44. Ang Pagpapaalam sa Kanyang Ina at Ang Pag-alis sa Nazareth.

Pebrero 9, 1944, 9:30 n.u.

(Nagsimula habang nasa Banal na Komunyon)

¹Nakikita ko ang looban ng bahay sa Nazareth: isang maliit na silid na nagmumukhang isang silid-kainan, kung saan ang mga miyembro ng Pamilya ay doon kumakain at nagpapahinga sa araw. Ito ay isang napakaliit na silid na may lisong rektanggulong mesa malapit sa isang baul, na nasa tabi ng isa sa mga pader. Ang baul ay nagsisilbi ring isang upuan. Malapit sa iba pang mga pader ay naroon ang isang habihan at isang bangkito, at may dalawa pang bangkito na may isang klase ng lalagyan ng mga aklat na sa ibabaw nito ay may mga lampara ng langis at iba pang mga bagay. Ang pinto ay nakabukas patungo sa pangkusinang-hardin. Maaaring halos gabi na ngayon, sapagkat tanging malalabong sinag ng araw na lamang ang makikita sa itaas ng bahagi ng mga kadahunan ng isang mataas na punungkahoy, na ang unang mga dahon ay nagsisimula nang dumami.

Si Jesus ay nakaupo sa tabi ng mesa. Siya ay kumakain, at si Maria ay sinisilbihan Siya, paparoo’t parito mula sa isang maliit na pintuan, na magdadala sa isang silid kung saan naroroon ang isang paapuyan, na ang liwanag nito ay maaaring makita sa pamamagitan ng medyo nakabukas na pinto.

Dalawa o tatlong beses na sinabi ni Jesus kay Maria na maupo… at kumain nang kasama Siya. Ngunit ayaw Niya. Iniiling Niya ang Kanyang ulo, ngumingiting malungkot. Pagkatapos na makapagbigay ng ilang pinakuluang gulay bilang unang hain, si Maria ay nagdala ng ilang inihaw na isda at pagkatapos ilan ng kung baga malambot na keso, katulad ng sariwang keso, bilugan ang hitsura, katulad ng mga bato na makikita sa mga ilog, at ilang maiitim na olibo. Ilang maliliit, patag na pabilog na mga tinapay – mga kasing laki ng pinggan – ang naroroon na sa mesa. Ang tinapay ay kung baga ang kulay ay isang madilim na kulay-kape na tila ang ipa ay hindi na inalis sa harina. Sa harapan ni Jesus ay may isang amphora na may tubig, at may isang pansalok. Siya ay kumakain nang tahimik, tinitingnan ang Kanyang Ina nang malungkot, ngunit mapagmahal.

Halatang-halata na si Maria ay nalulungkot sa puso. Siya ay paparoo’t parito, upang maging abalá lamang. Bagama't may liwanag pa ng araw, Siya ay nagsisindi na ng isang lampara at inilalagay ito malapit kay Jesus, at habang inuunat ang Kanyang kamay sa paglagay ng lampara, hinahaplos Niya nang kaunti ang ulo ng Kanyang Anak. Pagkatapos binuksan Niya ang isang kulay-bao na baunan, na sa palagay ko gawa sa purong habi–ng-kamay na lana, at kung gayon panlaban sa tubig-ulan, may dinudukot Siya sa loob nito, lumabas Siya patungo sa maliit na pangkusinang-hardin, naglakad hanggang sa pinakadulo, kung saan doon ay may isang klase ng imbakang silid. Siya ay lumabas may dala ng ilang natutuyo-nang mansanas na maaaring itinabi noong nakaraang tag-init, at inilagay Niya ito sa baunan. Siya pagkatapos ay kumuha ng isang pirasong tinapay at isang piraso ng keso at inilagay din ito sa baunan, bagama't sinabi na ni Jesus na hindi na Niya iyon kailangan, dahil sapat na ang pagkain na nasa bag.

