442. Si Jesus Nagsasalita Tungkol sa Karidad sa mga Apostol

Mayo 30, 1946 (Araw ng Asensyon).

«Saan ninyo iniwan ang mga bangka, Simon, nang dumating kayo sa Nazareth» tanong ni Jesus habang naglalakad patungong hilagang-silangan, iniiwan sa likuran ang kapatagan ng Esdraelon at nagpapatuloy pagawing Mount Tabor.

«Pinabalik ko sila, upang sila ay sana makapangisda, Guro. Ngunit sinabi ko sa kanila na pumunta sa Tarichea tuwing ikatlong araw... Hindi ko alam kung gaano ako katagal na makakasama sa Inyo.»

Mabuti. Sino sa inyo ang gustong lumakad upang sabihin sa Aking Ina at kay Maria ni Alfeo na tagpuin kami sa Tiberias? Sa bahay ni Jose ang magiging tagpuang lugar.»

«Guro... gusto naming lahat na pumunta. Ngunit mas mabuti kung sasabihin Ninyo kung sino ang pupunta.»

«Kung gayon, si Mateo, si Felipe , si Andres at si Santiago ni Zebedeo. Gawin ang iba pa na sumama sa Akin sa Tarichea. Ipaliliwanag ninyo sa mga babae ang dahilan ng pagka-antala. At sabihin sa kanila na isara ang mga bahay at pumarito. Tayo ay magkakasama-sama para sa buong itatagal ng buwan. Lakad, sapagkat ito ang lugar kung saan ang daan ay naghihiwalay. At harinawang ang kapayapaan ay mapasainyo.» Hinahalikan Niya ang apat na hihiwalay, at kinuha Niya muli ang daan kasama ang iba pa.

Pagkaraan ng kaunting mga hakbang Siya ay tumigil at pinagmamasdan si Marjiam na naglalakad na ang kanyang ulo nakatungo sa likuran nang kaunti ng grupo. Nang ang bata ay nakaabot sa Kanya, inilagay ni Jesus ang Kanyang kamay sa ilalim ng kanyang babâ pinipilit siyang itaas ang kanyang ulo. Mga luha ang bumababa sa bilad-sa-araw na mukha ng bata.

«Gusto mo rin bang pumunta sa Nazareth?»

«Oo, Guro... Ngunit gawin ang ayon sa ibig Ninyo.»

«Ibig Kong ikaw ay mapaginhawahan, anak... Lakad... Habulin sila. Ang Aking Ina ay pagiginhawahan ka.» Hinahalikan Niya siya at hinayaan siyang makaalis, at si Marjiam ay nagsimulang tumakbo at kaagad naabutan ang apat na apostol.

«Siya ay isang bata pa rin...» wika ni Pedro.

«At siya ay naghihirap nang labis... Kagabi, dahil natagpuan ko siya na lumuluha sa isang sulok ng bahay, sinabi niya sa akin: “Ito ay tila ang aking ama’t ina ay kamamatay pa lamang kahapon... Ang kamatayan ng aking matandang lolo ay binuhay nitong muli ang lahat na kapighatian sa aking puso...”» sabi ni Juan.

«Kaawa-awang anak!... Ngunit mabuting bagay na siya ay naroroon sa pagkamatay na iyon...» sabi ng Zealot.

«Paniwalang-paniwala pa naman siya na baka matutulungan niya ang matanda!... Sinabi sa akin ni Porphirea na ginawa ni Marjiam ang lahat na pamamaraan ng pagsasakripisyo upang siya ay makapag-impok ng pera. Nagtatrabaho siya sa mga bukid, gumagawa siya ng mga panggatong para sa mga panadero, nangingisda siya, hindi siya kumakain ng kahit anong keso o pulot, upang ito ay sana maipagbili niya... Nasa kanyang puso ang matatag na idea na iyan at gusto niyang makasama ang matanda... sino ang nakaaalam!» sabi ni Pedro.

«Siya ay isang may seryosong-kaisipan at may malakas-na-kalooban na tao. Ang sakripisyo at trabaho ay hindi kabigatan sa kanya. Mabubuting puto» sabi ni Bartolomeo.

