427. Ang Pagpunta sa Kapatagan ng Esdraelon.

Mayo 6, 1946.

Maaaring nagpatuloy ang ulan nang buong araw kahapon at sa loob ng gabi, sapagkat ang lupa ay basang-basa at ang mga daan ay nagiging maputik. Ngunit kapalit nito ang atmospera ay malinaw, malaya sa alikabok sa lahat ng lebel. At ang kalangitan ay ngumingiti sa itaas doon, at nagmumukhang kasing sariwa at kasing linaw pagkatapos ng bagyo sa panahon ng tagsibol, at ang lupa din ay ngumingiti, mahamog, sariwa, malinis, nagpapaalaala ng tagsibol sa mapanatag na sariwang pagsikat-ng-araw. At ang huling mga patak ng ulan, nasa magkakasabid na dahon o nakabitin mula sa mga galamay-baging ay nagniningning katulad ng mga brilyante sa loob ng sikat ng araw, habang ang mga prutas na nahugasan ng malakas na ulan ay nagpapakita ng mga kulay ng kanilang mga balat, na ang pastel na mga kulay nito sa araw-araw ay nagiging ang perpektong mga kulay ng ganap na kagulangan. Ang mga olibo at mga ubas, matitigas at di pa rin hinog, ay humahalo sa berdeng kadahunan, ngunit ang bawat maliit na olibo ay may munting patak na nakabitin sa ilalim nito, at ang siksik na mga kumpol ng ubas ay katulad ng isang lambat-lambat ng munting mga patak nakabitin mula sa mga tangkay ng mga ubas.

«Kaaya-ayang maglakad ngayong araw!» sabi ni Pedro yumayapak nang malugod sa lupa na hindi maalikabok, hindi nambubugbog at hindi rin malusak.

«Tila nasisinghot mo ang kadalisayan. Ngunit tingnan ang kulay ng kalangitan!» si Judas Tadeo ay tumutugon sa kanya.

«At ang mga mansanas na iyon? Ang kumpol na iyon sa banda roon, nakapaligid lahat sa sangang iyon. Hindi ko malaman kung papaano nito nahahawakan ang bigat na iyon at lalabas mula sa masa ng mga prutas na may tungkos ng mga dahon. Gaano karaming mga kulay! Ang berde ng mga nakatago ay nagiging dilaw, ang iba ay nagiging pula, at ang dalawa na ganap na nakalantad ay ganap na pula kung saan tumatama ang sikat ng araw. Nagmumukha silang natatakpan ng panselyong waks!» sabi ng Zealot.

At naglalakad sila nang masaya pinagninilayan ang mga kagandahan ng sangnilikha hanggang si Tadeo, ginagaya kaagad ni Tomas at ng iba pa, ay nagsahimig ng isang salmo ipinagdiriwang ang paglilikhang kaluwalhatian ng Diyos.

Si Jesus ay ngumingiti nang Kanyang marinig na sila ay umaawit nang masayang-masaya at sumabay Siya sa koro sa pamamagitan ng Kanyang magandang tinig. Ngunit hindi Siya makatapos sapagkat ang Iskariote, habang ang iba ay nagpapatuloy sa pag-awit, ay nilapitan Siya at nagsabi: «Guro, habang sila ay abala at walang-pakialam umaawit, sabihin sa akin: papaano nakaraos ang paglalakbay patungo sa Caesarea at ano ang Inyong ginawa? Hindi pa Ninyo sinasabi sa akin... At ito ang unang sandali na tayo ay nag-iisa at makapag-uusap tungkol diyan. Sa una ay naroon ang ating mga kasamahan at ang mga disipulo at ang mga magbubukid na sumalubong sa atin, pagkatapos ang ating mga kasamahan at ang mga disipulo, ngayon na ang mga disipulo ay nauna na sa atin... Hindi ko magawang tanungin ko Kayo...»

«Interesadung-interesado ka... Ngunit sa Caesarea ay hindi Ko ginawa kung ano ang Aking gagawin sa lupain ni Johanna. Ako ay nagsalita tungkol sa Batas at tungkol sa Kaharian ng Langit.»

«Kanino?»

«Sa mga mamamayan. Malapit sa mga palengke.»

«Ah! Hindi sa mga Romano?! Hindi ba Ninyo sila nakita?»

«Papaano magiging posible na mapunta sa Caesarea, ang tirahang-lugar ng Prokonsul, at hindi makakita ng mga Romano?»

