420. Tingnan ang Inyong mga Sarili Bilang di-kapaki-pakinabang na mga Lingkod.

Abril 24, 1946.

Ang mabatong kanal ng ilog ay maputi sa walang-buwan ngunit napakalinaw na gabi, dahil libu-libong malalaki, di-pangkaraniwang mga bituin ang nagniningning sa Silanganing kalangitan. Ito ay hindi isang malakas na liwanag katulad ng sinag ng buwan, ngunit ito ay isang kaaya-ayang pagliwanag, na ginagawa ang mga matang sanay sa madilim, na makakita kung saan sila maglalakad at kung ano ang nasa paligiran nila. Dito, sa kanang tabi ng mga naglalakbay, na mga pataas nang pagawing hilaga sa tabi ng ilog, ang katamtamang liwanag ng mga bituin ay pinakikita ang mga tanim na gulay sa hangganan na ginawa ng mga tanim na yantok, ng mga willow at pagkatapos ng matataas na punungkahoy, at sa dahilan na ang liwanag ay mahina, nagmumukha ang mga ito na isang solidong pader, na walang pagkaputol, imposibleng mapasok, na may isang puwang mula kung saan ang isang agos-ng-tubig o isang kanal ng ilog, ganap na walang-tubig, ay gumuguhit ng puting linya pagawing silangan at nawawala sa unang kurbada ng munting sangang-ilog na ngayon ay tuyo. Sa kaliwang tabi, sa halip, ang mga manlalakbay ay inaaninaw ang kumikislap na mga tubig na umaagos pababa ng Dead Sea bumubulong, nagbubuntung-hininga, umaagaas, tahimik at panatag. At sa pagitan ng nagniningning na linya ng indigong-asul na mga tubig, sa gabi, at ng madilim na damuhan, mga palumpong at mga punungkahoy, ang malinaw na espasyo ng batuhang kanal ng ilog, sa mga lugar na mas malalapad, sa iba mas makikipot, ay paminsan-minsan napuputol ng munting mga sanaw, mga tira ng nakaraang pagbaha, na may kaunti pang tubig, na unti-unting nasisipsip ng lupa at kung saan may ilan pa ring mga lamuymoy ng berdeng damo, na sa ibang mga lugar ay natuyuan sa mabatong kanal ng ilog nadarang sa loob ng mga oras na may sikat ang araw.

Ang mga apostol ay napipilitan ng munting mga sanaw na iyon o ng sabid-sabid na mga tuyong halaman, na kasing piligroso ng mga matatalas na uhay para sa kanilang mga paa na hindi masyadong natatakpan ng kanilang mga sandalyas, na sila ay paminsan-minsan humihiwalay at pagkatapos sasama ulit sa grupo sa paligid ng Guro, Na nagpapatuloy sa pamamagitan ng mahahabang hakbang, laging pormal, tahimik madalas, na ang Kanyang mga mata laging nakatingin sa mga bituin kaysa sa lupa. Ngunit ang mga apostol ay hindi tahimik. Sila ay nag-uusap-usap, nilalagum ang mga nangyari noong araw, gumagawa ng mga kongklusyon o hinuhulaan ang mga mangyayari sa hinaharap. Ang kaunting bihirang mga salita mula kay Jesus, madalas binibigkas sa pagtugon sa isang tuwirang tanong o upang itama ang isang mali o di-mapagkawanggawang opinyon, ang nagtatapos sa pag-uusap-usap ng Labindalawa. At ang martsa ay nagpapatuloy sa gabi, minamarkahan ang katahimikan ng gabi ng bagong mga elemento para sa mga pampang na iyon ng disyerto: mga tinig ng tao at pagkaluskos ng mga paa. Ang mga ruwinsensor ay tahimik sa loob ng mga sanga ng mga punungkahoy, nasusorpresa sa wala-sa-tono na magagaspang na mga tunog na humahalo at gumagambala sa karaniwang bulong ng tubig at sa pagbulong ng mga ihip ng hangin, na karaniwang siyang sumasabay sa kanilang mga pag-awit nang solo.

Ngunit ang isang tuwirang tanong, hindi tungkol sa kung ano ang nangyari bagkus kung ano ang mangyayari, ang sumira hindi lamang sa kapayapaan ng gabi, bagkus sa mas malapít na kapayapaan ng mga puso, nang may karahasan ng isang pagrerebelde bilang karagdagan sa maiigting na tunog ng mga tinig na nabalisa ng panunuya at galit. Si Felipe ay nagtanong kung at sa loob ng ilang mga araw sila makakauwi. Isang nakatagong pangangailangan ng kapahingahan, isang binigkas ngunit maiintindihan na mithiin para sa pagmamahal ng pamilya ang nasa loob ng simpleng tanong ng maedad na apostol, na isang asawa at ama bukod sa pagiging isang apostol, at may mga interes na inaasikaso...

