434. Bago Naging Isang Ina, ang Banal na Birhen ay isang Anak at Lingkod ng Diyos.

Mayo 14, 1946.

At ang Sabbath ay dumaraan. Ito ay ang totoong Sabbath. Sa loob ng magandang umaga, nang ang hangin ay sariwa pa at malamig, magandang maupo sa loob ng pagkakapatirang kapayapaan na pagtitipon sa ilalim ng malilim na balag, o kung saan ang puno ng mansanas, malapit sa puno ng igos at almendras, ay napoporma kasama ang mga ito ang mga pulu-pulo ng lilim nadudugtungan ang lilim ng pergola sa ibabaw nito kung saan ang mga ubas ay nahihinog. At masarap na maglakad nang pataas at pababa sa mga landas sa pagitan ng taniman ng mga bulaklak mula sa mga bahay-pukyutan patungo sa kulungan ng mga kalapati at pagkatapos patungo sa maliit na gruta, at, dumaraan sa likuran ng mga babae sina Maria, si Maria ni Clopas, ang manugang na babae ng huli: si Salome ni Simon, si Aurea – patungo sa ilan na mga puno ng olibo na mula sa bangin ay nakabitin sa ibabaw ng mapayapang pangkusinang-hardin. At iyan ang ginagawa ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo, ni Maria at ng iba pang mga babae. At si Jesus ay nagtuturo nang di-sinasadya, at gayon din si Maria. At ang mga apostol ng Una at ang mga babaeng disipulo ng Huli ay maasikasong nakikinig sa mga salita ng dalawang Tagapagturo.

Si Aurea, nakaupo katulad nang dati sa isang maliit na bangkito sa paanan ni Maria, halos sa patingkayad na hitsura, ay niyayakap ang kanyang mga tuhod, ang kanyang mukha nakatingala at ang kanyang mulat-na-mulat na mga mata nakatitig sa mukha ni Maria. Kamukha niya ang isang musmos na bata na nakikinig sa isang magandang kuwento. Ngunit ito ay hindi isang kuwento. Ito ay isang magandang katotohanan. Sinasabi ni Maria sa maliit na pagano ng kahapon ang lumang mga kuwento tungkol sa Israel, at ang mga iba pang mga babae, bagama't nalalaman na nila ito, ay nakikinig nang maasikaso. Sapagkat magandang pakinggan ang kuwento tungkol kay Rachel, ang tungkol sa anak na babae ni Jephthah, ang tungkol kay Hannah ni Elkanah, na nanggagaling sa Kanyang mga labì!

Si Judas ni Alfeo ay lumalapit nang unti-unti at nakikinig ngumingiti. Siya ay nasa likuran ni Maria Na kung ayon ay hindi siya nakikita. Ngunit ang ngumingiting tingin ni Maria ni Clopas sa kanyang Judas ay nagsasabi kay Maria na mayroong tao sa likuran Niya at Siya ay lumingon: «O! Judas? Iniwan mo ba si Jesus upang pakinggan Ako, isang abang babae?»

«Oo. Iniwan ko Kayo upang pumunta kay Jesus, sapagkat Kayo ang aking unang tagapagturo. Ngunit kung minsan maganda para sa akin na iwanan Siya at pumunta sa Inyo, at maging isang bata muli katulad noong ako ay Inyong disipulo. Pakiusap na magpatuloy...»

«Gusto ni Aurea ang kanyang gantimpala tuwing Sabbath. At ang gantimpala ay ang pagkukuwento sa kanya  ng  kung ano ang tumitimo sa kanyang nang lubos sa ating kasaysayan, na ang kaunti nito ay Aking pinaliliwanag sa kanya araw-araw habang nagtatrabaho.»

Ang iba rin ay lumalapit... si Tadeo ay nagtanong: «At ano ang gusto mo, bata?»

«Labis, na sasabihin ay ang lahat... Ngunit si Rachel ay labis, at si Hannah ni Elkanah, pagkatapos si Ruth... pagkatapos... ah! maganda! Si Tobit at si Tobias kasama ang Anghel, at pagkatapos ang nobya na nananalangin na mapalaya...»

«At si Moses, hindi?»

«Natatakot niya ako... Napakadakila... At sa mga propeta gusto ko si Daniel na nagsasanggalang kay Susanna.» Siya ay tumitingin sa paligid at bumulong: «Ako rin ay pinagsanggalang ng aking Daniel» at tinitingnan niya si Jesus.

«Ngunit ang mga aklat din ni Moses ay magaganda!»

