451. Sa Hippo. Pagmamahal para sa Mahihirap. Paggaling ng isang matandang Alipin.

Pakiusap na paumanhinan ako kung ang notebook na ito ay bakod na masama ang pagkakasulat. Ang mga tagpo ay nakita nang ako ay nasa pagitan ng buhay at kamatayan pagkatapos ng di-masuwerteng ikalawang araw ng Hulyo, 1946 nang sinulat ko ang mga ito na nakahiga sa aking kama na may napakataas na temperatura bukod sa mayroong napakatinding mga kirot.

--------------------

Hulyo 2, 1946.

Pinasok ni Jesus ang Hippo noong isang maliwanag na umaga. Maaaring pinalipas Niya ang gabi sa loob ng isang bahay sa kabukiran ng isang naninirahan sa bayan, na pumunta roon upang makinig sa Kanya, upang makapunta sa bayan nang maaga sa umaga ng isang maingay na araw ng palengke. Maraming mga tao ng Hippo ang kasama Niya at mas marami pa ang tumatakbo upang salubungin Siya nang sila ay sinabihan na ang Rabbi ay dumating. Ngunit hindi lamang mga mamamayan ng Hippo ang nasa paligid ni Jesus. Ang mga nakatira din sa nayon sa lawa ay naririto. Tanging kakaunting mga babae lamang ang wala, baka dahil sa kanilang pisikal na mga kalagayan o dahil ang kanilang mga anak ay napakabata pa na hindi sila makaalis sa kanilang mga bahay.    

Ang bayan ay lumalabas na tila isang magandang bayan. Ito ay mataas na kaunti sa lebel ng lawa at nakaunat sa unang mga pag-alun-alon ng kapatagang bahagi, na nasa ibayo ng lawa at tumataas nang pagawing silangan, umaabot sa timog-silangan hanggang sa layo ng mga bundok ng Hauran, at sa hilagang-silangan hanggang sa layo ng mga kabundukan na napangingibabawan ng dakilang Hermon. Ang bayan ay mahalaga hindi lamang dahil sa umuunlad na kalakalan at kayamanan nito, bagkus dahil din sa ito ay ang sangahang daan na nag-uugnay sa maraming mga rehiyon sa ibayo ng lawa, na napatototohanan ng mga tanda sa daan na nakalagay sa mga katabing bayan, na may mga pangalang Gamala, Gadara, Pella, Arbela, Bozrah, Ghergesa at iba pa. Ito ay nagsisiksikan sa tao at madalas puntahan ng mga dayo na nanggagaling mula sa katabing mga nayon upang bumili o magbenta o may inaasikasong ibang mga bagay. Nakikita ko na sa pagitan ng pulutong ay maraming Romano, kapwa mga sibilyan at mga sundalo at napapansin ko na ang mga tao rito, dahil siguro ito ay isang katangian ng bayan na ito o ito ay tipikal sa buong rehiyon, hindi sila lumalabas na palaban o masamâ sa mga Romano. Baka ang mga pakikihalubilo sa pangangalakal ay nagawa silang maging magaan sa isa’t isa, kung ito ay hindi dahil sa pagkakaibigan, nang higit pa kaysa sa kahit alin pa mang lugar sa kabila ng lawa.

