43. Kongklusyon ng Pribadong Pamumuhay.

Hunyo 10, 1944.

mary sinab

¹Sinasabi ni Maria:

«Bago ibigay ang mga kuwadernong ito, ibig Kong idagdag ang Aking pagpapalà.

Ngayon, tanging kung gugustuhin mo lamang, sa pamamagitan ng kaunting pasyensiya, magkakaroon ka ng isang kumpletong koleksiyon ng pribadong pamumuhay ng Aking Jesus. Mula sa Anunsiyasyon hanggang sa sandali na iniwan Niya ang Nazareth upang simulan ang Kanyang pampublikong pamumuhay, mayroon ka hindi lamang ng mga diktasyon, bagkus ng mga pagpapaliwanag sa mga nangyari na sumabay sa pampamilyang pamumuhay ni Jesus.

Ang kasanggulan, ang kamusmusan, ang kabataan at pagbibinata ng Aking Jesus ay panandalian lamang na binanggit sa kalakhang larawan ng Kanyang pamumuhay katulad ng nababanggit ito sa mga Ebanghelyo. Doon Siya ay isang Guro. Dito Siya ay ang Tao. Siya ay ang Diyos Na pinabába ang Sarili alang-alang sa tao. ²At gumagawa rin Siya ng mga himala sa kaabahan ng isang pangkaraniwang pamumuhay. Ginawa Niya ang mga ito sa Akin, sapagkat naramdaman Ko na ang Aking kaluluwa ay narating ang perpeksiyon nito sa kontakto ng Aking Anak na lumalaki sa loob ng Aking sinapupunan. Ginawa Niya ang mga ito sa loob ng bahay ni Zachariah sa pagpapabanal kay Juan Bautista, sa pagtulong sa paghihirap sa panganganak ni Elizabeth at sa pagbigay muli ng pananalita at pananampalataya kay Zachariah. Ginawa Niya ito kay Jose binubuksan ang kanyang espiritu sa liwanag ng gayong kadakilang katotohanan na hindi niya maintindihan nang siya lamang mismo, bagamat siya ay makatarungan. ³At pagkatapos Ko, si Jose ang pinaka pinagpala sa pag-ulan na ito ng dibinong mga regalo.

Tingnan kung gaanong progreso ang kanyang nagawa, ang ibig Kong sabihin espirituwal na progreso, mula sa sandaling pumunta siya sa Aking bahay hanggang sa sandali ng pagtakas patungo sa Ehipto. Sa simula siya ay bagkus isang tao lamang ng kanyang mga panahon. Pagkatapos sa pamamagitan ng magkakasunod na hakbang, siya ay naging ang makatarungang tao ng mga panahon ng Kristiyano. Nagkaroon siya ng pananampalataya sa Kristo at umasa siya nang ligtas-na-ligtas sa pananampalatayang iyon na mula sa pangungusap na binitiwan niya sa simula ng paglalakbay mula sa Nazareth hanggang sa Bethlehem: “Ano ang ating gagawin?”, isang pangungusap na nagbubunyag ng kabuuan ng isang tao dala ang kanyang pantaong mga kinatatakutan at ng kanyang pantaong mga alalahanin, siya ay nakalampas patungo sa pag-asa. Sa gruta, bago ang panganganak, sinabi niya: “magiging mas mabuti na bukas”. Si Jesus Na parating na noon ay pinalakas siya sa pamamagitan ng pag-asa na ito na isa sa pinaka mariringal na regalo ng Diyos. At mula sa pag-asa na ito, noong siya ay napabanal sa pagkahipo kay Jesus, umunlad siya sa pangangahas. Ginusto lagi niyang nagagabayan Ko siya dahil sa mapagpitagang pagrespeto na nararamdaman niya sa Akin. Ngayon nakapag-iisa na siya kapwa sa espirituwal at materyal na mga bagay, at bilang ulo ng Pamilya, nagpapasya siya kapag may isang disisyon na kailangang gawin. Hindi lamang, bagkus sa masasakit na oras ng aming pagtakas, pagkatapos na ang maraming buwan ng pakikiisa sa Dibinong Anak ay napuno siya ng kabanalan, siya ito na nagpapaginhawa sa Aking paghihirap at nagsasabi sa Akin: “Kahit na kung wala na tayong iba pa, laging nasa atin ang lahat, sapagkat mapapasaatin Siya”.

⁴Ang Aking Jesus ay ginagawa ang Kanyang mga himala ng grasya sa mga pastol. Ang Anghel ay pumupunta kung saan pumupunta ang pastol, na ang kaninong panandaliang pakikipagkita sa Akin ay nalantad siya sa Grasya at dinala siya sa Grasya na sana siya ay mailigtas Nito para sa eternal na buhay.