«Oo. Kung saan tinuturo nila na huwag gawin kung ano ang masamâ. At kung saan sila ay nagsasalita ng tungkol sa tala na ipanganganak kay Jacob. Alam ko na ang pangalan nito ngayon. Wala akong nalalaman noon. At ako ay mas masuwerte kaysa sa propetang iyon sapagkat nakikita ko ito at sa malapitan. Sinabi sa akin ni Maria ang lahat at nalalaman ko na rin» naghihinuha siya nang may pakiramdam ng pananagumpay.

«At ayaw mo ba ang Paskuwa?»

«Oo... ngunit... ang mga anak din ng ibang mga tao ay mga anak ng mga ina. Bakit patayin sila? Mas gusto ko ang Diyos Na nagliligtas kaysa sa Diyos Na pumapatay...»

«Tama ka... Maria, wala pa ba Kayong sinasabi sa kanya tungkol sa Kanyang Kapanganakan?» tanong ni Santiago tinuturo ang Panginoon Na nakikinig nang tahimik.

«Hindi pa. Gusto Kong malaman niya nang mabuti ang nakaraan bago ang kasalukuyan.  Maiintindihan niya kung gayon ang kasalukuyan na ang rason para rito ay nasa nakaraan. Kapag malaman niya ito, makikita niya na ang Diyos Na kanyang kinatatakutan, ang Diyos ng Sinai, ay bagkus isang Diyos ng matinding pagmamahal, ngunit isang Diyos pa rin ng pagmamahal.»

«O! Inay! Sabihin na Ninyo sa akin ngayon! Magiging di-masyadong mahirap para sa akin na maintindihan ang nakaraan kung alam ko na ang kasalukuyan, na, sa ganang nalalaman ko, ay napakaganda at nagagawa ang isa na mahalin ang Diyos nang walang takot. hindi ko kailangan na matakot!»

«Tama ang bata. Kailangan na maalaala ninyo ang katotohanan na iyan kapag kayo ay nag-eebanghelyo. Ang mga kaluluwa ay hindi kinakailangan na matakot upang makapunta sa Diyos nang may ganap na pagtitiwala. Iyan ang Aking pinágpupursigihán na gawin, mas lalo na kung ang mga tao, gawa ng kamangmangan o dahil sa kanilang mga kapintasan, ay maaaring maging mas matatakot sa Diyos. Ngunit ang Diyos, ang Diyos din na humampas sa mga Ehipsiyo at Siyang iyong kinatatakutan, Aurea, ay laging mabuti. Tingnan mo: nang pinatay Niya ang mga anak na lalaki ng malulupit na Ehipsiyo, Siya ay nagkaroon ng habag sa mga anak na iyon, na hindi na lumaki at naging mga makasalanan katulad ng kanilang mga ama at nabigyan Niya ng panahon ang kanilang mga magulang na magsisi tungkol sa kanilang masasamang ginagawa. Kung gayon iyon ay isang matinding kabutihan. Kailangan na makita ng isa ang kaibahan ng totoong kabutihan sa maluwag na pagpapalaki ng mga anak. Noong Ako ay isang maliit na sanggol din, maraming maliliit na bata ang pinatay na nasa mga lapi mismo ng kanilang mga ina. At ang mundo ay tumangis nang may takot. Ngunit kapag ang Panahon ay wala na para sa mga indibidwal o para sa lahat ng Sangkatauhan, para sa unang pagkakataon at para sa ikalawang pagkakataon maiintindihan mo na sila ay mga masuwerte, mga pinagpala sa Israel, sa Israel ng kapanahunan ng Kristo, na bilang mga pinatay sa kanilang kamusmusan, ay naipagpaliban mula sa pinakamalaking kasalanan, ang kasalanan ng pagiging mga kasabwat sa kamatayan ng Tagapagligtas.»

«Jesus!» sigaw ni Maria ni Alfeo napapatayò, natatakot, tumitingin sa kapaligiran na tila natatakot siya na makakita ng mga mamamatay-sa-diyos sa likuran ng mga halamang bakod at sa likuran ng mga puno ng kahoy. «Jesus!» inuulit niya tinitingnan si Jesus nang masakit.

«Ano? Hindi mo kaya nalalaman ang mga Iskriptura, dahil lubos kang nagtataka tungkol sa Aking sinasabi?» tanong ni Jesus.

«Ngunit... Ngunit... Ito ay hindi posible... Kailangan na huwag Mong ipahihintulot iyan... Ang Iyong Ina...»

