453. Malapit sa Gamala. Si Jesus Pinagkakatiwala ang Simbahan sa Banal na Birhen at Nagsasalita ng Tungkol sa Awa sa mga Sinisiil na Tao.

Hulyo 8, 1946.

Ang araw ay papalabas pa lamang nang si Jesus ay gumising at naupo sa Kanyang pangkabukiran na higaan gawa sa lupa at mga damo. Siya ay tumayo, pinulot ang Kanyang mga sandalyas at ang manta na Kanyang pinantakip sa Kanyang Sarili bilang isang proteksiyon  sa hamog at sa lamig ng gabi, at maingat na humakbang sa ibabaw ng magkakasabid na mga paa, mga braso, mga katawan at mga ulo ng mga apostol na tulog sa paligid Niya. Lumayo Siya nang mga ilang hakbang, na may matalas na mga mata upang makita kung saan Niya ilalapat ang Kanyang mga paa sa loob ng pigíl na liwanag ng pagsikat-ng-araw, na sa ilalim ng madahon na mga punungkahoy ay kaunting mahinang liwanag lamang. Nakarating Siya sa bukas na parang, mula kung saan, sa pamamagitan ng espasyo sa pagitan ng mga punungkahoy at ng mga bato, makakakita ang isa ng isang tanawin ng isang maliit na kapiraso ng isang lawa na gumigising at ng isang malaking piraso ng kalangitan na nagiging mas maliwanag, dumaraan sa pagiging ang abuhing-asul na kulay ng tipikal na arko ng langit sa pagsikat-ng-araw, hanggang sa kalangitang-asul na kulay, habang sa dakong silangan ito ay patungo na sa pagiging malabnaw na dilaw na mas nagiging maliwanag at palalim pa nang palalim ang pagkakulay nagbabago sa pagiging isang rosas na dilaw at sa huli isang napakagandang malabnaw na asul ng kurales.

Ang pagsikat-ng-araw ay nangangako ng isang magandang araw, sa kabila ng isang napakagaan na kalabuan na ayaw isuko nito sa liwanag-ng-araw ang silanganing bahagi ng kalangitan, at kumikilos nang pasulong sa gayong magaan na mga belo ng mga ulap na ang asul na kalangitan ay hindi naghihirap gawa nito: sa kabaligtaran ito ay nagagayakan na tila ito ay isang palamuti ng niyebeng-kaputian na muslin na may palawit ng ginto at mga kurales na laging nagbabago, at paganda pa nang paganda, na tila ibig marating nito ang isang perpeksiyon ng naglalahong kagandahan bago sirain ito ng liwanag-ng-araw sa pamamagitan ng nananagumpay na sinag ng liwanag. Sa bandang kanluran, sa kabilang dako, ilang mga bituin ang maaaninag pa, bagama't napagkaitan na ng kanilang maningning na kislap sa gabi habang lumalakas ang liwanag, at ang buwan, malapit nang lumubog sa likuran ng mga tuktok ng mga bundok, ay patuloy ang paglalayag nagmumukhang malabnaw-na-malabnaw, walang mga sinag, katulad ng isang namamatay na planeta.

Si Jesus, nakatayong nakapaa lamang sa mahamog na damo, nakakursomano, ang Kanyang ulo nakatingala pinagmamasdan ang tumataas na araw, ay nag-iisip... o nagsasalita sa Ama sa espirituwal na pakikipagusap. May malalim na katahimikan, upang ang malalaking patak ng masaganang hamog ay maririnig na bumabagsak sa lupa.

Si Jesus, nakatayo pa rin na nakakursomano, ay itinutungo ang Kanyang ulo at naging nakalubog sa mas malalim pang pagninilay-nilay. Siya ay ganap na nakalubog sa Kanyang sarili. Ang Kanyang magagandang dilat na mga mata ay nakapirmi sa lupa na tila ibig nitong makakuha ng tugon mula sa mga yerba. Ngunit natitiyak ko na ni hindi nito nakikita ang mabagal na paggalaw ng mga tangkay na nanginginig sa malamig na ihip ng hangin ng pagsikat-ng-araw, katulad ng mga taong gumigising, mag-uunat, iikot, sinusulsulan ang mga sarili upang magising nang ganap at kung gayon maging alerto ang kanilang mga nerbiyo at mga muskulo. Siya ay tumingin, ngunit hindi nakikita ang paggising ng mga yerba at ng layas na mga bulaklak, sa pamamagitan ng kanilang maliliit na sanga, mga dahon, mga korola na hinugis katulad ng mga payong, o tumutubong kumpul-kumpol, mga tulis, mga lamuymoy. Ang ibang mga bulaklak ay nakahiwalay sa loob ng mga takupis, ang ilan ay hinugis katulad ng mga sumisinag na mga korona o katulad ng mga snapdragon, cornucopias, mga balahibo o mga ubas na matinik. Ang ilan ay tuwid sa kanilang mga tangkay: ang ilang ay malambot, nakabitin mula sa mga tangkay na hindi sa kanilang sarili at bilugan na kanilang niyapos, ang ilan ay nakalapat at gumagapang sa lupa: ang ilan ay nakagrupo sa mga pami-pamilya ng maraming maliliit na abang mga tanim: ang ilan ay nangungulila, malalaki, marahas sa pagkakulay at pagdala: lahat sila ay gustong malaglag ang mga patak ng hamog sa kanilang mga petalo, na hindi na nila gusto, nananabik katulad nila para sa sinag-ng-araw lamang, kasing makapritso sa kanilang mga mithiin katulad  ng sa kanilang pagkakalatag. Sila kung gayon ay katulad na katulad ng mga tao, na hindi kailanman nasisiyahan sa kung ano ang mayroon sila.

Si Jesus ay tila nakikinig. Ngunit tiyak na hindi Niya napapakinggan ang kaluskos ng hangin, na nagiging mas malakas at inaaliw ang sarili sa pag-uga sa mga patak ng hamog at pinababagsak ito,  o ang walang-katapusan na paglakas ng pagbulong ng maliliit na ibon, na mga gumigising at ikinukuwento sa isa’t isa ang kanilang mga panaginip noong gabi, o nagpapalitan ng mga pananaw sa ibabaw ng kanilang maiinit na maalalad na mga pugad sa loob kung saan, sa pagitan ng mga balahibo at malalambot na dayami, ang mga sisiw na magpahanggang ngayon buto’t balat, ay nagsisimula nang magpakita ng balahibo o binubuka nang maluwang ang kanilang malalaking tuka pinakikita ang kanilang nagtatakaw na pulang mga lalamunan at tumitili sa kanilang unang paghingi ng pagkain. Si Jesus ay tila nakikinig. Ngunit tiyak na hindi naririnig ang unang panunuyang tawag ng blackbird, ang unang matamis na awit ng blackcap o ang ginintuang matiling nota ng layang-layang, na tumataas nang malugod patungo sa maagang araw, o ang pagtili, na gumuguhit sa tahimik na ere, ng maraming golondrina, na umaalis sa mga bato, kung saan nila itinayo ang kanilang mga pugad, at nagsisimulang iguhit ang kanilang mga paglipad mula sa lupa patungo sa kalangitan. Ni hindi Niya napapakinggan ang mabangis na sigaw ng isang magpie na nakadapo sa isang sanga ng isang puno ng terebinto malapit sa Kanya at tila nagtatanong: «Sino Ka? Ano ang iniisip Mo?» pinagtatawanan Siya. Ni kahit iyan ay hindi makagambala sa Kanyang pagninilay-nilay.

