42. Ang Kamatayan ni San Jose.

Pebrero 5, 1944, 1:30 n.g.

¹Ang bisyon ay nagpakita sa akin nang makapangyarihan, habang abalá ako sa pagsasatama ng pagkukupyahang-aklat, at doon iksakto sa diktasyon tungkol sa palsipikadong mga relihiyon ng kasalukuyang mga araw. Isusulat ko ito habang nakikita ko ito.

Nakikita ko ang looban ng isang talyer ng isang karpintero. Ito ay nagmumukha na ang dalawang pader ay pinorma mula sa mga bato, na tila sinamantala ng mga nagtayo ang natural na mga gruta ginagawa itong mga silid ng isang bahay. Dito ang hilagain at ang kanluranin ay ang dalawa pang ibang mga pader, ang timogin at silanganin ay ang mga pader na plinasteran katulad ng atin.

Sa hilagaing tabi, kung saan naroroon ang isang paglubog sa bato, sila ay naggawa ng isang pangkabukiran na paapuyan, kung saan may isang maliit na palayok na may ilang pintura o glue, hindi alam eksakto kung alin. Ang pader doon ay napaka-itim na tila natatakpan iyon ng alkitran, dahil sa panggatong na kahoy na sinunog doon sa loob ng maraming mga taon. Ang isang butas sa pader, na may isang malaking tisa sa ibabaw, ay ang lugar ng isang tsiminea kung saan makakalabas ang usok. Ngunit maaaring hindi naging maganda ang serbisyo nito, sapagkat ang ibang mga pader ay naging maiitim na rin sa usok, at kahit na ngayon, dito ay may isang kaunting usok sa silid.

²Si Jesus ay nagtatrabaho sa ibabaw ng isang mesa ng talyer. Siya ay nagkakatam ng ilang mga tabla na pagkatapos Kanyang isinasandal sa pader sa likuran Niya. Pagkatapos kukuha Siya ng isang uri ng bangkito, iipitin ng gato sa dalawang tabi, aalisin Niya muli ito sa gato, at pagkatapos titingnan Niya kung ang nangyari ay perpekto, iiksaminin Niya ito mula sa bawat anggulo, pagkatapos pupunta Siya sa tsiminea, kukunin ang maliit na palayok at hahaluan ang laman nito sa pamamagitan ng isang maliit na kahoy o bras, hindi ako nakatitiyak; nakikita ko lamang ang bahaging umuusli mula sa palayok  at ito ay isang katulad ng maliit na kahoy.

Si Jesus ay nakasuot ng kung baga isang maikling tunika, ang kulay nito ay isang madilim na hazelnut: ang mga manggas ay nakalilis hanggang sa Kanyang mga siko, at may suot Siya ng isang uri ng apron kung saan Niya pinupunas ang Kanyang mga daliri pagkatapos na mahipo ang maliit na palayok.

Siya ay nag-iisa. Nagtatrabaho Siya nang masigasig, ngunit nang mapayapa. Walang biglaan o pagmamadaling pagkilos. Siya ay iksakto at hindi nagbabago ang Kanyang bilis. Walang nakaiinis sa Kanya; ni hindi ang isang buko sa kahoy na hindi kakatamin, o ang isang disturnilyador (sa palagay ko ito ay isang disturnilyador) na dalawang beses na bumabagsak mula sa mesa, o ang usok na palutang-lutang sa silid na maaaring nakakapagpahapdi sa Kanyang mga mata.

Paminsan-minsan itinataas Niya ang Kanyang ulo at titingin patungo sa timogin na pader, kung saan naroon ang isang nakasaradong pinto, at Siya ay makikinig. Sa isang sandali bubuksan Niya ang isang pinto na nasa silanganing tabi at nagbubukas patungo sa kalsada, at Siya ay dudungaw. Nakikita ko ang isang maliit na bahagi ng maalikabok na maliit na daan. Tila mayroon Siyang hinihintay na sinuman. Pagkatapos babalik Siya sa Kanyang trabaho. Siya ay hindi malungkot, ngunit seryosong-seryoso. Sinasara Niyang muli ang pinto at babalik sa Kanyang ginagawa.

