447. Ang Maliit na Batang si Alfeo ni Meroba.

Hunyo 25, 1946.

«Kumuha ng baon na pagkain at mga damit para sa mga ilang araw. Pupunta tayo sa Hippo at pagkatapos sa Gamala at Aphek, tayo pagkatapos ay bababa patungo sa Gherghesa at babalik dito bago ang Sabbath» utos ni Jesus, nakatayo sa pamasukan ng bahay at hinahaplos nang wala-sa-isip ang ilang mga bata ng Capernaum, na mga pumunta upang batiin ang kanilang dakilang Kaibigan, nang ang lumulubog na araw ay kaagad hindi na napakainit at pinahihintulutan ang mga tao na makaalis sa kanilang mga bahay. At si Jesus ay ang una na siyang gumawa nito sa maliit na bayan na nabuhayan muli pagkaraan ng nakakainis na katamlayan ng mainit na mga oras ng araw.

Ang mga apostol ay hindi lumalabas na sabik-na-sabik tungkol sa utos na kanilang tinanggap. Tiningnan nila ang isa’t isa, sumusulyap sila sa araw, na napaka walang-awa, hinihipo ang mga pader ng bahay at naramdaman na ito ay mainit pa rin, hinihipo sa pamamagitan ng kanilang walang-saplot na mga paa ang lupa at nagsabi: «Ito ay kasing init ng isang laryo na malapit sa apoy...» nagpapakahulugan sa pamamagitan ng ganitong palabas na ang isa ay nababaliw upang mamasyal sa labas...

Si Jesus ay tumikal sa poste ng pintuan kung saan Siya nakasandal nang bahagya at Siya ay nagsabi: «Ang sinuman na ang pakiramdam ay hindi makakasama ay makapananatili rito. Wala Akong pinipilit na sinuman. Ngunit ayaw Kong iwanan ang lugar na ito nang wala ng Aking salita.»

«Guro... huwag Ninyong sabihin iyan! Kaming lahat ay sasama... Kaya lang... iniisip namin na napaka-aga pa na lumabas...»

«Bago ang Kapistahan ng mga Tabernakulo ibig Kong magpagawing hilaga, sa mas malayo pa at kung saan ang mga bangka ay hindi makakapunta.  Dahil dito kailangan natin na asikasuhin ang lugar na ito ngayon na, dahil sa ang paglalakbay sa pamamagitan ng lawa ay makatitipid tayo nang labis kaysa sa paglalakbay sa kalsada.»

«Tama Kayo. Ihahanda ko na ang mga bangka...» at si Simon ni Jonah ay lumabas kasama ang kanyang kapatid at ang dalawang anak ni Zebedeo at ilang mga disipulo, upang maghanda ng pag-alis.

Si Jesus ay naiwan kasama ang Zealot, ang Kanyang mga pinsan, si Mateo, ang Iskariote, si Tomas at ang di-mapaghihiwalay na si Felipe at si Bartolomeo, na mga naghahanda ng kanilang mga sako at nagpupuno ng mga prasko, nagbabalot ng mga tinapay, prutas, lahat na kakailanganin.

Ang isang maliit na bata ay humihikbi nakasandal sa mga tuhod ni Jesus.

«Bakit ka umiiyak, Alfeo?» tanong ni Jesus, yumuyuko upang halikan siya.

Walang sagot... Mas malakas pa siyang umingit.

«Nakita niya ang prutas at gusto ito» sabi ng inip na Iskariote.

«O! kaawa-awang maliit na bata! Tama siya! Ang isa ay hindi dapat magpakita ng ilang mga bagay sa mga bata, nang hindi sila binibigyan ng ilan. Kunin ito, anak. Huwag umiyak!« sabi ni Maria ni Alfeo, pumipitas ng ginintuan na mga ubas mula sa isang sanga ng baging, na nailagay sa isang basket kasama ang mga dahon at mga kumpol na nakakabit pa rito.

«Ayaw ko ang mga ubas...» at umiyak siya nang mas malakas pa.

«Gusto niyang tiyak ang may pulot na tubig» sabi ni Tomas at nag-aalok siya ng isang maliit na prasko nagsasabing: «Gusto ito ng mga bata at mabuti ito sa kanila. Ang akin ding maliliit na pamangkin...»

