441. Ang Kamatayan ng Lolo ni Marjiam.

Mayo 25, 1946.

Si Jesus ay maaaring iniwan ang mga kababaihan sapagkat Siya ngayon ay kasama ng mga apostol, nina Isaac at Marjiam. Binababa nila ang huling mga dalisdis patungo sa kapatagan ng Esdraelon habang ngayon ay unti-unti nang dumidilim.

Si Marjiam ay tuwang-tuwa na ang Panginoon ay dinadala siya sa kanyang minamahal na lolo. Ang mga apostol ay hindi masayang-masaya, dahil naaalaala nila ang huling insidente kay Ishmael. Ngunit sila ay lubos na tahimik, upang hindi mapamighati ang bata, na nagbubunyi na hindi niya ginalaw ang pulot na binigay sa kanya ni Porphirea, «sapagkat» sinasabi niya «umaasa ako na ang Panginoon ay pagbibigyan ang mithiin ng aking puso na makita ko ang aking lolo. Hindi ko alam kung bakit... ngunit matagal-tagal na mga araw na siya ay laging nasa aking espiritu, na tila ako ay tinatawag niya. Sinabihan ko si Porphirea at sinabi niya sa akin: “Iyan ay nangyayari din sa akin, kapag si Simon ay nasa malayo”. Ngunit hindi sa palagay ko ito katulad ng kanyang sinasabi, sapagkat hindi pa ito nangyari sa akin dati.»

«Sapagkat ikaw ay maliit na bata pa lamang dati. Ngayon ikaw ay isa nang lalaki at mas nag-iisip ka tungkol sa mga bagay-bagay» sabi ni Pedro sa kanya.

«Mayroon din ako ng dalawang maliit na bilog na mga keso at ilang mga olibo. Kung ano lamang ang aking madadala mula sa aking sarili sa aking minamahal na lolo. Pagkatapos mayroon ako ng isang abaka na tunika at isa pang abaka na kasuutan. Si Porphirea ay gustong gawin ito para sa akin. Ngunit sinabi ko sa kanya: “Kung mahal ninyo ako, gawin ninyo iyan para sa aking matanda”. Siya ay laging lubos na gula-gulanit at gutay-gutay, labis na naiinitan suut-suot ang magagaspang na delana!... Magkakaroon siya ng kaunting kaginhawahan.»

«At ikaw ay naiwanan ng wala ng kahit anong malamig na mga damit, kung pinagpapawisan kang katulad ng espongha suut-suot ang mga delanang damit» sabi ni Pedro sa kanya.

«O! Walang anuman ito! Ang aking lolo ay madalas na hindi kumakain upang maibigay sa akin ito, noong ako ay namumuhay sa loob ng kakahuyan... Sa wakas mabibigyan ko rin siya ng kahit ano. Sana mayroon ako ng sapat upang maibigay sa kanya kung ano ang kinakailangan niya upang matubos niya ang kanyang sarili!»

«Magkano ang nagkaroon ka magpahanggang ngayon?» tanong ni Andres.

«Maliit lang. Kumita ako ng sandaan at sampung didrachma sa isda. Ngunit malapit ko nang ipagbili ang mga kordero at pagkatapos... Kung magagawa ko ito bago maging napakalamig!...»

«Kukupkupin mo ba siya?» Si Natanael ay tinatanong si Pedro.

«Oo. Kami ay hindi masisira kung ang kaawa-awang matanda ay magkakaroon ng isang subo ng aming pagkain...»

«At pagkatapos... Makagagawa siya ng maliliit na gawain... Makakapunta siya sa Bethsaida, kung nasaan tayo, tama ba iyon, Felipe?»

«Siyempre... Tutulungan ka namin, Simon, at sa gayon magawa ang ating mabuting si Marjiam at ang matanda na masaya...»

«Umasa tayo na si Johanan ay wala roon...» sabi ni Judas Tadeo.

«Uuna na ako at pasasabihan sila» sabi ni Isaac.

Sila ay naglalakad nang mabilis sa loob ng liwanag ng buwan... Sa isang punto si Isaac ay humiwalay sa kanila binibilisan ang kanyang hakbang, habang ang grupo ay sinusundan siya nang mas mabagal. May lubos na katahimikan sa kapatagan. Kahit na ang mga ruwinsensor ay tahimik.

