440. Si Judas ng Kerioth Kasama ang Banal na Birhen sa Nazareth.

Mayo 23, 1946.

Ang araw ay sumisikat at ang silanganing kalangitan ay nagsisimula pa lamang na mamula, nang si Judas ng Kerioth ay kumatok sa pinto ng maliit na bahay sa Nazareth.

Sa kalsada ay naroroon lamang ang mga magbubukid, o kung baga: maliliit na nagmamay-ari ng mga lupa ng Nazareth, na patungo sa kani-kanilang mga ubasan o mga taniman ng mga punong-olibo dala ang kanilang pantrabahong mga gamit at lubos na nasusorpresa nakikita ang isang lalaki na kumakatok sa pinto ng bahay ni Maria nang napakaaga sa umaga. Sila ay nagsasalita sa mabababang tinig sa isa’t isa.

«Siya ay isang disipulo» sabi ng isa tumutugon sa winika ng isa pa. «Siya ay tiyak na naghahanap para kay Jesus ni Jose.»

«Walang mangyayari nito. Siya ay umalis kagabi. Nakita ko Siya mismo. Sasabihin ko sa kanya...» sabi ng isa pa.

«Hindi na bale! Si Judas ng Kerioth iyan. Ayaw ko sa kanya. Baka may pagkakasala tayo sa paggawa ng labis na mali tungkol kay Jesus at nagkakamali tayo ngayon. Ngunit siya, ang lalaking iyan doon, ay nakagawa ng labis na kapinsalaan sa atin dito noong nakaraang taon. Baka tayo ay nakumberti. Ngunit siya...»

«Ano? Papaano mo nalalaman?»

«Nandoon ako isang gabi sa bahay ng pangulo ng sinagoga at may-katangahan akong pinaniwalaan ko kaagad ang lahat... Ngayon... tama na iyan! Sa palagay ko ako ay nagkasala at...»

«Baka nakita na rin niya na siya ay nagkasala at...»

Sila ay lumayo at wala na akong mapakinggan pa...»

Si Judas ay kumatok muli sa maliit na pinto, kung saan siya ay nakakapit, ang kanyang mukha nakadiin sa kahoy, na tila umiiwas siya na may makakita sa kanya at siya ay makilala. Ngunit ang maliit na pinto ay nananatiling nakasara. Siya ay nadidismaya at siya ay lumakad sa isang landas na umiikot sa pangkusinang-hardin at pumunta siya sa likuran ng bahay. Siya ay sumulyap sa ibabaw ng halamang bakod ng tahimik na hardin. Tanging mga kalapati lamang ang gumagalaw sa loob nito.

