449. Umagang Sermon sa Nayon sa Lawa.

Hunyo 27, 1946.

Ito ay isang malamig na umaga nang ang mga tao ay naghihintay kay Jesus to lumabas sa isang bahay sa nayon sa lawa upang simulan ang Kanyang pagtuturo.

Sa palagay ko ang mga tao rito ay natulog nang napakakaunti noong gabing iyon, lubos na naantig katulad nila ng mga himala na pinangyari, ng lugod na makasama nila ang Guro, ng kanilang mithiin na huwag masayang kahit isang sandali ng Kanyang presensya. Gabi na nang sila ay matulog, dahil sa mahabang pag-uusap-usap sa loob ng mga bahay, nilalagum ang mga pangyayari, iniiksamin kung ang kanilang mga espiritu ay pinagkalooban ng pananampalataya, pag-asa at karidad, matatag laban sa bawat masakit na pangyayari, na siyang pinupuri ng Guro at prinoklama na siyang tiyak na pamamaraan upang makakuha ng grasya mula sa Diyos sa buhay na ito ngayon at sa susunod. At sila ay gumising nang maaga nag-aalala na ang Guro ay baka dumating at umalis nang maaga sa umaga at baka sila ay wala roon kapag Siya ay umalis. Kung gayon ang mga bahay ay maagang nagbukas upang ang mga nakatira ay makalabas sa mga kalsada, kung saan, nakikita na sila ay napakarami, halos lahat na tao, at lahat pare-pareho ang iniisip, sila ay nagsabi sa isa’t isa: «Ito ang totoong unang pagkakataon na iisang kaisipan lamang ang tumutulak sa ating mga puso at nagbubuklod sa atin» at nang may bago, mabait, pangkapatiran na pagkakaibigan, ayon sa pinagkasunduan, lahat sila ay lumakad patungo sa bahay kung saan si Jesus binigyan ng pag-aruga at sila ay nagsiksikan sa paligid nito, nang walang ingay, matiyagang naghihintay at walang-kapaguran, buo ang loob na sundan ang Guro, kapag kaagad Siya ay lumabas.

At maraming hardinero ng mga pampalengkeng tanim ang pumitas sa kanilang mga hardin ng mga prutas na natatakpan pa ng mga hamog at pinoprotektahan sa tumataas na araw, sa mga alikabok at mga langaw, sa paglagay ng takip na mga sariwang dahon ng ubas o ng malalaking dahon ng igos, na sa mga pagitan nito sumisilip ang mapulang mga mansanas, na tila piniturahan ng isang pintor ng maliliit na bagay, at mga ubas na katulad ng ambar o onise, o ng malalambot na bilugang mga igos ng lahat ng klase, ang ilan matatag na sarado sa loob ng kanilang balat na maselan na natuyo sa ibabaw ng matamis na kalamnan, ang ilan maga at makinis na tila ito ay natatakpan ng isang plantsadong seda at ginayakan ng mga patak ng diyamante sa kanilang mas mabababang dulo, ang ilan nakabukas sa isang ngiti ng kanilang olandesa, malarosas, malalim na pulang mga himaymay. At ang ilang mangingisda ay nagdala ng ilang isda sa maliliit na basket, mga isdang tiyak na kanilang nahuli sa gabi, sinasakripisyo ang kanilang tulog, sapagkat ang ilan ay mga buhay pa at nangingisay sa kanilang huling masakit na mga paghinga at sa mga paghilab ng aguniya, habang ang kanilang paghihikahos at ang mahinang pagkisay ay pinararami nito ang malaplata o maselan na asul na mga kulay ng kanilang mga tiyan at likod, nakahiga sa isang sapin ng abuhin-na-berdeng mga dahon ng mga punong willow o poplar.