Ngunit sino ang hindi nakaaalam na ang mga magpie ay mapangyamot? Ang isang ito, na sawa na nang makakita ng isang nanghihimasok sa maliit na parang na baka kanyang teritoryo, ay tinanggal ang dalawang magandang bunga ng terebinto na magkakabit sa isang tangkay, at nang may pagpuntirya ng isang magaling na pumukol, inilaglag ito sa ulo ni Jesus. Ito ay hindi isang mabigat na bunga, na makapananakit, ngunit kung titingnan ang taas mula kung saan ito pinabagsak, sapat na itong solido na makalog ang Nag-iisip na Isa, Na tumingala at nakita ang ibon na, ang mga pakpak nito nakabuka at tumatango sa isang nakakatuwang paraan, ay nagbubunyi sa pukol nito. Si Jesus ay ngumiti nang malumanay, iniiling ang Kanyang ulo, nagbubuntung-hininga bilang pagtatapos ng Kanyang pagninilay at Siya ay lumayo naglalakad nang paparoo’t parito. Ang magpie na may tawa at isang panunuyang sigaw ay lumipad pababa sa parang, winawagayway ang mga pakpak, naghahanap at kumakalakal sa damo na malaya na sa nanghihimasok.

Si Jesus ay naghahanap ng ilang tubig, ngunit wala Siyang matagpuan. Kinalimutan Niya ito at nagpasyang bumalik sa mga apostol, ngunit ang mga ibon ay tinuruan Siya kung saan nito makikita. Kawan-kawan sa kanila ang lumipad patungo sa ilang napakalaking mga hugis-takupis na mga bulaklak, na sa katunayan ay maliliit ng mga kopa na may tubig, o sila ay dumadapo sa malapad na mabalahibong mga dahon, kung saan ang bawat balahibo ay may naiiwan na isang patak ng hamog, at pinapawi ang kanilang pagka-uhaw doon o gagawin nila ang kanilang paghihilamos. Si Jesus ay ginagaya sila. Iniipon Niya sa loob ng Kanyang kamay ang tubig ng ilang mga takupis at pinalalamigan ang Kanyang mukha, pumipitas Siya ng ilang malalapad na mabalahibong mga dahon at sa pamamagitan nito inaalis Niya ang alikabok mula sa Kanyang walang-saplot na mga paa, nililinis Niya ang Kanyang mga sandalyas at isinusuot ito, at sa pamamagitan ng ilang pang mga dahon hinuhugasan niya ang Kanyang mga kamay hanggang makita Niya na ito ay malinis na at Siya ay ngumingiti bumubulong: «Ang dibinong perpeksiyon ng Tagapaglikha!»

Siya ngayon ay nanariwa na muli, malinis, sa pamamagitan ng Kanyang basang kamay inaayos Niya ang Kanyang buhok at balbas at habang ang unang mga sinag ng araw ay ginagawa ang parang na maging isang alpombra na may tampok ng mga brilyante, lumakad Siya upang gisingin ang mga apostol at ang mga babae.

Kapwa ang dalawang grupo ay halos hindi makagising, pagod na katulad nila. Si Maria ay gising ngunit Siya ay hindi makagalaw dahil sa maliit na bata na natutulog nakakapit sa Kanyang dibdib, na ang kanyang maliit na ulo nasa ibaba ng Kanyang babà. At ang Ina, nang makita si Jesus na lumitaw sa pamasukan ng gruta, ay ngumiti sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang mabait na asul na mga mata, habang ang Kanyang mukha ay nagiging malarosas dala ng lugod ng nakikita si Jesus. At pinalalaya Niya ang Kanyang sarili mula sa bata, na umiingit nang kaunti sa pagkakágalaw. Siya ay bumangon at pumunta kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang tahimik na medyo gumugulong na paglakad ng isang mahinhin na kalapati.

«Harinawang pagpalain Ka ng Diyos, Anak, sa araw na ito.»

«Harinawang mapasainyo ang Diyos, Inay. Naging di ba maganda ang gabi para sa Inyo?»

«Hindi. Sa kabaligtaran, napakaganda. Tila nasa Akin Ka, isang maliit na Sanggol, sa loob ng Aking mga bisig... At nanaginip Ako na ang isang klase ng gintong ilog ay dumadaloy mula sa Iyong bibig, nagpapalabas ng gayong katamis na tunog na hindi ito maisasalarawan, at ang isang tinig ay nagsabi: “Ito ang Salita na nagpapayaman sa mundo at nagbibigay ng beatitude sa mga nakikinig dito at sumusunod dito. Nang walang mga limitasyon ng kapangyarihan, panahon o espasyo, Ito ay magliligtas”. O! Aking Anak! At Ikaw, Aking Sanggol, ay ang Salita na iyan! Papaano Ako makapamumuhay nang napakatagal at makagawa ng labis upang makapagpasalamat sa Eternal na Ama sa paggawa sa Akin na maging Iyong Ina?»

«Huwag mag-alala tungkol diyan, Inay. Ang bawat pintig ng Inyong puso ay nagpapasaya sa Diyos. Kayo ay buháy na papuri ng Diyos, at Kayo ay magiging laging ganyan, Inay. Lagi na Ninyo Siyang pinasasalamatan mula pa noong Kayo ay...»

«Tila hindi Ko ito nagagawa nang sapat, Jesus. Ito ay napakalaki, napakalaki ng ginawa ng Diyos para sa Akin! Matapos man ang lahat, ano ba ang nagagawa Ko na higit pa sa ginagawa ng mabubuting babaeng iyon, na, katulad Ko, ay Iyong mga disipulo? Anak, sabihin Mo sa ating Ama na bigyan Ako ng pagkakataon na mapasalamatan Siya katulad ng karapat-dapat sa Kanyang regalo.»

«Inay! At sa palagay ba Ninyo na ang Ama ay kakailanganin Ako upang hingin sa Kanya iyan para sa Inyo? Naihanda na Niya para sa Inyo ang sakripisyo na kakailanganin Ninyong gawin para sa perpektong papuri na ito. At Kayo ay magiging perpekto kapag maisagawa na Ninyo ito...»

