430. Malapit sa Sephoris, Kasama ang mga Magbubukid ni Johanan.

Mayo 8, 1946.

«Darating ba sila? Tanong ni Mateo sa kanyang mga kasamahan na mga nakaupo sa loob ng isang kakahuyan ng mga holm-oak sa mas mabababang mga dalisdis ng burol kung saan ang Sephoris tumataas. Ang kapatagan ng Esdraelon ay hindi na makikita, dahil ito ay nasa kabila ng burol na kanilang kinaroroonan. Ngunit may isang mas maliit na kapatagan sa pagitan ng burol na ito at ng mga burol sa rehiyon ng Nazareth at makikita nang maliwanag sa maningning na sinag ng buwan.

«Nangako sila. At sila ay darating» tugon ni Andres.

«Ang ilan man lamang sa kanila. Sila ay aalis sa kalahatian ng kanilang pagbabantay at mapupunta sila rito sa pagsimula ng ikalawang pagbabantay» sabi ni Tomas.

«Mamaya» sabi ni Tadeo.

«Inabot kami ng kulang-kulang tatlong oras» pagtutol ni Andres.

«Tayo ay mga lalaki at malalakas pa. Sila ay pagod at makakasama nila ang mga babae» tugon muli ni Tadeo.

«Maliban na lang na hindi sila mahuli ng kanilang panginoon!» sabi ni Mateo nang may pagbuntung-hininga.

«Walang peligro. Umalis siya patungong Jezreel, kung saan magiging isang panauhin siya ng isang kaibigan. Ang tagapangasiwa ay naririto. Ngunit siya ay sasama rin, sapagkat hindi niya kinapopootan ang Guro» sabi ni Tomas.

«Magiging sinsiro kaya ang taong iyon?» tanong ni Felipe.

«Oo, sapagkat walang dahilan na hindi siya maging sinsiro.»

«Bueno! Upang lumakas siya sa kanyang panginoon at...»

«Hindi, Felipe. Kapag tapos na ang pamimitas ng ubas siya ay palalayasin ni Johanan sa dahilan lamang na hindi niya kinapopootan ang Guro» tugon ni Andres.

«Sino ang nagsabi sa iyo?» ang ilan sa kanila ang nagtatanong.

«Siya mismo at ang mga magbubukid... kanya-kanyang sariling kuwento. At kapag dalawang tao ng magkaibang kategoriya ang nagsasabi ng iisang bagay, ang ibig sabihin nito ang sinasabi nila ay totoo. Ang mga magbubukid ay umiiyak sapagkat ang tagapangasiwa ay aalis.. Siya ay labis na makatao. At sinabi niya sa amin: “Ako ay isang tao at hindi isang luwad na papet. Noong nakaraang taon sinabi niya sa akin: ‘Parangalan ml ang Guro, lapitan Siya, maging isa sa Kanyang mga tagapaniwala’. Sumunod ako. Ngayon sinasabi niya sa akin: ‘Kapahamakan ang darating sa iyo kung minamahal mo ang aking kaaway at kung pahihintulutan mo ang mga katulong na mahalin Siya. Ayaw ko na ang aking lupain ay isumpa sa pagtanggap sa isinumpang taong iyon’. Ngunit ngayon na nakilala ko na Siya, papaano ko titingnan na makatarungan ang utos na iyon? Sinabi ko sa panginoon: ‘Noong nakaraang taon iba ang sinasabi ninyo, ngunit Siya ay laging pareho pa rin’. Hinagupit niya ako sa unang pagkakataon. Sinabi ko: ‘Ako ay hindi isang alipin, at kahit na kung ako ay alipin, hindi ninyo mahahawakan ang aking iniisip. Ang aking isip ay nakikita Siyang banal Na iyong sinasabing isinumpa’. Hinagupit niya akong muli. Ngayong umaga sinabi niya sa akin: ‘Ang isinumpa ng Israel ay nasa loob ng aking ari-arian. Kapahamakan sa iyo kung hindi mo susundin ang aking utos. Hindi ka na magiging katulong ko’. Tumugon ako: ‘Tama kayo. Hindi na ako magiging katulong ninyo. Maghanap kayo ng iba na may puso na katulad ng inyo at kasing sakim ninyo sa inyong ari-arian katulad na kayo ay ganito tungkol sa kaluluwa ng ibang mga tao’. At pinabagsak niya ako sa lupa at hinampas... Ngunit ang gawain sa taon na ito ay matatapos na at sa bagong buwan ng Tishri magiging malaya na ako. Nalulungkot lamang ako sa mga ito...” at kanyang tinuturo ang mga magbubukid» sabi ni Tomas.