Si Jesus ay naintindihan ang lahat na ito at lumingon upang tingnan si Felipe. Siya tumigil naghihintay para sa kanya, dahil si Felipe ay nahuhuli nang kaunti kina Mateo at Natanael, at nang siya ay malapit na, niyakap siya ni Jesus sa pamamagitan ng isang kamay nagsasabing: «Malapit na, Aking kaibigan. Ngunit hinihingi Ko sa iyo na maging sapat na mabait upang gumawa ng isa pang maliit na sakripisyo, maliban kung ayaw mong humiwalay sa Akin bago...»

«Ako? Humiwalay sa Inyo? Hindi kailanman!»

«Kung gayon... mailalayo kita nang matagal-tagal mula sa Bethsaida. Ibig Kong pumunta sa Caesarea sa Karagatan daan ng Samaria. Sa ating pagbabalik pupunta tayo sa Nazareth at ang mga walang pamilya sa Galilee ay mananatiling kasama Ko. Pagkatapos, pagkaraan ng mga ilang araw, sasamahan Ko kayo sa Capernaum... At tuturuan Ko kayo sa ebanghelyo upang magawa kayong mas may-kakayahan. Ngunit kung sa akala mo ang iyong presensya sa Bethsaida ay kinakailangan... makakalakad ka, Felipe. Magkikita tayo roon...»

«Hindi, Guro. Mas kinakailangan para sa akin na manatiling kasama Kayo! Ngunit alam Ninyo... Ang tahanan ay matamis... at ang aking mga anak na babae... Sa aking palagay hindi ko na sila makakasama nang labis sa hinaharap... at ibig kong kalugdan ang kaunti ng kanilang mayuming kabaitan. Ngunit kung kinakailangan kong pumili sa pagitan nila at sa Inyo, pinipili ko Kayo... at para sa maraming dahilan...» pagtatapos ni Felipe nang may pagbuntung-hininga.

«Nagagawa mo ang tamang bagay, Aking kaibigan. Sapagkat Ako ay ilalayo mula sa inyo bago ang iyong mga anak na babae...»

«O! Guro!...» sabi nang namimighati ng apostol.

«Iyan ‘yan, Felipe» hinuha ni Jesus hinahalikan ang sentido ng apostol.

Si Judas Iskariote, na kanina pa pabulung-buong sa pagitan ng kanyang mga ngipin mula nang binanggit ni Jesus ang Caesarea, ay itinaas ang kanyang tinig na tila ang halik na binigay kay Felipe ay nagawa siyang mawalan ng kontrol sa kanyang mga kilos. At sinabi niya: «Gaano karaming walang-kabuluhang mga bagay! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kinakailangan na pumunta sa Caesarea!» at sinasabi niya ito nang may mapusok na galit; tila ibig niyang ipahiwatig: «at Kayo na ibig pumunta roon ay isang tanga.»

«Wala sa iyo ang karapatan na husgahan ang pangangailangan ng ating ginagawa, bagkus ito ay nasa Guro» tugon ni Bartolomeo sa kanya.

«Talaga, bakit wala? Tila ba nakikita Niya nang maliwanag ang natural na mga pangangailangan!»

«Sasabihin ko! Baliw ka ba o matino? Nakikita mo ba kung Kanino ka nakikipagusap?» tanong ni Pedro niyuyugyog siya sa kamay.

«Hindi ako baliw. Ako lamang ang nag-iisa na may matinong utak. At nalalaman ko kung ano ang aking sinasabi.»

«Nagsasalita ka ng magagandang bagay!», «Pakiusapan ang Diyos na hindi Niya ito titingnan!», «Ang kababaang-loob ay hindi ang iyong malakas na punto!», «Baka isipin ng isa na natatakot ka na sa pagpunta sa Caesarea mabibisto ka» sabi ni Santiago ni Zebedeo, ni Simon Zealot, ni Tomas at ni Judas ni Alfeo alinsunod sa pagkakasunud-sunod.

Ang Iskariote ay tinutugunan ang huli: «Wala akong dapat na ikatakot at wala kang matutuklasan. Ngunit pagod na akong nakikita na tayo ay palipat-lipat sa isang pagkakamali patungo sa isa pa, sinisira ang ating sarili. Mga pakikipaghidwaan sa mga miyembro ng Sanhedrin, mga pakikipagtalo sa mga Pariseo. Ang mga Romano ang huling baraha...»

