429. Ang Paglalakbay sa Kapatagan ng Esdraelon Nagpapatuloy.

Mayo 6, 1946.

Pagkatapos ng nangyari sila ay nagpatuloy sa paglalakad nang matagal-tagal sa katahimikan. Ngunit nang sila ay makarating sa isang sangandaan sa kabukiran, si Santiago ni Zebedeo ay nagsabi: «Naririto na tayo! Ang daan na ito ay magdadala sa atin sa bahay ni Micah... Ngunit... tayo ba ay pupunta pa roon? Ang taong iyon ay tiyak na maghihintay sa atin sa sakop ng kanyang ari-arian upang tayo ay kanyang maltratuhin...»

«At upang mapigilan Kayo sa pagsasalita sa mga magbubukid. Tama si Santiago. Huwag pumunta roon» payo ng Iskariote.

«Sila ay naghihintay para sa Akin. Nagpahatid Ako ng salita na Ako ay pupunta roon. Ang kanilang mga puso ay nagbubunyi. Ako ay ang Kaibigan Na darating upang paginhawahan sila...»

«Makakapunta Kayo sa ibang oras. Tatanggapin nila ito» sabi ni Judas kinikibit ang kanyang mga balikat.

«Hindi mo tatanggapin sa sarili nang napakadali ang ganito kapag ikaw ay napagkaitan ng isang bagay na iyong inaasahan.»

«Ang aking mga alalahanin ay seryosong mga bagay. Ang kanila...»

«At ano pa ang mas seryoso o mas malaki kaysa sa pagpeperpekto at kaginhawahan ng isang puso? Ang lahat ay nagsisikap na maihiwalay ang mga pusong iyon sa kapayapaan at pag-asa... At sila ay bagkus may iisang pag-asa: ang pag-asa sa isang hinaharap na buhay. At sila ay bagkus may iisang pamamaraan lamang upang makarating doon: ang Aking tulong. Hindi. Pupunta Ako roon kahit Ako man ay batuhin.»

«Hindi, Kapatid! Hindi, Panginoon!» sabing magkasabay ng Zealot at ni Santiago ni Alfeo. «Magsisilbi lamang ito na maparusahan ang kaawa-awang mga katulong na iyon. Hindi Ninyo siya napakinggan, ngunit si Johanan ay nagsabi: “Magpahanggang ngayon pinababayaan ko ang sitwasyon, ngunit hindi ko na gagawin ito. At kapahamakan ang darating sa katulong na pupunta sa Kanya o tatanggap sa Kanya. Siya ay isang imbi at isang dimonyo. Ayaw ko ng kabulukan sa loob ng aking pamamahay”, at sinabi niya sa isang kasama: “Kahit na kung kailangan kong patayin sila, mapapagaling ko sila sa kanilang pagkadimonyong pagkakakabit sa isinumpang taong iyon”.»

Si Jesus ay iniyuko ang Kanyang ulo nag-iisip... at naghihirap. Ang Kanyang pamimighati ay kitang-kita... Ang iba ay nalulungkot, ngunit ano ang kanilang magagawa?

Ang sitwasyon ay nabigyan ng kalutasan sa pamamagitan ng kapanatagan ni Tomas: «Ganito ang ating gawin. Mananatili tayo rito hanggang paglubog ng araw, upang hindi malabag ang Sabbath. Pansamantala ang isa sa atin ay pupunta nang patago sa isa sa mga bahay at magsasabi: “Sa kalaliman ng gabi, sa pontanya sa labas ng Sephoris”. At tayo ay pupunta roon pagkatapos ng paglubog-ng-araw at maghihintay para sa kanila sa loob ng mga palumpungan sa paanan ng bundok kung saan naroroon ang Sephoris. Ang Guro ay magsasalita sa mga kaawa-awang taon iyon at pagiginhawahan sila, at sa pagsikat-ng-araw babalik sila sa kani-kanilang mga bahay at tatawirin natin ang burol at pupunta sa Nazareth.»

«Tama si Tomas. Bravo Tomas!» sabi ng marami.

Ngunit si Felipe ay nagwika: «At sino ang pupunta at magsasabi sa kanila? Kilala nila ang bawat isa sa atin at baka makita nila tayo....»

