45. Si Jesus Bininyagan sa Jordan.  

Pebrero 3, 1944, sa gabi.

¹Nakakakita ako ng isang lantad, patag na kabukiran, wala kahit anong mga nayon o mga tanim. Walang sinasakang mga lupa, ngunit may ilang kakaibang mga tanim na tumutubo rito at doon nang magkaka-kumpol, katulad ng magkakapamilyang mga gulay, kung saan ang malalim na lupa ay hindi masyadong tigang. Isipin na ang tigang na nasasayang na lupa ay nasa aking kanan, na ang aking likod nakaharap sa hilaga, at ang mararahas na bahagi ng lupa ay umuunat nang patimog.

Sa aking kaliwa sa halip, nakakakita ako ng isang ilog na may napakababang mga pampang, dumadaloy nang marahan mula hilaga patungong timog. Ang napakabagal na daloy ay nagagawa akong maintindihan ko na wala sa ilalim ng ilog ng mga pagbaba ng lupa at na ang tubig ay dumadaloy sa gayon kapantay na lebel upang magkaroon ng hungkag. Ang paggalaw ng tubig  ay sapat lamang upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga latian. Ang ilog ay napakababaw upang ang ilalim ay maaaring makita: sasabihin ko na ang tubig ay mga isang metro ang lalim, o mga isang metro at kalahati, sa pinakamalalim na. Ito ay kasing luwang ng ilog Arno sa lugar ng S. Miniato-Empoli: mga dalawampung metro. Subalit, ako ay hindi magaling sa pagtantsa. Bagaman ang kulay nito ay asul na may maputlang berde malapit sa mga pampang, kung saan sa basang lupa, ay may hilera ng berdeng mga tanim, napaka-kaaya-ayang tingnan: ang tanawin ng mabato, mabuhanging kalabuan ng lupa bago ito, sa halip, ay napaka-nakasasawang tanawin nga.

Ang nasa loob na tinig ko, na sinabi ko sa inyo na napapakinggan ko at nagsasabi sa akin kung ano ang kailangan kong tandaan at malaman, ay ngayon sinasabihan ako na ako'y nakatingin sa lambak ng Jordan. Tinatawag ko itong isang lambak, sapagkat iyan ang pangalan na ginamit upang maturan ang lugar kung saan ang isang ilog ay umaagos, ngunit dito di tama na tawagin itong ganito, sapagkat ang isang lambak ay nagpapalagay ng presensya ng mga bundok, ngunit hindi ako makakita ng mga bundok sa kalapit na mga lugar. Maging ano pa man, ako ay malapit sa Jordan, at ang sáyang na lugar sa aking kanan ay ang disyerto ng Juda.

Kung hindi tamang tawaging isang disyerto ang isang lugar kung saan walang mga bahay o mga gawa ng mga tao, hindi ito ganito ayon sa ating idea ng isang disyerto. Wala rito ng mga umaalun-alon na mga buhangin ng disyerto, ayon sa pagkaintindi natin nito, bagkus isang tigang na lupa lamang na may mga bato at mga eskombro, katulad ng pásigan na mga lugar pagkatapos ng isang pagbaha. May mga burol sa malayo.

Datapwa't, malapit sa Jordan, dito ay may dakilang kapayapaan, isang bagay na espesyal at pambihira, katulad ng mararamdaman ng isa sa mga dalampasigan ng lawa ng Trasimeno. Ito ay isang lugar na tila punó ng mga ala-ala ng paglipad ng mga anghel at ng mga tinig na makalangit. Hindi ko maisalarawan nang eksakto ang aking nararamdaman. Ngunit pakiramdaman ko ako ay nasa isang lugar na nakikipag-ugnayan sa aking kaluluwa.

