448. Sa Nayon Bago ang Hippo.

Hunyo 26, 1946.

Ang Hippo ay wala sa dalampasigan ng lawa, katulad ng inakala ko, nang makakita ako ng ilang mga bahay sa baybayin halos sa dulo ng timog-silangan. Nabatid ko ito mula sa mga salita ng mga disipulo. Ang grupo ng mga bahay na iyon, masasabi ko, ay ang unahan ng harapan ng Hippo, na nasa loob pa ng kalibliban. Katulad ng Ostia hinggil sa Roma, o ng Lido hinggil sa Venice, nangangatawan ito bilang labasan patungo sa lawa para sa looban na bayan na gumagamit ng mga rota ng lawa para sa mga pag-angkat at pagluwas ng mga kalakal, at para rin mapaikli ang mga paglalakbay mula sa lugar na ito patungo sa mga dalampasigan ng Galilee sa kabilang dako, at pánghuli, bilang isang lugar ng pag-aaliw para sa mga walang-magawang mamamayan ng bayan at isang lugar para makabili ng panustos na isda na nakukuha ng maraming mangingisda ng nayon.

Sa loob ng kalmanteng gabi dumadaong sila rito, malapit sa isang maliit na natural na daungan na naporma ng isang ilog na sa kasalukuyan ay tuyo, at kung saan ang kulay kalangitang-asul na tubig ng lawa ay pumapasok nang kalmante nang ilang mga metro, sa dahilan na hindi na ito naitataboy pabalik ng tubig ng ilog. Sa baybayin ay may malalaki at maliliit na bahay ng mga mangingisda, na nagtatrabaho nang mabuti sa mga tubig na mayaman sa isda, at ng mga hardinero ng palengke, na nagbubukid ng isang hilerang mayaman na basang lupa, na napatutubigan ng kalapit na mga tubig at umuunat mula sa looban na baybayin, mas pagawing hilaga kaysa nang pagawing timog, nagtatapos nang bigla sa pagsimula ng mataas na bangin, na tumataas nang halos matarik mula sa lawa. Ito ay ang bangin din mula kung saan ang mga baboy ng himala ng mga Gerasene ay tumalon patungo sa lawa.

Dahil ngayon ay dapit-hapon, ang mga naninirahan dito ay nasa kanilang mga terasa o sa mga pangkusinang-hardin kumakain ng kanilang hapunan. Ngunit sa dahilan na ang mga pangkusinang-hardin ay napaliligiran ng mabababang bakod-na-tanim at ang mga terasa ng mabababang pader, ang mga nakatira ay pagkaraan nakita ang maliit na plota ng mga bangka na nakadaong sa maliit na daungan at marami ang tumayo at lumakad upang salubungin ang mga dumating, ang ilan dala ng pag-usyoso, ang ilan dahil kilala nila sila.

«Iyon ay ang bangka ni Simon ni Jonah kasabay ang bangka ni Zebedeo. Kung gayon ito ay walang iba bagkus ang Rabbi Na pumunta rito kasama ang Kanyang mga disipulo» deklarasyon ng isang mangingisda.

«Babae, kunin kaagad ang bata at sundan ako. Baka ito ay Siya. Pagagalingin Niya siya. Ang anghel ng Diyos ay dinala Siya rito sa atin» ang isang hardinero ng pangkusinang-hardin ay inutusan ang kanyang asawa, na ang kaninong mukha ay may mga tanda pa ng mga luha.

«Sa ganang akin, ako ay naniniwala. Naaalaala ko nang mabuti ang hinalang iyon! Ang lahat na mga baboy na iyon! Ang mga baboy na pumatay sa pamamagitan ng tubig sa init ng mga dimonyo na nanlulukob sa kanila. Ang pagpapahirap ay maaaring nakakatakot, kung ang mga baboy, na laging ayaw ng kalinisan, ay itinapon ang mga sarili sa tubig...» sabi ng isang lalaki na nagmamadali doon sa pagsuporta sa Guro.

