424. Sa Caesarea sa Dagat. Ang Mga Binibining Romano at ang Alipin na si Galla Ciprina.

Mayo 1, 1946.

Si Jesus ay panauhin ng abang pamilya ng tagagawa ng mga tali. Ang kanilang bahay ay mababa, na may amoy ng asin, malapit katulad nito sa tubig-dagat. Sa likuran ay may ilan na maamoy na mga bahay imbakan kung saan ang mga kargamento ay ibinababa bago ito kolektahin ng iba't ibang bumibili. Sa harapan ay may maalikabok na daan, naukaan ng mabibigat na gulong, napakaingay sapagkat ang mga dumadaong, ang mga batang batibot, mga nagkakariton at mga mandaragat ay pauli-uli nang walang-tigil. Sa kabila ng kalsada ay may isang bakuran ng daungan na may tubig na narumihan ng mga pira-pirasong bato na itinapon doon, at sa pamamagitan ng sarili nitong pakabungkok. Mula sa bakuran ng daungan ang isang kanal ay umaagos patungo sa pinakadaungan, na may kakayahan na magparaan ng malalaking barko. Sa kanluraning tabi ay may malaking mabuhangin na liwasan kung saan ang mga tali ay ginagawa na may lumalaginit na mga muton tinatrabaho ng kamay.

Sa silanganing tabi ay may isa pang maliit na liwasan, masyadong mas maliit ngunit mas maingay at marumi, kung saan ang mga lalaki at babae ay nagtatagpi ng mga lambat at mga panlayag. At sa kabila ay naroon ang mabababang dampa na may amoy alat, nagsisiksikan sa mga halos-hubad na mga bata.

Tiyak na hindi masasabi ng isa na si Jesus ay pumili ng isang magandang matutuluyan. Mga langaw, alikabok, kaingayan, ang amoy ng bungkok na tubig, ang mabahong amoy ng abaka pinatigas bago gamitin, ay naghahari doon. At ang Hari ng mga hari, nakahiga kasama ang Kanyang mga apostol sa ibabaw ng mga tambak na magagaspang na abaka, pagod na katulad Niya, ay nakatulog sa abang kapaligiran na iyon, ang bahagi bilang isang bagsakan ng mga kahoy, at may isang bahagi na imbakan, na nasa likuran ng maliit na bahay at mula kung saan, sa pamamagitan ng isang pinto na kasing itim ng aspalto, at sa pamamagitan ng isang inanay na pintuan, naagnas ng alikabok at asin, upang ito ay magmukhang maputing-abuhin katulad ng batong pomes, ang isa ay makakalabas patungo sa liwasan kung saan ang mga tali ay ginagawa at mula kung saan ang amoy ng pinatigas na abaka ay nagmumula.

Ang araw ay lumiliyab pababa sa liwasan sa kabila na may roon ditong apat na malalaking plane-tree, dalawa sa bawat dulo ng rektanggulong liwasan, sa ilalim nito kung saan ay naroroon ang mga muton na pumipilipit sa abaka. Hindi ko alam kung nabibigyan ko ng tamang pangalan ang mga gamit. Ang mga lalaki, nakasuot ng mga tunika na pinutulan hanggang sa ito ay makapangtakip upang hindi maging hubu’t-hubad ang katawan, tumatakbo na pinagpapawisan na tila sila ay nasa ilalim ng shower, ay patuloy sa pagpapaikot ng kanilang mga muton, na tila sila ay mga alipin sa galera... Nagsasalita lamang sila ng mga salitang kinakailangan sa kanilang ginagawa. Sa gayon, kung wala ang paglaginit ng gulong ng mga muton, at ang paglangitngit ng abakang nababatak sa pagpilipít, wala nang iba pang ingay sa liwasan, isang kakaibang kaibhan sa kaingayan sa iba pang mga lugar sa paligid ng bahay ng tagagawa ng tali.

Kung kaya't ang bulalas ng isa sa mga manggagawa ay labis na isang sorpresa dahil ito ay winika nang hindi inaasahan: «Ano? Mga babae? Sa kakila-kilabot na oras na ito?! Tingnan! Sila ay patungo rito...»

«Baka nangangailangan sila ng mga tali upang itali ang kanilang mga asawa...» mapagbirong sabi ng isang bata-pang tagagawa ng tali.

«Baka nangangailangan sila ng ilang abaka para sa ilang gawain.»

«H’m! Hindi posible na kailangan nila ang ating abaka, na napakagaspang, kung may makukuha sila ng nasuklay na abaka?»

«Ang atin ay mas mura. Kita mo? Sila ay mahirap...»

«Ngunit sila ay hindi mga Hudyo. Tingnan, ang kanilang mga manta ay iba...»

«Baka hindi sila mga Hudyo. Maraming iba't ibang lahi sa Caesarea ngayon...»

«Baka hinahanap nila ang Rabbi. Baka sila ay may sakit... Tingnan kung gaano sila balot-na-balot, kahit sa init na ito...»

«Maliban na lang na hindi sila mga ketongin... Ang karukhaan, oo, ngunit ang ketong, hindi; ayaw ko nito, ni kahit na ipasa-Diyos ito» sabi ng tagagawa ng tali na siyang sinusunod ng iba.

«Ngunit hindi mo ba napakinggan ang Guro?: “Kailangan na tanggapin natin ang lahat na pinadadala ng Diyos sa atin”.»

«Ngunit ang ketong ay hindi padala ng Diyos. Iyan ay pinadadala ng kasalanan, mga bisyo, pagkahawa...»

Ang mga babae ay ngayon nasa likuran na nila, hindi sa likuran ng mga nagsasalita at mga nasa pinakadulo ng  liwasan, bagkus nasa likuran ng mga nasa tabi malapit sa bahay, kung gayon ang unang mararating, at ang isa sa kanila ay yumuko upang magsalita ng kung ano sa isa sa mga gumagawa ng tali, na lumingon na nagtataka at nananatiling isang tanga.