«Ano? Nang wala pang dalawang buwan ikaw ay masayang-masaya, punung-puno ng kompiyansa, ikaw ay, ikaw ay... ikaw ay lahat dahil si Claudia ay iyong kaibigan!» wika ni Bartolomeo nang may-panunuya na, bilang siyang pinaka... matatag sa kanyang pagka-Israelita, siyang hindi nagrerebelde sa pakikihalubilo sa mga Romano dahil lamang sa pagsunod sa Guro.

Si Judas ay walang masabi sa isang sandali dahil ang lohika ng mapanuyang tugon ay kitang-kita, at maliban na nakahanda siyang lumabas na walang-lohika, hindi niya masasalungat ang kanyang sinabing una: «Ito ay hindi dahil sa mga Romano na sinasabi ko iyon. Ang ibig kong sabihin dahil sa mga Romano bilang mga kaaway. Sila... matapos man ang lahat sila ay apat lamang na mga binibining Romano, apat, lima, anim pinakamarami na, nangako silang tutulungan tayo at gagawin nila ito. Ngunit iyon ay dahil palalakihin nito ang poot ng Kanyang mga kaaway, hindi Niya ito nakikita at...»

«Ang kanilang poot ay matindi, Judas. At nalalaman mo iyan katulad ng nalalaman Ko, mas mabuti pa kaysa sa nalalaman Ko» sabi nang kalmante ni Jesus binibigyan ng diin ang salitang «mas».

«Ako? Ako? Ano ang ibig Ninyong sabihin? Sino ang nakaaalam nang mas mabuti pa kaysa sa Ninyo?»

«Ngayun-ngayon pa lamang sinabi mo na nalalaman mo ang mga pangangailangan at kung papaano ito pakikinabangan...» balik-sabi ni Jesus.

«Ang tungkol sa natural na mga bagay, oo. Sinasabi ko na nalalaman Ninyo ang espirituwal na mga bagay nang mas mabuti kaysa sa sino pa man.»

«Totoo iyan. Ngunit kasasabi Ko pa lamang sa iyo na mas nalalaman mo kaysa sa Akin, ang di-maganda, nakakahiya, natural na mga bagay, kung iyan ang gusto mong itawag diyan, katulad ng poot ng Aking mga kaaway, katulad ng kanilang mga pakay...»

«Wala akong nalalaman! Wala akong alam. Isinusumpa ko ito sa aking kaluluwa, sa aking ina, kay Jehovah...»

«Tama na iyan! Nakasulat na huwag ka kailanman manumpa» utos ni Jesus sa gayong katindihan na kahit ang Kanyang hitsura ay tila nanigas sa perpeksiyon ng isang estatuwa.

«Bueno, hindi ako manunumpa. Ngunit ako ay kailangan na pahintulutan na makapagsalita, dahil ako ay hindi isang alipin, na iyon ay hindi kinakailangan, na iyon ay walang patutunguhan, sa kabaligtaran mapanganib na pumunta sa Caesarea, ang magsalita sa mga Romano...»

«At sino ang nagsabi sa iyo na iyan ay mangyayari?» tanong ni Jesus.

«Sino? Lahat! Kailangan na siguruhin Ninyo ang isang bagay. Nasa landas Kayo ng isang...» siya ay tumigil nakikita na ang galit ay nagagawa siyang magsalita nang labis. Pagkatapos siya ay nagpatuloy: «At sasabihin ko sa Inyo na kailangan din Ninyong isipin ang amin mga interes. Naipagkait Ninyo sa amin ang lahat: tahanan, kita, damdamin, kapayapaan. Kami ay inuusig dahil sa Inyo at kami ay uusigin kahit pagkatapos nito. Sapagkat Kayo, sinasabi Ninyo ito sa bawat posibleng pamamaraan, ay aalis isang araw. Ngunit kami ay mananatili. Kami ay masisira, ngunit kami...»

«Kayo ay hindi uusigin kung Ako ay hindi na ninyo nakakasama. Ako, Na siyang ang Katotohanan, ay sinasabi sa inyo ang ganyan. At sinasabi Ko sa inyo na kinuha Ko kung ano ang ibinigay ninyo sa Akin nang kusa at mapilit. Kung kaya't hindi mo masasabi na Ako ay kumuha mula sa inyo, nang may pag-aabuso ng kapangyarihan, kahit isa ng mga buhok na nalalaglag kapag ito ay inyong sinusuklay. Bakit mo Ako inaakusahan?» si Jesus ngayon ay hindi na masyadong mahigpit, ang Kanyang malungkot na hitsura ay nagpapakita ng mithiin na makuhang muli sa katwiran si Judas nang may-kabaitan at sa aking palagay ang Kanyang habag, na punung-puno at napakabanal, ay umaaktong pagpápatahimik sa iba, na mga hindi magiging maawain sa gumagawa ng gulo.