«O! Tama ka! Maaaring iyon ay isang tunay na pasakit! Ako ay naroroon din noon, at naaalaala ko. Ang katawan na mga baboy ay umuusok, at gayon din ang mga tubig. Ang lawa ay naging mas mainit kaysa sa tubig ng Hamatha. At ang kakahuyan at ang damo na kanilang dinaanan sa pagtakbo ay sunog.»

«Ako ay pumunta roon ngunit wala akong nakitang pagbabago...» obserbasyon ng pangatlong lalaki.

«Walang pagbabago! Bueno ang iyong mga mata ay natatakpan ng mga kaliskis! Tingnan! Makikita mo ito mula rito. Nakikita mo ba ang banda roon? Kung nasaan ang tuyong ilog? Tumingin nang mas malayu-layo pa at makikita mo kung...»

«Hindi! Ang pagkasira na iyan ay gawa ng mga sundalong Romano nang hinahanap nila ang hampaslupang iyon sa malamig na mga gabi ng buwan ng Tebeth. Nagkampo sila roon at gumawa ng mga sigà .»

«At sinunog ba nila ang lahat ng kakahuyan upang gumawa ng mga sigà? Tingnan kung gaano karaming mga puno ang nawawala roon!»

«Isang kakahuyan! Dalawa o tatlong mga puno ng terebinto!»

«At iyan ba ay wala?»

«Hindi. Ngunit alam mo! Hanggang sa ganang kanila, ang ating pag-aari ay hindi mahalaga. Sila ang mga namumuno at tayo ang nasisiil na mga tao. Ah! Hanggang sa...» ang pagtatalo ay nakarating mula sa sobrenatural hanggang sa Politikal na larangan.

«Sino ang magdadala sa akin sa Rabbi? Maawa sa isang bulag! Nasaan Siya? Sabihin sa akin. Hinanap ko Siya sa Herusalem, sa Nazareth, sa Capernaum. Lagi Siyang nakaalis na bago ako makarating... Nasaan Siya? O! Maawa sa akin!» daing ng isang lalaki mga apatnapung taong gulang naghahapuhap sa pamamagitan ng kanyang patpat.

Ang mga taong may kapansanan sa mga paa o sa kanilang mga likod ay inaabuso siya, ngunit walang naaawa sa kanya at ang lahat ay sinasagasaan siya sa kanilang pagdaan, nang hindi nag-aabot ng kamay upang gabayan siya. Ang kaawa-awang bulag ay tumigil, natatakot at nawawalan ng pag-asa.

«Ang Rabbi! Ang Rabbi! Ahk-Ahk, il il leee!» (Pinagsisikapan kong maisulat... ang salita ng isang matiling sigaw ng mga babae pinag-iiba-iba ito. Ngunit ito ay isang sigaw, hindi isang salita! Mas nakakatulad nito ang pagsiyap ng ilang mga ibon kaysa isang salita ng tao.)

«Pagpapalain Niya ang ating mga anak!»

«Ang Kanyang salita ay gugulatin ang bunga na nasa aking sinapupunan. Magbunyi, aking anak! Ang Tagapagligtas ay nagsasalita sa iyo» sabi ng isang biluga’t malusog na maybahay hinahaplos ang kanyang pintog na tiyan sa ilalim ng kanyang maluwang na damit.

