428. Ang Bumagsak na Pugad at ang eskriba na si Johanan ben Zaccai.

Hunyo 16, 1944. Pagkatapos, 10:30 n.u.

Nakikita ko si Jesus nakasuot ng puting tunika na ang Kanyang madilim-na-asul na manta nakasampay sa Kanyang balikat, habang Siya ay naglalakad nang nag-iisa sa isang makahoy na landas. Ito ay makahoy sapagkat may mga punungkahoy dito at mga palumpong sa tigkabilang tabi. Ang makikipot na daanan ay pumapasok sa berdeng pagkakasabid-sabid, ngunit hindi ito isang nangungulilang lugar na malayo sa kahit anong nayon, dahil madalas silang makasalubong ng ibang mga tao. sasabihin ko na ito ay ang daan na nagkakabit sa dalawang nayon na magkalapit, dumaraan sa mga bukid ng mga taga-nayon. Ang kabukiran ay patag, at mga bundok ang makikita sa malayo. Hindi ko alam kung ano ang lugar na ito.

Si Jesus, Na nagsasalita sa Kanyang mga disipulo, ay tumigil at nakikinig, tumitingin sa kapaligiran. Pagkatapos kinuha Niya ang isang maliit na landas sa loob ng palumpungan at nagpatuloy patungo sa isang malaking grupo ng maliliit na punungkahoy at mga palumpong. Siya ay yumuyuko at naghahanap. At nakita Siya. May isang pugad sa damuhan. Hindi ko alam kung ito ay naibagsak ng isang bagyo, katulad na maaaring isipin ng isa gawa ng basang lupa at ng mga sangang may tumutulo pang mga tubig, na pangkaraniwang pagkatapos ng isang bagyo, o kung may nakialam na sinuman sa pugad at iniwan ito doon, upang hindi siya mahuling hawak ng kanyang kamay ang mga sisiw. Hindi ko alam. Nakikita ko lamang ang isang maliit na pugad na gawa sa mga dayami at punó ng tuyong mga dahon, balahibo ng mga tanim at ng lana, sa gitna nito kung saan ang limang sisiw, mga limang araw pa lamang ang gulang, ay lumilikot at sumisiyap: sila ay mapula-pula, walang mga balahibo, kung baga pangit tingnan dahil sa kanilang lubos na nakabukang mga tuka at umuusling mga mata. Sa itaas, sa isang punungkahoy, ang kanilang mga magulang ay tumitili nang husto.

Si Jesus ay pinulot nang maingat ang maliit na pugad. Hinahawakan Niya ito sa uka ng Kanyang kamay at hinahanap Niya ang lugar kung nasaan ito dati o kung saan ito maaaring ilagay nang ligtas. Nakakita Siya ng sabid-sabid na matitinik na tanim siksik-na-siksik na ito ay nagmumukhang isang maliit na basket, at nasa pinaka-ilalim ng palumpong na ito ay ligtas. Nang hindi pinapansin ang mga tinik na gumagalos sa Kanyang mga braso, pagkatapos na maiabot ang pugad kay Pedro – at ang apostol napaka maedad at malaki ang katawan ay nagmumukhang katawa-tawa hawak ang maliit na pugad sa kanyang maikling magaspang na mga kamay – nililis ni Jesus ang Kanyang malapad na mga manggas at nagtrabaho upang maging mas korteng-malukong ang sabid-sabid na mga sanga at kung gayon mas ligtas. Ito ay natapos. Kinuha Niya ang pugad at inilagay ito sa palumpong at pinatatag ito sa pamamagitan ng paghila ng mahahabang silindrikal na mga dahon ng damo na nagmumukhang katulad ng napakanipis na mga tambo. Ang pugad ay ngayon ligtas na. Si Jesus ay tumayo sa tabi at ngumingiti. Pagkatapos Kanyang ginawa ang isang apostol, na sukbit ang kanyang sako sa kanyang balikat, na bigyan Siya ng isang piraso ng tinapay at dinurog Niya ang ilan sa lupa, sa ibabaw ng isang bato. Si Jesus ngayon ay masaya na. Siya ay tumalikod upang bumalik sa pinakadaan habang ang mga ibon ay lumilipad pababa sa nailigtas na pugad tumitili sa tuwa.

Ang isang maliit na grupo ng mga kalalakihan ay nakatayo sa tabi ng daan. Si Jesus ay natagpuan silang nakaharap sa Kanya at tinitingnan sila. Ang Kanyang ngiti ay naglaho at ang Kanyang mukha ay naging mahigpit-na-mahigpit, sasabihin ko na malamlam, habang ito ay napakamaawain nang Kanyang pinupulot ang pugad at masayang-masaya nang Kanyang naayos ito nang ligtas.

Si Jesus ay tumigil. At nagpapatuloy Siyang tingnan ang Kanyang di-inaasahang mga saksi. Tila tinitingnan Niya ang kanilang mga puso kasama ang kanilang lihim na mga iniisip. Hindi na Siya makapagpatuloy nang malayo pa sapagkat ang grupo ay hinarangan ang landas. Ngunit Siya ay tahimik.

