450. Malapit sa Lugar ng Ketongin. Parabula Tungkol sa Sampung Utos.

Hunyo 29, 1946.

«Aking Panginoon!» sigaw ng dating ketongin bumabagsak sa kanyang mga tuhod nang kaagad makita niya si Jesus na lumitaw sa di-nabubukid na lupa sa harapan ng mabatong lugar, kung saan siya namuhay sa loob ng maraming mga taon. Pagkatapos, tumatayo, sumigaw siyang muli: «Bakit Kayo bumalik sa akin?»

«Upang ibigay sa iyo ang biyatiko ng Aking salita pagkatapos ng biyatiko ng iyong kalusugan.»

«Ang biyatiko ay binibigay sa kanya na aalis na, at sa katunayan sa gabing ito ako ay aalis para sa puripikasyon. Ngunit ako ay aalis upang bumalik at samahan ang Inyong mga disipulo, kung ako ay Inyong tatanggapin. Panginoon, ako ay wala nang tirahan o mga kamag-anak.  Ako ay napakatanda na na magpatuloy ng isang uri ng pamumuhay. Ibabalik nila ako sa aking ari-arian. Ngunit ano ang magiging katulad ng aking bahay pagkaraan ng labing-limang taon ng kapabayaan? Ano ang aking matatagpuan doon? Baka sira-sirang mga pader... Ako ay isang ibon na walang pugad. Gawing samahan ko ang grupo na sumusunod sa Inyo. Maging ano pa man hindi na ako pag-aari ng aking sarili, ako ay pag-aari Ninyo para sa kung ano ang binigay Ninyo sa akin, hindi na ako pag-aari ng mundo, na nagtakwil sa akin nang gayon kahabang panahon, at tamang-tama dahil ako ay di-malinis. Ngayon, pagkaraan na makilala Kayo, nakita ko na ang mundo ay di-puro at ibig kong makaalis dito at pumunta sa Inyo.»

«At hindi kita tatanggihan. Ngunit sasabihin Ko sa iyo na gusto Kong manatili ka sa lugar na ito. Ang Aera at ang Arbela ay may isa sa kanilang mga anak dito bilang isang disipulo at nag-eebanghelyo. Hinihingi Ko sa iyo na maging isang ganyan na disipulo para sa Hippo, Gamala, Aphek at kalapit na mga nayon. Ako ay malapit nang bumaba sa Judaea at hindi na Ako babalik ulit sa lugar na ito. Ngunit gusto Ko ng mga tagapag-ebanghelyo rito.»

«Ang Inyong kalooban ay nagagawa ang bawat pagrenunsiya na mahal sa akin. Gagawin ko ang hinihiling Ninyo. Magsisimula ako kapag matapos kaagad ang mga puripikasyon. Nagpasya na ako na hindi ko na ulit aasikasuhin ang aking bahay. Ngayon sa halip ipaayos ko ito upang makatira ako doon at matanggap sa loob ng taglamig ang mga kaluluwa na nananabik na makapakinig ng tungkol sa Inyo. At hihilingin ko sa isa sa mga disipulo na maraming taon nang sumusunod sa Inyo, na sumama sa akin, sapagkat kung gusto Ninyo ako na maging isang maliit na guro, kailangan kong maturuan ng sinuman na mas nakakaalam kaysa sa akin. At sa panahon ng tagsibol mag-iikot ako katulad ng iba nagtuturo ng tungkol sa Inyong Pangalan.»

«Iyan ay isang mabuting plano. Ang Diyos ay tutulungan kang matupad iyan.»

«Nasimulan ko na ito sa pagsunog sa lahat ng aking pag-aari: ibig sabihin, ang aking abang kamilya at ang mga kagamitan sa pagluluto at pagkain na aking ginamit, ang mga damit na aking suot hanggang kahapon, ang lahat na nadikitan ng aking katawan. Ang gruta na aking pinamuhayan ay nangingitim sa usok ng apoy na aking pinadikit doon upang masira at mapadalisay iyon. Walang mahahawahan na sinuman na maninilungan doon sa loob ng mabagyong gabi. At pagkatapos... (ang tinig ng lalaki ay naging mahina, halos maputol ito, ang kanyang talumpati ay bumabagal...) at pagkatapos... mayroon ako dati ng isang lumang baul, na ngayon nagigiba na... kinain na ng mga anay... tila ito ay naagnas na rin ng ketong... Ngunit sa akin... mas may-halaga pa iyon kaysa sa kayamanan ng mundo... Nasa loob niyon ang aking mahal na mga bagay... mga alaala tungkol sa aking ina... ang belo na pangkasal ng aking Ana... Ah! noong ako, napakasaya, inalis ito mula sa kanya sa gabi ng aming kasal at pinagninilayan ko ang kanyang mukha, kasing ganda at puro ng mga liryo, sino ang makapagsasabi sa akin na pagkaraan ng kaunting mga taon makikita ko iyon na matatakpan ng mga sugat! At... ang mga damit ng aking mga anak... ang kanilang mga laruan... na pinaglalaruan ng kanilang maliliit na kamay habang nakakahawak pa ang mga iyon... isang bagay... at... o! napakalalim ng aking kapighatian... patawarin ang aking mga luha... napakasakit na nito ngayon na sinunog ko na ang lahat alang-alang sa katarungan... nang hindi ko na sila mahahalikan muli... sapagkat naging pag-aari sila ng mga ketongin... Ako ay di-makatarungan, Panginoon... nagpapakita ako sa Inyo ng mga luha... Ngunit tiisin ako... Nasira ko na ang huling alaala nila... at ngayon ako ay katulad ng isang tao na nawawala disyerto...». Ang lalaki ay bumagsak na umiiyak malapit sa tambak ng mga abo, ang alaala ng kanyang nakaraan...