Si Judas din ay napuna ito at sa pamamagitan ng isa ng pabigla-biglang mga pagbabago ng kanyang kaluluwa naiipit ng dalawang magkasalungat na puwersa, itinapon niya ang sarili sa lupa hinahampas ang kanyang ulo at dibdib at sumisigaw: «Sapagkat ako ay isang dimonyo. Ako ay isang dimonyo. Iligtas Ninyo ako, Guro, katulad ng nailigtas Ninyo ang maraming nadimonyohan. Iligtas Ninyo ako! Iligtas Ninyo ako!»

«Huwag mong gawin na di-aktibo ang iyong mithiin na mailigtas.»

«Ito ay naririto. Nakikita Ninyo ito. Ibig kong máligtas.»

«Mailigtas Ko. Umaasa ka na gagawin Ko ang lahat. Ako ay Diyos at Aking ginagalang ang kalayaan ng iyong kalooban. Ibibigay Ko sa iyo ang lakas upang masabi mo: “Gusto ko”.  Ngunit ang kagustuhan na hindi maging isang alipin ay kailangan na manggaling sa iyo.»

«Gusto ko! Gusto ko! Ngunit huwag pumunta sa Caesarea. Huwag pumunta! Makinig sa akin katulad na nakikinig Kayo kay Juan, noong gusto Ninyong pumunta sa Achor. Kaming lahat ay may pare-parehong karapatan. Pinaglilingkuran namin Kayo nang pare-pareho. Obligado Kayong pagbigyan Ninyo kami para sa kung ano ang aming ginagawa... Tratuhin Ninyo ako katulad ng pagtrato Ninyo kay Juan! Gusto ko ito! Ano ang pagkakaiba sa pagitan niya at ako?»

«Ang kaluluwa ay iba! Ang aking kapatid ay hindi kailanman magsasalita katulad ng ginawa mo. Ang Aking kapatid ay hindi...»

«Manahimik, Santiago. Ako ang magsasalita. Sa lahat. At ikaw ay tumayo at umasal bilang isang lalaki, katulad ng pagtrato Ko sa iyo, hindi katulad ng isang alipin umuungol sa paanan ng kanyang panginoon. Maging isang lalaki, sa dahilan na gustung-gusto mong tratuhin katulad kay Juan, na, sa katotohanan, ay mahigit pa sa isang lalaki sapagkat siya ay basal at puno ng Karidad. Tayo na. Gabi na. Ibig Kong matawid ang ilog sa pagsikat-ng-araw. Ang mga mangingisda ay pabalik na sa oras na iyan pagkatapos na mahango ang mga panghuli ng ulang at mas madaling makakita ng isang magtatawid na bangka. Ang buwan sa kanyang mga huling araw ay itinataas ang kanyang manipis na hugis-suklay nang pataas-nang-pataas. Makapaglalakad tayo nang mas mabilis sa ilalim ng kanyang mas malakas na liwanag..

Makinig. Sasabihin Ko sa inyong totoo na walang sinuman ang kailangan na magmalaki sa paggawa ng kanyang tungkulin at manghingi para diyan, na isang katungkulan, ng espesyal na mga pabor.