Ang mga pulutong ay dumarami habang gumagalaw si Jesus papalapit sa sentro ng bayan, kung saan Siya tumigil sa loob ng isang malaking liwasan na may mga punungkahoy, na sa loob ng lilim nito ang palengke ay idinaraos, ibig sabihin, ang mas mahahalagang pangangalakal ay pinag-uusapan, habang ang tingi na pagbenta at pagbili ng mga makakain at mga kagamitan sa pagluluto ay ginagawa sa kabila ng liwasan na ito, sa isang binundok, kung saan ang araw ay sumisikat na at ang mga mamimili at mga nagbebenta ay pinoprotektahan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga tela, na hatak ng maliliit na poste at nagbibigay ng maliliit na pulu-pulo na anino sa mga panindang nakalantad sa lupa. Ang lugar na ito, natatakpan katulad nito ng mga tela ng lahat na mga kulay, nakataas nang mababa mula sa lupa at punung-puno ng mga taong nakasuot ng masasayang-kulay na damit, ay nagmumukhang katulad ng isang parang na may malalaking bulaklak, ang iba walang-galaw, ang iba gumagalaw nang paikot sa munting mga landas sa pagitan ng iba't ibang kulay na mga tela. Ang lugar kung gayon ay isang kaaya-ayang tanawin, na, bagama't, mawawala kapag ang makalumang mga kubol ay inalis at ang binundok ay lumitaw muli sa loob ng manilaw-nilaw na kapanglawan ng isang tigang na mabangis na lugar. Sa kasalukuyan ito ay nabibigyang-buhay ng mga taong nagtatalu-talo. Gaano ang mga taong ito sumisigaw at gaano karaming mga salita ang kanilang ginagamit sa pakikipagtawaran para sa kahit na isang gawa-sa-kahoy na mangkok, isang panala o isang dakot na binhi! At ang sigawan ng mga bumibili at ng mga nagtitinda ay nadaragdagan ng isang koro ng mga pulubi na binabanat ang kanilang mga tinig upang sila ay mapakinggan sa kabila ng labis na ingay.

«Hindi Kayo makapagsasalita rito, Guro!» bulalas ni Bartolomeo. «Ang Inyong Tinig ay malakas ngunit hindi niyan matatalo ang ingay na ito!»

«Maghihintay tayo. Kita ninyo? Ang palengke ay malapit nang matapos. Ang ilang mga tao ay nagliligpit na ng kanilang mga paninda. Sa pansamantala lumakad at magbigay ng ilang limos sa mga pulubi sa pamamagitan ng mga alay ng mayayamang tao rito. Iyan ang magiging paunang salita at pagpapalà sa sermon, sapagkat ang mga limos na binigay nang may pagmamahal ay nagiging pagmamahal sa kapwa mula sa pagiging materyal na kaginhawahan at kumukuha ito ng mga grasya» tugon ni Jesus.

Ang mga apostol ay lumakad upang isagawa ang utos.

Si Jesus ay nagpapatuloy sa pagsasalita sa pagitan ng maasikasong-nakikinig na mga pulutong. «Ang bayan ay mayaman at umuunlad. Ang bahaging ito man lamang. Nakikita Ko kayong nagsusuot ng magaganda at malilinis na mga damit. At nagmumukha kayong nakakakain nang mabuti. Ang lahat ay nagsasabi sa Akin na hindi kayo dumaranas ng karukhaan. Ngayon ibig Ko kayong tanungin kung ang mga taong iyon, na mga nagrereklamo sa banda roon, ay mula sa Hippo o mga pulubing pumupunta rito paminsan-minsan mula sa ibang mga nayon upang makakita ng kaginhawahan. Maging sinsiro...

«Bueno. Sasabihin namin sa Inyo, bagama't ang Inyong mga salita ay may tunog nang katulad ng isang paninita. Ang ilang ay mga dayo, ang karamihan sa kanila ay mula sa Hippo.»

«At wala bang trabaho para sa kanila? Nakikita Ko na kayo ay nagtatayo ng maraming bahay, at kailangan na may trabaho para sa lahat...»

«Ang mga Romano ang kadalasan na siyang kumukuha ng mga trabahador...»

«Kadalasan. Tama ka. Sapagkat nakakita rin Ako ng ilang lokal na mga tao na siyang namamahala sa mga trabaho. At napuna Ko na marami sa kanila ang kumuha ng mga dayo. Bakit hindi muna ang mga tagarito ang tulungan?»

«Sapagkat... Mahirap magtrabaho rito, lalo na noong ilang mga nakaraang taon, bago nagawa ng mga Romano ang magagandang kalsada, mahirap na trabaho ang dalhin dito ang malalaking bato at magbukas ng bagong mga daan... At marami ang nagkakasakit o nababalian... at sila ngayon ay mga pulubi na, sapagkat hindi na sila makapagtrabaho.»

«Ngunit kinasisiyahan ninyo ang kanilang ginawa?»

