438. Isa Pang Sabbath sa Nazareth.

Mayo 21, 1946.

Isa pang Sabbath sa Nazareth. Ibig sabihin, isa pang pagsimula ng Sabbath, sapagkat sina Myrtha at Naomi ay dumating kasama ang bata-pang si Abel, nang ang paglubog-ng-araw ng Biyernes ay kasisimula pa lamang. Bumaba sila sa kanilang maliliit na asno, na inilalayo ni Abel, tiyak na patungo sa isang establero, baka sa pag-aari ng dalawang mapagkaibigan na mga drayber-ng-asno ng Nazareth, na naging mga disipulo. Ang mga babae ay pumasok sa pamamagitan ng pintuan ng pagawaan, na pinabayaang nakabukas upang mahanginan ang malaking silid, kung saan magpahanggang sa maikling panahon bago ngayon, ang init ng magaspang na paapuyan ay sumama sa matinding init ng tag-init.

Si Tomas ay inililigpit ang kanyang mga gamit. Si Simon ay winawalis ang mga pinaglagarian, habang si Jesus ay nililinis ang mga palayok ng pandikit at pintura.

«Kapayapaan sa Inyo, Guro, at sa inyo, mga disipulo» pagbati ng dalawang babae, yumuyukod nang mababa nang sila ay kaagad nakapasok at pagkatapos, pagkaraan na matawid ang pagawaan, pinagpatirapa ang kanilang mga sarili sa paanan ni Jesus.

«Kapayapaan sa inyo. Napakatapat ninyo, na pumunta sa init na ito!»

«O! wala! Ang isa ay maganda ang pakiramdam dito, na nakakalimutan niya ang lahat. Nasaan and Inyong Ina?»

«Siya ay nasa loob doon, tinatapos ang isang damit para kay Aurea. Maaari kayong pumasok.»

Ang dalawang babae ay lumakad nang papalayo dala ang kanilang mga bitbit na sako at maririnig ng isa ang kanilang mga tinig, na kung baga ay malalim, na humahalo sa matinis kung baga maingay na tinig ni Aurea at sa malaplatang tinig ni Maria.

«Sila ay magiging masaya na ngayon!» sabi ni Tomas.

«Oo. Sila ay mabubuting babae» tugon ni Jesus.

«Guro, si Myrtha ay hindi lamang napanatili ang anak na lalaking mayroon siya, bagkus nagkaroon pa siya ng isa pa. At sa loob lamang ng mahigit nang kaunti sa isang taon...» sabi ng Zealot.

«Oo! Sa loob lamang ng mahigit nang kaunti sa isang taon! Mahigit nang isang taon mula pa nang si Maria ni Lazarus ay nagawang magbalik-loob sa Panginoon. Gaanong lumilipad ang panahon! Ito ay tila kahapon lamang... Gaano karaming mga bagay noong isang taon! Ang magandang pagreretiro bago ang pagpili! Pagkatapos si Juan ng Endor! Pagkatapos si Marjiam! Pagkatapos si Daniel ng Naim, pagkatapos si Maria ni Lazarus at pagkatapos si Sintike... ngunit nasaan si Sintike? Madalas kong naiisip siya at hindi ko maintindihan kung bakit...» si Tomas ay tumigil sa pakikipagusap sa kanyang sarili, sapagkat si Jesus at si Simon ay hindi tumutugon sa kanya, sa kabaligtaran sila ay lumabas patungo sa pangkusinang-hardin upang hugasan ang kanilang mga sarili at pagkatapos sumama sa mga babaeng disipulo.

At nagsisimula ulit tayong makakita... Si Abel ng Bethlehem sa Galilee ay bumalik at natagpuan si Tomas na nag-iisip pa rin, sa harapan ng lugar kung siya sa pangkalahatan nagtatrabaho, nawawala sa isip, ginagalaw ang kanyang munting mga obra-maestra sa gawaing-ginto.

«Nakatagpo ka ba ng trabaho?» tanong ng disipulo tungkol sa munting mga bagay.

«O! Nagawa kong maging masasaya ang mga babae sa Nazareth. Hindi ko inakalang napakarami palang mga hebilya, pulseras, kuwintas at mga liryo na gagawin. Kinailangan kong pakiusapan si Mateo na magdala sa akin ng ilang metal mula sa Tiberias. Mas marami akong suki... ha! ha! (masaya siyang tumatawa) kaysa mayroon ang aking ama. Totoo na hindi ako nagpapabayad ng pera...»

