437. Si Aurea Ginagawa ang Kalooban ng Diyos.

Mayo 20, 1946.

Ang Birhen ay pagod-na-pagod nang Siya ay nakapasok muli sa Kanyang maliit na bahay. Ngunit Siya ay masayang-masaya. At hinanap Niya kaagad ang Kanyang Jesus, Na nagtatrabaho pa rin, sa huling liwanag ng namamatay na araw, sa pinto ng batong pugon, na Kanyang kinukumpuni. Si Simon ay binuksan ang pinto kay Maria, at pagkatapos na batiin Siya, maunawa siyang umalis patungo sa pagawaan. Hindi ko nakikita si Tomas. Baka siya ay nasa labas. Ibinaba ni Jesus ang Kanyang mga gamit nang makita Niya kaagad ang Kanyang Ina, at nagpatungo Siya sa Kanya pinupunasan ang Kanyang malangis na mga kamay (naglalangis Siya ng mga bisagra at mga trangkilya upang ito ay gumana nang walang-sabit) sa pamamagitan ng Kanyang apron. Ang kanilang palitan ng mga ngiti ay tila nagpaliliwanag sa pangkusinang-hardin kung saan dito ay dumidilim na.

«Kapayapaan sa Inyo, Inay.»

«Kapayapaan sa Iyo, Anak.»

«Gaano Kayo kapagod! Hindi Kayo nakapagpahinga...»

«Nakapagpahinga Ako, mula nang pagsikat ng araw hanggang paglubog-ng-araw sa bahay ni Jose... Ngunit kung hindi naging napaka-init, nakaalis sana Ako kaagad at nakalakad at sabihin sa Iyo na si Aurea ay sa Iyo na.»

«Oo?!» Ang malugod na sorpresa ay nagagawa ang mukha ni Jesus na magmukha nang mas bata pa. Ito ay tila ang mukha ng isang lalaki na mga dalawampung taong gulang, at sa dahilan na ang lugod ay naaalis nito ang kabigatan na sa pangkalahatan ay nasa Kanyang mukha at sa Kanyang mga pagkilos, mas nakakamukha pa Niya ang Kanyang Ina, Na laging gayon na isang mapanatag na babae sa Kanyang kilos at tingin.

«Oo, Jesus. At nagawa Ko iyan nang walang kahit anong pagsisikap. Ang binibini ay kaagad pumayag. Siya ay naantig tinatanggap na siya at ang kanyang mga kaibigan ay lubos na naging marumi na magturo sa isang nilalang ng Diyos. Ganyan na kababaang-loob, katapatan, katotohanang pagtanggap! Hindi madaling makatagpo ng mga taong tumatanggap na sila ay may diperensiya nang hindi pinipilit na aminin ito.

«Hindi, hindi madali. Marami sa Israel ang hindi ito magagawa. Sila ay magagandang kaluluwa na natatakpan ng isang balat ng dumi. Ngunit kapag ang dumi ay malaglag...»

«Mangyayari ba ito, Anak?»

«Natitiyak Ko na mangyayari ito. Sila ay likas na kumikiling sa Mabuti. Magtatapos sila na kumakapit dito. Ano ang kanyang sinabi?»

«O! Tanging kaunting mga salita lamang... Nagkaintindihan kami kaagad. Ngunit mas mabuti pang papuntahin natin dito si Aurea kaagad. Ibig Kong sabihin sa kanya ito, ngunit ito ay kung gusto Mo lamang, Anak.»

«Oo, Inay. Ipatatawag nating kay Simon» at sa isang malakas na tinig tinatawag Niya si Simon na dumating naman kaagad.

«Simon, pumunta ka sa bahay ni Simon ni Alfeo at sabihin sa kanya na ang Aking Ina ay nakabalik na, pagkatapos pumunta rito kasama ang batang babae at si Tomas, na maaaring nandoon tinatapos ang maliit na gawain na pinakiusap sa kanya ni Salome.»

Si Simon ay yumukod at umalis kaagad.

«Sabihin sa Akin, Inay... ang Inyong paglalakbay... ang inyong pag-uusap... Kaawa-awang Ina, gaano Kayo napagod dahil sa Akin!»