«Ngunit saan mo siya nakita?...»

«Sa kakahuyan, tila siya isang mandarambong sa daan. Si Micah, na siyang nakausap namin, ay sinabihan siya at pumunta siya habang siya ay may mga dugo pa at ang mga katulong na lalaki at babae ay dumating nang unti-unti...» sabi ni Andres.

«H’m! Kung gayon tama si Judas! Alam-na-alam niya ang tiyempo ng Pariseo...» wika ni Bartolomeo.

«Maraming bagay ang nalalaman ni Judas!...» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Manahimik! Baka marinig ka niya!» payo ni Mateo.

«Hindi. Siya ay umalis nagsasabing inaantok siya at masakit ang kanyang ulo...» tugon ni Santiago.

«Ang buwan! Buwan sa kalangitan at buwan sa kanyang ulo. Ganyan ito: mas pabagu-bago pa siya kaysa sa hangin» wika ni Pedro na naging tahimik magpahanggang ngayon.

«Oo! Isang tunay na kamalasan sa pagitan natin!» sabi ni Bartolomeo nang may buntung-hininga.

«Hindi, huwag mong sabihin iyan! Hindi kamalasan! Sa kabaligtaran: isang paraan na mapabanal ang sarili...» sabi ng Zealot.

«O mapahamak ang sarili, sapagkat nagagawa niya na mawala sa isa ang kanyang mga birtud...» sabi ni  Tadeo nang may-pasya.

«Siya ay isang kaawa-awang sawing-palad!» wika nang nalulungkot ni Andres.

Nagkaroon ng katahimikan. Pagkatapos si Pedro ay nagtanong: «Ngunit ang Guro ba ay nagdarasal pa?»

«Hindi. Habang kayo ay natutulog Siya ay dumaan at kasama si Juan at ang kanyang kapatid na si Santiago, sila ay nagbabantay sa daan. Ibig Niyang makasama kaagad ang mga magbubukid. Baka ito ang huling pagkakataon na makikita Niya sila» tugon ng Zealot.

«Bakit huling pagkakataon? Bakit? huwag mong sabihin iyan. Tila nagdadala iyan ng masamang suwerte» sabi ni Tadeo nang balisa.

«Sapagkat makikita mo ito... Tayo ay mas lalo nang inuusig... Hindi ko alam kung ano ang ating gagawin sa hinaharap...»

«Tama si Simon... Eh! Magiging maganda na ang lahat ay espirituwal... Ngunit kung tayo ay pinahintulutan na magkaroon ng kaunting... pagkatao... ang katiting na proteksiyon mula kay Claudia ay hindi makagagawa ng masama» sabi ni Mateo.

«Hindi. Mas mabuti na ang nag-iisa... at higit sa lahat ang maiwasan ang lahat na pakikipagkita sa mga pagano. Ako... ay hindi sumasang-ayon ng tungkol sa kanila» sabi ni Bartolomeo nang disidido.

«Ni ako mismo... Ngunit... sinasabi ng Guro na ang Kanyang Doktrina ay kailangan na kumalat sa buong mundo. At na kailangan nating gawin iyan... Kailangan na ihasik natin ang Kanyang mga salita sa lahat na lugar... Kung kaya't kailangan na masanay tayo na malapitan ang mga Hentil at mga idolatra...» sabi ni Tadeo.

«Di-purong mga tao. Ito sa akin ay tila isang bagay na kalapastanganan. Karunungan sa mga baboy!...»

«May mga kaluluwa rin sila, Natanael! Ikaw ay nakaramdam ng awa sa batang babae kahapon...»