³Habang abalá Siya sa paggawa ng kung anong bagay, na sa palagay ko ay isang bahagi ng isang gulong, ang Kanyang Ina ay papasok. Siya ay pumapasok sa pamamagitan ng timogin na pinto. Magmamadali Siya patungo kay Jesus. Siya ay nakadamit ng madilim na asul at walang takip ang Kanyang ulo. Ang Kanyang simpleng tunika ay mahigpit na nahahawakan sa Kanyang baywang ng isang bigkis ng gayon ding kulay. Siya ay nag-aalala noong tinawag Niya ang Kanyang Anak, at sumasandal na ang Kanyang dalawang kamay nakakapit sa braso ni Jesus sa isang aktitud ng pananalangin at pamimighati. Si Jesus ay hinahaplos Siya, nilalagay ang Kanyang kamay sa ibabaw ng Kanyang balikat at pinagiginhawahan Siya. Iniiwan Niya ang Kanyang ginagawa, inaalis ang Kanyang apron at lumabas kasama Siya.

Baka gusto ninyong malaman ang eksaktong mga salitang kanilang sinabi. Napakakaunti ang sinasabi ni Maria: «O! Jesus! Halika! Halika, halika. Masamang-masama ang lagay niya!» Ito ay sinasabi nang may nanginginig na mga labì at may mga luhang nagniningning sa Kanyang namula at napagod na mga mata. Sinabi lamang ni Jesus: «Inay!», ngunit lahat na ang ibig sabihin niyan.

death josephPumunta sila sa katabing silid, punó ng matingkad na sikat ng araw nanggagaling sa isang nakabukas na pinto patungo sa maliit na pangkusinang-hardin, na berde at punó rin ng liwanag, at kung saan ang mga kalapati ay palipad-lipad sa paligid malapit sa pinatutuyong nakasampay na mga damit at wumawagayway sa hangin. Ang silid ay maralita ngunit maayos. May isang mababang kama, punó ng maliliit na mga kutson, (sinasabi kong kutson sapagkat makakapal sila at malalambot na bagay, ngunit ang kama ay hindi katulad ng atin). Sa ibabaw nito nakasandal sa maraming kutson, ay naroon si Jose. Siya ay namamatay. Ito ay halatang-halata sa putlang-abo ng kanyang mukha, sa kanyang walang-buhay na mga mata, sa humahangos na dibdib, at sa totál na pagpapahingalay ng lahat ng kanyang katawan.

⁴Si Maria ay pumunta sa kanyang kaliwang tabi, kinuha ang kanyang kulubot na kamay ngayon putlang-abo malapit sa mga kuko, kinukuskos ito, hinahaplos ito, hinahalikan ito, pinupunas Niya sa pamamagitan ng isang maliit na tela ang pawis na naging maningning na mga linya sa kanyang sentido; pinupunas Niya ang isang maningning na luha sa sulok ng kanyang mata; binabasâ Niya ang kanyang mga labì sa pamamagitan ng isang piraso ng linen na tinubog sa isang likido na sa palagay ko ay white wine.

Si Jesus ay pumunta sa kanyang kanang tabi. Mabilis at maingat Niyang binuhat ang katawan na nakalubog na, itinutuwid siya sa ibabaw ng mga kutson na pagkatapos Kanyang isinasaayos kasama si Maria. Hinahaplos Niya ang noo ng namamatay na tao at pinagsisikapan Niyang mapaginhawahan ito.

Si Maria ay umiiyak nang mahina, nang walang kahit anong ingay, ngunit Siya ay umiiyak. Ang Kanyang malalaking luha ay bumababa sa Kanyang maputlang mga pisngi, hanggang sa Kanyang madilim na asul na damit, at nagmumukha silang maningning na mga sapiro.

Si Jose ay nakapanumbalik kahit papaano, at tinititigan si Jesus; kinuha niya ang Kanyang kamay na tila may ibig siyang sabihin at upang makakuha din ng lakas, para sa huling pagsubok, mula sa dibinong kontakto. Si Jesus ay niyuyukuan ang kamay na iyon at hinahalikan ito. Si Jose ay ngumingiti. Pagkatapos siya ay tumalikod at sa pamamagitan ng kanyang mga mata hinahanap niya si Maria at ngumiti rin sa Kanya. Si Maria ay lumuhod malapit sa tabi ng kama nagsisikap na ngumiti. Ngunit hindi Siya nagtatagumpay at niyuyuko Niya ang Kanyang ulo. Si Jose ay pinapatong ang kanyang kamay sa ulo Niya nang may basal na haplos na nagmumukhang isang pagpapalà.