«Ayaw ko ang tubig mo...» at ang kanyang pag-iyak ay lumaki sa tunog at katindihan.

«Ano ang gusto mo kung gayon?» tanong ni Judas ni Alfeo medyo seryoso at medyo naiinis.

«Dalawang sampal, iyan ang gusto niya!» sabi ng Iskariote.

«Bakit? kaawa-awang bata!» tanong ni Mateo.

«Sapagkat siya ay nakaka-inip.»

«O! Kung kailangan natin na suntukin ang mga tainga ng lahat ng nakakainip na tao... gugugulin natin ang ating mga pamumuhay na sinusuntok ang ating sariling mga tainga» sabi ni Tomas nang napaka kalmante

«Baka hindi mabuti ang kanyang pakiramdam. Prutas at tubig, tubig at prutas... pinakikirot nito ang mga tiyan» wika ni Maria ni Salome na nasa pagitan ng mga babaeng disipulo.

«Kung makakakuha siya ng tinapay, tubig at prutas, masuwerte siya... Sila ay hirap-na-hirap!» sabi ni Mateo, na sa kanyang karanasan bilang isang kolektor ng buwis ay alam ang lahat na katayuang pananalapi sa Capernaum.

«Ano ang nangyayari sa iyo, aking mahal na anak? Masakit ba rito?... Ngunit wala kang lagnat...» sabi ni Maria ni Clopas na nakaluhod sa tabi ng maliit na bata.

«O! Inay! Nagmamakulit lamang siya!... Hindi mo ninyo makita ito? Mapapalalo ninyo ang lahat.»

«Hindi kita napalalo, aking mahal na Judas. Bagkus minahal kita. At hindi mo nabatid, anak, na minahal kita hanggang sa protektahan ka laban sa mga paninigas ni Alfeo...»

«Totoo iyan, inay... Mali ako sa paninita sa iyo.»

«Walang pinsala, anak. Ngunit kung ibig mong maging isang apostol, magsikap na magkaroon ng puso ng isang ina para sa mga naniniwala. Sila ay katulad ng mga bata, alam mo... at ang isa ay kailangan na maging matiyaga at mapagmahal sa kanila...»

«Magandang pagkasabi, Maria!» sabi ni Jesus nang may-pagsang-ayon.

«Magtatapos tayo na tinuturuan ng mga babae» pabulong ni Judas Iskariote. «At baka pati ng mga paganong babae...»

«Nang walang kahit anong pagdududa. Hihigitan kayo nila sa maraming mga bagay, kung mananatili kayong katulad ninyo ngayon, at ikaw higit sa lahat, Judas. Ikaw ay tiyak na masusorpresa ng lahat, ng maliliit na bata, ng mga pulubi, ng mangmang na mga tao, ng mga babae, ng mga pagano...»

«Masasabi Ninyo na ako ang aborsyon ng mundo at mapapadali Kayo» tugon ni Judas na may panunuya.

«Ang iba ay bumabalik na... at mabuti pang umalis na tayo, hindi ba sa palagay mo?» sabi ni Bartolomeo upang matapos ang eksena, na malala para sa marami, bagama't sa ibang mga pamamaraan.

Ang pag-iyak ng maliit na batang lalaki ay umaabot sa sukdulan nito.

«Bueno, ano ba itong gusto mo? Ano ang nangyayari sa iyo?» sigaw ng Iskariote inuuga nang masyado ang bata upang maalis siya sa mga tuhod ni Jesus, kung saan kumakapit ang bata, at higit sa lahat upang mailabas ang kanyang galit sa inosenteng bata.

«Sa Inyo! Sa Inyo!... Lumayas ka... at mga palo, mga palo...»

«Ah!... O! kaawa-awang bata! Totoo nga! Mula nang mag-asawa muli ang kanyang ina, ang mga anak ng kanyang unang asawa... ay katulad ng mga pulubi... na tila sila ay hindi niya pinanganak... Pinadadala niya sila sa paligid katulad ng mga pulubi at... o! walang tinapay para sa kanila...» sabi ng asawang babae ng may-ari at tila marami ang kanyang nalalaman tungkol sa mga pangyayari at sa mga nasasangkot sa mga ito. At siya ay nagtatapos: «Mas mabuti pa kung may kukupkop sa tatlong nangungulilang mga bata...»