Si Maria ay pumunta muli malapit sa mesa, sa mas maikling tabi, sa kaliwa ni Jesus, at tinitingnan si Jesus kumakain. Tinitingnan Niya Siya nang mapagmahal at may-pagsamba. Ang mukha ni Maria ay mas maputla kaysa karaniwan at tila pinatanda ng kirot; ang Kanyang mga mata ay may mga bílog, at kung gayon parang mas malalaking tingnan, isang indikasyon ng mga luhang nailuha na. Sila ay tila mas malilinaw kaysa normal, na tila sila ay hinugasan ng mga luhang bumubukal mula sa loob, mga luhang nakahanda nang bumaba sa Kanyang mukha: dalawang namimighating pagod na mga mata.

²Si Jesus, Na kumakain nang dahan-dahan, halatang laban sa Kanyang kalooban, masiyahan lamang ang Kanyang Ina, at mas nag-iisip kaysa karaniwan, ay itinaas ang ulo at tinitingnan si Maria. Ang kanilang mga mata ay nagtagpo, at napuna Niya na ang kay Maria ay puno ng mga luha, at iniyuko ni Jesus ang Kanyang ulo upang maging libre si Maria na makaiyak. Kinuha lamang ni Jesus ang balingkinitang kamay ni Maria na nasa gilid ng mesa. Kinuha Niya ito ng Kanyang kaliwang kamay, itinaas ito sa Kanyang pisngi, ipinahinga ito rito at ikinukuskos ito sa Kanyang mukha upang maramdaman ang haplos ng kaawa-awang nanginginig na maliit na kamay, na ang likod ay Kanyang hinahalikan nang may labis na pagmamahal at paggalang.

Nakikita kong hinihila ni Maria ang Kanyang kamay, ang kaliwa, patungo sa Kanyang bunganga, na tila upang mapigilan ang isang paghikbi, at pagkatapos pinupunas ng Kanyang mga daliri ang isang malaking luha, na bumagsak mula sa Kanyang mata at dumadaloy sa Kanyang mukha.

Si Jesus ay pinagpapatuloy ang pagkain at si Maria ay lumabas nang mabilis patungo sa pangkusinang-hardin, kung saan ngayon ay halos madilim na, at Siya ay nawala. Si Jesus ay isinandal ang Kanyang siko sa mesa, ipinatong ang Kanyang noo sa Kanyang kamay, nag-iisip. Siya ay tumigil sa pagkain.

Pagkatapos Siya ay nakikinig at tumayo. Siya ay pumunta rin sa pangkusinang-hardin, at pagkatapos ng pagtingin-tingin sa paligid, Siya ay kumilos patungo sa kanang tabi ng bahay, at sa pamamagitan ng isang daanan sa mabatong pader, Siya ay tumuloy sa natatandaan ko na isang talyer ng isang karpintero. Ngayon ito ay napakalinis, walang kahit anong tabla o mga pinagkataman sa paligid, at ang paapuyan din ay patay. Naroon ang malapad na mesa ng talyer, ang lahat na mga gamit ay nakatabi, at wala nang iba pa.

Si Maria ay umiiyak, nakayuko sa mesa. Kamukha Niya ang isang bata. Ang Kanyang ulo ay nakapatong sa Kanyang nakalukipkip na braso at Siya ay umiiyak nang tahimik, ngunit napakatindi. Si Jesus ay pumasok nang tahimik at nilalapitan si Maria nang gayon, na napuna lamang Niya na si Jesus ay naroroon noong inilagay ni Jesus ang Kanyang kamay sa nakababang ulo, tinatawag Siya «Inay!»: sa Kanyang tinig ay may mapagmahal na marahan na paninita.

Si Maria ay itinaas ang ulo at tinitingnan si Jesus sa pamamagitan ng Kanyang mga matang may mga luha, at na ang dalawang kamay magkadaop sumandal Siya sa kanang braso ni Jesus. Si Jesus ay pinupunasan ang mukha ni Maria ng laylayan ng Kanyang malapad na manggas at pagkatapos niyayakap Niya si Siya.

