sa mga nangangailangan ng mga nito nang labis. Magpahinga kasama ang Aking kapayapaan.»

271210

 



Sunod na kabanata