454. Mula Gamala Hanggang Aphek.

Hulyo 13, 1946.

Maaaring nagpalipas sila ng gabi sa Gamala, sapagkat ngayon ay umaga na, isang mahanging umaga. Baka kinalulugdan ng bayan ang hangin, na napakakaaya-aya sa silanganing mga bansa, dahil sa kinaluluklukan nito at sa tera-terasa na konstruksiyon nito mula sa tuktok ng bayan hanggang sa mga pader nito, na malalaki at may malalaking pinto na balot ng mga bakal, tipiko ng isang muog. Kung ang bayan ay nagmumukhang maganda sa akin kahapon, kung kailan ito ay nakalantad sa araw, ngayon ito ay tila napakaganda. Ang mga bahay, nakaayos nang katulad nito, ay hindi nakakaharang sa napakalaking tanawin, sapagkat ang terasa ng isang bahay ay kasing-taas ng nasa itaas na kalsada, upang ang bawat kalsada ay nagmumukhang isang mas mahabang terasa mula kung saan posibleng tingnan at hangaan ang orisonte. Ang buong paikot ng orisonte ay maaaring makita mula sa tuktok ng bundok, samantalang sa mas mababang lebel ito ay hindi ang buong paikot, ngunit napakalaki pa rin at napakaganda.

Sa paanan ng bundok ang kaberdehan ng mga kakahuyan ng terebinto at ng kabukiran ay nagiging ang esmeraldang tampukan sa kabila ng malalim na tigang na lambak na pumapaligid sa bundok ng Gamala. Pagkatapos sa silangan, hanggang sa maaabot ng mga mata, ay naroroon ang mga pagbubukid sa kapatagan sa itaas, sa “plateau”. (Sa palagay ko iyan ang tawag sa malawak na mabababang elebasyon ng kaibabawan ng lupa, ngunit kung ako ay mali, pakiusap na itama ito sa ngalan ko sapagkat wala akong diksiyunaryo sa malapit sa akin. Sa katunayan ako ay nag-iisa sa loob ng aking silid at imposible para sa akin na kunin ang diksiyunaryo na nasa ibabaw ng panulatan-na-mesa, kulang-kulang sa tatlong metro ang layo mula sa akin. Sinasabi ko ito upang mapaalalahanan kayo na siya na nagsusulat ay nakapako sa kanyang kama.) Sa kabila ng malaking plateau ay ang mga bundok ng Hauran at sa mas malayo pa ang pinakamatataas na mga taluktok ng Bashan; sa gawing timog ang matabang bahagi ng lupa sa pagitan ng asul na Jordan at ng ang walang-patid na siksik na lupa na tumataas na nasa silanganing tabi ng ilog at nakakatulad ang isang nakausling pamprotektang muog ng malaking plateau, sa gawing hilaga ay ang malalayong kabit-kabit na mga bundok ng Lebanon na napangingibabawan ng mapagdominang Hermon na naaadornohan ng napakaraming kulay sa kaagahan ng umagang ito. At sa ibaba, malapit na kanluran, ay ang hiyas ng Karagatan ng Galilee. Isang tunay na hiyas nakakabit sa isang asul na kuwintas ng isang ibang pagka-asul na Jordan dumadaloy nang papasok at palabas ng lawa, mas makipot kung saan ito pumapasok, mas malapad kung saan nagpapatuloy itong dumaloy nang pagawing timog, nagniningning sa ilalim ng araw, mapanatag sa pagitan ng mga berdeng pampang nito,  tunay na bibliko. Ang maliit na lawa ng Merom, sa halip, ay hindi makita, nakatagong katulad nito sa likuran ng mga burol sa hilaga ng Bethsaida, ngunit maguguni-guni ng isa kung nasaan ito sa pamamagitan ng mayabong na kaberdehan ng nakapaligid na kabukiran, na umuunat nang pagawing hilagang-kanluran sa pagitan ng Karagatan ng Galilee at ng lawa ng Merom, sa kapatagan kung saan tumataas ang Korazim. Sa palagay ko noong nakaraan napakinggan ko ang mga apostol na nagsasabi na ito ay ang kapatagan ng Gennesaret.