Ang lawa, pansamantala, ay nagbago mula sa pagiging maselan na mala-gatas na kulay na pinagkakaloob ng liwanag sa mga tubig sa pagsikat-ng-araw – isang kulay na napakapuro, sasabihin ko anghelikal, halos abstrakto, ang tubig napaka kalmanteng nagpapahinga sa mabatong baybayin, bumubulong lamang nang maselan sa gitna ng mga graba – hanggang sa kulay na makinang, mas pantao, sasabihin ko karnal na kulay ng pagsikat-ng-araw, na nagkukulay nang bahagya sa tubig ng pula dahil ang malarosas na mga ulap ay nasasalamin sa lawa. At ang lawa ay naging kalawakang-asul sa purong liwanag ng pagsikat-ng-araw at nagsimulang mabuhay na muli, manginig na ang maliliit na alon nito gumagalaw at malugod na nagiging bulà pagsalpok sa buhangin, pagkatapos babalik upang makipagsayaw sa iba pang maliliit na alon, pinagaganda ang buong latag ng lawa sa pamamagitan ng isang magaan na niyebeng-kaputian na laso, itinapon sa malasedang asul na tubig, na pinakukulubot ng ihip ng hangin ng umaga. Pagkatapos ang unang sinag ng liwanag ng araw ay tumama sa tubig sa banda roon, pagawing Tarichea, kung saan ito ay labis na berdeng-asul dahil sa mga kakahuyan na nasasalamin nito, at ito ay nagiging isang gintong kulay at nagniningning katulad ng isang basag na salamin na tinamaan ng araw, at ang salamin lumalawak nang walang-tigil, kinukulayan ng ginto at ng mga topasyo ang mga tubig na asul pa rin, kinakansela ang malarosas na mga kulay ng mga ulap na nasasalamin sa tubig, binabalot ang kilya ng mga bangka na bumabalik sa daungan pagkatapos ng pangingisda, pati na rin ang mga kilya ng mga bangka na nagpapalaot, habang ang mga panlayag, sa loob ng mapagtagumpay na liwanag ng tumataas na araw, ay kasing puti ng mga pakpak ng isang anghel sa kaligiran ng asul na kalangitan at ng berdeng mga burol. Ang dakilang lawa ng Galilee na sa pamamagitan ng mabubungang baybayin nito nagpapaalaala sa akin ito ng tungkol sa aming Lake Garda, at sa pamamagitan ng makalangit na kapayapaan nito ang tungkol sa Lake Trasimeno, hiyas ng Palestina, karapat-dapat na mga kapaligiran para sa karamihan ng pamumuhay ni Jesus ng pakikihalubilo sa mga tao!

Si Jesus ay lumitaw sa pintuan ng mapag-arugang bahay at Siya ay ngumingiti, itinataas ang Kanyang mga kamay upang pagpalain ang pagtitiyaga ng mga mamamayan sa paghihintay sa Kanya.

«Kapayapaan sa inyong lahat. Naghihintay ba kayo para sa Akin? Natatakot ba kayo na baka Ako umalis nang hindi sa inyo nagpapaalam? Lagi Kong ginagawa ang Aking pinangangako. Ako ay kasama ninyo ngayong araw upang turuan kayo at mananatili Akong kasama ninyo katulad sa Aking pinangako, upang pagpalain ang inyong mga bahay, ang inyong mga hardin, ang inyong mga bangka, upang sana ang bawat pamilya ay mapabanal, at ang inyong trabaho mapabanal din. Ngunit, tandaan, at Aking pagpapalà ay kailangan na matulungan ng inyong mabuting kalooban na kailangan na magpasigla sa isang pamilya upang ang bahay na kumukupkop dito ay sana maging banal. Ang lalaki ay kailangan na maging ang ulo, ngunit hindi autokrata, ng kanyang asawa, ng mga anak at ng mga katulong, at kailangan din na siya ay ang maging hari, ang tunay na hari ayon sa ibig-sabihin ng salitang ito sa Bibliya.