Tanging ang paglipad-lipad at paghuni ng mga kalapati, ang paglagaslas ng mga dahon, ang pag-awit ng tubig ang maririnig sa labas, at ang paghinga ng namamatay na tao sa loob ng silid.

Si Jesus ay umikot sa kama, kumuha ng isang bangkito at ginawa si Maria na maupo dito, tinatawag Siya muli nang simple: «Inay». Pagkatapos bumalik Siya sa Kanyang lugar at kinuha muli ang kamay ni Jose. Ang tagpo ay tunay-na-tunay na hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa kirot na nararamdaman ni Maria.

⁵Pagkatapos si Jesus niyuyukuan ang namamatay na tao, ay bumubulong ng isang salmo. Alam ko na ito ay isang salmo, ngunit ngayun-ngayon lamang hindi ko masabi kung anong salmo ito.

Ito ay nagsisimula nang ganito:

«”Tingnan ako, o Panginoon, sapagkat umaasa ako sa Inyo...

Pabor sa kanyang mga kaibigan na namumuhay sa kanyang lupain ginawa niya lahat ang aking mga kahilingan sa isang magandang paraan...

Pagpapalain ko ang aking Panginoon Na siyang aking tagapayo...

Ang Panginoon ay laging nasa harapan ko. Siya ay nasa aking kanang tabi na sana hindi ako bumagsak.

Kung gayon ang aking puso ay nagsasaya at ang aking dila nagbubunyi at ang aking ding katawan ay magpapahinga sa pag-asa.

Dahil hindi Ninyo iaabandona ang aking kaluluwa sa tirahan na lugar ng patay, ni hindi Ninyo pahihintulutan ang Inyong kaibigan ng makaranas ng pagkabulok.

Ibubunyag Ninyo ang landas ng liwanag sa akin at pupunuin ako ng lugod pinakikita sa akin ang Inyong mukha”.»

Si Jose ay naging masaya nang kaunti at sa pamamagitan ng mas buháy na tingin siya ay ngumingiti kay Jesus at pinipisil ang Kanyang mga daliri.

Si Jesus ay tumutugon sa ngiti sa pamamagitan ng isang ngiti Niya Mismo at sa pisíl sa Kanyang mga daliri sa pamamagitan ng isang haplos. At nakayuko pa rin sa Kanyang kinikilalang ama, nagpapatuloy Siyang mahina:

«”Gaano ko kamahal ang Inyong mga Tabernakulo, o Panginoon.

Ang aking kaluluwa ay nananabik at naghahanap para sa mga korte ng Panginoon.

Ang pipit din ay nakatagpo ng isang tahanan at ang maliit na kalapati isang pugad para sa maliit nito. Naghahanap ako para sa Inyong mga Altar, Panginoon.

Masaya ang mga naninirahan sa Inyong tahanan... masaya ang tao na nakatatagpo ng lakas sa Inyo. Pinasisigla Niya sa kanyang puso ang pagtaas mula sa lambak ng mga luha patungo sa piniling lugar.

O Panginoon pakinggan ang aking panalangin...

O Diyos, ibaling ang Inyong mga mata at tingnan ang mukha ng Inyong Pinahiran-ng-Langis...”»

Si Jose humihikbi, ay tinitingnan si Jesus at nagsisikap na makapagsalita na tila upang pagpalain Siya. Ngunit hindi niya magawa. Halatang naintindihan ni Jesus, ngunit siya ay may nakabitin na sasabihin. Ngunit siya ay masaya at tinitingnan ni Jesus nang may búhay at pagtitiwala.

«”O! Panginoon”», nagpapatuloy si Jesus. «”Pinaboran Ninyo ang Inyong sariling bansa, Binalik Ninyong muli ang mga nabihag ni Jacob...

Ipakita sa amin, o Panginoon, ang Inyong awa at dalhin kaming muli sa Inyong Tagapagligtas.

Ibig kong mapakinggan kung ano ang sinasabi sa akin ng Panginoon, tiyak na magsasalita Siya ng tungkol sa kapayapaan sa Kanyang sambayanan para sa Kanyang mga kaibigan at para sa mga nakumberti ang mga puso sa Kanya.