«Hindi ka nawawala, Juan, at hindi ka nag-iisa. Kasama mo Ako. At ang iyong mga minamahal ay malapit Ko nang makasama, sa Langit, naghihintay para sa iyo. Ang mga labing iyon ay nagpapaalaala sa iyo tungkol sa kanila, sinira ng sakit, o magaganda at malulusog bago ang kalamidad. Nakapamimighating mga alaala lahat sila. Iwanan sila sa mga abo ng apoy. Kanselahin sila sa Aking pagtitiyak na matatagpuan mo sila, masaya at maganda sa kaluguran ng Langit. Ang nakaraan ay patay na, Juan. Huwag mo na muling ipagluksa ito. Ang liwanag ay hindi nag-aantala na tingnan ang kadiliman ng gabi, bagkus masaya itong humiwalay dito at magningning na inaakyat ang kalangitan sa likuran ng araw tuwing umaga. At ang araw ay hindi nag-aantala sa silangan, bagkus ito ay tumataas, sumusulpot at magmamadali hanggang sa ito ay sumisinag nang mataas sa kisame ng langit. Ang iyong gabi ay tapos na. Kalimutan ito. Bumangon na ang iyong espiritu nasa itaas doon, mula kung saan Ako, ang Liwanag, ay pasusunurin ka. Sa pamamagitan ng matamis na pag-asa at ng magandang pananampalataya, makakatagpo ka na kaagad ng lugod doon, sapagkat ang iyong karidad ay makakapagtalastasan sa Diyos at sa iyong mga minamahal na mga naghihintay sa iyo. Ito ay bagkus isang matulin na pag-akyat... at mapupunta ka na roon kaagad, kasama sila. Ang buhay ay isang bugá ng ere, ang eternidad ay ang eternal na regalo.»

«Tama Kayo, Panginoon. Pinagiginhawahan at tinuturuan Ninyo ako kung papaano mapangibabawan ang oras na ito nang may katarungan... Ngunit Kayo ay nakatayo sa loob ng sikat ng araw upang mapalapit sa akin hanggang sa ipinahihintulot sa Inyo.  Umalis diyan, Guro. Nabigyan na Ninyo ako ng sapat. Ang araw, na malakas na, baka Kayo maapektuhan.»

«Ako ay naparito upang makasama ka. Kaming lahat ay naparito para diyan. Ngunit ikaw ay makalilipat din pagawi sa mga punungkahoy at magkakalapit tayo nang walang kahit anong panganib.»

Ang lalaki ay sumunod umaalis sa bato sa paanan nito kung saan ay naroroon ang tambak ng mga abo, ang kanyang nakaraan, at siya ay lumalakad patungo sa lugar, na siyang pinupuntahan ni Jesus, kung saan ang mga apostol, malalim na naaantig, ay naroroon kasama ang mga babae at ang mga mamamayan ng nayon at ang mga naparito mula sa ibang mga bayan upang mapakinggan ang Guro.

«Magpadikit ng mga apoy upang maluto ang isda. Pagsasalu-saluhan natin ang pagkain sa isang bangkete ng pagmamahal» utos ni Jesus.

At habang ginagawa ito ng mga apostol, si Jesus ay nag-iikot sa ilalim ng mga punungkahoy na tumubo nang walang kaayusan sa lugar na ito, na iniiwasan ng lahat dahil sa presensya ng ketongin. Isang makapal na masukal na pagkakasabid-sabid ng mga punungkahoy na hindi nakatikim ng mga pampungos na kutsilyo o mga palakol mula nang tumubo ang mga ito. Ang mga taong naghihirap o nalulungkot ay nasa loob ng nakatutulong na anino ng palumpong at nagsasalita sila kay Jesus tungkol sa kanilang mga hinaing, at si Jesus ay nagpapagaling, nagpapayo o nagpapaginhawa, matiyaga at makapangyarihan. Sa mas malayo nang kaunti, sa loob ng isang parang, ang bata na nanggaling sa Capernaum ay nakikipaglaro sa mga bata ng nayon at ang kanilang malulugod na sigawan ay nakikipag-kompetensiya sa pag-awit ng maraming ibon sa makakapal na punungkahoy, habang ang kanilang maraming-kulay na mga kasuutan, wumawagayway habang tumatakbo sila sa berdeng damo, ay nagagawa silang magmukhang malalaking paru-paro palipad-lipad palipat-lipat sa mga bulaklak.

