425. Si Aurea Galla.

Mayo 2, 1946.

Ang mga pagsikat-ng-araw sa tag-init ay napaka-aga na ang oras sa pagitan ng paglubog-ng-buwan at ng pagsikat-ng-araw ay maikli. Upang, bagama't naglakad sila nang napakabilis, sa pinakamadilim ng oras ng gabi sila ay nasa paligid pa rin ng bayan ng Caesarea, at ang isang sanga ng matinik-na-palumpong na kanilang sinindihan, ay hindi nakapagbibigay ng sapat na liwanag. Sila ay napilitan na tumigil nang mga ilang sandali, at dahil din ang batang babae, na hindi sanay ng maglakad sa gabi, ay madalas natitisod sa mga bato na nakabaon nang kalahati lamang sa alikabok.

«Mas mabuting tumigil nang sandali. Ang bata ay hindi makakita at siya ay pagod» sabi ni Jesus.

«Hindi, makakapagpatuloy ako... Lumayo tayo nang lumayo... Baka siya dumating. Dumaan kami rito upang pumunta sa bahay na iyon» sabi ng bata nang may nag-uumpugan na mga ngipin, pinaghahalo ang Hebreo at Latin sa isang bagong wika upang magawang maintindihan ang kanyang sarili.

«Tayo ay pupunta sa likuran ng mga punungkahoy na iyon at walang sinuman ang makakakita sa atin. Huwag matakot» sabi ni Jesus sa kanya.

«Oo, huwag matakot. Ang... Romanong iyon ay patay sa kalasingan sa ilalim ng mesa ngayon...» sabi ni Bartolomeo upang tiyakin sa kanya.

«At kasama mo kami. At minamahal ka namin! Hindi namin papayagan ang sinuman na saktan ka niya. Sasabihin ko! Kami ay labindalawang malalakas na lalaki...» sabi ni Pedro, na mas mataas nang kaunti sa bata, ngunit kasing tatag katulad na ang bata ay payat, at kasing sunog sa araw katulad na ang bata ay maputing katulad ng niyebe, isang kaawa-awang bulaklak na pinalaking nasa loob ng lilim upang siya ay sana maging mas kaakit-akit at mas may halaga.

«Ikaw ay isang maliit na kapatid na babae. At ang mga kapatid na lalaki ay pinagsasanggalang ang kanilang mga kapatid na babae...» sabi ni Juan.

Ang bata, sa huling kurap ng liwanag ng pansamantalang sulo, ay tinitingnan ang kanyang mga tagapagpayo; sa pamamagitan ng kanyang bakal-na-abuhing mga mata, na may kaunting kulay asul, dalawang malilinaw na mata na nagniningning pa sa mga luhang iniluha sa sandali ng takot kamakailan pa lamang.... Siya ay nagsususpetsa. Subalit sa kabila nito nagtitiwala siya sa kanila. At kasabay ang iba tinatawid niya ang tuyong sapa sa kabila ng kalsada upang mapasok ang isang ari-ariang lupa na sa katapusan nito ay may isang makapal na lootan.

Sila ay naupo sa dilim, naghihintay. Ang mga lalaki ay baka gustong matulog. Ngunit ang bawat ingay ay nagagawa ang batang babae na umungol at ang pagkaskas ng isang kabayo ay nagagawa siyang mangapit nang nanginginig sa leeg ni Bartolomeo, na, baka dahil siya ay matanda na, nagpapasigla ng kompiyansa at pagtitiwala. Imposible kung gayon na matulog.

«Huwag matakot! Kapag ang isa ay kasama si Jesus, wala nang masama ang mangyayari pa» sabi ni Bartolomeo.

«Bakit?» tanong ng bata nang nanginginig at nakakapit pa sa leeg ng apostol.

«Sapagkat si Jesus ay Diyos sa Lupa, at ang Diyos ay mas malakas kaysa sa mga tao.»

«Diyos? Ano ang Diyos?»

«Kaawa-awang nilikha! Papaano ka nila pinalaki? Wala ba silang itinuro sa iyo ng kahit ano?»

