455. Ang Pagtuturo sa Aphek.

Hulyo 15, 1946.

Si Jesus ay nagsasalita sa mga mamamayan ng Aphek mula sa pamasukan ng pintuan ng bodega ni Sarah. Ang Kanyang mga tagapakinig ay isang halo ng mga tao, na mas mausisa kaysa sa maasikasong tagapakinig at kung saan ang mga Hudyo ay hindi kasing dami ng ibang mga lahi, karamihan mangangalakal at mga peregrino na mga dumaraan lamang, ang ilan pagawing lawa, ang ilan nakahanda nang bumaba patungo sa bantilan ng Jericho, ang ilan nanggagaling sa silanganing mga bayan nasa kanilang paglalakbay patungo sa baybaying mga bayan.

Sa kasalukuyan ito ay hindi tunay na isang talumpati, bagkus mga tugon ni Jesus sa lalaking ito at sa lalaking iyon, isang pag-uusap kung saan ang lahat ay nakikinig, bagama't nang may iba't ibang damdamin, malinaw na naipakikita ng kanilang mga hitsura at ng kanilang mga salita, na nagagawa akong maintindihan ko kung sino sila at kung saan sila patungo. Ang pag-uusap kung minsan ay nagbabago sa tono at sa mga kasali sa usapan, sapagkat, habang nakakalimutan si Jesus, ito ay nagiging isang pagtatalo sa pagitan ng mga tao na naroroon gawa ng lahi at pagkakaiba ng mga opinyon.

Kung gayon ang isang matandang lalaki ng Joppa ay nakikipag-away sa isang mangangalakal mula sa Sidon, dahil ang huli ay ipinagtatanggol ang Guro laban sa di-paniniwala ng Hudyo, na hindi tanggapin na si Jesus ay ang Hinihintay na Isa ng mga nasyon. At nagkaroon ng kagulo ng mga banggit mula sa Banal na mga Iskriptura, nagagamit nang tama o mali, pinasisinungalingan ng isang simpleng pangungusap ng Syro-Phoenician na nagsasabi: «Hindi ako interesado sa mga salitang iyan, ngunit sasabihin ko na iyon ay Siya, sapagkat nakita ko ang Kanyang mga himala at napakinggan ko ang Kanyang mga salita.» Ang pagtatalo ay lumaki, dahil ang ibang mga tao ay sumasali rito, at ang mga laban sa Kristo ay sumisigaw: «Si Beelzebub ay tinutulungan Siya. Ang Banal na Tao ng Diyos ay hindi ganyan, Siya ay isang Hari. Siya ay hindi isang huwad na rabbi at isang pulubi» habang ang mga tao na kapareho ang opinyon ng lalaki mula sa Sidon ay tumugon: «Ang marurunong na tao ay mahirap sapagkat sila ay tapat. Ang mga pilosopo ay hindi nakadamit sa ginto at pagmamataas katulad ng inyong huwad na mga rabbi at mga pari.» At maiintindihan ng isa na ito ang kanilang sinasabi sapagkat sila ay hindi mga Hudyo, bagkus mga Hentil mula sa iba't ibang bansa, na nagkataon na nasa Palestina o naging mga tagaroon sa huli, ngunit mga pagano pa rin.

«Mga suwail na tao!»

«Kayo ang suwail, sapagkat hindi ninyo makita ang dibinidad ng Kanyang isip» tugon ng ilan.

«Hindi kayo karapat-dapat na Siya mapunta sa inyo. Ngunit, sa ngalan ni Jove! Aming sinumpa si Socrates at ipinaghirap namin ang mga konsekwensiya nito. Sasabihin ko, isipin kung ano ang inyong ginagawa. Mag-ingat kung hindi baka kayo mahampas ng mga diyos, katulad namin nang makailang beses» sigaw ng isa, tiyak na isang Griyego.

«Ah! Mga hentil pinagtatanggol ang hari ng Israel!»

«At ilang mga Samaritano! At nagmamalaki kami ng pagiging ganito, sapagkat pangangalagaan namin ang Rabbi nang mas mabuti pa kaysa sa inyo, kung Siya ay pumunta sa Samaria. Ngunit kayo... Naitayo ninyo ang Templo. Ito ay maganda, ngunit iyan ay isang sepulkro puno ng kabulukan kahit na kung tinakpan ninyo iyan ng ginto at mahahalagang marmol» sigaw mula sa dulo ng mga pulutong ng isang matangkad na personahe nakasuot ng linen, may mga borlas at mga burda, may mga laso sa kanyang baywang, mga ribon, mga pulseras...