Ang pagkain ay handa na at tinawag nila si Jesus. Nakiusap Siya para sa isang basket ng isang magbubukid na nagdala ng ilang mga igos at mga ubas, at Kanya itong pinupuno ng tinapay, pinakamagandang isda, malasang prutas, dinadagdag Niya ang Kanyang sariling prasko ng tubig na pinatamisan ng pulot, at ibinaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa dating ketongin.

«Mawawalan Kayo ng isang prasko, Guro» sabi ni Bartolomeo binabalaan Siya. «Hindi niya iyan maibabalik sa Inyo.»

At si Jesus ay tumugon nang ngumingiti: «Marami pang tubig para sa pagkauhaw ng Anak ng tao! Nariyan ang tubig na inilalagay ng Ama sa malalalim na bubon. At ang Anak ng tao ay makakainom mula sa Kanyang nakakorteng mga kamay, habang malaya pa ang mga ito... Ang araw ay darating kung kailan wala na Akong libreng mga kamay o ni tubig... ni kahit ang tubig ng pagmamahal na makapagbibigay ng pampalamig sa Nauuhaw na Isa... Ngayon Ako ay may labis na pagmamahal sa paligid Ko...» at Siya ay nagpapatuloy dinadala ng Kanyang dalawang kamay ang malapad na mababaw na basket at inilalagay ito sa damo mga ilang metro ang layo mula kay Juan, kung kanino sinasabi Niya: «Kunin at kumain. Ito ay ang bangkete ng Diyos.»

Pagkatapos Siya ay bumalik sa Kanyang lugar. Hinahandog at pinagpapala Niya ang pagkain at ginawang iabot ito sa mga taong naroroon na nagdadagdag ng kanilang sariling dalang mga pagkain. Lahat sila ay kumakain nang may gana at sa loob ng mapayapang kaluguran, at si Maria ay inaasikaso nang may makainang pagmamahal ang maliit na si Alfeo.

Nang tapos na ang kainan, si Jesus ay tumayo sa pagitan ng pulutong at ng dating ketongin at nagsimula Siyang magsalita, habang inilalagay ng mga ina sa kanilang mga lapi ang mga bata na nabusog sa pagkain at napagod sa paglalaro at inuugoy nila itong makatulog, upang sila ay sana hindi magambala.

«Makinig ang lahat. Sa isang salmo ni David, ang salmista ay nagtanong: “Sino ang titira sa Tabernakulo ng Diyos? Sino ang magpapahinga sa bundok ng Diyos?” At siya ay nagpapatuloy upang isa-isahin kung sino ang masuwerteng mga tao at kung bakit sila ang magiging ganito. Sinasabi niya: “Ang tao na ang kaninong pamamaraan ng pamumuhay ay walang-batik at ang ginagawa ay kung ano ang tama. Siya na nagsasalita ng katotohanan mula sa kanyang puso at hindi nagpaplano ng pandaraya sa pamamagitan ng kanyang dila, siya na hindi gumagawa ng mali sa kanyang kapwa, hindi nakikinig sa mga salitang paninira sa kanyang kapwa”. At sa loob ng kaunting mga linya, pagkatapos na maisalarawan ang mga papasok sa mga pinamamahalaan ng Diyos, sinasabi niya kung anong kabutihan ang gagawin ng mga pinagpalang kaluluwang ito pagkatapos na hindi sila nakagawa ng mali. Dito: “Sa kanyang mga mata ang balakyot ay wala. Pinararangalan niya ang mga natatakot sa Diyos. Kapag siya ay nanunumpa sa kanyang kapwa pinangangatawanan niya ang kanyang sumpa. Hindi siya humihingi ng interes sa kanyang pinahihiram na pera, hindi siya masusuhulan upang mabiktima ang inosente”. At nagtatapos siya: “Ang tao na ginagawa ang lahat na iyan ay hindi kailanman magpapaulik-ulik”. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang salmista ay nagsalita ng katotohanan at pinatototohanan Ko ito sa pamamagitan ng Aking karunungan na ang tao na gumagawa ng mga ganyang bagay ay hindi kailanman magpapaulik-ulik.

Ang unang kondisyon upang mapasok ang Kaharian ng Langit: “Ang mamuhay nang walang kapintasan”.