Si Judas ay iniisip kung ano ang kanyang gagawin. Siya ay nagsasalita sa kanyang sarili: «Si Maria kaya ay umalis din? Subalit... nakita ko sana Siya. At pagkatapos! Hindi. Napakinggan ko ang Kanyang tinig kagabi... Baka natulog Siya sa bahay ng Kanyang hipag... Ugh! Ito ay nakakainis katulad ng isang pukyutan sa mukha ng isa, sapagkat babalik Siya nang kasama siya, at ibig kong makausap Siya nang nag-iisa, nang wala ang babaeng iyon bilang saksi. Siya ay tsismosa at tututol. Ayaw ko ng mga pagtutol. At napakatuso niya katulad ng bawat matandang maybahay ng mga tao. Hindi siya tatanggap ng kahit anong dahilan at babanggitin niya ito sa tangang kalapating hipag niya... Alam ko na mabobola ko Siya... sa bawat pamamaraan. Kasing labo Niya ang tubig sa kanal... At kailangan na maituwid ko ang nangyari sa Tiberias. Sapagkat kung Siya ay magsasalita... Hindi ko alam kung ito ay nabanggit na Niya o Siya ay nanahimik? Kung Siya ay nakapagsalita na, mas mahirap na maituwid ang mga bagay... Ngunit maaaring hindi Siya nagsalita... Ikinalilito Niya ang birtud sa katangahan. Magkatulad ang Ina at ang Anak... At ang iba ay abala habang sila ay tulog-na-tulog. Maging ano pa man tama sila... Bakit pabayaan sila kung sila ay tila kulang... Ngunit ano talaga ang kanilang kailangan?... Ang aking mga akala ay malalabo... Kailangan kong tumigil sa pag-inom at... Siyempre! Ngunit ang pera ay tukso, at katulad ko ang isang bisiro na kinulong nang napakatagal. Dalawang taon, sasabihin ko! Dalawang taon ng lahat ng klase ng abstinensiya... Ngunit sa pansamantala... Ano ba ang sinabi ni Helkai noong makalawa? Eh! Siya ay hindi isang masamang tagapagturo! Sigurado! Ang lahat ay legal maliban na magtatagumpay tayo sa paglagay kay Jesus sa trono. Ngunit kung ayaw Niya nito? Ngunit kailangan na dapat Niyang isipin na kung tayo ay hindi magtatagumpay, magtatapos tayong katulad ng mga tagasunod ni Theudas o ni Judas ang Galilean... Baka kailangan kong humiwalay sa kanila sapagkat... bueno, hindi ko alam kung ang gusto nila ay tama. Hindi ko sila pinagkakatiwalaan nang labis... Labis silang nagbago nang mga huling araw... Ayaw ko na... Gaanong nakakatakot! Ako na maging ang pamamaraan upang masira si Jesus? Hindi. Ako ay hihiwalay. Ngunit malungkot na nangarap ng isang kaharian at kinailangan na bumalik sa ano? Sa wala... Ngunit mabuti na ang wala kaysa... Lagi Niyang sinasabi: “Siya na siyang gagawa ng malaking kasalanan”. Hoy!? Hindi ito magiging ako. Eh! Ako? Ako? Lulunurin ko kaagad ang aking sarili sa lawa... Ako ay lalayas. Mas mabuti pa para sa akin ang lumayas. Pupunta ako sa aking ina. Gagawin ko siya na bigyan niya ako ng maraming pera, sapagkat tiyak na hindi ko masasabihan ang mga miyembro ng Sanhedrin na bigyan ako ng pera upang makaalis. Tinutulungan nila ako sapagkat umaasa sila na matutulungan ko sila na makatiyak. Sa oras na makilala si Jesus bilang hari, tayo ay mananahimik na. Ang mga pulutong ay sasapi sa atin... Si Herodes... sino ang papansin sa kanya? Ni hindi ang mga Romano o ang mga tao. Lahat sila ay napopoot sa kanya! At... at... Ngunit magagawa’t magagawa ni Jesus na talikdan ang trono kaagad kapag Siya ay prinoklama na hari. O! Bueno! Kapag tiniyak sa akin ni Eleazar ben Annas na ang kanyang ama ay nakahandang koronahan Siyang hari. Pagkatapos hindi Niya maaalis ang Kanyang sagradong karakter. Pagkaraan man ng lahat... ginagawa ko kung ano ang ginawa ng di-matapat na tagapangasiwa ng Kanyang parabula... Tumatakbo ako sa aking mga kaibigan para sa akin, totoo iyan, ngunit para din sa Kanya. Kung gayon ginagawa ko ang di-makatarungang bagay na magsilbi bilang... Bueno, hindi! Kailangan kong subukan muli na mahimok Siya. Hindi ako kumbinsido na tama ang ginagawa ko sa pagdulog sa ganitong pandaraya... at... O! Kung makukumbinsi ko lamang Siya! Sapagkat magiging napakaganda nito! Oo... napakaganda! Iyan ang pinakamagandang sulusyon: Ang sabihin sa Guro ang lahat nang prangko. Ang pakiusapan Siya... Maliban na lamang na si Maria ay hindi Siya sinabihan ng tungkol sa Tiberias... Ano ang sinabi ko na kailangan kong sabihin kay Maria?... Ah! oo! Ang pagtanggi ng mga binibining Romano. Isumpa ang babaeng iyon! Kung ako ay hindi pumunta sa kanya, hindi ko sana nasalubong si Maria noong gabing iyon! Ngunit sino ang makapagsasabi  na si Maria ay mapupunta sa Tiberias? Subalit sa kabila nito ako ay hindi kailanman lumabas sa araw bago ang Sabbath, sa araw ng Sabbath o sa araw pagkatapos nito, dahil ayaw kong makakita ng kahit sinong apostol... Anong tanga! Pumunta sana ako sa Hippo, sa Gerghesa upang makakita ng isang babae! Hindi! Kailangan ko talagang pumunta roon! Sa Tiberias kung saan doon kailangan na dumaan ang mga tao ng Capernaum para makapunta rito... At ang lahat na iyan dahil sa mga binibining Romano... Umaasa ako... Hindi, iyan ang dapat kong sabihin upang mapangatwiranan ko ang aking sarili, ngunit ito ay hindi totoo. Walang kabuluhan na sabihin ko ito sa aking sarili, dahil alam ko kung bakit ako pumunta: upang mákatagpo ang ilan sa malalakas na tao sa Israel at upang magpakasarap, dahil marami akong pera... Ngunit... gaano kabilis nawawala ang pera. Malapit na akong maubusan... Ha! Ha! Mag-iimbento ako ng ilang kuwento para kay Helkai at sa kanyang mga kasamahan at bibigyan nila ako ng ilan pa...»