«Oo, siya ay isang mabuting anak at magiging isa sa pinakamagagaling na disipulo. Nakikita ninyo kung gaano ka-istrikto niyang pinipigilan ang kanyang sarili kahit sa loob ng pinaka maproblemang mga sitwasyon... Ang kanyang nahihirapan na puso ay naghahanap para kay Maria, ngunit hindi niya hiningi na siya ay pumunta. Naiintindihan niya nang mabuti kung anong lakas ang nasa pananalangin na nahihigitan niya ang maraming adulto» sabi ni Jesus.

«Sa palagay ba Ninyo gumagawa siya ng mga sakripisyo para sa isang intensiyon na naisip na niya bago pa man?

«Natitiyak Ko na iyan ang ginagawa niya.»

«Totoo iyan. Kahapon nagbigay siya ng isang prutas sa isang matandang lalaki nagsasabing: “Magdasal para sa ama ng aking ama, kamamatay pa lamang niya”, at nagsalita ako sa kanya: “Siya ay nasa kapayapaan, Marjiam. Hindi mo ba tinitingnan na balido ang absulusyon ni Jesus?”. Siya ay tumugon sa akin: “Tinitingnan ko iyon na balido. Ngunit kapag nag-aalay ng mga sakripisyo, iniisip ko ang mga kaluluwa na para kung kanino ay walang nagdarasal, at sasabihin ko: kung ang aking lolo ay hindi na ito kailangan, gawin ang mga sakripisyong ito bilang kabayaran sa mga kasalanan ng mga nakakalimutan ng lahat”. At ako ay nabigyan ng magandang halimbawa» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Oo» sabi ni Pedro. «Kahapon pumunta siya sa akin at niyayakap ako, sapagkat, pagkaraan ng lahat, siya ay isa paring isang bata, sinabi niya sa akin: “Ngayon kayo ay totoong ngang ang aking ama... at binibigay ko sa inyo kung ano ang aking naimpok sa kapahintulutan ng inyong kabaitan. Ang aking lolo ay hindi na niya kailangan ang pera... at kayo ni Porphirea ay labis ang ginagawa para sa akin... “ Nahirapan akong... mapigilan ang aking mga luha. Sinabi ko sa kanya: “Hindi, anak. Gagamitin natin ang pera na iyan bilang limos sa mahihirap na matatandang tao o sa mga ulila at ang Diyos ay gagamitin ang iyong limos para mapalaki ang kapayapaan ng iyong matandang lolo”. At si Marjiam ay hinalikan ako nang napakagiliw na... bueno... hindi ko mapigilan ang aking mga luha. At gaano siyang mapagpasalamat sa iyo, Bartolomeo, sa pagsagot sa mga gastusin. Sinabi niya sa akin: “Sa ganang akin ang parangal na binigay sa aking matandang lolo ay di-mababayaran. Sasabihin ko kay Bartolomeo na kunin ako bilang kanyang katulong”.»

«O! kaawa-awang anak! Ni hindi kahit para sa isang oras! Pinaglilingkuran niya ang Panginoon at nabibigyan niya tayong lahat ng magandang halimbawa. Pinarangalan ko ang isang makatarungan na tao. Nangyari lamang na nagawa ko ito sapagkat ang aking pangalan ay kilala at madali para sa akin na makakita ng mga tao na papayag na magpapahiram muna ng pera. Kapag nasa Bethsaida na lilinisin ko ang maliit na utang, matapos man ang lahat ito ay isang maliit na bagay...»

«Oo. Kung tungkol sa pera ito ay hindi labis, sapagkat ang mga tao ay Jezreel ay mapagbigay. Ngunit ang iyong pagmamahal para sa isang kapwa disipulo ay hindi maliit na bagay. Sapagkat ang bawat pagkilos ng pagmamahal ay may malaking halaga.

Kayo ay ginagawang perpekto sa inyong pagmamahal sa kapwa, na siyang ang huling bahagi ng pundamental na alituntunin ng Batas ng Diyos, at siyang malubhang kinalilimutan sa Israel. Ang maraming mga alituntunin, ang kaliitan na sumunod sa simple, subalit kumpleto, bagama't maikling Batas ng Sinai, ay nabaluktot ng mga ito ang huling bahagi ng pundamental na alituntunin, ginagawa itong maging isang tambak ng panlabas na mga ritwal na nagkukulang ng kung ano ang nagbibigay sa mga ito ng lakas, halaga, katotohanan: ibig sabihin nagkukulang ang mga ito ng aktibong di-nagbabagong panloob hinggil sa panlabas na mga porma ng kulto, sa pamamagitan ng mga gawaing nagagawa at sa mga panunuksong napaglalabanan. Ano ang kahalagahan ng pagpapakita ng isang kulto sa mga mata ng Diyos, kung sa panloob ang isang puso ay hindi nagmamahal sa Diyos, hindi pinupuksa ang sarili sa magalang na pagmamahal para sa Diyos, kung ang isang puso ay hindi nagpupuri at humahanga sa Diyos sa pamamagitan ng pagmahal sa kung ano ang Kanyang ginawa, at una sa lahat sa pagmahal sa tao, na siyang ang obra-maestra ng Paglilikha sa lupa?