Si Jesus ay iniiwan ang mga mamamayan, na, nagmamalaki ng kanilang bayan, ay abalá sa pagpapakita sa Kanya ng magagandang tanawin ng kagiliran at ng mga lugar ng bayan na may mga padaluyan ng tubig, maiinit na paliguan at magagandang mga gusali. «Ang lahat ay nagawa sa pamamagitan ng aming pagtatrabaho at ng aming pera. Sapagkat natuto kami sa mga Romano at ginaya namin ang kanilang halimbawa hanggang man lang sa mapakikinabangan na mga bagay, ngunit hindi kami katulad ng ibang mga tao sa Decapolis! Binabayaran namin ang mga Romano at pinaglilingkuran nila kami. Ngunit hanggang diyan lamang! Kami ay matatapat. Ang amin ding pagkakahiwalay ay isang tanda ng katapatan...»

«Tiyakin na ang inyong katapatan ay hindi lamang pormal, bagkus tunay, taimtim, makatarungan. Kung hindi ang inyong mga ginawang pananggol ay magiging walang-silbi. Inuulit Ko iyan. Kita ninyo? Itinayo ninyo ang padaluyan na ito. ito ay solido at mapakikinabangan. Ngunit kung hindi ito natutustusan ng isang malayong bukal, magbibigay ba ito ng tubig sa inyong mga pontanya at maiinit na paliguan?»

«Hindi. Wala iyang maibibigay sa amin ng kahit na ano. Iyan ay magiging walang kahit na anong pakinabang.»

«Nasabi ninyo iyan: walang-pakinabang. gayon din naman ang natural o artipisyal na mga pananggol ay walang-pakinabang kung ang mga nagtayo nito ay hindi ito pinalalakas sa pamamagitan ng tulong ng Diyos, at ang Diyos ay hindi tumutulong sa mga hindi Niya kaibigan.»

«Guro, Kayo ay nagsasalita na tila nalalaman Ninyo na kami ay may malaking pangangailangan ng Diyos...»

«Ang lahat na mga tao ay nangangailangan ng Diyos, at para sa lahat na bagay.»

«Oo, Guro. Ngunit... tila magkakaroon kami ng mas malaking pangangailangan kaysa alin pa mang ibang bayan sa Palestina at...»

«O!...» isang nakapamimighating bulalas...

Ang sambayanan ng Gamala ay tinitingnan Siya nang di-mapalagay. Ang pinakamatapang sa kanila ay nagtanong: «Ano sa Inyong palagay? Na aming daranasin muli ang matatagal nang mga kinatatakutan?»

«Oo, at kahit ang mas nakakatakot pang iba, at mga mas tatagal... mas tatagal!... o! Aking Amangbayan! Mas labis pang tatagal... At iyan ay mangyayari kung hindi ninyo tatanggapin ang Panginoon!»

«Tinanggap namin Kayo.  Kung gayon kami ay ligtas! Noong nakaraan umasal kami nang may katangahan, ngunit pinatawad na Ninyo kami...»

«Tiyakin na kayo ay magpupursige sa inyong kasalukuyan na katarungan sa Akin, at na kayo ay lalago sa katarungan ayon sa Batas.»

«Gagawin namin iyan, Panginoon.»

Gusto nilang sundan Siya at maantala Siya nang mas matagal pa, ngunit gusto ni Jesus na masamahan na Niya ang mga kababaihan na mga nauna nang makaalis nakasakay sa kanilang mga asno at pinilit Niyang makalaya mula sa kanilang pamimilit bumababang mabilis sa daan na Kanyang pinanggalingan kahapon. Naghinay-hinay lamang Siya nang Siya ay nasa lugar na kung saan ang mga manggagawa ay nagtatrabaho, upang itaas ang Kanyang kamay sa pagpapalà sa di-masasayang lalaki na nakatingin sa Kanya katulad ng nakatingin ang isa sa Diyos.