«Sapagkat... siya ay... isang wala-lamang na kailangan na magawang perpekto. Katulad niya ang isang kapapanganak na sanggol... Ngunit ang iba!... At siya ay hindi isang Romano...»

«Sa palagay mo ba ang mga taga-Gaul ay hindi mga idolatra? Mayroon din sila ng kanilang malulupit na diyos. Malalaman mo ito kung pupunta ka at ikukumberti sila!...» sabi ng Zealot na mas may pinag-aralan kaysa sa iba, sasabihin ko, sa isang pamamaraang pangkaraniwan.

«Ngunit siya ay hindi kasama sa lahi na lumalapastangan sa Israel. Hindi ako kailanman magtuturo sa mga kaaway ng Israel, ni sa kasalukuyan o sa mga dating mga kaaway.»

«Kung gayon... kailangan mong pumunta sa napakalayo, sa mga tao sa kadulu-duluhang hilaga, sapagkat... sila ay tila hindi mga kaaway, ngunit ang Israel ay natikman na ang lahat na mga karatig na mga tao...» sabi ni Tomas.

«Pupunta ako sa napakalayo... Ngunit naririto na ang Guro. Tayo na at salubungin natin Siya. Gaano karaming mga tao! Lahat sila ay dumating! Kahit ang mga bata...»

«Magiging masaya ang Guro...»

Sinamahan nila ang Guro Na nahihirapan na makaabante sa parang, nasisiksik katulad Niya ng napakaraming tao sa paligid Niya.

«Si Judas ba ay wala pa?» tanong ni Jesus.

«Oo, Guro. Ngunit tatawagin namin siya, kung gusto Ninyo...»

«Hindi na kinakailangan. Ang Aking tinig ay maaabot siya sa kinaroroonan niya. At ang kanyang malayang konsiyensya ay nagsasalita sa kanya sa pamamagitan ng sariling tinig nito. Hindi na kinakailangan na idagdag ninyo ang inyong sariling mga tinig at pilitin ang isang kalooban. Halikayo, maupo tayo rito kasama ang ating mga kapatid. At patawarin Ako kung hindi Ko napiraso ang tinapay kasama kayo sa isang kapistahan ng pagmamahal.»

Naupo sila nang pabilog na si Jesus nasa gitna, at ibig ni Jesus na nakapaligid sa Kanya ang lahat na mga bata na nagsisiksikan sa Kanya nang may pagmamahal at puno ng kompiyansa.

«Pagpalain Ninyo sila, Panginoon! Na sana makita nila ang aming gustong makita: ang kalayaan na magmahal sa Inyo!» sigaw ng isang babae.

«Oo. Pinagkakaitan din nila kami niyan. Ayaw nilang maitanim ang Inyong mga salita sa aming mga kaluluwa. At ngayon sa pagbabawal sa Inyo na makapunta rito, napipigilan nila kami na magkita-kita... at hindi na kami magkakaroon ng mga banal na salita!»

«Kung kami ay mapabayaan nang ganito, magiging mga makasalanan kami... Nabigyan Ninyo kami ng labis na pagmamahal na natitiis namin ang aming panginoon at ang kanyang masamang-kalooban... Ngunit ngayon...» sabi ng isang bata-pang lalaki. Hindi ko nakikita nang mabuti ang kanilang mga mukha, kung kaya't hindi ko nalalaman nang eksakto kung sino ang nagsasalita. Binabasi ko ang aking sarili sa tunog ng kanilang mga tinig.

«Huwag umiyak. Titiyakin Ko na hindi kayo magkukulang sa Aking salita. Ako ay pupunta muli, hangga't magagawa Ko...»

«Hindi, Guro at Panginoon. Siya ay masama at gayon din ang kanyang mga kaibigan. Maaari nila Kayong masaktan at dahil sa amin. Gagawa kami ng sakripisyo na mawala Kayo, ngunit huwag Ninyong ibigay sa amin ang kapighatian na kailangang sabihin: “Siya ay nahuli dahil sa atin”.»

«Oo, iligtas Ninyo ang Inyong Sarili, Guro.»