Naiintindihan ba ninyo kung papaano nagawa ang pagkakamali sa Israel? Ito ay nangyari dahil, sa una, mula sa isang alituntunin gumawa sila ng dalawang alituntunin, at pagkatapos, sa paghina ng mga espiritu, inalis nila nang malinis ang huli sa una, na tila ito ay isang walang-silbing sanga. Ito ay hindi isang walang-silbing sanga, ni wala ngang dalawang sanga. Iyon ay isang katawan lamang, na mula sa pinaka batayan nito inadornohan nito ang sarili sa pamamagitan ng indibidwal na mga birtud ng dalawang pagmamahal. Tingnan ang malaking puno-ng-igos na tumubo sa itaas na iyon, sa burol na iyon. Iyon ay tumubo nang kusa, at halos mula sa mga ugat niyan, ibig sabihin, nang kaagad lumitaw iyan mula sa lupa, iyan ay naghiwalay sa dalawang sanga, na ito ay magkaisang-magkaisa na ang dalawang katawan ay nanatiling magkadikit. Ngunit ang dalawang puno ay kapwa nagpalabas ng kanilang mga dahon sa kanilang tabi, sa gayong kakatwang  pamamaraan, na ang maliit na nayon sa burol na iyan ay pinangalanan dahil diyan  “Ang bahay ng magkakambal na puno-ng-igos”. Ngayon kung gusto ng isa na paghiwalayin ang dalawang puno, na sa katunayan ay isang puno lamang, kakailanganin ng isa na gumamit ng palakol o lagari. Ngunit ano ang gagawin ng isa? Magagawa niyang mamatay ang puno, o, kung ang isa ay napakagaling na magamit ang palakol o ang lagari sa pamamaraan na masasaktan ang isang puno lamang sa dalawa, ang isa ay maililigtas habang ang isa ay tiyak na mamamatay, at ang nailigtas, bagama't buhay pa rin, ay mabubuhay nang napakasamâ, at baka manghina, hindi mamunga o mamunga nang kaunting-kaunti.

Ganyan ang nangyari sa Israel. Ibig nilang hatiin, ihiwalay ang dalawang bahagi, na magkaisang-magkaisa na totoong iisang bagay lamang, ibig nilang pakialaman kung ano ang perpekto na. Sapagkat ang bawat gawain, bawat naisip at gawa ng Diyos ay perpekto. Kung gayon, kung ang Diyos sa Sinai ay iniutos sa tao na mahalin ang Kataastaasang Diyos at ang kanyang kapwa, sa pamamagitan ng isang alituntunin lamang, makikita na ang mga ito ay hindi  mga alituntunin na maaaring isabuhay nang magkahiwalay, bagkus sila ay iisang alituntunin lamang. At sa dahilan na Ako ay hindi kailanman nakukontento sa pagpapabuti sa inyo sa makalangit na birtud na ito, na siyang pinakadakila sa lahat, sapagkat ito ay tumataas sa Langit kasama ang espiritu at siyang tanging tatagal sa Langit, Akin itong ipinipilit, ang kaluluwa ng buong buhay ng espiritu, na mamamatay kung mawawalan ito ng Karidad, sapagkat mawawalan ito ng Diyos.

Makinig sa Akin. Halimbawa isang araw ang isang mayaman na mag-asawa ay dumating at kumatok sa inyong pinto, humihingi nang pag-aruga para sa kanilang  pamumuhay. Masasabi ba ninyo: “Tinatanggap namin ang lalaki ngunit ayaw namin ang kanyang asawa” nang hindi naririnig ang lalaki na tumutugon sa inyo: “Hindi iyan posible, sapagkat hindi ako makahihiwalay sa laman ng aking alaman. Kung ayaw ninyo siyang tanggapin, hindi ako makapananatili sa inyo, at aalis ako dala ang lahat ng aking kayamanan, na baka naibigay ko sa inyo ang iba”?