«Si Judas ni Simon ay makalalakad. Kilalang-kilala nila ang mga Pariseo...» may kamangmangan na sabi ni Andres.

«Ano ang ibig mong palabasin?» tugon ni Judas nang agresibo.

«Ako? Wala. Ang sinasabi ko ay na kilala mo sila sapagkat matagal-tagal kang nasa Templo at may mabubuting kaibigan ka roon. Lagi mong ipinagyayabang ang tungkol sa kanila. Hindi sila gagawa ng kapinsalaan sa isang kaibigan...» sabi ng mababang-loob na si Andres.

«Huwag ninyong paniwalaan iyan, kahit kailan. Walang sinuman ang dapat na maniwala diyan. Kung tayo pinoprotektahan pa ni Claudia, baka... magagawa ko... ngunit hindi ngayon. Sapagkat ngayon, sa maikling pananalita, hiniwalay na niya ang kanyang sarili, hindi ba, Guro?»

«Si Claudia ay patuloy na hinahangaan ang Marunong na Tao. Wala siyang ginawang iba o mahigit pa riyan. Mula sa gayong paghanga baka makaraan siya patungo sa paniniwala sa totoong Diyos. Ngunit tanging ang ilusyon lamang ng isang balisang isip ang makapaniniwala na may mga pakiramdam siyang iba para sa Akin. At kung mayroon man siya nito, ayaw Ko ng mga ito. Matatanggap Ko ang kanilang pagiging pagano, sapagkat umaasa Akong mababago Ko ito sa pagiging pananampalatayang Kristiyano. Hindi Ko matatanggap kung ano ang idolatriya sa kanila: ibig sabihin, ang pagsamba sa isang kaawa-awang estatuwang Tao sa kaawa-awang pantaong trono.» sabi ni Jesus nang kalmanteng na tila nagsasalita Siya sa lahat tinuturuan sila. Ngunit Siya ay di-mapag-aalinlanganan na mapagdududahan ang Kanyang intensiyon at ang Kanyang pasya na pigilan ang bawat posibleng paglisya patungo sa direksiyon na iyan sa pagitan ng Kanyang mga apostol.

Wala kung gayon ang tumutugon tungkol sa pantaong pagkahari, ngunit sila ay nagtatanong: «Kung gayon ano ang ating gagawin para sa mga magbubukid?»

«Ako ang pupunta. Ako ang nagmungkahi, ako ang pupunta, kung pahihintulutan ako ng Guro.  Ang mga Pariseo ay tiyak na hindi nila ako kakainin...» sabi ni Tomas.

«Makakalakad ka. At sana ang iyong karidad ay pagpalain.»

«O! Ito ay walang kuwenta, Guro!»

«Iyan ay malaking bagay, Tomas. Naiintindihan mo ang mithiin ng iyong mga kapatid: ni Jesus at ng mga magbubukid, at nalulungkot ka para sa kanila. At ang iyong Kapatid sa laman ay pinagpapala ka rin sa katauhan nila» sabi ni Jesus nagpapatong ng isang kamay sa nakababang ulo ni Tomas, na labis na naaantig ang damdamin at bumubulong: «Ako... Inyong...kapatid?! Ito ay napakalaking karangalan, aking Panginoon. Ako Inyong lingkod, Kayo aking Diyos... Iyan oo... lalakad ako.»

«Lalakad ka ba nang nag-iisa? Sasama din ako!» sabi nina Tadeo at Pedro.

«Hindi. Napakamabiglain mo. Magagawa ko ang lahat na maging isang katatawanan... ang pinakamagandang pamamaraan na desarmahan ang ilang... mga klase ng tao. Nagagalit ka kaagad... Lalakad akong mag-isa.

«Sasama ako» sabi nina Juan at Andres.

«Oo! Isa sa inyo, oo, isa ring katulad ni Simon Zealot o ni Santiago ni Alfeo.»

«Hindi. Hindi ako kailanman gumaganti. Nananahimik ako at kumikilos» pagpilit ni Andres.

«Halika» at sila ay umalis patungo sa isang direksiyon habang si Jesus at ang mga naiwan na kasama Niya ay nagpatungo sa kabila...

310111

 

 



Sunod na kabanata