422. Ang Pagmamartir para sa Pagmamahal ay Absulusyon.

Abril 27, 2946.

Mula sa mga tuktok ng huling mga pagtaas ng lupa, na hindi matatawag na mga burol, dahil ang kanilang taas ay napakaliit, ang malaking abot ng baybayin ng Mediterraneo ay lumilitaw; ito ay nalilimitahan sa hilaga sa pamamagitan ng lungos ng Carmel, habang sa timog ito ay umuunat nang libre hanggang sa maaabot ng tingin. Ito ay isang tahimik halos tuwid na baybayin na sa likuran ay may isang matabang kapatagan na may bahagyang mga pag-alun-alon ng lupa. Ang mga baybaying-bayan ay makikita na ang mga mapuputing bahay nasa pagitan ng kaberdehan ng kabukiran at ng kaasulan ng dagat, na tahimik at mapayapa, isang maningning na asul na sinasalamin ang purong asul ng kalangitan.

Ang Caesarea ay nasa hilagang kaunti ng lugar kung saan naroroon ang mga apostol kasama si Jesus at kasama ang ilang mga disipulo, na maaaring nasalubong nila sa mga nayon na kanilang dinaanan sa gabi o sa pagsikat-ng-araw. Ngayon ay lampas na ng pagbukang-liwayway at ng pagsikat-ng-araw, bagama't napaka-aga pa ng umaga. Sa magagandang oras na iyon ng mga umaga ng tag-init, kapag ang kalangitan, pagkatapos na ang malarosas na pagsikat-ng araw ay nagiging asul muli, ang hangin ay sariwa at malinaw at sariwa ang kabukiran. Walang makikitang naglalayag sa dagat. Ang mga oras na ito ay ang purong mga oras ng araw, kung kailan ang sariwang mga bulaklak ay nagsisimulang magbuka, at ang hamog, na natutuyo ng maagang-araw, ay nagbibigay ng matamis na amoy ng mga yerba, naglalagay ng kasariwaan at pabango sa magaang buga ng hangin ng umaga, na nagpapagalaw nang bahagya sa mga dahon sa mga tangkay at halos bahagyang nagpapa-aalun-alon sa makinis na kalakhan ng dagat.

Ang bayan ay lumitaw na nakaunat sa tabi ng dalampasigan, kasing ganda ng bawat lugar kung saan ang kapinuhan ng Romano ay namalagi. Ang maiinit na paliguan at marmol na mga gusali ay nagpapakita ng kaputian nito katulad ng solidong mga bloke ng niyebe sa mga distritong mas malapit sa dagat, napangingibabawan ng isang mataas na puting kudradong tore malapit sa daungan: baka isang Castrum o isang lugar ng pagbabantay. Pagkatapos ay nariyan ang mas katamtamang maliliit na mga bahay ng arabal, sa istilong Hudyo, at kahit saan ay may berdeng mga balag, mga hardin na ginawang humigit-kumulang maganda sa patag na mga bubungan ng mga bahay, at matataas na punungkahoy na tumutubo kahit saan.

Ang mga apostol ay hinahangaan ang tanawin namamahinga sa loob ng isang grupo ng “plane tree” halos nasa tuktok ng burol.

«Ang tanawin ng kalakihan na ito ay nagpapagaan sa puso!» bulalas ni Felipe.

«At parang nararamdaman mo na ang kalamigan ng magandang asul na mga tubig na iyon» sabi ni Pedro.

«Totoo! Pagkatapos ng labis na alikabok, mga bato, mga tinik... tingnan kung anong kababalaghan! Gaano kasariwa at kapayapa! Ang dagat ay laging nagdadala ng kapayapaan...« sabi ni Santiago ni Alfeo.

«H’m! Maliban kung... sinasampal nito ang iyong mukha at pinaiikot ka at ang bangka katulad ng isang trumpo sa mga kamay ng mga batang lalaki...» tugon ni Mateo na baka naaalaala ang pagkalulà.

«Guro... iniisip ko... Iniisip ko ang lahat na mga salita ng ating mga salmista, ang aklat ni Job, ang mga salita ng mga aklat ng karunungan, kung saan ipinagdiriwang ang kapangyarihan ng Diyos.  At, hindi ko malaman kung bakit, ang mga kaisipan na nanggagaling sa kung ano ang aking nakikita ay nagagawang maramdaman ko na tayo ay itataas sa perpektong kagandahan ng isang asul na maningning na kadalisayang ganito, kung kami ay makatarungan hanggang sa katapusan sa dakilang pagtitipon, sa Inyong eternal na Pananagumpay, ang isang Inyong sinasalarawan sa amin at siyang ang katapusan ng Kasamaan... At tila nakikita ko ang asul na kalakhang ito puno ng mga katawan ng bumangon na mga tao at Kayo, nagniningning nang mahigit pa kaysa sa sanlibong mga araw, nasa gitna ng pinagpalang mga kaluluwa... at wala nang kapighatian, mga luha, mga insulto, mga panghahamak katulad ng kagabi... at kapayapaan, kapayapaan, kapayapaan... Ngunit kailan titigil ang Kasamaan ng pagiging nakasasamâ? Papupurulin kaya ang mga palaso nito laban sa Inyong Sakripisyo? Makukumbinsi ba ito na ito ay natalo?» tanong ni Juan, na sa simula ay ngumingiti at ngayon nalulungkot.

