433. Ang mga Araw ng Sabbath sa Loob ng Kapayapaan ng Nazareth.

Mayo 13, 1946.

Ang Sabbath ay isang araw ng pagpapahinga. Iyan ay alam na. At ang mga kalalakihan ay nagpapahinga at ginagawa rin na ang mga kagamitan ay may takip o maayos na nakatago sa kanilang mga lugar.

Ngayon na ang mapulang paglubog-ng-araw ng isang tag-init na Biyernes ay halos tapos na, si Maria, Na nakaupo sa Kanyang mas maliit na habihan sa ilalim ng lilim ng malaking puno ng mansanas, ay tumayo, tinatakpan ang habihan at sa tulong ni Tomas dinadala Niya ito ulit sa lugar nito sa loob ng bahay. At pinakikiusapan Niya si Aurea, na nakaupo sa isang maliit na bangkito sa Kanyang paanan nananahi sa pamamagitan ng kanyang di pa sanay na kamay ng mga damit na binigay sa kanya ng mga binibining Romano at isinukat sa kanya ni Maria, at lupiin nang maayos ang kanyang ginagawa at ilagay ito sa patungan sa kanyang maliit na silid. At habang ginagawa ito ni Aurea, ang Inay kasama si Tomas ay pumunta sa pagawaan kung saan sina Jesus at ang Zealot ay abala sa pagliligpit sa mga lagari, mga screwdriver, mga martilyo, mga lata ng pintura at glue at sa pagwawalis sa mga pinaglagarian at pinagkataman mula sa mga bangkito at sa sahig. Sa lahat ng paggawa magpahanggang ngayon tanging dalawang maliit na tabla na lamang ang naiiwan, nahahawakan ng isang gato, nang naka-anggulo, upang ang glue ay matuyo sa mga dugtungan ng mga tabla (ito ay maaaring isang kahon sa hinaharap), at isang bangkito, napinturahan na ang kalahati, bukod sa malakas na amoy ng sariwang pintura. Si Aurea ay pumasok din at niyuyukuan niya ang ginagawa ni Tomas, na kanyang hinahangaan at siya'y nagtatanong, medyo mausyoso at may likas na kakirihan, kung para saan iyon at kung iyon ay babagay sa kanya.

«Babagay ito sa iyo nang mabuti, ngunit mas babagay sa iyo ang maging mabuti. Napagaganda nito ang katawan lamang, ngunit walang silbi sa espiritu. Hindi lamang, bagkus, sa pagpapahalaga sa kaalembungan, makasasamâ ito sa espiritu.»

«Bakit mo sila ginagawa kung gayon?» tanong ng mangatwiran na bata. «Gusto mo bang masaktan ang isang espiritu?»

Si Tomas, na laging may-kabaitan ang puso, ay ngumingiti sa winika at nagsabi: «Kung ano ang kalabisan ay makasasamâ sa isang mahinang espiritu. Ngunit sa kaso ng isang malakas na espiritu, ang isang palamuti ay nananatiling isang palamuti: isang pang-ipit na humahawak sa damit sa lugar.»

«Para kanino mo ginagawa iyan? Para sa nobya mo?»

«Wala akong nobya at hindi kailanman magkakaroon ng isa.»

«Para sa iyong kapatid na babae kung gayon.»

«Mayroon na siya ng higit pa sa kanyang kailangan.»

«Para sa iyong ina kung gayon.»

«Kaawa-awang kaluluwa! Ano ang kanyang gagawin nito?»

«Ngunit iyan ay para sa isang babae...»

«Oo, ngunit ito ay hindi ikaw.»

«O! Ni hindi ko iisipin iyan... At ngayon na sinabi mo na iyan ay makasasamâ sa espiritu, ayaw kong magkaroon niyan. At aalisin ko ang mga palawit sa aking mga damit. Ayaw kong makagawa ng kahit anong makasásamâ sa kung ano ang pag-aari ng Tagapagligtas!»

«Magaling na bata! Kita mo, sa pamamagitan ng iyong mabuting kalooban nakagawa ka ng mas maganda pa kaysa sa aking ginagawa.»

«O! Sinasabi mo iyan dahil ikaw ay mabait!...»

«Sinasabi ko iyan dahil iyan ay totoo. Tingnan: Kinuha ko ang isang piraso ng plata na ito, ginawa ko itong maninipis na plantsa ayon sa pangangailangan ko, pagkatapos sa pamamagitan ng isang gamit, o kung baga ng maraming gamit, nilupi ko ito nang ganyan. Ngunit kailangan ko pang gawin ang pinakamahalagang trabaho: ang pagdugtungin ang mga ito sa isang natural na paraan. Sa ngayon, tanging ang dalawang munting mga dahon na ito ang nakumpleto na mapakabit sa kanilang bulaklak» at si Tomas sa pamamagitan ng kanyang malalaking daliri ay itinaas ang isang mayuming tangkay ng isang liryo ng lambak na nakakabit sa isang dahon na isang perpektong pagkagaya ng isang natural na dahon. Ito ay kahanga-hanga na makita ang palamuti na nagniningning sa katingkaran ng purong plata hawak ng malakas na mga daliri ng platero.