Sa paanan ng bundok ang daan ay naghihiwalay, ang isa ay nagpapagawing lawa, ang isa pagawing looban ng kalupaan. Ang apat na asno ay nasa huling binanggit na daan at tumutrote itong nagtataas ng mga alikabok mula sa daan na natuyo ng tag-init, at ikinakaway ang kanilang mahahabang tainga. Paminsan-minsan ang isa sa mga babae ay tumitingin sa likuran upang makita kung si Jesus ay sasama sa kanila, at gugustuhin nilang tumigil upang maghintay para sa Kanya, ngunit sa pamamagitan ng Kanyang kamay sinisenyasan Niya sila na magpatuloy upang makaalis nang mabilis sa walang-lilim na haba ng daan kung saan ang araw ay nagbubuhos ng matinding init, at sa gayon marating ang mga kakahuyan na umaakyat pagawing Aphek. Malamig sa loob ng mga kakahuyan na may magkakasabid na mga sanga sa ibabaw ng landas. Pinasok nila ito nang masaya, na may mga pagbulalas ng kaginhawahan. Ang Aphek ay mas nasa loob pa ng kalupaan mula sa Gamala. Ito ay nasa pagitan ng mga bundok at kung gayon hindi na posibleng makita ang lawa ng Galilee. Sa katunayan hindi na posibleng makakita ng kahit ano pa man sapagkat ang daan ay umaakyat nang nasa pagitan ng dalawang bakod na mga tanim na katulad ng mga panakip.

Ang balo ay ang nangunguna sa kanilang lahat upang maituro ang pinakamaikling daan, ibig sabihin, iniiwan niya ang daanan at kinukuha ang isang landas na umaakyat sa bundok at ito ay mas malamig at mas malilim. Ngunit naintindihan ko ang rason ng paghiwalay nang, lumilingon mula sa kanyang siyá, sinabi ni Sarah: «Tingnan. Ang mga kakahuyan na ito ay akin. Mahahalagang punungkahoy. Nanggaling pa ito sa kasing layo ng Herusalem upang makagawa ng mga baul para sa mayayamang tao. At ito ay matatanda nang mga punungkahoy; ngunit ako ay may mga álagaan din ng mga bagong punla. Halikayo. Tingnan...» at kanyang pinalakad ang kanyang asno pababa sa matatarik na dalisdis, pagkatapos pinaaakyat sa mga taluktok at pagkatapos pababa muli, sinusundan ang isang maliit na landas na pumapasok sa kanyang mga kakahuyan kung saan may mga sona na may matatandang punungkahoy, handa nang putulin, at mga sona na may murang mga tanim, kung minsan mga kaunting sentimetro pa lamang ang taas mula sa lupa, sa pagitan ng mga yerba, nangangamoy ng lahat na bango ng bundok.

«Ang lugar na ito ay maganda at mabuting napangangalagaan. Ikaw ay isang marunong na babae» sabi ni Jesus pinapupurihan siya.

«O!... Ngunit para sa aking sarili lamang... Pangangalagaan ko ang lahat nang mas masigasig, kung ako ay may isang anak...»

Si Jesus ay hindi tumutugon. Sila ay nagpapatuloy. Ang Aphek ngayon ay makikita na sa gitna ng mga taniman ng mga mansanas at ng iba pang mga namumungang-punungkahoy.

«Ang lootan na iyan ay akin din. Labis para sa aking sarili lamang!... Labis na ito noon nang nakakasama ko pa ang aking asawa. Sa loob ng mga gabi madalas kaming nagtitinginan sa isa’t isa sa loob ng bahay na labis na walang-laman, napakalaki, napakaraming pera at may pag-aari ng produktong napakarami para sa amin at madalas naming sabihin sa isa’t isa: “At para kanino?”. At sinasabi ko ito nang mas lalo pa ngayon...» Ang lahat na kalungkutan ng isang baog na kasal ay nangingibabaw mula sa mga salita ng babae.

«Laging naririyan ang mahihirap na tao...» sabi ni Jesus.

«O! oo! At ang aking bahay ay bukas sa kanila araw-araw. Ngunit pagkatapos...»

