421. Ang Nagsisising Nagkasala ay Laging Kailangang Patawarin.

Abril 25 1946.

Sila ngayon ay nasa kabilang pampang na. Sa kanilang kanan ay ang bundok ng Tabor at ang maliit na Hermon, sa kanilang kaliwa ang mga bundok ng Samaria, ang Jordan ay nasa kanilang likuran, at sa harapan nila, sa ibayo ng kapatagan na kanilang kinaroroonan, ay ang mga burol na sa harapan nito ay ang Megiddo; (kung ang aking pag-alaala ay hindi pumapalya, napakinggan ko ang pangalan nito sa isang matagal nang bisyon, ang isa kung saan si Jesus ay sinasamahan sina Judas ng Kerioth at si Tomas, pagkaraan ng paghihiwalay dahil sa pangangailangan na itago ang tungkol sa pag-alis nina Sintike at ni Juan ng Endor).

Maaaring nakapagpahinga sila nang buong araw sa isang mapag-arugang bahay, sapagkat ngayon ay gabi na ulit at halatang-halatang sila ay nakapagpahinga. Mainit pa rin, ngunit ang mga hamog ay nagsisimula nang maporma, binabawasan nito ang init. At ang biyoletang mga anino ng takip-silim ay nakikita na sa lupa pagkaraan ng mapulang mga siklab ng umaapoy na paglubog-ng-araw.

«Makapaglalakad tayo nang walang hirap dito» wika ni Mateo nang masaya.

«Oo. Kung magpapatuloy tayo nang ganito kabilis, mararating natin ang Megiddo bago tumilaok ang manok» ang Zealot ay tumugon sa kanya.

«At sa pagsikat ng araw nasa ibayo na tayo ng mga burol, mula kung saan matatanaw ang kapatagan ng Sharon» konklusyon ni Juan.

«At ang iyong dagat, eh?» sabi ng kanyang kapatid tinutukso siya.

«Oo. Ang aking dagat...» tugon ni Juan ngumingiti.

«At sa pamamagitan ng iyong espiritu aalis ka dahil sa isa sa iyong espirituwal na paglalagalag» sabi ni Pedro pinipisil ang kanyang braso nang may malakas na makaamang damdamin. At naghinuha siya: «Turuan mo rin ako, kung papaano makakuha ng ilang... anghelikal na mga kaisipan mula sa nakikitang mga bagay. Natingnan ko na ang tubig nang napakaraming beses... minahal ko ito... ngunit... ngunit hindi ito naging kapaki-pakinabang sa akin maliban sa napagkukunan ko ito ng pamumuhay sa pamamagitan ng pangingisda. Ano ang nakikita mo rito?....»

«Tubig ang nakikita ko, Simon. Katulad mo at katulad ng kahit sino pa man. Katulad ng nakikita ko ngayon ang mga bukid at mga taniman ng mga punungkahoy... Ngunit pagkaraan, bukod sa mga mata ng aking katawan, ay iba pa akong mga mata rito, at hindi na ako nakakakita ng mga damo at tubig bagkus ang mga salita ng karunungan ay lumalabas mula sa materyal na mga bagay na iyon. Hindi ako ang siyang nag-iisip. Hindi ko magagawa. May ibang siyang nag-iisip sa loob ko.»

«Ikaw ba kaya ay isang propeta?» tanong ng Iskariote na medyo may-panunuya.

«O! hindi! Hindi ako isang propeta...»

«Ano kung gayon? Sa palagay mo ba tinataglay mo ang Diyos?»

«Mas lalong hindi...»

«Maaaring nagdidiliryo ka kung gayon.»

«Baka maaari pa, napakaliit ko at mahina ako. Ngunit kung ganito ito, ito ay kaaya-ayang pagdidiliryo at nadadala ako sa Diyos. Ang aking sakit kung gayon ay nagiging isang regalo at pinagpapala ko ang Panginoon para diyan.»

«Ha! Ha! Ha!» halakhak ni Judas nang may-malisya.

Si Jesus, Na kanina pa nakikinig, ay nagsabi: «Siya ay walang sakit, siya ay hindi isang propeta. Ngunit ang isang purong kaluluwa ay nagtataglay ng karunungan. Ang karunungan ang nagsasalita sa loob ng puso ng isang makatarungang tao.»