Ginagawa Niya ang himala saan man Siya maparaan, kapwa noong nasa pagkakapatapon at noong nakabalik Siya sa Kanyang maliit na kabukiran sa Nazareth. Sapagkat saan man Siya naroroon, ang kabanalan ay kumakalat katulad ng langis sa isang linen na materyal at ng pabango ng mga bulaklak sa ere, at maging sinuman ang maapektuhan nito, kung siya ay hindi isang dimonyo,  ay nananabik para sa kabanalan. Saan man may pananabik, ay naroon ang ugat ng eternal na buhay, sapagkat ang sinuman na magkagusto na maging mabuti ay mararating ang kabutihan at ang kabutihan ay naghahatid sa Kaharian ng Diyos.

⁵Nasa iyo na ngayon ang banal na Pagkatao ng Aking Anak,  nakikita sa pamamagitan ng mga detalye na sumasalamin sa iba't ibang mga sandali,  mula sa simula hanggang sa katapusan. At kung sa palagay ni Padre M. mapakikinabangan ito, makokolekta niya ang iba't ibang mga episodyo sa isang yunit nang may-kaayusan, nang wala kahit anong patlang.

Maibibigay sana namin sa iyo ang lahat sa isang bagsakan lamang. Ngunit napagpasyahan ng Kahinahunan na mas mabuti na ang ganito. Alang-alang sa iyo, Aking mahal na kaluluwa. Sa pamamagitan ng mga diktasyon naibigay namin sa iyo ang gamot para sa mga sugat na maipararanas sa iyo. Binigay namin ito sa iyo nang abante, upang maihanda ka. Sa loob ng isang pag-ulan ng yelo tila walang maaaring makapagpoprotekta sa iyo. Ngunit hindi ito ganito. Ang pagkatao, na natutulog sa ilalim ng espirituwal na mga tubig, ay nagagawang lumutang gawa ng bagyo, na nagpapalutang din sa mga batong-hiyas ng isang sobrenatural na doktrina. Ang mga batong-hiyas na iyan ay bumagsak sa inyong mga puso at ito ay naghihintay lamang para sa bagyo upang sila ay sana lumitaw muli sa ibabaw at sabihin sa iyo: “Kami ay naririto rin. Huwag mo kaming kalimutan”.

Mahigit pa rito, Aking mahal na kaluluwa, ang paraan na ito ay hindi lamang plinano ng Probidensiya, ito ay ibinasi rin sa kabaitan. Sa iyong kasalukuyan na kawalang-sigla, papaano mo posibleng napanood at napakinggan ang ilang mga diktasyon? Nasugatan ka sana nito hanggang sa hindi ka na makapagpatuloy pa sa iyong misyon ng bilang “bunganga”. Iyan kung bakit binigay namin sila nang una, iniiwasan na madurog ang iyong puso, sapagkat kami ay mabait, at ginagamit namin ang mga bisyon at mga salita na bagay sa iyong mga paghihirap, upang ang iyong kapighatian ay hindi lumago sa pagiging pahirap. Sapagkat kami ay hindi malupit, Maria. At lagi kaming kumikilos upang sana tumanggap kayo ng kaginhawahan mula sa amin, hindi pagkadismaya at lumaking kapighatian. Ang tanging kailangan lang namin ay na kami ay inyong pagkatiwalaan. Sapat na kung sasabihin ninyo kasama si Jose: “Kung si Jesus ay iniwan sa amin, nasa amin ang lahat” at kami ay darating na may makalangit na mga regalo upang paginhawahan ang inyong mga espiritu.

⁶Hindi Ako nangangako sa iyo ng pantaong mga regalo o pantaong kaginhawahan. Pinangangako Ko sa iyo ang gayon ding mga konsolasyon na nagkaroon si Jose: sobrenatural na mga konsolasyon. Sapagkat, kailangan na malaman ng lahat, ang mga regalo ng mga Mago, sa mahigpit na pangangailangan ng mahihirap na repuhiyado, ay nawalang kasing bilis ng kidlat noong bumili kami ng isang matitirahan at ng kinakailangang mga gamit lamang sa bahay para mabuhay, at ang pagkain na kinakailangan din para mabuhay at na mabibili lamang sa pamamagitan ng pinagkukunan ng pambili na iyon, hanggang sa kami ay makakita ng trabaho.