«Tiyak iyan, Guro! Tingnan kung gaano kaganda at kaginhawa ang bayan ngayon, na may sapat na tubig sa malalalim na tangke at may magagandang kalsada na nagkakabit sa bayan na ito sa ibang mayayaman na bayan. Tingnan kung gaano kasolido ang mga pagkagawa. Tingnan kung gaano karami ang mga pagawaan. Tingnan...»

«Nakikita Ko ang lahat. At kayo ay natulungan na itayo ang mga bagay na iyan sa pamamagitan ng mga tao, na ngayon sa kanilang malungkot na tinig ay humihingi sa inyo ng isang piraso ng tinapay? Sinasabi ninyo na natulungan nga kayo? Bueno, kung gayon, kung kinasisiyahan ninyo ang inyong naitayo sa tulong nila, bakit hindi ninyo sila bigyan ng kaunting trabaho? Ilang tinapay, na hindi na nila kailangang hingin pa ito. Isang kama, upang hindi sila mapilitan na makituloy sa mga lungga ng mababangis na hayop. Ilang tulong para sa kanilang mga sakit, na, kung mapagaling, hindi na makapagpipigil sa kanila na sila ay makapagtrabaho pa rin, sa halip na mawalan ng pag-asa sa naipilit na nakapagpapaliit na kawalang-magawa. Papaano kayo nakakaupo nang masaya sa oras ng inyong pagkain kinasisiyahan ang maraming pagkain kasama ang inyong ngumingiting mga anak, nalalaman na, hindi malayo sa inyo, ang ilan sa inyong mga kapatid ay nagugutom? Papaano kayo nakapagpapahinga sa inyong protektadung-protektadong kama, kung nalalaman ninyo na sa labas, sa loob ng gabi, ay may mga tao na walang mga higaang kama at maaaring hindi makapagpapahinga? Hindi ba kayo nakukonsiyensiya ng mga sentimos na iyon na inyong inilalagay sa inyong mga kaha-de-yero, kung nalalaman ninyo na maraming tao ang ni wala kahit isang sentimos upang makabili ng tinapay?»

Sinabi ninyo sa Akin na naniniwala kayo sa Kataastaasang Panginoon at sumusunod kayo sa Batas, na nalalaman ninyo ang tungkol sa mga propeta at ang mga Aklat ng Karunungan. Sinabi ninyo na naniniwala kayo sa Akin at nananabik kayo na malaman ang Aking Doktrina. Kayo kung gayon ay maaaring may mababait na puso, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig at pinanunúto Niya ang pagmamahal, sapagkat ang Batas ay pagmamahal, sapagkat ang mga propeta at ang mga Aklat ng Karunungan ay nagpapayo ng pagmamahal at ang Aking doktrina ay isang doktrina ng pagmamahal. Ang mga sakripisyo at mga panalangin ay walang-kabuluhan maliban kung ang pinagbabasihan at ang altar nito ay pagmamahal para sa inyong kapwa at lalo na para sa mahihirap at sa mga nangangailangan, kung kanino makapagbibigay kayo ng lahat na klase ng pagmamahal sa pamamagitan ng tinapay, mahihigaan, mga damit, kalinga at doktrina, dinadala sila sa Diyos. Ang karukhaan, sa pagpapahina ng loob sa mga tao, ay nagagawa ang mga espiritu na mawalan ng pananampalataya sa awa’t tulong ng Maykapal, na makakatulong upang malabanan ang mga pagsubok ng buhay. Papaano kayo makakaasa na ang isang mahirap na tao ay laging magiging mabuti, mapasensya, relihiyoso, kung nakikita niya na ang mga nakatatanggap ng lahat sa buhay, at kung gayon, ayon sa pangkaraniwang opinyon, mula sa Maykapal, ay matitigas ang puso, walang totoong relihiyon – sapagkat ang kanilang relihiyon ay nagkukulang sa una at pinaka-esensiyal na bahagi: pagmamahal – ay walang pasensya at, bagama't nasa kanila ang lahat, ni hindi man lamang nila matiis ang mga pananambitan ng isang nagugutom na tao? Kung minsan kanilang sinusumpa ang Diyos at kayo? Ngunit sino ang nagtutulak sa kanila sa ganyang pagkakasala? Tinitingnan man lamang ba ninyo, o! mayayamang mamamayan ng isang mayaman na bayan, na ang inyong katungkulan ay malaki: ibig sabihin: ang madala ang kaawa-awang mga sawing-palad sa Karunungan sa pamamagitan ng inyong sariling mga asal?