«Nawawala sa iyo ang lahat?»

«Hindi. Sinisingil ko lamang ang halaga ng metal. Ang aking trabaho ay isang regalo.»

«Ikaw ay maluwag magbigay.»

«Hindi. Ako ay marunong. Hindi ako walang-ginagawa. Nagbibigay ako ng halimbawa ng kasipagan at pagkakahiwalay sa pera at... nagtuturo ako... Manahimik! Sa palagay ko nakapagturo ako nang mas mahigit sa pagiging ganito, nang walang kinukuwentong parabula, nang walang sinasabing isang salita sa sinagoga, kaysa kung ako ay nagsalita nang walang-tigil. At pagkatapos... nakagawa ako ng kaunting pagsasanay. Pinangako ko sa aking sarili na palalaganapin ko ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng aking gawain kapag kailangan kong pumunta at ipahayag si Jesus sa pagitan ng mga taong hindi naniniwala sa Diyos. At sinasanay ko ang aking sarili.»

«Ikaw ay marunong kapwa bilang isang platero-ng-ginto at bilang isang apostol.»

«Nagsisikap akong maging ganyang alang-alang kay Jesus. Kung gayon nagkaroon ka ng isang kapatid na babae. Tratuhin mo siya nang mabuti, alam mo? Katulad niya ang isang maliit na kalapati sa pugad nito. Sinasabi ko sa iyo sapagkat sa aking hanapbuhay sanay akong makipagusap sa mga babae. Siya ay isang tapat na kalapati na natakot nang husto ng isang lawin, at isang naghahanap ng mga pakpak ng isang ina at ng isang kapatid na lalaki upang ipagsanggalang siya. Kung siya ay hindi ginusto ng iyong ina, hiningi ko sana siya para sa aking magkakambal na kapatid na babae. Isa pang anak, o magkulang ng isa pareho lang!  Ang aking kapatid na babae ay napakabuti, alam mo?»

«Ang akin ding inay. Nawalan siya ng isang anak na babae nang siya ay naging balo. Baka ang kanyang gatas ay naging masamâ, namimighating katulad niya sa pagkamatay ng kanyang asawa.... halos hindi ko na maalaala ang aking maliit na kapatid na babae... at baka hindi ko siya kailanman maaalaala kung hindi siya madalas pinagluluksa ng aking ina, at kung ang bawat kaawa-awang batang babae sa Bethlehem ay hindi pinagkakalooban ng ilang pagkain at damit sa loob ng aming bahay, bilang alaala sa namatay na sanggol... Ngunit ako ay pinalaki na kasama lamang ang aking ina, at nagtapos ako nang minamahal ko mismo nang labis ang maliliit na mga batang babae... Nabatid ko na ang isang ito ay hindi isang maliit na batang babae... ngunit titingnan ko siya nang ganyan, dahil sa kanyang puso, kung siya ay katulad ng sinasabi ng aking ina, ni Naomi at ninyo...»

«Makatitiyak ka. Pumunta tayo sa kabilang silid.»

«Sukat-na-sukat talaga sa iyo» sabi niya hinuhubad ang damit at hinahaplos si Aurea habang inaayos niya ang dating suot na damit na nakusot nang isinusukat ang bago. «Talagang lapat-na-lapat. At ang lahat ay magiging maganda. Makikita mo, aking mahal na anak... O! naririto ang aking Abel. Halika rito, anak. Naririto si Aurea. Siya ay magiging isang miyembro ng ating pamilya ngayon, alam mo?»

«Alam ko, inay, at masaya akong katulad ninyo.» Tinitingnan niya ang batang babae... pinag-aaralan niya siya... Ang kanyang madidilim na mata ay nakatitig at nawawala sa malalaking maputlang asul na mga mata ni Aurea. Siya ay nasisiyahan sa kanyang pagsusuri. Siya ay ngumingiti sa kanya: «Mamahalin natin ang isa’t isa sa Panginoon Na nagligtas sa atin at mamahalin natin Siya at gagawin Siyang mahalin. At ako ay magiging isang kapatid na lalaki sa iyo sa espiritu at sa damdamin. Pinapangako ko ito sa presensya ng Guro at ng aking ina» at nang may magandang malinaw na ngiti ng isang purong kabataan kanyang iniaabot ang kanyang malakas na darang-sa-araw na kamay kay Aurea.