«Tayo na at makinig sa kanila... Nababalot nang ganyan... Na naririto ang lahat kong mga anak, ang ketong ay ang magiging huling dagok na magpapahamak sa amin!...» sabi ng may-ari na tumigil sa pagpapaikot ng kanyang muton at lumakad patungo sa mga babae. Ang kanyang mga kasamahan ay sumunod sa kanya...

«Simon, ang babaeng ito ay may kailangan, ngunit nagsasalita siya ng banyagang wika.  Sa dahilan na ikaw ay nakapaglakbay, makinig sa kanya» sabi ng lalaki kung kanino nakipagusap ang babae.

«Ano ang kailangan mo?» tanong nang may kabastusan ng tagagawa ng tali, nagsisikap na makita ang babae sa pamamagitan ng kanyang tininang belo na nagtatakip sa kanyang mukha.

At sa purong Griyegong wika ang babae ay tumugon: «Ang Hari ng Israel. Ang Guro.»

«Ah! Alam ko na. Ngunit... kayo ba ay mga ketongin?»

«Hindi.»

«Sino ang makapagtitiyak sa akin?»

«Siya. Tanungin Siya.»

Ang lalaki ay nag-aalinlangan... Pagkatapos sinabi niya: «Bueno. Ako ay kikilos ayon sa pananampalataya at ang Diyos ay poprotektahan ako... Tatawagin ko Siya. Manatili sa kinaroroonan ninyo.»

Ang apat na babae ay hindi gumagalaw, isang abuhing tahimik na grupo, tinitingnan nang may pagtataka at may kitang-kitang takot ng mga tagagawa ng tali, na mga nag-ipun-ipon mga ilang hakbang ang layo.

Ang lalaki ay pumasok sa imbakang silid at hinipo si Jesus Na natutulog. «Guro... Lumabas Kayo. Sila ay naghahanap para sa Inyo.»

Si Jesus ay gumising at bumangon kaagad nagtatanong: «Sino?»

«Sino ang nakakaalam!... Ilang Griyegong mga babae... lahat sila ay balot-na-balot... Sinasabi nila na hindi sila ketongin at na matitiyak Ninyo sa akin...»

«Pupunta Ako kaagad» sabi ni Jesus tinatali ang Kanyang mga sandalyas na Kanyang hinubad, at binibitunes ang itaas na bahagi ng Kanyang tunika malapit sa Kanyang leeg, at inilalagay ang sinturon na Kanyang inalis upang maging libre sa Kanyang pagtulog. At Siya ay lumabas kasama ang tagagawa ng tali.

Ang mga babae ay gumawa ng pagkilos ng pagpatungo sa kanila. «Manatili sa inyong kinaroroonan, sinasabi ko sa inyo! Ayaw kong maglakad kayo kung saan ang aking mga anak ay naglalaro... Gusto kong sabihin muna Niya na kayo ay malulusog.» Ang mga babae ay tumigil.

Si Jesus ay sinamahan ang mga babae. Ang pinakamataas, hindi ang isang nagsalita kanina ng Griyego, ang nagbigkas ng isang salita sa mababang tinig. Si Jesus ay sinasabihan ang tagagawa-ng-tali: «Simon, hindi ka kailangan na mag-alala. Ang mga babae ay malulusog at kailangan Kong makinig sa kanila sa kapayapaan. Maaari ba Akong pumasok sa bahay?...»

«Hindi. Ang matandang babae ay naroroon at siya ay mas mausyoso at madaldal kaysa sa isang madaldal na ibon. Pumunta Kayo sa banda roon, sa dulo, sa ilalim ng panilungan ng mga tangke. May isang maliit na silid din doon. Makapag-iisa kayo doon at sa kapayapaan

«Halikayo...» sabi ni Jesus sa mga babae. At Siya ay pumunta kasama sila sa dulo ng liwasan, sa ilalim ng di-kanais-nais na silungan, papasok sa maliit na silid na kasing kipot ng isang selda, kung saan naroroon ang mga sirang gamit, mga basahan, di-magagamit na mga abaka, malalaking sapot, at kung saan ang amoy ng pagbababad na mga tangke at ang amag ay napakalakas na ito ay sumusuot sa kanilang mga lalamunan. Si Jesus, Na mahigpit-na-mahigpit at maputla, ay ngumingiting bahagya nagsasabing: «Ito ay hindi isang lugar na sumasang-ayon sa inyong mga panlasa... Ngunit wala na Akong iba pa...»

«Hindi namin nakikita ang lugar, sapagkat nakikita namin Siya Na nakatira rito ngayun-ngayon lamang» tugon ni Plautina inaalis ang kanyang belo at manta, ginagaya ng ibang mga binibini, na sina Lydia, Valeria at Albula Domitilla, isang napalayang babae.

«Mula kung saan pinakakahulugan Ko na pagkatapos ng lahat naniniwala pa rin kayo na Ako ay isang makatarungang tao.»

«Mahigit pa sa isang makatarungang tao. At si Claudia ay pinadala kami lalo na dahil naniniwala siya na Kayo ay mahigit pa sa makatarungan at hindi niya pinakikinggan ang mga salitang kanyang narinig. Ngunit ibig niyang magkaroon ng Inyong patotoo upang madoble niya ang kanyang pagpipitaganan sa Inyo.»