«Ngunit magagawa ba ng tao, isang mahinang nilalang, na mamuhay nang walang kapintasan? Ang laman, ang mundo at si Satanas, na nasa patuloy na paghilab ng masimbuyong damdamin, mga pambubuyo at poot ay nanunumpit upang mabahiran ang mga kaluluwa, at kung ang Langit ay bukás lamang para sa mga namuhay nang walang kapintasan mula sa edad ng katwiran, napakakaunting tao ang makakapasok sa Langit, katulad-na-katulad na napakakaunting mga tao ang nakararating sa kamatayan nang walang nararanasan kahit papaano ng malalang mga sakit sa loob ng kanilang pamumuhay. Kung gayon? Ang mga anak ba ng Diyos ay pinagbabawalan sa Langit? At kakailanganin ba nilang magsabi: “Nawala ko ito” kung ang atake ni Satanas o ang isang bagyo ng laman ay nagawa silang bumagsak at nakita nila ang kanilang mga kaluluwa na nabahiran? Hindi na ba magkakaroon ng pagpapatawad sa mga nagkakasala? Wala bang makaaalis sa mantsa na sumira sa hitsura ng espiritu? Huwag katakutan ang inyong Diyos sa pamamagitan ng di-makatarungan na takot. Siya ay isang Ama at ang isang ama ay laging nag-aabot ng isang kamay sa kanyang nagpapaulik-ulik na mga anak, nagbibigay siya ng tulong upang sila ay sana makabangon muli, pinagiginhawahan niya sila sa pamamagitan ng may-kabaitan na pamamaraan upang ang kanilang kalungkutan ay hindi sana maging kasiraan ng loob, bagkus ito ay sana mamulaklak sa kababaang-loob pumapayag na makagawa ng mga pagtutuwid at sa ganoon maging kaaya-ayang muli sa Ama.

Ngayon. Ang pagsisisi ng nagkasala, ang mabuting kalooban na makagawa ng mga pagtutuwid, kapwa nadala ng totoong pagmamahal para sa Panginoon, ay maglilinis sa mantsa ng pagkakamali at gagawin ang isa na maging karapat-dapat ng kapatawaran. At kapag Siya Na nagsasalita sa inyo ay makumpleto na ang Kanyang misyon sa Lupa, ang pinaka makapangyarihan na absulusyon na kakamtin ng Kristo para sa inyo sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo, ay idadagdag sa mga absulusyon ng pagmamahal, ng pagsisisi at ng mabuting kalooban. Na may mga kaluluwang mas puro pa kaysa sa bagong-panganak na mga sanggol, mas puro pa, sapagkat mula sa mga sinapupunan ng mga naniniwala sa Akin, mga ilog ng buháy na tubig ay bubukal lilinisin din ang orihinal na kasalanan, ang unang dahilan ng kahinaan ng tao, kayo ay makapagtatangka sa Langit, sa Kaharian ng Diyos, sa Kanyang mga Tabernakulo. Sapagkat ang Grasya na malapit Ko nang ibalik sa inyo ay matutulungan kayo na isabuhay ang katarungan na, habang mas sinasabuhay ito, mas lalong pinalalaki nito ang karapatan, na binibigay sa inyo ng isang walang-kapintasan na espiritu upang mapasok ang lugod ng Kaharian ng Langit. Ang mga sanggol ay makakapasok sa Langit at sila ay magbubunyi, dahil sa beatitude na binigay sa kanila nang libre, dahil ang Langit ay lugod. Ngunit ang mga adulto at matatandang tao ay papasukin din ito, ang mga namuhay, nakipaglaban, nanalo at siyang magdadagdag sa niyebeng-kaputian na korona ng Grasya ng maraming-kulay na korona ng kanilang banal na mga ginawa, ng kanilang mga pananalo laban kay Satanas, sa mundo at sa laman, at malaki, napakalaki ang kanilang magiging beatitude ng mga panalunan, napakalaki, na hindi ito makikini-kinita ng tao.

Papaano sinasabuhay ng isa ang katarungan? Papaano nananalo ang isa? Sa pamamagitan ng katapatan ng mga salita at mga gawa, sa pamamagitan ng karidad para sa kapwa niya, Kinikilala na ang Diyos ay Diyos, hindi inilalagay ang mga diyus-diyusan ng mga nilikha, ng pera, ng kapangyarihan sa lugar ng Kataastaasang Diyos. Sa pagbibigay sa lahat ng lugar na karapat-dapat sa kanila, nang hindi nagsisikap na makapagbigay ng mas malaki o ng mas maliit kaysa sa kung ano ang tama. Siya na nagpaparangal sa isa sapagkat siya ay isang kaibigan o isang malakas na kamag-anak at pinagsisilbihan din siya sa mga gawaing masama, ay hindi makatarungan. Sa kabaligtaran, siya na nananakit sa kanyang kapwa sapagkat walang pag-asa na siya ay makatatanggap ng kahit anong kita mula sa kanya at nanunumpa ng kasinungalingan laban sa kanya, o nasusuhulan upang sumaksi laban sa inosente o magpapasya nang may-kinikilingan, hindi ayon sa hustisya bagkus ayon sa maaari niyang kitain mula sa mas malalakas na kakompetensiya sa pamamagitan ng kanyang di-makatarungan na pasya, ay hindi makatarungan at walang napupuntahan ang kanyang mga panalangin at mga alay, sapagkat nababahiran ito ng kawalang-katarungan sa mga mata ng Diyos.