«O! Baka gagawin Niya ang akin na mabunga! Ito ay magiging lugod at kapayapaan sa pagitan namin ni Elisha. Nanggaling na ako sa lahat na lugar kung saan sinasabi nila na ang isang babae ay naging mabunga. Uminom ako ng tubig sa balon malapit sa libingan ni Rachel at ng tubig sa sapa sa gruta kung saan ang Kanyang Ina ay nagluwal sa Kanya...... Pumunta ako sa Hebron upang kumuha sa loob ng tatlong araw ng lupa ng lugar kung saan si Juan Bautista ay pinanganak... Kumain ako ng prutas ng punong terebinto ni Abraham at tumangis ako pinananawagan si Abel kung saan siya dinala at pinatay... Sinubukan ko na ang lahat na mga banal na bagay, ang lahat na milagrosang mga bagay ng Langit at lupa, pati na rin mga gamot, at mga doktor, at mga panata, ang mga panalangin, at mga alay... ngunit ang aking sinapupunan ay hindi magbukas sa binhi, at si Elisha ay halos hindi na makatagal sa akin at nahihirapan na siya na huwag magalit sa akin!! Sa aba!» daing ng isang nalalanta nang babae.

«Matanda ka na ngayon, Sella! Tanggapin mo na iyan sa sarili mo!» tugon ng mga babae nang may habag kahalo ang kaunting panunuya at ang kitang-kitang pagtatagumpay na hitsura – na mga dumaraan na ang kanilang mga tiyan namimintog sa pagdadalang-tao o may mga kargang pasusuhin na sumususo sa kanilang mayaman-sa-gatas na mga suso.

«Hindi! Huwag ninyong sabihin iyan! Nagbangon Siya ng patay! Hindi ba Niya magagawang bigyan ng buhay ang aking sinapupunan?»

«Magparaan! Magparaan! Magparaan sa isang may-sakit na ina» sigaw ng isang bata-pang lalaki na humahawak sa mga hawakan ng isang gawa-gawa lamang na kamilya, na hawak sa kabilang dulo ng isang napakalungkot na batang babae. Sa loob ng kamilya ay ang isang babae, bata pa rin, ngunit naging isang manilaw-nilaw na kalansay.

«Kailangan na sabihan natin Siya tungkol sa kaawa-awang Juan at ipakita sa Kanya kung nasaan siya, Siya ay pinaka di-masaya sa lahat, sapagkat siya ay isang ketongin at hindi siya makalalabas na hanapin ang Guro...» sabi ng isang may-awtoridad na matandang lalaki.

«Tayo ang nauna! Kung Siya ay magpagawing Hippo, wala na tayong pag-asa. Ang mga mamamayan doon ay kukunin Siya para sa kanilang mga sarili at tayo ay pababayaan katulad ng dati.»

«Ngunit ano ang nangyayari doon? Bakit ang mga babae ay sumisigaw doon, sa baybayin?»

«Sapagkat sila ay mga hangal!»

«Hindi. Iyon ay mga sigawan ng kaluguran. Tumakbo tayo...»

Ang daan ay puno ng mga tao na kumikilos patungo sa baybayin, at sa mabatong kanal ng ilog, kung saan sina Jesus at ang Kanyang mga disipulo ay naharangan ng mga taong nag-umpukan doon.

«Isang himala! Isang himala! Ang anak na lalaki ni Eliza, na tinalikuran na ng mga doktor, ay napagaling! Pinagaling siya ng Rabbi sa paglagay ng ilang laway sa kanyang lalamunan.»

Ang «Ahk-Ahk-il-il-leee» ng mga babae ay naging mas pakatal ang tunog at nakakabingi, nahahaluan ng malalakas na hosana ng mga kalalakihan.

Si Jesus ay totoong natatabunan sa kabila ng Kanyang pagiging matangkad. Ang mga apostol ay ginagawa ang lahat ng kanilang magagawa upang magkaroon Siya ng espasyo. Walang mangyari! Ang mga babaeng disipulo na si Maria nasa gitna nila ay nakahiwalay sa grupo ng mga apostol. Ang maliit na bata ay natatakot at umiiyak  karga ni Maria ni Alfeo. At ang kanyang pag-iyak ay nakuha ang atensiyon ng maraming tao at napapunta ito sa grupo ng mga babaeng disipulo, at naroon ang dating may maraming-alam na lalaki na nagsabi: «O! nariyan din ang Ina ng Rabbi at ang mga ina ng mga disipulo!...»