«O alisan Ako nito, kung Ako ay lumabas katulad ng kanilang sinisikap na pagsasalarawan sa Akin. Ngunit matitiyak ninyo sa kanya. Wala Akong pantaong mga ambisyon. Ang Aking ministeryo at ang Aking mithiin ay tanging at ganap na sobrenatural lamang. Gusto Kong pagsama-samahin ang lahat na mga tao sa iisang kaharian lamang. Ngunit aling bahagi ng mga tao? Ang kanilang laman at dugo? Hindi. Iniiwan Ko iyan, isang naglalahong bagay, sa mga naglalahong monarkiya, sa walang-katatagan na mga imperyo. Ibig Kong pagsama-samahin sa ilalim ng Aking setro ang mga espiritu lamang ng mga tao, inmortal na mga espiritu sa isang inmortal na kaharian. Tinatanggihan Ko ang lahat na iba pang mga sinasabi tungkol sa Aking kalooban, maging sino pa man ang nagbigay ng mga ito, kung ito ay naiiba sa isang iyon. At sinasamo Ko kayo na maniwala at sabihin sa kanya na nagpadala sa inyo, na ang Katotohanan ay bagkus may iisang salita lamang...»

«Ang Inyong apostol ay labis na nakatitiyak sa kanyang sarili nang kami ay sinabihan niya...»

«Siya ay isang labis na nananabik na kabataan. Siya ay kailangan na pakinggan bilang ganyan...»

«Ngunit siya ay makasasamâ sa Inyo! Pagalitan Ninyo siya... Palayasin Ninyo siya...»

«At ano ang magiging tungkol sa Aking awa? Siya ay kumikilos sa pamamagitan ng nagkakamaling pagmamahal. Kung gayon hindi Ko ba siya dapat kaawaan? At ano ang magbabago kung siya ay palayasin Ko? Makagagawa siya ng dobleng kasiraan sa kanyang sarili at sa Akin.»

«Kung gayon siya ay katulad ng isang bola ng kanyon na naitali sa Inyong paa!...»

«Siya ay isang abang sawing-palad na tutubusin...»

Si Plautina ay bumagsak sa kanyang mga tuhod inuunat ang kanyang mga kamay at nagsabing: «Ah! Guro, mahigit pa kaysa sino pa man, gaano kadaling paniwalaan na Kayo ay banal kapag nararamdaman ng isa ang Inyong puso sa Inyong mga salita! Gaano kadaling mahalin at sundan Kayo dahil sa Inyong karidad, na mas mahigpit pa nga kaysa sa Inyong katalinuhan!»

«Hindi mas mahigit. Bagkus mas maiintindihan para sa inyo... na ang kaninong mga katalinuhan ay napabibigatan ng napakaraming mga pagkakamali at hindi kayo mapagbigay sa paglilinis sa mga ito upang matanggap ang Katotohanan.»

«Tama Kayo. Ang Inyong pagkakita ay kasing dakila ng Inyong karunungan.»

«Sa dahilan na ang karunungan ay isang porma ng kabanalan ito ay nagbibigay ng kaliwanagan sa paghuhusga, kapwa tungkol sa nakaraan o sa pangkasalukuyang mga pangyayari, at sa pagbibigay ng babala tungkol sa mga darating na mga pangyayari.»

«Kung gayon ang inyong mga propeta...»

«Ay mga banal. Ang Diyos kung gayon ay nakikipagusap sa kanila nang lubus-lubusan.»

«Sila ba ay mga banal dahil sila ay kabilang sa Israel?»

«Sila ay banal dahil kabilang sila sa Israel at dahil sila ay makatarungan sa kanilang mga kilos. Sapagkat hindi lahat ng Israel ngayon o noon ay banal, bagama't kabilang sila sa Israel. Ang katotohanan na ang isa ay napabilang nang nagkataon lamang sa isang sambayanan o sa isang relihiyon ay hindi makagagawa sa isa na banal. Ang dalawang kondisyon na ito ay maaaring maging malaking tulong na maging banal, ngunit hindi sila ang esensiyal na mga kailangan ng kabanalan.»

«Ano kung gayon ang kinakailangan?»

«Ang kalooban ng tao. Ang kalooban na magdadala sa mga ikinikilos ng tao sa kabanalan kung ito ay mabuti, sa kasamaan kung ito ay masama.»

«Kung gayon... hindi makatarungan na sabihin na ang makatarungang mga tao ay hindi matatagpuan sa pagitan din namin.»

«Tiyak na hindi. Hindi lang, bagkus, ang ilang makatarungang tao ay tiyak na kabilang sa inyong mga ninuno, at tiyak na may ilan sa mga nabubuhay ngayon. Sapagkat labis na nakakatakot kung ang buong paganong mundo ay gawa lahat sa mga dimonyo. Ang ilan sa inyo na nakararamdam ng atraksiyon sa Kabutihan at sa Katotohanan at ng paglayo sa Bisyo, at umiiwas sa masasamang gawa bilang nagpapahiya sa tao, maniwala sa Akin, sila ay nasa landas na ng katarungan.»

«Si Claudia kung gayon...»

«Oo. At kayo din. Magpursige.»

«Ngunit kung kami ay mamatay bago... makumberti sa Inyo?... Ano ang magiging kabuluhan ng pagiging mabirtud?...»

«Ang Diyos ay makatarungan sa paghuhusga. Ngunit bakit mag-alinlangan sa pagpunta sa totoong Diyos?»

Ang tatlong binibini ay iniyuko ang kanilang mga ulo... Katahimikan... Pagkatapos ang dakilang pagtatapat, ang isa na siyang nagbibigay kapaliwanagan sa napakaraming kalupitan at labis na panlalaban ng mga Romano laban sa Kristiyanismo... «Sapagkat, kung gagawin namin ito, lalabas kami na nagtataksil sa aming Amangbayan...»

«Sa kabaligtaran mapaglilingkuran ninyo ang inyong Amangbayan, ginagawa itong mas dakila sa moral at espirituwal, napalakas ng pag-aari sa Diyos at proteksiyon ng Diyos, bilang karagdagan sa mga sundalo at mga kayamanan. Ang Roma, ang siyudad ng mundo, ang Siyudad ng pang-unibersal na Relihiyon!... Isipin na lang iyan...»

Nagkaroon ng katahimikan...