«Kung gayon hindi ako kailanman makakarating diyan, sapagkat hindi ako laging naging mabuti...» sabi ni Pedro, medyo pinanghihinaan ng loob.

«Papaano ako, kung gayon?» tugon ni Mateo.

«Aking mga kaibigan, tanging kakaunti lamang, napakakaunti ang makapag-aari ng karunungan dahil sila ay laging naging puro. Ngunit ang pagsisisi at ang mabuting kalooban ay magagawa ang isang tao, na dati makasalanan at di-perpekto, na maging makatarungan, at pagkatapos ang konsiyensya ay padadalisayin sa paliligo sa kababaang-loob, pagsisisi at pagmamahal, at dahil napadalisay na, makakatapat na ito sa mga dalisay.

«Salamat sa Inyo, Panginoon» sabi ni Mateo yumuyuko upang halikan ang kamay ng Guro.

Nagkaroon ng katahimikan. Pagkatapos si Judas ay bumulalas: «Ako ay pagod na! Hindi ko alam kung ako ay makapaglalakad nang buong gabi.»

«Hindi kataka-taka!  Ngayong araw naglagalag ka katulad ng isang bangaw, habang kami ay natutulog!» si Santiago ni Zebedeo ay tumugon sa kanya.

«Ibig kong makita kung makakatagpo ako ng kahit isa sa mga disipulo...»

«Ano ang kabuluhan nito sa iyo? Ang Guro ay hindi sinabi sa iyo. Kung gayon...»

«Bueno, ginawa ko ito. At kung ang Guro ay pahihintulutan ako, titigil ako sa Megiddo. Sa palagay ko ang isang kaibigan namin ay naroroon, pumupunta siya roon taun-taon, sa ganitong oras, pagkatapos ng anihan. Ibig kong magsalita sa kanya tungkol sa aking ina at...»

«Gawin ang ayon sa ibig mo. Pagkatapos ng iyong gawain pupunta ka sa Nazareth. Tatagpuin ka namin doon. Masasabihan mo ang Aking Ina kung gayon at si Maria ni Alfeo na malapit na kaming umuwi.»

«Sasabihin ko rin sa Inyo, katulad ng sinabi ni Mateo: “Salamat sa Inyo, Panginoon”.»

Si Jesus ay hindi tumugon, at tinatanggap Niya ang halik sa Kanyang kamay katulad ng tinanggap Niya ang halik ni Mateo. Hindi posibleng makita ang Kanyang hitsura sapagkat ito ang sandali sa gabi kung kailan ang liwanag ay nawala nang ganap at wala pa ang liwanag ng mga bituin. Ngayon ay napakadilim, na sila ay nagpapatuloy sa daan nang may kahirapan at upang maiwasan ang lahat na posibleng problema sina Pedro at Tomas ay nagpasyang magpadikit ng apoy sa ilang maliliit na sanga, na kanilang kinuha mula sa mga pimpin at ito ay umaapoy nang may pamitik-mitik. Ngunit ang kakulangan ng liwanag dati at ang mausok na liwanag na gumagalaw pagkatapos ay hindi magawa ang isa na makita ang mga ekspresyon ng mga mukha.

Pansamantala papalapit sila sa mga burol, ang madilim na mga tuktok nito ay makikita sapagkat ito ay mas madilim kaysa sa ginapasan na mga bukid, kung saan ang mga tuud-tuod ay nagmumukhang maputi-puti sa kaligiran ng kaitiman ng gabi, ito ay naging mas makikita habang sila ay lumalapit at habang ang liwanag ng unang mga bituin ay naliliwanagan ang mga ito...

«Iiwanan ko Kayo rito, dahil ang aking mga kaibigan ay naninirahan sa labas lamang nang kaunti ng Megiddo. Pagod-na-pagod ako...»

«Makakalakad ka. Harinawang bantayan ng Panginoon ang iyong mga hakbang.»

Salamat sa Inyo, Guro. Paalam, mga kaibigan.»

«Paalam, paalam» sabi ng iba nang hindi masyadong binibigyan ng importansiya ang kanilang mga pagpapaalam.

Inuulit ni Jesus: «Harinawang bantayan ng Panginoon ang iyong mga kilos.»