Ang Diyos ay karugtong ng Karidad. At ang Karidad ay tunay, at mas málapít pa at totoong ang espiritu ng Kanyang Espiritu kaysa ang mag-asawa na lubos na nagmamahalan sa isa’t isa. Ang Diyos Mismo ay Karidad. Ang Karidad ay bagkus ang pinaka halata at pinaka maliwanag na aspekto ng Diyos. Sa lahat ng Kanyang mga katangian ang Karidad ang naghahari at ang orihinal na katangian, sapagkat ang lahat na iba pang mga katangian ng Diyos ay nagmumula sa Karidad. Ano ang Kapangyarihan bagkus aktibong karidad? Ano ang Karunungan bagkus nagtutúrong karidad? Ano ang Awa bagkus nagpapatawad na karidad? Ano ang Hustisya bagkus naghaharing karidad? At makapagpapatuloy Ako nang ganyan tungkol sa di-mabibilang na mga katangian ng Diyos. Ngayon, pagkatapos ng Aking sinabi, makapaniniwala ba kayo na siya, na walang Karidad, ay nasa kanya ang Diyos? Hindi, wala sa kanya. Mawawari ba ninyo na matatanggap niya ang Diyos, ngunit ang Karidad hindi? May iisang Karidad lamang at sinasakop nito ang Tagapaglikha at ang mga nilikha at hindi posibleng magkaroon lamang ng kalahati nito: ang para sa Tagapaglikha, nang wala rin ang kalahati: ang para sa inyong kapwa.

Ang Diyos ay nasa Kanyang mga nilikha. Siya ay nasa kanila kasama ang Kanyang di-mabuburang tanda, kasama ang Kanyang karapatan ng Ama, Esposo at Hari. Ang kaluluwa ay ang Kanyang trono, ang katawan ang kanyang templo. Ngayon siya na hindi nagmamahal sa isa sa kanyang mga kapatid at hinahamak niya siya, ay hinahamak, pinamimighati at pinawawalang-halaga niya ang Nagmamay-ari ng bahay ng kanyang kapatid, ang Hari, ang Ama, ang Esposo ng kanyang kapatid, at natural lamang na ang dakilang Diyos Na ito Na siyang ang Lahat, Na nasa isang kapatid, nasa lahat na kapatid, ay tingnan na sa Kanya binigay ang pamiminsala na binigay sa mas nakabababang nilikha, sa isang bahagi ng nilikha ng Lahat, ibig sabihin sa isang tao. Iyan kung bakit Ko itinuro sa inyo ang korporyal at espirituwal na mga gawain ng awa, iyan kung bakit Ko itinuro sa inyo na huwag iskandaluhin ang inyong mga kapatid, iyan kung bakit itinuro Ko sa inyo na huwag manghusga, na huwag manira o tumanggi sa inyong mga kapatid, sila man ay maging mabuti o di-mabuti, tapat o mga Hentil, mga kaibigan o mga kaaway, mayaman man o mahirap.

Kapag sa kama ng isang kinasal nangyayari ang paglilihi, ito ay pinangyayari din sa ganyan ding gawa, maging ito man ay sa ibabaw ng isang ginintuang kama o sa ibabaw ng dayami sa loob ng isang establero. At ang nilikha na napoporma sa loob ng isang makaharing sinapupunan ay hindi iba sa napoporma sa sinapupunan ng isang pulubi. Ang ipaglihi, ang iporma ang isang bagong nilikha, ay pareho kahit saang lugar sa Lupa, maging ano pa man ang relihiyon ng mga magulang. Ang lahat na nilikha ay ipinanganganak katulad ng ipinanganak sina Abel at Cain mula sa sinapupunan ni Eba. At sa pagkakapareho ng paglilihi, ng pormasyon at ng pamamaraan ng kapanganakan ng mga anak ng lalaki at babae sa Lupa, ay tumatapat ang isa pang pagkakapareho sa Langit: ang paglilikha sa isang kaluluwa na ilalagay sa embriyon, upang ito ay sana ang maging kaluluwa ng isang tao at hindi ng isang hayop, at sana samahan siya nito mula sa sandali ng paglikha sa kanya hanggang sa kanyang kamatayan, at na sana mamalagi ito hinihintay ang pang-unibersal na resureksiyon, kung saan sasamahan nito ang ibinangon na katawan at makuha nito ang isang gantimpala o isang kaparusahan. Isang gantimpala o kaparusahan ayon sa mga ginawa sa loob ng makalupang pamumuhay. Huwag isipin na ang Karidad ay di-makatarungan, at iyan dahil lamang maraming tao na hindi kasama sa Israel o sa Kristo, bagama't mabirtud sila sa relihiyon na kanilang sinusundan kumbinsido na iyon ay ang totoong relihiyon, ang dapat manatiling walang gantimpala magpasawalanghanggan.