«Ah! isang Samaritano!» at tila sinasabi nila: «ang dimonyo» nang napakalakas ang di-makapagbata na nahihintakutan na mga Hudyo ay tumatabi na tila ang lalaki ay isang ketongin. At tumatakbong umaalis sila ay sumigaw kay Jesus: «Palayasin siya! Siya ay di-puro...»

Ngunit si Jesus ay walang pinalalayas na sinuman. Nagsisikap Siyang mapanatili ang kaayusan at katahimikan, sa tulong ng mga apostol, nang walang masyadong mangyari. Kung kaya't upang matapos ang pagtatalu-talo, sinimulan Niya ang Kanyang sermon.

«Nang ang sambayanan ng Diyos, pagkatapos ng kamatayan ni Miriam sa Kadesh, ay nagrebelde sa disyerto dahil sa kakulangan sa tubig at sumigaw laban kay Moses, sa kanilang tagapagligtas at pinuno mula sa lupain ng kasalanan hanggang sa ipinangakong lupa, na tila siya ay ang kanilang baliw na tagapagsirà, at binabatikos nila si Aaron bilang isang walang-silbing pari, pinasok ni Moses ang Tabernakulo kasama ang kanyang kapatid at sila ay nagsalita sa Panginoon humihingi ng isang himala upang mapatigil ang pagrereklamo ng mga tao. At ang Panginoon, bagama't hindi Siya obligadong magbigay sa bawat hiling, lalo na kung ito ay isang marahas na hiling nanggagaling sa mga espiritu na nawalan ng banal na pagtitiwala sa awa’t tulong ng Maykapal, ay nagsalita kay Moses at kay Aaron. Siya ay maaaring nakapagsalita kay Moses lamang, sapagkat si Aaron, bagama't ang Mataas na Pari, ay nawala sa kanya isang araw ang pabor ng Diyos dahil sa kanyang pagsamba sa diyus-diyusan. Ngunit ang Diyos ay ginustong masubukan siyang muli at mabigyan siya ng pagkakataon na siya ay lumaki sa grasya sa mga mata Niya. At inutusan Niya sila na kunin ang sanga ni Aaron na inilagay sa loob ng Tabernakulo pagkaraan na ito ay manariwa sa loob ng bukadkad na mga bulaklak at mga dahon, na pagkaraan ay naging mga almendras, at na pumunta dala ito at magsalita sa bato, dahil ang bato ay magbibigay ng tubig para sa mga tao at sa mga hayop. At si Moses kasama si Aaron ay ginawa kung ano ang iniutos ng Panginoon subalit sila ay kapwa hindi naniniwala nang ganap sa Panginoon. At ang isa na mas hindi naniniwala ay ang Mataas na Pari ng Israel: si Aaron, Ang bato, nahampas ng sanga, ay nabiyak at nagbuhos ng labis na tubig upang mapapatid nito ang pagkauhaw ng mga tao at mga hayop. At ang tubig na iyon ay tinawag na tubig ng Kontradiksyon, sapagkat ang mga Israelita ay nangatwiran doon sa Panginoon at pinuna ang Kanyang mga kinikilos at mga utos at hindi sila lahat pare-parehong tapat, sa kabaligtaran, ang pinaka Mataas na Pari ang nagpasimula sa pagdududa tungkol sa katotohanan ng dibinong mga salita ng Diyos. At si Aaron ay inalis sa mga buháy at hindi pinahintulutan na makarating sa Lupang Pangako.

Ngayon din ang sambayanan ay nagrerebelde laban sa Panginoon nagsasabing: “Dinala Ninyo kami rito upang mamatay, kapwa bilang isang sambayanan at mga indibidwal, sa ilalim ng paghahari ng mga maniniil”. At sila ay sumisigaw sa Akin: “Gawin Ninyo ang Inyong Sarili na aming hari at palayain kami”. Ngunit tungkol sa anong kalayaan ang inyong sinasabi? Tungkol sa nong kaparusahan? Tungkol ba sa materyal na mga kalayaan? O! sa materyal na mga bagay ay walang kaligtasan o kaparusahan! Ang isang mas malaking kaparusahan at isang mas malaking kaligtasan ay nasa abot ng inyong malayang kalooban at makapamimilì kayo. Pinahihintulutan kayo ng Diyos. Sinasabi Ko ito para sa mga Israelita na mga naririto, para sa mga tao na makababása sa mga nakatalà sa mga Iskriptura at maintindihan ang mga ito, upang makatulong sana ito sa inyo na makita kung sino Ako.