Sila ay nagpapatuloy, hanggang nakakita sila ng dalawang anino na tumatakbo patungo sa kanila. «Ang isa ay tiyak na si Isaac... Ang isa pa... ay maaaring si Micah o ang tagapamahala. Ang isa ay kasing taas ng isa pa» sabi ni Juan.

Sila ngayon ay magkalapit na... napakalapit. Ito ay ang tagapamahala sinusundan ni Isaac na nagmumukhang nasisiraan ng loob.

«Guro... Marjiam kaawa-awang anak! Halikayo nang mabilis... Ang iyong lolo, Marjiam, ay malubha ang kalagayan...»

«Ah! Panginoon!...» sigaw ng bata nang namimighati.

«Tayo na, tayo na... Maging malakas, Marjiam» at si Jesus ay kinuha ang kanyang kamay at nagsimula halos tumatakbo habang sinasabi Niya sa mga apostol: «Makakasunod kayo.»

«Oo... Ngunit huwag gumawa ng labis na ingay... Si Johanan ay naririto» sigaw ng tagapamahala na nasa malayo na.

Ang abang matanda ay nasa bahay ni Micah. Kahit na ang isang tanga ay maiintindihan na siya ay totoong namamatay. Siya ay nakahigang matamlay, ang kanyang mga mata nakasarado, ang kanyang hitsura nakapahingalay, katulad ng isang namamatay na tao. Mas waks ang kutis niya, maliban sa mga buto ng panga, kung saan ang manilaw-nilaw na pula ay namamalagi.

Si Marjiam ay niyukuan ang maliit na kama nagtatawag: «Lolo! Aking lolo! Ako si Marjiam! Naiintindihan mo? Si Marjiam! Si Jabez! Ang inyong Jabez!... O Panginoon! Hindi na niya ako napapakinggan... Halikayo rito, Panginoon... Halikayo rito. Maaari ba Ninyong subukan... Pagalingin siya... Gawin siya na makita niya ako, gawin siyang magsalita sa akin... Kailangan ko bang makita ang lahat kong kamag-anak na namamatay nang ganito, nang walang salita ng pagpapaalam sa akin?...»

Si Jesus ay nilalapitan siya, niyuyukuan Niya ang namamatay na tao, naglapat Siya ng isang kamay sa kanyang ulo nagsasabing: «Anak ng Aking Ama, makinig sa Akin.»

Katulad ng isang gumigising mula sa malalim na pagkatulog, ang matanda ay huminga nang malalim, ibinuka niya ang kanyang nangingintab nang mga mata nakatingin nang walang-katiyakan sa dalawang mukha na nakayuko sa kanya. Nagsisikap siyang magsalita, ngunit ang kanyang dila ay walang puwersa. Ngunit sa ngayon ay maaaring nakakakilala na siya, sapagkat siya ay ngumingiti at nagsisikap na kunin ang mga kamay ng dalawa upang dalhin ito sa kanyang mga labì. 

«Lolo... pumunta ako... Nagdasal ako nang maigi na sana ako ay makarating!.. Ibig kong masabi sa inyo... na malapit na akong magkaroon ng sapat na pera... na mabibigyan ko na kayo ng kung ano ang kailangan ninyo upang matubos ninyo ang inyong sarili... at sasama na kayo sa akin, kay Simon at Porphirea, na mga napakabuti, napakabait sa inyong Jabez... at sa lahat...»

Ang matanda ay nagtagumpay sa paggalaw ng kanyang dila at nagsalita nang may-kahirapan: «Gantimpalaan sana sila ng Diyos... at gantimpalaan ka... Ngunit huli na... pupunta na ako kay Abraham... upang hindi na muli maghirap...» Binalingan niya si Jesus at nananabik na nagtanong: «Ito ay ganito, hindi ba?»