Ang mga komunidad ng Hudyo ay laging nagkakatulungan. Ngunit ang komunidad na naipon sa Ehipto ay halos naporma nang mga inuusig na mga repuhiyado, na kung gayon ay halos kasing dukha namin, na dumating upang sumama sa kanila. At ang kaunting bahagi ng kayamanan na iyon, na aming pinananabikan na maitabi para sa aming Jesus kapag malaki na Siya, at ang aming itinabi mula sa aming panggastos sa pananatili sa Ehipto, ay lubos na mapapakinabangan sa aming pagbabalik at tanging sapat lamang para maisaayos muli ang aming bahay at ang talyer sa Nazareth pagbalik namin. Sapagkat ang panahon ay nagbabago, ngunit ang pantaong kasakiman ay laging pareho pa rin at sinasamantala nito ang pangangailangan ng ibang mga tao upang masipsip ang bahagi nila sa pinaka grabeng pamamaraan.

Hindi. Ang katotohanan na nasa amin si Jesus ay hindi sa amin nakakuha ng kahit anong materyal na kayamanan. Marami sa inyo ay iyan ang inaasahan, sa kabila ng katotohanan na sila ay halos hindi nakakaisa si Jesus. Nakakalimutan nila ang sinabi Niya: “Ilagay ninyo ang inyong mga puso sa mga bagay ng espiritu”. Ang lahat na iba pa ay hindi na kinakailangan. Ang Diyos ay naglalaan din ng pagkain. Para sa mga tao pati na rin sa mga ibon. Sapagkat nalalaman Niya na nangangailangan kayo ng pagkain habang ang inyong laman ay ang tabernakulo ng inyong kaluluwa. Ngunit una sa lahat humingi ng Kanyang grasya. Una sa lahat humingi ng para sa inyong espiritu.  Ang iba pa ay ibibigay sa inyo bilang karagdagan.

Ang tanging nagkaroon si Jose mula sa kanyang pakikiisa kay Jesus, sa pantaong pananaw, ay mga alalahanin, pagod, pang-uusig, pagkagutom. Wala na siyang iba pa. Ngunit sa dahilan na ang tinatangka niya ay si Jesus lamang, ang lahat ng ito ay naging espirituwal na kapayapaan at sobrenatural na lugod. Ibig Kong dalhin kita sa punto kung saan naroon ang Aking esposo noong kanyang sinabi: “Kahit na kung tayo ay hindi na magkakaroon ng kahit ano pa, magkakaroon tayo lagi ng lahat, sapagkat nasa atin si Jesus”.

⁷Alam Ko, ang iyong puso ay wasak. Alam Ko, ang iyong isip ay nagiging malabo. Alam Ko, ang iyong buhay ay nauupos. Ngunit, Maria!... pag-aari ka ba ni Jesus? Gusto mo bang maging pag-aari Niya? Saan, papaano si Jesus namatay? Aking mahal na bata, umiyak, ngunit magpursige nang may katapangan. Ang pagiging martir ay wala sa porma ng pahirap, bagkus sa namamalaging paraan na sa pamamagitan nito binabata ito ng martir. Kung kaya't ang kamatayan mula sa isang armas ay pagiging martir at gayon din ang moral na kapighatian, kung ito ay pinaghihirapan para sa gayon ding pakay. Ikaw ay naghihirap alang-alang sa Aking Anak. Anuman ang iyong ginagawa para sa iyong mga kapatid ay pagmamahal pa rin para kay Jesus Na gustong sila ay maligtas. Kung kaya't ang iyong paghihirap ay pagiging martir. Magpursige rito. Huwag hilingin na makagawa ng kahit ano para sa iyong sarili. Ang diin ng kirot ay napakatindi kung kaya't hindi posible para sa iyo na magkaroon ng sapat na lakas upang ikaw ay maging sarili mong gabay at kontrolan ang iyong pagkataong kalikasan pinipigilan ito na umiyak: ang tanging kailangan na gagawin mo ay ang pabayaan ang kapighatian na pahirapan ka nang walang pagrerebelde laban dito. Sapat na para sa iyo na sabihin kay Jesus: “Tulungan ako!” Ang hindi mo magagawa, gagawin Niya sa loob mo. Manatili sa Kanya, laging sa Kanya. Huwag hilingin na makalabas sa Kanya. Kung ayaw mo, hindi ka lalabas at kahit na kung ang iyong kapighatian ay napakalalim na mapipigilan kang makita kung nasaan ka na, lagi kang mapapasa-kay Jesus.

Pinagpapalà kita. Sabihin kasabay Ko: “Kaluwalhatian sa Ama at sa Anak at sa Banal na Espiritu”. Gawin lagi na ito ang iyong sigaw, hanggang sa uulitin mo ito sa Langit. Harinawang ang grasya ng Panginoon ay laging makasama mo.»

(228) 062910/032913/040213

Sunod na kabanata.