«Aking Jesus!... Naiintindihan Ko ang ibig Mong sabihin... Ngunit Ako ba ay makakapag-isip sa oras na iyan?... Ang Iyong kaawa-awang Ina...»

«Ang Pinagpalang Esposa ng eternal na Pag-ibig! Inay, iyan kung ano Kayo. At ang Pag-ibig ay mag-iisip sa loob Ninyo.»

«Iyan ang sinasabi Mo, Anak, at nagpapahingalay Ako sa Iyong Salita. Ngunit Ikaw... magdasal para sa Akin, sa oras na iyan na wala sa mga ito ang makaiintindi... at siyang namiminto na... Iyan ay totoo, hindi ba?»

Imposibleng maisalarawan ang ekspresyon ng mukha ni Maria sa loob ng pag-uusap na ito. Walang manunulat ang posibleng makapagsalin nito sa mga salita nang hindi ito nasisira sa pamamagitan ng pang-iinis o ng walang-katiyakan na mga kulay. Tanging siya lamang na may puso, kahit kung isang panlalaking puso, ang makapagbibigay sa pamamagitan ng isip lamang ng tunay na ekspresyon sa mukha ni Maria na mayroon ito sa sandaling ito ngayon.

Si Jesus ay tinitingnan Siya... Isa pang ekspresyon na di-maisasalin sa kaawa-awang mga salita. At Siya ay tumugon sa Kanya: «At magdarasal Kayo para sa Akin sa oras ng kamatayan... Oo. Wala sa mga ito ang nakaiintindi... Hindi nila ito kasalanan. Si Satanas ay gumagawa ng mga usok upang hindi sana nila makita, na sila ay maaaring maging katulad ng mga lasing na hindi nakaiintindi, at kung gayon di nakahanda... at mas madaling baluktutin... Ngunit Kayo at Ako ay ililigtas sila, sa kabila ng mga patibong ni Satanas. Inay, pinagkakatiwala Ko sila sa Inyo mula sa sandaling ito. Tandaan ang Aking mga salitang ito: pinagkakatiwala Ko sila sa Inyo. Binibigay Ko sa Inyo ang Aking pamana. Wala Akong iba sa lupa, maliban sa isang Ina, at inaalay Ko Siya sa Diyos: Biktima kasama ang Biktima; at ang Aking Simbahan, at pinagkakatiwala Ko ito sa Inyo. Maging kanyang Yaya. Kani-kanina pa lamang iniisip Ko kung sa gaano karaming tao, sa hinaharap, ang lalaki ng Kerioth lilitaw ulit kasama ang lahat na kanyang mga kapintasan. At iniisip Ko na ang sinuman, na hindi Jesus, ay tatanggihan ang may-kapintasan na nilikhang iyan. Ngunit hindi Ko siya tatanggihan. Ako ay si Jesus. Sa loob ng panahon na Kayo ay mamamalagi sa Lupa, at Kayo ay pangalawa kay Pedro hinggil sa pansimbahan na herarkiya, siya bilang ang Ulo at Kayo bilang isang naniniwala, ngunit una bilang Ina ng Simbahan bilang nagpanganak sa Akin, Ako na siyang Ulo ng mistikal na Katawan na ito, huwag tanggihan ang maraming mga Judas, bagkus tulungan at turuan si Pedro, ang Aking mga kapatid, sina Juan, Santiago, Simon, Felipe, Bartolomeo, Andres, Tomas at Mateo na huwag tanggihan, bagkus tulungan. Ipagsanggalang Ninyo Ako sa Aking mga tagasunod, at ipagsanggalang Ako sa mga gustong magkawatak-watak at magkahiwa-hiwalay ang lumilitaw na Simbahan. At sa hinaharap na mga siglo, Inay, laging maging Siya Na nangungusap para sa at pumoprotekta, nagsasanggalang at tumutulong sa Aking Simbahan, sa Aking mga Pari, sa Aking mga naniniwala, laban sa Kasamaan at Kaparusahan, laban sa kanilang mga sarili... Ilang mga Judas, o! Inay, sa hinaharap na mga siglo! At gaano karami ang magiging katulad ng mga tanga na hindi makaintindi, o katulad ng mga bulag at mga binging tao na hindi makakita o makarinig, o katulad ng mga pilay at mga paralitikong tao na hindi makapunta... Inay, gawin silang lahat na nasa ilalim ng Inyong manta! Kayong mag-isa lamang ay magagawa Ninyo at mababago Ninyo  ang ipinasyang kaparusahan ng Eternal na Ama para sa isang kaluluwa o para sa marami sa kanila. Sapagkat ang Trinidad ay hindi kailanman matatanggihan ng kahit ano ang Bulaklak nito.»

«Gagawin Ko iyan, Anak. Hanggang sa ito ay nakadepende sa Akin. Makapagpapatuloy Ka sa Iyong tinatangka sa kapayapaan. Ang Iyong Ina ay naririto upang ipagsanggalang Ka sa Iyong Simbahan, lagi.»

«Pagpalain nawa Kayo ng Diyos, Inay... Halikayo! Kukuha Ako para sa Inyo ng ilang mga takupis ng mga bulaklak punó ng pinabanguhang tubig, at palalamigan Ninyo ang Inyong mukha nito, katulad ng ginawa Ko. At Ating Kabanalbanalang Ama ay inihanda ito para sa atin, at ang mga ibon ay itinuro ito sa Akin. Kita Ninyo kung gaano ang lahat may-pakinabang sa may-kaayusan na Sangnilikha ng Diyos! Ang nakataas na maliit na kapatagan na ito malapit sa lawa, napakataba dahil sa mga hamog na tumataas mula sa Karagatan ng Galilee at dahil sa matataas na punungkahoy na nakakakuha ng hamog, pinahihintulutan ang kasaganaan na ito ng mga yerba at mga bulaklak, kahit na sa kalabisan ng init ng tag-araw. Ang masaganang bagsak na ito ng hamog upang mapunuan ang mga takupis na ito upang ang Kanyang minamahal na mga anak ay mahugasan sana nila ang kanilang mga mukha... Iyan ang isinaayos ng Ama para sa mga nagmamahal sa Kanya. Narito. Ang tubig ng Diyos, upang mapreskuhan ang Eba ng bagong Paraiso.» At si Jesus ay kinuha ang napakalapad na mga bulaklak, na ang pangalan nito ay hindi ko alam, at Kanyang binubuhos sa mga kamay ni Maria ang tubig na nakolekta sa mga ito...

Ang iba sa pansamantala ay naayos na ang kanilang mga sarili at dumarating hinahanap si Jesus Na lumayo nang kaunti sa pahingahang lugar.