Napakinggan Ko ang ilan sa inyo na nagsabi sa Akin: “Ibig naming lahat na maging Inyong disipulo, upang maituro Kayo”. Sinasabi Ko sa inyong lahat: magagawa ninyo.  Ang mga pumupunta rito nang natatakot, at mga nahihiya dahil sa kanilang basahan na mga damit, may nangayayat na mga mukha, ay ang mga tao na naghihintay sa Ebanghelyo, na ibinibigay higit sa lahat sa mahihirap, upang sila ay sana magkaroon ng isang sobrenatural na kaginhawahan sa pag-asa sa isang maluwalhating buhay pagkatapos ng reyalidad ng kasalukuyang malungkot na buhay. Maisasabuhay ninyo ang doktrina Kong ito nang walang masyadong materyal na pagkapagod, subalit may mas malaking espirituwal na kahirapan, sapagkat ang kayamanan ay mapanganib sa kabanalan at katarungan. Maisasabuhay nila ito na may lahat ng klase ng kahirapan. Ang kakulangan sa tinapay, walang sapat na damit, ang kanilang pagiging walang-matirhan, ay napipilitan ang mga taong ito na magtanong: “Papaano ako makapaniniwala na ang Diyos ay aking Ama, kung wala ako ng kung ano ang mayroon ang mga ibon sa ere?”. Papaano ang katigasan ng mga kapwa-tao mapaniniwala na kailangan nilang magmahalan sa isa’t isa katulad ng magkakapatid? Katungkulan ninyo na tiyakin sa kanila na ang Diyos ay isang Ama at, sa pamamagitan ng inyong aktibong pagmamahal, na kayo ay kanilang mga kapatid. Ang awa’t tulong ng Maykapal ay naririyan at kayo, na mayayaman ng mundo, ay ang mga ministro nito. Ang katotohanan na kayo ay ang pamamaraan nito ay kailangang tingnan ninyo na ito ay ang pinakamalaking karangalan na pinagkaloob sa inyo ng Diyos at ito ay ang tanging paraan na gawin ang mapanganib na kayamanan na maging banal.

At umasal na tila sa bawat isa sa kanila nakikita ninyo Ako. Ako ay nasa kanila. Ginusto Kong maging mahirap at inuusig upang maging katulad nila at upang ang alaala ng tungkol sa mahirap na Kristo at inuusig ay sana tumagal sa buong mga siglo, nagbibigay ng sobrenatural na liwanag sa mga mahihirap at inuusig katulad ng Kristo, isang liwanag na magagawa kayong mahalin sila na tila sila ay Ako Mismo. Ako sa katotohanan ang pulubi Na binigyan ng pagkain, ng isang maiinom, ng mga damit, ng mga matutuluyan. Ako ay nasa ulila na pinatuloy dala ng pagmamahal, nasa sa isang balo na tinulungan, nasa sa peregrino na binigyan ng pag-aruga, nasa sa pasyente na pinagaling. Ako ay nasa sa nasaktan na pinaginhawahan, nasa sa nagdududa na binigyan ng katiyakan, nasa sa mangmang na tinuruan. Ako ay nasa saan man tinanggap ang pagmamahal. At anuman ang ginawa sa isang kapatid, na isang mahirap sa materyal o espirituwal na paraan, ay ginawa sa Akin. Sapagkat Ako ang Mahirap na Isa, ang Sinaktan na Isa, ang Tao ng mga Kapighatian, at Ako ay ganyan upang makapagbigay ng Kayamanan, Kaluguran, sobrenatural na Buhay sa lahat na mga tao na kadalasan – hindi nila alam ngunit ito ay ganito – sila ay mayayaman at malulugod nang sa akala lamang, at lahat sila ay mahirap sa totoong mga kayamanan at mga kaluguran, sapagkat sila ay walang Grasya sa pamamagitan ng Original na Kasalanan na siyang nagkakait sa kanila nito. Nalalaman ninyo na kung wala ang Panunubos hindi magkakaroon ng Grasya, kung wala ang Grasya hindi magkakaroon ng lugod o Buhay. At upang mabigyan kayo ng Grasya at Buhay, hindi Ko pinili na maipanganak na isang hari o isang malakas na tao, bagkus pinili Ko na maging mahirap, isang pangkaraniwan na abang tao, sapagkat ang korona, trono, kapangyarihan ay wala para sa Kanya Na nanggaling sa Langit upang madala ang mga kaluluwa sa Langit, samantalang ang pinakamahalaga sa lahat ay ang halimbawa na kailangang itatag ng isang tunay na Guro upang makapagbigay ng lakas sa kanyang Doktrina. Sapagkat ang karamihan sa mga tao ay mahirap at di-masaya, samantalang ang malalakas at masasaya ay kakaunti. Sapagkat ang Kabutihan ay Habag.