«Huwag matakot. Nababasa natin sa Jeremiah kung papaano ang propeta sinabihan ang kanyang kalihim na si Baruch na isulat kung ano ang idinikta sa kanya at pumunta at basahin kung ano ang kanyang sinulat sa mga nag-ipun-ipon sa bahay ng Panginoon, at basahin ito sa katauhan ng propeta na nasa kulungan at hindi makakapunta roon. Ganito rin ang Aking gagawin. Sa pagitan ng aking mga apostol at mga disipulo marami Akong tapat na mga Baruch. Sila ay darating at sasabihin sa inyo ang salita ng Panginoon at ang inyong mga kaluluwa ay hindi mamamatay. At Ako ay hindi mahuhuli sa kagagawan ninyo, sapagkat ang Kataastaasang Diyos ay itatago ako sa kanilang mga mata hanggang sa  oras na ang Hari ng Israel ay kailangan na maipakita sa mga pulutong upang ang buong mundo ay sana makilala Siya. At huwag din matakot na mawala ang mga salita na nasa loob na ninyo. Mababasa natin, laging sa Jeremiah, na pagkatapos ng pagsira ni Jehoiakim, hari ng Judah, sa pergamino sa pagsunog dito umaasang masisira ang eternal na makatotohanang mga salita, ang idinikta ng Diyos ay nanatili, sapagkat inutusan ng Panginoon ang propeta: “Kumuha ng isa pang pergamino at isulat dito ang lahat na mga salita na naisulat sa pergamino na sinunog ng hari”. At si Jeremiah ay nagbigay ng isang pergamino kay Baruch, isang pergamino na walang nakasulat, at idinikta niyang muli sa kanyang kalihim ang eternal na mga salita at nagdagdag pa siya ng ilan pa upang makumpleto ang naunang mga pergamino, sapagkat inaayos ng Panginoon ang mga kasiraan na ginagawa ng mga tao kapag ang pagsasaayos na iyan ay magiging kapaki-pakinabang sa mga kaluluwa, at hindi Niya pinahihintulutan ang poot na makansela nito ang gawa ng pagmamahal. Bueno, kahit na kung Ako, ikinukumpara ang Aking Sarili sa isang pergamino na puno ng banal na mga  katotohanan, ay sirain, sa palagay ba ninyo ang Panginoon ay pababayaan kayong mamatay nang walang tulong mula sa iba pang mga pergamino, na maglalaman ng Aking mga salita at ng mga salita ng Aking mga saksi sinasabi sa inyo ang hindi Ko masasabi sa inyo, dahil Ako ay isang nakukulong ng Karahasan at sinira nito? At sa palagay ba ninyo ang nailagay na sa mga pergamino ng inyong mga puso ay makakansela sa daan ng panahon sa mga salita? Hindi. Ang anghel ng Panginoon ay uulitin sa inyo ang mga salitang iyon, pinananatili itong sariwa sa loob ng inyong mga kaluluwa na nananabik para sa Karunungan. Hindi lang. Bagkus ipaliliwanag niya sa inyo ang mga ito at kayo ay magiging marurunong sa pamamagitan ng salita ng inyong Guro. Siniselyuhan ninyo ang inyong pagmamahal para sa Akin sa pamamagi8tan ng selyo ng kapighatian. Ang nakapanlalaban ba sa pang-uusig ay naglalaho? Hindi. Sinasabi Ko sa inyo. Ang mga regalo ng Diyos ay hindi makakansela. Kasalanan lamang ang makapagkakansela sa mga ito. Ngunit kayo ay tiyak na ayaw na makagawa ng kasalanan, gusto ba ninyo, Aking mga kaibigan?»

«Hindi, Panginoon. Ang ibig sabihin nito mawawala Kayo sa amin sa susunod na buhay» tugon ng marami.

«Ngunit gagawin nila kami na magkasala. Inutusan niya kami na huwag na muling iwanan ang mga bukid sa mga araw ng Sabbath... at hindi na kami magkakaroon ng mga Paskuwa. Kung gayon makagagawa kami ng kasalanan...» sabi ng iba.