«Handa na kami, Guro.»

«O sige. Dito tayo pumunta.»

«Ngunit iyan ba ang tamang daan? Ang mga kakahuyan ay nagtatapos dito; noong nakaraan tayo ay naglakad sa loob ng mga kakahuyan...» pagtutol ni Santiago ni Zebedeo.

«Sapagkat tayo ay umaakyat mula sa lawa. Ngunit ngayon makukuha na natin ang tamang daan. Kita mo? Ang Gamala ay nasa banda roon, timog-silangan, at ito lamang ang tanging daan. Ang iba pang tatlong tabi ay di-madadaanan, maliban ng mga ligaw na kambing.»

«Tama Kayo. Maiiwasan natin ang malalim na tigang na lambak, mula kung saan nakita natin ang mga lalaking nalukuban na dumating» sabi ni Felipe.

Sila ay naglakad nang mabilis at kaagad sila ay nakalabas sa kakahuyan kung saan sila natulog, naglalakad sa isang mabatong landas na tumatakbo hanggang sa ibayo ng isang maliit na lambak na palapad nang palapad habang lumalapit sila sa kakaibang bundok kung saan ang Gamala nakakabit at ito ay napakatarik sa tatlong tabi, ibig sabihin, sa silangan, hilaga at kanluran at nakaugnay sa natitira pang lugar sa pamamagitan lamang ng landas na ito na tumatakbong tuwid mula timog hanggang hilaga, at nakataas sa pagitan ng dalawang mabangis na mabatong mga lambak na naghihiwalay dito mula sa kabukiran sa silangang tabi at mula sa kakahuyan ng mga terebinto sa kanlurang tabi.

Maraming magbababoy ang dumaraan sa gitna ng kanilang umiigik na mga kawan, patungo sa mga kakahuyan ng mga terebinto. Mga kariton na kargado ng kudradong mga bato ay dumaraan lumalangitngit, hila ng mabagal na mga baka na pinamatukan nang magkakapares. Ilang mangangabayo ang dumaraan na tumutrote nagtataas ng mga ulap ng alikabok. Mga samahan ng mga maghuhukay na nakadamit nang gula-gulanit at mga nangayayat – sa palagay ko ang karamihan sa kanila ay mga alipin o mga taong nasentensiyahan sa mabigat na pagtatrabaho para sa kung anong mga dahilan – ay dumaraan patungo sa kanilang pagtatrabahuhan sa ilalim ng istriktong pagbabantay ng mga tagapamahala.

Habang sila ay nakakalapit sa bundok at ang daan ay nagsisimulang umakyat, nakikita nila ang pinatibayan na mga kanal na nakapaikot sa bundok katulad ng mga singsing na idinikit sa mga tabi nito. Maaaring mahirap na trabaho ang hukayin ang mga gawain na iyon, lalo na sa ilang mga lugar na halos matarik. Ngunit sa kabila nito maraming mga lalaki ang nagkukumpuni ng naroroon nang mga portipikasyon, nagtatayo ng mga bagong portipikasyon at nagdadala sa kanilang mga balikat ng mga kubong bato na nambabaluktot sa kaawa-awang mga sawing-palad at nag-iiwan ng dumurugong mga sugat sa kanilang hubad na mga balikat.

«Ano ang ginagawa ng mga mamamayan na iyon? Ngayon kaya ay panahon ng digmaan na sila ay nagtatrabaho nang ganyan? Sila ay baliw» sabi ng mga apostol sa isa’t isa habang kinaaawaan ng mga kababaihan ang di-masayang mga kalalakihan na mga halos hubad, nagkukulang sa pagkain at napipilitan na magtrabaho nang higit pa sa kanilang lakas.

«Ngunit sino ang namimilit sa kanilang magtrabaho? Ang Tetrarka ba o ang mga Romano?» tanong ng mga apostol muli at pinag-uusapan nila ang bagay sa pagitan nila sapagkat tila lumalabas na ang Gamala ay, masasabing, independiyente sa Tetrarka ni Philip at independiyente kay Herodes, at dahil ito ay imposible sa ilang mga apostol na ang mga Romano ay abalahin ang kanilang sarili sa pagtayo sa banyagang mga bansa ng mga muog na sa hinaharap ay maaaring gamitin laban sa kanila. At ang eternal na idea, na nakakapit katulad ng isang kabaliwan na idea, tungkol sa temporal na kaharian ng Mesiyas, ay pinakikita bilang ang bandila ng nakatitiyak nang tagumpay, ng kaluwalhatian at pambansang kasarinlan.

Labis silang sumisigaw na ang ilang mga tagapamahala ay nilapitan sila at nakikinig. Sila ay magagaspang na tao, maliwanag na hindi sa lahi ng Hudyo, marami ang maedad, ang marami sa kanila ay may mga peklat sa kanilang mga katawan. Ngunit ang kanilang pagkakakilanlan ay naging malinaw sa pamamagitan ng mapanuyang sinabi ng isa sa kanila: «”Aming kaharian”! Napakinggan mo ba iyon, Titus? O! may malalaking-ilong na mga tao! Ang inyong kaharian ay nadurog na sa ilalim ng mga batong ito. Siya na ginagamit ang kaaway upang magtayo laban sa kaaway ay pinaglilingkuran ang kaaway. Si Publius Corfinius sa sinasabi sa inyo. At kung hindi ninyo maintindihan, mabuhay nang sapat na matagal; at ang mga bato ay ipaliliwanag sa inyo ang kababalaghan nito» at siya ay tumatawa itinataas ang kanyang latigo sapagkat nakakita siya ng isang pagod-nang manggagawa na sumusuray at naupo, at hahagupitin na niya siya kung hindi siya napatigil ni Jesus Na lumalapit at nagsasabing: «Hindi ka pinahihintulutan na gawin iyan. Siya ay isang tao katulad mo.»

«Sino Ka Na nakikialam at nagtatanggol sa isang alipin?»

«Ako ay Awa. Ang Aking pangalan bilang isang tao ay hindi mangangahulugan nang kahit na ano sa iyo. Ngunit ang Aking katangian ay pinaaalalahanan ka na maging maawain. Sinabi mo: “Siya na ginagamit ang kaaway upang magtayo laban sa kaaway ay pinaglilingkuran ang kaaway”.  Nagsalita ka ng isang nakalulungkot na katotohanan. Ngunit sasabihin Ko sa iyo ang isang maganda: “Ang hindi gumagamit ng awa ay hindi makatatagpo ng awa”.»

«Ikaw ba ay isang mananalumpati?»

«Sinabi Ko na sa iyo, Ako ay Awa.»