Si Judas ay umalis nang mabilis.

«H’m! Hindi siya nagmumukhang pagod-na-pagod» wika ni Pedro.

«Totoo! Hinihila niya ang kanyang mga paa rito. Ngunit ngayon siya ay tumatakbo katulad ng isang gasela sa banda roon...» sabi ni Natanael.

«Ang Iyong pagpapaalam ay isang banal na pagpapaalam, Kapatid. Ngunit maliban na siya ay pangibabawan ng kalooban ng Panginoon, ang tulong ng Diyos ay hindi makakatulong  na magawa niya ang mabubuting hakbang at makatarungang mga kilos.»

«Judas, ang katotohanan na ikaw ay Aking kapatid ay hindi ka naipapaliban na punahin! Kung kaya't pinupuna kita para sa iyong pagiging magaspang at walang-awa sa iyong kasama. Mayroon siya ng kanyang mga pagkakamali. Ngunit mayroon ka rin ng iyo. At ang una ay hindi ka nagsisikap na tulungan Ako upang magawa Kong perpekto ang kanyang kaluluwa. Niyayamot mo siya sa pamamagitan ng iyong mga salita. Hindi sa pamamagitan ng karahasan mababaluktot ninyo ang mga puso. Sa palagay mo ba may karapatan ka na suriin ang bawat kilos niya? Ang tingin mo ba sa iyong sarili ay perpektung-perpekto na magagawa mo ito? Paaalalahanan kita na Ako, iyong Guro, ay hindi ginagawa iyan, sapagkat minamahal Ko ang di-perpektong kaluluwang iyon. Nagagawa Ako nito na maawa kaysa ng iba pang kaluluwa... sa dahilan lamang na ito ay di-perpekto. Sa palagay mo ba masaya siya sa kanyang kalagayan? At papaano ka magiging isang guro ng mga espiritu sa hinaharap, kung sa isa sa iyong mga kasamahan hindi mo sinasanay na gamitin ang walang-hanggang karidad na siyang tumutubos sa mga nagkakasala?»

Si Judas ni Alfeo ay naiyuko na ang kanyang ulo sa unang mga salita pa lamang. Ngunit sa katapusan siya ay lumuhod sa lupa nagsasabing: «Patawarin Ninyo ako. Ako ay isang makasalanan. At kagalitan Ninyo Ako kapag ako ay nagkakamali, sapagkat ang pagpuna ay pagmamahal, at tanging isang tanga lamang ang hindi nakaiintindi sa grasya ng pagiging itinutuwid ng isang marunong na tao.»

«Nakikita mo na ginagawa Ko iyan para sa iyong sariling ikabubuti. At ang pagpapatawad ay nakadugtong sa Aking pagpuna sapagkat naiintindihan Ko ang rason ng iyong kahigpitan at dahil ang kababaang-loob ng taong itinutuwid ay nagpapalambot sa tao na nagtutuwid. Tumayo ka, Judas, at huwag na muling magkasala» at pinanatili Niya siya sa tabi niya kasama si Juan.

Ang ibang mga apostol ay nagpapalitan ng kanilang mga komentaryo, bumubulong sa una, pagkatapos sa mas malalakas na tinig dala ng kanilang kaugalian ng pagsasalita nang malakas. Naririnig ko sila kung gayon na gumagawa ng mga pagkukumpara sa pagitan ng dalawang Judas.

«Kung si Judas ng Kerioth ang tumanggap ng pagpunang iyon, ano kaya ang kanyang itinugon! Ang iyong kapatid ay mabuti» sabi ni Tomas kay Santiago.

«Ngunit... bueno... Hindi natin masasabi na ang kanyang sinabi ay mali. Nagsalita siya ng isang bagay na totoo tungkol kay Judas ng Kerioth. Naniniwala ba kayo sa kuwento tungkol sa kaibigan na pumupunta sa Judea? Ako hindi» sabi ni Mateo nang prangko.

«Maaaring ito ay... mga bagay ng taniman ng mga ubas katulad na nangyari sa palengke ng Jericho» sabi ni Pedro tinutukoy ang eksena na hindi niya makalimutan. Lahat sila ay tumatawa.