«O Judas! Nasiraan ka na ba ng ulo? Kanina pa kita pinagmamasdan mula sa itaas ng punong-olibo na ito. Ikaw ay pakaway-kaway, nagsasalita sa iyong sarili... Ang araw kaya ng buwan ng Tammuz ay napinsala ka?» sigaw ni Alfeo ni Sarah nakadungaw mula sa pagitan ng dalawang naghihiwalay na mga sanga ng isang malaking punong-olibo, mga tatlumpung metro ang layo mula sa lugar na kinatatayuan ni Judas.

Si Judas ay nagitla, tumingin-tingin sa paligid, at nakita siya at umungol: «Kawitin ka sana ni kamatayan! Isinumpang nayon ng mga espiya!» Ngunit ngumingiti nang mapitagan siya ay sumigaw: «Hindi. Ngunit ako ay nag-aalala sapagkat hindi nagbubukas ng pinto si Maria... Siya kaya ay may sakit? Kumatok na ako nang ilang beses!...»

«Si Maria? Maaari kang kumatok hanggang gusto mo! Siya ay nasa bahay ng isang kaawa-awang matandang babae na namamatay. Nagpasugo sila para sa Kanya noong ikatlong pagbabantay...»

«Ngunit kailangan ko Siyang makausap.»

«Sandali. Ako ay bababa at lalakad ako at sasabihan Siya. Ngunit talaga bang kailangan mo Siya?»

«Eh! Kailangan kong sabihin na oo. Naririto na ako mula pa nang pagsikat ng araw.»

Si Alfeo ay bumaba nang maasikaso sa puno at tumakbong umalis.

«Nakita rin niya ako! At siya ay tiyak na babalik kasama ang isa pang babaeng iyon! Ang lahat ay sumasamâ ang takbo?» at nagsalita siya ng ilang mga insulto sa Nazareth, sa mga Nazareno, kay Maria ni Alfeo, at kahit sa karidad ng Banal na Birhen sa namamatay na babae at sa namamatay na babae mismo...

Hindi pa siya nakakatapos nang ang pinto, na mula sa silid kainan ay magdadala patungo sa pangkusinang-hardin, ay nagbukas at si Maria ay lumitaw nagmumukhang maputlang-maputla at malungkot.

«Judas!», «Maria!» magkasabay na sabi nila.

«Bubuksan Ko na ang pinto sa iyo. Si Alfeo ay nagsabi lamang sa Akin: “Umuwi Kayo. May isang nangangailangan sa Inyo” at tumakbo Ako rito, at dahil din hindi na Ako kailangan ng matandang babae. Nakatapos na siya ng paghihirap dahil sa isang masamang anak...»

Si Judas, habang nagsasalita si Maria, ay tumakbo sa daanan at pumunta muli sa harapan ng bahay... Binuksan ni Maria ang pinto.

«Kapayapaan sa iyo, Judas ng Kerioth. Pasok ka.»

«Kapayapaan sa Inyo, Maria.»

Si Judas ay medyo nag-aalangan. Si Maria ay mabait, ngunit seryoso.

«Kumatok ako nang labis, nang pagsikat ng araw.»

«Kagabi ang isang anak ay dinurog ang puso ng isang ina.»

«Alam ko na Siya ay wala rito.»

«Papaano mo nalalaman? Kararating mo pa lamang...»

«Inay, ako ay magiging prangko sa Inyo, sa dahilan na Kayo ay mabuti: Ako ay naririto mula pa kahapon...»

«At bakit hindi ka naparito? Ang iyong mga kasamahan ay pumaparito tuwing Sabbath, maliban sa isa...»