Naaalaala ba ninyo ang ikawalong kabanata ng unang Aklat ng mga Hari? Ang mga nakatatanda ng Israel ay nag-ipun-ipon at pumunta sa Ramah, kung saan naninirahan si Samuel at tinanong nila siya: “Tingnan, ikaw ay matanda na at ang inyong mga anak ay hindi sinusunod ang inyong mga pamamaraan. Kung kaya't bigyan kami ng isang hari na maghuhukom sa amin, katulad ng ibang mga bansa”. Ang hari, kung gayon, ang ibig-sabihin ay hukom, at siya ay kailangan na makatarungan na hukom upang hindi magawang di-masaya ang kanyang mga nasasakupan dito sa lupa sa pamamagitan ng mga digmaan, pag-abuso ng kapangyarihan, di-makatarungan na mabibigat na buwis, o sa eternal na buhay sa pamamagitan ng isang kaharian na nagpapahintulot ng kahalayan at bisyo. Kapahamakan sa mga hari na nakakalimot sa kanilang ministeryo, na nagiging bingi sa mga tinig ng kanilang mga nasasakupan, na nagbubulag-bulagan sa kasamaan ng nasyon, na may pananagutan para sa mga paghihirap ng sambayanan sa pamamagitan ng mga alyansa na pinorma laban sa hustisya para sa pakay lamang na mapalakas ang kanilang kapangyarihan sa tulong ng mga kaalyado! Ngunit kapahamakan din sa mga ama na nakakalimot sa kanilang mga katungkulan, na maga bulag at bingi sa mga pangangailangan at mga pagkukulang ng mga miyembro ng kanilang mga pamilya, na siyang ang dahilan ng iskandalo o kapighatian para rito, na yumuyuko upang isaayos ang walang-silbing mga kasalan sa pamamagitan ng kompromiso, upang makapasok sa isang alyansa ng mayayaman na malalakas na mga pamilya, nang hindi iniisip na ang matrimonyo ay, bukod sa pagpapakarami, ay para sa pag-angat at kaginhawahan ng lalaki at babae; ito ay isang katungkulan, isang ministeryo, hindi isang kalakalan, hindi ito kapighatian, hindi ito pagpapabába sa lalaki o sa kanyang asawa. Ito ay pagmamahal, hindi poot. Ang ulo ng pamilya, kung gayon, ay dapat makatarungan nang walang kalabisan na katigasan o mga kahambugan at walang kalabisan na pagsunod at kahinaan. Ngunit kung kinakailangan ninyong mamilì sa pagitan ng unang kalabisan at ng huli, piliin ang huli, sapagkat ang Diyos, tungkol dito, ay baka sabihin sa inyo: “Bakit ka naging napakabuti?” at hindi kayo isusumpa, sapagkat ang kalabisan sa kabaitan ay isa nang kaparusahan para sa tao sa pamamagitan ng mapaghari-harian na gawain na sinasamantala ng ibang mga tao laban sa mabubuting tao; samantalang lagi Niya kayong kagagalitan para sa inyong katigasan, na isang pagkukulang ng pagmamahal para sa pinakamalapit ninyong kapwa.

At ang babae sa bahay ay kailangan na makatarungan sa kanyang asawa, sa kanyang mga anak at mga katulong. Kailangan niyang sumunod, gumalang, aliwin at tulungan ang kanyang asawa. Siya ay kailangan na maging masunurin, maliban na ang kanyang pagsunod ay hindi nangangahulugan ng pagpayag sa kasalanan. Ang babae ay kailangan na nagpapailalim ngunit hindi pinapabába. Mag-ingat, o mga babae, na ang unang maghuhusga sa inyo, pagkatapos ng Diyos, para sa makasalanan na mga pagpapakababa, ay ang inyong pinaka-asawa, na nangumbinsi sa inyo na sumunod. Ang mga ito ay hindi laging mga mithiin ng pagmamahal, ngunit ito ay mga pagsubok din para sa inyong birtud. Kahit na kung hindi niya muna iniisip ang tungkol dito ngayon, ang araw ay maaaring dumating kung kailan ang inyong asawa ay baka sabihin sa kanyang sarili: “Ang aking asawa ay mahalay-na-mahalay” at mula diyan baka siya magsimulang magsuspetsa tungkol sa katapatan ng asawa. Maging basal sa inyong pagiging mag-asawa. Umasal sa pamamaraan na ang inyong kabasalan ay sana maglagay sa inyong mga asawa ng pagpipigil na mayroon ang isa sa mga purong bagay, at kayo ay sana isipin nila na kanilang kapantay, hindi bilang mga alipin o mga kalaguyo na pinananatili lamang para sa “kasarapan” at tinatalikuran kung hindi na nagugustuhan. Ang mabirtud na asawang babae, sasabihin Ko ang asawang babae na pagkatapos din ng pagiging asawa ay napananatili niya ang isang “bagay” na pambirhen sa aktitud, sa mga pananalita, sa kanyang pagpapahatid ng pagmamahal, ay madadala niya ang kanyang asawa sa isang elebasyon mula sa kahalayan hanggang sa sintimyento, kung saan ang lalaki ay hinuhubaran ang sarili ng kahalayan at nagiging totoong “kaisa” ng kanyang asawa, na kanyang tinatrato nang may gayon din na paggalang katulad ng kanyang pagtrato sa kanyang sarili mismo, na totoong makatarungan, sapagkat ang kanyang asawa ay “buto mula sa kanyang mga buto at laman mula sa kanyang laman” at walang tao na nagmamaltrato sa kanyang mga buto o sa kanyang laman, sa kabaligtaran minamahal niya ang mga ito, at kung gayon ang mag-asawa, katulad ng unang mag-asawa, ay tinitingnan ang isa’t isa nang hindi nakikita ang kanilang seksuwal na kahubaran, bagkus ginagawa nilang magmahalan sa isa’t isa dahil sa kanilang mga espiritu, nang walang nakapagpapababang kahihiyan.