«Ang panatilihin na maputi ang aking balat, makinang ang aking buhok, at ang sundin ang mga panginoon... ang magsabi lagi ng oo... Ngunit hindi ako makapagsabi ng oo sa Romano... siya ay pangit at natatakot niya ako... Natatakot niya ako buong araw... Siya ay laging naroroon... sa paliguan, kapag ako ay nagbibihis... ang mga matang iyon... at ang kanyang mga kamay... o!... At ang hindi nagsasabi ng oo ay hinahagupit...»

«Hindi ka hahagupitin. Ni ng Romano ni ang kanyang mga kamay ay wala na rito... Naririto ang kapayapaan...» si Jesus ay tumugon sa kanya.

At ang iba ay nagwika: «Nakakatakot! Tinatratong katulad ng mahalagang mga hayop, wala nang iba bagkus mga hayop! Pinakamasama! ... Sapagkat ang isang hayop ay naka-aalam man lang kung kaya't tinuturuan nila ito na mag-araro, magkaroon ng siyá at isang bokado, sapagkat ito ang gawain nito. Ngunit ang batang ito ay itinapon doon nang walang kahit anong nalalaman!...»

«Kung nalaman ko lamang itinapon ko na sana ang aking sarili sa dagat. Nasabi niya: “Gagawin kitang masaya”...»

«At ginawa ka niyang masaya. Ngunit sa paraan na ni hindi niya mismo inakala. Masaya para sa Lupa at para sa Langit. Sapagkat ang makilala si Jesus ay kasayahan» sabi ng Zealot.

Nagkaroon ng katahimikan: ang lahat ay nagninilay-nilay tungkol sa kinatatakutan sa mundo. Pagkatapos, sa isang mababang tinig, ang bata ay tinanong si Bartolomeo: «Maaari bang sabihin mo sa akin kung ano ang Diyos? At kung bakit Siya ay Diyos?  Sapagkat Siya ay mabuti at magandang lalaki?»

«Ang Diyos... Papaano ang isa matuturuan ka, sa dahilan na ikaw ay ganap na walang-lamang ng tungkol sa mga relihiyosong idea?»

«Relihiyoso. Ano iyan?»

«Kataastaasang Karunungan! Katulad ko ang isang nalulunod sa isang malalim na dagat! Ano ang aking gagawin sa harapan ng kalaliman na ito?»

«Kung ano ang tila napakahirap sa iyo, Bartolomeo, ay napakasimple. Iyan ay isang kalaliman, ngunit walang-laman. At mapupunuan mo iyan ng Katotohanan. Mas malala kung ang kalaliman ay puno ng dumi, lason, mga ahas... Magsalita nang may kasimplehan, katulad ng kung ikaw ay magsasalita sa isang sanggol. At mas maiintindihan ka niya kaysa maiintindihan ka ng isang adulto.»

«O! Guro! Ngunit hindi ba maaaring gawin Ninyo ito?»

«Magagawa Ko. Ngunit matatanggap ng bata ang mga salita ng isang katulad niya kaysa sa makinig siya sa Aking mga salita tungkol sa Diyos. Maging ano pa man... Kakailanganin mong harapin ang ganyang mga kalaliman sa hinaharap, at pupunuin mo ito ng tungkol sa Akin. Pagkatapos man ng lahat, kailangan mong matutunan ang gawin ito.»

«Iyan ay totoo. Susubukan ko. Makinig, bata... Naaalaala mo ba ang iyong ina?»

«Oo, ginoo. Ang mga bulaklak ay namulaklak sa loob ng pitong taon nang wala siya. Ngunit bago ito ako ay kasama niya.»

«O sige. At naaalaala mo ba siya? Minamahal mo ba siya?»

«O!» ang isang hikbi na ikinabit sa pagbulalas niya ay nasasabi ang lahat.

«Huwag umiyak, kaawa-awang nilikha... Makinig... Ang pagmamahal na nararamdaman mo para sa iyong ina...»