Ilang mga tao mula sa Gamala, na mga patungo sa kanilang bayan, ay nagsabi: «Siya ay ang Rabbi ng Galilee. Siya Na nag-uutos sa mga sakit, sa mga hangin, sa mga tubig at mga dimonyo, Na gumagawa ng tinapay mula sa mga bato at sa Kanino walang makalalaban. Tayo ay tumakbo sa bayan upang sabihan ang mga tao. Upang ang mga maysakit ay sana makapunta! At marinig sana natin ang Kanyang salita. Tayo ay taga-Israel din!» at ang ilan sa kanila ay tumakbong umalis, ang iba ay nag-ipun-ipon sa paligid ng Guro.

Ang tagapamahala na binanggit kanina ay nagtanong: «Totoo ba ang kanilang sinasabi tungkol sa Iyo?»

«Oo, totoo.»

«Gumawa ng isang himala at maniniwala ako.»

«Hindi ka manghihingi ng mga himala upang maniwala. Hihingi ka ng pananampalataya upang maniwala, at kung gayon makakuha ng isang himala. Pananampalataya at habag para sa iyong kapwa.»

«Ako ay isang pagano...»

«Hindi iyan balidong rason. Naninirahan ka sa Israel na siyang nagbibigay sa iyo ng pera...»

«Dahil nagtatrabaho ako.»

«Hindi. Dahil ginagawa mo ang mga tao na magtrabaho.»

«Alam ko kung papaano papagtrabahuhin ang mga tao.»

«Oo, nang walang-awa. Ngunit hindi mo ba kailanman naisip na sa halip na maging isang Romano ikaw ay naging isang Hudyo, na baka ikaw ang nasa lugar ng isa sa mga taong ito?»

«Eh!... Siyempre... Ngunit hindi ako, sa pamamagitan ng proteksiyon ng mga diyos.»

«Ang iyong walang-kabuluhan na mga diyus-diyusan ay hindi ka mapoprotektahan kung ang totoong Diyos ay gusto kang hampasin. Hindi ka pa patay. Kung kaya't maging maawain upang makatanggap ng awa...»

Ang lalaki ay ibig na sumagot at makipagusap, ngunit kinibit niya ang kanyang mga balikat nang may pagmamataas at tumatalikod siya ay umalis at hinampas ang isang lalaki na tumigil sa pagtatrabaho sa kanyang piko sa isang matigas na mabatong patong sa lupa.

Si Jesus ay tinitingnan ang di-masayang mamâ na hinampas at tinitingnan din Niya ang humampas. Dalawang sulyap ng magkapareho, subalit magkaibang, awa. Ang mga ito ay lubos na napakalungkot, na nagpapaalaala ito sa akin ng ilang mga sulyap ng Kristo sa loob ng Kanyang pasyon. Ngunit ano ang Kanyang magagawa? Dahil wala Siyang kapangyarihan na makialam. Pinagpatuloy Niya ang Kanyang paglalakad, dala ang pasanin ng kabiguan na nasaksihan pa lamang nananatiling mabigat sa loob ng Kanyang puso.

Ngunit ang ilang mamamayan, tiyak na mga kilala, ay tumatakbo mula sa Gamala, at narating nila si Jesus na sa Kaninong harapan sila ay malalim na yumukod inaanyayahan Siya na pumasok sa kanilang bayan at magsalita sa mga tao, na mga dumarating nang grupu-grupo ayon sa kanilang pagkukusa.

«Makapupunta kayo saan man ninyo gustuhin. Sila (at Kanyang tinuturo ang mga manggagawa) ay hindi. Malamig na ngayon at protektado kami rito sa araw. Puntahan natin ang kaawa-awang mga sawing-palad na iyon upang mapakinggan din sana nila ang Salita ng Buhay» tugon ni Jesus. At Siya ang unang kumilos binabalikan ang Kanyang dinaanan at kinukuha ang di-patag na landas na magdadala sa ibaba ng bundok, kung saan mas masakit magtrabaho. Pagkatapos Kanyang kinakausap ang mga kilalang-tao nagsasabing: «Kung nasa inyong kapangyarihan na gawin ito, iutos na itigil ang pagtatrabaho.»

«Tiyak na magagawa namin! Kami ang mga taong nagbabayad at kung babayaran namin ang ilang mga oras para sa wala, ay walang makapagrereklamo»  tugon ng mga lalaki mula sa Gamala at lumakad sila upang magsalita sa mga tagapamahala at pagkaraan ng kaunting mga sandali nakikita ko ang huli na ikinikibit ang kanilang mga balikat, na tila upang sabihin: «Kung kayo ay masaya, bakit kami mag-aalala?» Pagkatapos sumipol sila sa mga samahán, isang senyas na halatang ang ibig sabihin ay pahinga.

Si Jesus pansamantala ay nakapagsalita sa ibang mga tao mula sa Gamala, at nakikita ko sila na tumatango sa pagsang-ayon at mabilis na naglakad nang paalis pabalik sa bayan.

Ang mga manggagawa ay nagmadali sa paligid ng mga tagapamahala nagmumukhang natatakot. «Tumigil sa paggawa. Ang inyong ingay ay nakayayamot sa pilosopo» utos ng isa sa kanila, baka ang ulo sa kanilang lahat.

Ang mga manggagawa ay tumitingin na may pagod na mga mata sa isang itinuro bilang ang pilosopo na siyang nagbibigay sa kanila ng regalo ng isang pahinga. At ang pilosopo na tumitingin sa kanila nang naaawa, ay tumugon sa kanilang mga tingin at sa mga salita ng tagapamahala nagsasabing: «Ang kanilang ingay ay hindi nakayayamot sa Akin, ngunit ang kanilang paghihirap ay nakapamimighati sa Akin. Halikayo, Aking mga anak. Pahingahan ang inyong mga katawan at lalo na ang inyong mga puso malapit sa Kristo ng Diyos.»

Ang populasyon, ang mga alipin, ang kondenadong mga lalaki, ang mga apostol at mga disipulo ay nagsiksikan sa libreng espasyo sa pagitan ng bundok at ng mga trintsera, at ang mga hindi makakita ng lugar doon ay umakyat sa mas matataas na trintsera sa lupa, at ang hindi masyadong masuwerte ay kinalimutan na ang paghahanap ng lugar at pumunta na lang sa kalsada, kung saan ang araw ay sumisikat na. At mas marami pang tao ang dumating mula sa Gamala at marami ring manlalakbay na mula sa ibang mga bayan at patungo sa Gamala ang tumigil din.

May malaking pulutong. At ang mga umalis kani-kanina lamang ay naniniko upang makaraan sa pulutong. May dala silang mabibigat na basket at mga lalagyan. Ipinilit nila ang kanilang daan hanggang sa layo ni Jesus, Na nagbigay tagubilin sa mga apostol na dalhin ang mga manggagawa sa harapan na hanay. Inilagay nila ang mga basket at mga amphora sa paanan ni Jesus.