Pagkatapos si Lydia, namumula katulad ng isang bulaklak ng peony, ay nagsabi: «Guro, nang mga ilang araw na nakaraan naghahanap kami ng tungkol sa Inyo sa mga pahina ng aming si Virgil. Sapagkat, sa ganang amin, ang mga hula na hindi kailanman nakakabit sa anumang idea tungkol sa mga paniniwala ng Israel ay may mas malaking halaga sa amin kaysa sa mga hula ng inyong mga propeta, dahil ang pakiramdam namin ang huli ay naiimpluwensiyahan ng sanlibong taon na mga paniniwala... At pinag-usapan namin ang  bagay na ito... ikinukumpara ang mga nakakini-kinita sa Inyo sa lahat ng mga panahon, mga nasyon at mga relihiyon. Ngunit walang nakakini-kinita sa Inyo nang labis na may katarungan katulad ng aming si Virgil. Gaano kami nagsalita noong araw na iyon kasama din si Diomed, ang napalayang Griyegong lalaki, isang astrologo na mahal kay Claudia! Pinangangatawanan niya na iyon ay nangyari sapagkat ang panahon ay mas malapit at ang mga bituin ay nagsalita sa pamamagitan ng kanilang mga pagtatagpo... At sa pagsuporta sa kanyang sanaysay isinulong niya ang katotohanan tungkol sa tatlong mago mula sa Silanganing mga bansa, na nagpunta upang sambahin Kayo, Na isa pa lamang sanggol, binibigyan-daan ang masaker, na nakagimbal nang may takot sa Roma... Ngunit hindi kami nakumbinsi sapagkat... sa loob ng mahigit limampung taon wala sa marurunong na tao sa mundo ang nagsalita tungkol sa Inyo pinaliliwanag ang mga tinig ng mga bituin, bagama't kami ay mas malapit pa nga sa Inyong kasalukuyan paghahayag. Si Claudia ay bumulalas: “Kakailanganin natin ang Guro! Magsasalita Siya ng katotohanan at malalaman natin ang lugar at ang inmortal na patutunguhan ng ating pinakadakilang makata!”. Maaari bang sabihin Ninyo sa amin... para kay Claudia... Isang regalo upang mapatunayan na siya ay hindi Ninyo kinamumuhian dahil sa kanyang pagdududa tungkol sa Inyo...»

«Naintindihan Ko ang kanyang reaksiyon ng isang Romano at hindi Ako nagkaroon ng sama-ng-loob laban sa kanya. Maaari ninyo siyang bigyan ng katiyakan. At makinig. Si Virgil ay hindi lamang dakila bilang isang makata, hindi ba?»

«O! hindi! Bilang din isang tao. Sa gitna ng lipunan na naging marumi na at mabisyo siya ay nagningning sa espirituwal na kadalisayan. Walang nakakikilala sa kanya na siya ay isang malaswa, mahilig sa paglalasing at kahalayan. Ang kanyang mga sinulat ay basal, ngunit mas basal pa ang kanyang puso. Kung kaya't kung saan siya nanirahan nang madalas, siya ay tinawag na “maliit na birhen” nang may panunuya ng mabibisyong tao, may paggalang ng mabubuting tao.»

«Kung gayon, ang Diyos kaya ay hindi nasasalamin sa malinaw na kaluluwa ng isang basal na tao, kahit na kung ang taong iyon ay isang pagano? Ang perpektong Birtud kaya ay hindi minahal ang mabirtud na tao? At kung siya ay pinagkalooban ng pagmamahal at ng paningin sa Katotohanan dahil sa purong kagandahan ng kanyang kaluluwa, hindi kaya siya nagkaroon ng kislap ng paghula? Dahil ang hula ay walang iba bagkus ang katotohanan na binubunyag sa mga nararapat na makaalam ng Katotohanan bilang isang gantimpala at isang udyok patungo sa mas dakila at mas dakila pang birtud?»

«Kung gayon... hinulaan niya Kayo?»

«Ang kanyang isip pinaapoy ng kadalisayan at ng talino ay itinaas sa kaalaman tungkol sa isang pahina tungkol sa Akin, at maaari siyang tawaging ang makatarungan na paganong makata, isang propetikong espiritu ng bago-maging-Kristiyanong tao bilang isang gantimpala sa kanyang mga birtud.»

«O! Ang aming Virgil!!! At siya ba ay gagantimpalaan?»

«Sinabi Ko: “Ang Diyos ay makatarungan”. Ngunit huwag gayahin ang makata tumitigil sa kanyang limitasyon. Magpatuloy, sapagkat ang Katotohanan ay hindi binunyag ang sarili nito sa inyo sa pamamagitan ng pakiramdam at nang bahagi lamang, bagkus kumpleto at ito ay nagsalita sa inyo.»

«Salamat sa Inyo, Guro... Kami ay aalis na. Si Claudia ay sinabi sa amin na tanungin Kayo kung siya ay maaaring mapakinabangan Ninyo sa moral na mga bagay» sabi ni Plautina nang hindi tumutugon sa winika ni Jesus.

«At sinabi niya sa inyo na tanungin Ako, kung Ako ay hindi isang mangangamkam…»

«O! Guro! Papaano Ninyo nalalaman?»

«Ako ay mahigit pa kay Virgil at sa mga propeta...»

«Iyan ay totoo! Ang lahat ay totoo! Maaari ba kaming maglingkod sa Inyo?...»

«Para sa Aking Sarili ang kailangan Ko lamang bagkus ay pananampalataya at pagmamahal. Ngunit may isang nilikha na nasa malaking panganib at na ang kaninong kaluluwa ay papatayin ngayong gabi. Si Claudia ay maililigtas siya.»

«Dito? Sino? Kaluluwa papatayin?»

«Ang isa sa inyong mga patrisyo ay magbibigay ng isang hapunan na handaan at...»

«Ah! Oo! Si Ennius Cassius. Ang akin ding asawa ay inanyayahan...» sabi ni Lydia.