Napaalalahanan Ako ni Judas na naibigay ninyo sa Akin ang lahat. At sinabi niya sa Akin na ito ay Aking katungkulan na pagbigyan kayo para sa kung ano ang inyong ginagawa. Ngunit makinig lang. Sa pagitan ninyo ay may mga mangingisda, ang ilan ay nagmamay-ari ng mga lupa, ang ilan ay nagmamay-ari ng talyer, at ang Zealot ay may isang katulong. Ngayon kung gayon. Nang ang mga katulong sa bangka, o ang mga lalaking tumulong sa inyo katulad ng mga katulong sa taniman ng mga olibo, sa mga ubasan, o sa mga bukid, o ang mga aprendis sa talyer, o kahit na ang matapat na mga katulong na nangangasiwa ng bahay at mga pagkain, ay nakatapos sa kanilang gawain, nagsimula ba kayong paglingkuran sila? Hindi ba’t ganito ito sa bawat bahay at sa bawat gawain? Aling tao, na may isang katulong na nag-aararo o tumitingin sa mga tupa, o isang manggagawa sa isang talyer, ang nagsasabi sa kanya kapag natapos niya ang kanyang trabaho: “Lakad at kumain ka kaagad”? Wala.  Bagkus kapag bumalik siya mula sa mga bukid o ibinaba niya ang kanyang mga gamit sa paggawa, ang bawat panginoon ay magsasabi: “Ihain mo ang aking hapunan, nilisin mo ang iyong sarili at suot ang malilinis na damit maghintay sa akin habang kumakain at umiinom ako. Kakain at iinom ka pagkatapos”. Ni hindi masasabi ng isa na iyan ay isang kawalang-pakiramdam. Sapagkat ang isang katulong ay kailangan na paglingkuran ang kanyang panginoon, at ang kanyang panginoon ay hindi obligado sa kanya, sapagkat ginawa ng katulong kung ano ang sinabi ng panginoon na dapat niyang gawin noong umaga. Sapagkat, habang totoo na ang panginoon ay dapat na maging mabait sa kanyang katulong, gayon din naman katungkulan ng katulong na huwag maging tamad o maging isang waldas, bagkus kailangan niyang makisama para sa ikabubuti ng panginoon na nagpapakain at nagbibihis sa kanya. Matatanggap ba ninyo ang inyong mga katulong sa bangka, inyong mga magbubukid, mga manggagawa, ang inyong katulong sa bahay na magsabi sa inyo: “Pagsilbihan ako sapagkat nagtrabaho ako”? Hindi sa palagay Ko.

Kung kaya't sa inyo, kapag iniisip ninyo kung ano ang inyong nagawa at ginagawa para sa Akin – at, sa hinaharap, tinitingnan kung ano ang inyong gagawin upang maipagpatuloy ang Aking gawain at maipagpatuloy ang paglilingkod sa inyong Guro – kailangan na lagi ninyong sasabihin, sapagkat makikita ninyo na lagi kayong nakagagawa ng mas kakaunti kaysa sa makatarungan na gawin upang mapantayan kung ano ang inyong tinanggap mula sa Diyos: “Kami ay di-kapaki-pakinabang na mga lingkod sapagkat ginawa lang namin ang aming tungkulin”. Kung ganyan kayo mangatwiran, makikita ninyo na hindi na kayo makararamdam ng mga pagkukunwari at masamang tiyempo, at kikilos kayo nang naaayon sa katarungan.»

Si Jesus ay tahimik. Lahat sila ay nag-iisip.

Si Pedro ay siniko si Juan, na nag-iisip tinititigan ng kanyang asul na mga mata ang mga tubig, na mula sa indigo ay naging kulay platang-asul sa ilalim ng sinag-ng-buwan, at nagsabi sa kanya: «Tanungin Siya kung kailan nakagagawa ang isa ng mahigit pa sa katungkulan ng isa. Ibig kong makagawa ng mahigit pa sa aking katungkulan, ibig kong...»

«Ako, rin, Simon. Iniisip ko iyan» tugon ni Juan sa pamamagitan ng kanyang magandang ngiti at sa malakas na tinig siya ay nagtanong: «Guro, sabihin sa akin: ang tao ba na naglilingkod sa Inyo ay hindi kailanman makagagawa nang mahigit pa sa kanyang katungkulan upang masabi sa Inyo na sa gayon minamahal niya Kayo nang lubusan?»

«Anak, ang Diyos ay naibigay na sa inyo ang labis, na sa lahat ng pagkamakatarungan, ang lahat ng inyo kabayanihan ay lagi nang magiging napakaliit. Ngunit ang Panginoon ay napakabuti na hindi Niya sinusukat ang binibigay ninyo sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang walang-hangganang panukat. Sinusukat Niya ito sa pamamagitan ng limitadong panukat ng kakayahan ng tao. At kapag makita Niya na kayo ay nagbigay nang walang labis na katipiran, nang punong sukat, umaapaw nang husto, sasabihin Niya diyan: “Ang lingkod Kong ito ay nagbigay sa Akin ng higit pa sa kanyang katungkulan. Bibigyan Ko siya kung gayon ng labis-labis ng Aking mga gantimpala”.»

«O! Gaano ako kasaya! Bibigyan ko Kayo ng umaapaw na sukat upang magkaroon ng labis-labis na iyan!» bulalas ni Pedro.

«Oo, ibibigay mo iyan sa Akin. Kayong lahat ay ibibigay sa Akin iyan. Ang lahat na mga nagmamahal sa Katotohanan, sa Liwanag, ay ibibigay iyan sa Akin. At sila ay magiging labis-labis na masaya kasama Ko.»

040111

 

 



Sunod na kabanata