426. Ang Parabula tungkol sa ubasan at sa malayang kalooban.

Mayo 4, 1946.

«Kapayapaan sa inyo, Aking mga kaibigan. Ang Panginoon ay mabuti. Pinagkalooban Niya tayo na magkita-kita para sa isang pangkapatirang salu-salo. Saan ang patungo ninyo?» si Jesus ay tinatanong ang dating mga pastol habang patungo Siya sa loob ng isang palumpungan upang maprotektahan ang Kanyang sarili sa sikat ng araw.

«Ang ilan ay pagawing dagat, ang ilan pagawing mga kabundukan. Pumunta kami ritong magkakasama, lumalaki ang bilang sa lahat ng oras, dahil ang iba pang mga grupo ay sinasamahan kami sa daan» sabi ni Daniel, dating isang pastol sa Lebanon.

«Oo, at ang dalawa sa amin ay ibig na pumunta hanggang sa layo ng Great Hermon upang mapakain ang aming mga puso sa kung saan namin pinapastol ang aming mga kawan» sabi ng kanyang kasamahan na si Benjamin.

«Magandang idea iyan. Pupunta Ako sa Nazareth nang matagal-tagal, pagkatapos mapupunta Ako sa Capernaum at sa Bethsaida hanggang sa bagong buwan ng Elul. Sinasabi Ko sa inyo upang sana matagpuan ninyo Ako sa sandali ng pangangailangan. Maupo at ating pagsama-samahin ang ating mga pagkain upang pagsaluhan ito ayon sa hustisya.»

Ginagawa nila ito ikinakalat ang kanilang... kayamanan sa ibabaw ng isang piraso ng tela: mga kakanin, keso, inasnang isda, mga olibo, ilang itlog, ang unang mga bunga ng mansanas... at kanila itong pinagsasaluhan nang may kasayahan katulad ng kanila itong inilatag, pagkatapos na maialay at mapagpala ito ni Jesus.

Gaano silang nasisiyahan sa di-inaasahang kapistahan ng pagmamahal! Nakalimutan nila ang kapaguran at ang init, nawawalang katulad nila sa kaluguran ng pakikinig kay Jesus, Na nagtatanong kung ano ang kanilang nagawa, nagbibigay sa kanila ng payo, o nagsasabi sa kanila kung ano ang Kanyang nagawa. At bagama't ang napakainit na oras ng mabanas na araw ay magagawa ang isa na antukin, interesadung-interesado sila na walang nakatulog. At nang ang kainan ay natapos at ang kakaunting pagkain na natira ay nakolekta at napaghati-hati sa magkakaparehong bahagi sa bawat isa, lumipat sila sa pinakamakapal na bahagi ng pinakamalapit na mga kakahuyan sa burol, at nakaupo sa paligid ni Jesus sa loob ng lilim ng mga punungkahoy, nakiusap sila sa Kanya na magkuwento sa kanila ng isang magandang parabula, na baka magagamit nila bilang isang praktikal na patakaran ng pamumuhay at pagtuturo.

Si Jesus, Na nakaupong kaharap ang kapatagan ng Esdraelon, ngayon walang mga tanim ngunit mayabong sa mga ubasan at mga lootan, ay pinaiikot ang tingin tinitingnan ang tanawin na tila naghahanap Siya ng isang paksa sa Kanyang nakikita. Siya ay ngumiti. Nakita Niya ito. Nagsimula Siya sa pamamagitan ng isang pangkalahatang tanong: «Ang mga ubasan sa kapatagan na ito ay maganda, hindi ba?»

«Oo, napakaganda. Sila ay pambihirang punung-puno ng mga ubas na nahihinog. At sila ay alagang-alaga. Iyan kung bakit sila ay namumunga nang labis.»

«Maaaring mga tanim sila na may malaking halaga...» nagpapahiwatig si Jesus. At Siya ay naghihinuha: «Dahil ang kapatagan ay nahahati sa mga ari-arian ng mayayamang  Pariseo, tinamnan nila ito ng mabubuting tanim maging ano pa man ang binabayad sa mga ito.»

«O! Naging walang kabuluhan sana ang pagbili sa pinakamagagandang tanim, kung sila ay hindi inalagaan nang patuloy. Ako ay isang eksperto sa bagay na ito sapagkat nagpapatubo ago ng mga baging sa lahat ng aking ari-arian. Ngunit kung hindi ako nagtrabaho nang husto, ibig sabihin, kung hindi ko nagtrabaho nang husto sa mga tanim, maniwala sa akin, Guro, hindi ko sana Kayo nabigyan noong anihan ng mga ubas na katulad ng nakaraang taon» sabi ng isang malakas na lalaki, mga apatnapung taong gulang, na sa aking palagay ay akin nang nakita, ngunit  hindi ko maalaala ang pangalan.