«Eh! Alam ko! Pumunta ako sa Capernaum ngunit hindi ko sila natagpuan.»

«Huwag magsinungaling, Judas. Hindi ka kailanman pumunta sa Capernaum. Si Bartolomeo ay laging nananatili roon at hindi ka niya kailanman nakita. Si Bartolomeo ay kahapon lamang pumunta rito. Ngunit wala ka kahapon dito... Kung gayon... Bakit ka nagsasalita ng mga kasinungalingan, Judas? Hindi mo ba nalalaman na ang isang kasinungalingan ay ang panimulang hakbang patungo sa pagnanakaw at pagpatay-ng-tao?...  Ang kaawa-awang Esther ay namatay, pinatay ng kapighatian dahil sa asal ng kanyang anak. At si Samuel, kanyang anak, ay naging ang kahihiyan ng Nazareth sa pamamagitan ng maliit na kasinungalingan, na lumaki na nang lumaki... At mula sa mga kasinungalingang ito siya ay nakarating sa lahat na iba pa. Ikaw ba, isang apostol ng Panginoon, ay ibig na gayahin siya? Ibig mo bang ang iyong ina ay mamatay na biyak ang puso?»

Kinagagalitan Niya siya nang unti-unti, sa isang mababang tinig. Ngunit ang Kanyang mga salita ay mabigat ang dating sa kanya. Hindi malaman ni Judas ang kanyang gagawin. Siya ay naupong bigla, ang kanyang ulo nasa kanyang mga kamay.

Si Maria ay pinagmamasdan siya. Pagkatapos sinabi Niya: «Bueno? Bakit gusto mong makita Ako? Habang tumutulong sa kaawa-awang Esther Ako ay nananalangin para sa iyong ina... at para sa iyo... Sapagkat nalulungkot Ako para sa inyong dalawa, at para sa dalawang magkaibang mga rason.»

«Kung gayon, kung naaawa Kayo sa akin, patawarin Ninyo ako.»

«Hindi Ako kailanman nagkaroon ng masasamang damdamin.»

«Ano?... Ni hindi dahil... sa umagang iyon sa Tiberias?... Alam N’yo? Ako ay nasa gayong kalagayan sapagkat noong nakaraang gabi ako ay minaltrato ng mga binibining Romano bilang isang baliw at... bilang ang traydor ng Guro. Oo, inaamin ko ito. Nagawa ko ang mali sa pakikipag-usap kay Claudia. Ako ay nagkamali ng tungkol sa kanya. Ngunit ginagawa ko ito para sa mabuting pakay. Napamighati ko ang Guro. Hindi Niya ito binanggit sa akin, ngunit nalalaman ko na nalalaman Niya na ako ay nakipagusap. Ito ay tiyak na si Johanna ang nagsabi sa Kanya. Si Johanna ay hindi niya ako kailanman nagustuhan at ang mga binibining Romano ay pinamimighati ako... Upang makalimot, ako ay naglasing...»

Ang ekspresyon ng habag ni Maria ay di-sinasadyang ang kabaligtaran, at sinabi Niya: «Si Jesus, kung gayon, ay kailangan na maglasing gabi-gabi, kung iisipin ang kapighatian na kailangan Niyang kalugdan araw-araw...»

«Sinabi ba Ninyo sa Kanya?»

«Hindi Ko dinaragdagan ang kapaitan ng kalis ng Aking Anak sa pamamagitan ng balita ng bagong mga pagtalikod, pagbagsak, kasalanan, patibong... Ako ay naging tahimik at magiging tahimik.»

Si Judas ay bumagsak sa kanyang mga tuhod nagsisikap na mahalikan ang kamay ni Maria, ngunit Siya ay lumayo, nang hindi nagiging magaspang, ngunit lubos na may-pasya na hindi mahipo o mahalikan.

«Salamat sa Inyo, Inay! Naililigtas Ninyo ako. Iyan kung bakit ako naparito... at na baka magawa Ninyong mas madali para sa akin na malapitan ang Guro nang hindi kinagagalitan o hinihiya.»

«Upang maiwasan iyan, ang tanging kailangan mong gawin ay ang pumunta sa Capernaum at pagkatapos pumunta rito kasama ang iba. Iyon ay simpleng-simple.»

«Totoo iyan... Ngunit ang iba ay hindi mabait, at kanila akong pinatitiktikan upang kagalitan at akusahan ako.»