«Alin? Alin sila rito?»

«Ang Ina ay ang maputlang may magandang buhok na nakasuot ng isang linen na damit, at ang iba pa ay ang matatanda, ang isang may kargang bata at ang isang may sunong na basket sa kanyang ulo.»

«At sino ang maliit na batang lalaki?»

«Kanyang anak, eh! Hindi mo ba napapakinggan na tinatawag niya siyang inay?»

«Kaninong anak? Ng matandang babae? Hindi posible!»

«Ng bata-pang babae. Hindi mo ba nakikita na ibig niyang pumunta sa Kanya?»

«Hindi. Ang Rabbi ay walang mga kapatid. Nalalaman ko iyan nang tiyak.»

«Si Jesus, kumikilos nang may kahirapan, ay sa wakas narating ang kamilya kung saan nakahiga ang may sakit na babae dala ng kanyang mga anak at pinagaling Niya siya. Samantala ang ilang mga babae, na nakapakinig sa pag-uusap, mausyosong katulad nila, ay pumunta kay Maria.

Ngunit ang isa sa kanila ay hindi mausyoso. Nagpatirapa siya sa paanan Niya nagsasabing: «Alang-alang sa Inyong pagiging Ina, maawa sa akin.» Siya ay ang baog na babae.

Si Maria ay yumuko at nagtanong: «Ano ang gusto mo, kapatid?»

«Ang maging isang ina... Isang anak na lalaki!... Isa lamang!... Ako ay kinapopootan sapagkat ako ay baog. Naniniwala ako na ang Inyong Anak ay magagawa ang lahat, ngunit may gayong kalaking pananampalataya ako sa Kanya, na sa aking palagay dahil Siya ay pinanganak Ninyo, ginawa Niya Kayong kasing banal at makapangyarihan katulad Niya. Ngayon nagsusumamo ako sa Inyo... para sa Inyong mga kaluguran ng ina nakikiusap ako sa Inyo: gawin Ninyo akong mabunga. Hipuin Ninyo ako ng Inyong kamay at magiging masaya na ako...»

«Ang iyong pananampalataya ay malaki, babae. Ngunit ang pananampalataya ay kailangan na ibigay sa Kanya, Na karapat-dapat nito: sa Diyos. Halika, kung gayon, sa Aking Jesus...» at inakay Niya siya nakikiusap nang may magiliw na pamimilit na Siya ay paraanin hanggang inabutan Niya si Jesus.

Ang ibang mga babaeng disipulo ay sinusundan Siya sa nagbubukas na hanay ng pulutong at ang mga babae na lumapit kay Maria ay ganito rin ang ginagawa at sa pansamantala tinatanong nila si Maria ni Alfeo kung sino ang maliit na batang lalaki na itinataas niya sa ibabaw ng mga pulutong..

«Isang maliit na bata na hindi na minamahal ng kanyang ina. Siya ay pumunta sa Rabbi naghahanap ng pagmamahal...»

«Isang maliit na bata na hindi na minamahal ng kanyang ina!?!»

«Napakinggan mo ba, Susanna?»

«Sino ang ayena?»

«Sa aba! At dinaranas ko ang mga aguniya dahil ako ay wala! Ibigay siya sa akin, ibigay siya sa akin, na sana ang isang anak na lalaki ay mahalikan ako kahit minsan!...» at si Sella, ang baog na babae, ay halos halbutin ang maliit na bata sa mga bisig ni Maria ni Alfeo at idinidiin niya siya sa kanyang puso, nagsisikap pa rin na sundan si Maria, Na napahiwalay sa kanya mula nang binitiwan ni Sella ang kamay ni Maria upang kunin ang bata.

«Jesus, makinig. May isang babae na humihingi ng grasya. Siya ay baog...»