«Talagang kailangan ang Guro upang maawa sa kanya nang labis...» wika ni Felipe.

«Labis? Lagi, ang dapat mong sabihin» tugon ni Santiago ni Zebedeo.

«Kung ako iyon, hindi ako labis na magpapasensya» sabi n Natanael.

«Ni ako rin. Ang nangyari kahapon ay kasuklam-suklam» patotoo ni Mateo.

«Ang mamâ ay hindi maaaring ganap na matino ang isip» sabi ng Zealot nang may pakikipagkasundo.

«Ngunit marunong siyang alagaan ang kanyang kinaaabalahan. Napakatuso pa nga niya. Ipupusta ko ang aking bangka, ang aking mga lambat, kahit na ang aking bahay, nakakatiyak na walang mawawala sa akin kahit isa, na siya ay pumunta upang makipagkita sa ilang mga Pariseo upang manghingi ng proteksiyon...» sabi ni Pedro.

«Oo nga! Si Ishmael! Si Ishmael ay naroon sa Megiddo! Bakit hindi natin naisip iyan?! Kailangan na sabihan natin ang Guro!» bulalas ni Tomas hinahampas nang malakas ng kanyang kamay ang kanyang noo.

«Walang magagawa iyan. Ang Guro ay pagpapaumanhinan siyang muli at kagagalitan tayo» sabi ng Zealot.

«Bueno subukan natin. Santiago, lakad: Minamahal ka Niya at ikaw ay isang kamag-anak Niya »

«Tayo ay pare-parehong lahat, sa ganang Kanya. Dito, hindi Niya kami nakikita bilang mga kamag-anak o mga kaibigan, ang nakikita lamang Niya ay mga apostol at wala Siyang kinikilingan. Ngunit pupunta ako, mapagbigyan lang kayo» sabi ni Santiago ni Alfeo. At binilisan niya ang kanyang hakbang upang makaalis mula sa kanyang mga kasamahan at masamahan si Jesus.

«Sa palagay ba ninyo umalis siya upang makipagkita sa isang Pariseo. Ang isang ito o iyon... walang kabuluhan... Ngunit sa palagay ko ginawa niya iyon upang hindi makapunta sa Caesarea. Hindi siya kusang pumupunta roon...» sabi ni Andres.

«Tila nainis siya sa mga binibining Romano nang matagal-tagal na» wika ni Tomas.

«Sa kabila niyan... habang patungo kayo sa Engedi at ako ay patungo kay Lazarus kasama siya, masayang-masaya siya na makipag-usap kay Claudia...» sabi ng Zealot.

«Oo... ngunit... sa palagay ko nakagawa siya nang mali sa pagkakataon mismo na iyon. At sa palagay ko nalaman ni Johanna at iyan kung bakit pinatawag niya si Jesus at... at matagal na akong gumagawa ng mga haka-haka mula ng si Judas ay nagwala sa Bethzur...» pabulong ni Pedro nang hindi binubuka ang bibig.

«Totohanan ba iyan?» tanong ni Mateo nang mausisa.

«Bueno... hindi ko alam. Mga idea... Malalaman natin...»

«O! Huwag tayong mag-isip ng masasamang bagay! Ang Guro ay hindi iyan sinasang-ayunan. At wala tayong katibayan na nakagawa siya ng kahit anong mali» sabi ni Andres nang nangungusap.

«Hindi mo sasabihin sa akin na tama ang kanyang ikinilos sa pamimighati sa Guro, sa pagkukulang ng respeto sa Kanya, sa pananakit sa mga damdamin...»

«Maging mabuti, Simon! Matitiyak ko sa iyo na siya ay medyo baliw...» sabi ng Zealot.