²Habang pinagmamasdan ko ang mga bagay na ito, napuna ko na ang kanang pampang ng Jordan (ayon sa kinatatayuan ko) ay nagsisiksikan na sa mga tao. Maraming mga lalaki rito na mga nakadamit nang iba't iba. Ang ilan ay tila ordinaryong mga tao, ang ilan mayayaman, at may ilan na lumalabas na mga Pariseo, sapagkat ang kanilang mga tunika ay adornado ng mga palawit at mga tirintas.

Sa gitna nila, nakatayo sa isang bato, ay may isang lalaki na aking nakilala kaagad na si Juan Bautista, bagama't ito pa lamang ang una kong pagkakita sa kanya. Siya ay nagsasalita sa mga pulutong, at matitiyak ko sa inyo na ang kanyang sermon ay hindi isang matamis na sermon. Si Jesus ay tinatawag sina Santiago at Juan na «mga anak ng kulog». Bueno kung gayon, ano ang itatawag natin sa marahas na orador na ito? Si John Bautista ay karapat-dapat ang mga pangalan na kidlat, pagguho, lindol, mapusok-na-mapusok at napakahigpit niya sa kanyang talumpati at mga pagkilos.

Ibinabalita niya ang Mesiyas at hinihimok niya ang mga tao na ihanda ang kanilang mga puso para sa Kanyang pagdating, inaalis ang lahat na sagabal at itinutuwid ang kanilang mga iniisip. Ngunit ito ay isang marahas at mabagsik na talumpati. Ang Prekursor ay wala ng magaang kamay na ginagamit ni Jesus sa pagpapagaling ng mga sugat ng mga puso. Siya ay isang doktor na inilalantad nang hayagan ang sugat, sinusuri ito at hinihiwa nang walang-awa.

³Habang ako ay nakikinig – hindi ko inuulit ang mga salita, sapagkat ito ay isinasalaysay ng mga Ebanghelista, ngunit dito ito ay napalálaki sa kapusukan – nakita ko ang aking Jesus nagpapatuloy sa paglalakad sa tabi ng isang landas, na nasa gilid ng isang madamong malilim na bahagi ng lupa na namamaybay sa Jordan. Ang pangkabukirang daan na ito – ito ay mas isang landas kaysa isang daan – ay tila nabuksan ng mga karabana at ng mga tao na sa loob ng maraming taon at mga siglo, dumaraan dito upang marating ang isang lugar kung saan mas madaling kumampay sa tubig, sapagkat ang tubig ay napakababaw. Ang landas ay nagpapatuloy sa kabilang tabi ng ilog, at naglalaho sa paningin sa loob ng berdeng lugar ng kabilang pampang.

Si Jesus ay nag-iisa. Siya ay naglalakad nang dahan-dahan, papalapit, sa likuran ni Juan Bautista. Siya ay lumalapit nang walang ingay at pinakikinggan ang kumukulog na tinig ng Penitente ng disyerto, na tila isa rin Siya sa marami na pumupunta kay Juan Bautista upang mabinyagan at mapadalisay para sa pagdating ng Mesiyas.  Walang kahit na ano ang nagpapabukod kay Jesus sa iba pang mga tao. Ang Kanyang mga suot ay ang mga suot ng pangkaraniwang mga tao, ngunit may tindig Siya at kakisigan ng isang maginoo. Walang dibinong tanda na maghihiwalay sa Kanya sa pulutong.

Ngunit lumalabas na si Juan ay nakadarama ng isang espesyal na espirituwalidad na nagmumula kay Jesus. Siya ay tumalikod, at kaagad nakita ang pinanggagalingan ng espirituwalidad. Siya ay bumabang bigla mula sa batong pulpito at kumilos kaagad patungo kay Jesus, Na tumigil mga ilang yarda ang layo mula sa pulutong at ngayon nakasandal sa isang puno ng kahoy.