«Tama ka, Cleopas. Ang buong sekreto upang magkaroon ng magagandang bunga ay ang alagaan ang ating ari-arian» sabi ng isa pang lalaki.

«Mabubuting bunga at mabubuting kita. Sapagkat kung ang lupa ay magbibigay lamang ng kung ano ang ginagasta ng isa rito, masamang pamumuhunan pa rin ng pera ito. Ang lupa ay kailangan na magbigay ng bunga ng puhunan na ginamit dito, at saka isang kita na magpapalaki sa ating kayamanan. Sapagkat kailangan nating isipin na ang isang ama ay kailangan na paghati-hatiin ang kanyang ari-arian sa kanyang mga anak. At sa isang pag-aari, ito man ay maging lupa o pera, kailangan niyang hati-hatiin sa kung ilang bahagi, isa para sa bawat anak, upang mabigyan sila ng kanilang pamumuhayan. Sa palagay ko hindi tayo masisisi kung palalakihin natin ang ating ari-arian para sa kapakanan ng ating mga anak» pagpilit ni Cleopas.

«Hindi ka sisisihin, kung nakuha mo ito sa pamamagitan ng tapat na pagtatrabaho at sa tapat na pamamaraan. Kung gayon sinasabi mo na sa kabila ng mabuting kalidad ng mga binhing itinanim, kinakailangan na magtrabaho nang husto para sa mga binhi upang kumita?»

«Kailangang-kailangan talaga! Bago magkaroon tayo ng unang mga kumpol... Sapagkat matagal ito, alam ninyo! Sapagkat ang isa ay kailangan na may tiyaga at magtrabaho din habang ang bata-pang mga usbong ay may mga dahon lamang. At pagkatapos, kapag sila ay nagsisimula nang mamunga at malakas, kailangan na bantayan ng isa na wala ritong walang-silbing mga sanga ng baging, makapipinsalang mga insekto at na ang parasitikong mga damo ay hindi napahihina ang lupa. At kailangang tiyakin ninyo na ang mga sangang-baging ay hindi nasasakal ng mga dahon ng mga palumpong at gapang na mga tanim at kailangan na maghukay kayo ng pabilog sa paanan ng baging upang ang hamog ay makatagos at ang tubig ay magtagal nang kaunti pa kaysa sa ibang lugar nasusustentuhan ang tanim, at kailangan ninyong magkalat ng tae ng hayop... Mahirap na trabaho! Ngunit ito ay kinakailangan, kahit na kung ito ay hindi kaaya-aya, sapagkat ang mga ubas, napakatamis, napakaganda upang ang bawat kumpol ay tila isang koleksiyon ng mamahaling batong-hiyas, ay talagang lumalagong eksakto sa pagsipsip ng mabantot na maitim na tae ng hayop. Ito ay tila imposible, ngunit ito ay talagang ganyan! At ang isa ay kailangan na panipisin ang mga dahon upang ang sikat ng araw ay sana umabot sa mga kumpol, at kapag ang pamimitas ng mga ubas ay tapos na, kailangan na ayusin ang mga baging, tinatalian at pinupungusang ito, tinatakpan ang mga ugat ng dayami at tae ng mga hayop, upang maprotektahan ito laban sa pagyeyelo, at sa loob din ng taglamig kailangan na bisitahin at tingnan ito kung gawa ng hangin o ng ilang magnanakaw ang mga pasak ay natanggal o ang mga tali na humahawak sa mga sangang-baging na nakatali sa mga pasak ay lumuwag... O! laging mayroong kailangang gawin hanggang sa panahon na ang baging ay ganap nang lanta... At pagkatapos naririyan pa rin ang trabaho na alisin ito sa lupa, na kailangang linisin inaalis ang lahat na ugat upang magawang handa ang lupa na tumanggap ng bagong tanim.  At nalalaman ba Ninyo kung papaano ang isa ay kailangan na magtrabaho nang matiyaga sa pamamagitan ng magaan na kamay at ng mga matang gising-na-gising sa pag-alis ng mga usbong ng baging ng patay na tanim na nakasabid sa mga usbong ng mga buhay-pang baging? Kung ang isa ay magiging tanga at may mabigat na kamay, gaanong kapinsalaan ang magagawa! Ang isa ay kailangan na nasa negosyong ito upang malaman iyan!... Ang mga baging? Katulad nila ang mga bata! At bago ang isang bata maging isdang ganap na lalaki, gaano dapat magtrabaho ang isa upang mapanatili siyang matino sa katawan at isip! Ngunit ako ang nagsasalita lagi at hindi ko Kayo pinagsasalita... Nangako Kayo sa amin ng isang parabula...»