«Huwag mong gambalain ang Guro para sa kanya, babae. Ang Kanyang sinapupunan ay patay» sabi ng isa na hindi nagmamalay na siya ay nagsasalita sa Ina ng Diyos. Pagkatapos, napahiya dahil sa kanyang pagkakamali na ang tungkol dito siya ay napagsabihan, nagsikap siya na hindi mapansin at mawala habang si Jesus ay tumutugon sa kanya at sa nakikiusap na babae nagsasabing: «Ako ang Buhay. Babae, mangyari sa iyo kung ano ang iyong hiningi» at Kanyang ipinatong nang sandali ang Kanyang kamay sa ulo ni Sella.

«Jesus! Anak ni David, maawa sa akin!» sigaw ng bulag na lalaki na nabanggit kanina. Siya ay nakarating nang unti-unti malapit sa pulutong at mula sa labas ng pulong ng pulutong sinisigaw niya ang kanyang panambitan.

Si Jesus, Na iniyuko ang ulo upang pakinggan ang mga salita ng pakiusap ni Sella, ay tumingala ulit at tumingin sa direksiyon mula sa kung saan nanggagaling ang tinig ng bulag na lalaki, pina-ikling tinig katulad ng sigaw ng isang tao na biktima ng lumubog na barko.

«Ano ang gusto mong gawin Ko para sa iyo» sigaw Niya.

«Na sana makakita ako. Ako ay nasa kadiliman.»

«Ako ang Liwanag. Gusto Ko iyan!»

«Ah! Nakakakita ako! Nakakakita na akong muli! Paraanin ako! Na sana mahalikan ko ang mga paa ng aking Panginoon!»

«Guro, napagaling Ninyo ang lahat dito. Ngunit may isang ketongin sa loob ng kubo sa kakahuyan. Lagi niya kaming pinakikiusapan na dalhin namin Kayo sa kanya...»

«Tayo na! Pakiusap! Palakarin Ako. Huwag ninyong saktan ang inyong mga sarili! Ako ay naririto para sa lahat... Pakiusap, magparaan. Nasasaktan ninyo ang mga babae at ang mga bata. Hindi pa Ako aalis. Naririto Ako bukas at mananatili Ako sa lugar na ito nang limang araw. Masusundan ninyo Ako, kung gusto ninyo...»

Sinisikap ni Jesus na madisiplina ang pulutong, upang matiyak na ang mga mamamayan, ay hindi magkasakitan para makinabang sila sa Kanyang pagdalaw. Ngunit ang pulutong ay katulad ng isang goma na uunat nang palayo pagkatapos magsisiksikan muli sa paligid Niya, katulad ng isang pagguho, na sa pamamagitan ng batas ng kalikasan ay bagkus magiging siksik habang lalong bumabagsak, katulad ng mga butil ng bakal na nahihila ng isang batubalani... Sa gayon ang paggalaw ay mabagal, nasisiksik, mahirap... Lahat sila pinagpapawisan, ang mga apostol ay nagsisigawan, naniniko para makaraan, naninipa ng mga lulod pati... Ang lahat na pagsisikap ay walang-mangyari! Inaabot sila ng labing-limang minuto bago makagalaw ng sampung metro.

Ang isang babae na mga apatnapung taong gulang ay nagtagumpay gawa lamang ng totoong pagtitiyaga na makagalaw hanggang sa layo ng kinaroroonan ni Jesus at hinipo ang Kanyang siko.

«Ano ang gusto mo, babae?»

«Ang maliit na batang lalaki na iyon... Napakinggan ko ang tungkol sa kanya... Ako ay isang balo at wala akong anak... Naaalaala ba Ninyo ako. Ako si Sarah ng Aphek, ang balo ng nagtitinda ng mga banig. Alalahin. Ang bahay ko ay malapit sa liwasan ng pulang pontanya. Ngunit mayroon din akong ilang ubasan at isang kakahuyan. Kàya kong matulungan ang mga nag-iisa... at magiging masaya na ako...»