Si Aurea ay nag-aalinlangan at pagkaraan, namumula, inilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa kanang kamay na inaalok sa kanya at nagsabi: «Gagawin natin iyan. Sa Panginoon.»

Ang mga adulto ay ngumingiti...

«Ang isa ay makakapasok dito nang hindi kumakatok sa mga pintuan...»

«Naririto si Simon ni Jonah! Ngayon hindi niya malabanan ang tukso... » sabi ni Tomas tumatawa habang tumatakbo siya patungo sa labas.

«Oo! Hindi ako nanlaban... Kapayapaan sa Inyo, Guro!» Hinahalikan niya si Jesus at hinahalikan siya Niya. «Sino ang makapanlalaban?» Nakita niya si Maria at yumuko nang bumabati, pagkatapos siya ay nagpatuloy: «Ngunit, upang mapagbigyan ang ating mga konsiyensya, kami ay naparito dumaraan ng Tiberias at hinanap namin si Judas. Sapagkat tayong lahat ay naririto, eh?! Ang iba pa ay darating. Kasama rin si Marjiam. Kung kaya't sinasabi ko na kami ay naparito sa pamamagitan ng Tiberias. H’m! Oo! Upang hanapin si Judas kung mangyari na... isipin niya ang pumunta sa Capernaum, sa ikaapat na Sabbath man lamang. Hindi maganda kung kaming lahat ay nasa malayo... At natagpuan namin siya oo! Hindi, bagkus, natagpuan siya ni Isaac, dahil siya ay umalis upang makita si Jonathan... Sapagkat si Isaac ay nagtapos sa pagpunta sa Capernaum naghihintay para sa Inyo kasama ang hindi ko alam kung gaano karami pang tao, na mga nanatili doon upang maging mas may-nalalaman sa ilalim ng paggabay nina Hermas at Stephen, ng iyong anak, Naomi, at ni Juan, ang pari... Ngunit si Isaac ay sumama sa amin, sapagkat siya rin ay mamamatay kung hindi niya Kayo nakikita... Kaawa-awang Isaac! Hindi siya pinakitunguhan nang maganda ni Judas. Ngunit si Isaac, sa loob ng kanyang matagal na pagkakasakit, ay maaaring nawala na sa kanya ang lahat na pakiramdam ng pagka-inip, pagkimkim ng sama-ng-loob at galit... Hindi siya kailanman gumanti! Kahit na kung suntukin nila ang kanyang tainga, siya ay ngumingiti... Anong kapayapaang tao! Bueno, sinabi niya sa amin: “Nakita ko si Judas, siya ay hindi darating. Huwag mamilit”. Naintindihan ko. Tinanong ko siya: “Ikaw ba kay kanyang sinagot nang may-pag-insulto? Sabihin sa akin. Ako ang hepe at kailangan na malaman ko. “O! hindi” tugon niya. “Hindi siya tumugon nang may pag-insulto, ngunit ang kanyang kabastusan ay nang-iinsulto. Siya ay kailangan na kaawaan...” Bueno, atin siyang kaawaan... Bueno, tayong lahat ay naririto. At masaya upang... Naririto na ang iba pa...»

At sa mga iba pang ito ay naroroon sina Judas at Santiago ni Alfeo kasama ang kanilang ina at ang mga disipulo ng Nazareth: sina Aser, Ishmael at Simon ni Alfeo, at, isang pambihira, si Jose din ni Alfeo.