Ngunit si Pedro ay hindi nananahimik. «Hayaan ang Guro na makaraan» sabi niya.

«Manahimik, Nazareno» tugon ng isa sa grupo. «Papaano ang iyong Guro nagkaroon ng karapatan na pumunta sa aking kakahuyan at gumawa ng manwal na pagtrabaho sa araw ng Sabbath?»

Si Jesus ay tinitingnan siyang tuwiran nang may kakaibang ekspresyon. Ito ay isang ngiti at hindi isang ngiti. At kung ito ay isang ngiti ito ay hindi isang pagsang-ayon. Si Pedro ay tutugon na sana. Ngunit si Jesus ay nagtanong: «Sino ka?»

«Ang may-ari ng lugar na ito. Si Johanan ben Zaccai.»

«Isang kilalang eskriba. Para saan mo Ako kinagagalitan?»

«Para sa paglapastangan sa Sabbath.»

«Johanan ben Zaccai, nalalaman mo ba ang Deuteronomio?»

«Ako ba ay tinatanong Mo? Ako, isang totoong rabbi ng Israel?»

«Alam Ko kung ano ang gusto mong sabihin sa Akin: na Ako, dahil hindi Ako isang eskriba, bagkus isang kaawa-awang Galilean, ay hindi maaaring maging isang “rabbi”. Ngunit tinatanong kitang muli: “Nalalaman mo ba ang Deuteronomio?»

«Siguradong mas mabuti pa kaysa sa nalalaman Mo.»

«Hanggang sa pinaka-letra... sigurado, kung ganyan ang ibig mong isipin. Ngunit nalalaman mo ba ito sa totoong ibig-sabihin nito?»

«Kung ano ang nasabi ay nasabi na. Mayroon lamang bagkus iisang ibig-sabihin.»

«Totoo, mayroon lamang bagkus isang ibig-sabihin. At ito ay isang ibig-sabihin ng pagmamahal; o, kung ayaw mong tawagin ito na pagmamahal, ng awa; o kung naiinis kang tawagin ito nang ganyan, sabihin: ng pagka-makatao. At ang Deuteronomio ay nagsasabi: “Kung makita ninyo ang tupa o ang baka ng inyong kapatid na naliligaw, kahit na kung ito ay hindi malapit, hindi kayo lalayas, bagkus dadalhin ninyo ito sa kanya, o itatago ninyo hanggang sa hanapin niya ito”. Ito ay nagsasabi: “Kung makita ninyo ang asno o ang baka ng inyong kapatid na bumagsak, huwag magkunwari na hindi ninyo nakita, bagkus tulungan siyang maitayo itong muli”. Ito ay nagsasabi: “Kung sa isang punungkahoy o sa lupa nakakita kayo ng isang pugad na ang ina ay nakaupo sa mga sisiw o sa mga itlog, kailangan na huwag ninyong kukunin ang ina (sapagkat siya ay sagrado sa panganganak) maaari ninyong kunin ang mga sisiw lamang”. Nakakita Ako ng pugad sa lupa at ang ina iniiyakan ito. Ako ay naawa sa kanya sapagkat siya ay isang ina. At Aking ibinalik ang kanyang mga anak sa kanya. Hindi sa palagay Ko nilalapastangan Ko ang Sabbath sa pagpapaginhawa sa ina. Hindi natin dapat gawin na maligaw ang mga tupa ng ating kapatid, ngunit ang Batas ay hindi nagsasabi na isang kasalanan ang itayong muli sa sariling mga paa nito ang isang asno sa araw ng Sabbath. Sinasabi lamang nito na tayo ay kailangan na may awa sa ating kapatid at magkaroon ng pagkatao para sa asno, isang nilikha ng Diyos. Inisip Ko na ang Diyos ay nilikha ang inang iyon upang siya ay sana manganak, at na kanyang sinunod ang utos ng Diyos, at na ang pumigil sa kanya sa pagpapalaki ng kanyang mga anak ay ang makialam sa kanyang pagsunod sa isang dibinong utos. Ngunit hindi mo naiintindihan iyan. Ikaw at ang iyong mga kaibigan ay tinitingnan ang letra, hindi ang espiritu. Ikaw at ang iyong mga kaibigan ay hindi tinitingnan na nalalabag ninyo ang Sabbath nang dalawang beses, hindi lang, bagkus, tatlong beses, sa pagpapababa sa dibinong Salita na ito ay maging isang hamak na pagkataong mentalidad, sa pakikialam sa isang utos ng Diyos at sa pagkukulang ng awa sa inyong kapwa. Upang makapanakit sa pamamagitan ng isang paninita, hindi mo tinitingnan na hindi tama ang magsalita nang hindi naman kinakailangan. Ito, na isang pagtatrabaho rin, ngunit wala ring pakinabang, o ito ay kinakailangan, o ito ay mabuti, ay tila hindi isang panlalapastangan sa Sabbath sa iyo. Johanan ben Zaccai, makinig sa Akin. Dahil sa araw na ito wala kang awa sa isang ibon na blackcap at ayon sa pagsasabuhay ng mga Pariseo pababayaan mo siyang mamatay sa pamimighati, at pababayaan mong mamatay nang kaawa-awa ang kanyang mga anak, pinababayaan sa awa ng mga ahas o masasamang tao, gayon din naman bukas hindi ka magkakaroon ng awa sa isang ina at gagawin mo siyang mamatay nang kaawa-awa at magagawa mong patayin ang kanyang mga anak, nagsasabing tama na gawin ito dala ng pagrespeto sa inyong batas. Sa inyong batas, hindi sa batas ng Diyos. Sa batas na ginawa mo at ng mga katulad mo upang masiil ang mahihina upang kayo, ang malalakas, ay sana magtagumpay.  Ngunit tingnan. Ang mahihina ay laging nakakakita ng isang tagapagligtas. Samantalang ang mapagmalaki, ang mga malalakas ayon sa batas ng mundo, ay dudurugin sa ilalim ng bigat ng kanilang sariling mabigat na batas. Paalam, Johanan ben Zaccai. Tandaan ang oras na ito at mag-ingat na huwag mong malapastangan mismo ang isa pang Sabbath sa pamamagitan ng kasiyahan sa pagkagawa ng isang krimen.»