«...at para sa aking ama... at sa aking maliliit na kapatid na lalaki...» sabi ng bata nang humihikbi.

«Oo... para sa iyong pamilya, ang pagmamahal para sa iyong pamilya, ang iyong mga naiisip para rito, ang iyong mithiin na bumalik dito...»

«Hindi na kahit kailanman muli!...»

«Sino ang nakaaalam!... Ang lahat na iyan ay isang bagay na matatawag na relihiyon ng pamilya., kung kaya't ang mga relihiyon, ang mga relihiyosong idea, ay ang pagmamahal, ang kaisipan, ang mithiin na pumunta kung saan Siya o sila ay naroroon, kung kanino tayo ay naniniwala, na ating minamahal at minimithi.»

«Ah! Kung ako ay maniniwala sa Diyos na iyon doon, magkakaroon ako ng relihiyon... Madali ito!»

«Bueno. Ano ang madali? Ang magkaroon ng isang relihiyon o ang maniwala sa Diyos na iyon doon?»

Pareho. Sapagkat madali ang maniwala sa isang mabuting Diyos katulad ng isang iyon doon. Ang Romano ay nagbabanggit ng napakaraming diyos at nanunumpa... Madalas niyang sabihin: “ng diyosang si Venus”, ng diyos na si Kupido”. Ngunit hindi sila maaaring mabubuting diyos sapagkat gumagawa siya ng mga bagay na hindi mabubuti, habang binabanggit niya sila.»

«Ang bata ay hindi tanga» wika ni Pedro sa mababang tinig.

«Ngunit hindi ko pa malaman kung ano ang Diyos. Nakikita ko Siyang isang taong katulad mo... Kung gayon ang Diyos ay isang tao. At papaano ito masasabi ng isa? Saan Siya mas malakas kaysa sa lahat? Wala Siya ni mga espada o mga katulong...»

«Guro, tulungan ako...»

«Hindi, Natanael! Mabuting mabuti ang nagagawa mo...»

«Sinasabi Ninyo ang ganyan dala ng kabaitan... Ngunit, tingnan natin kung papaano tayo makapagpapatuloy. Makinig, bata... Ang Diuyos ay hindi isang tao. Katulad Niya ang isang liwanag, isang tingin, isang tunog, napakalaki na napupuno Niya ang kalangitan at ang lupa naliliwanagan Niya ang lahat, nakikita Niya ang lahat, ginagabayan ang lahat at nagbibigay ng utos sa lahat...»

«Sa Romano din? Kung gayon hindi Siya isang mabuting Diyos. Natatakot ako!»

«Ang Diyos ay mabuti at nagbibigay ng mabubuting utos, at inutusan Niya ang mga tao na huwag makipagdigma, huwag gumawa ng mga alipin, na iwanan ang maliliit na batang babae sa kanilang mga ina at huwag silang takutin. Ngunit ang mga tao ay hindi laging nakikinig sa mga utos ng Diyos.»

«Ngunit nakikinig kayo...»

«Oo, nakikinig ako.»

«Ngunit kung Siya ay mas malakas kaysa sa sino pa mang iba, bakit hindi Niya ginagawa ang mga tao na sundin Siya? At papaano Siya nakapagsasalita kung Siya ay hindi isang tao?»

«Ang Diyos... o! Guro!...»

«Magpatuloy ka, Bartolomai. Napakadunong mong isang tagapagturo, nasasabi mo ang pinakamataas na mga kaisipan nang may labis na kasimplehan, at natatakot ka? Hindi mo ba nalalaman na ang Banal na Espiritu ay nasa mga labì ng mga nagtuturo ng Hustisya?»

«Ito ay tila napakadali kung nakikinig kami sa Inyo... at ang lahat ng Inyong mga salita ay nasa loob dito... Ngunit ang ilabas ang mga ito kapag kailangan naming gawin ang dapat naming gawin!... O! ang kahirapan naming mga kaawa-awang tao! Anong mga walang-halagang tagapagturo tayo!»