«Halikayo, Inay» sabi ni Jesus sa Kanyang Ina, at hawak si Maria nang malapit sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang kanang kamay, Siya ay naglakad sa pangkusinang-hardin, kung saan sila ay naupo sa isang upuan sa tabi ng pader ng bahay. Ang pangkusinang-hardin ay ngayon tahimik at madilim, malayo sa sinag ng buwan at sa liwanag na nanggagaling sa bahay. Ang gabi ay tahimik.

³Si Jesus ay nagsasalita sa Kanyang Ina. Sa una hindi ko maintindihan ang mga salita na ibinubulong lamang, at si Maria ay tumatango sa pagsang-ayon. Pagkatapos narinig ko: «At sabihan ang Inyong mga kamag-anak na pumunta. Huwag Kayong manatili rito nang nag-iisa. Mas magiging masaya Ako, Inay, at nalalaman Ninyo kung gaano Ko kailangan ang kapayapaan ng isip upang magawa Ko ang Aking misyon. Hindi Kayo magkukulang sa Aking pagmamahal. Madalas Akong paparito at pasasabihan Ko Kayo kung hindi Ako makararating kung Ako'y nakabalik sa Galilee. Pagkatapos Kayo ay pupunta sa Akin, Inay. Ang oras na ito ay kailangan na dumating. Ito ay nagsimula nang ang Anghel ay pumunta sa Inyo; ngayon ito ay tumatakbo na, at kailangan natin itong harapin, Inay, hindi ba? Pagkatapos na mapagwagihan natin ang pagsubok, magkakaroon tayo ng kapayapaan at kaluguran. Una, kailangan natin na tawirin ang disyertong ito katulad ng ginawa ng ating mga Ninuno, bago pasukin ang Lupang Ipinangako. Ngunit tayo ay tutulungan ng Diyos katulad na sila ay tinulungan Niya. At ipagkakaloob Niya sa atin ang Kanyang tulong bilang isang espirituwal na manna upang mapalakas ang ating mga kaluluwa sa loob ng mahirap na sandali ng pagsubok. Ating dasalin nang magkasama ang Ama Namin...» Sina Jesus at Maria ay tumayo at tinitingnan ang Langit: dalawang buháy na mga biktima sa loob ng kadiliman.

Si Jesus, dahan-dahan ngunit may malinaw na tinig, ay binibigkas ang Pananalangin ng Panginoon, idinidiin ang mga salita. Idinidiin ang mga salitang: «Mapasaamin ang Kaharian Ninyo, sundin ang loob Ninyo» binibigyan ng distansiya ang pagitan ng dalawang pangungusap. Siya ay nananalangin na ang Kanyang mga kamay nakaunat, hindi eksaktong pa-krus, bagkus katulad ng mga pari kapag sinasabi nila: «Ang Panginoon ay sumainyo». Ang mga kamay ni Maria ay magkadaop.

⁴Pagkatapos sila ay bumalik sa loob ng bahay, at si Jesus, Na hindi ko kailanman nakitang uminom ng alak, mula sa amphora na nasa ibabaw ng lalagyan ng mga aklat, ay nagbuhos ng kaunting white wine sa isang maliit na pansalok, at inilagay ito sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos kinuha Niya si Maria sa kamay at ginawa Niyang maupo si Maria sa tabi Niya at pinainom ang ilan sa alak, kung saan si Jesus ay nagsawsaw ng isang maliit na hiwa ng tinapay, na Kanyang ibinigay kay Maria upang kainin. Ang pamimilit ni Jesus ay gayon na lamang na si Maria ay sumang-ayon. Si Jesus ay ininom ang natitirang alak. Pagkatapos idinikit Niya si Maria sa tabi Niya, at hinahawakan Siyang ganyan malapit sa Kanyang puso. Si Jesus o si Maria ay hindi nakahilig nang pasandal katulad ng siyang kaugalian sa mga bangkete noong mga araw na iyon, bagkus sila ay nakaupo sa tabi ng mesa katulad ng ginagawa natin. Kapwa sila tahimik, naghihintay. Si Maria ay hinahaplus-haplos ang kanang kamay ni Jesus at ang Kanyang mga tuhod, si Jesus ay tinatapik-tapik ang braso ni Maria at ang Kanyang ulo.