«Bueno... baka siya nga. Ngunit nagkasala siya laban sa kabaitan ng Panginoon. Kung ako ay dinuraan niya sa mukha, kung sinuntok niya ang tainga ko, titiisin ko iyan at iaalay ko iyan sa Diyos para sa kanyang katubusan. Isinaisip ko na iyan na gumawa ng bawat sakripisyo para diyan na kinakagat ko ang aking dila at kinakalmot ko ang aking mga palad kapag siya ay nagtatanga-tangahan, upang mapigilan ko ang aking sarili. Ngunit hindi ko siya mapapatawad sa pagiging masama sa ating Guro. Ang kasalanan na kanyang ginagawa laban sa Kanya, pareho din ito na tila ginawa niya iyon laban sa akin, at hindi ko siya mapatatawad. Pagkatapos... kung ito ay paminsan-minsan laman! Ngunit lagi siyang ganito! Hindi ko mapalampas ang galit na kumukulo sa loob ko tungkol sa isa sa kanyang mga pakikipag-away, at gumagawa siya ng bago pakikipag-away! Minsan, dalawang beses, tatlong beses... May limit ito!» si Pedro ay halos sinisigaw ang kanyang mga salita at pakaway-kaway nang maigi. Si Jesus, Na mga sampung metro ang layo sa unahan nila, ay tumalikod, isang maputing anino sa gabi, at sinabi Niya:

«Walang limit sa pagmamahal at pagpapatawad. Wala. Ni wala sa Diyos o sa totoong mga anak ng Diyos. Habang mayroon buhay, walang limit. Ang tanging hadlang sa pagbaba ng kapatawaran at pagmamahal ay ang pánlalaban ng di-nagsisising nagkasala. Ngunit kung siya ay magsisi, siya ay laging patatawarin, kahit na kung hindi lamang siya nagkasala nang minsan, dalawang o tatlong beses isang araw, bagkus mas mahigit pa. Kayo ay nagkakasala rin at ibig ninyong mapatawad ng Diyos at pumupunta kayo sa Kanya nagsasabing: “Ako ay nagkasala! Patawarin Ninyo ako”. At ang kapatawaran ay kaaya-aya sa inyo at ito ay kaaya-aya sa Diyos na magpatawad. At kayo ay hindi mga diyos. Dahil dito ang kasalanan na binigay sa inyo ng mga taong katulad mismo ninyo ay hindi masyadong grabe kaysa sa binigay sa Diyos, Na hindi katulad ng kahit sino pa mang ibang tao. Hindi ba sa palagay ninyo? Subalit ang Diyos ay nagpapatawad. Gawin din ninyo mismo ang ganito. Mag-ingat! Bantayan na ang inyong kawalang-pasyensiya ay hindi makasasamâ sa inyo sa paggawa sa Diyos na maging walang-pasyensiya sa inyo. Nasabi Ko na sa inyo, ngunit uulitin Ko ito nang minsan pa. Maging maawain upang magkaroon ng awa. Walang sinuman ang napakalinis na maging matigas sa isang nagkakasala. Tingnan ang inyong sariling mga pasanin bago tingnan ang mga nagpapabigat sa mga puso ng ibang mga tao. Alisin ang inyong mga pasanin mula sa inyong mga kaluluwa at pagkatapos tingnan ang mga pasanin ng ibang mga tao upang maipakita sa kanila hindi ang katigasan na nanunumpa, bagkus ang pagmamahal na nagtuturo at tumutulong upang makalayo mula sa kasamaan. Upang makapagsabi – at hindi mapatahimik ng isang nagkakasala – upang makapagsabi: “Nagkasala ka laban sa Diyos at laban sa iyong kapwa” kinakailangan na hindi nagkasala o nakagawa ng pagsasatama para sa pagkakasala. Upang makapagsabi sa mga nalulumbay dahil sila ay nagkasala: “Manampalataya na ang Diyos ay nagpapatawad sa mga nagsisisi” – bilang mga lingkod ng Diyos Na nagpapatawad sa mga nagsisising mga kaluluwa – kailangan na magpakita kayo ng labis na awa sa pagpapatawad. Diyan ninyo magagawang magsabi: “Kita mo, nagsisising nagkasala? Pinatawad ko ang iyong mga kasalanan nang pito at pitong beses, sapagkat ako ay lingkod Niya Na nagpapatawad nang di-mabilang na beses sa mga nagsisisi dahil sa kanilang mga kasalanan nang kasing daming beses. Tingnan kung gayon kung gaano ang Perpektong Isa nagpapatawad, kung alam ko kung papaano magpatawad, sa simpleng dahilan lamang na pinaglilingkuran ko Siya. Manampalataya!”. Kailangan na nagagawa ninyong makapagsabi nang ganyan, at makapagsabi nang ganyan sa pamamagitan ng inyong mga gawa, hindi lamang mga salita. Kailangan na nakapagsasabi kayo nang ganyan nagpapatawad. Kung kaya't kung ang inyong kapatid ay nagkakasala, himukin siya nang may kabaitan, at kung siya ay magsisi, patawarin siya. at kung sa katapusan ng araw nagkasala siya nang pitong beses at nagsabi sa inyo nang pitong beses: “Nagsisisi ako”, patawarin siya nang pitong beses. Naintindihan ba ninyo? Makapangangako ba kayo sa Akin na gagawin ninyo iyan? Habang siya ay malayo makapangangako ba kayo sa Akin na maging mapagbigay at matulungin sa Akin upang mapagaling siya gumagawa ng sakripisyo ng pagpipigil sa inyong sarili kapag nakagagawa siya ng isang bagay na mali? Ayaw ba ninyo Akong tulungan na mailigtas siya? Siya ay inyong kapatid sa espiritu dahil siya ay nanggaling sa isang nag-iisang Ama, sa pamamagitan ng lahi dahil nanggaling siya sa isang nag-iisang sambayanan, sa pamamagitan ng misyon dahil siya ay isang apostol katulad ninyo. Kung gayon kailangan ninyo siyang mahalin nang tatlong beses. Kung sa loob ng inyong pamilya mayroon kayong isang kapatid na nagpapamighati sa inyong ama at inilalantad ang kanyang sarili sa pagsusuri, hindi ba ninyo susubukan na itama siya upang ang inyong ama ay hindi na maghihirap at wala nang mga tao na magsasalita ng masama sa inyong pamilya? Kung gayon? Ang inyo bang pamilya ay hindi mas malaki at mas banal na pamilya dahil ang Ama nito ay Diyos at Ako ang Panganay Anak? Bakit, kung gayon, ayaw ninyong paginhawahan ang Ama at Ako at tulungan kami na paunlarin ang kaawa-awang kapatid na, maniwala sa Akin, ay hindi masaya na maging gayon?...»