«Ang kilalanin ang inyong kawalang-kahalagahan ay ang ilagay ang inyong mga espiritu sa pagtuturo ng Paraklitong Espiritu...»

«O sige. Makinig, bata. Ang Diyos ay malakas, napakalakas, mas malakas pa kay Caesar, kaysa sa lahat na mga tao na pinagsama-sama kasama ang kanilang mga sandatahang-lakas at mga gamit na pandigma. Ngunit hindi Siya isang malupit na panginoon na ginagawa ang mga tao na laging magsabi ng oo, sa ilalim ng banta ng panghagupit kung hindi ito sasabihin ng isa. Ang Diyos ay isang ama. Ang iyo bang ama ay minamahal ka?»

«Labis! Pinangalanan niya akong Aurea Galla sapagkat ang ginto ay mahalaga at ang Gaul ay ang aming amangbayan, at madalas niyang sabihin na mas mahal ako sa kanya kaysa ang ginto na minsan ay nag-ari siya at kaysa sa aming amangbayan...»

«Ang iyo bang ama ay pinalo ka?»

«Hindi. Hindi kailanman. Kahit na kung ako ay pilya madalas niyang sabihin sa akin: “Aking kaawa-awang anak!” at siya ay iiyak...»

«Ayan ka na! Iyan ang ginagawa ng Diyos. Siya ay isang ama at Siya ay umiiyak kung tayo ay masama, ngunit hindi Niya tayo pinipilit na sundin Siya. Ngunit ang mga masasama ay parurusahan isang araw sa pamamagitan ng nakakatakot na mga pagpapahirap...»

«O! maganda! Ang panginoon na kumuha sa akin mula sa aking ina at nagdala sa akin sa isla at ang Romano nasa mga pagpapahirap! At makikita ko ba sila?»

«Nasa malapit ka sa Diyos at makikita mo, kung maniniwala ka sa Kanya at ikaw ay mabuti. Ngunit upang maging mabuti kailangan na huwag kang mapoot kahit na sa Romano.»

«Hindi? Papaano ko magagawa iyan?!...»

«Ipinagdarasal siya o...»

«Ano ang magdasal?»

«Ito ay ang pakikipagusap sa Diyos sinasabi sa Kanya kung ano ang gusto natin...»

«Ngunit gusto ko ang nakakatakot na kamatayan para sa aking mga panginoon!» sabi ng batang babae nang may marahas na silakbo.

«Hindi, hindi ka dapat ganyan. Hindi ka mamahalin ni Jesus kung ganyan ang sasabihin mo...»

«Bakit?»

«Sapagkat hindi natin dapat kapootan ang mga nananakit sa atin.»

«Ngunit hindi ko sila maaaring mahalin...»

«Kalimutan sila pansamantala... Subukan na kalimutan sila. Sa ibang araw, kapag mas marami ka nang nalalaman tungkol sa Diyos, magdarasal ka para sa kanila... Kung kaya't sinasabi namin na ang Diyos ay makapangyarihan ngunit hinahayaan Niya ang Kanyang mga anak na maging malaya.»

«Ako ba ay anak ng Diyos? Dalawa ba ang aking ama?? Gaano ba karami ang Kanyang mga anak?»

«Ang lahat na tao ay anak ng Diyos, sapagkat ginawa Niya silang lahat. Nakikita mo ba ang mga bituin sa itaas doon? Ginawa Niya sila. At ang mga tanim na ito? Ginawa Niya sila. At ang lupa na ating inuupuan, at ang ibon na iyon na umaawit at ang dagat na napakalaki, ang lahat at lahat na tao. At ang mga tao ay Kanyang mga anak nang higit pa sa alin pa man, dahil sila ay Kanyang mga anak dahil sa isang bagay na iyon na tinatawag na kaluluwa at isang liwanag, tunog, tingin, hindi kasing laki Niya, na pumupuno sa Langit at Lupa nang ganap, ngunit maganda at hindi sila kailanman namamatay katulad na hindi Siya kailanman namamatay.»

«Nasaan ang kaluluwa? Mayroon ba ako nito?»