«At ang akin... At kami din, totoo. Ngunit sa dahilan na si Claudia ay hindi pupunta, hindi rin kami pupunta. Nagpasya kami na aalis kaagad pagkatapos ng hapunan, kung kami ay pupunta... Sapagkat... ang aming mga hapunan ay nagtatapos sa mga lasingan... na hindi na namin matanggap... At kasama ang panghahamak ng pinababayaang mga asawa pinababayaan namin ang aming mga asawa na manatili...» sabi nang mahigpit ni Valeria.

«Hindi ang panghahamak... Ang awa para sa kanilang moral na paghihirap...» pagtutuwid ni Jesus.

«Ito ay mahirap, Guro... Alam namin ang nangyayari doon...»

«Alam ko rin ang maraming mga bagay na nangyayari sa mga puso... subalit nagpapatawad Ako...»

«Kayo ay banal...»

«Kailangan ninyong maging banal. Inuudyukan ng Aking mithiin at tinutulak ng inyong kalooban...»

«Guro!...»

«Oo. Masasabi ba ninyo na kayo ay kasing saya ngayon katulad noong bago ninyo Ako nakilala, masaya sa kaawa-awang malupit na sensuwal na kasayahan ng mga pagano na di-nagmamalay na sila ay mahigit pa sa laman, ngayon na may alam na kayo ng kaunting Karunungan?...»

«Hindi, Guro. Tinatanggap namin. Kami ay hindi kontento, naiinis, katulad ng isa na naghahanap para sa tagong-kayamanan at hindi ito matagpuan.»

«At ito ay nasa harapan ninyo! Ang nakapang-iinis sa inyo ay ang paghahanap para sa Liwanag ng inyong mga espiritu na naghihirap dahil sa inyong pag-antala... sa pagbigay sa kanila ng kung ano ang kanilang hinihingi...»

Nagkaroon ng katahimikan... Pagkatapos si Plautina, nang hindi tumutugon sa winika ni Jesus, ay nagsabi: «At ano ang maaaring magawa ni Claudia?»

«Maililigtas niya ang nilikhang iyon. Ang isang bata-pang babae na binili para sa kasiyahan ng Romano. Isang birhen na hindi na magiging ganito bukas.»

«Kung siya ay binili niya... siya ay pag-aari niya.»

«Siya ay hindi isang piraso ng kasangkapan sa bahay. Sa loob ng kanyang katawan ay may kaluluwa...»

«Guro... ang aming mga batas...»

«Mga babae: ang Batas ng Diyos!...»

Si Claudia ay hindi pupunta sa handaan...»

«Hindi Ko sinasabi sa kanya na pumunta. Sinasabi Ko sa inyo na sabihin sa kanya: “Ang Guro, upang matiyak na si Claudia ay hindi Siya sisisihin, ay humihingi ng tulong para sa kaluluwa ng bata-pang babaeng iyon”...»

«Sasabihin namin sa kanya. Ngunit wala siyang magagawa kahit na ano... Ang isang alipin na binili... ay isang bagay na maaaring ipamigay ng isa...»

«Ang Kristiyanismo ay ituturo sa inyo na ang isang alipin ay may isang kaluluwa na katulad ng kaluluwa ng Caesar, sa karamihang kaso ito ay mas maganda pa, at ang kaluluwang iyan ay pag-aari ng Diyos, at siya na nagpaparumi rito ay isinumpa.» Si Jesus ay mapangibabaw habang sinasabi ito

Ang mga babae ay naramdaman ang Kanyang awtoridad at kahigpitan. Sila ay yumuko nang hindi na ito pinag-uusapan. Isinuot nilang muli ang kanilang mga manta at mga belo at nagsabi: «Kami ay mag-uulat. Mabuhay, Guro.»

«Paalam.»

Ang mga babae ay lumabas patungo sa mainit na liwasan. Ngunit si Plautina ay tumalikod at nagsabi: «Kung tungkol sa ibang mga tao kami ay mga Griyegong babae. Maliwanag ba ito?»

«Naiintindihan Ko. Humayo nang hindi nag-aalala.»

Si Jesus ay nananatili sa ilalim ng mababang portiko at sila ay umalis dumaraan sa daan na kanilang dinaanan pagpunta rito.

Ang mga gumagawa ng tali ay bumalik sa kanilang trabaho...

Si Jesus ay bumalik ulit sa imbakang-silid nang unti-unti. Siya ay nag-iisip. Hindi na Siya ulit humihiga. Nakaupo sa isang tambak ng mga nirolyong mga tali Siya ay taimtim na nagdarasal... Ang labing-isang mga apostol ay mahimbing pa rin ang tulog...

Mga ilang sandali ang dumaan... Mga isang oras. Pagkatapos ang tagagawa-ng-tali ay sumilip sa loob at sininyasan na pumunta sa pintuan. «May isang alipin na kailangan Kayo.»

Ang alipin, isang Numidian, ay nasa labas sa liwasan na lantad pa sa sikat-ng-araw. Siya ay yumukod at nang walang sinasabi ibinigay niya kay Jesus ang isang waks na tabla.

Si Jesus ay binasa ito at nagsabi: «Sabihin kay Claudia na Ako ay maghihintay hanggang pagsikat-ng-araw. Naintindihan mo?»

Ang mamâ ay tumango at upang maintindihan ni Jesus kung bakit siya hindi nagsasalita, ibinuka niya ang kanyang bunganga upang ipakita sa Kanya na ang kanyang dila ay pinutol.

«Kaawa-awang sawing-palad!» sabi ni Jesus hinahaplos siya.