«Ang ibig mo bang sabihin ay kung ikaw ay patay na?»

«Oo, Panginoon. Magiging masakit ang iwanan, kanino?... ang mga bagay na aking pinangalagaan...»

Si Jesus ay ngumingiti nang bahagya, isang ngiti na punó ng awa. Ngunit Siya ay tumugon nang may-kabaitan: «Mas marunong ka ng tungkol sa mga bagay ng Lupa kaysa ng tungkol sa mga bagay ng Langit, babae. Pinangangalagaan mo na matiyak na lalago nang mabuti ang iyong mga punungkahoy at na walang maiiwan na parang sa iyong mga kakahuyan. Namimighati ka na pagkatapos wala sa kanilang titingin katulad ng may tumitingin sa kanila ngayon. Ngunit ang ganyang mga kaisipan ay hindi napakadunong, hindi lang, bagkus iyan ay ganap na katangahan. Sa palagay mo ba na sa susunod na buhay ang kaawa-awang mga bagay na ganyan katulad ng mga punungkahoy, mga prutas, pera, mga bahay ay may halaga man lamang? At nakalulungkot na makita silang napababayaan? Baguhin ang iyong mga idea, babae. Ang mga idea ng mundong ito ay wala roon, wala sa ni isa sa tatlong mga kaharian. Sa Impiyerno ang poot at kaparusahan ay napalalabo nito ang mga isip nang may-karahasan. Sa Purgatoryo ang pagnanasa para sa pagbabayad-kasalanan ay nakakansela nito ang bawat iba pang kaisipan. Sa Limbo ang mabunying paghihintay ng makatarungan ay hindi naparurumi ng kahit na anong sensuwalidad. Ang Lupa ay malayo, kasama ang mga paghihirap nito; ito sa kabilang dako ay malapit kasama ang sobrenatural na mga pangangailangan nito, ang mga pangangailangan ng mga kaluluwa, hindi ang mga pangangailangan ng mga bagay. Ang patay, na hindi naisumpa, ay binabaling ang kanilang mga espiritu patungo sa Lupa dala lamang ng sobrenatural na pagmamahal, at kanilang pinaaabot ang kanilang mga panalangin sa Diyos sa katauhan ng mga nasa Lupa, hindi para sa ano pa man na ibang rason. At kapag papasukin ng makatarungan ang Kaharian ng Diyos, magiging ano sa palagay mo ang miserableng kulungan na ito, ang lugar ng pagkakapatapon na ito na pinangalanang: Lupa, para sa isang kaluluwang nagninilay-nilay tungkol sa Diyos? Ano? Iisipin ba ang mga bagay na naiwan doon? May kalungkutan bang lilingunin ng maliwanag na umaga ang isang mausok na lampara, kung ito ay napaliliwanagan ng araw?»

«O! hindi.»

«Kung gayon? Bakit ka nagbubuntung-hininga para sa kung ano ang maiiwanan mo?»

«Ngunit gusto ko ng isang pagmamanahan upang maipagpatuloy ang...»