Iyan kung bakit Ako naparito at ang Panginoon ay pinahiran ng langis ang Kanyang Kristo: na sana maibalita Ko ang Ebanghelyo sa mapagpakumbabang mga tao at pagalingin ang mga nalulungkot sa puso, na sana maituro Ko ang kalayaan sa mga alipin, mapakawalan ang mga nakukulong, na sana maaliw Ko ang mga lumuluha at mailagay sa mga anak ng Diyos – ang mga anak na alam kung papaano makapanatiling ganyan kapwa sa kaluguran at sa kapighatian – ang kanilang diyadema, ang kapa ng katarungan, at gawin sila mula sa pagiging ligaw na mga tanim sa pagiging mga punungkahoy ng Panginoon, sa pagiging Kanyang mga kampeon at Kanyang kaluwalhatian. Ako ay ganap na deboto sa lahat at gusto Kong kasama Ko ang lahat sa Kaharian ng Langit. Ito ay bukas sa lahat maliban na ang isa ay namumuhay sa katarungan. Ang katarungan ay nasa pagsasabuhay ng Batas at nasa pagsasagawa ng pagmamahal. Ang isa ay hindi napapasok ang Kaharian na iyan sa pamamagitan ng karapatan ng kayamanan, bagkus sa pamamagitan ng kabayanihan sa kabanalan. Siya na gustong mapasok ito ay kailangan na sumunod sa Akin at gawin kung ano ang Aking ginagawa: kailangan na mamahalin niya ang Diyos higit sa lahat at ang kanyang kapwa katulad ng pagmamahal Ko sa kanya, hindi niya kailangan na isumpa ang Panginoon, kailangan na ipangilin siya ang banal na mga araw at parangalan ang kanyang mga magulang, hindi niya kailangan na magtaas ng marahas na kamay sa kanyang kapwa tao, hindi siya kailangan na mangalunya, o nakawan ang kanyang kapwa sa kahit ano pa man na pamamaraan, o magbigay ng huwad na saksi, o mithiin kung ano ang wala siya o pag-aari ng ibang mga tao, bagkus kailangan niyang masiyahan na sa kanyang kapalaran, laging tinitingnan ito na isang maglalahong estado, isang daan at pamamaraan na makuha ang mas mabuti at eternal na kapalaran, kailangan na mahalin niya ang mahihirap, ang nasasaktan, ang pinakamaliit sa Lupa, ang mga ulila, mga balo, at hindi niya kailangan na magpatubo nang malaki. Kung ito ay kanyang ginagawa, anuman ang kanyang nasyonalidad at wika, ang kanyang katayuan at kayamanan, mapapasok niya ang Kaharian ng Diyos: ang mga tarangkahan nito ay Aking bubuksan sa inyo.