«Hindi. Hindi kayo magkakasala. Siya ang magkakasala. Siya lamang, dahil gumagawa siya ng karahasan sa karapatan ng Diyos at sa karapatan ng Kanyang mga anak na mag-akapan at magmahalan sa isa’t isa sa matamis na pag-uusap sa pagmamahal at sa pagtuturo sa araw ng Panginoon.»

«Ngunit gumagawa siya ng pagsasatama sa pamamagitan ng maraming pag-aayunong-araw at mga pag-aalay. Kami hindi, sapagkat ang nakukuha naming pagkain ay napakakaunti na kompara sa trabahong ginagawa namin, at wala kaming maiaalay... Kami ay mahihirap...»

«Naiaalay ninyo kung ano ang pinahahalagahan ng Diyos: ang inyong mga puso. Si Isaiah nagsasalita sa huwad na mga penitente sa ngalan ng Diyos ay nagsasabi: “Tingnan, sa inyong pag-aayunong mga araw ang inyong kalooban ay nabubunyag at sinisiil ninyo ang mga may-utang sa inyo. Tingnan, nag-aayuno kayo upang mang-away at manggulo at malupit kayong nag-aaway-away. Huwag na muling mag-ayuno katulad ng inyong ginagawa magpahanggang ngayon, kung ibig ninyong marinig sa itaas ang inyong tinig. Ganyan ba ang pag-aayunong nagpapasaya sa Akin? Na sa isang araw kailangan lang ng tao na saktan niya ang kanyang kaluluwa at pahirapan ang kanyang katawan at humiga siya sa mga abo? Iyan ba ang tinatawag ninyong pag-aayuno, isang araw na katanggap-tanggap sa Panginoon? Ang pag-aayunong mas gusto Ko ay isang ibang pag-aayuno. Putulin ang mga tanikala ng kasalanan, alisin ang mapaniil na mga obligasyon, gawin na makalaya ang mga nasisiil, alisin ang lahat na nagpapabigat. Bahaginan ng inyong tinapay ang nagugutom, bigyan ng masisilungan ang mahihirap at ang mga peregrino, damtan ang hubad at huwag hamakin ang inyong kapwa”. Ngunit si Johanan ay hindi ginagawa ang ganyan. Kayo ay ang kanyang mga pinagkakautangan dahil sa trabahong inyong ginagawa para sa kanya ginagawa ninyo siyang mayaman, at tinatrato niya kayo nang mas malala pa kaysa ng di-makabayad na mga mangungutang at itinataas niya ang kanyang tinig upang takutin kayo at ang kanyang kamay upang hampasin kayo. Siya ay hindi naaawa at hinahamak niya kayo sapagkat kayo ay mga katulong. Ngunit ang isang katulong ay isang tao katulad-na-katulad lamang ng kanyang panginoon, at kung isang katungkulang niya ang maglingkod, karapatan din niya ang tumanggap kung ano ang kinakailangan ng isang tao, hinggil sa kanyang katawan at sa kanyang espiritu. Ang Sabbath ay hindi napararangalan kahit na kung ang isang tao ay ginugugol ang araw na ito sa loob ng sinagoga, kung sa araw din na iyan siya ay naglalagay ng mga tanikala sa kanyang mga kapatid at binibigyan niya sila ng “aloe” bilang inumin. Ipagdiwang ang inyong Sabbath pinag-uusapan sa pagitan ninyo ang Panginoon, at ang Panginoon ay makakasama ninyo. Magpatawad at luluwalhatiin kayo ng Panginoon.