«Ang kalugdan ang makalupang mga kayamanan at mapigilan nito na maging perpekto, samantalang ang pagkakatikal sa mga kayamanan ay ang pamamaraan upang makamit ang eternal na mga kayamanan? Tingnan mo, babae? Ang pinakamalaking hadlang na nagpipigil sa iyo na makuha ang inosenteng batang ito ay hindi ang kanyang ina kasama ang kanyang karapatan sa kanyang anak, bagkus ang iyong puso. Siya ay isang inosente, isang malungkot na inosente, subalit isa pa rin na inosente na mahal sa Diyos dahil sa kanyang paghihirap. Ngunit kung magawa mo siyang mapangamkam, sakim, baka mabisyo, sa pamamagitan ng kung ano ang mayroon ka, hindi mo ba siya mapagkakaitan ng pagkakagusto ng Diyos para sa kanya? At sa dahilan na pinangangalagaan Ko ang inosenteng mga batang ito, kailangan ba Akong maging isang pabayang guro na mailigaw ang kanyang mga inosenteng disipulo? Asikasuhin mo muna ang iyong sarili, alisan mo ang iyong sarili ng labis-labis pang buháy na pagiging-tao, palayain mo ang iyong katarungan  mula sa balakbak ng pagiging-tao na pumipigil dito, at ikaw pagkatapos ay magiging karapat-dapat na maging isang ina. Sapagkat hindi lamang ang nanganganak ng isang sanggol ang isang ina, o ang nagmamahal ng isang inampon na bata at nag-aalaga sa kanya at nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan ng isang hayop na nilikha. Ang ina rin ng bata ito ay ang nagpanganak sa kanya. Ngunit siya ay hindi isang ina sapagkat hindi niya inaalagaan ang kanyang katawan o ang kanyang espiritu. Ang isang babae ay isang ina kung kanyang inaalagaan higit sa lahat ang kung ano ang hindi namamatay, ibig-sabihin ang mga bagay ng tungkol sa espiritu, hindi lamang kung ano ang mamamatay, ibig-sabihin ang mga bagay na tungkol sa materyal. At maniwala sa Akin, babae, ang mga nagmamahal sa espiritu, ay mamahalin din nila ang katawan, sapagkat taglay nila ang tamang pagmamahal at kung gayon sila ay magiging makatarungan.»

«Nakikita ko na nawala na sa akin ang bata...»

«Hindi kinakailangan. Pabayaan ang iyong mithiin na itulak ka na maging banal at pagbibigyan ka ng Diyos. Laging magkakaroon ng mga ulila sa mundo.»

Sila ay nasa unang mga kabahayan na. Ang Aphek ay hindi isang bayan na maaaring makipagkompetensiya sa Gamala o sa Hippo. Ito ay mas rural kaysa ano pa man, ngunit sa dahilan na ito ay baka isang mahalagang sangahan ng daan, ito ay hindi isang mahirap na bayan. Bilang isang daanan na bayan para sa mga karabana na naglalakbay mula sa mga liblib na lugar patungo sa lawa, o mula sa hilaga patungong timog, ito ay nakatalagang magkaroon ng mga panustos sa mga manlalakbay katulad ng mga matutuluyan, mga damit, mga sandalyas at mga makakain, at dahil dito marami ritong mga tindahan at mga hotel.

Ang bahay ng balo ay malapit sa isang hotel sa liwasan at ang unang palapag ay isang malaking tindahan na may lahat na klase ng mga paninda at pinamamahalaan ng isang matandang balbasin na may malaking-ilong na lalaki, sumisigaw nang matinis katulad ng isa sa mga naisumpa sa ilang kuripot na mga mamimili.

«Samuel!» tawag ng babae.

«Sinyora!» tugon ng matandang lalaki yumuyuko hanggang sa bàba na maipahihintulot sa kanya ng mga paldo ng mga paninda na nakatambak sa harapan niya.

«Ipadala si Elias o si Felipe rito at tagpuin ako sa bahay» utos ng balo at pagkatapos, kinakausap ang Guro, sinabi niya: «Halikayo. Tuloy Kayo sa aking bahay at maging ang aking panauhing pandangal»

Lahat sila ay pumasok, dumaraan sa bodega, habang ang mga asno ay dinadala sa kung saan ng isang matangkad na batang lalaki na dumating para sa kanila. Sa kabila ng bodega, na hindi nagbibigay sa bahay ng isang may-sining na hitsura, ay isang mabuting bakuran na may mga balkonahe sa dalawang tabi. Sa gitna ay may isang pontanya, o, isang ipunan man lamang ng tubig, sapagkat walang tubig na dumadaloy. Ang malalakas na punungkahoy sa mga tabi ay nagpapalilim sa pininturahang-puti na mga pader. Ang isang hagdanan ay patungo sa terasa. Ang mga pinto ay nagbubukas patungo sa walang-balkonaheng mga tabi: ang pinakamalayo sa bodega.