«Ibigay sa kanila ang mga alay ng pagkakawanggawa» utos ni Jesus.

«Nagkaroon na sila ng kanilang pagkain at mayroon pang ilang tubig na may halong suka at mayroon pang tinapay. Kung sila ay kumain nang labis, mabibigatan sila sa pagtatrabaho» sigaw ng isa sa mga tagapamahala.

Si Jesus ay tinitingnan siya at inulit ang Kanyang utos: «Bigyan sila ng pagkain na bagay para sa mga lalaki, at dalhin sa Akin ang kanilang pagkain.»

Ang mga apostol sa tulong ng mga nagprisinta ay isinagawa ang Kanyang utos.

Ang kanilang pagkain! Isang parang matigas na maitim na balat, hindi bagay para sa mga hayop, at ilang tubig na hinaluan ng suka. Iyan ang pagkain ng mga sentensiyado! Si Jesus ay tiningnan ito at ginawang ilagay ang kaawa-awang pagkain malapit sa tabi ng bundok. At tiningnan Niya ang mga tao na siyang kakain sana nito, mga katawan na di pinakakain nang sapat kung saan tanging ang mga muskulo lamang, na lumaki nang sobra gawa ng kalabisan sa págpapagód, ang nakakahawak sa pamamagitan ng mga tungkos ng mga hibla na bumubukol mula sa mahinang balat, sa nilalagnat na natatakot na mga mata, sa sabik na bunganga na tila parang hayop pa sa pagkagat sa maganda, maraming di-inaasahang pagkain, sa pag-inom ng tunay na nagpapatotoong sariwang alak...

Si Jesus ay matiyagang naghihintay sa kanila na matapos nila ang kanilang pagkain. At hindi Niya kinailangan na maghintay nang matagal sapagkat ang kanilang pananabik ay gayon na lamang na ang lahat ay kaagad nauubos.

Si Jesus ay iniunat ang Kanyang kamay sa kinasanayan nang pagkilos kapag Siya ay malapit nang magsalita, upang makuha ang atensiyon ng mga tao at maipilit ang katahimikan. Sinabi Niya:

«Ano ang nakikita ng mga mata ng tao sa lugar na ito? Mga lambak na hinukay nang mas malalim kaysa sa pagkakalikha sa kanila ng kalikasan, mga burol na pinorma ng tao na may malalaki at mabibigat na mga kuta, mga paliku-likong daan na lumalagos sa bundok katulad ng mga lungga ng mga hayop. At bakit ang lahat na ito? Upang patigilin ang panganib na hindi nalalaman kung kailangan ito darating, ngunit nararamdaman na parating katulad ng isang ulan-na-may-yelo mula sa isang masalimuot na kalangitan.

Sa katunayan sila ay kumilos dito sa isang pantaong paraan, sa pamamagitan ng pantaong kapangyarihan at pamamaraan, kung minsan hindi rin makatao, upang maipagsanggalang ang mga sarili at makapaghanda ng pamamaraan ng pananalakay, hindi iniisip ang mga salita ng Propeta, na nagtuturo sa kanyang sambayanan kung papaano posibleng ipagtanggol ang sarili sa pantaong mga kamalasan sa pamamagitan ng mas mataas-pa-sa-tao na mga pamamaraan, ang pinaka balidong mga pamamaraan. Siya ay sumisigaw: “Aliwin ang aking sambayanan... paginhawahin ang Herusalem, sapagkat ang kanyang pagkaalipin ay tinapos na, ang kanyang kasalanan ay napagbayaran na, sapagkat tumanggap niya mula sa kamay ng Panginoon ng dobleng kaparusahan para sa lahat ng kanyang mga krimen”. At pagkatapos ng pangako pinaliwanag niya ang paraan upang magawa itong totohanan: “Ihanda ang mga daan ng Panginoon, gawing tuwid ang mga daan ng Diyos patungo sa kabila ng disyerto. Ang bawat lambak ay pupunuan, ang bawat bundok ay gagawing mababa, ang paliku-likong daan ay magiging tuwid, ang matigas na daan ay magiging komportable. Pagkatapos ang kaluwalhatian ng Panginoon ay ibubunyag, at ang lahat ns tao, nang walang pinaliliban ay makakakita, dahil ang bunganga ng Panginoon ay nagsalita”. Ang mga salitang iyon ay binanggit ng tao ng Diyos, si Juan bautista, at tanging ang kamatayan lamang ang nagpatahimik sa kanila sa kanyang mga labi.

Iyan, o! mga tao, ang totoong pananggalang laban sa mga kamalasan ng sangkatauhan. Hindi armas laban sa armas, depensa laban sa pananalakay, hindi pagmamataas, hindi kabangisan. Bagkus sobrenatural na mga armas, bagkus mga birtud na kinamit sa pag-iisa, ibig-sabihin, sa panloob ng indibidwal, mag-isa lamang sa sarili, na nagtatrabaho upang mapabanal ang kanyang sarili, nagtatayo ng mga bundok ng karidad, nagbababa ng mga taluktok ng pagmamataas, nagtutuwid ng mga pilipit na daan ng kiling sa pagkakasala, nag-aalis ng mga sensuwal na mga hadlang sa kanyang daan. Pagkatapos ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lilitaw at ang tao ay tatanggapin ang depensa ng Diyos laban sa espirituwal at materyal na mga patibong ng mga kaaway. Ano, inaasahan ba ninyo ang kaunting mga trintsera, ang kaunting mga hadlang na binundok, ang kaunting mga kuta na mailaban sa kaparusahan ng Diyos, kaparusahan na nadala ng tao sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang kasamaan o kahit na ng kanyang kalamigan man lamang? Laban sa mga kaparusahan na pangangalanang: mga Romano, katulad noong nakaraan na sila ay pinangalanang: mga Babylonian, mga Pilisteo, o mga Ehipsiyo, ngunit sa katunayan dibinong mga kaparusahan, at wala nang iba, minarapat dahil sa kalabisan na pagmamataas, sensuwalidad, kasakiman, kasinungalingan, pagmamakasarili, pagsuway sa banal na Batas ng Dekalogo. Ang isang tao, kahit na ang pinakamalakas na tao, ay maaaring patayin ng isang langaw. Kahit na ang ganap na pinatibay na bayan ay maaaring masira ng bagyo kapag ang tao o ang bayan ay walang proteksiyon ng Diyos, na nawawala o napapaalis ng mga kasalanan ng tao o ng bayan.

Ang Propeta ay nagpapatuloy sa pagsasabing: “Ang lahat na laman ay damo at ang lahat na kaluwalhatian nito ay katulad ng isang layas na bulaklak. Ang damo ay matutuyo, ang bulaklak maglalaho kaagad-agad kapag hinipan sila ng hininga ng Diyos”.