«O! hindi, Jesus! Wala itong problema kapag Ikaw ay masaya... at si Maria ay kinukuwento sa Kanya ang Kanyang paglalakbay at ang takot ni Maria ni Alfeo, ang kanilang pagpapahinga sa bahay ng mamamangka, ang pakikipagtagpo kay Valeria, at Siya ay nagtatapos: «Mas ginusto Kong makita Ko siya sa oras na iyon, dahil ipinahintulot ito ng Langit. Siya ay mas malaya, Ako ay mas malaya, at si Maria ni Clopas ay napaginhawahan kaagad, sapagkat nahihintakutan siya tungkol sa idea na dalawang babae na lubos na nag-iisa sa Tiberias at tanging ang kanya lamang na pagmamahal para sa Iyo at ang kaisipan na mapaglingkuran Ka ang nakapananaig sa kanyang takot...» at si Maria ay ngumingiti naaalaala ang kabalisahan ng Kanyang hipag...

At si Jesus ay ngumingiti nagsasabing: «Kaawa-awang babae! Siya ay isang totoong babae ng Israel, ang sinaunang babae, mapagpigil, lubos na deboto sa kanyang pamilya, ang malakas na babae ayon sa mga Salawikain. Ngunit sa bagong Relihiyon ang mga babae ay hindi lamang magiging malakas sa bahay... Marami ang hihigit kay Judith at Jael, bilang pinagkalooban ng kabayanihan na mayroon din ang ina ng mga Macabeo... At ang ating Maria ay magiging ganyan. Ngunit sa pansamantala... siya ay kung ano siya... Nakita ba Ninyo si Johanna?»

Si Maria ay hindi na ngumingiti. Baka natatakot Siya tungkol sa katanungan na tungkol kay Judas. At Siya ay tumugon kaagad: «Ayaw Ko nang mabigyan ng mas maraming alalahanin si Maria. Nanatili kami sa bahay hanggang sa kalahatian ng oras sa pagitan ng ika-siyam at ng gabi, nagpapahinga, at pagkatapos kami ay umalis... iniisip Ko na baka makikita namin siya sa lawa...»

«Tama ang ginawa Ninyo. Nabigyan Ninyo Ako ng katibayan ng damdamin ng mga binibining Romano tungkol sa Akin. Kung si Johanna ay nakialam, maaaring isipin natin na sila ay pumayag sa kanilang kaibigan. Maghihintay na tayo ngayon hanggang sa Sabbath at kung si Myrtha ay hindi dumating pupunta tayo sa kanya kasama si Aurea.»

«Anak, ibig Kong manatili rito...»

«Nakikita Ko na Kayo ay pagod-na-pagod.»

«Hindi, hindi dahil diyan... iniisip Ko na si Judas ay baka pumunta rito... Katulad na tama lang na kailangan na laging may isang nasa Capernaum na maghihintay para sa kanya at magbibigay sa kanya ng mapagkaibigan na pagtanggap, tama rin lang na may isang naririto na tatanggap sa kanya nang may pagmamahal.»

«Salamat sa Inyo, Inay. Kayo lamang ang tanging nag-iisa na nakaiintindi tungkol sa kung ano ang makapagliligtas pa sa kanya...»

Kapwa sila nagbubuntung-hininga iniisip ang disipulo na siyang nagbibigay ng kapighatian....

Sina Simon at Tomas ay bumalik kasama si Aurea na tumatakbo patungo kay Maria. Si Jesus ay pinabayaan siya na kasama ang Kanyang Ina at pumasok sa bahay kasama ang Kanyang mga apostol.

«Nagdasal ka nang labis, Aking anak, at ang mabuting Diyos ay nakinig sa iyo...» pasimula ni Maria.

Ngunit ang bata ay pinutol Siya sa pamamagitan ng isang sigaw ng tuwa: «Ako ay mananatiling kasama Ninyo!» at niyakap niya ang leeg ng Birhen hinahalikan Siya.

Si Maria ay sinusuklian ang halik at hawak si Aurea lagi ng Kanyang mga kamay sinabi Niya: «Kapag ang isa ay gumagawa ng isang malaking pabor, kinakailangan na suklian ito, tama ba ito?»

«O! Oo! At susuklian ko Kayo ng labis na pagmamahal.»

«Oo, Aking mahal. Ngunit sa itaas Ko ay naririyan ang Diyos. Siya ito na gumawa sa iyo ng malaking pabor na ito, ang di-masusukat na grasyang ito na tanggapin ka sa pagitan ng mga miyembro ng Kanyang sambayanan at ginagawa kang isang disipulo ng Gurong Tagapagligtas. Ako ay naging bagkus ang instrumento ng grasya, ngunit Siya, ang Kataastaasan, ay ang nagkaloob ng grasya. Ano, kung gayon, ang ibibigay mo sa Kataastaasan upang sabihin sa Kanya na pinasasalamatan mo Siya?»