«Huwag mong sabihan si Simon ni Jonah, babae. Magagawa mo ang kanyang biyanan na babae na magkaroon ng mortal na poot sa iyo; siya ay galit-na-galit sa kanya at sa aming lahat. Kahit na ngayong umaga ininsulto niya si Simon, si Marjiam at ako, dahil kasama nila ako...» sabi ni Mateo.

«Hindi ko sasabihan si Simon... Ngunit iyan ang sitwasyon...»

«At hindi mo ba sila kukunin? Ikaw ay walang mga anak...» sabi ni Jesus tinititigan ang babae.

«Ako... o! gusto ko... Ngunit kami ay mahirap... at pagkatapos... si Tomas... siya ay may mga pamangkin... at ako rin... at... at...»

«At higit sa lahat ayaw mong tulungan ang iyong kapwa... Babae, kahapon pinintasan mo ang mga Pariseo ng Capernaum sa pagiging may matigas na puso. Pinintasan mo ang iyong mga kababayan sa hindi pakikinig sa Aking mga salita... Ngunit saan ka naiiba, sa kabila ng pagkakakilala mo sa Akin sa loob ng mahigit dalawang taon?...»

Ang babae ay itinungo ang kanyang ulo pinaglalaruan ng kanyang mga daliri ang kanyang damit... Ngunit hindi siya nagsasalita ng kahit isang salita na pabor sa maliit na bata na umiiyak pa rin.

«Handa na kami, Guro» sigaw ni Pedro na dumarating.

«O! ang maging mahirap!... At inuusig!...» sabi ni Jesus nang may buntung-hininga, tinataas ang Kanyang mga kamay at inuuga ito sa pagpahayag ng panghihina-ng-kalooban...

«Anak!...» sabi ni Maria, Na nananahimik magpahanggang ngayon, upang paginhawahan Siya. At ang Kanyang salita ay sapat nang maaliw Siya.

«Ipagpatuloy ang paghahanda ng mga dadalhin. Sasamahan Ko ang Aking Ina sa bahay ng bata» utos ni Jesus sa mga dumarating at sa mga kasama na Niya, at Siya ay umalis kasama ang Kanyang Ina, Na karga ang bata...

Nagpagawi sila sa kabukiran.

«Ano ang sasabihin Mo sa Kanya, Anak?»

«Inay, ano sa palagay Ninyo ang Aking sasabihin sa isang ina na ang puso ay walang pagmamahal kahit na para sa bata na siyang bunga ng kanyang sinapupunan?»

»Tama Ka... Kung gayon?»

«Kung gayon... Magdasal tayo, Inay.»

Sila ay naglalakad nang nagdarasal.

Ang matandang babae ay tinanong sila: «Dadalhin ba Ninyo si Alfeo kay Meroba? Sabihin sa kanya na panahon na alagaan niya sila. Sila ay magiging bagkus mga magnanakaw... Sila ay katulad ng mga balang saan man sila mapunta... Alo ay galít sa kanya, hindi sa tatlong kaawa-awang mga sawing-palad na ito... O! Gaano kawalang-katarungan ang kamatayan! Si Jacob kaya ay nabuhay, at siya ay sana ang namatay? Kailangan na gawin Ninyo siyang mamatay, upang...»

«Babae, sa tanda mong iyan, wala ka pa bang natututunan? At nagsasalita ka ng mga salitang ganyan, habang maaari kang mamatay kahit anong oras? Sa katotohanan, hindi ka makatarungan katulad ni Meroba. Magsisi at huwag nang magkasala pa.»

«Patawarin Ninyo ako, Guro... Dahil sa kanyang makasalanan na asal na ako ay nakapagsasalita ng walang kabuluhan...»