⁵Pagkatapos si Jesus ay tumayo at gayon din si Maria. Niyayakap at hinahalikan nila ang isa’t isa nang napakagiliw at paulit-ulit. Sila ay halos laging nasa punto na ng paghihiwalay at pagpapaalam, ngunit sa bawat sandaling ito yayakapin ni Maria ang Kanyang Anak nang paulit-ulit muli. Siya ay ang Ating Ginang, ngunit Siya ay isa pa ring ina, isang ina na kailangan na humiwalay sa Kanyang Anak, at lubos na may nalalaman tungkol sa huling hahantungan ng pag-alis na ito ng Kanyang Anak. Huwag ninyong sabihin sa akin na si Maria ay hindi naghirap! Dati ako ay may pag-aalinlangan, ngayon ang lahat ng ito ay hindi ko na pinaniniwalaan.

Si Jesus ay kinuha ang Kanyang madilim na asul na manta, isinuot ito sa Kanyang mga balikat, at inilagay sa ulo ang pindong. Inaayos Niya ang Kanyang bag sa Kanyang likod, upang hindi makasagabal sa Kanyang  paglalakad. Si Maria ay tinutulungan Siya, at nag-aantala Siya nang walang katapusan sa pag-aayos sa tunika ni Jesus, hinahaplos si Jesus pansamantala.

Si Jesus ay pumunta sa pintuan, pagkatapos na gumawa ng tanda ng pagpapalà sa silid. Si Maria ay sinusundan Siya at sa nakabukas na pinto nagpalitan sila muli ng mga halik.

⁶Ang kalsada ay tahimik at nangungulila, maputi sa sinag ng buwan. Si Jesus ay nagsimulang maglakad nang papalayo. Lumingon Siya nang dalawang beses upang tingnan ang Kanyang Ina, Na nakasandal sa hamba ng pintuan, mas maputla kaysa sa mga sinag ng buwan, ang Kanyang mga mata kumikislap sa tahimik na mga luha. Si Jesus ay papalayo nang papalayo sa tabi ng makipot na maputing daan. Si Maria ay lumuluha pa rin sa tabi ng hamba. Pagkatapos si Jesus ay nawala sa paningin sa likuan ng daan.

Ang Kanyang Pag-eebanghelyong paglalakbay, na magtatapos sa Golgotha, ay nagsimula na. Si Maria ay pumasok sa bahay lumuluha at isinara ang pinto. Siya ay nagsimula na rin sa Kanyang paglalakbay na magdadala sa Kanya sa Golgotha. At para sa atin…

                                                                -----------------------------------

jesus sinab 

⁷Sinasabi ni Jesus:

«Ito ang ikaapat na kapighatian ni Maria, Ina ng Diyos. Ang una, ay ang presentasyon sa Templo; ang ikalawa, ang pagtakas patungong Ehipto; ang ikatlo, ang kamatayan ni Jose; ang ikaapat, ang Aking paghiwalay sa Kanya.

Dahil nalalaman Ko ang mithiin ng iyong pang-espirituwal na Pari, kahapon sinabi Ko sa iyo na mamadaliin Ko ang pagsasalarawan ng “aming” mga kapighatian, upang sana ito ay malaman. Ngunit, katulad ng nakikita mo, ang iba ng sa Aking Ina ay naipakita na. Pinaliwanag Ko ang sa pagtakas bago ang Presentasyon, sapagkat iyon ay kinakailangan na gawin noong araw na iyon. Alam Ko. Naintindihan mo at ipaliliwanag mo ang dahilan sa Pari nang verbal.