«Siya ay Tagapagligtas katulad Ko, at alam Niya. Tingnan Siya. At gayahin Siya.»

Si Maria sa katunayan ay mahigpit, makareyna sa Kanyang matinding pamumutlà. Siya ay walang galaw, ang Kanyang mga kamay magkadaop na tila nagdarasal, ang Kanyang ulo tuwid, nakatingin sa espasyo....

Si Maria ni Alfeo ay tinitingnan Siya. Pagkatapos kanya muling kinakausap si Jesus: «Gayunman, hindi Mo kailangan na banggitin ang nakakatakot na hinaharap na iyan! Nilalagos Mo ng isang espada ang Kanyang puso.»

«Ang espadang iyan ay tatlumpu’t dalawang taon nang na sa Kanyang puso.»

«Hindi! Hindi iyan posible! Si Maria... laging panatag... Si Maria...»

«Tanungin mo Siya, kung hindi ka naniniwala sa sinasabi Ko.»

«Tatanungin ko Siya! Totoo ba ito, Maria? Alam Mo?...»

At si Maria sa isang magiliw ngunit matatag na tinig ay nagsabi: «Totoo iyan. Siya ay apatnapung araw ang gulang at Ako ay sinabihan ng isang banal na lalaki... Ngunit noon ding bago pa ito... O! Nang sinabi sa Akin ng Anghel na habang nananatili Akong ang Birhen Ako ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, Na siyang tatawagin na Anak ng Diyos at ganito ito dahil sa dibinong paglilihi sa Kanya, nang sinabi sa Akin ito, at nang sinabi na sa baog na sinapupunan ni Elizabeth ang isang bunga ay naporma sa pamamagitan ng himala ng Eternal na Ama, hindi Ako nahirapan na maalaala ang mga salita ni Isaiah: “Ang Birhen ay manganganak ng isang lalaki at tatawagin nila Siya na ang Immanuel”... Lahat, lahat Isaiah! At kung saan siya nagsasalita ng tungkol sa Prekursor... At kung saan siya nagsasalita ng tungkol sa Tao ng mga kapighatian, may mga dugo, di-makikilala... isang ketongin... para sa ating mga kasalanan... Ang espada ay nasa Akin nang puso mula noon at ang lahat ay nagsisilbing maitulak pa ito nang mas malalim: ang awit ng mga anghel at ang mga salita ni Simeon ay ang pagdalaw ng mga Hari mula sa Silangan, ang lahat...»

«Ngunit alin na lahat na iba pa, Maria? Si Jesus ay nananagumpay, si Jesus ay gumagawa ng mga himala, si Jesus ay sinusundan ng palaki at palaki pang mga pulutong... Hindi ba’t iyan ang katotohanan?» sabi ni Maria ni Alfeo.

«At si Maria, laging sa gayon hitsura ay tumutugon sa bawat tanong: «Oo...» nang walang dalamhati, walang lugod, tanging isang tahimik na pagsang-ayon lamang, sapagkat gayon iyon....

«Bueno kung gayon? Alin na iba pa ang tumutusok sa Iyong puso sa pamamagitan ng isang espada?»

«O!... Lahat...»

«At Ikaw ay kalmanteng-kalmante?  Panatag na panatag? Laging ganyan pa rin katulad nang dumating Ka rito, isang bata-pang nobya, noong nakaraang tatlumpu’t tatlong taon, at naaalaala ko ito nang mabuti na ito ay tila kahapon lang sa akin... Ngunit papaano Mo ito nagagawa? Masisira ang aking ulo... Ang gagawin ko... Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin... Ako. Hindi! Hindi posible para sa isang ina ang malaman iyan at maging kalmante!»