⁴Si Jesus at si Juan ay nagtititigan nang isang sandali: si Jesus, sa Kanyang napakagiliw na asul na mga mata; si Juan sa kanyang napakahigpit na maitim na kumikislap na mga mata. Nakikita sa malapit, ang isa ay ang kabaligtaran ng isa. Kapwa sila matangkad – ang kanilang tanging pagkakatulad – sa lahat na iba pa, sila ay magkaiba nang husto. Si Jesus ay makinang ang buhok. Ito ay mahaba at malinis, ang Kanyang mukha ay maputing kulay-gatas, ang Kanyang mga mata asul, ang Kanyang kasuutan simple, ngunit mahestuwoso. Si Juan ay balbon, ang kanyang tuwid na maitim na buhok ay bumabagsak nang di pantay-pantay sa kanyang mga balikat, ang kanyang madalang na maitim na balbas ay natatakpang halos ang kanyang buong mukha, ngunit ang kanyang mga pisngi, nagkaroon ng uka gawa ng pag-aayuno, ay makikita pa rin, ang kanyang tila nilalagnat na mga mata ay maitim, ang kanyang kutis madilim, nasunog ng araw at bugbog ng panahon, ang kanyang katawan ay natatakpan ng buhok, siya ay halos hubad sa loob ng kanyang kasuutan na buhok-ng-kamelyo, na nakatali sa kanyang baywang sa pamamagitan ng isang balat na sinturon at nagtatakip sa kanyang katawan, umaabot pababa sa kanyang payat na mga panabi, habang ang kanyang kanang tabi ay walang takip at lantad, ganap na nalantad sa pahirap ng panahon. Katulad nila ang isang barbaro at isang anghel, nakikitang magkalapit.

Si Juan, pagkatapos na masuri Siya sa pamamagitan ng kanyang nanlalagos na mga mata, ay bumulalas: «Naririto ang Kordero ng Diyos. Papaano nangyari na ang aking Panginoon ay pumunta sa akin?»

Si Jesus ay tumugon nang kalmante: «Upang tuparin ang ritwal ng pagsisisi.»

«Hindi kailanman, aking Panginoon. Ako ang kailangan na pumunta sa Inyo upang mapabanal, at Kayo ang lumalapit sa akin?»

jesus baptized

At si Jesus, pinapatong ang Kanyang kamay sa ulo ni Juan, na nakayuko na sa harapan Niya, ay tumugon: «Mangyari ito ayon sa ibig Ko, upang matupad ang lahat na katarungan at ang iyong ritwal ay sana maging ang simula ng isang mas mataas na misteryo at ang mga tao ay sana malaman na ang Biktima ay nasa mundo na.»

⁵Si Juan ay tinitingnan Siya na ang kanyang mga mata naging malambing gawa ng mga luha at pinangungunahan si Jesus patungo sa pampang ng ilog. Hinuhubad ni Jesus ang Kanyang manta at tunika, at naiwan na may isang pares ng maikling karsonsilyo. Pagkatapos bumababa Siya patungo sa tubig, kung saan naroroon si Juan, na binibinyagan Siya, nagbubuhos sa Kanyang ulo ng ilang tubig mula sa ilog sa pamamagitan ng isang kopa, na nakatali sa kanyang sinturon. Nagmumukha itong isang kabibi o isang kalahati ng pinatuyo at walang-laman na kalabasa.

Si Jesus ay totoo ngang ang Kordero. Isang Kordero sa kaputian ng Kanyang balat, sa kahinhinan ng Kanyang mga kilos, sa kababaang-loob ng Kanyang tingin.

Habang umaakyat si Jesus sa pampang at pagkatapos na maisuot ang Kanyang mga damit taimtim na nagdarasal, si Juan ay itinuturo Siya sa pulutong at pinatototohanan na nakilala niya Siya sa pamamagitan ng tanda na ipinakita sa kanya ng Espiritu ng Diyos bilang isang di-mapagkakamalan na paraan na makilala ang Tagapagtubos.

Ngunit ako ay lubos na nasisiyahan sa panonood kay Jesus nagdarasal, at nakikita ko lamang ang Kanyang maningning na pigura sa kaligiran ng kaberdehan ng pampang ng ilog.