«Tatandaan Ko iyan, babae. Pagpalain nawa ang iyong awa.»

Ang nayon, na mas paayon ang unat kaysa papalayo sa lawa, ay pagkaraan nalampasan at natagpuan nila ang kanilang sarili sa mapayapang tahimik na kabukiran pagdating ng dapit-hapon. gayunpaman, hindi dumidilim, dahil ang pagbabago mula sa liwanag ng araw hanggang sa liwanag ng buwan ay hindi mapupuna. Nagpagawi sila sa mga pagsasanga-sanga ng mataas na bangin, na sa banda pang timog ay umuunat hanggang sa layo ng lawa. Sa bangin ay may ilang gruta, hindi ko alam kung ang mga ito ay mga natural o sinadyang hinukay sa mga bato; marami ang nilagyan ng pader at kinulayan ng puti sa labas at ito ay tiyak na mga sepulkro.

«Naririto na tayo! Tayo ay tumigil upang hindi tayo mahawahan. Malapit na tayo sa bahay ng ketongin at ito ang oras na siya ay lumalabas sa batong iyan upang kolektahin ang mga alay.  Siya ay dati mayaman, alam ba Ninyo? Naaalaala namin siya. At siya ay mabuting tao rin. Ngunit isang banal na tao siya ngayon. Habang mas humahampas ang kapighatian mas lalo siyang nagiging banal. Hindi namin alam kung papaano ito nangyari. Sinasabi nila na ito ay gawa ng ilang mga peregrino kung kanino nagbigay siya ng pag-aruga. Sila ay papuntang Herusalem, ayon sa sinasabi nila. Sila ay tila malulusog tingnan, ngunit sila ay tiyak na mga ketongin. Ang katotohanan ay nang sila ay makaalis, ang kanyang asawa at mga katulong muna ang nahawahan ng ketong, pagkatapos ang mga bata, at sa huli siya. Lahat sila. Ang mga nauna – at ang mga kamay nila ang nahawahan – ay ang mga naghugas sa mga paa at naglaba sa mga damit ng mga peregrino, kaya namin sinasabi na sila ang dahilan ng lahat. Ang mga bata: tatlo, ay namatay agad. Pagkatapos ang asawa, at siya ay namatay mas dahil sa pamimighati kaysa ng sa sakit... Ang lalaki... Nang sinabi ng pari na silang lahat ay mga ketongin, binili niya ang bahaging ito ng bundok sa pamamagitan ng pera na ngayon ay wala nang silbi at nag-imbak siya diyan ng mga panustos para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya... kasama na ang mga katulong na  may mga asarol at mga piko... at nagsimula siyang maghukay ng mga sepulkro... at isa-isa nilibing niya silang lahat: ang kanyang mga anak, pagkatapos ang kanyang asawa, ang mga katulong... Siya lamang ang tanging natitira nag-iisa, mahirap, sapagkat ang lahat ay nagtatapos, habang dumaraan ang panahon... at ang sitwasyon ay tumagal nang labing-limang taon... Ngunit sa kabila nito... wala ni isang reklamo. Siya ay isang may pinag-aralan na tao; inuulit niya nang taimtim sa puso ang Banal na mga kasulatan. Inuulit niya ito sa mga bituin, sa mga yerba, sa mga punungkahoy, sa mga ibon, inuulit niya ito sa amin na maraming kailangan na matutunan mula sa kanya, at pinagiginhawahan niya ang aming mga kapighatian... siya, na kababalaghan ng mga kababalaghan! ay nagpapaginhawa sa aming mga kapighatian. Ang mga tao mula sa Hippo at Gamala at kahit na mula sa Gherghesa at Aphek ay pumupunta rito upang mapakinggan siya. Nang kanyang mapakinggan ang paggaling ng dalawang tao na nilukuban ng dimonyo... O! nagsimula siyang magpahayag ng tungkol sa pananampalataya sa Inyo. Panginoon, kung Kayo ay binabati ng mga tao sa pamamagitan ng Inyong pangalan na Mesiyas, kung ang mga babae ay binabati Kayo bilang panalunan at hari, kung nalalaman ng mga bata ang Inyong pangalan at na Kayo ang Banal na Isa ng Israel, iyan ay dahil sa kagagawan ng kaawa-awang ketongin» saysay ng matandang lalaki na siyang unang nagsalita ng tungkol kay Juan sa katauhan ng lahat.