Halikayo sa Akin, lahat kayo na may mabubuting kalooban. Huwag matakot kung ano kayo o kung ano kayo dati. Ako ang Tubig na naglilinis ng nakaraan at nagpapalakas para sa hinaharap. Halikayo sa Akin, kayo na mahihirap sa karunungan. Ang Karunungan ay nasa Aking salita. Halikayo sa Akin, magsimula ng isang bagong buhay sa bagong mga idea. Huwag matakot ng hindi makaalam, ng hindi magagawa ito. Ang Aking Doktrina ay madali, ang Aking pamatok ay magaan. Ako ang Rabbi Na nagbibigay nang hindi humihingi ng kabayaran, nang hindi humihingi ng kahit na anong kabayaran bagkus ang inyong pagmamahal. Kung minamahal ninyo Ako, mamahalin ninyo ang Aking Doktrina at kung gayon ang inyong kapwa at mapapasainyo ng Buhay at ang Kaharian. Mayayaman na tao, alisan ninyo ang inyong mga sarili ng pagkakakabit sa mga kayamanan, at bilhin sa pamamagitan nito ang Kaharian sa pamamagitan ng lahat na mga salita ng maawaing pagmamahal para sa inyong kapwa. Mahihirap na tao, alisan ninyo ang inyong mga sarili ng inyong kalungkutan at halikayo sa daan ng inyong Hari. Kasama si Isaiah sinasabi Ko: “O! halikayo sa tubig lahat kayo na nauuhaw, at kayo rin na walang pera halikayo at bumili”. Sa pamamagitan ng pagmamahal mabibili ninyo kung ano ang pagmamahal, ang hindi nabubulok na pagkain, ang pagkain na nakakabusog at nagpapalakas.

Ako ay aalis, o! mayayaman, mahihirap at mga babae ng Hippo. Ako ay aalis upang sundin ang kalooban ng Diyos. Ngunit ibig Kong umalis na hindi masyadong nasasaktan kaysa nang Ako ay dumating. Ang inyong pangako ang magpapagaan sa Aking nararamdamang kirot. Para sa kapakanan ninyo mayayamang tao, para sa kapakanan ng inyong bayan na ito, maging at mangako na maging maawain sa pinakamaliliit sa inyo sa hinaharap. Ang lahat ay maganda rito. Ngunit katulad na ang isang madilim na mabagyong ulap ay nakapananakot sa kahit pinakamagandang bayan, ang katigasan din ng inyong mga puso ay isang namimintong panganib dito, katulad ng isang anino na nagagawa ang kagandahan na maglaho. Alisin ang inyong katigasan at kayo ay pagpapalain. Tandaan: ang Diyos ay nangako na hindi sisirain ang Sodom, kung may sampung makatarungan na tao na matatagpuan doon. Hindi ninyo alam ang hinaharap. Alam Ko. At sasabihin Ko sa inyong totoo na ito ay mas puno ng mga kaparusahan kaysa ang isang ulap sa tag-init ay puno ng ulang-may-yelo. Iligtas ang inyong bayan sa pamamagitan ng inyong katarungan at ng inyong awa. Gagawin ba ninyo ito?»

«Gagawin namin, Panginoon, sa Inyong pangalan. Magsalita, pakiusap, magpatuloy sa pagsasalita sa amin! Kami ay naging may matitigas-na-puso at mga makasalanan. Ngunit nililigtas Ninyo kami. Kayo ang Tagapagligtas. Magsalita sa amin...»

«Makakasama ninyo Ako hanggang gabi. Ngunit magsasalita Ako sa pamamagitan ng Aking mga gawa. Ngayon, habang ang araw ay umaapoy, pumunta sa inyong mga bahay at pagnilayan ang Aking mga salita.»

«At saan Kayo pupunta, Panginoon? Pumunta Kayo sa aking bahay! Sa akin!» Ang lahat na mayayaman sa Hippo ay gusto Siya at halos makipaglaban sila sa isa’t isa upang mapangatwiranan ang dahilan kung bakit si Jesus ay sasama sa taong ito o sa taong iyon.

Itinaas Niya ang Kanyang kamay humihingi ng katahimikan. Nakuha Niya ito nang may kahirapan. Sinabi Niya: «Sasama Ako sa mga taong ito.» At Kanyang tinuturo ang mahihirap na tao, na nagka-ipun-ipon sa dulo ng pulutong ay nakatingin sa Kanya nang may saloobin ng mga tao na, bagama't minamaliit, ang pakiramdam sila ay minamahal. At Kanyang inuulit: «Ako ay sasama sa kanila upang paginhawahan sila at pagsaluhan ang aking tinapay kasama sila. Ibig Ko silang bigyan ng pauna ng kasayahan ng Kaharian kung saan ang Hari ay uupo kasama ang Kanyang mga nasasakupan sa parehong bangkete ng pagmamahal. At sa pansamantala, sa dahilan na ang kanilang pananampalataya ay nakasulat sa kanilang mga mukha at sa kanilang mga puso, sinasabi Ko sa kanila: “Mangyari sa inyo kung ano ang minimithi ng inyong mga puso, at harinawang ang inyong mga katawan at mga kaluluwa ay magbunyi sa unang paggaling ng inyong kalusugan na pinagkakaloob sa inyo ng Tagapagligtas”.»