⁸Higit pa rito, nang may napakaraming aklat tungkol sa Akin at na, pagkatapos ng napakaraming mga pagrerebisa, ang mga pagbabago at mga pagpapaganda ay naging hindi na tunay, ibig Kong bigyan ang mga naniniwala sa Akin ng isang bisyon na dinala muli sa katotohanan ng Aking mortal na mga araw. Ako ay hindi napaliliit dahil dito, sa kabaligtaran nagagawa Akong mas dakila sa Aking kababaang-loob, na nagiging labis na pagkain para sa inyo, upang maturuan kayo na maging mapagpakumbaba at maging katulad Ko, dahil Ako ay isang tao katulad ninyo at sa Aking taong pamumuhay nasa Akin ang perpeksiyon ng isang Diyos. Ako ang kailangan na maging inyong Modelo,  at ang mga modelo ay kailangan na maging laging perpekto.

Sa mga kontemplasyon hindi Ko pananatilihin ang pagkakasunud-sunod na kaayusan na tumutugma sa mga Ebanghelyo. Pipiliin Ko ang mga punto na makikita Ko na mas mapakikinabangan sa araw na iyon para sa iyo o para sa ibang mga tao, sinusundan ang Aking Sariling linya ng pagtuturo at kabutihan.

⁹Ang aral tungkol sa kontemplasyon ng Aking paghiwalay ay nakatuon lalo na sa mga magulang at mga anak, na tinatawagan ng kalooban ng Diyos na irenunsiya ang isa’t isa alang-alang sa mas dakilang pagmamahal. Nakatuon din ito sa lahat na kailangan na harapin ang isang masakit na pagrerenunsiya.

Gaano karaming ganitong nakapamimighating mga sitwasyon ang natatagpuan ninyo sa inyong mga pamumuhay!  Ito ay mga tinik sa lupa at tinutusok nito ang inyong mga puso, alam Ko. Ngunit para sa mga tinatanggap ito nang may pagpapasa-diyos – tandaan, hindi Ko sinasabi: “para sa mga minimithi ito at tinatanggap ito nang may kaluguran”, na isa nang perpeksiyon; ang sinasabi Ko: “may pagpapasa-diyos” – ito ay nagiging eternal na mga rosas. Ngunit iilang mga tao lamang ang tinatanggap ito nang may pagpapasa-diyos. Katulad ng di-mapakaling maliliit na asno, kayo ay nagmamatigas ng ulo laban sa kalooban ng Ama, at kayo ay magbubulung-bulong, at kung minsan patatamaan pa ninyo ang mabuting Diyos ng inyong espirituwal na mga sipa at mga kagat, ibig-sabihin, ng pagrerebelde at paglalapastangan.

At huwag sabihin: “Ito lamang ang mabuting bagkus mayroon ako at kinuha pa ito ng Diyos. Ito lamang ang pagmamahal na mayroon ako, at kinuha pa ito ng Diyos!”. Si Maria din, isang magiliw na babae, may perpektong pagmamahal, (sapagkat sa Birhen na Napupuno ng Grasya ang mga damdamin at mga pakiramdam ay perpekto rin), si Maria din ay may bagkus isang mabuting bagay, at isang pagmamahal sa lupa: ang Kanyang Anak. Ang tanging naiiwan sa Kanya. Ang Kanyang mga magulang ay matagal nang namatay. Si Jose ay kamamatay mga ilang taon pa lamang ang nakararaan. Ako na lamang ang naiiwan na magmamahal sa Kanya at magagawa Siyang maramdaman Niya na Siya ay hindi nag-iisa. Ang Kanyang mga kamag-anak, dahil sa Akin, na ang Kaninong dibinong pinanggalingan ay wala silang nalalaman, ay medyo laban sa Kanya, sapagkat tinitingnan nila Siya na isang ina na walang kakayahan na ipilit ang Kanyang Sarili sa Kanyang Anak, Na hindi umaasal nang ayon sa mabuting sentido-komun, at tumanggi sa ilang mga alok na pagpapakasal na makapaghahatid ng prestihiyo sa pamilya, pati na rin materyal na tulong.