«Oo, pinatatawad kita. Ngunit huwag na muling magsalita ng mga salitang iyan, ni sa iyong sarili. Hindi ka magtutuwid ng mga kamalian sa pamamagitan ng panunumpa, bagkus ng pagmamahal. Kung si Meroba ay mamatay, magbabago ba ang kapalaran ng mga batang ito? Baka ang balo ay mag-aasawa muli at magkakaroon siya ng mga anak sa ikatlong asawa at ang mga bata ay magkakaroon ng ina sa labas... Sa ganoon ang kanilang kapalaran ay magiging mas malala pa.»

«Totoo iyan. Ako ay matanda at tanga. Naririto si Meroba. Nagmumura na siya kaagad... Iniiwan ko Kayo Guro. Ayaw kong isipin niya na ako ay nagsalita sa Inyo tungkol sa kanya. Siya ay isang ahas...»

Ngunit ang kanyang pag-uusyoso ay mas malakas kaysa sa kanyang takot sa «ahas», at ang maliit na matandang babae, kahit na kung siya ay tumikal kina Jesus at Maria, ay hindi lumalayo nang sapat, sa halip yumuko upang magbunot ng mga damo sa tabing kalsada, na nabasâ ng malapit na pontanya, upang makapakinig nang hindi napupuna.

«Ikaw ay naririto? Anong ginawa mo? Umuwi ka! Lagi kayong naglalagalag katulad ng mga ligaw na hayop, katulad ng mga aso na walang panginoon, katulad...f

«Katulad ng mga batang walang ina. Babae, hindi mo na nalalaman na isang masamang pahayag para sa isang ina ang katotohanan na ang kanyang maliliit na anak ay hindi laging nakakapit sa kanyang saya?»

«Ito ay dahil sila ay masasamâ...»

«Hindi. Papunta-punta Ako rito sa loob ng nakaraan na tatlumpung buwan. Dati, noong si Jacob ay buhay pa at noong unang mga buwan ng pagiging balo, ito ay hindi ganito. Pagkatapos ikaw ay nag-asawa muli... at kasama ang ala-ala ng iyong unang kasal, nawala din sa iyo ang ala-ala ng iyong mga anak. Ngunit ano ang kaibahan nila sa isang nabubuo sa iyong sinapupunan? Hindi mo rin ba sila dinala? Hindi mo ba sila pinasuso? Tingnan mo ang kalapating iyon doon... Gaano kagiliw nitong inaalagaan ang maliit na kalapating iyon...  Gayunma’y nakaupo na siya sa iba pang mga itlog... Tingnan mo ang tupa na iyon. Hindi na niya pinasususo ang kordero ng unang panganganak sapagkat buntis na naman siya muli. gayunpaman tingnan kung gaano niya dinidilaan ang maliit na nguso nito at pinababayaan niya ang maliit na kordero na untugin ang kanyang tabi? Hindi ka ba tumutugon sa Akin? Babae, nagdarasal ka ba sa Panginoon?»

«Mangyari pa nagdarasal ako. Hindi ako isang pagano...»

«At papaano ka nakapagsasalita sa makatarungan ng Panginoon kung ikaw ay di-makatarungan? At papaano ka nakakapunta sa sinagoga at makinig sa mga rolyo ng pergamino na nagsasalita ng tungkol sa pagmamahal ng Diyos para sa kanyang mga anak, nang hindi ka nakararamdam ng kalungkutan sa iyong puso? Bakit hindi ka nagsasalita, at ang iyong pagtingin napaka arogante?»

«Sapagkat hindi ako humingi ng Inyong mga salita... at hindi ko alam kung bakit Kayo pumunta rito upang yamutin ako... Ang aking kalagayan ay nararapat ng respeto...»

«At ang kalagayan ba ng iyong kaluluwa hindi nararapat ng kahit ano? Bakit hindi mo nirerespeto ang karapatan ng iyong kaluluwa? Alam Ko ang ibig mong sabihin: na ang pagkagalit ay baka mapalagay sa panganib ang bata na nasa iyo pang sinapupunan... Ngunit hindi mo ba inaalagaan ang buhay ng iyong kaluluwa? Mas mahalaga pa iyan kaysa sa kaluluwa ng batang nasa iyo pang sinapupunan... Nalalaman mo na.... Ang kamatayan ay maaaring ang katapusan ng iyong kalagayan. At gusto mo bang harapin ang oras na iyan nang may balisa, may sakit na di-makatarungan na kaluluwa?»