«Huwag masamain ang iyong mga kapatid, Judas. Tumigil sa paggawa ng mga kasalanan! Ikaw ay matagal nang nagmamanman dito, sa Nazareth, ang amangbayan ng Kristo, ikaw...»

Si Judas ay pinutol Siya: «Kailan? Nang nakaraang taon? Binaluktot nila ang aking mga salita! Ngunit maniwala sa akin, ako...»

«Hindi Ko alam kung ano ang ginawa mo o sinabi mo noong nakaraang taon. Ang Aking tinutukoy ay ang kahapon. Ikaw ay naririto na kahapon pa. Nalalaman mo na si Jesus ay umalis. Nag-iimbestiga ka na nang matagal. Ngunit hindi sa mapagkaibigan na mga bahay nina Aser, Ishmael, Alfeo, o sa bahay ng kapatid nina Judas at Santiago, o sa bahay ni Maria ni Alfeo, o sa bahay ng ilang mga tao rito na nagmamahal kay Jesus.  Sapagkat kung iyan ang ginawa mo, naparito sana sila sa Akin  dito at nasabi sa Akin. Ang bahay ni Esther ay nagsiksikan sa mga tao sa pagsikat ng araw, nang siya ay namatay, ngunit wala sa kanila ang nakaalam ng tungkol sa iyo. Sila ang pinakamabubuti sa mga kababaihan sa Nazareth, sa mga nagmamahal sa Akin at kay Jesus, at nagsisikap sila na isabuhay ang Kanyang Doktrina sa kabila ng panlalaban ng kanilang mga asawa at mga anak. Kung kaya't gumawa ka ng mga pagsisiyasat sa pagitan ng mga taong mga kaaway ng Aking Jesus. Anong itatawag mo diyan? Ayaw Kong makaalam. Ito lamang ang sasabihin Ko sa iyo. Maraming espada ang itatarak sa Aking puso, na itatarak nang paulit-ulit, nang walang-awa, ng mga taong nagpapamighati sa Aking Jesus at napopoot sa Kanya. at ang isa sa mga espada ay ang sa iyo, at ito ay hindi kailanman aalisin. Sapagkat ang ala-ala ng tungkol sa iyo, Judas, na ayaw na mailigtas, na sinisira ang sarili, na nananakot sa Akin, hindi dahil na natatakot Ako para sa Aking Sarili, bagkus para sa iyong kaluluwa, ang ala-ala ng tungkol sa iyo ay hindi kailanman makakalimutan ng Aking puso. Katulad na katulad na tinarakan ni Simeon ng isang espada ang Aking kaluluwa, habang karga Ko ang Aking Sanggol, ang Aking banal na maliit na Kordero, nakadiin sa Aking puso... Ikaw... ikaw ang isa pang espada. Ang dulo ng iyong espada ay nagpapahirap na sa Aking puso. Ngunit ikaw ay hindi pa nasisiyahan sa pagpapahirap sa isang kaawa-awang babae nang ganyan... at naghihintay kang itulak ang iyong espada, katulad ng isang berdugo, sa mismong puso na walang ibinigay sa iyo bagkus pagmamahal... Ngunit katangahan Ko na umasa ng awa mula sa iyo, na wala nito para sa iyong sariling ina!... Sa kabaligtaran, ngayon, sasabihin Ko sa iyo! Sa pamamagitan ng isang bigwas lalagusin mo Ako at siya, o kaawa-awang sawing-palad na anak, na ang mga panalangin ng dalawang ina ay hindi ka mailigtas!...»

Si Maria ay lumuluha habang nagsasalita, ngunit ang Kanyang mga luha ay hindi bumabagsak sa maitim na buhok ng ulo ni Judas, sapagkat siya ay nananatili kung saan siya bumagsak sa kanyang mga tuhod, malayo kay Maria... Ang banal na mga luha ay nasisipsip ng laryo na sahig. At ang tagpo ay nagpapaalaala sa akin tungkol kay Aglae, kung kanino, sa halip, ang mga luha ni Maria ay bumagsak, sapagkat siya ay sumisiksik kay Maria sa sinsirong mithiin ng katubusan.