Dalawang luha ang dumaloy sa maitim na mga pisngi ng alipin na kinukuha ang dalawang puting kamay ni Jesus sa kanyang maiitim na kamay, na katulad-na-katulad ng mga kamay ng isang malaking unggoy, at kinukuskos niya ito sa kanyang mukha, hinahalikan niya ito, pagkatapos pinagpatirapa ang sarili sa lupa. Kinuha niya ang isang paa ni Jesus at ipinatong ito sa ibabaw ng kanyang ulo... Isang pagkilos ng pagsaad ng kanyang pasasalamat para sa mahabaging pagmamahal na iyon...

At inulit ni Jesus: «Kaawa-awang sawing-palad!» ngunit hindi Niya siya pinagagaling.

Ang alipin at tumayo at ibig kunin ulit ang waks na tabla... Si Claudia ay ayaw na mag-iwan ng kahit anong bakas ng kanyang pakikipag-ugnayan... Si Jesus ay ngumiti at ibinalik ang tabla sa kanya. ang Numidian ay umalis at si Jesus ay nilapitan ang tagagawa-ng-tali.

«Kailangan Kong manatili rito hanggang pagsikat-ng-araw... Pahihintulutan mo ba Ako?...»

«Lahat ng Inyong hilingin.  Nalulungkot ako na ako ay mahirap...»

«Nasisiyahan Ako na ikaw ay tapat.»

«Sino ang mga babaeng iyon?»

«Mga banyaga nangangailangan ng payo.»

«Malulusog?»

«Katulad mo at Ako.»

«Mabuti!... Naririto ang Inyong mga apostol...»

«Sa katunayan, kinukuskos pa ang mga mata, nag-uunat ng mga sarili, mga inaantok pa, ang Labindalawa ay lumabas mula sa imbakang-silid at lumalapit sa Guro.

«Guro... kailangan natin na kumain ng hapunan kung ibig Ninyong umalis ngayong gabi...» sabi ni Pedro.

«Hindi. Hindi Ako aalis hanggang pagsikat-ng-araw.»

«Bakit?»

«Sapagkat Ako ay pinakiusapan na gawin ito.»

«Ngunit bakit? Sino ang nakiusap sa Inyo? Mas mabuting maglakad sa gabi. Bago na ang buwan ngayon...»

«Umaasa Akong mailigtas ang isang nilalang... At iyan ay mas maningning kaysa sa buwan at mas nakapagpapalamig para sa Akin kaysa sa kalamigan ng gabi.»

Si Pedro ay kinabig Siya patungo sa isang tabi: «Ano ang nangyari? Nakita ba Ninyo ang mga binibining Romano? Ano ang gana ng kanilang pakiramdam? Sila ba ito na nakukumberti? Sabihin sa akin...»

Si Jesus ay ngumingiti: «Kung pahihintulutan mo Akong makatugon sasabihin Ko sa iyo, o pinaka-usyosong lalaki. Nakita Ko ang mga Romano. Sila ay papalapit sa Katotohanan napakabagal lamang. Ngunit hindi sila bumabalik. Malaking bagay na iyan.»

«At... ang tungkol sa sinabi ni Judas... ano ang sitwasyon?»

«Na ipagpapatuloy nilang igalang Ako bilang isang marunong na tao.»

«Ngunit... ang para kay Judas? Hindi ba siya sangkot?...»

«Pumunta sila upang makita Ako, hindi si Judas...»

«Bakit kung gayon natatakot siyang makita sila? Bakit ginusto niya na huwag Kayong  pumunta sa Caesarea?»

«Simon, hindi ito ang unang pagkakataon na si Judas ay kataka-takang kapritsoso...»

«Totoo iyan. At... ang mga Romano ba ay darating ngayong gabi?»

«Sila ay naparito na.»

«Bakit tayo maghihintay hanggang sa pagsikat-ng-araw, kung gayon?»

«At bakit napaka-usyusero mo?»

«Guro, maging mabuti... Sabihin Ninyo sa akin ang lahat.»

«Oo, gagawin Ko... upang maalis ang lahat ng pagdududa... Napakinggan mo rin ang pag-uusap ng tatlong Romanong iyon...»

«Oo, napakinggan ko. Marumi! Salot! Mga dimonyo! Ngunit ano ang pakialam natin doon?... Ah! Alam ko na! Ang mga binibining Romano ay pupunta sa handaan at pagkatapos sila ay pupunta rito upang humingi ng kapatawaran para sa kanila pakikisali sa karumihan... nagtataka ako na Kayo ay pumayag.»

«At nagtataka Ako na ang bilis mong manghusga!»

«Patawarin Ninyo ako, Guro!»

«Oo, mabuti pang malaman mo na ang mga binibining Romano ay hindi pupunta sa handaan at na pinakiusapan Ko si Claudia na mamagitan alang-alang sa babaeng iyon...»

«O! Ngunit si Claudia ay walang magagawa! Ang batang babae ay binili ng Romano at magagawa niya ang gusto niya sa babae!»

«Ngunit malaki ang magagawa niyang impluwensiya sa Romano. At si Claudia ay nagpadala ng salita sa Akin na maghintay Ako hanggang pagsikat–ng-araw bago umalis. Wala nang iba pa. Kontento ka na ba?»

«Oo, Guro, kontento na ako. Ngunit hindi pa Kayo nakapagpapahinga... Halina Kayo ngayon... Kayo ay pagod-na-pagod! Magbabantay ako upang matiyak na Kayo ay pinababayaan sa kapayapaan... Halikayo...» at mapagmahal na mapílit hinihila at tinutulak niya si Jesus, napipilitan Siyang humiga muli...