Ako ang Mabuting Pastol at may awa Ako sa lahat ng Aking tupa. Ngunit tiyak na minamahal Ko nang may partikular na kagiliwan ang mga hinahagupit ng idolatrang mga pastol, upang sila ay umalis sa Aking daan. Ako ay naparito para sa kanila, nang higit pa kaysa para sa iba. Sapagkat Ako ay inutusan ng inyong Ama at Akin: “Pastulin ang mga tupa para sa katayan, na walang-awang pinapatay ng kanilang mga panginoon na siyang nagbebenta sa kanila nagsasabing: “Tayo ay naging mayaman!” at kung kanino ang mga pastol ay walang awa”. Bueno, papastulin Ko ang kawan para sa katayan, o kaawa-awang mga tao ng kawan pinababayaan sa kanilang kasamaan ang mga nagpapahirap sa inyo at nananakit sa Ama Na naghihirap sa Kanyang mga anak. Iuunat Ko ang Aking kamay sa maliliit sa mga anak ng Diyos at kukunin Ko sila, upang magkaroon sana sila ng Aking kaluwalhatian. Ang Panginoon ay ipinapangako iyan sa pamamagitan ng mga labì ng mga propeta na ipinagdiriwang ang Aking awa at kapangyarihan bilang Pastol. At ipinapangako Ko Mismo sa inyo na nagmamahal sa Akin. Ako ang maglalaan para sa Aking kawan. Sa mga nag-aakusa sa mabubuting tupa ng pagpapalabo sa tubig o pagsira sa pastulan na makapunta sa Akin, sasabihin Ko: “Lumayas kayo. Kayo ang nagpapatuyo ng mga bukal ng Aking mga anak at nagpapatigang sa mga pastulan. Ngunit napasunod Ko sila at pasusundin sila sa iba pang mga pastulan; sa mga pastulan na nagpapaginhawa sa espiritu. Iiwanan Ko kayo ng isang pastulan para sa inyong malalaking tiyan, iiwanan Ko sa inyo ang mapapait na bukal na inyong pinabukal at sasama Ako sa aking mga tupa, hinihiwalay ang totoong mga tupa ng Diyos mula sa mga huwad na tupa, at ang Aking mga tupa ay hindi na mapahihirapan ng kahit na ano, bagkus sila ay magbubunyi magpasawalang-hanggan sa mga pastulan ng Langit”.

Magpursige, Aking minamahal na mga anak! Magtiyaga nang kaunti pa, katulad Ko. Maging tapat, ginagawa kung ano ang pinagagawa ng inyong di-makatarungan na panginoon. At maghuhusga ang Diyos na ginawa ninyo ang lahat at gagantimpalaan kayo para sa lahat. Huwag mapoot, kahit na kung ang lahat ay inuudyukan at tinuturuan kayo na mapoot. Magkaroon ng pananampalataya sa Diyos. Kita ninyo: si Jonah ay pinaginhawahan sa kanyang paghihirap at si Jabez ay dinala sa pagmamahal. At kung ano ang ginawa ng Panginoon sa matandang lalaki at sa bata, ay gagawin Niya sa inyo:  nang bahagi sa buhay na ito ngayon, at nang ganap sa susunod na buhay.

Mayroon lamang Ako bagkus pera na maibibigay sa inyo upang magawang di masyadong masakit ang inyong materyal na sitwasyon. Ibibigay Ko ito sa inyo. Ibigay ito sa kanila, Mateo, upang paghati-hatian nila ito. Ito ay malaki, ngunit laging napakaliit para sa inyo na napakarami, at napaka hirap-na-hirap. Ngunit wala na Akong iba pa... na materyal. Ngunit mayroon Ako ng pagmamahal at kapangyarihan ng pagiging ang Anak ng Ama, upang mahihingi Ko ang walang-hangganang sobrenatural na mga kayamanan para sa inyo, upang mapaginhawahan ang inyong kapighatian at mapaliwanagan ang inyong kadiliman. O! ang inyong kalungkutan ay magagawang maningning ng Diyos! Sa pamamagitan Niya lamang!... At sinasabi Ko: “Ama, nananalangin Ako sa Inyo para sa kanila. Hindi Ako nananalangin sa Inyo para sa masasaya at mayayamang tao sa mundo. Bagkus nananalangin Ako para sa mga ito, na walang iba bagkus Kayo at Ako. Gawin silang makataas nang napakataas sa mga pamamaraan ng espiritu, upang matagpuan sana nila ang kaginhawahan sa Ating pagmamahal, at ating ibigay ang Ating Sarili sa kanila nang may pagmamahal, mayroon ng lahat ng ating walang-hangganang pagmamahal, na magpupuno sa kanilang mga araw at kapayapaan sa kanilang gawain, kapanatagan, lakas-ng-loob, may sobrenatural na kapayapaan, kapanatagan at lakas, upang sana, katulad na sila ay tila napawalay sa mundo gawa ng Ating pagmamahal, matiis nila ang kanilang kalbaryo at pagkatapos ng kamatayan, mapasakanila Kayo, Tayo, walang-hangganang beatitude”.»