«Sa katotohanan naikuwento mo na ito. Sapat nang gamitin ang iyong kongklusyon at sabihin na ang mga kaluluwa ay katulad ng mga baging...»

«Hindi, Guro! Kailangan na magsalita Kayo. Ako... ay nakapagsalita ng walang-kabuluhan at hindi namin magagawa ang paggamit nito sa pamamagitan ng aming sarili...»

«O sige. Makinig.

Noong tayo ay may katawang-hayop sa loob ng sinapupunan ng ating ina, ang Diyos ay naglikha ng isang kaluluwa sa Langit upang magawa ang ipanganganak na tao na maging nasa Kanyang pagkakatulad at ito ay Kanyang inilagay sa katawan na iyon na napoporma sa sinapupunan. At ang tao, nang panahon na para sa kanya na ipanganak, ay pinanganak na may isang kaluluwa, na hanggang sa edad ng pangangatwiran ay katulad ng lupa na pinabayaan na di-binubukid ng panginoon nito. Ngunit nang ang tao ay narating ang edad ng pangangatwiran, nagsimula siyang mangatwiran at nakapagsasabi kung ano ang Mabuti at ang Masama. Kanya kung gayon nabatid na siya ay may isang ubasan na kailangan niyang bukirin ayon sa kanyang kagustuhan. At nasimulan niyang mabatid na siya ay may tagapag-alaga ng kanyang ubasan: ang kanyang malayang-kalooban. Sa katunayan ang kalayaan na gabayan ang kanyang sarili, pinagkaloob ng Diyos sa tao, Kanyang anak, ay katulad ng isang magaling na katulong, pinagkaloob ng Diyos sa tao, Kanyang anak, upang makatulong sa kanya na magawa ang kanyang ubasan na maging mataba, ibig sabihin ang kanyang kaluluwa.

Kung ang tao ay hindi kailangan na siya mismo ang magtrabaho upang maging mayaman, makapagtayo para sa kanyang sarili ng isang eternal na hinaharap ng sobrenatural na kaunlaran, kung kinailangan lamang niyang tanggapin ang lahat mula sa Diyos, anong merito ang magkakaroon siya sa paglikhang-muli sa kanyang sarili sa kabanalan, pagkatapos na naparumi ni Lucifer ang panimulang kabanalan na binigay nang libre ng Diyos sa unang mga magulang? Ito ay isa nang malaking regalo na ang mga nilikha, na bumagsak gawa ng manang kasalanan, ay pagkalooban ng Diyos ng posibilidad na marapatin ang isang gantimpala at maging banal, sa pagiging naipanganak muli, sa pamamagitan ng kanilang sariling kalooban, sa panimulang kalikasan ng perpektong mga nilikha, katulad ng pinagkaloob ng Tagapaglikha kina Adan at Eba, at sa kanilang mga anak, kung ang unang mga magulang ay nanatiling malaya sa orihinal na Kasalanan. Ang tao, na bumagsak, ay dapat maging isang piniling tao sa pamamagitan ng kanyang sariling kalooban. Ngayon, ano ang nangyayari sa mga kaluluwa? Ito. Ang tao ay ipagkakatiwala ang kanyang kaluluwa sa kanyang kalooban, sa kanyang malayang kalooban, na magsisimulang trabahuhin ang ubasan na magpahanggang ngayon ay nanatiling isang piraso ng lupa na walang mga baging, isang mabuting lupa, ngunit wala ng tumatagal na mga tanim. Sa loob ng unang mga taon ng lupa tanging patpating mga damo at madaling-malantang mga bulaklak lamang ang tumutubo doon: ang katutubong kabutihan ng isang bata na mabuti dahil siya ay isang anghel pa rin walang malay tungkol sa Mabuti at Masama.