«Oo at iyan ay nasa iyong puso, at iyan ang bagay na nagagawa kang maintindihan mo na ang Romano ay masama, at tiyak na dahil diyan hindi mo gugustuhin na ikaw ay maging katulad niya Tama ba iyon?»

«Oo...» Ang bata ay nag-iisip pagkatapos ng kanyang walang-katiyakang oo... Pagkatapos sinabi niya nang may kompiyansa: «Oo! Iyon ay katulad ng isang tinig sa loob ko at isang pangangailangan na matulungan... at sa pamamagitan ng isa pang tinig, ngunit ang isang iyon ay akin, tinawag ko ang aking ina... sapagkat hindi ko nalalaman na mayroong Diyos, na naririyan si Jesus... Kung nalaman ko lamang, tinawag ko sana Siya sa pamamagitan ng tinig na iyon na mayroon ako sa loob ko...»

«Nakaintindi ka nang mabuti, anak at lalaki ka sa Liwanag. Sinasabi Ko sa iyo. Maniwala sa totoong Diyos, makinig sa tinig ng iyong kaluluwa, walang-laman ng nakuha karunungan, ngunit walang-laman din ng masamang kalooban, at magkakaroon ka ng isang Ama sa Diyos, at sa kamatayan, na isang pagdaan mula sa Lupa patungo sa Langit para sa mga naniniwala sa totoong Diyos at mabubuti, magkakaroon ka ng lugar sa Langit, malapit sa iyong Panginoon» sabi ni Jesus pinapatong ang Kanyang kamay sa ulo ng bata, na binabago ang pusisyon at lumuluhod nagsasabing: «Malapit sa Inyo. Maganda ang mapalapit sa Inyo. Huwag Kayong umalis sa akin, Jesus. Nalalaman ko na ngayon kung sino Kayo at pinagpapatirapa ko ang aking sarili. Sa Caesarea natatakot akong gawin ang ganito... Ngunit Kayo ay tila isang tao sa akin noon. Ngayon alam ko na na Kayo ay isang Diyos nakatago sa isang tao at Kayo ay isang Ama at Protektor sa akin.»

«At Tagapagligtas, Aurea Galla.»

«At Tagapagligtas. Niligtas Ninyo ako.»

«At ililigtas kita nang lalo pa. Magkakaroon ka ng bagong pangalan...»

«Pagkakaitan ba Ninyo ako ng pangalan na binigay sa akin ng aking ama? Ang panginoon sa isla ay tinawag akong Aurea Quintillia, sapagkat hinati niya kami ayon sa kutis at bilang at ako ay ang ikalimang olandesa... Ngunit bakit ayaw Ninyong iwanan sa akin ang pangalan na binigay ng aking ama?»

«Hindi Ko inaalis iyan sa iyo. Ngunit magkakaroon ka ng isang karagdagan sa iyong dating pangalan, na isang bagong pangalan, isang eternal na pangalan.»

«Alin?»

«Kristiyano. Sapagkat ang Kristo ang nagligtas sa iyo. Ngunit nag-uumaga na. Lumakad na tayo... Kita mo, Natanael, madaling magsalita ng tungkol sa Diyos sa walang-laman na kalaliman... Nakapagsalita ka nang napakaayos. Ang bata ay uunlad nang mabilis sa Katotohanan... Aurea, mauna kang kasama ng Aking mga kapatid...»

Ang bata ay sumunod, ngunit nang nahihiya. Mas gusto niyang kasama si Bartolomeo, na nakaiintindi at nangangako: «Pupunta din ako kaagad, Lakad, maging masunurin...» At nang kasama na niya si Jesus, si Pedro at si Mateo, siya ay nagwika: «Nakakaawa na si Valeria ang makakakuha sa kanya. Siya ay laging isang pagano...»

«Hindi Ko siya maipipilit kay Lazarus...»

«Naririyan si Nike, Guro» mungkahi ni Mateo.

«At si Eliza...» sabi ni Pedro.