«Wala ka bang matagpuan kahit isang salita, Judas? Wala ka bang matagpuan sa loob ng sarili mo mismo ng lakas para sa isang mabuting pakay? O! Judas! Judas! Sabihin mo sa Akin: kontento ka ba sa iyong pamamaraan ng pamumuhay? Suriin mo ang iyong sarili, Judas. Una sa lahat, maging mapagpakumbaba at sinsiro sa iyong sarili, at pagkatapos sa Diyos, upang ikaw ay makalapit sa Kanya, pagkatapos na maalis mo ang pabigat na mga bato mula sa iyong puso, at sabihin sa Kanya: “Naririto ako. Alang-alang sa Inyo inalis ko ang mga batong ito”.»

«Wala akong... lakas-ng-loob na mangumpisal kay Jesus.»

«Wala kang kababaang-loob na gawin iyan.»

«Totoo iyan. Tulungan Ninyo ako...»

«Pumunta ka sa Capernaum at maghintay para sa Kanya, nang mapagpakumbaba.»

«Ngunit maaari Ninyong...»

«Masasabi Ko lamang sa iyo bagkus magagawa kung ano ang laging ginagawa ng Aking Anak: ang magkaroon ng awa. Hindi Ko tinuturuan si Jesus, bagkus si Jesus ang nagtuturo sa Akin, Kanyang disipulo.»

«Kayo ang Kanyang Ina.»

«At iyan ay tungkol sa Aking puso. Ngunit, sa karapatan, Siya ay Aking Guro. Katulad na katulad na Siya ay Guro para sa lahat na iba pang mga babaeng disipulo.»

«Kayo ay perpekto.»

«Siya ang pinaka Perpektong Isa.»

Si Judas ay tahimik at nag-iisip. Pagkatapos nagtanong siya: «Saan pumunta ang Guro?»

«Sa Bethlehem sa Galilee.»

«At pagkatapos?» 

«Hindi Ko alam.»

«Babalik ba Siya rito?»

«Oo, babalik Siya.»

«Kailan?»

«Hindi Ko alam.»

«Ayaw Ninyong sabihin sa akin!»

«Hindi Ko masasabi sa iyo ang hindi Ko nalalaman. Nasundan mo Siya sa loob ng dalawang taon. Masasabi mo ba na ang Kanyang mga pupuntahan ay laging tiyak? Ilang beses napipilitan Siyang baguhin ang Kanyang lakad dahil sa kalooban ng mga tao?»

«Totoo. Aalis ako... Patungong Capernaum.»

«Napakalakas ng init ng araw para maglakbay. Manatili ka rito. Ikaw ay isang peregrino katulad ng iba pa. At sinabi Niya na ang mga babaeng disipulo ay ang mangangalaga sa kanila.»

«Ang aking presensya ay hindi kaaya-aya sa Inyo...»

«Ang katotohanan na ayaw mong mapagaling ay pinakamasakit sa Akin! Iyan lamang... Alisin mo ang iyong manta... Saan ka natulog?»

«Hindi ako natulog. Naghintay ako hanggang pagsikat ng araw dahil ibig kong makita Kayo nang nag-iisa.»

«Kung gayon maaaring pagod ka. Sa loob ng malaking silid ay may maliliit na kama na ginamit nina Simon at Tomas. Tahimik at malamig pa doon. Lakad at matulog habang naghahanda Ako ng ilang pagkain para sa iyo.»

Si Judas ay umalis nang walang pag-uusap. At si Maria, pagkatapos ng nakaupo buong gabi, ay pumunta sa kusina upang sindihan ang apoy at pagkatapos sa pangkusinang-hardin upang kumuha ng ilang gulay. At mga luha at mga luha pa ang bumabagsak nang tahimik habang yumuyuko Siya sa paapuyan inaayos ang mga gatong, o nang Siya ay yumuyuko upang pumitas ng mga gulay, at habang hinuhugasan Niya ang mga ito sa palanggana at hinahanda ang mga ito... At mga luha ang bumabagsak kasama ang kulay-gintong mga butil nang pinakakain Niya ang mga kalapati, at bumabagsak ito sa mga damit na Kanyang hinahango mula sa pinaglalabahang tangke at isinasampay sa labas sa sikat ng araw... Ang mga luha ng Ina ng Diyos... ng Walang-Batik na Ina, Na hindi ipinaliban sa kapighatian at naghirap nang mahigit pa kaysa sa sino pa man na babae, upang maging ang Kapwa-Tagapagtubos...

260311

 

 



Sunod na kabanata