«Ganyan. Mamayapa!» at si Jesus ay tinutuwid ang Sarili nang mapangibabaw nagsasabing: «Sa pamamagitan ng Aking kapangyarihan ng Hukom at Tagapagligtas, pinatatawad Ko kayo ng lahat ng mga pagkakamali at pagkukulang na maaaring nagawa ninyo sa loob ng inyong pamumuhay, at ng anumang damdamin ng inyong puso laban sa karidad at laban sa mga napoot sa inyo. Pinatatawad kita ng lahat, anak. Humayo sa kapayapaan!» Si Jesus ay iniunat Niya ang Kanyang mga kamay nang mataas sa ibabaw ng maliit na kama na tila Siya ay nasa harapan ng isang altar at Siya, ang Pari, ay kinokonsagra ang isang biktima.

Si Marjiam ay umiiyak, habang ang matanda ay ngumingiti nang magiliw bumubulong: «Ang isa ay nakakatulog nang mapayapa sa pamamagitan ng Inyong tulong... Salamat sa Inyo, Panginoon...» at siya ay hinimatay.

«Lolo! Lolo! O! siya ay namamatay! Siya ay namamatay! Bigyan natin siya ng ilang pulot... ang kanyang dila ay tuyo... Siya ay malamig... ang pulot ay nagpapainit...» sigaw ni Marjiam at nagsisikap siyang maghanap sa sako sa pamamagitan ng isang kamay habang inaalalayan niya ng kanyang isa pang kamay ang ulo ng kanyang lolo, na pabigat nang pabigat.

Ang mga apostol ay lumitaw sa pamasukan... at nanonood sa katahimikan...

«Sige, Marjiam. Hahawakan Ko ang iyong lolo» sabi ni Jesus... at pagkatapos, kinakausap si Pedro: «Simon, halika rito...»

At si Simon ay lumapit, lubos na naaantig ang damdamin.

Si Marjiam ay nagsisikap na bigyan ng kaunting pulot ang matanda. Inilubog niya ang kanyang isang daliri sa maliit na plorera at hinango ito na natatakpan ng pulot, na kanyang inilalagay sa mga labì ng kanyang lolo, na ibinubuka muli ang kanyang mga mata, tinitingnan siya, ngumingiti at nagsabi: «Masarap ito.»

«Ginawa ko iyan para sa inyo... At ang tunika rin na gawa sa sariwang abaka...»

Ang matanda ay itinaas ang kanyang nanginginig na kamay at nagsisikap na ipatong ito sa kulay-kapeng buhok ng ulo ni Marjiam nagsasabing: «Ikaw ay mabait... mas mabuti pa kaysa sa pulot... At na... ang katotohanan na ikaw ay mabait, ay nakagagawa sa akin ng maganda... Ngunit ang iyong pulot... ay hindi na kinakailangan pa... Ni ang iyong malamig na tunika... Itago iyan... itago iyan kasama ng aking pagpapalà...»

Si Marjiam ay bumagsak sa kanyang mga tuhod at umiiyak na ang kanyang ulo nakapatong sa gilid ng maliit na kama umuungol: «Nag-iisa! Nananatili akong nag-iisa!»

Si Simon ay pumunta sa kabila ng kama at sa isang tinig na nagawang mas paos kailanman ng damdamin, hinahaplos niya ang buhok ni Marjiam: «Hindi... Hindi nag-iisa... Minamahal kita. Si Porphirea din ay minamahal ka... Ang mga disipulo... kasing dami na mga kapatid... At pagkatapos... si Jesus. Si Jesus ay minamahal ka... Huwag umiyak, aking anak!»

«Iyong... anak... oo... Ako... ay masaya... Panginoon!... Panginoon...» ang matanda ay bumubulong nang lito... nararamdaman niya na ang katapusan ay lumalapit na.

Si Jesus ay niyakap siya nang isang kamay, itinaas siya, at humihimig nang dahan-dahan: «Itinaas ko ang aking mga mata sa mga bundok, mula kung saan ang tulong ay darating sa akin» at nagpapatuloy Siya hanggang sa katapusan ng salmo 120. Pagkatapos Siya ay tumigil pinagmamasdan ang mamâ na namamatay sa loob ng Kanyang mga bisig napatahimik ng mga salitang iyon... Isinasahimig Niya ang salmo 121. Ngunit kaunti lamang ang Kanyang binanggit nito, sapagkat nang kaagad Niyang sinisimulan ang ikaapat na berso Siya ay tumigil, nagsasabing: «Humayo sa kapayapaan, makatarungan na kaluluwa!» at Kanya siyang inihihiga nang muli nang dahan-dahan at isinasara ang kanyang mga talukap-mata sa pamamagitan ng Kanyang kamay.