Maaaring itanong ninyo: “Gaano katagal siyang nananatiling gayon?”.  Sinasabi natin sa pangkalahatan: sa loob ng unang anim na taon. Ngunit sa katunayan may mga batang maaagang umunlad sa kakayahan na tayo ay mayroon ng mga batang siyang nananagot sa kanilang mga kilos bago ang edad na anim na taon. May mga bata ding siyang nananagot sa kanilang mga kilos sa edad na tatlo, apat na taon, at sila ang nananagot sapagkat nalalaman nila kung ano ang Mabuti at kung ano ang Masama, at malayang pinipili nila ang una o ang huli. Sa sandaling malaman ng isang bata ang mabuting kilos kompara sa masamang kilos, ang batang iyan ay ang mananagot. Hindi bago ito. Kung gayon ang isang tanga, kahit na kung siya ay sandaan daan na, ay walang pananagutan, bagkus ang kanyang mga tagapag-alaga ang may pananagutan sa lugar niya at kailangan nilang bantayan siya nang may pagmamahal at ang kanyang kapwa na maaaring masaktan ng tangang tao, upang hindi sana niya masaktan ang kanyang sarili o ibang mga tao. Ngunit ang Diyos ay hindi pinananagot ng kahit anong kasalanan ang idyota o tanga, sapagkat nakalulungkot na sila ay napagkaitan ng pangangatwiran. Ngunit ang ating pinag-uusapan ay ang matatalinong nilalang, matino sa isip at sa katawan.

Kung gayon ang tao ay pinagkakatiwala ang kanyang di-nabubukid na ubasan sa kanyang tagapag-alaga: sa kanyang malayang kalooban, na magsisimulang bungkalin ito. Ang kaluluwa, ibig sabihin ang ubasan, ay may isang tinig at ginagawa ang malayang kalooban na marinig ito. Ito ay isang sobrenatural na tinig na tinutustusan ng sobrenatural na mga tinig na hindi kailanman ipinagkakait ng Diyos sa mga kaluluwa: ang tinig ng Tagapag-alaga, mga tinig ng mga espiritung pinadadala ng Diyos, ang tinig ng Karunungan, mga tinig ng sobrenatural na mga alaala na naaalaala ng bawat kaluluwa, bagama't ang tao ay wala eksaktong pandinig sa mga ito. At ang ubasan ay nagsasalita sa malayang kalooban, sa isang mabait at nangungusap na tinig, nakikiusap ito na siya ay adornohan ng mabubuting tanim, upang maging aktibo at marunong upang ito ay hindi sana maging isang mabangis, baog, nakalalasong palumpungan ng matitinik na palumpong, kung saan ang mga ahas at alakdan ay namumugad, ang mga lobo mayroon ng kanilang mga lupa at ang mga pusang-gubat at ang iba pang masasamang may-apat-na-paa na mga hayop ay may kanilang mga lungga.

Ang malayang kalooban ay hindi laging isang mabuting  tagapag-alaga. Hindi laging binabantayan nito ang ubasan at ipagsanggalang sa pamamagitan ng di-mararaanan na pilapil, ibig sabihin sa pamamagitan ng matatag na mabuting kalooban, tinatangka ang maprotektahan ang kaluluwa laban sa mga magnanakaw, sa mga parasito, sa lahat ng makapipinsalang bagay, sa malalakas na hangin na baka magawa ang maliliit na bulaklak ng mabuting mga kapasyahan na bumagsak kung kailan kasisimula pa lamang nitong mithiin. O! anong mataas na malakas na pilapil ang kinakailangan sa paligid ng puso upang mailigtas ito sa kasamaan! Gaano ang isa kailangan na magbantay upang hindi ito mabuwag, at walang sinuman ang makagawa ng malaking butas kung saan ang paglilibang ay makaraan, o tusong maliliit na butas, sa pundasyon ito, kung saan ang mga ahas ay makakagapang papasok: ang pitong kapital na mga bisyo! Gaano kinakailangan na mag-asarol, magsunog ng mga dawag, magpungos, mag-kanal, maglagay ng mga dumi ng hayop sa pamamagitan ng pagpapakahiya at pangalagaan ang sariling kaluluwa sa pamamagitan ng pagmamahal para sa Diyos at para sa ating kapwa. At kinakailangan na magbantay sa pamamagitan ng mulát na maniningning na mga mata at ng isip na gising-na-gising na ang usbong-na-baging na lumalabas na mabuti, ay hindi maging masama, at kung ito ang siyang mangyari, kailangan na ito ay alisin nang walang pag-aalinlangan. Isang tanim lamang, ngunit perpekto, ang mas mabuti kaysa maraming walang-silbi o nakapipinsalang mga tanim.