«O! ang ganda! Marami nito sa isla at pinahihintulutan kami na mamitas nito bago sumikat ang araw. Sapagkat kaming mga olandesa ay hindi kailangan na magpa-araw, upang kami ay sana maging mas may-halaga. Pinipilit nila sa halip ang mga morena na magbilad sa araw, hanggang sa sumamâ ang kanilang pakiramdam, upang maging mas maitim. Sila... Ano ang masasabi mo kapag ang isa ay nagbebenta ng isang bagay nagsasabi na iyon ay isang bagay, samantalang iyon ay ibang bagay?...»

«Sino ang nakaaalam!... Pandaraya... panunubâ... hindi ko alam.»

«Kita mo, niloko nila sila nagsasabing sila ay mga Arabe o nanggaling sila sa Upper Nile, kung saan ito tumataas. Ipinagbili nila ang isang bata-pang babae nagsasabing siya ay inapu ng Reyna ng Sheba.»

«Isipin ninyo iyan! Hindi nila niloko ang mga babae, bagkus ang mga bumibili. Kung gayon sinasabi mo: sila ay nanloko. Anong klaseng lahi! Isang magandang sorpresa para sa mga namímili nang makita niya... ang huwad na Ethiopian na pumuputi ang kutis! Napakinggan ba Ninyo iyon, Guro? Gaano karaming mga bagay ang hindi natin nalalaman!...»

«Oo, napakinggan Ko. Ngunit ang malungkot na parte ay hindi ang panloloko sa mga bumibili... ito ay ang kapupuntahan ng mga bata-pang babae...»

«Iyan ay totoo. Mga kaluluwang nilapastangan magpasawalanghanggan. Ligaw...»

«Hindi. Ang Diyos ay lagi nang makapamamagitan...»

«Ginawa Niya ito sa kapakanan ko. Niligtas Ninyo ako!...» sabi ni Aurea ibinabaling ang kanyang maliwanag na panatag na mga mata sa Panginoon. At siya ay nagtatapos: «At napakasaya ko!» at sa dahilan na hindi siya makakalapit at yakapin si Jesus, niyakap niya si Maria sa pamamagitan ng isang kamay pinapatong ang kanyang magandang ulo sa balikat ng Birhen sa pagpapakita ng mapagtiwalang pagmamahal. Ang dalawang magandang ulo ay nangingibabaw, sa kanilang magkaibang lalim ng kulay, sa kaligiran ng madilim na pader. Isang pinakamayuming grupo.

Ngunit si Maria ay kailangan na asikasuhin ang hapunan. Sila ay humiwalay at umalis.

«Maaari ba akong makapasok?» sabi ng kung baga magaspang na tinig ni Pedro sa pintuan ng pagawaan na bumubukas patungo sa kalsada.

«Si Simon! Buksan mo ang pinto!»

«Si Simon! Hindi siya makatagal na malayo!» bulalas ni Tomas tumatawa habang tumatakbo siya upang buksan ang pinto.

«Si Simon! Ito ay inaasahan...» sabi ng Zealot ngumingiti.

Ngunit hindi lamang ang mukha ni Pedro ang lumitaw sa pintuan. Ang lahat ng mga apostol mula sa lawa ay naririto, maliban kay Bartolomeo at sa Iskariote. At sina Judas at Santiago ay nasamahan na sila.

«Kapayapaan sa inyo! Ngunit bakit kayo naparito sa init na ito?»

«Sapagkat... hindi na kami makatatagal pa nang nasa malayo. Dalawa’t kalahating linggo na, alam ba Ninyo? Naiintindihan ba Ninyo? Hindi namin Kayo nakita sa loob ng dalawa’t kalahating linggo!» at si Pedro ay tila nagsasabing: «Dalawang daang taon! Isang napakatagal na panahon!»

«Ngunit sinabi Ko sa inyo na maghintay para kay Judas sa bawat Sabbath.»

«Oo, ngunit hindi siya dumating sa dalawang huling Sabbath... at kami ay naparito sa pangatlo. Si Natanael ay nananatili roon sapagkat hindi mabuti ang kanyang pakiramdam. At tatanggapin niya si Judas, kung siya ay pumunta roon... Ngunit hindi siya pupunta... Dumaraan sa Tiberias upang makapunta sa amin, bago pumunta sa Great Hermon, sina Benjamin at Daniel ay nagsabi sa amin na nakita nila siya sa Tiberias at... Siyempre.  Sasabihin ko sa Inyo saka na...» sabi ni Pedro na tumigil sa pagsasalita dahil sa hila sa kanyang tunika ng kanyang kapatid.