Oo, ang Kanyang nagliligtas na tulong ay malapit na... at ang kaluwalhatian ay mabubuhay sa aming bayan. Ang pagmamahal at ang katapatan ay ngayon natupad na, ang pagkamatuwid at ang kapayapaan ay ngayong nagyakap na. Ang Katapatan ay tumataas mula sa lupa at ang pagkamatuwid ay dumudungaw mula sa Langit.

Oo, ang Panginoon Mismo ang nagbibigay ng kasayahan at ang ating lupa ay binibigay nito ang ani nito. Ang pagkamatuwid ay laging mauuna sa Kanya at mag-iiwan ng mga bakas ng paa nito sa landas”.

Nakita ninyo ang oras na iyan, ama at trinabaho ninyo ito. Nakisama kayo sa pormasyon ng oras na ito at ang Panginoon ay gagantimpalaan kayo para dito. Sinasabi Ko sa inyo» dagdag ni Jesus, pinupunas ang isang luha ng tuwa na dahan-dahan na bumababa sa pisngi ni Jose.

Pagkatapos Siya ay nagpapatuloy:

«”O Panginoon, alalahanin si David at ang lahat ng kanyang kabaitan.

Gaano siya nanumpa sa Panginoon: hindi ko papasukin ang aking bahay, o akyatin ang kama ng aking kapahingahan, o pahintulutan ang aking mga mata na matulog, o pahingahan ang aking mga talukap-mata, o bigyan ng kapayapaan ang aking mga sentido hanggang makakita na ako ng isang lugar para sa Panginoon, isang tahanan para sa Diyos ni Jacob...

Bangon, o Panginoon at pumunta Kayo sa Inyong pahingahang lugar, Kayo at ang Inyong Kaban ng kabanalan (naintindihan ni Maria, at Siya ay napaiyak).

Harinawang ang Inyong mga pari ay magdamit ng birtud at ang Inyong deboto ay sumigaw sa tuwa.

Alang-alang sa Inyong lingkod na si David, huwag Ninyo kaming pagkaitan ng mukha ng Inyong Pinahiran-ng-Langis.

Ang Panginoon ay nanumpa kay David at mananatiling tapat sa Kanyang salita: ‘Ilalagay Ko sa iyong trono ang bunga ng iyong sinapupunan’»

Ang Panginoon ay napili ang Kanyang tahanan...

Gagawin Kong umusbong ang isang sungay para kay David, magpapakinis Ako ng isang lampara para sa Aking Pinahiran ng Langis”.

⁶Salamat sa inyo, Aking ama sa katauhan Ko at sa katauhan ng Aking Ina. Kayo ay naging isang Makatarungan na ama sa Akin at ang Eternal na Ama ay pinili kayo bilang ang tagapag-alaga ng Kanyang Kristo at ng Kanyang Kaban. Kayo ay naging ang lampara na pinakinis para sa Kanya at para sa Bunga ng banal na sinapupunan nagkaroon kayo ng isang mapagmahal na puso. Humayo sa kapayapaan, ama. Ang inyong Balo ay hindi mawawalan ng tulong. Ang Diyos ay isinaayos na Siya ay hindi mag-iisa. Humayo nang mapayapa patungo sa inyong kapahingahan. Sinasabi Ko sa inyo.»

Si Maria ay umiiyak na ang Kanyang mukha nakayuko sa mga blanket (nagmumukha silang mga manta) na itinakip sa katawan ni Jose, na ngayon ay malamig na. Si Jesus ay nagmadali na paginhawahan siya sapagkat siya ay humihinga nang nahihirapan at ang kanyang mga mata ay lumalabo na ulit.

«”Masaya ang tao na natatakot sa Panginoon at malugod na sinasabuhay ang Kanyang mga utos...

Ang kanyang pagkamatuwid ay tatagal magpakailanman.

Para sa matuwid Siya ay sumisinag katulad ng isang lampara sa dilim, Siya ay maawain, magiliw ang puso, mabirtud...

Ang makatarungang tao ay maaalaala magpakailanman. Ang kanyang katarungan ay eternal at ang kanyang kapangyarihan ay tataas at magiging isang kaluwalhatian...”