«Sinasabi ng aking asawa na Kayo ang isa kung Kanino walang dapat na makinig. Hindi ako makikinig sa Inyo. Alfeo, halika...» at papaalis na sana siya sa gitna ng mga sigaw ng maliit na batang lalaki na alam na siya ay tatanggap ng palo at ayaw na umalis sa mga bisig ni Maria. At si Maria nagbubuntung-hininga ay nagsikap na kumbinsihin ang babae at nagsabi sa kanya: «Ako ay isang Ina rin at naiintindihan Ko ang maraming bagay. Ako ay isang babae... Maaawa Ako kung gayon sa mga babae. Dumaraan ka ngayon sa isang mahirap na kalagayan, hindi ba? Ikaw ay naghihirap ngunit hindi ka magaling sa paghihirap... nahihirapan ka nang ganyan... Kapatid, makinig. Kung ibibigay Ko sa iyo ngayon ang iyong maliit na Alfeo, hindi ka magiging makatarungan sa kanya at sa iyong sarili. Iwanan mo siya sa Akin nang mga ilang araw, o! kaunting mga araw lamang. Makikita mo na kapag siya ay wala na sa iyo, hahanap-hanapin mo siya... sapagkat ang isang anak ay isang mahal na bagay, na kung siya ay malayo sa atin, ang pakiramdam natin ay hindi maganda, malamig, walang liwanag...»

«Ngunit kunin Ninyo siya! Sana kunin din Ninyo ang dalawa pa! Ngunit hindi ko alam kung nasaan sila...»

«Oo, kukunin Ko siya. Paalam, babae. Halika, Jesus.» At si Maria ay tumalikod nang mabilis at umalis na humihikbi...

«Huwag umiyak, Inay.»

«Huwag siyang husgahan, Anak...»

Ang dalawang pangungusap ay binigkas nang magkasabay at pagkatapos, nang may isang naiisip lamang, ang kanilang mga labì ay parehong mga salita ang binigkas: «Kung hindi nila maintindihan ang natural na pagmamahal, maiintindihan ba nila ang pagmamahal na nasa Ebanghelyo?»at ang Anak at ang Ina ay nagkatinginan, sa itaas ng maliit na ulo ng inosenteng bata na ngayon ay nagpapahingalay nang nagtitiwala at masaya sa mga bisig ni Maria...

«Magkakaroon tayo ng isa pang disipulo kaysa sa ating inaasahan, Inay.»

«At kalulugdan niya ang mga araw ng kapayapaan...»

«Nakita Ninyo, ah! Kasing bingi niya ang isang hamba ng pintuan. Binalaan Ko Kayo! At ngayon? At pagkatapos?»

«Ngayon ay may kapayapaan. Pagkatapos ipagkaloob sana ng Diyos na sana magkaroon ng isang maawaing puso... Bakit hindi ang iyong puso, babae? Ang isang baso ng tubig binigay dala ng pagmamahal ay tinatandaan sa Langit. Ngunit para sa mga nagmamahal sa isang inosenteng bata alang-alang sa Akin... o! anong beatitude para sa mga nagmamahal sa maliliit na bata at mailigtas sila sa kasamaan!...»

Ang matandang babae ay nananatiling nag-iisip... at si Jesus ay kinukuha ang mas maikling daan sa lawa. Nang Siya ay makarating doon, kinuha Niya ang maliit na bata sa mga bisig ni Maria upang makasakay si Maria sa bangka nang mas madali, at itinaas ni Jesus ang bata  hanggang sa maitataas Niya, upang siya ay ipakita at ngumingiti Siya nang mabuti  nagsasabi sa mga taong nasa bangka na: «Tingnan! Ngayon tiyak na ang ating pagtuturo ay magiging mabunga, sapagkat ang isang inosente ay kasama natin» at naglakad Siya nang may matatatag na hakbang sa tulay na tabla bagama't ito ay sumasayaw, pumasok sa bangka at naupo sa tabi ng Kanyang Ina, habang ang bangka ay kumikilos nang papalayo sa baybayin, nagmamanyobra kaagad nang patungong timog-silangan, pagawing Hippo.

050511

 



Sunod na kabanata