«Pagagalingin ba Ninyo siya?» tanong ng marami.

«At Ako ba ay tinatanong ninyo? Ako ay may awa sa mga nagkakasala, kung gayon ano ang mayroon Ako para sa isang makatarungan na tao? Ngunit ito kaya ay siya na dumarating? Sa banda roon, sa pagitan ng mga palumpong...»

«Tiyak na siya iyan. Anong ganda ang Inyong paningin, Panginoon! Napapakinggan namin ang ingay ng kaluskos, ngunit wala kaming makitang anuman...»

Ang pagkaluskos ay tumigil din. Nagkaroon ng malalim na katahimikan at paghihintay...

Si Jesus ay malinaw na kitang-kita, nag-iisa, nasa unahan nang kaunti ng iba pang mga tao, sapagkat Siya ay umaabante hanggang sa layo ng bato kung saan inilagay ang ilang mga panustos na pagkain; ang iba ay nawala sa loob ng malabong liwanag ng ilang mga punungkahoy, humahalo sa mga katawan ng punungkahoy at sa mga palumpong ng di-nabungkal na lupa. Ang mga bata ay tahimik din, dahil sila ay baka nakatulog sa mga bisig ng kanilang mga ina, o dahil natatakot sila ng katahimikan, ng mga sepulkro, ng kakaibang mga anino na nagagawa ng buwan sa pagsikat nito sa mga punungkahoy at sa mga bato.

Ngunit ang ketongin ay maaaring nakakakita, at nakakakita nang mabuti, mula sa kanyang pinagtataguan na lugar. Maaaring nakikita niya ang matangkad na solemneng katauhan ng Panginoon, magandang lalaki at lahat puti sa maputing sinag ng buwan. Ang pagod na mga sulyap ng ketongin ay tiyak na nakatagpo ang maniningning na mga mata ni Jesus. Anong wika ang sinabi ng dibinong malalaking mata na iyon, kasing ningning ng mga bituin? Anong wika ang binigkas ng mga labì na nakabuka sa isang ngiti ng pagmamahal? Higit sa lahat, ano ang sinasabi ng puso ng Kristo? Isang hiwaga. Isa sa mga kahiwagaan sa pagitan ng Diyos at mga kaluluwa sa kanilang espirituwal na relasyon. Ang ketongin ay tiyak na nakaiintindi sapagkat siya ay sumigaw: «Naririto ang Kordero ng Diyos! Naririto Siya Na naparito upang pagalingin ang lahat na mga kapighatian ng mundo! Jesus, pinagpalang Mesiyas, aming Hari at Tagapagligtas, maawa sa akin!»

«Ano ang gusto mo? Papaano ka nakapaniniwala sa Di-Kilalang Isa at makita sa Kanya ang Hinihintay na Isa? Ano Ako para sa iyo? Ang Di-Kilala...»