Si Jesus ay nanalangin nang nakatayo, unti-unting pinalalaya ang Kanyang Sarili mula sa mga bata na mga nakatulog nakasandal sa Kanya. At Siya ay taimtim at mahabagin sa Kanyang panalangin.

Ngayon ibinababa Niya ang Kanyang mga mata at nagsasabi: «Ako ay aalis na. Kailangan na lumakad na kayo, upang makabalik sa inyong mga tahanan nang nasa oras. Tayo ay magkikita muli. Dadalhin Ko si Marjiam. Ngunit kahit na kung hindi na Ako makakarating, ang Aking espiritu ay lagi ninyong makakasama at ang Aking mga apostol ay mamahalin kayo katulad ng Aking pagmahal. Igawad nawa sa inyo ang pagpapalà ng Panginoon. Lakad!» At Siya ay yumuyuko upang haplusin ang mga natutulog na bata at pinabayaan Niya ang Kanyang Sarili sa pagbuhos ng mainit na pagmamahal ng mahihirap na tao na hindi makapagpasya ng Paghiwalay sa Kanya...

Sa wakas nagkanya-kanya na sila ng daan at ang dalawang grupo ay naghiwalay habang ang buwan ay lumulubog at ang mga sanga ng punongkahoy ay kailangan na sindihan upang maliwanagan ang daan. At ang maanghang na usok ng medyo basang mga sanga ay isang magandang dahilan para sa mga nagniningning na mga mata...

Si Judas ay naghihintay para sa kanila nakasandal sa isang punungkahoy. Si Jesus ay tinitingnan siya at hindi nagsasalita ng kahit ano ni kahit na nang si Judas ay nagsabi: «Mas mabuti na ang pakiramdam ko.»

Sila ay nagpatuloy sa paglalakad nang ganito, hangga't magagawa nila sa loob ng gabi, pagkatapos naging mas mabilis sa pagsikat-ng-araw.

Nang sila ay malapit na sa sangahan ng mga daan si Jesus ay tumigil at nagsabi: «Tayo ay maghiwalay. Sina Tomas, Simon Zealot at ang Aking mga kapatid ay sasama sa Akin. Ang iba ay pupunta sa lawa at maghihintay para sa Akin.»

«Salamat sa Inyo, Guro... Hindi ako naglakas-loob na tanungin Kayo. Ngunit natutulungan Ninyo ako. Ako ay totoong pagod. At kung pahihintulutan Ninyo ako, titigil ako sa Tiberias...»

«Sa bahay ng isang kaibigan» hindi mapigilan ni Santiago ni Zebedeo ang magsabi.

Naimulat nang maigi ni Judas ang kanyang mga mata... ngunit wala nang iba pa.

Si Jesus ay nagmadaling magsabi: «Sa ganang Akin sapat na kung ikaw ay pumunta sa Capernaum sa araw ng Sabbath kasama ang iyong mga kasamahan. Halikayo, na sana mahalikan ko kayo, kayo na mga hihiwalay sa Akin.» At mapagmahal Niyang hinahalikan ang mga apostol na mga aalis, binibigyan ang bawat isa sa kanila ng isang payo nang pabulong...

Walang tumututol. Si Pedro lamang, nang aalis na, ang nagsabi: «Pumunta Kayo kaagad, Guro.»

«Oo, pumunta Kayo kaagad» sabi ng iba, at si Juan ay nágtapos: «Magmumukhang napakalungkot ang lawa kapag wala Kayo.»

Si Jesus ay pinagpapala sila muli at nangangako: «Makikita Ko kayo kaagad!» pagkatapos kinuha nila ang kani-kanilang daan.

130211

 

 



Sunod na kabanata