«Alam ko... Ngunit sinasabi ko... Bueno... Hindi Kayo nagsalita sa kanila nang personal?»

«Inuulit Ko: interesadung-interesado ka!»

«Hindi, Guro. Simpleng kausyosohan.»

«Bueno. Nagsalita Ako sa mga binibining Romano.»

«Kay Claudia din? Ano ang kanyang sinabi sa Inyo?»

«Wala, sapagkat si Claudia ay hindi nagpunta. Hindi, bagkus, ginawa niyang maintindihan Ko na ayaw niyang may ibang makaalam na siya ay nakikipagkita sa atin.»

Si Jesus ay labis na naglalagay ng diin sa pangungusap at masikap na pinagmamasdan si Judas, na bagama't isang makapal-ang-mukha na tao, ay nagbabago ang kulay, namumulang kaunti at pagkatapos namumutla.

Ngunit kaagad niyang napangibabawan ang sarili at nagsabi: «Ayaw niya? Hindi na niya Kayo hinahangaan? Siya ay galit?»

«Hindi. Hindi siya galit. Siya ay may maayos na balancing isip. Nakapagsasabi siya at naihihiwalay niya ang kanyang katungkulan bilang isang binibining Romano sa kanyang katungkulan sa kanyang sarili. At kung siya ay kumukuha ng liwanag at hininga para sa kanyang sarili, para sa kanyang kaluluwa, sa paglapit sa Liwanag at Kadalisayan, dahil siya ay isang nilikha na likas na naghahanap sa Katotohanan at hindi titigil sa kasinungalingan ng paganismo, hindi rin niya gustong maging makasasamâ sa kanyang Amangbayan, ni kahit na sa teoriya, na baka siya maging ganito kung iisipin ng mga tao na siya ay kumakampi sa posibleng kaagáw ng Roma...»

«O! ngunit... Kayo ay Hari ng espiritu!...»

«Ngunit kayong mga apostol, bagama't alam ninyo iyan, ay hindi ninyo makumbinsi ang inyong mga sarili na iyan ay totoo. Mapasisinungalingan mo ba iyan?»

Si Judas ay namumula ulit at pagkatapos namumutla, hindi siya makapagsisinungaling at nagsabi: «Hindi! Ngunit ito ay ang aming labis-labis na pagmamahal na...»

«Mas lalo na ang hindi nakakikilala sa Akin, ibig sabihin ang Roma, ang hindi magtitiwala sa Akin bilang isang kakompetensiya.

Si Judas ay hindi malaman kung ano ang kanyang sasabihin. Hihiwalay na sana siya sa Guro. Ngunit ang pag-uusyoso ay tinataboy siya muli. Kaysa pag-uusyoso ito ay ang mithiin na malaman kung gaano ang nalalaman ng Guro... at siya ay nagtanong: «Sila ba ay naghanap para sa akin?»

«Ni hindi para sa iyo o para sa kahit sinong apostol.»

«Ano ang inyong pinag-usapan kung gayon?»

«Tungkol sa basal na pamumuhay. Tungkol sa kanilang makatang si Virgil. Nakikita mo na ang paksa ay hindi kinagigiliwan nina Pedro, Juan o sino pa mang iba.»

«Ngunit ano kinalaman nito doon? Isang walang-kabuluhang pag-uusap...»

«Hindi. Natutulungan Ako nito na isipin nila na ang isang basal na tao ay may maningning na katalinuhan at may isang tapat na puso. Nakagaganyak nang labis para sa mga binibining pagano... at hindi lamang para sa kanila.»

«Tama Kayo... hindi ka na Kayo aabalahin pa, Guro» at halos tumakbo siya upang samahan ang mga nakatapos na sa pag-awit at mga naghihintay para sa dalawang nahuhuli...

Si Jesus ay sinamahan sila nang unti-unti at sinabi Niya: «Ating kunin ang landas na iyon sa loob ng kakahuyan. Mapaiikli natin ang paglalakbay at malililiman tayo sa araw na nagsisimula nang lumakas. Makatitigil din tayo sa kakapalan ng kakahuyan at makakakain sa kapayapaan.»

At ginawa nila ito nagpapagawing hilagang-kanluran, patungo sa lupain ni Johanan, sapagkat naririnig ko silang nag-uusap tungkol sa mga magbubukid ng Pariseong iyon...

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus: «At ilalagay mo rito ang bisyon ng ika 16 ng Hunyo 1944: Si Jesus, ang bumagsak na pugad at ang Pariseo.»

220111

 

 



Sunod na kabanata