435. Si Jesus at ang Kanyang Ina Nag-uusap.

Mayo 15, 1946.

Hindi ko alam kung ito ay ang gabi rin ng Sabbath din na iyon. Alam ko na nakikita ko si Jesus at si Maria, nakaupo sa batong upuan sa tabi ng bahay, malapit sa pintuan ng silid-kainan, mula kung saan nanggagaling ang malabong liwanag ng isang langis na lampara na nakalagay malapit sa pintuan. Ang maliit na apoy ay nanginginig sa hangin, lumalaki at lumiliit, tila ito ay humihinga. Ito lamang ang tanging liwanag sa loob ng walang-buwan na gabi: isang mahinang liwanag makikita sa loob ng pangkusinang-hardin kung saan naliliwanagan ang maliit na lugar ng lupa bago ang pintuan at namamatay sa unang tanim na rosal sa taniman ng mga bulaklak. Ngunit ang mahinang liwanag ay sapat nang maliwanagan ang aninag ng Dalawang nag-uusap sa loob ng kalmanteng gabi na punó ng amoy ng mga hasmin at ng iba pang mga bulaklak ng tag-init.

Sila ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga kamag-anak... tungkol kay Jose ni Alfeo na mapilit na matigas-ang-ulo, tungkol kay Simon na hindi masyadong matapang sa kanyang pagpapahayag ng pananampalataya, napangingibabawan katulad niya ng kanyang nakatatandang kapatid, na kasing mapangibabaw at matigas-ang-ulo sa kanyang mga idea katulad ng kanyang ama dati. Ito ang malaking kapighatian ni Maria Na gusto na ang lahat Niyang mga pamangkin ay maging mga disipulo ng Kanyang Jesus.

Si Jesus ay pinagiginhawahan si Maria at upang mapaumanhinan ang Kanyang pinsan binabanggit ni Jesus ang kanyang malakas na pananampalatayang Israelita: «Isang hadlang, alam Ninyo? Isang tunay na hadlang. Sapagkat ang lahat na mga pormularyo at mga alituntunin ay nagiging isang hadlang laban sa pagtanggap ng pang-Mesiyas na idea sa katotohanan nito. Mas madaling ikumberte ang isang pagano, maliban na ang kanyang espiritu ay hindi ganap na naging marumi. Ang isang pagano ay nag-iisip at nakikita ang magandang kaibahan sa pagitan ng kanyang Olympus at ng Aking Kaharian. Ngunit ang Israel... at mas may-pinag-aralan na bahagi ng Israel... ay nahihirapan na sundan ang bagong konsepto!...»

«Samantalang ang konseptong iyan ay iyan lagi!»

«Oo. Iyan ay laging ang Dekalogo na iyon, ang mga hulang iyon. Ngunit ang kalikasan nito ay nailisya ng tao. Kinuha niya ito, at mula sa mga daigdig ng sobrenatural – kung saan ito naroroon noon, at dinala itong pababa sa lebel ng Lupa, sa loob ng atmospera ng mundo, ginalaw niya ito sa pamamagitan ng kanyang pagiging-tao binabago ito... Ang Mesiyas, ang espirituwal na Hari ng dakilang Kaharian – na tinatawag na Kaharian ng Israel, sapagkat ang Mesiyas ay pinanganak ng trono ng Israel, ngunit mas tamang tawagin itong: ang Kaharian ng Kristo, sapagkat nakasentro ito sa mas mabuting bahagi ng Israel, kapwa sa nakaraan at sa kasalukuyan, at pinadadakila ito sa Kanyang perpeksiyon ng Diyos-Tao – ayon sa kanila ang Mesiyas, ay hindi maaaring maging ang mababang-loob na kaawa-awang tao, na hindi nag-aasam ng kapangyarihan at mga kayamanan, masunurin sa mga naghahari sa atin sa pamamagitan ng dibinong kaparusahan, sapagkat ang pagsunod ay kabanalan kapag hindi nito napapawalang-bisa ang dakilang Batas. Masasabi natin kung gayon na ang kanilang pananampalataya ay tumatrabahong laban sa totoong Pananampalataya. Kasama sa ganitong mga tao na matitigas-ang-ulo kumbinsido na sila ay tama, ay marami--- sa bawat lipi... at kahit na sa loob ng Aking mga kamag-anak at mga apostol. Maniwala, Inay, na ang kanilang kapurulan na maniwala sa Aking Pasyon ay diyan nakasalalay. Ang kanilang mga pagkakamali sa pagpapahalaga ay nanggagaling diyan... Ang kanila ring katigasang na pagka-di-gusto sa mga Hentil at mga idolatra, hindi tinitingnan ang tao, bagkus ang espiritu ng tao, ang espiritung iyan na may iisang Pinanggalingan lamang at kung kanino ang Diyos ay gusto lamang magbigay ng iisang Patutunguhan: ang Langit. Tingnan si Bartolomeo... Siya ay isang halimbawa. Napakabuti, marunong, payag na gawin ang lahat upang maparangalan at mapaginhawahan Ako... Ngunit sa harapan, hindi Ko sasabihin ng isang Aglae o ng isang Sintike, na isang nang bulaklak kompara sa kaawa-awang Aglae, na tanging ang pagsisisi lamang ang magpapabago  mula sa pagiging isang dumi patungo sa pagiging isang bulaklak, ngunit ni hindi kahit sa harapan ng isang bata, isang kaawa-awang bata na nakakakuha ng awa at ang kaninong likas na pagkamahiyain ay nakakakuha ng paghanga, ang pagkasuklam ba ni Bartolomeo para sa mga Hentil ay nawala, ni ang Aking halimbawa ay hindi nakapagkumbinsi sa kanya, o ang Aking mga salita na Ako ay naparito para sa lahat.»