Nakikita ninyo na ang Aking sinasabi sa inyo ay ang Dekalogo. Ang salita ng Rabbi ay laging ang Dekalogo. Sapagkat ang mabuti, ang katarungan, ang kaluwalhatian ay nasa paggawa ng kung ano ang tinuturo ng Dekalogo at inuutos sa atin na gawin. Walang ibang doktrina. Noong nakaraan nang mga araw ito ay ibinigay sa gitna ng mga kislap ng kidlat sa Bundok ng Sinai, ngayon ito ay binibigay sa ningning ng liwanag ng Awa, ngunit ang Doktrina ay iyon din. Hindi ito nagbabago. Hindi ito maaaring magbago. Marami sa Israel ang magsasabi, bilang isang dahilan, upang mapangatwiranan ang kanilang kakulangan sa kabanalan, kahit pagkatapos ng pagdaan ng Tagapagligtas sa Lupa: “Hindi ako nagkaroon ng posibilidad na masundan at mapakinggan Siya”. Ngunit ang kanila dahilan ay walang halaga. Sapagkat ang Tagapagligtas ay hindi naparito upang magpataw ng bagong  Batas, bagkus upang pagtibayin ang una, ang tanging Batas, hindi lang, bagkus, upang pagtibayin itong muli sa banal na kasimplihan nito, sa perpektong kasimplihan nito. Upang pagtibayin nang may pagmamahal at mga pangako ang tungkol sa tiniyak na pagmamahal ng Diyos kung ano ang dating sinabi nang may kahigpitan sa isang dako at pinakinggan nang may takot sa kabila.

Upang maintindihan ninyo nang wasto kung ano ang sampung mga Utos at kung gaano ito kahalaga na kailangang sundin, sasabihin Ko sa inyo ngayon ang isang parabula.

Ang ama ng isang pamilya ay may dalawang anak na lalaki.  Minamahal niya sila nang magkapareho at ibig niyang siya ang kanilang maging tagapagtaguyod nang walang tinatangi. Ang ama na ito, bukod sa bahay na tinitirhan ng kanyang mga anak, ay nagmamay-ari ng ilang ari-arian kung saan malalaking kayamanan ay nakatago. Nalalaman ng mga anak ang tungkol sa mga kayamanan na iyon, ngunit hindi nila alam ang daan patungo doon sapagkat ang ama, para sa mga dahilan na kanya lamang, ay hindi ibinunyag ang daan patungo doon, at iyan ang naging sitwasyon sa loob ng maraming-maraming mga taon. Ngunit isang araw tinawag niya ang kanyang mga anak at nagsabi: “Dumating na ang panahon na dapat malaman ninyo kung nasaan ang mga kayamanan, na aking tinabi para sa inyo, upang kayo ay makapunta doon kapag sinabi ko sa inyo. Mas mabuting malaman ninyo ang daan at ang mga senyal na aking nilagay doon, upang hindi kayo maligaw. Kung kaya't makinig sa akin. Ang mga kayamanan ay wala sa kapatagan kung saan ang mga tubig ay nabubungkok, kung saan nakakasunog ang araw, kung saan ang mga alikabok ay sinisira ang lahat, ang mga tinik at matitinik na tanim ay nakaiinis, at kung saan madaling makapunta ang mga magnanakaw at pagnakawan kayo. Ang kayamanan ay nasa tuktok ng baku-bakong bundok na iyon. Inilagay ko iyon sa tuktok na iyon at naghihintay iyon sa inyo doon. Mahigit pa sa isa ang daan patungo sa bundok, sa katunayan marami. Ngunit iisa lamang ang tamang daan. Ang tungkol sa iba ito ay nagtatapos sa mga bangin, ang ilan sa mga yungib na walang labasan, ang ilan sa mga kanal na puno ng maputik na tubig, ang ilan sa mga pugad ng mga ahas, ang ilan sa mga hukay ng umaapoy na asupre, ang ilan sa napakatataas na pader. Ang tamang daan, sa halip ay isang mahirap na daan, subalit nakakarating ito sa tuktok nang walang pagkaputol ng mga bangin o ng iba pang mga hadlang. Upang magawa ninyong makilala ito, naglagay ako sa tabi nito, sa magkakaparehong layo, sampung batong monumento, na sa bawat isa ay nakaukit ang tatlong palatandaan na mga salitang ito: ‘Pagmamahal, pagsunod, tagumpay’. Sundan ang landas na iyan at mararating ninyo ang lugar ng kayamanan. Pupunta rin ako sa pamamagitan ng ibang daan,  na ako lamang ang nakaaalam at bubuksan ko ang mga pintuan sa inyo, upang kayo ay sana maging masaya”.