Ang Kanyang mga kamag-anak ay nangangatwiran ayon sa sentido-komun, sa pantaong sentido – tinatawag ninyo itong mabuting sentido, ngunit ito ay pantaong sentido lamang, ibig-sabihin makasarili – at ginusto nila na ang Aking pamumuhay ay umayon sa kanilang paggamit ng salitang ito. Maging ano pa man, sila ay laging natatakot na isang araw sila ay baka mapahamak dahil sa Akin, dahil Ako ay nangahas nang magsalita tungkol sa ilang mga idea na kanilang tinitingnan na napaka-idealista, at iniisip nila na baka mairita nito ang Sinagoga. Ang kasaysayan ng Hebreo ay puno ng mga pagtuturo tungkol sa mga kinahahantungan ng mga Propeta. Ang misyon ng Propeta ay hindi isang madaling misyon, at madalas naghahatid ng kamatayan para sa propeta at problema para sa kanyang mga kaanak. At laging naroon ang takot na baka isang araw mag-aalaga sila sa Aking Ina.

Sila kung gayon ay naiirita ng katotohanan na si Maria ay hindi Ako sinasalungat sa kahit anong bagay, hindi lamang iyan, bagkus Siya ay tila nasa perpetwong pagsamba sa harapan ng Kanyang Anak. Ang banggaang ito ay lalala sa loob ng tatlong taon ng Aking pakikihalubilo sa publiko, kung saan ito ay hahantong sa lantarang mga paninita sa tuwing makikita nila Ako na nasa gitna ng mga pulutong at ikahihiya ang kanilang tinitingnan na Aking pag-uugaling galitin ang malalakas grupo. At kinagagalitan nila Ako at ang Aking kaawa-awang Ina!

¹¹Nalalaman ni Maria ang timpla ng Kanyang mga kamag-anak at nakikita Niya ang init ng kanilang mga ulo sa hinaharap – lahat sila ay hindi katulad nina Santiago, Judas at Simon o ng kanilang ina na si Maria ni Clopas – ngunit bagama't nalalaman Niya ang magiging katayuan Niya sa loob ng tatlong taon ng Aking pampublikong pamumuhay, at nalalaman Niya ang Kanyang Patutunguhan at ang Akin sa katapusan ng tatlong taon, Siya ay hindi nagmamatigas ng ulo, katulad ng ginagawa ninyo. Siya ay umiyak. At sinong ina ang hindi iiyak dahil sa paghihiwalay sa isang anak na nagmamahal sa kanya katulad ng pagmamahal Ko sa Aking Ina, o dahil sa nakikitang mahahabang araw na wala ang Aking presensya sa loob ng nangungulilang bahay, o dahil sa nakakatakot na kahihinatnan ng isang Anak Na nakatalagang makabangga ang malisya ng nagkakasalang mga tao na gaganti ng dahas para sa kanilang kasalanan ng pagbibintang sa Walang-kasalanang Isa hanggang sa Siya ay kanilang ipapatay?

Siya ay umiyak sapagkat Siya ay ang Kapwa-Tagapagtubos, at sapagkat Siya ay ang Ina ng sangkatauhan na ipinanganganak muli sa Diyos. At kinailangan Niyang umiyak para sa lahat na mga ina na hindi magawang kumbertihin ang makainang mga kapighatian na maging eternal na kaluwalhatian.