«Bueno... Hindi ko alam... Sabihin Ninyo sa akin, Inay...»

«Pagmamahal, iyan ay tiyak. Ngunit ang pagmamahal, upang maging talagang ganyan, ay kailangan na maisama sa sakripisyo, sapagkat ang isang bagay ay mas may halaga kung ito ay pagbabayaran, hindi ba?»

«Oo, Inay.»

«Kung gayon, sasabihin Ko na, sa pamamagitan ng gayon ding lugod na ikaw ay sumigaw: “Ako ay mananatiling kasama Ninyo!”, kailangan na sumigaw ka: “Oo, o Panginoon” kung Ako, Na Kanyang abang lingkod, ay sabihin sa iyo ang kalooban ng Panginoon tungkol sa iyo.»

«Sabihin Ninyo sa akin, Inay» sabi ni Aurea na ang kaninong hitsura ay naging mabigat.

«Ang kalooban ng Diyos ay ipinagkakatiwala ka sa dalawang mabuting ina, kay Naomi at Myrtha...»

Dalawang malalaking luha ang nagningning sa malinaw na mga mata ng bata, at dumaloy sa kanyang malarosas na mga pisngi.

«Sila ay mabubuting babae. Sila ay mahal kay Jesus at sa Akin. Iniligtas ni Jesus ang anak na lalaki ng isa sa kanila, pinasuso Ko ang sanggol ng isa pa. At nakita mo na sila ay mababait...»

«Oo... ngunit umaasa ako na mamamalagi sa Inyo...»

«Aking anak, hindi posible na magkaroon ng lahat! Nakikita mo na Ako ay hindi Ko palaging nakakasama ang Aking Jesus. Ibinigay Ko Siya sa inyong lahat, at Ako ay malayo, napakalayo sa Kanya, kapag Siya ay umiikot sa Palestina nagtuturo, nanggagamot at nagliligtas ng mga batang babae...»

«Totoo iyan...»

«Kung ginusto Ko Siya na sa Akin lamang, hindi ka sana nailigtas... Kung ginusto Ko Siya na sa Akin lamang, ang inyong mga kaluluwa ay hindi sana nailigtas. Tingnan kung gaano kalaki ang Aking sakripisyo. Ibinibigay Ko sa inyo ang isang Anak na isasakripisyo para sa inyong mga kaluluwa. Maging ano pa man, ikaw at Ako ay laging magiging magkasama, sapagkat ang mga babae disipulo ay laging mágkakasáma sa paligid ng Kristo, pinoporma ang isang malaking pamilya na pinagbubuklod ng ating pagmamahal para sa Kanya.»

«Iyan ay totoo. At pagkatapos... pupunta ulit ako rito, hindi ba? At tayo ay magkikita muli?»

«Tiyak iyan. Habang gusto ito ng Diyos...»

«At lagi Kayong magdarasal para sa akin...»

«At lagi Akong magdarasal para sa iyo.»

«At kung tayo ay magkasama, tuturuan pa rin ba Ninyo ako?»

«Oo, Aking mahal...»

«Ah! Gusto kong maging katulad Ninyo. Magagawa ko kaya ito kailanman? Ang makaalam, upang maging mabuti...»

«Si Naomi ay ang ina ng isang pangulo ng isang sinagoga at isang disipulo ng Panginoon. Si Myrtha ay ang ina ng isang anak na lalaki na karapat-dapat ng grasya ng isang himala at isang mabuting disipulo. At ang dalawang babae ay mabubuti at marurunong, bukod sa pagiging punung-puno ng pagmamahal.»

«Matitiyak ba Ninyo sa akin?»

«Oo, Aking anak.»

«Kung gayon... pagpalain Ninyo ako at harinawang mangyari ang kalooban ng Panginoon... katulad ng sinasabi ng panalangin ni Jesus. Binigkas ko ito nang maraming beses... Tama lamang na gawin ko na ngayon kung ano ang aking binigkas upang makuha ang grasya na hindi na muli mapapunta sa mga Romano...»

«Ikaw ay isang mabuting batang babae. At ang Diyos ay lagi kang tutulungan. Halika, tayo na at sabihin kay Jesus na ang pinakabatang babaeng disipulo ay alam kung papaano gawin ang kalooban ng Diyos...» at hinahawakan siya sa kamay si Maria ay pumunta ulit sa bahay kasama ang bata.

150311

 

 



Sunod na kabanata