Ang dalawang anak ay nagpaalam sa ama na, hangga’t sa siya ay napapakinggan nila, inuulit niya: “Sundan ang landas na sinabi ko sa inyo. Iyon ay para sa inyong sariling kabutihan. Huwag magpadala sa tukso na sundan ang ibang daan, kahit na kung iyon ay tila mas mabuti sa inyo. Mawawala sa inyo kapwa ang kayamanan at ako...

Nakarating sila sa paanan ng bundok. Ang unang monumento ay naroon, sa pagsimula ng landas, na nasa gitna ng ilan na mga landas na papalayo sa iba't ibang direksiyon pagawi sa tuktok ng bundok. Ang dalawang magkapatid ay nagsimulang akyatin ang mabuting landas. Sa una ito ay napakaganda, bagama't wala ni kaunting lilim. Mula sa kalangitan ang araw ay sumisinag dito, pinupuno ito ng liwanag at init. Ang puting bato kung saan ang landas ay inukit, ang malinaw na kalangitan sa itaas nila, ang mainit na araw na umaakap sa kanilang mga katawan: iyan ang nakita at naramdaman ng magkapatid. Ngunit napagagalaw pa ng kanilang mabuting kalooban, ng alaala ng kanilang ama at ng kanyang payo, umakyat sila nang masaya patungo sa tuktok. Pagkatapos ang ikalawang monumento... at pagkaraan ang ikatlo. Ang landas ay naging pahirap pa nang pahirap, nangungulila, mainit. Ni hindi nila makita ang ibang mga landas na may mga damo, mga punungkahoy o malilinaw na tubig, at higit sa lahat, kung saan ang dalisdis ay mas mahinahon, sapagkat ito ay hindi napakatarik at ang mga tapakan ay nasa lupa at wala sa mga bato.

“Gusto ng ating ama na tayo ay patay pagdating doon” sabi ng isang anak pagdating sa ikaapat na monumento. At nagsimula siyang bagalan ang kanyang hakbang. Ang isang anak ay pinasisigla siyang magpatuloy nagsasabing: «Minamahal niya tayo bilang kanyang-kanyang mga anak at mas mahigit pa sapagkat itinago niya ang kayamanan para sa atin sa gayon kagandang paraan. Inukit niya ang landas na ito sa bato at madadala nito ang isa mula sa paanan ng bundok hanggang sa tuktok nang walang anumang panganib na maligaw. At inilagay niya ang mga monumentong ito upang magabayan tayo. Isipin na lamang iyan, aking kapatid! Ginawa niya ang lahat na ito nang siya lamang mismo, alang-alang sa atin! Upang ibigay ito sa atin! Upang matiyak na tayo ay makararating doon nang walang posibilidad na tayo ay magkamali at manganib”.

Sila ay nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit ang mga landas na kanilang iniwan sa ibaba sa lambak ay lumalabas paminsan-minsan malapit sa landas sa bato at padalas pa ito nang padalas habang ang hugis ng bundok ay nagiging makitid malapit sa tuktok. At gaano sila kaganda, kalilim at nakakaakit!...

“Sa palagay ko kukunin ko ang isa sa mga iyon” sabi ng di-nasisiyahan na kapatid, nang nakarating siya sa ika-anim na monumento. “Papunta rin iyon sa tuktok”.

“Hindi ka nakakatiyak tungkol diyan... Hindi mo nakikita kung iyan ay tumataas o bumababa...

“Ayón iyon, sa itaas doon!”.

“Hindi mo nalalaman kung iyon ay ang isang ito. Maging ano pa man sinabi ng ating  ama na huwag iwanan ang mabuting landas na ito.”

Ang walang-siglang kapatid ay patuloy sa pag-akyat laban sa kanyang kalooban. Sa ikapitong monumento sinabi niya: “O! Talagang aalis na ako”.

“Huwag kapatid!”

Pinagpatuloy nila ang kanilang paglalakad pataas sa landas, na ngayon ay napakahirap na, ngunit ang tuktok ay malapit na...

Narating nila ang ikawalong monumento at napakalapit dito ay ang mabulaklak na landas. “O! kita mo na ang isang ito ay tumataas din, bagama't sa hindi tuwid na linya!”.

“Hindi mo nalalaman kung iyan ay ang daan din na iyon”.

“Alam ko. Nakikilala ko ito”.

“Nagkakamali ka”.

“Hindi. Pupunta ako”.

“Hindi. Isipin ang tungkol sa ating ama, ang tungkol sa mga panganib, ang tungkol sa kayamanan”.