Kayo, ama, ay magkakaroon ng kaluwalhatian na iyan. Darating Akong malapit na upang kunin kayo, kasama ang mga Patriyarka na nauna na sa inyo, patungo sa kaluwalhatian na naghihintay para sa inyo. Harinawang ang inyong espiritu ay magbunyi sa Aking salita.

“Ang sinuman na naninirahan sa panilungan ng Kataastaasan, ay namumuhay sa ilalim ng proteksiyon ng Diyos ng Langit”.

Namumuhay kayo roon, o ama.

“Sinaklolohan Niya ako sa mga patibong ng mga magnanakaw ng manok at sa magagaspang na mga salita.

Tatakpan Niya kayo ng Kanyang mga pakpak at sa ilalim ng Kanyang mga balahibo makatatagpo kayo ng masisilungan.

Ang Kanyang katotohanan ay poprotektahan kayo katulad ng isang pananggalang at hindi kayo kailangan na matakot sa mga katatakutan sa gabi...

Walang masama ang makalalapit sa inyo sapagkat inutusan Niya ang Kanyang mga anghel na bantayan kayo saan man kayo pumunta.

Susupurtahan kayo nila  sa kanilang mga kamay upang hindi masaktan ang inyong paa sa mga bato.

Tatapakan ninyo ang mga leon at mga bibora, tatapakan ninyo ang mababangis na leon at mga dragon.

Sapagkat kayo ay umasa sa Panginoon, sinasabi Niya sa inyo, o ama, na palalayain Niya kayo at poprotektahan.

Dahil tinaas ninyo ang inyong tinig sa Kanya, pakikinggan Niya kayo, makakasama ninyo Siya sa inyong huling paghihirap. Luluwalhatiin Niya kayo pagkaraan ng búhay na ito, pinakikita sa inyo kahit na ngayon ang Kanyang Pagliligtas” at sa hinaharap na buhay, gagawin kayo Niyang makapasok, dahil sa Tagapagligtas Na nagpapaginhawa na sa inyo ngayon at Na malapit na, o! inuulit Ko ito, darating Siyang malapit na malapit na at hahawakan kayo sa Kanyang dibinong yakap at dadalhin kayo, sa ulunan ng lahat na mga Patriyarka, kung saan ang mga tirahang lugar ay naihanda na para sa Makatarungang tao ng Diyos na siyang Aking pinagpalang ama.

Humayong mauna sa Akin at sabihin sa mga Patriyarka na ang Tagapagligtas ay nasa mundo at ang Kaharian ng Langit ay malapit nang mabuksan sa kanila. Humayo, ama. Harinawang ang Aking pagpapalà ay samahan kayo.»

⁷Si Jesus ay itinaas ang Kanyang tinig upang marating ang puso ni Jose, na lumulubog patungo sa mga ulap ng kamatayan. Ang kanyang katapusan ay namiminto. Siya ay humihingal nang napakasakit. Si Maria ay hinahaplos siya, si Jesus ay nakaupo sa gilid ng maliit na kama, niyayakap siya at kinakabig sa Sarili Niya ang namamatay na tao, na hinihimatay, at nawawala na nang mapayapa.

Ang tagpo ay punó ng isang solemneng kapayapaan. Si Jesus ay ibinababa muli ang Patriyarka at niyayakap si Maria, Na sa huling sandali, durog ang puso, ay lumapit kay Jesus.

                                                                ----------------------------------

⁸Sinasabi ni Jesus:

«Hinihimok Ko ang lahat ng mga asawang babae na pinahihirapan ng kirot, na gayahin si Maria sa Kanyang pagiging balo: na maging kaisa ni Jesus.

Ang mga nag-iisip na ang puso ni Maria ay hindi dumanas ng kahit na anong paghihirap ay nagkakamali. Ang Aking Ina ay naghirap. Gawing malaman iyan. Naghirap Siya sa banal na paraan, sapagkat ang lahat sa Kanya ay banal, ngunit siya ay naghirap nang napakapait.

Ang mga nag-iisip na si Maria ay hindi minahal si Jose nang lubusan, dahil lamang na siya ay esposo ng Kanyang kaluluwa at hindi ng Kanyang laman, ay nagkakamali rin. Si Maria ay minahal si Jose nang lubusan, at inilaan Niya ang tatlumpung taon ng Kanyang tapat na pamumuhay sa kanya. Si Jose ay ang Kanyang ama, Kanyang esposo, Kanyang kapatid, Kanyang kaibigan, Kanyang protektor.