Gawin ang babae na maging matiyaga at makaina sa kanyang asawa. Gawin siyang tingnan ang kanyang asawa bilang panganay na anak niya, sapagkat ang isang babae ay laging isang ina at ang lalaki ay laging nangangailangan ng isang matiyaga, mahinahon, madamdamin, nang-aaliw na ina. Pinagpala ang isang babae na alam kung papaano maging isang kasa-kasama at ina rin ng kanyang asawa upang masuportahan siya, at maging anak na babae na kailangan na magabayan ng asawang lalaki. Ang isang asawang babae ay kailangan na maging masipag. Ang pagtatrabaho, habang inaalis nito ang pangangarap-nang-gising, ay nakagagawa ng mabuti sa katapatan at sa bulsa din. kailangan na huwag niyang pahirapan ang kanyang asawa ng mga katangahang paninibugho, sa pagpapalayas sa kanya sa bahay, nilalantad siya sa panganib na mahulog sa mga patibong ng isang puta. Siya ba ay hindi makatotohanan at tapat? Ang galit ng isang naninibughong asawang babae ay hindi siya maitatama, ngunit ang kanyang mabigat na saloobin, malaya sa ano mang sama-ng-loob at kagaspangan, ang kanyang marangal at nagmamahal, nagmamahal pa ring asal, ay magagawa ang asawa na mag-isip at bumalik sa katwiran. Matuto na makuha ninyong muli ang inyong mga asawa sa pamamagitan ng inyong birtud, kung ang isang masimbuyong  damdamin ay naihihiwalay sila sa inyo, katulad nang nakuha ninyo sila noong inyong kabataan sa pamamagitan ng inyong kagandahan. At, upang makakuha ng lakas para sa katungkulan na iyan, at malabanan ang kapighatian na gawa nito kayo ay baka maging di-makatarungan, mahalin ang inyong mga anak at isipin ang kanilang ikabubuti.

Ang isang babae ay mayroon ng lahat sa kanyang mga anak: lugod, isang maharlikang korona para sa masasayang oras kapag siya ay tunay ngang ang reyna ng bahay at ng kanyang asawa, at isang balsamo sa nakapamimighating mga oras, kapag ang kataksilan o iba pang mabibigat na karanasan ng buhay may-asawa ay hinahagupit ang kanyang noo at higit sa lahat tinutusok ang kanyang puso ng mga tinik ng kanyang malungkot na pagiging reyna na martir na asawa. Kayo ba ay malungkot-na-malungkot na ibig ninyong bumalik sa inyong pamilya, humihiwalay, o upang makakuha ng pagwawasto mula sa isang huwad na kaibigan na lubhang nananabik para sa isang babae ngunit nagkukunwaring naaawa sa puso ng pinagtaksilan na asawa? Hindi, mga babae, hindi! Ang inyong mga anak, ang inyong inosenteng mga anak, na balisa at maagang nalulungkot dahil sa mga nangyayari sa loob ng bahay, na hindi na mapayapa o makatarungan, ay may karapatan sa kanilang ina, sa kanilang ama, sa kaginhawahan ng isang bahay, kung saan, kung ang isang pagmamahal ay namatay, ang isa pa ay nananatiling naroroon upang mabantayan sila. Ang kanilang inosenteng mga mata ay tinitingnan kayo, pinag-aaralan kayo at nakaiintindi sila nang higit pa sa iniisip ninyo, at minomolde nila ang kanilang mga espiritu ayon sa kanilang nakikita at naiintindihan. Huwag ninyo kailanman iskandaluhin ang inyong inosenteng mga anak, bagkus manilungan sa kanila, katulad sa loob ng isang matatag na mga liryo, laban sa kahinaan ng laman at sa mga patibong ng mga ahas.