Tayo ay may mga puso, mayroon tayo kung gayon ng mga ubasan na laging inaalagaan, kung saan bagong mga baging ang itinatanim ng isang maluhong tagapag-alaga na nag-iipon ng bagong mga tanim: ibig niyang gawin ang gawain na ito at iyon, marami siyang mga idea, na ni hindi masasama, pagkatapos kalilimutan niya ang mga ito at ito ay magiging masama, bumabagsak ito sa lupa, manghihina at mamamatay... Ilan na mga birtud ang namamatay sapagkat inihahalo ito sa sensuwalidad, hindi ito inaalagaan, sapagkat, sa maikling pananalita, ang malayang kalooban ay hindi suportado ng pagmamahal! Gaano karaming magnanakaw ang pumapasok upang magnakaw, makialam sa mga bagay, mag-alis, sapagkat ang konsiyensya ng isa ay tulog sa halip na nagbabantay, sapagkat ang kalooban ng isa ay nawawalan ng lakas at nagiging marumi, sapagkat ang malayang kalooban ng isa ay natutukso, at bagama't malaya, ito ay nagiging isang alipin ng Kasamaan. Ngunit isipin! Ang Diyos ay ginawa itong malaya subalit ang malayang kalooban ay nagiging isang alipin ng masisimbuyong damdamin, ng kasalanan, ng kiling sa kasamaan, ng Kasamaan sa isang salita. Ang pagmamalaki, galit, kasakiman sa pera, kahalayan, ay una inihalo, pagkatapos nangibabaw sa mabubuting tanim!... Isang sakuna! Gaanong tagtuyot ang naroroon na pumapatay sa mga tanim, sapagkat ang mga tao ay hindi na nagdarasal, samantalang ang dasal ay pakikiisa sa Diyos, at kung gayon isang hamog na may pakinabang na mga katas para sa kaluluwa! Gaanong namuong hamog ang nagpapatigas sa mga ugat sa pamamagitan ng kakulangan ng pagmamahal para sa Diyos at sa ating kapwa! Gaanong di-kagandahan ng lupa, sapagkat ang mga tao ay ayaw maglagay ng dumi ng mga hayop ng pagpapakahiya at kababaang-loob! Gaanong pagkakasabid-sabid ng mabuti at masamang mga usbong ng baging, sapagkat ang isa ay walang lakas-ng-loob na maghirap inaalis kung ano ang makapipinsala! Iyan ang kalagayan ng isang kaluluwa na ang kaninong tagapag-alaga at tagapagbukid ay isang maluhong malayang kalooban na nakakiling sa Kasamaan.

Samantalang ang kaluluwa na ang kaninong malayang kalooban ay namumuhay sa isang may-kaayusang paraan – at kung gayon sumusunod sa Batas na ibinigay upang ang tao ay sana malaman kung ano ang kaayusan, papaano ito at papaano susundin ito – at makabayaning nagiging tapat sa Kabutihan, sapagkat ang Kabutihan ay naitataas ang tao at nagagawa siyang makatulad ang Diyos, samantalang ang Kasamaan ay nagagawa siyang brutal at katulad ng Dimonyo, ay isang ubasan na nahahamugan ng puro, masaganang may-pakinabang na mga tubig ng pananampalataya, tamang nalililiman ng mga punungkahoy ng pag-asa, napaiinitan ng araw ng karidad, nakokontrolan ng kalooban, napagulang ng pagpapakahiya, natatalian ng pagsunod, napupungusan ng lakas, nagagabayan ng katarungan, nababantayan ng karunungan at konsiyensya.  At ang Grasya ay lumalaki natutulungan ng labis na tulong. Ang Kabanalan ay lumalaki at ang ubasan ay nagiging isang magandang hardin, kung saan ang Diyos ay bumababa para sa Kanyang kasiyahan. Maliban na ang ubasan ay laging nananatiling isang perpektong hardin hanggang sa kamatayan ng nilikha, pinadadala ng Diyos sa mga anghel ang gawang iyan ng isang payag na mabuting malayang kalooban sa dakilang eternal na Hardin sa Langit.

Tiyak na gusto ninyo iyan para sa inyong mga sarili. Kung kaya't magbantay na ang Dimonyo, ang Mundo at ang Laman ay hindi tuksuhin ang inyong malayang kalooban at sirain ang inyong mga kaluluwa. Magbantay na mayroong pagmamahal sa inyo, ngunit hindi pagpapahalaga sa sarili, na pumapatay sa pagmamahal at naglalagay sa kaluluwa sa kapangyarihan ng iba't ibang sensuwalidad at kawalang-kaayusan. Maging mapagbantay hanggang sa katapusan at ang mga bagyo ay maaaring kayong mabasa nito ngunit hindi kayo nito masasaktan, at punó ng bunga pupunta kayo sa Panginoon para sa eternal na gantimpala

Nakatapos na Ako. Ngayon magnilay at magpahinga hanggang paglubog-ng-araw habang magreretiro Ako upang magdasal.