«At si Johanna... Siya ay isang kaibigan ni Valeria at si Valeria ay ibibigay niya ang bata sa kanyang nang maluwag-sa-loob.

Si Jesus ay nag-iisip at tahimik...

«Kayo ang magpapasya... Sasamahan ko ang bata, dahil panay-panay ang kanyang paglingon. Nagtitiwala siya sa akin dahil ako ay matanda... Aalagaan ko siya... isang karagdagan na anak na babae... Ngunit siya ay hindi mula sa Israel...» at siya ay umalis, ang mabuti ngunit napaka-Israelitang Natanael.

Si Jesus ay tinitingnan siyang umaalis at iniling ang Kanyang ulo.

«Bakit ang pagkilos na iyan, Guro?» tanong ng Zealot.

«Sapagkat napamimighati Akong nakikita na pati ang marurunong na tao ay alipin din ng masamang-palagay...»

«gayunpaman gawin natin itong atin-atin lamang... Tama si Bartolomeo... at sa katotohanan... Kailangan Ninyong maglaan... Alalahanin sina Sintike at Juan... Huwag hayaan na mangyari din ang dati... Ipadala Ninyo siya kay Sintike... sabi ni Pedro na natatakot sa problema kung ang paganong bata ay manatiling kasama nila.

«Si Juan ay hindi mabubuhay nang matagal... Si Sintike ay hindi pa sapat na may-gulang upang maging tagapagturo ng isang batang babaeng katulad ng isang ito... Hindi iyon ang bagay na lugar...»

«Subalit sa kabila ng lahat hindi Ninyo siya dapat ampunin. Isipin na si Judas ay malapit nang makasama natin. At si Judas, Guro, pahintulutan akong sabihin sa Inyo, ay isang mahalay na tao at isang... isang may kiling na magsalita upang may kitain... at napakarami niyang mga kaibigan sa pagitan ng mga Pariseo...» pamimilit ng Zealot.

«Iyan na nga! Tama si Simon! Eksakto sa aking iniisip!» bulalas ni Pedro. Gawin ang ayon sa kanyang sinasabi, Guro!...»

Si Jesus ay nag-iisip ngunit Siya tahimik... Pagkatapos sinabi Niya! At ang Ama ay tutulungan tayo» at, sa likuran ng iba pa, sila ay nagdarasal nang marubdob.

Ang pagsikat-ng-araw ay dumarating. Dinaanan nila ang isang nayon at nagpatuloy sa paglalakad sa kabukiran. Ang sikat ng araw ay painit na nang painit. Sila ay tumigil upang makakain sa lilim ng isang napakalaking puno ng nugales.

«Pagod ka na?» si Jesus ay tinanong ang bata na kumakain nang magana. «Sabihin sa Akin at tayo ay titigil.»

«Hindi, hindi. Magpatuloy tayo...»

«Tinanong namin siya nang ilang beses. Ngunit lagi niyang sinasabi na hindi...» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Makapagpapatuloy ako, kaya kong maglakad! Lumakad tayo nang napakalayo...»

Ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalakbay. Ngunit si Aurea ay may naalaalang isang bagay. «Mayroon akong isang lukbutan. Yung mga babae ay sinabi sa akin: “Ibibigay mo iyan kapag kayo ay malapit na sa mga bundok”. Ang mga bundok ay naririto at binibigay ko ito .» At siya ay naghalungkat sa sako kung saan si Lydia ay naglagay ng ilang mga damit para sa bata... Inilabas niya ang lukbutan at ibinigay ito kay Jesus.

«Kanilang mga alay... Ayaw nilang sila ay mapasalamatan. Sila ay mas mabubuti kaysa sa marami sa atin... Kunin ito, Mateo. At itago ang perang ito. Gagamitin iyan bilang lihim na mga limos.

«Hindi ko ba sasabihin kay Judas ng Kerioth?»

«Hindi.»

«Makikita niya ang bata...»