Ang mga oras ay dumaan. Ngayon ay paglubog na ng araw, ang trabaho ay nagtapos, at ang mga bata ay sumisigaw nang mas malalakas sa kalsada at sa maliit na liwasan at ang mga langaylangayan ay tumitili sa kalangitan. Ang unang mga anino sa gabi ay bumaba sa lupa, at ang mga langaylangayan ay bumabalik sa kanilang mga pugad, at ang mga bata sa higaan. Ang mga ingay ay isa-isang nawala, upang ang maririnig lamang ng isa ay ang magaang pag-aalun-alon ng tubig sa kanal at ang mas malalakas na sampal ng mga alon sa baybayin. Ang mga bahay, mga bahay ng pagód na mga manggagawa ay sarado, ang mga ilaw ay nawawala at ang pagpapahinga ay bumababa upang gawin ang lahat na bulag at bingi... malayo... Ang buwan ay tumataas at inaadornohan ng kanyang plata ang maruming latag ng tubig din ng maliit na daungan, na ngayon nagmumukha nang isang latag ng pilak...

Ang mga apostol ay natutulog nang muli sa ibabaw ng abaka... Si Jesus, nakaupo sa ibabaw ng isa sa mga muton, ang Kanyang mga kamay nasa Kanyang lapi, ay nagdarasal, nag-iisip, naghihintay... Hindi sa Kanya nawawala ang Kanyang pagtingin sa kalsada na nanggagaling mula sa bayan.

Ang buwan ay tumataas, tumataas... Ito ay tuwirang nasa itaas ng Kanyang ulo. Ang ingay ng dagat ay mas malakas, ang amoy ng kanal ay mas malakas, at ang sakop ng sikat ng buwan na ang mga sinag ay bumabagsak sa dagat ay palawak na nang palawak, nasasakop ang buong kalawakan sa harap ni Jesus, at ito ay naglalaho nang palayo nang palayo: isang landas ng liwanag na tila lumalapit kay Jesus mula sa katapusan ng mundo, sa daan ng kanal, nagtatapos sa kanal ng bakuran ng daungan. At ang isang maliit na puting bangka ay parating sa landas na iyon. Ito ay nagpapatuloy nang hindi nag-iiwan ng kahit anong bakas sa tubig na landas, dahil ang tubig ay nagiging makinis na muli pagkatapos na ito ay makaraan... Ito ay lumalapit mula sa kanal... Ngayon ito ay nasa tahimik nang bakuran ng daungan... Ito ay mas lumalapit pa at tumigil. At tatlong anino ang bumaba mula rito. Isang matipunong lalaki, isang babae at sa pagitan nila isang balingkinitang na pigura. Ang kanilang mga hakbang ay patungo sa bahay ng tagagawa ng tali.

Si Jesus ay tumayo at lumakad upang salubungin sila. «Kapayapaan sa inyo. Sino ang hinahanap ninyo?»

«Kayo, Guro» sabi ni Lydia inaalisan ng takip ang kanyang mukha at lumalapit nang nag-iisa. At siya ay nagpapatuloy: «Ginawa ni Claudia ang Inyong mithiin sapagkat iyon ay makatarungan at ganap na moral na bagay. Iyon ang batang babae. Si Valeria ay kukunin siya saka na bilang isang yaya para sa maliit na Fausta. Sa pansamantala nakikiusap siya sa Inyo na kunin siya, o, mas mabuti pa, ipagkatiwala Ninyo siya sa Inyong Ina o sa ina ng Inyong mga kamag-anak. Siya lubos na isang pagano. Hindi lang iyan, mahigit pa sa pagano. Ang panginoon na nagpalaki sa kanya, ay lubos na walang inilagay sa kanya. Wala siyang nalalaman tungkol sa Olympus o ano pa man na iba. Takot lamang sa mga lalaki ang mayroon siya, sapagkat ang buhay ay ibinunyag sa kanya sa lahat ng kabangisan nito mga kaunting oras pa lamang ang nakakaraan...»

«O! Gaano kalungkot! Huli na ang lahat?»

«Hindi, hindi sa materyal na pananaw... Ngunit inihahanda siya ng Romano para sa kanyang... sabihin na natin: panlalapastangan. At ang bata ay nahintakutan... Kinailangan ni Claudia na iwanan siya kasama ang halimaw na iyon habang tumatagal ang hapunan, dahil balak niyang gumawa ng pagkilos kapag nasira na ng alak ang kanyang kakayahan ng pag-iisip. Kailangan na paalalahanan ko Kayo na kung ang isang lalaki ay laging mahalay sa kanyang  sensuwal na mga pakikipag-ibigan, mas lalo pa kung siya ay lasing... Ngunit doon lamang siya nagiging isang katatawanan na mapipilit siya ng puwersa at maaalisan ng kanyang tagong-kayamanan. At si Claudia ay sinamantala ang sitwasyon. Si Ennius ay ibig na niyang bumalik sa Italia, kapag siya ay pinalayas dahil nawala na siya  sa mabuting pagtingin... Ipinangako ni Claudia ang kanyang pagbabalik kapalit ng batang babae. Si Ennius ay kinagat ang pain... Ngunit bukas, kapag siya ay nahingawan na, siya ay magrerebelde, maghahanap para sa babae, gagawa siya ng gulo. Totoo na bukas si Claudia ay magkakaroon ng pamamaraan upang mapatahimik siya.»

«Karahasan? Hindi!...»

«O! karahasan na ginamit para sa mabuting pakay ay may-pakinabang! Ngunit ito ay hindi gagamitin... Si Pilato lamang, na tulingag pa sa dami ng alak na kanyang ininom ngayong gabi, ang lalagda sa utos para kay Ennius na pumunta at magpakita sa Roma... Ha! Ha!... At siya ay aalis kasabay ng unang barkong pang-militar. Ngunit pansamantala... mas mabuti na para sa batang babae na nasa ibang lugar, sapagkat baka magsisi si Pilato at bawiin ang utos... Siya ay lubos na walang-katiyakan! At mas mabuti na para sa batang babae na makalimutan, kung magagawa niya, ang karumihan ng tao. O! Guro!... Pumunta kami sa handaan para sa pakay na iyan... Ngunit papaano namin nagawa na kami ay pumupunta sa mga lasingan na gayon mga ilang buwan pa lamang ang nakararaan, nang hindi nagkakasakit? Mabilis kaming umalis nang makuha namin kaagad ang aming sadya... Ang aming mga asawa ay naroroon ngayon-ngayon mismo ginagaya ang mga hayop... Gaanong nakasusuklam, Guro!... At kailangan namin silang tanggapin pagkatapos na sila ay...»