Ang mahihirap na tao ay maaaring nagkakabilang ng ganap na sandaan. Ang dalawang tersiyo man lamang sa kanila ay may pisikal na kapansanan, o mga bulag, o maliwanag na may sakit; ang isa pang tersiyo ay mga bata na nanghihingi ng limos para sa kanilang balong mga ina o para sa kanilang mga lolo’t lola... Bueno: magandang makita ang nawala-sa-porma na mga kamay, nawala-sa-lugar na mga balakang, nasirang-hugis na mga likod, nawalang-buhay na mga mata, hapóng mga tao na kinakaladkad ang kanilang mga sarili sa daan, lahat na uri ng makirot ng mga sakit at mga kamalasan, na nakuha sa mga aksidente sa pagtatrabaho o sa kalabisan sa pagod at sa mga kasalatan, na maibalik sa normal na estado ng kalusugan, sa gayon nagagawa ang abang kaawa-awang mga sawing-palad na makapagsimulang makapamuhay muli at maramdaman na mapangangalagaan nila ang kanilang mga sarili. Ang kanilang mga sigawan ay napupuno ang malaking liwasan at umuugong sa loob nito.

Ang isang Romano ay naniniko na makaraan sa gitna ng nahihibang na pulutong at narating si Jesus habang Siya, nang may labis na kahirapan, ay naglalakad patungo sa mahihirap na tao na mga kapapagaling pa lamang at pinagpapala Siya mula sa kanilang kinatatayuan, dahil imposible para sa kanila na makipagsiksikan sa siksik na masa ng mga tao.

«Mabuhay, Rabbi ng Israel. Ang Inyong ginawa, ito ba ay para lamang sa miyembro ng Inyong sambayanan?»

«Hindi, mamâ. Ni hindi kung ano ang Aking ginawa, o ang Aking sinabi. Ang Aking kapangyarihan ay para sa lahat. At ang Aking doktrina ay para sa lahat sapagkat walang mga limitasyon sa mga kasta, sa mga relihiyon o sa mga nasyon para rito. Ang Kaharian ng Langit ay para sa lahat ng Sangkatauhan na makapaniniwala sa totoong Diyos. At Ako ay naririto para sa mga makapaniniwala sa kapangyarihan ng totoong Diyos.»

«Ako ay isang pagano. Ngunit naniniwala ako na Kayo ay isang diyos. Ako ay may isang alipin, na mahal sa akin. Isang matandang alipin na sumunod sa akin mula pa noong ako ay isang maliit na bata pa lamang. Ang paralisis pinapatay siya ngayon nang dahan-dahan at may kasamang matinding kirot. Ngunit siya ay isang alipin at baka Ninyo...»

«Sasabihin Ko sa iyong totoo na iisang pagkaalipin lamang ang nalalaman Ko na nakasusuklam sa Akin: ang pang-aalipin ng kasalanan, at ng mapilit na pagkakasala. Sapagkat siya na nagkakasala at nagsisisi ay matatagpuan ang Aking awa. Ang iyong alipin ay pagagalingin. Humayo at alisin ang iyong pagkakamali sa pamamagitan ng pagpasok sa totoong pananampalataya.»

«Hindi ba Kayo pupunta sa aking bahay?»

«Hindi, mamâ.»

«Sa katunayan... Ako ay nanghingi ng labis. Ang isang diyos ay hindi pumupunta sa mga bahay ng mga mortal. Nababasa namin ang tungkol diyan sa mga alamat... Ngunit walang sinuman na tao ang kailanman nagbigay ng pag-aruga kay Jupiter o kay Apollo.»

«Sapagkat sila ay wala naman talaga. Ngunit ang Diyos, ang totoong Diyos ay pumapasok sa mga tahanan ng mga naniniwala sa Kanya at nagbibigay ng kalusugan at kapayapaan sa kanila.»