Si Jesus ay hindi tumutugon... Sila ay lumakad muli, ngunit nagpapatuloy sila nang may kahirapan gawa ng matinding init, ng alikabok at ng nakakasilaw na liwanag. Pagkatapos nagsimula silang akyatin ang unang mga sanga-sanga ng Mount Carmel, sa palagay ko. Bagama't mas malilim at malamig dito, si Aurea ay naglalakad nang mabagal at madalas natitisod.

Si Bartolomeo ay bumalik sa Guro. «Guro, ang bata ay may sinat at pagod na. Ano ang gagawin natin?»

Sila ay nag-uusap-usap. Titigil ba sila? O magpapatuloy kinakarga ang bata? Hindi sila makapagpasya. Sa wakas nagpasya sila na kailangan nilang marating man lang ang kalsada patungong Sicaminon upang makahingi ng tulong sa ilang mga manlalakbay na nakasakay sa mga kabayo o sa isang bagon. At ibig nilang kargahin ang bata, ngunit ang bata ay makabayani sa kanyang kalooban na magpakalayu-layo at laging inuulit: «Makapaglalakad ako, kaya ko!» at ibig na magpatuloy nang siya mismo. Siya ay namumula, ang kanyang mga mata ay mainit-init at siya ay totoong pagod na. Ngunit hindi siya umaayaw... naglalakad siya nang mabagal, pumapayag na masuportahan ni Bartolomeo at ni Felipe... Ngunit siya ay nagpapatuloy... Lahat sila ay totoon pagod na. Ngunit nababatid nila na kailangan nilang magpatuloy at ito ang ginagawa nila...

Sila ay nasa tuktok na ng burol. Naroon ang katapat na dalisdis... Ang kapatagan ng Esdraelon nasa ibaba doon, at sa kabila nito ang mga burol na sa pagitan nito ay ang Nazareth...

«Kung wala tayong matatagpuang kahit sino, titigil tayo sa mga magbubukid...» sabi ni Jesus...

Sila ay nagpapatuloy... Halos sa ibaba sa kapatagan nakakita sila ng isang grupo ng mga disipulo. Naroon si Isaac at si Juan ng Ephesus kasama ang kanyang ina, at si Abel ng Bethlehem kasama ang kanyang ina, at iba pang mga disipulo na ang kaninong mga pangalan ay hindi ko alam. Para sa mga babae ay may isang pangkabukiran na kariton na hila ng isang malakas na maliit na mola. Naroon din ang dalawang, si Daniel at si Benjamin, si Jose ang mamamangka at iba pa.

«Ito ay ang awa’t tulong ng Maykapal  na tumutulong sa atin!» bulalas ni Jesus at sinabihan Niya ang lahat na tumigil habang patungo Siya upang makiusap sa mga disipulo at sa dalawang disipulong babae lalo na.

Inanyayahan Niya sila sa isang tabi kasama si Isaac at sinasabi sa kanila ang bahagi ng naranasan ni Aurea: «Inalis namin siya sa isang mahalay na panginoon... Ibig Ko siyang dalhin sa Nazareth upang pagalingin siya sapagkat naghihirap siya sa takot at kapaguran. Ngunit wala Akong masasakyan. Saan ang punta ninyo?»

«Sa Bethlehem sa Galilee, sa lugar ni Myrtha. Imposibleng matagalan ang init sa kapatagan» tugon ni Isaac.

«Pumunta muna sa Nazareth, hinihingi Ko sa inyo na ito ang gawin dala ng karidad. Dalhin ang bata sa Aking Ina at sabihin sa Kanya na makakasama Niya Ako sa loob ng dalawa o tatlong araw. Ang bata ay may lagnat, kung kaya't huwag pansinin ang kanyang pagdidiliryo. Sasabihin Ko sa inyo saka na...»

«Oo, Guro. Ayon sa ibig Ninyo. Aalis kami kaagad. Kaawa-awang nilikha! Siya ba ay sinaktan ng kanyang panginoon?» tanong ng tatlo.

«Ibig niya siyang tapastanganin.»

«O!... Ilan taon na siya?»

«Mga labintatlo...»