«Maging simple at mapasensya. Mapauunlad ninyo ang inyong mga asawa sa pamamagitan ng inyong ulirang asal.»

«O! Ito ay hindi posible!... Hindi Ninyo nalalaman...» Ang babae ay mas umiiyak sa pagkasuklam kaysa sa pamimighati. Si Jesus ay nagbubuntung-hininga. Si Lydia ay nagpatuloy: «Si Claudia ay sinabi sa akin na sabihin sa Inyo na ito ay kanyang ginawa upang patunayan sa Inyo na Kayo ay kanyang pinagpipitaganan bilang ang Tanging Tao na karapat-dapat ng pagpipitagan. At gusto niyang sabihin ko sa Inyo na siya ay nagpapasalamat sa pagturo Ninyo sa kanya tungkol sa kahalagahan ng isang kaluluwa at ng kadalisayan. Hindi niya ito kailanman makakalimutan. Ibig ba Ninyong makita ang batang babae?»

«Oo. At sino ang lalaki?»

«Ang piping Numidian na siyang ginagamit ni Claudia para sa pinaka malilihim na bagay. Walang panganib na makalabas ang tungkol sa bagay na ito... Siya ay walang dila...»

Katulad noong hapon inulit ni Jesus: «Kaawa-awang sawing-palad!» Ngunit kahit na ngayon hindi Siya gumagawa ng isang himala.

Si Lydia ay umalis at kinuha ang batang babae sa kamay at halos kaladkarin ang batang babae patungo sa harapan ni Jesus. Siya ay nagpapaliwanag: «May alam siyang kaunting mga salita sa Latin at mas lalong kaunti sa Judaean... Isang maliit na mailap na hayop... Isang bagay lamang para sa kasiyahan.» At sinabi niya sa batang babae: «Huwag matakot. Sabihin: “maraming salamat” sa Kanya. Siya ito Na nagligtas sa iyo... Lumuhod. Halikan ang Kanyang mga paa. Magsaya! Huwag manginig!... Patawarin siya, Guro! Siya ay nahintakutan sa pamamagitan ng huling mga haplos ng langong Ennius...»

«Kaawa-awang bata» sabi ni Jesus pinapatong ang Kanyang kamay sa may-belong ulo ng batang babae. «Huwag matakot! Dadalhin kita sa Aking Ina, nang matagal-tagal. Sa isang Ina, naiintindihan mo? At magkakaroon ka ng napakaraming kapatid na lalaki sa palibot mo... Huwag matakot, Aking mahal na anak!»

Ano ang naroroon sa tinig at tingin ni Jesus? Ang lahat: kapayapaan, kompiyansa, kadalisayan, banal na pagmamahal. Ang batang babae ay naramdaman ito, inalis niya ang kanyang manta na may pantakip sa ulo upang makita  niya Siya nang mas mabuti, at ang balingkinitan na pigura ng isang batang babae halos wala pa sa pagdadalaga, halos isang maliit na bata pa lamang, medyo wala pang malay sa pagpapaganda, inosenteng tingnan, ang lumitaw sa isang damit na napakalapad para sa kanya...

«Siya ay halos hubad... isinuot ko sa kanya ang unang damit na nakita ko, at naglagay din ako ng ilan sa kanyang sako...» paliwanag ni Lydia.

«Isang maliit na bata!» sabi ni Jesus nang naaawa. At inuunat ang Kanyang kamay patungo sa kanya, Siya ay nagtanong: «Ibig mo bang sumama sa Akin, nang wala ng kahit anong takot?»

«Oo, ginoo.»

«Hindi. Hindi Ako ang nagmamay-ari sa iyo. Tawagin mo Ako: Guro.»

«Oo, Guro» sabi ng bata nang mas may-tiwala at ang isang mahiyaing ngiti ang pumalit sa pagiging takot na nakikita dati sa napakaputlang mukha.

«Makakayanan mo bang maglakad nang malayo?»

«Oo, Guro.»

«Kung gayon magpapahinga ka sa bahay ng Aking Ina, sa Aking Bahay, naghihintay kay Fausta... na isang maliit na batang babae na iyong mamahalin nang labis... Nasisiyahan ka ba?.»

«O! Oo!...» at ang bata ay makumpiyansang itinaas ang kanyang malilinaw na abuhing-asul na mga mata, na napakaganda sa pagitan ng kanyang kulay-gintong mga kilay at naglakas loob siyang magtanong: «Wala na ang panginoon na iyon?» at ang isang kislap ng takot ay nakapagbalisa sa kanya muli.

«Wala na kailanman» si Jesus ay nangangakong muli pinapatong ang Kanyang kamay sa makapal na buhok ng bata na kulay-pulot na olandesa

«Paalam, Guro. Sa loob ng kaunting mga araw kami rin ay mapupunta sa lawa. Baka magkita tayong muli. Magdasal para sa kaawa-awang mga babaeng Romano.»

«Paalam, Lydia. Sabihin kay Claudia na ito ang mga pananakop na Aking inaasahan, at wala nang iba pa. Halika, anak. Aalis tayo kaagad...» At hinahawakan siya sa kamay Siya ay sumilip sa pintuan ng imbakang-silid tinatawag ang mga apostol.

Habang ang bangka, na hindi nag-iiwan ng kahit anong bakas ng paglalakbay nito, ay bumabalik sa bukas na dagat, si Jesus at ang mga apostol, kasama ang batang babae nakabalot sa isang manta sa gitna ng grupo, ay naglalakad patungo sa kabukiran dumaraan sa makipot na walang-tao na mga kalsada ng labas ng bayan...

170111

 

 



Sunod na kabanata