At si Jesus ay binigyan ng isang nanunuligsang sulyap ang magagalitin na matanda, na ang kaninong mukha ay namumula sa galit, at tinitingnan siya nang pababa, sapagkat ang eskriba ay pandak at si Jesus ay tila isang puno ng palmera kompara sa kanya, at lumampas Siyang naglalakad sa damuhan sapagkat ang eskriba ay ayaw na magparaan.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ibig Kong itaas ang iyong espiritu sa pamamagitan ng isang totoong bisyon, kahit na kung ito ay hindi binabanggit sa mga Ebanghelyo.

Ito ang leksiyon para sa iyo: na Ako ay may labis na awa sa maliliit na ibon na walang mga pugad, kahit na kung ang pangalan sa halip na pagiging blackcap, ay Maria o Juan. At inaasikaso Ko na mabigyan sila ng isang pugad muli, kung ang isang pangyayari ay napagkaitan sila nito.

At ito ang leksiyon para sa lahat: Na napakarami ang nakaaalam sa mga salita ng Batas, napakarami pa rin bagama't kakaunti sila, sapagkat ang lahat ay kailangan na nalalaman ang mga ito, ngunit ang nalalaman nila ay ang “mga salita” lamang. Hindi nila isinasabuhay ang mga ito. Iyan ang pagkakamali.

Ang Deuteronomio ay nagpapanuto ng makataong mga batas, sapagkat ang mga tao noong mga araw, dahil sa kanilang espirituwal na kabataan, ay mga brutal at medyo mababangis. Kailangan nilang akayin ng kamay sa mabulaklak na mga landas ng awa, paggalang, pagmamahal para sa kapatid na nawalan ng isang hayop, para sa hayop na bumagsak, para sa ibon na nakaupo sa mga itlog, upang maturuan silang tumaas sa mas mataas na awa, paggalang, pagmamahal. Ngunit nang Ako ay dumating penerpekto Ko ang Mosaic na mga alituntunin at nagbukas Ako ng mas malalawak na orisonte. Ang letra ay hindi na ang “lahat”. Ang espiritu ay naging ang “lahat”. Sa itaas ng maliit na pagkataong pagkilos para sa isang pugad at sa mga nakatira rito, kinakailangan na tingnan ang lihim na ibig-sabihin ng Aking pagkilos: na Ako, ang Anak ng Tagapaglikha, ay yumuyuko sa harapan ng gawa ng Tagapaglikha. Ang mga sisiw na iyon ay Kanya ring gawa.

O! masaya ang mga nakakakita sa Diyos sa lahat na bagay at naglilingkod sa Kanya nang may espiritu ng mapitagan na pagmamahal! At kapahamakan sa mga, na katulad ng isang ahas, ay hindi maitaas ang kanilang mga ulo sa ibabaw ng kanilang karumihan at sa dahilan na hindi nila maawit ang mga papuri sa Diyos, Na ibinubunyag ang Sarili sa gawa ng kanilang mga kapatid, tinutuklaw nila sila dahil sa kalabisan ng lason na bumabara sa kanilang lalamunan. Napakarami ang nagpapahirap sa mas nakabubuti nagsasabi na, upang mapangatwiranan ang kanilang kasamaan, tamang gawin iyon dala ng paggalang sa batas. Kanilang batas. Hindi ng batas ng Diyos. Ngunit kung ang Diyos ay hindi mapatigil ang kanilang masasamang gawain, maipaghihiganti Niya ang Kanyang “maliliit”.

At gawing maibigay ito sa mga nararapat nito. Harinawang ang Aking mapagbantay na Kapayapaan ay mapasaiyo.»

230111

 

 



Sunod na kabanata