«Dati, noong mga araw ng aking asawa, ito ay puno, at nagbibigay kami ng mga matutuluyan sa mga mangangalakal na inabutan ng gabi. Ang mga balkonahe ay para sa mga paninda, mayroong mga establero para sa mga hayop at ang pontanya sa banda roon ay upang mapainom sila. Pumasok kayo sa mga silid» at tinatawid niya nang pahilis ang bakuran pumupunta sa pinakamagandang bahagi ng bahay. Siya ay tumawag: «Maria! Johanna!»

Dalawang babaeng katulong ang dumating, ang isa ang kamay ay puno ng harina sa pagmamasa ng tinapay, ang isa ay may walis sa kanyang kamay.

«Sinyora! Kapayapaan sa inyo at sa amin, ngayon na kayo ay nakabalik na.»

«At sa inyo. Nagkaroon ba ng kahit anong problema sa nakaraang mga araw na ito?»

«Si Jose, ang hilong lalaki na iyon, ay nabali niya ang rosal na gustung-gusto ninyo. pinalo ko siya nang husto. Kailangan na hampasin ninyo ako sa pagpahintulot sa kanya na makalapit sa tanim.»

«Iyan ay walang halaga...» ngunit ang mga luha ay bumubukal sa mga mata ni Sarah na pinangangatwiranan ito sa pagsasabing: «Dinala iyan sa akin ng aking asawa noong huling tagsibol nang siya ay malusog pa...»

«At si Elias ay napilay ang paa, na nagpagalit kay Samuel, sapagkat wala siyang katulong sa abalang mga araw ng palengke... Nahulog siya sa hagdanan sa kabila ng bahay, habang nakatuntong siya roon sa pagpapaputi sa mga pader para sa inyo» sabi ng isa pang babae at nagtatapos siya: «Naghihirap siya nang labis at mananatili siyang pilay. At kayo, sinyora, nagkaroon ba kayo ng isang kaaya-ayang paglalakbay?»

«Katulad ng hindi ko kailanman aasahan. Ako ay nakabalik kasama ang Rabbi ng Galilee. Bilis! Gumawa ng mga paghahanda para sa aking mga panauhin. Pasok, Guro!»

Pinasok nila ang bahay dumaraan sa harapan ng dalawang natulalang mga babaeng katulong.

Sila ay tinanggap sa loob ng isang malaking malamig na silid, sa loob ng malabong liwanag, na may mga upuan at mga baul. Ang balo ay lumabas upang magbigay ng mga tagubilin, at si Jesus ay tinawag ang mga apostol upang ipadala sila sa bayan upang ihanda ang mga tao para sa Kanyang pagdating. Si Samuel ay pumasok, na mula sa pagiging isang dispatsador ay naging isang mayordomo, sinusundan ng mga babaeng katulong na may mga pitsel at mga palanggana, para sa puripikasyon bago hawakan ang pagkain, na dala sa loob ng isang malaking trey: mga tinapay, prutas, gatas.

Ang maybahay ay bumalik: «Sinabi ko sa aking katulong na Kayo ay naririto. Nakikiusap siya sa Inyo na maging maawain sa kanya at nakikiusap ako sa Inyo na maging maawain din sa akin. Maraming mga tao ang dumaraan dito para sa Kapistahan ng mga Tabernakulo. At ang pagdating ng mga tao ay nagsisimula kaagad pagkatapos ng bagong buwan ng Tishri. Hindi ko alam kung papaano namin ito magagawa, kung siya ay may kapansanan...»

«Sabihin sa kanya na pumunta rito.»

«Hindi niya magagawa. Hindi siya makatayo.»

«Sabihin sa kanya na ang Rabbi ay hindi sa kanya makakapunta, ngunit ibig siyang makita.»

«Sasabihin ko si Samuel at si Jose na kunin siya.»

«Iyan ang magiging huling dagok! Ako ay matanda na at pagod» pabulong ni Samuel.

«Sabihin kay Elias na pumarito sa pamamagitan ng kanyang sariling mga paa. Gusto Ko iyan.»

«Isang kaawa-awang rabbi! Kahit na si Gamaliel ay hindi iyan magagawa» pabulong muli ng matandang katulong.