Ngayon Siya ay kasing lungkot ng isang usbong ng isang baging nang ang púno kung saan ito nakakabit ay naputol. Iyon ay katulad na tila ang Kanyang bahay ay tinamaan ng kidlat. Iyon ay nabibiyak. Dati iyon ay isang yunit kung saan ang bawat miyembro ay nagbibigayan ng suporta. Ngayon ang pinaka-pader ay nawawala at iyon ay ang unang dagok sa pamilya at isang tanda ng namimintong pag-alis ng Kanyang minamahal na Jesus.

Ang kalooban ng Eternal na Ama Na nakiusap sa Kanya na Siya ay maging isang esposa at isang Ina, ay ngayon nagpapataw sa Kanyang pagiging-balo at sa Kanyang pakikipaghiwalay sa Kanyang Anak. Ngunit si Maria ay binigkas, lumuluha, ang isa sa Kanyang pinakadakilang mga salita: “Oo, Oo, Panginoon, mangyari sa Akin ang ayon sa Inyong salita”.

At upang magkaroon ng sapat na lakas sa oras na iyon, Siya ay lumapit sa Akin. Si Maria ay laging kaisa ng Diyos sa pinakagrabeng mga oras ng Kanyang buhay: sa Templo, noong Siya ay pinakiusapan na magpakasal, sa Nazareth noong Siya ay tinawag na maging Ina, muli sa Nazareth noong niluluha ang mga luha ng isang balo, sa Nazareth sa nakakatakot na pakikipaghiwalay sa Kanyang Anak, sa Kalbaryo sa paghihirap na nakikita Akong namamatay.

Matuto, kayong umiiyak. ⁹Matuto, kayong namamatay. Matuto, kayong nabubuhay upang mamatay. Pagsikapan na marapatin ang mga salitang Aking sinabi kay Jose. Sila ang magiging inyong kapayapaan sa pakikibaka ng kamatayan. Matuto, kayo na namamatay, upang marapatin na si Jesus ay malapít sa inyo, pinagiginhawahan kayo. At kung hindi ninyo minarapat ito, maglakas-loob pa rin, at tawagin Ako malapit sa inyo. Ako ay darating. Na ang Aking mga kamay punó ng mga grasya at konsolasyon, ang Aking Puso punó ng kapatawaran at pagmamahal, ang Aking mga labì punó ng mga salita ng absulusyon at pagpapaginhawa.

Ang kamatayan ay nawawalan ng kapaitan nito kung ito ay nangyayari sa pagitan ng Aking mga bisig. Maniwala sa Akin. Hindi Ko maaalis ang kamatayan, ngunit magagawa Ko itong matamis para sa mga namamatay na nagtitiwala sa Akin.

Si Kristo, sa ibabaw ng Kanyang Krus, ay nagsabi sa katauhan ninyong lahat: “Ama, sa Inyong mga kamay inihahabilin Ko ang Aking espiritu”. Sinabi Niya iyon sa loob ng Kanyang aguniya, iniisip ang inyong mga aguniya, inyong mga kinatatakutan, inyong mga pagkakamali, inyong mga takot, inyong mithiin para sa kapatawaran. Sinabi Niya iyon na ang Kanyang Puso nilagos ng sukdulang pahirap, bago nilagos ng dulo ng sibat, isang pahirap na mas espirituwal kaysa pisikal, upang ang mga aguniya ng mga namamatay na Siya ang iniisip ay sana mapaginhawahan ng Panginoon at ang kanilang mga espiritu ay sana makalampas mula sa kamatayan patungo sa eternal na Buhay, mula sa kapighatian patungo sa lugod, magpakailanman.

¹⁰Ito, munting Juan, ay ang iyong leksiyon para sa ngayon. Maging mabuti at huwag matakot. Ang Aking kapayapaan ay laging dadaloy patungo sa iyo, sa pamamagitan ng Aking mga salita at sa pamamagitan ng kontemplasyon. Halika, isipin na lang na ikaw ay si Jose na nasa kanya ang dibdib ni Jesus bilang kutson, at si Maria bilang isang nars. Magpahinga sa pagitan namin, katulad ng isang bata sa kanyang kuna.»

(222) 280610/032813/040213

Sunod na kabanata.