Pagkatapos ng katapusan ng mundo walang ibang birtud ang mamamalagi maliban sa Karidad, ibig sabihin, ang Pakikiisa ng lahat ng mga nilikha na namuhay sa katarungan, sa Tagapaglikha. Hindi magkakaroon ng maraming Langit: isa para sa Israel, isa para sa mga Kristiyano, isa para sa mga Katoliko, isa para sa mga Hentil, isa para sa mga pagano. Magkakaroon ng isang Langit lamang. At gayon din magkakaroon ng isang gantimpala lamang: ang Diyos, ang Tagapaglikha, Na sumasama muli sa Kanyang mga nilikha na namuhay ayon sa katarungan, at sa kung kanino, dahil sa kagandahan ng mga kaluluwa at mga katawan ng mga santo, hahangaan Niya ang Kanyang Sarili nang may lugod ng Ama at ng Diyos. Magkakaroon ng isang Panginoon lamang. Hindi isang Panginoon para sa Israel, isa para sa Katolisismo, isa para sa bawat iba pang mga relihiyon.

Akin nang ibubunyag sa inyo ngayon ang isang dakilang katotohanan. Tandaan ito. Ipaabot ito sa mga susunod sa inyo. Huwag laging hintayin ang Banal na Espiritu na linawin ang katotohanan pagkaraan ng maraming taon o siglo ng kadiliman. Makinig. Baka sabihin ninyo: “Kung gayon, anong katarungan ang makasapi sa banal na relihiyon, kung sa katapusan ng mundo tayo ay tatratuhin nang eksakto katulad ng mga Hentil?”. Tumutugon Ako sa inyo: gayon din na katarungan na naririyan at ito ay totoong katarungan – para sa mga tao, na bagama't kasapi sila sa banal na relihiyon, ay hindi makakasama sa mga santo, sapagkat hindi sila namuhay nang banal. Ang isang mabirtud na pagano, dahil lamang namuhay siya ayon sa piling birtud, kumbinsido na ang kanyang relihiyon ay mabuti, ay mapapasakanya ang Langit sa katapusan. Kailan? Sa katapusan ng mundo, kapag sa apat na mga pupuntahan ng patay, dalawa lamang ang natitira: ibig sabihin, ang Paraiso at ang Impiyerno. Sapagkat ang Hustisya, sa panahon na iyan, ay mapananatili at maipamimigay lamang ang dalawang eternal na mga kaharian sa mga tao, na mula sa puno ng malayang kalooban, ay pinili ang mabubuting bunga o ginusto ang masasamang bunga. Ngunit anong mahabang paghihintay bago ang isang mabirtud na pagano makamit ang gantimpalang iyan!... Hindi ba sa palagay ninyo? At ang paghihintay na iyan, lalo na mula sa sandali nang ang Panunubos ay nangyari na kasama ang lahat na resultang mga kababalaghan at ang Ebanghelyo ay naituro na sa buong mundo, ay ang magiging paglilinis ng mga kaluluwang  namuhay nang may katarungan ng ibang mga relihiyon, ngunit hindi nagawang makapasok sa totoong Pananampalataya, pagkatapos na malaman nila ang paglitaw nito at ang katibayan ng katotohanan nito. Ang kanilang pupuntahan ay ang Limbo sa loob ng mga siglo at mga siglo pa, hanggang sa katapusan ng mundo. Ang mga naniniwala sa totoong Diyos, na mga hindi naging makabayaning banal, ay magkakaroon ng isang mahabang Purgatoryo, na maaaring tumagal hanggang sa katapusan ng mundo para sa ilan sa kanila. Ngunit pagkatapos ng pagbabayad-kasalanan at paghihintay, ang mabubuti, maging ano pa man ang kanilang pinanggalingan, ay lahat uupo sa kanang tabi ng Diyos; ang masasamâ, ano pa man ang kanilang pinanggalingan, sa kaliwang tabi at pagkatapos sa nakakatakot na Impiyerno, habang ang Tagapagligtas ay papasukin ang eternal na Kaharian kasama ang lahat ng mabubuting kaluluwa.»