                                                                -------------------------------------------

 

Pebrero 4, 1944.

jesus sinab 

⁶Sinasabi ni Jesus:

«Si Juan ay hindi nangangailangan ng kahit anong tanda para sa kanyang sarili. Ang kanyang kaluluwa, na napabanal sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina, ay nagtataglay ng gayong pánlalagós ng sobrenatural na katalinuhan na nagkaroon sana ang lahat na tao, kung si Adan ay hindi nagkasala.

Kung ang tao ay nagpursige sa grasya, sa inosensiya at sa katapatan sa kanyang Tagapaglikha, nakikita sana niya ang Diyos sa pamamagitan ng panlabas na hitsura. Sa Genesis sinasabi na ang Diyos ay madalas nakikipagusap sa inosenteng tao sa isang pangkaraniwang paraan, at na ang tao ay hindi hinihimatay napapakinggan ang Kanyang tinig, ni hindi siya nalilinlang sa pagtukoy dito. Ganyan ang kapalaran ng tao: ang makita at maintindihan ang Diyos nang eksaktong katulad ng naiintindihan ng isang anak ang kanyang ama. Pagkatapos ang tao ay nagkasala at hindi na siya maglakas-loob na tumingin sa Diyos, hindi na siya makakita at makaintindi sa Diyos. At ngayon palaló-nang-palaló na hindi siya makakita at makaintindi.

Ngunit Juan, ang Aking pinsan na si Juan, ay napadalisay mula sa pagkakamali, nang ang Napupuno ng Grasya ay niyakap si Elizabeth na, pagkatapos na maging baog, ay nagbuntis. Ang maliit na bata ay tumalon sa tuwa sa loob ng kanyang sinapupunan, sapagkat naramdaman ng bata na ang mga kaliskis ng kasalanan ay nalalaglag mula sa kanyang kaluluwa, katulad na nalalaglag ang langib mula sa isang sugat kapag ang sugat ay gumagaling. Ang Banal na Espiritu, na siyang gumawa kay Maria na maging ang Ina ng Tagapagligtas, ay sinimulan ang Kanyang misyon ng pagliligtas sa batang iyon na malapit nang ipanganak, sa pamamagitan ni Maria, ang buháy na Tabernakulo ng Nagkatawang-Tao na Kaligtasan: ang bata ay nakatalagang makaisa Ko hindi labis sa pamamagitan ng kanyang dugo, katulad na ito ay sa pamamagitan ng misyon, na sa pamamagitan nito kami ay katulad ng mga labì na nagbibigkas ng isang salita. Si Juan ay ang mga labì, Ako ang Salita. Siya ay ang prekursor kapwa sa Ebanghelyo at sa pagiging martir; Ako, sa pamamagitan ng Aking dibinong perpeksiyon, ay nagawa Kong perpekto kapwa ang Ebanghelyo na sinimulan ni Juan, at ang pagiging martir, na dinanas upang maipagsanggalang ang Batas ng Diyos.

Si Juan ay hindi nangangailangan ng kahit na anong tanda. Ngunit ang isang tanda ay kinakailangan para sa kadiliman ng espiritu ng ibang mga tao. Saan ni Juan binabatay ang kanyang sinasabi, bagkus sa di mapasisinungalingan na katibayan na damang-dama ng mga mata at ng mga tainga ng paurong at mapurol na mga tagapakinig?

⁷Ni hindi rin Ako kailangan na binyagan. Ngunit ang Karunungan ng Panginoon ay pinili ang sandaling iyon at ang paraan ng aming pagkikita. At pinalalabas si Juan mula sa kanyang kuweba sa disyerto at Ako sa Aking tahanan, napagsama Niya kami sa oras na iyon upang mabuksan ang mga Kalangitan sa itaas Ko at Siya ay bumaba Mismo, isang dibinong Kalapati, sa Kanya Na siyang magbibinyag sa mga tao sa pamamagitan ng Kalapating iyon, at ang Kanyang anunsiyo ay narinig bumababa mula sa Langit, mas makapangyarihan pa kaysa sa anunsiyo ng anghel, sapagkat iyon ay nanggagaling sa Aking Ama: “Ito ang Aking pinakamamahal na Anak, kung Kanino Ako ay lubos na nasisiyahan”. Upang ang tao ay hindi kailangan na magkaroon ng dahilan o pagdududa sa pagsunod o sa di-pagsunod sa Akin.