Gaano karaming ina ang nasa mundo, mula kung kanino inagaw ng kamatayan ang kanilang mga anak! Gaano karaming ina ang naririyan, na ang kaninong mga anak ay inagaw mula sa tabi nila ng sobrenatural na kalooban! Bilang ang Ina ng lahat na Kristiyano, si Maria ay umiyak para sa lahat Niyang mga anak na babae, at sa loob ng Kanyang kapighatian ng isang naulilang Ina, Siya ay umiyak para sa lahat Niyang mga kapatid na babae. At Siya ay umiyak para sa lahat Niyang mga anak na lalaki, na, pinanganak ng babae, ay magiging mga apostol ng Diyos o mga martir alang-alang sa Diyos, dahil sa kanilang katapatan sa Diyos o dahil sa kalupitan ng tao.

¹²Ang Aking Dugo at ang mga luha ng Aking Ina ay ang halo na nagpapalakas sa mga nakatalaga sa isang makabayaning patutunguhan, inaalis ang kanilang mga imperpeksiyon at ang mga kasalanan na kanilang nagawa dahil sa kanilang kahinaan at, bilang karagdagan sa pagmamartiryo, papaano man ito ipinaghirap, pinagkakalooban sila nito ng kapayapaan ng Diyos at pagkatapos kaluwalhatian ng Langit, kung naghirap sila para sa Diyos.

Ang misyonaryong mga pari ay nakikita ang halo na iyan na isang apoy na nagpapainit sa kanila sa mga rehiyon na natatakpan ng perpetwong niyebe, at nakikita ito bilang hamog kapag ang araw ay nakasusunog. Ang mga luha ni Maria ay nagmumula sa Kanyang karidad, at bumubukal mula sa Kanyang puso ng isang liryo. Nagtataglay ito kung gayon ng apoy ng pambirhen na Karidad, ang Esposa ng Pagmamahal, at ng may bangong kasariwaan ng Kadalisayan ng Birhen, katulad ng mga patak ng tubig na naiipon sa kalis ng isang liryo sa mahamog na gabi.

Ang aming halo ay natatagpuan ng mga ikinunsagra sa disyerto ng isang mabuting naintindihan na pamumuhay monastiko; ito ay isang disyerto sapagkat ito ay pinamumuhayan lamang ng pakikipagusap sa Diyos, kung saan ang lahat na iba pang mga damdamin ay naglalaho at nagiging purong sobrenatural na karidad: hinggil sa mga kamag-anak, mga kaibigan, mga nakatataas at mga nakababába.

Ito ay natatagpuan ng mga ikinunsagra sa Diyos sa mundo, sa mundo na ni hindi nakaiintindi o nagmamahal sa kanila, isang disyerto rin para sa kanila, dahil namumuhay sila rito na tila sila ay nag-iisa, labis silang di-naiintindihan at kinukutya dahil sa Akin.

Ang aming halo ay natatagpuan ng Aking mahal na mga “biktima”, dahil si Maria ay ang unang biktima para sa pagmamahal kay Jesus, at sa pamamagitan ng Kanyang mga kamay ng isang Ina at isang Doktor, binibigyan Niya ang Kanyang mga tagasunod ng Kanyang mga luha na nagpapasariwa at nag-uudyok patungo sa mas dakilang sakripisyo. Ang banal na mga luha ng Aking Ina!

¹³Si Maria ay nagdarasal. Hindi Siya tumututol sa pagdarasal dahil ang Diyos ay binigyan Siya ng mga kapighatian. Tandaan iyan. Siya ay nagdarasal kasama si Jesus. Nananalangin Siya sa Ama: Amin at inyo.

Ang unang “Ama Namin” ay binigkas sa loob ng pangkusinang-hardin sa Nazareth upang mapaginhawahan ang kirot ni Maria, upang ialay ang “aming” mga kalooban sa Eternal na Ama, kung kailan ang panahon ng palaki nang palaking mga sakripisyo ay magsisimula na para sa amin, hahantong sa pagsasakripisyo ng Aking buhay at sa pagtanggap ng Aking Ina ng kamatayan ng Kanyang Anak.