«Panginoon, patawarin ako kung hindi ko naiintindihan. Ang sinasabi Ninyo ay napakahirap... para sa akin man lamang... Lagi Ninyong sinasabi na Kayo ang Tagapagligtas at na Inyong tutubusin ang mga naniniwala sa Inyo. Kung gayon ang mga hindi naniniwala, dahil hindi nila Kayo nakilala, dahil nabuhay sila bago Kayo dumating, o dahil – ang mundo ay napakalawak! – hindi sila nagkaroon ng balita tungkol sa Inyo, papaano sila maliligtas?» tanong ni Bartolomeo.

«Sinabi Ko na sa inyo: dahil sa kanilang makatarungan na pamumuhay, sa kanilang mabubuting gawa, at sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya na kanilang pinaniniwalaan na totoong pananampalataya.»

«Ngunit wala silang napuntahan na Tagapagligtas...»

«Ngunit ang Tagapagligtas ay maghihirap din para sa kanila. Hindi mo ba naiisip, Bartolomeo, kung anong laki ng halaga magkakaroon ang Aking mga merito ng Tao-Diyos?»

«Aking Panginoon, sila ay lagi nang magiging mas mababa sa mga nasa Diyos, sa mga laging nasa Inyo.»

«Ang iyong tugon ay tama at hindi tama. Ang mga merito ng Diyos ay walang-hangganan, sinasabi mo. Ang lahat ay walang-hangganan sa Diyos. Ngunit ang Diyos ay walang kahit anong mga merito sa pananaw na hindi Niya ito ginawa. Siya ay may Kanyang mga katangian, mga birtud na Sarili Niya.  Siya ay Siya Na: Perpekto, Walang-hangganan, Makapangyarihan. Ngunit ang magkaroon ng merito, kinakailangan na gumawa ng isang bagay, at sa pamamagitan ng pagsisikap, na mas mataas sa ating kalikasan. Halimbawa, ang kumain ay hindi isang merito. Ngunit ang kumain nang may-katipiran ay maaaring maging isang merito, kung tayo ay gumagawa ng tunay na mga sakripisyo, upang maibigay sa mahihirap kung ano ang ating itinatabi. Hindi merito ang manahimik. Ngunit ito ay nagiging isang merito kung tayo ay tahimik sa halip na mang-insulto. At iba pa. Ngayon, nalalaman ninyo na ang Diyos ay hindi kinakailangan na gumawa ng kahit na anong pagsisikap, sapagkat Siya ay Perpekto, Walang-hangganan. Ngunit ang Tao-Diyos ay makagagawa ng pagsisikap sa pagpapahiya sa Kanyang walang-hangganan na Kalikasan sa loob ng mga limitasyon ng pagiging tao, sa pagtalo sa pantaong kalikasan, na hindi na wala roon o metaporiko, bagkus tunay, sa loob Niya, kasama ang lahat na mga pandama nito at mga damdamin, kasama ang posibilidad na maghirap at mamatay, kasama ang malayang kalooban nito. Walang sinuman ang may gusto ng kamatayan, lalo na kung ito ay masakit, wala-sa-panahon at di-nirarapat. Walang sinuman ang may gusto nito. Ngunit sa kabila nito, ang bawat tao ay kailangang mamamatay. Kung kaya't ang tao ay kailangan na tingnan ang kamatayan nang may ganyan ding kakalmahan ng nakikita niya ang bawat nabubuhay na nilalang na dumarating sa katapusan. Bueno, pinipilit Ko ang Aking Pagiging-tao na mahalin ang kamatayan. Hindi lamang. Bagkus pinili Ko ang buhay upang magkaroon ng kamatayan. Alang-alang sa Sangkatauhan. Kung gayon, sa Aking katayuan na Tao-Diyos nakukuha Ko ang mga meritong iyon na hindi Ko makukuha kung Ako ay nanatiling Diyos. At sa pamamagitan ng mga meritong ito, na walang-hangganan, dahil sa pamamaraan ng pagkuha Ko nito, dahil sa dibinong Kalikasan na idinugtong sa pantaong kalikasan, dahil sa mga birtud ng Karidad at Pagsunod, na sa pamamagitan nito inilagay Ko ang Aking Sarili sa kalagayan na marapatin ang mga merito, dahil sa Katatagan, Katarungan, Pagtitimpi, Kahinahunan, dahil sa lahat ng mga birtud na inilagay Ko sa Aking puso upang magawa itong katanggap-tanggap sa Diyos, Aking Ama, magkakaroon Ako ng walang-hanggang kapangyarihan, hindi lamang bilang Diyos, bagkus pati rin bilang Tao, Na isinasakripisyo ang Sarili para sa kapakanan ng lahat, ibig sabihin, nararating ang sukdulang limitasyon ng Karidad. Iyan ang sakripisyong nagbibigay ng merito. Habang mas malaki ang sakripisyo, mas malaki ang merito. Isang kumpletong merito para sa isang kumpletong sakripisyo. Perpektong merito para sa isang perpektong sakripisyo. At maaari itong gamitin ayon sa banal na kalooban ng biktima, kung kanino ang Ama ay nagsasabi: “Mangyari iyan ayon sa ibig mo!”, sapagkat ang biktima ay nakapagmahal kapwa sa Diyos at sa kanyang kapwa nang walang-sukat. Sasabihin Ko sa inyo. Ang pinakamahirap na tao ay maaaring maging ang pinakamayaman at makikinabang ang di-mabilang na mga kapatid, kung siya ay nakapagmamahal hanggang sa siya ay magsakripisyo. Sasabihin Ko sa inyo: kahit na kung kayo ay wala ng isang subo ng tinapay, isang baso ng tubig, isang gula-gulanit na damit, lagi kayong makakatulong> Papaano? Sa pamamagitan ng pagdarasal at paghihirap para sa inyong mga kapatid. Tulungan sino? Lahat. Sa anong pamamaraan? Sa sanlibong banal na mga pamamaraan, dahil kayo ay nakapagmamahal, makakakilos kayo, makapagtuturo, makapagpapatawad, makapangangasiwa katulad ng ginagawa ng Diyos, at makapanubos, katulad na nanunubos ang Tao-Diyos.»