Ibinababa nila ang kanilang mga bag. Si Natanael ay nagdala ng ilang mga mansanas at si Felipe isang punó ng basket ng mga ubas na kasing ginintuan ng buhok ni Aurea. Si Pedro at ang mga anak ni Zebedeo ilang binuro na isda. Si Mateo, na walang tinutuluyan na bahay na inaalagaan ng isang babae at kung gayon walang anuman na maganda, ay nagdala ng isang palayok ng lupa na sa loob nito ay may maliit na nakatanim, na sa hitsura ng mga dahon, sasabihin ko na ito ay isang púno ng lemon o orange o isang klase ng púno ng citrus at siya'y nagpapaliwanag: «Ito ay pambihira... Ang pumupunta lamang sa Cyrene ang makakakuha nito, at nakakita ako ng isang lalaki na mula sa Cyrene, isa sa mga awtoridad ng pagbubuwis katulad ko minsan. Siya ngayon ay retirado na sa Ippo. Pinuntahan ko siya upang kunin ang tanim sapagkat ito ay kailangan na maitanim sa bagong buwan. Ang bunga nito ay maganda at masarap, ang bulaklak nito ay mabango ang amoy at nagmumukha itong isang tala na waks, isang tala katulad ng Inyong pangalan... Naririto» at kanyang inaalay ang tanim kay Maria.

«Ngunit anong kaabalahan para sa iyo, Mateo, ang lahat na bigat na ito! Nagpapasalamat Ako sa iyo. Ang Aking hardin ay paganda na nang paganda, salamat sa inyong lahat. Ang alkampor ni Porphirea, ang mga rosal ni Johanna, ang iyong pambihirang tanim, Mateo, ang iba pang bulaklak na mga tanim na dinala ni Judas ng Kerioth... Gaano karaming magagandang bagay, gaano kayong lahat kabait sa Ina ni Jesus!»

Ang lahat ng mga apostol ay naantig; nagkatinginan lamang sila nang patagilid nang binanggit ni Maria ang pangalan ni Judas.

«Oo. Minamahal nila Kayo. Ngunit minamahal din namin Kayo» sabi nang mabigat at may-katigasan ni Jose ni Alfeo.

«Siyempre! Kayo ang mahal na mga anak ng Aking mahal na kamag-anak na si Alfeo at ni Maria, na napakabuti. At minamahal ninyo Ako. Natural ito. Tayo ay magkakamag-anak... Ang mga ito sa halip ay hindi ating dugo, subalit sila ay katulad ng mga anak sa Akin, katulad ng mga kapatid kay Jesus, dahil mahal-na-mahal nila Siya at sinusundan Siya...»

Si Jose ay naintindihan kaagad ang pahiwatig, nililinis niya ang kanyang lalamunan, naghahanap ng mga salita... Nakita niya ang mga ito... Sinabi niya: «Siyempre! Ngunit kung ako ay hindi pa nila kasama, ito ay dahil iniisip ko rin ang magiging konsekwensiya nito para sa Kanya, para Sayo... at... at... Bueno! Minamahal ko rin Ikaw, Ikaw lalo na, kaawa-awang babae, dahil naiiwan Ka na nang nag-iisa nang napakatagal na... At ako ay naparito upang sabihin kay Jesus na ako ay natutuwa na naaalaala din Niya ang pangangailangan ng Kanyang Ina at ginawa kung ano kinakailangan dito...» at, nasisiyahan ng pagiging ang “ulo” ng pamilya at kung gayon nasa pusisyon na magpuri at magpayo, minamarapat niyang papurihan si Jesus para sa lahat na gawain ng pag-alwagi, pagpintura at iba pang mga ginawa sa buwan na iyon: «Ganyan dapat ang paggawa niyan! Makikita na ngayon ng isa na ang babaeng ito ay may anak na lalaki! At masaya ako na masasabi ko na natagpuan ko na muli ang Aking marunong na Jesus ni Jose. Bravo!»

At ang marunong na Jesus ni Jose, ang Kadibidibinong Salita na pinahiya sa ating laman, mapagpakumbaba at mababa ang kalooban, ay tinatanggap ang mga papuri kahalo ng... ma-awtoridad na payo ng Kanyang pinsan na si Jose, ngumingiting may kabaitan, na natutulungan nitong mapigilan ang kahit anong wala-sa-panahon na reaksiyon ng mga apostol sa pabor Niya.