At bagama't wala kami ng kahit na anong kailangang ipagpatawad ng Ama, dala lamang ng kababaang-loob, kami, mga Walang Pagkakasala, ay humihingi sa Ama ng Kanyang pagpapatawad na kami ay sana makapagpatuloy nang karapat-dapat sa aming misyon, pagkatapos na mapatawad at maabsulbihan para sa kahit isang pagbuntung-hininga. Sapagkat ibig namin na maturuan kayo na habang kayo ay napapasa-grasya ng Diyos, mas lalong pagpapalain ang inyong misyon at lalo itong magiging mas mabunga. Ibig din namin kayong maturuan na igalang ang Diyos at maging mapagpakumbaba. Sa harapan ng Diyos Ama, bagama't isang perpektong Lalaki at isang perpektong Babae, pakiramdam namin kami ay wala at nakikiusap kami ng kapatawaran. Katulad na katulad na kami ay humihingi ng aming “pang-araw-araw na tinapay”.

Ano ang aming tinapay? O! Hindi ang tinapay na ginagawa ng dalisay na mga kamay ni Maria at niluluto sa aming maliit na pugon, para kung saan Ako ay madalas na maghanda ng bungkus-bungkos na mga patpat at panggatong. Ang tinapay din na iyon ay kinakailangan habang ang tao ay nasa lupa. Ngunit ang “aming” pang-araw-araw na tinapay ay ang matupad, sa araw-araw, ang aming bahagi ng misyon: hinihingi namin sa Diyos na ipagkaloob sa amin iyan sa araw-araw, sapagkat ang matupad ang misyon na ibinigay sa amin ng Diyos ay ang kaluguran ng “aming” araw, hindi ba, Aking munting Juan? Sinasabi mo rin na ang isang araw ay nawawala, na tila ito ay wala, kung ang kagandahang-loob ng Diyos ay binigyan ka ng araw na wala ang iyong misyon ng kapighatian.

¹⁴Si Maria ay nananalangin kasama si Jesus. Itong si Jesus ang nangangatwiran sa inyo, Aking mga anak. Ako ito na gumagawa na maging mabunga at kaayun-ayon sa Ama ang inyong mga panalangin.  Sinabi Ko: “Anuman ang inyong hingin sa Ama, ipagkakaloob Niya sa ngalan Ko”, at ang Simbahan ay pinalalaki ang panalangin nito sa pagsasabing: “Sa pamamagitan ni Jesucristo Aming Panginoon”.

Kapag kayo ay nagdarasal, maging laging kaisa Ko. Magdarasal Ako para sa inyo sa isang malakas na tinig, nilulunod ang inyong pagkataong mga tinig sa pamamagitan ng Aking tinig ng Tao-Diyos. Dadalhin Ko ang inyong mga panalangin sa Aking tinusok na mga kamay at itataas Ko ito sa Aking Ama. Ito kung gayon ay magiging mga biktima na walang-hangganan ang halaga. Ang Aking tinig kahalo ang sa inyo, ay tataas katulad ng isang pilyal na halik sa Ama at ang purpura ng Aking mga sugat ay gagawin ang inyong mga panalangin na maging mahahalagang panalangin.

¹⁵Tinapos mo ang pagsasalaysay nagsasabing: “At para sa atin…” at ibig mong sabihin: “para sa atin na labis na walang utang-na-loob sa Dalawang Iyon Na umakyat sa Kalbaryo para sa atin”. Tamang-tama ka sa pagsulat ng mga salitang iyon. Idagdag mo ito sa tuwing pinakikita Ko sa iyo ang aming mga kapighatian. Gawin itong katulad ng mga kampana ng simbahan na kumakalimbang at tumatawag sa mga tao na magnilay-nilay at magsisi.

Sapat na ito ngayon. Magpahinga. Harinawang mapasaiyo ang kapayapaan.»

(235) 290610/032913/040213

Sunod na kabanata.