«Ang duwag! Ang mahalay na hampaslupa! Ngunit mamahalin namin siya. Kami ay totoong mga ina, hindi dahil kami ay ginawang ganito dala ng merito, tama ba iyon, Naomi?»

«Siyempre ganyan iyan, Myrtha. Panginoon, aampunin ba Ninyo siya bilang isang disipulo?»

«Hindi ko pa alam...»

«Kung aampunin Ninyo siya, kami ay naririto. Ako ay babalik na sa Ephesus. Nagpadala ako ng mga kaibigan upang ipagbili ang lahat. Ako ay maninirahan kasama si Myrtha... Alalahanin kami para sa kahit na anong pangangailangan ng bata. Niligtas Ninyo ang aming mga anak na lalaki at ibig namin siyang iligtas.»

«Malalaman natin saka na....»

«Guro, ang dalawang babaeng disipulo ay maaasahan dahil sa kanilang kabanalan...» sabi ni Isaac nangungusap.

«Hindi ito nakadepende sa Akin... Magdasal nang husto at huwag magbanggit ng kahit ano sa sinuman. Naintindihan ba ninyo? Sa kahit sinuman.»

«Pipigilan namin ang aming mga dila.»

«Halikayo dala ang kariton.» At si Jesus ay bumabalik sinusundan ni Isaac na siyang nagpapatakbo sa kariton at ng dalawang babae.

Ang bata ay nakahiga sa damo naghahanap ng pampalamig para sa kayang mataas na temperatura.

«Kaawa-awang nilikha! Ngunit hindi siya mamamatay, hindi ba?»

«Kay gandang bata!»

«Aking mahal, huwag matakot. Ako ay isang ina, alam mo? Halika... Hawakan siyang nakatayo, Myrtha... Siya ay pagiray-giray. Tulungan kami, Isaac... Sa banda rito kung saan hindi siya masyadong mauuga. Ilagay ang kanyang sako sa ilalim ng kanyang ulo... Ilagay natin ang ating mga manta sa ilalim niya, Isaac, basain ang mga linen na ito at ilalagay natin iyan sa kanyang noo... Anong taas ng lagnat, kaawa-awang bata...»

Ang dalawang babae ay maingat at maka-ina. Si Aurea ay labis na napangingibabawan ng mataas na lagnat, na siya ay halos wala sa sarili...

Ang lahat ay handa... Ang kariton ay makapagsisimula na... Si Isaac bago gamitin ang hagupit ay naka-alaala: «Guro, kung Kayo ay pupunta sa tulay, makikita Ninyo si Judas ng Kerioth. Siya ay naghihintay para sa Inyo katulad ng isang pulubi... Siya ang nagsabi sa amin na Kayo ay pupunta rito. Kapayapaan sa Inyo, Guro. Makakarating kami sa Nazareth sa loob ng gabi!»

«Kapayapaan sa Inyo, Guro» sabi ng mga babaeng disipulo.

«Kapayapaan sa inyo!»...

Ang kariton ay yumugyog nang papalayo...

«Pasalamat sa Panginoon!...» sabi ni Jesus.

«Oo. Mabuting bagay ito para sa bata at dahil kay Judas... Mas mabuti na kung wala siyang nalalaman...»

«Oo. Mas mabuti na. Mabuting-mabuti na hihingin Ko sa inyong mga puso na gumawa ng isang sakripisyo. Maghihiwalay tayo bago dumating sa Nazareth, at kayong mga taga-lawa ay pupunta sa Capernaum kasama si Judas, samantalang Ako kasama ang Aking mga kapatid, si Tomas at si Simon ay pupunta sa Nazareth.»

«Gagawin namin iyan. Guro. At ano ang Inyong sasabihin sa mga disipulong ito na naghihintay para sa inyo?»

«Na kailangang-kailangan natin na bigyang-alam ang Aking Ina tungkol sa Aking pagdating!... Tayo na...» at sinamahan Niya ang mga disipulo na mga masayang-masaya na makasama ang kanilang Guro, na sila ay hindi na nagtatanong ng kahit na ano.

200111

 

 



Sunod na kabanata