«O Panginoon, pagkalooban kami ng karidad na iyan!» sabi ni Juan nang may isang pagbuntung-hininga.

«Ang Diyos ay binibigay sa inyo iyan, sapagkat binibigay Niya ang Kanyang Sarili sa inyo. Ngunit kailangan na tanggapin ninyo iyan at isabuhay nang mas lalo pang pinagbubuti. Walang pangyayari ang kailangan na maihiwalay sa karidad, hanggang sa ganang sa inyo. Kapwa hinggil sa materyal at sa espirituwal ng mga pangyayari. Ang lahat ay kailangan na magawa nang may karidad at para sa Karidad. Pabanalin ang inyong mga kilos, ang inyong mga araw, lagyan ng asin ang inyong mga panalangin, at liwanag sa inyong mga kilos. Ang liwanag, lasa, pagpapabanal ay Karidad. Kung wala ito ang mga ritwal ay walang halaga, ang mga panalangin ay walang halaga, ang mga alay huwad. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang ngiti na sa pamamagitan nito kayo ay binabati ng isang mahirap bilang mga kapatid ay mas malaki ang halaga kaysa sa isang sako ng pera na maaaring itapon ng isang tao sa inyong paanan upang mapuna. Magmahal, at ang Diyos ay lagi ninyong makakasama.»

«Turuan kami kung papaano magmahal nang ganyan, Panginoon.»

«Tinuruan Ko kayo sa loob ng dalawang taon. Gawin kung ano ang nakikita ninyo na Aking ginagawa at kayo ay mapupunta sa Karidad at ang Karidad ay mapapasainyo, at sa inyo mapupunta ang selyo, ang santo-oleo, ang korona, na totoong makikilala kayo bilang ang mga ministro ng Diyos-Karidad. Tayo ay tumigil na ngayon sa malilim na lugar na ito. ang Damo ay makapal at mahahaba at ang mga punungkahoy ay nababawasan nito ang init. Tayo ay magpapatuloy sa gabi...»

030411

 

 



Sunod na kabanata