“Kapahamakan na sa kanilang lahat! Ano ang aking gagawin sa kayamanan kung ako ay mabuti pa sa patay pagdating ko sa itaas? Anong panganib ang mas malaki pa kaysa sa landas na ito? At anong poot ang hihigit pa kaysa sa poot ng ating ama, na nanloko sa atin sa pamamagitan ng landas na ito upang tayo ay mamatay? Paalam. Makakarating ako bago ka, at buháy...” at tumalon siya patungo sa katabing landas, at nawala sa paningin nang may malugod na sigaw sa likuran ng mga punungkahoy na nagbibigay lilim dito.

Ang kanyang kapatid ay nagpatuloy sa kanyang daan nang malungkot... O! ang huling bahagi ng landas ay totoo ngang nakakatakot! Ang lalaki ay pagod na. Pakiramdam niya naubusan na siya ng lakas gawa ng pagod at init! Sa ikasiyam na monumento siya ay tumigil humihingal, sumasandal sa inukit na bato at binabasa nang isa-isa ang nakaukit na mga salita. Sa malapit ay may malilim na landas na may tubig at mga bulaklak... “Halos gusto ko nang... Hindi! Nakasulat doon, at ang aking ama ang sumulat niyon: ‘Pagmamahal, pagsunod, tagumpay’. Kailangan na maniwala ako sa kanyang pagmamahal, sa kanyang pagka-makatotohanan, at kailangan kong sumunod upang maipakita ang aking pagmamahal... Tayo na... Suportahan sana ako ng pagmamahal. Siya ngayon ay nasa ika-sampu nang monumento... Pagod, sunog ng araw, naglalakad siyang nakabaluktot, na tila may pasan siyang pamatok... Iyon ay ang nagmamahal na banal na pamatok ng katapatan, na siyang ang pagmamahal, pagsunod, lakas, pag-asa, katarungan, kahinahunan, lahat... Sa halip na sumandal sa monumento siya ay naupo sa loob ng kaunting lilim na nagagawa nito sa lupa. Pakiramdam niya siya ay namamatay na... Mula sa kalapit na landas ay dumating ang lagukgok ng mga tubig at ang amoy ng mga kakahuyan... “Ama, tulungan ninyo ako ng inyong espiritu, sa panunuksong ito... tulungan ninyo akong maging tapat hanggang sa katapusan!”.

Mula sa malayo ang malugod na tinig ng kanyang kapatid ay sumigaw: “Halika, hihintayin kita. Ang Eden ay naririto... Halika.”

“At kung ako ay pumunta?...” at sumisigaw nang malakas: “Talaga bang papunta iyan sa tuktok?”

“Oo, halika. May isang malamig na lagusan na magdadala sa isa sa itaas. Halika!  Nakikita ko na ang tuktok sa kabila ng lagusan, sa bato.

“Pupunta ba ako? Pupunta ba ako?... Sino ang tutulong sa akin... Pupunta ako. Itinulak niya ang kanyang mga kamay sa lupa upang matulungan ang kanyang sarili na makatayo at habang ito ang kanyang ginagawa napuna niya na ang nakaukit na mga salita ay hindi kasing linaw ng naroon sa unang monumento. “Sa bawat monumento ang mga salita ay hindi masyadong maliwanag... na tila ang aking ama, bilang pagod, ay nahirapan na iukit ang mga salita sa bato. At... tingnan! Naririto rin ang madilim na pulang marka, na makikita mula pa sa ikalimang monumento... Ang tanging kaibahan lamang ay dito napuno nito ang uka ng bawat titik at ito ay umapaw, naguguhitan ang bato na tila ito ay maiitim na luha, mga luha... ng dugo. Sa pamamagitan ng isang daliri kinakatkat niya ang isang mantsa na kasing laki ng dalawang kamay. At ang mantsa ay naaalis katulad ng pulbos nawawalan ng takip at nagiging maliwanag ang mga salitang ito: “Sa gayon minahal ko kayo. Hanggang sa padaluyin ko ang aking dugo upang madala kayo sa Kayamanan”.

“O! o! Ama! At iniisip ko na suwayin ang inyong utos?! Patawarin ninyo ako, ama. Patawarin ako”. Ang anak ay umiiyak nakasandal sa bato, at ang dugo na pumupuno sa mga salita ay naging sariwa at kasing ningning ng isang rubi, at ang mga luha ay naging pagkain at inumin at lakas para sa mabuting anak... Siya ay tumayo.... dala ng pagmamahal tinawag niya nang malakas ang kanyang kapatid... Gusto niyang sabihin sa kanya ang tungkol sa kanyang natuklasan... ang tungkol sa pagmamahal ng kanilang ama, at nagsabi sa kanya: “Bumalik ka”. Ngunit walang tumutugon...

Ang bata-pang lalaki ay pinagpapatuloy ang kanyang daan, halos nakaluhod na sa mainit na bato, sapagkat ang kanyang katawan ay wala nang lakas sa pagod, ngunit ang kanyang espiritu ay mapanatag. Naroon ang tuktok... at ang kanyang ama.