⁸Ang mga manipestasyon ng Kristo ay naging napakarami. Ang una, pagkaraan ng Kanyang kapanganakan, ay ang manipestasyon ng mga Mago, ang ikalawa ay ang sa loob ng Templo, ang ikatlo sa pampang ng Jordan. Pagkatapos nagkaroon ng walang katapusan na bilang nito, na Aking ipaáalam sa inyo, sapagkat ang Aking mga himala ay mga manipestasyon ng Aking dibinong kalikasan, hanggang sa pinakahuling mga manipestasyon: ang Aking Resureksiyon at ang Pag-akyat patungo sa Langit.

Ang Aking amangbayan ay puno ng Aking manipestasyon. Katulad ng mga butil na ikinalat sa apat na mga hangin, ito ay nangyari sa bawat panlipunan na kalagayan at lugar sa buhay: sa mga pastol, sa malalakas na tao, sa mga iskolar, sa mga di-maniwala, sa mga makasalanan, sa mga pari, sa mga namumuno, sa mga bata, sa mga sundalo, sa mga Hudyo at sa mga Hentil.

At ito ay nangyayari pa rin kahit ngayon. Ngunit, katulad sa nakaraan, ang mundo ay hindi ito tinatanggap. Hindi nito tinatanggap ang kasalukuyang mga manipestasyon at kinakalimutan ang nakaraang mga manipestasyon. Bueno, hindi Ako titigil. Uulitin Ko ang Aking Sarili upang mailigtas kayo at makumbinsi kayo na magkaroon ng pananampalataya sa Akin.

⁹Nalalaman mo ba, Maria, kung ano ang iyong ginagawa? O kung baga, kung ano ang Aking ginagawa, sa pagpapakita sa iyo ng Ebanghelyo? Gumagawa ng mas malakas na pagtatangka na madala ang mga tao sa Akin. Minithi mo ito sa pamamagitan ng iyong taimtim na mga panalangin. Hindi Ko na pamamalagiin ang Aking Sarili sa mga salita. Pinapagod nito ang mga tao at nailalayo sila. Ito ay isang kapintasan, ngunit iyan ay iyan. Gagamitin Ko ang mga bisyon, tungkol din sa Aking Ebanghelyo, at Akin itong ipaliliwanag upang magawa itong mas kapansin-pansin at maliwanag.

Binibigay Ko sa iyo ang kaginhawahan ng nakikita ito. Binibigay Ko sa lahat ng posibilidad na mithiin na makilala Ako. At kung ito ay maging walang silbi, at katulad ng malulupit na bata na itinatapon ang regalo nang hindi iniintindi ang kahalagahan nito, maiiwan sa iyo ang Aking presensya, at sa kanila ang Aking galit. Magagawa Kong ulitin muli ang lumang paninita: “Nagtugtog kami para sa inyo at ayaw ninyong sumayaw; umawit kami ng mga panambitan at ayaw ninyong umiyak”.

Ngunit hindi na bale. Hayaan sila, ang mga di-kailanman makukumberti na magtambak ng nagbabagang mga uling sa kanilang mga ulo at puntahan natin ang maliliit na tupa na may gustong makilala ang kanilang Pastol. Ito ay Ako, at ikaw ang tungkod na magdadala sa kanila sa Akin.»

                                                                -------------------------------------

¹⁰Katulad ng nakikita ninyo, nagmadali akong idagdag ang mga detalyeng ito na, bilang mga maliliit na bagay, ay nawala sa aking pansin, at mga detalyeng ginusto ninyo. Ngayon, binabasa ang buklet, napuna ko ang isang pangungusap na maaaring maging gabay para sa inyo.