Ngayon, sa pamamagitan ng Aking kalooban, tinitingnan ninyo ang mga taong ito nang may habag, samantalang hanggang kahapon tiningnan ninyo sila katulad ng mga makina na napilitan na magtrabaho para sa inyo. Ngayon, dahil inilagay Ko sila, bilang mga kapatid sa pagitan ng mga kapatid, sa gitna ninyo, na mga mayayaman at masasaya, ngayon nakikita ninyo sila sa kung ano sila: mga tao. Ang panunuya at kawalang-pakialam ay nawala sa maraming mga puso at ang awa ang pumalit sa mga ito. Ngunit tingnan sila nang mas malapit, mahigit pa sa kanilang nasisiil na laman. Sa loob nito, sa kanila, ay may isang kaluluwa, isang isip, mga pakiramdam katulad ng nasa loob ninyo. Minsan sila ay katulad ninyo: malusog, malaya, masaya. Pagkatapos hindi na sila ganito. Sapagkat kung ang buhay ng tao ay katulad ng damo na natutuyo, ang kabutihan ng kanyang pagkatao ay mas maselan. Ang mga taong malulusog ngayon, ay maaaring magkasakit bukas, ang mga malaya ngayon, ay baka maging mga alipin bukas, ang masasaya ngayon, ay baka maging di-masaya bukas. Ang ilan sa mga taong ito ay tiyak na may pagkakasala. Huwag husgahan ang kanilang mga pagkukulang, huwag magbunyi sa kanilang pagbabayad-kasalanan. Para sa maraming dahilan, baka kayo mismo ay magiging ang may-pagkakasala bukas at mapipilitan na gumawa ng mahirap na pagbabayad-kasalanan. Kung kaya't maging maawain, sapagkat hindi ninyo nalalaman ang inyong hinaharap, na maaaring ibang-iba kaysa sa kasalukuyan, na baka kakailanganin ninyo ang lahat na dibino at pantaong awa. Kumiling sa pagmamahal at pagpapatawad. Walang tao sa Lupa na hindi nangangailangan na mapatawad ng Diyos at ng ilan ng kanyang mga kapwa tao. Kung kaya't magpatawad, upang mapatawad.

Ang Propeta ay nagpapatuloy upang sabihin: “Ang damo ay natutuyo, mga bulaklak naglalaho; ngunit ang salita ng Diyos ay nananatili magpasawalanghanggan”.

Iyan ang armas at ang pananggalang: ang eternal na Salita na naging ang batas ng lahat ng inyong pagkilos. Itaas ang totoong kuta na iyan laban sa namimintong panganib at kayo ay maliligtas. Kung kaya't tanggapin ang Salita, Siya Na nagsasalita sa inyo, ngunit huwag tanggapin iyan sa materyal na paraan, para sa isang oras lamang sa pagitan ng mga pader ng bayan, bagkus sa loob ng inyong mga puso, magpasawalanghanggan, sapagkat Ako Siya Na nakaaalam, Na kumikilos at Siyang namumuno na may kapangyarihan. At Ako ang mabuting Pastol, Na nagpapastol sa kawan na umaasa sa Kanya, at wala Akong kinalilimutan na sinuman, hindi ang maliliit, o ang mga pagod, nasugatan o nahampas ng masamang suwerte, o ang mga kinalulungkutan ang kanilang mga pagkakamali, o ang mga na, bagama't mayayaman o masasaya, ay kinalilimutan ang lahat upang makamit ang totoong mga kayamanan at kaligayahan: ibig sabihin: ang mapaglingkuran ang Diyos hanggang sa kanilang kamatayan.

Ang Espiritu ng Diyos ay nasa itaas Ko sapagkat ang Panginoon ay pinadala Ako upang ibalita ang Mabuting Balita sa mapagpakumbaba, upang pagalingin ang mga taong may biyak na mga puso, upang ituro ang kalayaan sa mga alipin at ang pagpapalaya sa mga nakukulong. NI hindi masasabi ng sinuman na Ako ay isang manunulsol, sapagkat hindi Ako nanunulsol na magrebelde, ni hindi Ako nagpapayo sa mga alipin at sa mga nakukulong na tumakas, bagkus tinuturo Ko sa taong nakatanikala at sa alipin ang totoong kalayaan at totoong pagpapalaya, na hindi makukuha sa kanila o kahit limitahan pa, dahil habang mas ibinibigay ng tao ang kanyang sarili rito, mas lalo itong lumalaki: espirituwal na kalayaan, pagpapalaya mula sa kasalanan, kababaang-loob sa kapighatian, tinuturo Ko sa kanya na makita ang Diyos lampas pa sa mga taong naglalagay ng mga tanikala sa mga preso, na maniwala na minamahal ng Diyos ang mga nagmamahal sa Kanya, at nagpapatawad kung ang tao ay hindi nagpapatawad, na umasa para sa eternal na lugar ng gantimpala para sa mga taong magtatagumpay sa pagiging mabuti sa loob ng mga kamalasan, na mapagsisisihan ang kanilang mga kasalanan at maging tapat sa Panginoon. Huwag tumangis, mga kalalakihan, na Aking mismong pinatutungkulan, Ako ay naparito upang mapaginhawahan, upang matipon ang mga tinanggihan, upang madala ang liwanag sa kanilang kadiliman, kapayapaan sa kanilang mga kaluluwa, upang mangako ng isang malugod na patutunguhan para sa mga nagsisisi at sa mga hindi nagkasala. Walang nakaraan na makapagpipigil sa Regalong ito na naghihintay sa Langit para sa mga tao na naglilingkod sa Diyos sa loob ng sitwasyon na kanilang kinaroroonan ngayon.

Hindi mahirap, Aking kaawa-awang mga anak, na paglingkuran ang Panginoon. Pinagkalooban Niya kayo ng isang madaling paraan na mapaglingkuran ninyo Siya, sapagkat gusto Niya kayo na maging masaya sa Langit. Ang paglingkuran ang Panginoon ay ang magmahal. Ang mahalin ang kalooban ng Diyos sapagkat minamahal ninyo ang Diyos.  Ang kalooban ng Diyos ay nakatago kahit na sa pinaka para bagang pantaong mga bagay. Sapagkat – Ako ay nagsasalita sa inyo na baka nakapagpadanak ng dugo ng mga kapatid – sapagkat kung talagang ito ay tiyak na hindi ang kalooban ng Diyos na kayo ay maging marahas, ngayon ay ang Kanya nang kalooban na sa pamamagitan ng pagbabayad-kasalanan kailangan na kanselahin ninyo ang inyong mga pagkakautang patungo sa Pagmamahal. Sapagkat, kung hindi kalooban ng Diyos noon na kayo ay magrebelde laban sa inyong mga kaaway, ngayon ay Kanya nang kalooban na kayo ay maging kasing mapagpakumbaba katulad ng kayo noon ay minsan mapagmataas, patungo sa inyong kasiraan. Sapagkat kung hindi kalooban ng Diyos na kailangan makuha ninyo sa pamamagitan ng pandaraya, malaki man o maliit, ang hindi ninyo pag-aari, ngayon ay kalooban na ng Diyos na kayo ay kailangan na maparusahan, upang hindi sana ninyo iharap ang inyong mga sarili sa Diyos na ang inyong mga kasalanan nasa loob ng inyong mga puso. At iyan ay dapat na hindi makalimutan ng mga tao na ngayon ay masasaya, ng mga tao na sa akala nila sila ay ligtas, at sa pamamagitan ng ganyang katangahang kaligtasan huwag ihanda sa loob ng mga ito mismo ang Kaharian ng Diyos, at sa oras ng pagsubok ay magiging katulad ng mga anak na malayo sa bahay ng Ama, nasa awa ng bagyo, sa ilalim ng hagupit ng kirot.