At si Jose, bilang nakapagsimula na, nakikitang siya ay kanilang pinakikinggan, ay hindi tumitigil, bagkus siya ay nagpapatuloy: «Umaasa ako na mula ngayon ang Nazareth ay hindi na makakakita ng isang kaawa-awang babae na nag-iisa, habang ang Kanyang Anak ay walang-karunungang na umaalis sa madalas daanang landas upang tahakin ang mga landas ng walang katiyakan, kapwa sa kanilang mga hahantungan at kanilang mga konsekwensiya. Ako ay magsasalita sa aking mga kaibigan, sa pangulo ng sinagoga... Patatawarin Ka namin... O! ang Nazareth ay magiging masaya na ibukas ang mga kamay nito sa Iyo, katulad sa isang anak na bumalik... bilang isang halimbawa ng birtud sa lahat ng mga mamamayan. Bukas dadalhin Kita mismo sa sinagoga at...»

Si Jesus ay itinaas ang Kanyang kamay nagpapataw ng katahimikan at kalmante ngunit may-katatagan, sinabi Niya: «Ako ay tiyak na pupunta sa sinagoga, bilang isang naniniwala, nang eksakto katulad na pumunta Ako roon sa ibang mga Sabbath. Ngunit hindi na kinakailangan para sa iyo na makiusap para sa Akin, sapagkat isang oras pagkaraan ng paglubog ng araw Ako ay aalis muli upang mag-ebanghelyo, dahil katungkulan Kong sumunod sa Kataastaasan.»

Isang masamang pagkatalo para kay Jose!... Isang napakasamang pagkatalo!... Ang lahat ng kanyang pagmamagandang-loob ay nawasak at ang kanyang walang-pagpapasyensiya na panlalaban ay muling lumitaw: «O sige! Ngunit huwag maghanap para sa akin sa oras ng pangangailangan. Ginawa ko na ang aking katungkulan at ang Iyong tiyak na kapahamakan ay hindi maisisisi sa akin. Paalam. Ako ay pampasikip dito sapagkat hindi ko kayo maintindihan, at hindi ninyo ako maintindihan. Ako ay aalis, nang wala ng sama-ng-loob, ngunit napakalungkot... Harinawang ang Panginoon ay protektahan Ka katulad na pinoprotektahan Niya ang lahat na mga... simple ang kaisipan, di-kumpleto... Paalam, Maria! Laksan Mo ang loob Mo, kaawa-awang Ina!»

«Paalam, Jose. Ngunit kailangan Kong laksan ang loob Ko para sa iyo, hindi para sa Kanya. Sapagkat ikaw ang nasa labas ng landas ng Diyos at pinamimighati mo Ako» sabi ni Maria nang kalmante subalit nakatitiyak sa Kanyang sarili.

«Ikaw ay isang tanga, iyan kung ano ikaw! At kung hindi ka lamang ang ulo ng pamilya mahahampas kita, dahil ikaw ay isang nilikha ng aking dugo ngunit hindi ng aking espiritu...» sigaw ni Maria ni Alfeo. At nakapagsalita pa sana siya ng mas marami pa, ngunit pinakiusapan siya ni Maria: «Manahimik! Alang-alang sa Akin.»

«Mananahimik ako. Oo. Ngunit... sabihin sa akin kung ako ay magkakaroon ng isang taong tampalasan katulad niya sa aking mga anak!...»

Ang taong tampalasan sa pansamantala ay nakaalis na, habang ang mabuting si Maria ni Alfeo ay ibinubuhos ang sama-ng-loob ng kanyang kaluluwa tungkol sa anak na iyon na matigas ang ulo. At siya ay nagtapos ng pagpápakawala sa kanyang mga nararamdaman sa pamamagitan ng pag-iyak, at humihikbi sinasabi niya ang kanyang pinakamasakit damdamin: «At hindi ko siya makakasama sa Langit, hindi ko siya makakasama! Makikita ko siya na nasa mga paghihirap! O! Jesus! Nasa Iyo ang paggawa ng mga himala!»

«Oo, Maria! Huwag umiyak! Ang kanyang oras ay darating din. Ang ika-labing isa, baka. Ngunit Ako ay darating. Matitiyak Ko sa iyo. Huwag umiyak...» sabi ni Jesus pinagiginhawahan siya... At nang ang kanyang pag-yak ay tapos na sinabi Niya sa mga apostol at mga disipulo: «Pumunta tayo sa taniman ng mga punong-olibo habang ang mga babae ay inihahanda ang kanilang mga kinaaabalahan. Tayo ay mag-uusap-usap.»

170311

 



Sunod na kabanata