Si Jesus ay nananabik na nangungusap sa katauhan ng apostol na punung-puno ng pagkakamali... At Siya ay naghinuha: «Ako ang Dakilang Pulubi at hinihingi Ko sa inyo ang pinakamahalagang limos: hinihingi Ko sa inyo na bigyan Ako ng mga kaluluwa. Ako ay umiikot naghahanap para sa kanila, ngunit kailangan na tulungan ninyo Ako... Pagbigyan ang pagkagutom ng Aking Puso, na naghahanap ng pagmamahal at nakatatagpo lamang nito sa napakakaunting mga tao. Sapagkat ang mga hindi nagtatangka sa perpeksiyon ay katulad ng kasing dami ng tinapay na ipinagkakait sa Aking espirituwal na kagutuman. Magbigay ng mga kaluluwa sa inyong Guro Na nalulungkot sa pagiging hindi minamahal at hindi naiintindihan...»

Ang mga apostol ay naantig... ibig nilang magsalita ng maraming bagay, ngunit ang bawat salita ay tila napakalupit... Nagsisiksikan sila sa paligid ng Guro, ang bawat isa ibig Siyang haplusin, upang magawa nilang maramdaman Niya na lahat sila ay nagmamahal sa Kanya.

Sa wakas ang mababang-loob na si Andres ang nagsalita: «Oo, Panginoon. Sa pamamagitan ng tiyaga, katahimikan at sakripisyo, ang makapangyarihang pamamaraan ng kombersiyon, bibigyan namin Kayo ng mga kaluluwa. Ang isang iyon din... kung tutulungan kami ng Diyos...»

«Oo, Panginoon. At tulungan Ninyo kami ng Inyong panalangin.»

«Oo, mga kaibigan. At sa pansamantala tayo ay magdasal nang sama-sama para sa inyong kasama na umalis. “Ama namin Na nasa Langit...»

Ang perpektong tinig ni Jesus ay inuulit ang mga salita ng Ama Namin binibigkas ito nang malinaw-na-malinaw at dahan-dahan. Ang iba ay nagsasabay-sabay sa isang pigíl na tunog. At habang nagdarasal sila ay kumikilos nang palayo sa gabi.

060111

 



Sunod na kabanata