«Hindi. Kayo ang Anak ng buháy na Diyos. Papaano ko nalalaman at papaano ko nakikita? Hindi ko alam. Dito, sa loob ko, ang isang tinig ay sumigaw: “Naririto ang Hinihintay na Isa! Naparito Siya upang gantimpalaan ang iyong pananampalataya”. Di-Kilala? Oo. Ang mukha ng Diyos ay di-kilala ng sinuman. Sa gayon Kayo ay ang “Di-Kilalang Isa” sa Inyong hitsura. Ngunit Kayo ang Kilalang Isa dahil sa Inyong Kalikasan at ng Inyong Pagiging Hari. Jesus, Anak ng Ama, Nagkatawang-Tao na Salita at Diyos katulad ng Ama. Iyan kung sino Kayo, at binabati ko Kayo at nakikiusap sa Inyo, naniniwala sa Inyo.»

«At kung wala Akong magawa na kahit ano at ang iyong pananampalataya ay mabigo?»

«Sasabihin ko na iyan ang kalooban ng Kataastaasan at magpapatuloy ako sa paniniwala at pagmamahal, laging umaasa sa Panginoon.»

Binalingan ni Jesus ang mga pulutong na nakikinig sa pananabik sa pag-uusap at sinabi Niya: «Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang taong ito ay may pananampalataya na makapagpapagalaw ng mga bundok. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang totoong karidad, pananampalataya at pag-asa ay mas nasusubukan sa gitna ng kapighatian kaysa sa gitna ng kaluguran, sapagkat ang kalabisan sa kaluguran ay madalas siyang nagiging kasiraan ng isang espiritu na hindi pa perpekto.  Madaling maniwala at maging mabuti kung ang buhay ay isang panatag na pagkakasunud-sunod ng magkakaparehong araw, kahit na kung hindi isang kaaya-ayang buhay. Ngunit siya na nakapananatili sa pananampalataya, sa pag-asa at sa karidad, kahit na rin kung ang mga sakit, karukhaan, kamatayan, mga kamalasan ay nagagawa siyang mag-isa na lamang, nangungulila, iniiwasan ng lahat, at wala siyang ginagawa bagkus ang magsabi: “Mangyari iyan, na sa akala ng Kataastaasan ay makabubuti sa akin”, siya sa katotohanan ay hindi lamang karapat-dapat ng tulong mula sa Diyos, bagkus, sasabihin Ko sa inyo, ang kanyang lugar ay nakahanda na sa Kaharian ng Langit at wala siyang daranasin na antala sa paghihintay, sapagkat ang kanyang katarungan ay nakansela nito ang lahat na pagkakautang ng kanyang nakaraang pamumuhay. lalaki, sinasabi Ko sa iyo: “Humayo sa kapayapaan, dahil ang Diyos ay kasama mo!”.»

Siya ay tumatalikod sa pagsasabi nito at inuunat ang Kanyang mga kamay sa ketongin, halos nahihila Niya siya sa Kanya Mismo sa pamamagitan ng Kanyang hitsura, at nang siya ay malapit na at kitang-kita na, iniutos Niya: «Gusto Ko ito! Maging malinis!...» at sa pamamagitan ng malaplatang mga sinag ng buwan tila nililinis at inaalis nito ang mga butlig, ang mga sugat, ang mga bukul-bukol at ang mga langib ng nakakatakot na sakit

Ang katawan ay nanunumbalik ang hitsura at naging malusog. Ito ay isang matandang marangal na lalaki, mapagpakasakit sa kanyang kapayatan, na, nang malaman niya ang tungkol sa himala sa pamamagitan ng mga hosana na sinisigaw ng pulutong, ay yumuko upang halikan ang lupa, dahil hindi niya mahahawakan si Jesus o kahit sino pa mang ibang tao bago masunod muna ang itinalagang panahon na pinanunúto ng Batas.

«Tumayo. Dadalhan ka nila ng malilinis na damit upang sana maipakita mo ang iyong sarili sa pari. Ngunit laging ipakita ang iyong sarili sa iyong Diyos sa kadalisayan ng espiritu. Paalam, lalaki. Ang kapayapaan ay mapasaiyo!»

At sumama si Jesus sa mga pulutong at unti-unting bumalik sa nayon upang magpahinga.

130511

 

 



Sunod na kabanata