«Hindi kailanman. Laging iisipin nito na ito ay nanalo, sa kabila ng lahat na mga pagsalungat ng katarungan. At ang Aking Sakripisyo ay hindi mapapapurol ang mga palaso nito. Ngunit ang oras ay darating, ang huling oras, kung kailan ang Kasamaan ay matatalo, at sa loob ng kagandahan na mas walang-hangganan kaysa sa nakikita ng iyong espiritu, ang mga napili lamang ang magiging Mga Tao, ang eternal, banal na totoong Mga Tao ng totoong Diyos.»

«At kami bang lahat ay mapaparoon?» tanong ng mga apostol.

«Oo, lahat.»

«At papaano kami?» tanong ng malaking grupo na ng mga disipulo.

«Mapaparoon din kayong lahat.»

«Lahat ba na naririto o lahat na Inyong mga disipulo? Kami ay marami na ngayon, sa kabila ng mga humiwalay sa amin.»

«At dadami pa kayo nang dadami. Ngunit hindi lahat magiging tapat hanggang sa katapusan. Ngunit marami ang makakasama Ko sa Paraiso. Ang ilan ay magkakaroon ng kanilang gantimpala pagkatapos ng pagbabayad-kasalanan, ang ilan pagkatapos kaagad ng kanilang kamatayan, ngunit ang gantimpala ay magiging isa na, habang nakakalimutan ninyo ang Lupa at ang mga kapighatian nito, makakalimutan ninyo ang Purgatoryo kasama ang may-pagsisising paghahanap para sa pagmamahal.»

«Guro, sinabi Ninyo sa amin na paghihirapan namin ang mga pang-uusig at pagmamartiryo. Baka kami ay mahúli at patayin nila bago kami magkaroon ng panahon na magsisi, o gawa ng aming kahinaan hindi namin matanggap ang marahas na kamatayan... Kung gayon?» tanong ni Nicolaus ng Antioch na kasama sa mga disipulo.

«Huwag paniwalaan iyan. Dahil sa inyong pagkataong kahinaan hindi ninyo matitiis ang pagmamartiryo nang may-pagtanggap. Ngunit ang sobrenatural na tulong ay ilalagay ng Panginoon sa dakilang mga espiritu na kailangan tumayong saksi sa Panginoon...»

«Alin? Ang pagkamanhid, kaya?»

«Hindi, Nicolaus. Perpektong pagmamahal. Mararating nila ang gayong kumpletong pagmamahal na ang pagpapahirap, mga akusasyon, mga pagkakahiwalay mula sa mga kamag-anak, mula sa buhay, mula sa lahat, ay hindi na magiging nakalulungkot na mga bagay, sa kabaligtaran sila ay magiging ang tuntungan upang makataas sa Langit, upang tanggapin ito, upang makita ito at kung gayon upang inunat ang mga kamay at mga puso patungo sa mga pagpapahirap, upang makapunta kung saan ang kanilang mga puso ay naroroon: sa Langit.»

«Ang isa na mamamatay nang ganyan ay labis na patatawarin» sabi ng isang matandang disipulo na ang kaninong pangalan ay hindi ko alam.

«Hindi labis, bagkus ganap na patatawarin, Papias. Sapagkat ang pagmamahal ay absulusyon, at ang sakripisyo ay absulusyon, at ang makabayaning pagtatapat ng pananampalataya ay absulusyon. Makikita ninyo kung gayon na ang mga martir ay magkakaroon ng tripleng puripikasyon.»

«O! Kung gayon... Ako ay nagkasala nang labis, Guro, at sinusundan ko ang mga disipulong ito upang mapatawad, at kahapon pinatawad Ninyo ako at dahil diyan Kayo ay ininsulto ng mga hindi nagpapatawad at may pagkakasala. Sa palagay ko ang Inyong pagpapatawad ay balido. Ngunit para sa aking mahabang mga taon ng pagkakasala ibigay Ninyo sa akin ang absulusyon ng pagmamartiryo.»

«Malaking bagay ang inyong hinihingi, mamâ!»

«Hindi kasing labis ng kailangan kong ibigay upang magkaroon ng beatitude na isinalarawan ni Juan ni Zebedeo at Inyong pinatotohanan. Pinakikiusapan ko Kayo, Panginoon. Gawin Ninyo akong mamatay para sa Inyo, para sa Inyong doktrina...»

«Humihingi ka nang labis, mamâ! Ang buhay ng tao ay nasa mga kamay ng Aking Ama...»

«Ngunit ang bawat panalangin Ninyo ay pinakikinggan, katulad na ang bawat paghusga Ninyo ay pinakikinggan. Hingin sa Eternal na Ama ang kapatawaran na iyan para sa akin...»

Ang mamâ ay nasa kanyang mga tuhod sa paanan ni Jesus, Na nakatingin sa kanyang mga mata at pagkatapos nagsabi: «At sa palagay mo ba hindi pagmamartiryo ang mamuhay kung kailan nawala na ang lahat na atraksiyon ng mundo at ang puso ang hinahanap ay Langit, at ang mamuhay upang maturuan ang ibang mga tao na magmahal at malaman ang mga kabiguan ng Guro at magpursige nang walang kapaguran upang mabigyan ng mga kaluluwa ang Guro? Laging gawin ang kalooban ng Diyos, kahit na kung ang sa iyong sariling kalooban ay lumalabas na mas makabayani, at ikaw ay magiging banal... Ngunit naririto na ang inyong mga kasama dala ang mga panustos. Tayo ay lumakad na upang makarating sa bayan bago ang kainitan ng mga oras.»

At Siya ang unang lumakad patungo sa malumanay na pababang daan na kaagad nararating ang kapatagan kung saan naroroon ang maputing ribon ng daan na maghahatid sa Caesarea sa Karagatan.

110111

 



Sunod na kabanata