«Maging tahimik, Samuel!... Patawarin siya, Guro! Siya ay isang tapat na katulong. Siya ay pinanganak dito ng mga katulong ng pamilya ng aking asawa, siya ay masipag at tapat... ngunit matigas sa kanyang mga idea ng isang lumang Israelita...» paliwanag ng balo sa isang mababang tinig upang mapagpaumanhinan siya.

«Naiintindihan Ko ang kanyang espiritu. Ngunit ang himala ay mababago siya. Lumakad at sabihin kay Elias na pumarito at siya ay paparito.»

Ang balo ay lumakad at bumalik: «Sinabi ko sa kanya. At tumakbo akong umalis dahil ayaw kong makita siya na ilagay niya ang kanyang maitim na magang paa sa sahig.»

«Hindi ka ba naniniwala sa isang himala?»

«Oo, naniniwala ako. Ngunit ang paang iyon ay nakakatakot... natatakot ako na iyon ay magkakanggrena at mabulok nang ganap. Iyon ay nangingintab, napakakimtab... nakakatakot at... O!»

Ang pagkakaputol sa kanyang pagsasalita at ang pagbulalas ay dahil sa katotohanan na nakikita niya si Elias na tumatakbo patungo sa kanila, mas maliksi kaysa sa isang malusog na lalaki, at itinapon ang sarili sa paanan ni Jesus nagsasabing: «Papurihan ang Hari ng Israel.»

«Papurihan ang Diyos lamang. Papaano ka nakapunta? Papaano ka naglakas-loob?»

«Sumunod ako. Inisip ko: “Ang Banal na Isa ay hindi magsisinungaling. Ni hindi Siya mag-uutos ng mga katangahang bagay. ako ay may pananampalataya, naniniwala ako” at iginalaw ko ang aking paa. Hindi na iyon masakit, naigagalaw ko iyon. Inilagay ko ang aking paa sa sahig, ang aking paa ay matatag. Humakbang ako. Ako ay nakapaglalakad. Tumakbo ako rito. Hindi binibigo ng Diyos ang mga naniniwala sa Kanya.»

«Tumayo ka, lalaki. Sasabihin Ko sa inyo na kakaunting mga tao ang may pananampalataya na katulad ng lalaking ito. Mula kanino mo nakuha ito?»

«Mula sa Inyong mga disipulo na pumaparito nagtuturo ng tungkol sa Inyo.»

«Ikaw lamang ba ang nakarinig sa kanila?»

«Hindi, ang lahat ay nakarinig sa kanila, sapagkat sila ay aming mga panauhin dito bago ang Pentekostes.»

«At ikaw lamang ang naniwala... Ang iyong espiritu ay abanteng-abante sa mga pamamaraan ng Panginoon. Magpatuloy...»

Si Samuel ay nakuha nang ganito at nakuha sa pamamagitan ng magkakalaban na mga damdamin...Ngunit, katulad ng marami sa Israel, hindi niya maitikal ang kanyang sarili sa lumang mentalidad para sa bago, at nananatili siya sa kanyang pananaw nagsasabing: «Mahika! Mahika! Ito ay nakasulat: “Ang Aking sambayanan ay hindi mahahawahan ng mga salamangkero at mga manghuhula. Kung ang isang tao ay lumapit sa kanila, haharapin Ko siya at sisirain Ko siya”. Manginig kayo sa takot, sinyora, kung hindi baka kayo maging di matapat sa mga batas!» at siya ay umalis na may natigilan na tingin, na tila nakakita siya ng isang dimonyo na ipinuwesto sa loob ng bahay.

«Huwag Ninyo siyang parusahan, Guro! Siya ay matanda na! Ganyan lagi ang kanyang paniniwala...»

«Huwag matakot. Kung kinailangan Kong parusahan ang lahat na nagsasabi na Ako ay isang dimonyo. Maraming mga libingan ang magbubukas upang lunukin ang mga biktima. Hindi Ako makapaghintay... Magsasalita Ako pagsikat ng araw... Pagkatapos iiwanan Ko ang Aphek. Sumasang-ayon na Akong manatili sa ilalim ng iyong bubungan.»

120611

 

 


Sunod na kabanata