«Tama Ka. Hindi lamang, bagkus, si Bartolomeo at si Judas ng Kerioth, ang dalawang mas may pinag-aralan, o kung man lamang: ang may pinag-aralan na si Bartolomeo, at si Judas ng Kerioth, na hindi Ko alam nang eksakto kung sa anong lipi siyang talaga, ngunit busog at tigmak ng hangin ng Templo, ay ang pinakamatitigas. Ngunit... si Bartolomeo ay mabuti at ang kanyang pagkamatigas ay mapauumanhinan pa. Si Judas... hindi. Napakinggan Mo kung ano ang sinabi ni Mateo, na pumunta nang sadya sa Tiberias... At si Mateo ay isang tao na may karanasan, lalo sa klase ng pamumuhay na iyon... At ang wika ni Santiago ni Zebedeo ay tama: “Sino ang nagbibigay ng labis na pera kay Judas?”. Sapagkat ang pamumuhay na gayon ay magastos... Kaawa-awang Maria ni Simon!»

Si Jesus ay pinakilos ang Kanyang mga kamay, upang sabihin: «Ganyan iyan...» at Siya ay nagbubuntung-hininga. Pagkatapos sinabi Niya: «Napakinggan ba Ninyo iyon? Ang mga binibining Romano ay nasa Tiberias... Si Valeria ay walang sinabi sa Akin na anuman. Ngunit kailangan Kong malaman bago ipagpatuloy Ko ang Aking paglalakbay. Inay, gusto Kong pumunta Kayo sa Capernaum kasama Ko nang matagal-tagal... Pagkatapos babalik Kayo rito, Ako ay magpapatungo sa hangganang Syro-Phoenicia, at babalik Ako upang magpaalam sa Inyo bago bumaba patungong Judaea, sa matitigas-na-ulo na mga tupa ng Israel...»

«Anak, lalakad Ako bukas na gabi... Isasama Ko si Maria ni Alfeo. Si Aurea ay tutuloy kay Simon ni Alfeo, sapagkat ang kanyang pamamalagi rito kasama Ka nang ilang mga araw ay tiyak na pipintasan... Ganyan ang mundo... At lalakad Ako... Sa Cana muna, pagkatapos pagsikat ng araw aalis Ako at titigil sa bahay ng nanay ni Salome ni Simon. Pagkatapos lalakad Akong muli paglubog-ng-araw at makakarating kami sa Tiberias na maliwanag na. Titigil Ako sa bahay ni Jose, ang disipulo, sapagkat ibig Kong pumunta nang personal sa bahay ni Valeria, at kung pumunta Ako sa bahay ni Johanna, gugustuhin niyang sumama... Hindi. Ako, ang Ina ng Tagapagligtas, ay makikita ng kanyang mga mata na iba sa disipulo ng Tagapagligtas... at hindi siya makapagsasabi ng hindi sa Akin. Huwag matakot, Anak!».

«Hindi Ako natatakot. Ngunit nalulungkot Ako tungkol sa lahat ng Inyong kaabalahan.»

«O! upang makaligtas ng isang kaluluwa! Ano ba ang dalawampung milya sa loob ng magandang panahon?»

«Ito ay magiging isang kapahirapan na moral. Ang manghingi... baka upang hiyain...»

«Isang lumalampas na walang-kabuluhan. Ngunit ang isang kaluluwa ay mananatili!»

«Magiging katulad Ninyo ang isang naliligaw na langaylangayan sa loob ng naging-maruming Tiberias... Isama Ninyo si Simon.»

«Hindi, Anak. Kaming dalawa lamang, dalawang kaawa-awang babae... Ngunit dalawang ina at dalawang disipulo. Ibig sabihin, dalawang dakilang lakas ng moral... Hindi Ako magtatagal. Hayaan Akong makapunta... Pagpalain Mo lamang Ako.»

«Oo, Inay. Sa pamamagitan ng lahat ng Aking puso bilang anak, at sa pamamagitan ng lahat ng Aking kapangyarihan bilang Diyos. Lakad at harinawang ang mga anghel ay samahan kayo sa daan.»

«Salamat sa Iyo, Jesus. Bueno, pumasok na tayo. Kailangan Kong magising pagsikat ng araw upang maihanda ang lahat para sa mga aalis at para sa mga mananatili. Pamunuan ang dasal, Anak...»

Kapwa si Jesus at si Maria ay tumayo at binigkas nilang magkasabay ang Ama Namin... Pagkatapos bumalik sila sa loob ng bahay, sinara nila ang pinto... ang ilaw ay nawala at ang mga tinig ng tao ay hindi na mapakinggan. Tanging ang kaluskos lamang ng ihip ng hangin sa mga dahon ang mapapakinggan at ang malumanay na lagukgok ng tubig sa bagsakan ng tubig sa pontanya...

070311

 



Sunod na kabanata