Ngayong umaga sinasabi ninyo na hindi ninyo magagawang malaman ang aking mga pagsasalarawan dahil sa mga estilo nito at sa dahilan na ako ay nahihintakutan ng pinaka idea na makilala, ako ay naging masayang-masaya tungkol dito. Ngunit sa palagay ba ninyo iyan ay hindi labag sa kung ano ang sinasabi ng Guro sa huling diktasyon sa buklet? «Habang mas maingat at iksakto ka (sa pagsasalarawan ng aking nakikita) mas malaki ang bilang ng mga pupunta sa Akin.» Ito ay nagpapahiwatig na ang pagsasalarawan ay kailangan na malaman, kung hindi papaano magkakaroon ng bilang ng mga kaluluwa na pupunta kay Jesus, salamat sa kanila? Dinadala ko ang inyong atensiyon sa puntong ito, pagkatapos magagawa na ninyo kung ano ang pinakamaganda, sapagkat, sa ganang akin, ako ay walang pakialam. Hindi, bagkus, sa pagkataong pananalita. Sumasang-ayon ako sa inyong opinyon. Ngunit sa kasong ito, ito ay hindi pantaong bagay at ang pantaong panig ng bunganga ay kailangan na mawala. Sa diktasyon din sa araw na ito sinasabi ni Jesus: «… sa pagpapakita sa iyo ng Ebanghelyo gumagawa Ako ng mas malakas na pagtatangka na madala sa Akin ang mga tao. Hindi Ko na pamamalagiin ang Aking Sarili sa mga salita… Gagamitin Ko ang mga bisyon at ipaliliwanag Ko ito upang magawa itong mas kapansin-pansin at maliwanag.» Kung gayon?

¹¹Pansamantala, sa dahilan na ako ay isang abang walang-halaga at sa pamamagitan ng aking sarili ako ay sumasandal sa aking sarili, sasabihin ko sa inyo na ang inyong sinabi ay nakapagpabalisa sa akin, at ang Mainggiting Isa ay ginagamit ang sitwasyon: Ako ay balisang-balisa na naisip ko na hindi na ako magsasalarawan ng aking nakikita, bagkus isusulat ko lamang ang mga diktasyon. Ang Mainggiting Isa ay bumulong sa aking tainga: «Nakikita mo ito mismo! Ang iyong sikát na bisyon ay wala ng kahit anong silbi, bukod sa ikaw ay tingnan na isang baliw. Na ikaw ay ganyan ngang totoo. Ano itong iyong nakikita? Mga pagkukunwari ng iyong balisang isip. Mas mahigit pa diyan ang kakailanganin upang marapatin na makita ang Langit!» Pinahirapan niya ako nang buong araw ng kanyang naka-aagnas na panunukso. Matitiyak ko sa inyo na ako ay hindi labis na naghirap gawa ng aking mapait na pisikal na nararamdamang kirot katulad na ako ay naghirap at naghihirap pa gawa nito. Ibig niya akong masiraan ng ulo. Ang Biyernes na ito ay isang Biyernes ng espirituwal na panunukso para sa akin. Iniisip ko si Jesus ng disyerto at ng tungkol kay Jesus sa Gethsemane…

Hindi ako titigil dahil ayaw kong pagtawanan ako ng tusong dimonyong ito, at nilalabanan siya at nilalabanan ang aking mas mahinang espirituwal na bahagi, ako ay sumusulat sa inyo upang paalamin kayo ng aking kasalukuyang kaluguran at tiyakin sa inyo na, sa ganang akin, magiging masayang-masaya ako kung aalisan ako ni Jesus ng regalong ito na nakakakita, na siyang aking pinakamalaking kaluguran, maliban na patuloy Niya akong mamahalin at kaaawaan.

(242) 010710/033013/040313

Sunod na kabanata.