Isang gayon na kapayapaang kamatayan na walang sinuman, maliban kay Jesus, ang nakapuna nito. Ngunit nakita nila ito nakikita ang ikinilos ni Jesus at sila ay nagsimulang magbulungan.

Si Jesus ay kumilos humihiling ng katahimikan. Siya ay pumunta sa tabi ni Marjiam, na walang napuna na kahit ano, dahil siya ay umiiyak na ang kanyang ulo nakapatong sa kama. Siya ay yumuko at niyakap ang bata at nagsisikap na siya ay maitaas nagsasabing: «Siya ay nasa kapayapaan, Marjiam! Hindi na siya ulit naghihirap. Ito ang pinakadakilang grasya ng Diyos para sa kanya: kamatayan, at sa loob ng mga bisig ng Panginoon! Huwag umiyak, mahal na anak. Tingnan kung gaano siya kapayapa... Sa kapayapaan... Kakaunti sa Israel ang nagkaroon ng gantimpala na nagkaroon ang makatarungan na taong ito, ang mamatay sa dibdib ng Tagapagligtas. Halika rito, sa Aking mga bisig... Ikaw ay hindi nag-iisa. At naririyan ang Diyos, at iyan na ang lahat, at minamahal ka Niya para sa buong mundo.»

Ang kaawa-awang Marjiam ay totoong nasa kaawa-awang kalagayan, ngunit nakatagpo pa rin siya ng lakas upang magsalita: «Salamat sa Inyo, Panginoon, sa Inyong pagpunta... at sa inyo, Simon, sa pagdala sa akin dito... At sa inyong lahat, maraming salamat... para sa ibinigay ninyo sa akin para sa kanya... Ngunit wala na itong paggagamitan pa... Ngunit... magagamit ang damit... Kami ay mahirap... Hindi namin siya maiimbalsamo... O! lolo! Ni hindi ko man lamang kayo mabigyan ng sepulkro!... Ngunit kung pagtitiwalaan ninyo ako, kung magagawa ninyo... na sagutin ang mga gagastusin at sa Oktubre ibibigay ko sa inyo ang pera mula sa mga kordero at sa isda...»

«Hoy! Sasabihin ko: may ama ka pa! Ako ang bahala diyan, hanggang sa ipagbili ko ang aking bangka. Ang matanda ay tatanggap ng kumpletong parangal. Ang importante ay ang makautang... at isang makapagbibigay ng isang sepulkro...»

Ang tagapamahala ay nagsabi: «Sa Jezreel ay may ilang disipulo sa pagitan ng mga mamamayan. Wala silang itatangi na kahit ano. Lalakad ako kaagad at makakabalik ako sa ikatlong oras...»

«Mabuti, ngunit... ang Pariseo?»

«Huwag mag-alala. Gagawin kong malaman niya na may isang patay at upang hindi makuntamina, siya ay hindi lalabas ng bahay. Lalakad na ako...»

At habang si Marjiam, nakayuko sa lolo, ay umiiyak at hinahaplos siya, at si Jesus nagsasalita sa isang mababang tinig sa mga apostol at kay Isaac, si Micah at ang iba pa ay abala sa paghahanda ng huling mga parangal sa kanilang patay na kasama.

--------------------

At gumagawa ako rito ng personal na komentaryo. Ako ay nagkataon na mapalagay sa ganito ring mga sitwasyon nang makailang beses, at madalas kong mapuna na ang mga taong naroroon, na may mabubuting intensiyon o may kapintas-pintas na di-makapagbata, ay nasasalungat ang mga namimighati sa pagkawala ng isang kamag-anak. Tinutukoy ko ang kabaitan ni Jesus, Na binabata ang paghihirap ng ulila at hindi nanghihingi ng di-natural na kabayanihan mula sa bata... Gaano ang dapat na matutunan mula sa bawat pinakamaliit na kilos ni Jesus!...

270311

 

 



Sunod na kabanata