«Sino ang totoong Diyos?»

«Siya na Siya nga.»

«Hindi Kayo? Huwag magsinungaling! Pakiramdam ko Kayo ay diyos...»

«Hindi Ako nagsisinungaling. Ang sinabi mo ay totoo. Ako ay Diyos. Ako ang Anak ng Diyos Na pumunta upang iligtas din ang iyong kaluluwa katulad na niligtas Ko ang iyong minamahal na alipin. Hindi ba’t siya ito na dumarating sumisigaw sa tuktok ng kanyang tinig?»

Ang Romano ay tumalikod, nakakakita siya ng isang matandang lalaki, na sinusundan ng iba pang mga tao at tumatakbo nakabalot sa isang blanket, sumisigaw: «Marius! Marius! Aking panginoon!»

«Sa ngalan ni Jove! Ito ay ang aking alipin! Papaano!... Sinabi ko:... Jove. .. Hindi: sasabihin ko: sa ngalan ng Rabbi ng Israel. Ako... Ako...» ang mamâ ay hindi malaman kung ano ang kanyang sasabihin...

Ang mga pulutong ay nagbukas ng hanay nang kusa upang paraanin ang matandang lalaki, na kapapagaling pa lamang.

«Magaling na ako, panginoon. nakaramdam ako ng katulad ng isang apoy sa loob ng aking mga galamay at nakarinig ako ng isang utos: “Bumangon ka!”. Akala ko iyon ay inyong tinig. Ako ay bumangon... Nakakatayo ako... Sinubukan kong maglakad... at nagagawa ko... Sinubukan kong hipuin ang aking mga sugat sa matagal-na-pagkakahiga... sila ay nawala. Sumigaw ako. Sina Nereus at Quintus ay dumating. Sinabi nila sa akin kung nasaan kayo. Hindi na ako naghintay upang makapagbihis. Ngayon makapaglilingkod pa rin ako sa inyo...» ang matandang lalaki, nakaluhod, ay umiiyak hinahalikan ang tunika ng Romano.

«Hindi ako. Ang Rabbi na ito ang nagpagaling sa iyo. Kailangan natin na maniwala, Aquila. Siya ang totoong Diyos. Pinagaling Niya ang mga taong iyon sa pamamagitan lamang ng Kanyang tinig at ikaw... hindi ko alam kung papaano... Kailangan natin na maniwala... Panginoon... ako ay isang pagano, ngunit... naririto... Hindi, ito ay napakaliit. Sabihin Ninyo sa akin kung saan Kayo patungo at pararangalan ko Kayo.» Nagbibigay siya ng isang lukbutan, pagkatapos ito ay kanyang inalis.

«Ako ay sasama sa kanila sa ilalim ng madilim na portiko na iyon.»

«Magpapadala ako sa Inyo ng isang alay para sa kanila. Mabuhay, Rabbi. Sasabihan ko ang mga taong hindi naniniwala...»

«Paalam. Maghihintay Ako para sa iyo sa mga daan ng Diyos.»

Ang Romano ay umalis kasama ang kanyang mga alipin. Si Jesus ay umalis kasama ang Kanyang mga mahihirap na tao, kasama ang Kanyang mga apostol at ang mga babaeng disipulo.

Ang portiko – ito ay mas katulad ng isang may bubong na daan kaysa isang portiko – ay malilim at malamig, at ang lugod ay napakalaki na kahit na ang lugar ay nagmumukhang maganda, bagama't ito ay isang napaka karaniwan na portiko. Paminsan-minsan ang isang mamamayan ay darating at magbibigay ng mga alay. Ang alipin ng Romano ay bumalik may dalang isang mabigat na lukbutan. At si Jesus ay nagbibigay ng mga salita ng kaliwanagan at pera na suporta, at nang ang mga apostol ay nakabalik na may dalang iba't ibang makakain, nagpiraso Siya ng tinapay at pinagpapala ang mga pagkain, na pagkatapos Kanyang pinamimigay sa mahihirap na tao, sa Kanyang mahihirap na mga tao...

280511

 

 


Sunod na kabanata