Kailangan ninyong kumilos na may katarungan, at itaas ang inyong mga mata sa bahay ng Ama, sa Kaharian ng Langit, na, sa simula nang mabuksan ang mga tarangkahan nito sa pamamagitan Niya, Na pumunta upang buksan ang mga ito, ay hindi tatangging tanggapin ang sinuman na naabot ang katarungan. Kayo na mga pinutulan sa inyong mga katawan, mga pilay, mga eunuko; o kayo, na pinutulan sa inyong mga espiritu, mga pilay, mga eunuko sa kapangyarihan ng espiritu, tinanggihan sa Israel, huwag matakot na mawalan ng lugar sa Kaharian ng Langit. Ang mga mutilasyon, pamimilay, pagpapasamâ ng mga katawan ay nagtatapos sa mga katawan. Ang moral na mga mutilasyon, pamimilay, pagpapasamâ, katulad ng pagkakakulong at pagkakaalipin, ay magtatapos din isang araw; ang mga ganito rin ng espiritu, na siyang bunga ng nakaraang mga pagkakamali, ay naaayos sa pamamagitan ng mabuting kalooban. At ang materyal na mga mutilasyon ay walang halaga sa mga mata ng Diyos, at ang espirituwal na mga ganito ay kinakansela sa Kanyang mga mata kapag ang nagmamahal na pagsisisi ay tinatakpan ang mga ito.

Ang katunayan na ang isa ay hindi kasama sa banal na Sambayanan ay hindi nakapagpipigil sa isa na makapaglingkod sa Panginoon. Sapagkat dumating na ang panahon kung kailan ang lahat na mga hangganan sa Lupa ay nawala sa harapang ng Tanging Hari, ang Hari ng lahat na mga hari at ng mga tao, ang Hari na nagpupulong ng lahat na mga tao sa iisang sambayanan lamang upang maging ang Kanyang bagong Sambayanan. Ang sambayanan na iyan na ang tanging di maisasama ay ang mga taong susubok na lokohin ang Panginoon sa pamamagitan ng huwad na pagsunod sa Kanyang Dekalogo, na susundan ng lahat na mga tao na may mabubuting kalooban, maging sila man ay mga Hudyo, mga Hentil o mga idolatra. Sapagkat kung saan may mabuting kalooban, diyan mayroong natural na pagkiling sa katarungan, at siya na nakakiling sa katarungan, ay hindi magkakaroon ng kahirapan sa pagsamba sa totoong Diyos, sa simulang makilala niya Siya, sa paggalang sa Kanyang Pangalan, sa pangingilin sa banal na mga araw, sa pagpaparangal sa kanyang mga magulang, sa di pagpatay, pagnakaw, pagsaksi nang kasinungalingan, sa di pagiging nangangalunya o nakikiapid, sa di pagmithi ng hindi niya pag-aari. At siya na hindi pa nagagawa ang mga iyan magpahanggang ngayon, ay kailangan na gawin iyan magmula ngayon, upang ang kanyang kaluluwa ay sana mailigtas at sana makuha niya ang kanyang lugar sa Langit. Ito ay nakasulat: “Bibigyan Ko sila ng isang lugar sa Aking bahay kung susundin nila ang Tipan at gagawin Ko silang malugod”. At iyan ay sinabi hinggil sa lahat na mga tao na may banal na kalooban, sapagkat ang Banal ng mga Banal ay ang panlahatang Ama ng lahat na mga tao.

Ako ay nakatapos na. Ako ay walang pera para sa mga taong ito. Ni hindi iyan magkakaroon ng kahit na anong paggagamitan. Ngunit sinasabi Ko sa inyo, mga mamamayan ng Gamala, na nakagawa ng labis na progreso sa daan ng Panginoon mula nang tayo ay unang nagkita, na kailangan ninyong itayo ang pinaka balidong depensa para sa inyong bayan: ang depensa ng pagmamahal para sa isa’t isa at para sa mga taong ito, sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila sa Ngalan Ko habang nagtatrabaho sila para sa inyo. Gagawin ba ninyo iyan?»

«Oo, Panginoon» sigaw ng mga pulutong.

«Tayo na kung gayon. Hindi Ko papasukin ang inyong bayan kung ang katigasan ng inyong mga puso ay tumugon ng “hindi” sa Aking hiling. Harinawang kayo, na mga mananatili rito, ay pagpalain... Tayo na...»

At bumalik Siya sa daan, ngayon baha na sa sikat ng araw at umakyat sa bayan na halos itinayo sa ibabaw ng bato katulad ng isang bayan ng mga sinaunang mga tao, ngunit may mga bahay na mabuti ang pagmamantini at isang magandang sari-sari’t iba't ibang tanawin, ayon sa direksiyon kung saan nakatingin ang isa, sa mga bundok ng Hauran o sa karagatan ng Galilee, sa malayong Great Hermon o sa berdeng lambak ng Jordan. Ang bayan ay malamig dahil sa pagkakatayo nito, sa itaas, at may mga kalsada na nakapagpoprotekta sa mainit na araw. Mas nagmumukha ito na isang napakalaking kastilyo kaysa sa isang bayan, isang kabit-kabit na mga kuta, sapagkat ang mga bahay, kalahati gawa sa laryo ang kalahati nakabaon sa bundok, ay tila mga kuta.

Sa pinaka liwasan, ang pinakamataas sa kanilang lahat, sa pinakamataas na bahagi ng bayan – kasisiyahan ng mga mata ng isa kung gayon ang isang malawak na tanawin ng mga bundok, mga kakahuyan, mga lawa, mga ilog, lahat nasa ibaba – ay ang mga may-sakit na tao ng Gamala. At si Jesus ay dumaraan pinagagaling sila...

310511

 


Sunod na kabanata