«Bago naging isang Ina, Ako ay isang anak at lingkod ng Diyos... Saan Ko natatagpuan ang aking katahimikan? Sa paggawa ng kung ano ang kalooban ng Diyos. Saan nanggagaling ang Aking kahinahunan? Sa paggawa ng kalooban na iyan. Kung kailangan Kong gawin ang kalooban ng isang tao, baka Ako mabalisa, sapagkat ang isang tao, kahit na ang pinakamarunong, ay laging nang makapamimilit ng isang maling kalooban. Ngunit ang kalooban ng Diyos! Kung ginusto Niya Akong maging ang Ina ng Kanyang Kristo, kailangan kayang isipin Ko na iyan ay kalupitan, at sa loob ng kaisipan na iyan mawala ang Aking kahinahunan? Kailangan ba Akong mabalisa ng kung ano sa Kanya at sa Akin ang ibig sabihin ng Panunubos, sa Akin din, at kung papaano Ko magagawang mapapangibabawan ang oras na iyan? O! ito ay magiging nakakatakot...» Si Maria ay napakilos nang hindi sinasadya, Siya ay bigla na lamang nanginig at hinawakan Niya ang Kanyang mga kamay upang hindi ito manginig, na tila ibig Niyang manalangin pa nang husto, habang ang Kanyang mukha ay mas lalong namumutla at ang Kanyang maselan na mga talukap-mata ay sumasara sa Kanyang mabait na kalawakang-asul na mga mata nang may ekspresyon ng puno ng dalamhati. Ngunit pinatatag Niya ang Kanyang tinig pagkaraan ng isang malalim na buntung-hininga ng pag-aalala at Siya ay nagtapos: «Ngunit Siya, Na nagpapataw ng Kanyang kalooban sa Akin at Siyang Aking pinaglilingkuran nang may pagtitiwalang pagmamahal, ay pagkakalooban Ako ng Kanyang tulong para sa oras na iyan. Ipagkakaloob Niya ito sa Akin, sa Kanya... Sapagkat ang Ama ay hindi nagpapataw ng isang kalooban na humihigit sa lakas ng isang tao... at Siya ay tumutulong... lagi. At tutulungan Niya tayo, Aking Anak... Tutulungan Niya tayo... at walang iba bagkus Siya, sa pamamagitan ng Kanyang walang-hangganang pamamaraan, ang makatutulong sa atin...»

«Oo, Inay. Ang Pagmamahal ay tutulungan tayo, at sa pagmamahal magtutulungan tayo. At sa pagmamahal tayo ay manunubos...» si Jesus ay nakapunta na sa tabi ng Kanyang Ina at ipinatong ang Kanyang kamay sa balikat ni Maria at itinaas ni Maria ang Kanyang mukha upang tingnan Siya, ang Kanyang magandang malusog na Jesus Na nakatalagang masira ang anyo sa pamamagitan ng pagpapahirap, papatayin sa pamamagitan ng sanlibong mga sugat, at sinabi Maria: «Sa pagmamahal at sa kapighatian. Oo. At magkasama...»

Wala nang nagsasalita pa. Nakatayo sa paligid ng dalawang púnong Tauhan ng trahedya ng Golgotha sa hinaharap, ang mga apostol at ang mga babaeng disipulo ay nagmumukhang mga nag-iisip na estatuwa...

Si Aurea, sa ibabaw ng kanyang maliit na bangkito, ay nanigas... Ngunit siya ang unang nakapanumbalik sa sarili at nang hindi na tumatayo pa siya ay nagpadalusdos sa kanyang mga tuhod at kung gayon nakaharap si Maria. Niyayakap niya ang Kanyang mga tuhod at iniyuko ang kanyang ulo sa ibabaw ng Kanyang lapi nagsasabing: «Ang lahat din na iyan para sa akin!... Gaano ko Kayo napahihirapan at gaano ko Kayo minamahal para sa kinailangan Ninyong ipaghirap para sa akin! O! Ina ng aking Diyos, pagpalain ako, na ang ipinaghirap Ninyo ay hindi maging walang-bunga...»

«Oo, Aking anak. Huwag matakot. Ang Diyos ay tutulungan ka rin, kung lagi mong tatanggapin ang Kanyang kalooban.» Hinahaplos ni Maria ang kanyang buhok at mga pisngi at nararamdaman Niya na ito ay basa ng mga luha. «Huwag umiyak! Ang unang bagay na nalaman mo tungkol sa Kristo ay ang Kanyang mapighating kapalaran, ang katapusan ng Kanyang misyon bilang Tao. Hindi makatarungan, bilang nalaman mo na iyan, na hindi mo rin malaman ang unang oras ng Kanyang buhay sa mundo. Makinig... Magugustuhan ng lahat ang makalabas sa madilim na mapait na kontemplasyon sa pamamagitan ng paggunita sa matamis na oras ng Kanyang Kapanganakan, na puno ng liwanag, ng mga awit, ng mga hosana,... Makinig...» at si Maria, pinaliliwanag ang rason para sa Kanyang paglalakbay patungo sa Bethlehem sa Judah, ang bayan na hinaluang lugar ng kapanganakan ng Tagapagligtas, sa isang malumanay na magiliw na tinig ay kinukuwento ang tungkol sa gabi ng Natibidad ng Kristo.

060311

 



Sunod na kabanata