«Sige. Sasabihin mo sa Akin... Ngunit lahat kayo ay nananabik na magkaroon ng pahinga, at ngayon na kayo ay may pagkakataon kayo ay patakbu-takbo nang ganito! Kailangan kayo umalis?»

«Kagabi. Ang lawa ay katulad ng isang salamin. Dumaong kami sa Tarichea upang maiwasan ang Tiberias... upang hindi namin masalubong si Judas...»

«Bakit?»

«Sapagkat, Guro, ibig namin na kalugdan ang makasama Kayo sa kapayapaan.»

«Kayo ay makasarilí!»

«Hindi. Mayroon na siya ng kanyang mga kaluguran. Bueno! Hindi ko alam kung sino ang nagbibigay sa kanya ng pera upang kalugdan ito nang may... Oo, naintindihan ko, Andres. Ngunit huwag mong hatakin ang aking tunika nang malakas. Alam mo naman na nag-iisa ito. Gusto mo bang bumalik ako na nakabalot sa mga basahan?

Si Andres ay namumula. Ang iba ay tumatawa. Si Jesus ay ngumingiti.

«Bueno. Dumaong kami sa Tarichea dahil din, bueno, huwag akong kagalitan... Baka ito ay ang init, baka ako ay nagiging masama kapag malayo ako sa Inyo, baka ito ay ang kaisipan na iniwan niya Kayo upang samahan... Makinig, tigilan mo ang pagpunit sa aking manggas! Nakikita mo na nakakatigil ako nang tama sa panahon! Kung gayon, Guro, baka ito ay dahil sa maraming dahilan... Ayaw kong makagawa ng kasalanan at kung siya ay aking nakita baka makagawa ako ng kasalanan. Kung kaya't pumunta akong tuwiran sa Tarichea. At sa pagsikat-ng-araw kami ay nagsimulang maglakad.»

«Dumaan ba kayo sa Can?»

«Hindi. Ayaw namin na umikot nang malayo... Ngunit malayong lakbayin pa rin iyon. At ang isda ay nagsisimula nang masira... Binigay namin iyon sa mga tao sa isang bahay, upang may matuluyan nang ilang mga oras... ang maiinit na oras. At kami ay umalis pagkaraan ng ika-siyam na oras, mga kalagitnaan ng sumunod na oras... Iyon ay katulad ng nasa loob ng pugon!...»

«Hindi sana kayo nagkaroon ng problemang iyan. Parating din Ako kaagad...»

«Kailan?»

«Kapag ang araw ay lumabas na sa Leo.»

«At sa palagay ba Ninyo makapaghihintay kami nang gayon katagal nang wala Kayo? Haharapin namin ang sanlibong ganyan kainit na mga araw at kami ay darating upang makita Kayo. Aming Guro! Aming sinasambang Guro!» at si Pedro ay niyayakap ang kanyang nawalang Kayamanan.

«Subalit, kapag tayo ay magkakasama wala kayong ginagawa bagkus ang magreklamo tungkol sa panahon, tungkol sa haba ng mga lakbayin...»

«Sapagkat kami ay mga tanga. Sapagkat, habang tayo ay magkakasama hindi talaga namin naiintindihan kung ano Kayo para sa amin... Ngunit naririto kami. Kaming lahat ay nakatigil na. Ang ilan ay manunuluyan sa bahay ni Maria ni Alfeo, ang iba kay Simon ni Alfeo, ang iba kay Ishmael, ang iba kay Asher at ang iba rito, sa malapit, kay Alfeo. Kami ay magpapahinga na ngayon at bukas na gabi kami ay aalis, at kami ay magiging mas masasaya.»

«Noong huling Sabbath sina Myrtha at Naomi ay naririto, pumunta sila upang makitang muli ang batang babae» sabi ni Tomas.

«Nakikita Ninyo na sinuman ang makapupunta, ay pumupunta rito!»

«Oo, Pedro. At ano ang inyong ginawa sa loob ng mga araw na ito?»