At gawin na ang babae ay maging isang ina. Isang makatarungan na ina na siyang ang kapatid-na-babae bukod sa siyang ang ina, na siyang ang kaibigan bukod sa siyang ang kapatid-na-babae ng kanyang mga anak na lalaki at babae. At sino, higit sa lahat at sa lahat ng bagay, ang isang halimbawa. Kailangan na magbantay siya sa kanyang mga anak na lalaki’t babae, itinutuwid sila nang magiliw, sinusuportahan sila, ginagawa silang mag-isip, at lahat na iyan nang walang tinatanggi; sapagkat ang mga anak ay lahat pinanganak mula sa iisang binhi at ng iisang sinapupunan at kung natural lamang na ang mabubuting anak ay mabuting naiibigan, dahil sa lugod na kanilang naibibigay, makatarungan din lamang na ang mga anak na hindi mabubuti ay kailangan na mahalin din, bagama't nang may namimighating pagmamahal, isinasa-isip na ang tao ay hindi kailangan maging mas mahigpit pa kaysa sa Diyos, Na minamahal hindi lamang ang mabubuting tao, bagkus pati ang hindi mabubuting tao, at minamahal Niya sila upang masubukan at magawa silang mabubuti, mabigyan sila ng paraan at panahon na maging mabuti, at Siya ay matiyaga hanggang sa kamatayan ng tao, inirereserba sa Kanyang sarili ang karapatan na maging ang makatarungan na hukom kapag ang tao ay hindi na makagagawa pa ng mga pagtutuwid.

At gawin ninyo Ako ngayon na sabihin Ko sa inyo ang isang bagay na walang kaugnayan sa paksang ito, ngunit mahalaga para sa inyo na tandaan. Madalas-na-madalas, napaka madalas, napapakinggan natin ang mga tao na nagsasabi na mas mabuti pa ang masasamang tao kaysa sa mabubuti at na ito ay hindi makatarungan. Una sa lahat sasabihin Ko sa inyo: “Huwag maghusga batay sa mga hitsura at sa hindi ninyo nalalaman”. Ang mga hitsura ay madalas nakapanloloko at ang pasya ng Diyos ay hindi nalalaman sa Lupa. Malalaman ninyo ang tungkol dito sa susunod na buhay at makikita ninyo na ang panandalian na kagalingan ng masasamâ ay ipinagkaloob bilang isang pamamaraan na makuha ang kanilang pansin sa Diyos at bilang isang gantimpala para sa maliit na kabutihan na kahit na ang pinakamasamang tao ay nagagawa. Ngunit kung makikita ninyo ang mga bagay-bagay sa tamang liwanag ng buhay sa hinaharap, mababatid ninyo na ang masasayang araw ng makasalanan ay mas maikli kaysa sa buhay ng isang dahon ng damo, na nagsisimulang tumubo sa panahon ng tagsibol sa mabatong kanal ng ilog, na natutuyo sa tag-init, samantalang ang isang sandali ng kaluwalhatian sa Langit ay mas malaki pa kaysa sa pinaka-matagumpay na buhay na nagkaroon ang kahit sino pa mang tao na nabuhay, dahil sa lugod na binibigay nito sa mga espiritu na nagsasaya rito. Kung kaya't huwag kainggitan ang kaunlaran ng masasamang tao, bagkus magsikap, sa pamamagitan ng mabuting kalooban, na matamo ang eternal na kayamanan ng mga makatarungan.