«Hindi, Guro. Hindi tayo kailangan na mag-antala sa pag-alis upang makarating sa kung saang bahay» sabi ni Pedro.

«Bakit? May panahon hanggang paglubog-ng-araw!» sabi ng marami.

«Hindi ko iniisip ang paglubog ng araw o ang tungkol sa Sabbath. Iniisip ko na sa loob ng isang oras ay magkakaroon ng malakas na bagyo. Nakikita ba ninyo ang maitim na hugis-dila na mga ulap na iyon na tumataas nang unti-unti mula sa mga kabundukan ng Samaria? At ang mga ulap na iyon na napakaputi at lumalapit nang mabilis mula sa kanluran? Ang isang mas mababang hangin ay hinihipan ang una, ang mas mataas na hangin hinihipan ang huli. Ngunit kapag sila ay nasa itaas na natin, ang mas mataas na hangin ay bibigay sa sirocco at ang maitim na mga ulap, puno ng ulang-yelo, ay bababa at makakasalubong ang puting mga ulap, puno ng kidlat, at pagkatapos makakarinig kayo ng ilang himig! Halina kayo, bilis! Ako ay isang mangingisda at nakakabasa ako sa kalangitan.»

Si Jesus ang unang sumunod at lahat sila ay umalis nang mabilis patungo sa mga sakahang-bahay sa kapatagan...

Sa tulay ay natagpuan nila si Judas na sumisigaw: «O! Aking Guro! Gaano akong naghirap nang wala Kayo! Papurihan ang Panginoon Na naggantimpala sa aking pagtitiyaga sa paghihintay para sa Inyo rito! Papaano tumakbo ang mga bagay sa Caesarea?»

«Kapayapaan sa iyo, Judas» maikling tugon ni Jesus at dagdag pa Niya: «Magsasalita tayo sa bahay. Halika, ang isang bagyo ay parating.»

Sa katunayan ang mga bugso ng hangin ay nagsisimula nang itaas ang mga ulap ng alikabok mula sa tuyong mga daan, ang kalangitan ay nagiging makulimlim sa pamamagitan ng mga ulap ng iba't ibang hugis at kulay, at ang ere ay dilaw at pinagliliwanag... At ang unang malalaki, maiinit, na kalat-kalat na mga patak ay nagsisimula nang bumagsak at ang unang kidlat ay gumuhit sa kalangitan, na ngayon ay halos madilim na...

Nagsimula silang tumakbo at tinataboy ng mithiin na huwag silang maligo, nakarating sila sa unang bahay nang, sa gitna ng atungal ng isang kidlat na bumagsak sa malapit, ang bugso ng ulan at ulang-yelo ay bumagsak sa lugar gumagawa ng malakas na amoy ng basang lupa at ng osono na nanggagaling sa walang-humpay na kidlat.

Sila ay pumasok at mabuti na lang ang bahay ay may mga portiko at pinamamahayan ng mga magbubukid na mga naniniwala sa Mesiyas. At nang may pagpitagan inanyayahan nila ang Guro na maging nasa tahanan kasama ang Kanyang mga kasamahan «na tila Siya ay nasa Kanyang sariling bahay. Ngunit itaas Ninyo ang Inyong kamay at paalisin ang ulang-yelo, dala ng awa para sa kanilang gawa» sabi nila nagsisiksikan sa paligid ni Jesus.

Si Jesus ay itinaas ang Kanyang kamay at pinagpapala ang apat na kardenal na sulok, at ang ulan lamang ang bumabagsak mula sa kalangitan upang matubigan ang mga lootan, mga ubasan, mga parang at upang mapadalisay ang mabigat na atmospera.

«Pagpalain nawa Kayo, Panginoon!» sabi ng ulo ng pamilya. «Pasok Kayo, aking Panginoon!»

At habang ang ulan ay pumapatak nang malakas, si Jesus ay pinapasok ang isang napakalaking silid, isang imbakan, at pagod katulad Niya, Siya ay naupo napalilibutan ng Kanyang mga apostol.

210111

 



Sunod na kabanata