«Kami ay nangisda... pininturahan namin ang mga bangka... inayos ang mga lambat... Si Marjiam ay madalas mangisda kasama ang mga katulong, na nagpapabawas sa mga pang-iinsulto ng aking biyanang-babae laban sa “tamad na nagpapabaya sa kanyang asawa na mamatay sa gutom pagkatapos na magdala ng isang anak-sa-labas na lalaki sa kanya”. Ngunit sa kabila nito si Porphirea ay kailanman naging napakabuti katulad ngayon na kasama niya si Marjiam para sa kanyang puso... at para sa lahat na iba pang mga bagay. Ang mga tupa mula sa pagiging tatlo ay naging lima at dadami pa malapit na... Ito ay isang malaking tulong para sa isang maliit na pamilya katulad ng amin! At si Marjiam sa pamamagitan ng pangingisda ay napupunuan niya kung ano ang hindi ko nagagawa, maliban na lang nang napakadalang. Ngunit ang babaeng iyon ay may dila ng isang ahas, samantalang ang kanyang anak na babae ay may dila ng isang kalapati... Ngunit nakikita ko na pati Kayo ay nagtatrabaho rin...»

«Oo, Simon. Nagtrabaho kami. Lahat kami. Ang Aking mga kapatid sa kanilang bahay, ang mga apostol na ito at Ako sa Akin. Upang magawang masaya ang aming mga ina at sila ay makapagpahinga.»

«Bueno, kami ay nagtatrabaho rin» sabi ng mga anak ni Zebedeo.

«Ang aking asawa at ako ay nagtrabaho sa mga bahay-pukyutan at sa ubasan» sabi ni Felipe.

«At ano ang tungkol sa iyo, Mateo?»

«Wala akong magagawang masaya... kung kaya't pinasaya ko ang aking sarili sa pagsusulat ng mga bagay na ibig kong maalaala...»

«O! kung gayon ikukuwento namin sa iyo ang tungkol sa parabula ng pintura. Ako, isang walang-karanasan na pintor ay ang dahilan nito...» sabi ng Zealot.

«Ngunit pagkaraan natutuhan mo ang gawain. Tingnan kung gaano kakinis niyang nagawa ang upuan na ito!» sabi ni Tadeo...

Sila ay perpektong nasa pagkakasundo. At si Jesus, Na nagmumukhang mas nakapagpahinga mula nang Siya ay nakauwi, ay nagniningning sa tuwa na nakakasama Niya ang Kanyang mahal na mga apostol.

Si Aurea ay dumating at nananatiling nasa pamasukan nagtataka.

«O! naririto siya! Tingnan kung gaano siya kabuti! Nagmumukha siyang isang tunay na maliit na Hebreo, nakasuot nang ganyan!»

Si Aurea ay namumula at hindi malaman kung ano ang kanyang sasabihin. Ngunit si Pedro ay napakabuti at makaama na siya ay kaagad nakapanumbalik at nagsabi: «Nagsisikap akong maging isang Hebreo... sa tulong ng aking Tagapagturo at umaasa ako na magiging ganyan malapit na... Guro, sasabihan ko ang Inyong Ina na ang mga taong ito ay naririto...» at siya ay umalis nang mabilis.

«Siya ay isang mabuting bata» sabi ng Zealot.

«Oo. Ibig kong siya ay manatiling kasama natin sa Israel. Nawala kay Bartolomeo ang isang magandang pagkakataon at labis na kaluguran sa pagtanggi niya sa kanya...» sabi ni Tomas.

«Si Bartolomeo ay napakamagalang tungkol... sa mga pormularyo» sabi ni Felipe nagpapaumanhin para sa kanya.

«Ang tanging kanyang diperensiya» wika ni Jesus.

Si Maria ay pumasok...

«Kapayapaan sa Inyo, Maria» sabi ng mga nanggaling sa Capernaum.

«Kapayapaan sa inyo... hindi Ko nalalaman na kayo ay naririto. Maglalaan Ako kaagad... Halikayo pansamantala...»

«Ang amin ina ay parating mula sa bahay may dalang ilang pagkain, at si Salome ay darating din. Huwag mag-alala, Maria» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Tayo na sa pangkusinang-hardin... Ang ihip ng hanging gabi ay lumalabas at maganda roon...» sabi ni Jesus.

At sila ay pumunta sa pangkusinang-hardin at naupo rito at doon, naguusap-usap nang magkakapatid, habang ang mga kalapati ay nag-iingay sa pag-uunahan para sa huling pagkain na ikinakalat ni Aurea sa lupa... Pagkatapos ay panahon na para sa pagdidilig sa mga taniman ng mga bulaklak at sa magandang gulayan na napaka may-pakinabang sa tao. At ang mga apostol ay gustong gawin ito nang masasaya, habang si Maria ni Alfeo, na kararating pa lamang, at si Aurea at ang Birhen ay naghahanda ng pagkain para sa mga panauhin. At ang amoy ng sumasagitsit na pagkain ay humahalo sa amoy ng basang lupa, katulad na ang pagsiyap ng mga ibon na nakikipag-unahan para sa isang magandang lugar sa pagitan ng makakapal na dahon sa itaas ng hardin, ay humahalo sa malalim o matiling mga tinig ng mga apostol...

270211

 

 



Sunod na kabanata