“Ama!”

“Aking minamahal na anak!”.

Ang bata-pang lalaki ay ibinagsak ang sarili sa dibdib ng kanyang ama, ang kanyang ama ay niyakap siya at hinalikan nang magiliw.

”Nag-iisa ka ba?”.

“Oo... Ngunit ang aking kapatid ay malapit nang makarating dito.”

“Hindi. Hindi siya kailanman makararating. Iniwan niya ang daan ng sampung utos. Hindi siya bumalik dito pagkatapos ng unang babalang mga kabiguan. Ibig mo ba siyang makita? Ayón siya. Sa kalaliman ng apoy... Nagpumilit siya sa kanyang pagkakamali. Pinatawad ko sana siya at hinintay siya kung, pagkatapos na makita ang kanyang pagkakamali, binago niya ang kanyang mga hakbang at, bagama't huli na, nakaraan sana siya kung saan dumaan nang una ang pagmamahal, naghihirap hanggang sa padaluyin ang pinakamabuting bahagi ng kanyang dugo, ang pinakamahal na bahagi ng kanyang sarili para sa inyo”.

“Hindi niya alam.”

“Kung tiningnan niya nang may pagmamahal ang mga salitang iniukit sa sampung monumento,  naintindihan sana niya ang totoong ibig-sabihin. Binasa mo ito mula pa nang ikalimang monumento at tinawag mo ang kanyang pansin dito noong sinabi mo: ‘Ang ating ama ay maaaring nasugatan ang kanyang sarili rito!’ at binasa mo ito sa ika-anim, ikapito, ikawalo at ikasiyam... nang palinaw pa nang palinaw, hanggang sa pamamagitan ng instinto natuklasan mo kung ano ang nasa ilalim ng aking dugo. Nalalaman mo ba ang pangalan ng instinto na iyon? ‘Ang iyong totoong pakikiisa sa akin’. Ang mga himaymay ng iyong puso, nahaluan ng aking mga himaymay, nagising at nagsabi sila sa iyo: ‘Makikita mo rito ang sukat kung gaano kayo minamahal ng inyong ama’. Ngayon, dahil ikaw ay madamdamin, masunurin, matagumpay magpakailanman, ariin mo ang Kayamanan at ako”.

Iyan ang parabula.

Ang sampung monumento ay ang sampung utos. Ang inyong Diyos ay inukit ito at inilagay ito sa landas na magdadala sa eternal na Kayamanan, at Siya ay naghirap upang mapasunod kayo sa landas na iyan. Naghihirap ba kayo? Ang Diyos ay naghihirap din. Kailangan bang pilitin ninyo ang inyong mga sarili? Ang Diyos ay kinailangan na pilitin din ang Kanyang sarili. Alam ba ninyo kung hanggang saan? Naghihirap upang ihiwalay ang Kanyang Sarili sa Kanyang Sarili at nagpupursige upang malaman kung ano ang ibig-sabihin ng maging isang tao kasama ang lahat na paghihirap ng sangkatauhan: ang maipanganak, ang maghirap sa lamig, pagkagutom, pagkapagod, upang paghirapan ang panunuya, pang-iinsulto, poot, mga patibong, at sa katapusan ang mamatay, pinadadaloy ang lahat ng Kanyang dugo upang ibigay sa inyo ang Kayamanan. Ang Diyos, na bumaba upang mailigtas kayo, ay pinaghihirapan ang lahat na iyan. Ang Diyos ay pinaghihirapan iyan sa Langit, pinahihintulutan ang Sarili na paghirapan ito.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na walang tao, gaano man kahirap ang kanyang landas upang marating ang Langit, ay hindi kailanman susundin ang isang mas mahirap at mas kapigha-pighating pang daan kaysa sa daan na kinailangan ng Anak ng tao na bumaba sa Lupa mula sa Langit at mula sa Lupa patungo sa Sakripisyo, upang maibukas ang mga pintuan ng Kayamanan sa inyo. Sa mga tabla ng Batas ay naroon na ang Aking Dugo. Sa Daan na Aking susundan para sa inyo ay naroon ang Aking Dugo. Iyan ang bulwak ng Aking Dugo na magbubukas sa pintuan ng Kayamanan. Ang inyong mga kaluluwa ay nagiging puro at malakas sa pamamagitan ng puripikasyon at pagpapakain ng Aking Dugo. Ngunit upang maiwasan na mapadaloy ito nang walang kabuluhan, kailangan na sundan ninyo ang walang-pagbabagong daan ng sampung utos.

Tayo ay magpahinga na ngayon. Pagsikat ng araw Ako ay lalakad patungong Hippo, si Juan ay lalakad upang mapadalisay, at kayo ay uuwi. Harinawang ang kapayapaan ng Panginoon ay mapasainyo.»

190511

 



Sunod na kabanata