At binabalikan kung ano dapat ang gawin ng mga miyembro ng isang pamilya at ng mga naninirahan sa loob ng isang bagay, upang ang Aking pagpapalà ay maging laging mabunga sa loob nito, sasabihin Ko sa inyo, mga bata, na magpailalim sa inyong mga magulang, maging magalang at masunurin, upang kayo ay sana maging ganito rin sa Panginoong inyong Diyos. Sapagkat kung hindi kayo matuto na sundin ang simpleng mga utos ng inyong ama’t ina, na inyong nakikita, papaano ninyo susundin ang mga utos ng Diyos, na binibigay sa inyo sa ngalan Niya, ngunit ni hindi ninyo Siya nakikita o naririnig? At kung hindi ninyo matututunan na siya na nagmamahal, katulad ng nagmamahal ang isang ama o isang ina, ay bagkus makapag-uutos ng mabubuting bagay lamang, papaano ninyo paniniwalaan na ang mga bagay, na pinahahatid sa inyo bilang mga utos ng Diyos, ay mabubuti? Ang Diyos ay nagmamahal, alam ba ninyo? At Siya ay isang Ama. At dahil lamang na minamahal Niya kayo at gusto Niya kayong makasama, mahal na mga anak, gusto Niya na kayo ay maging mabubuti. At ang unang eskuwelahan kung saan matututunan ninyo ang pagiging mabuti, ay ang inyong pamilya. Matututunan ninyo rito ang magmahal at ang sumunod at diyan nagsisimula para sa inyo ang daan na magdadala sa inyo sa Langit. Kung kaya't maging mabuti, magalang, nagpapasakop. Mahalin din ninyo ang inyong mga ama kapag kayo ay itinutuwid nila, sapagkat ginagawa nila ito para sa inyong ikabubuti, at mahalin ninyo ang inyong mga ina kung kayo ay kanilang pinipigilan sa paggawa ng mga bagay na sa kanilang karanasan nalalaman nila na hindi mabuti. Parangalan ang inyong mga magulang at huwag ninyo silang ipahiya dahil sa inyong masasamang gawain. Ang pagmamalaki ay hindi mabuting bagay, ngunit mayroong isang banal na pagmamalaki, ang pagmamalaki sa pagsasabing: “Hindi ko pinamimighati ang aking ama o ang aking ina”. Ang ganyang asal, na gawa nito kinalulugdan ninyo ang kanilang presensya habang sila ay buháy, ay kapayapaan sa sugat ng kanilang kamatayan, samantalang ang mga luha, na ginagawa ng isang anak na iluha ng kanyang mga magulang, ay pamaso sa puso ng masamang anak katulad ng isang tunáw na tingga, at sa kabila ng bawat pagsisikap na mapahinahon ang pananakit, ito ay masakit, at mas lalo pa kung ang kamatayan ng magulang ay mapipigilan ang anak na makagawa ng mga pagtutuwid... O! mga anak. Maging mabuti, lagi, kung ibig ninyo na mahalin kayo ng Diyos.

Panghuli, banal ang bahay na iyan na, sa pamamagitan ng katarungan ng mga panginoon nito, ang mga katulong din ay nagiging makatarungan. Ang mga panginoon ay kailangan na tandaan na ang masamang asal ay nagpapapait at nagpápasamâ sa mga katulong, at ang mga katulong ay dapat tandaan na ang kanilang masamang kilos ay nakayayamot sa mga panginoon. Gawin na ang bawat isa ay manatili sa kanyang sariling lugar, ngunit may isang ugnayan ng pagmamahal para sa kapwa na pumupuno sa dibisyon na nasa pagitan ng mga katulong at mga panginoon.

Diyan ang bahay na Aking pinagpalà mapapanatili ang pagpapalà at ang Panginoon ay maninirahan diyan. At gayon din, ang Aking pagpapalà at kung gayon ang Aking proteksiyon ay mananatili sa mga bangka, sa mga pangkusinang-hardin, sa mga gamit ng paggawa at pangingisda, kapag kayo ay namumuhay bilang mga mangingisda o mga hardinero nagtatrabaho nang may-kabanalan sa mga araw na pinahihintulot at debotong may-kabanalan sa pagsamba sa Diyos sa banal na mga Sabbath, at hindi kayo nandaraya kapag  nagbebenta o nagtitimbang, at hindi ninyo sinusumpa ang inyong trabaho, ni hindi ninyo ito ginagawang diyos ng inyong mga buhay sa pagpili nito kaysa sa Diyos. Sapagkat kung ang trabaho ay nagbibigay sa inyo ng kita, ang Diyos ay nagbibigay sa inyo ng Langit.

At ngayon tayo na at bendisyunan ang mga bahay at mga bangka at mga sagwan at mga pangkusinang-hardin at mga asarol, pagkatapos aalis tayo at magsasalita malapit sa lugar na kinaroroonan ni Juan, bago siya umalis patungo sa pari. Sapagkat hindi na Ako babalik dito muli, at makatarungan na kailangan niyang mapakinggan Ako nang kahit minsan man lamang. Magdala ng ilang tinapay, isda at prutas; dadalhin natin iyan sa kakahuyan at kakain tayo sa presensya ng pinagaling na ketongin binibigay sa kanya ang pinakamagandang mga piraso, upang ang kanya ring katawan ay magbunyi at maramdaman sana niya na siya ay isa nang kapatid sa pagitan ng mga naniniwala sa Panginoon.»

At si Jesus ay lumakad, sinusundan ng mga mamamayan ng nayon at ng iba pang mga tao na mga nanggaling sa kalapit na mga bayan, kung saan, sa loob ng gabi ang ilang mga mamamayan ng nayon na ito ay baka pumunta dala ang balita na ang Tagapagligtas ay nasa nayon na ito.

170511

 



Sunod na kabanata