Ang Kataastaasan ay nagsabi kay Moses at Aaron: “Kunin ang sanga at magsalita sa bato at mga agos ng tubig ay bubulwak upang patirin ang uhaw ng mga tao upang sana hindi na sila magreklamo pa”. Ang Kataastaasan, upang mabigyan ng katapusan ang mga reklamo ng Kanyang sambayanan, ay nagsabing muli sa Eternal na Pari: “Kunin ang sanga na sumuloy mula sa lahi ni Jesse at ang isang bulaklak, na hindi narumihan ng tao, ay lalabas mula rito at ito ay magiging isang prutas: isang matamis na almendras puno ng santo oleo. At sa pamamagitan ng almendras na iyan ng ugat ni Jesse, sa pamamagitan ng magandang usbong na iyan kung saan ang Espiritu ng Panginoon ay bababa kasama ang pitong mga regalo nito, hampasin ang bato ng Israel upang dagsa-dagsang tubig ang sana bumukal para sa kaligtasan nito”. Ang Pari ng Diyos ay Pagmamahal Mismo. At ang Pagmamahal ay pumorma ng isang Katawan ginagawa ang usbong nito na sumuloy mula sa ugat ni Jesse, na walang dumi ang nagparumi, at iyon ay ang Katawan ng Salita na Nagkatawang-Tao, ng hinihintay na Mesiyas Na siyang pinadala upang magsalita sa bato upang sana ito ay mabiyak.  Na sana mabiyak nito ang matigas na balat nito ng pagmamalaki at kasakiman at matanggap sana ang mga tubig na pinadala ng Diyos, ang mga tubig na bumubulwak mula sa Kanyang Kristo, ang matamis na langis ng Kanyang pagmamahal at kung gayon maging malambot, mabait at banal, tinatanggap sa puso nito ang regalo ng Kataastaasan sa Kanyang sambayanan. Ngunit ang Israel ay ayaw ang buháy na Tubig sa kanyang sinapupunan. Siya ay nananatiling sarado at matigas, lalo na sa kanyang dakilang sambayanan kung kanino ang sanga na sumuloy at namunga ay nagsasalita nang walang-mangyari at siyang hinahampas nito nang walang-kabuluhan. At sasabihin Ko sa inyong totoo na marami na kasama sa sambayanan na ito ang hindi makakapasok sa Kaharian, samantalang marami na hindi kasama rito, ang makakapasok, sapagkat paniniwalaan nila kung ano ang ayaw paniwalaan ng mga pari ng Israel. Iyan kung bakit Ako ay nasa pagitan ninyo katulad ng isang tanda ng kontradiksyon at kayo ay huhusgahan ayon sa kung papaano ninyo Ako naintindihan. Sa iba pa na hindi kasama sa Israel sinasabi Ko: ang tahanan ng Diyos, nawala ng mga anak ng Kanyang sambayanan, ay bukas sa mga naghahanap ng Liwanag. Halikayo. Sundan Ako. Kung Ako ay inilagay bilang isang tanda ng kontradiksyon, inilagay din Ako bilang isang tanda para sa lahat na mga Nasyon at ang mga magmamahal sa Akin ay maliligtas.»

«Minamahal Ninyo ang mga banyaga nang higit pa kaysa sa amin. Kung kami ay Inyong eebanghelyuhan, magtatapos kami sa pagmamahal sa Inyo!. Ngunit Kayo ay nasa lahat ng lugar maliban sa Judaea» sabi ng isang Judaean na naantig ng mga salita ni Jesus.

«Bababa rin Ako sa Judaea, at titigil Ako doon nang matagal-tagal. Ngunit hindi iyan makapagpapabago sa mga bato sa loob ng mga puso ng marami. Ni hindi sila magbabago kahit na kung ang Dugo ay bumagsak sa kanila. Ikaw ay ang pangulo ng isang sinagoga, hindi ba?»

«Oo, ako nga, papaano Ninyo nalaman?»

«Alam Ko. Bueno, kung gayon naiintindihan mo kung ano ang Aking sinasabi.»

«Ang dugo ay hindi kailangan na bumagsak sa bato. Ito ay isang kasalanan.»

«Ibubuhos mo ang Dugo sa bato nang may lugod, na sana manatili ito doon. At ang bato kung saan ang Dugo ng totoong Kordero ay ibubuhos ay magiging tila isang tropeo ng tagumpay sa iyo. Pagkatapos ang araw ay darating kung kailan maiintindihan mo... maiintindihan mo ang tunay na kaparusahan at siyang ang totoong kaligtasan na inaalok sa iyo. Tayo na...»

Ang isang lalaki ay naniniko na makapunta sa harapan: «Ako ay isang Syro-Phoenician. Marami sa amin ang naniniwala sa Inyo, bagama't hindi nila Kayo kailanman nakita...at marami kaming mga tao na may sakit... Hindi ba Kayo pupunta sa amin?»

«Hindi. Hindi Ako pupunta sa inyo. Wala Akong panahon. Ngunit ngayon, pagkatapos ng Sabbath, iiwanan Ko ang lugar na ito at magpapagawi Ako sa inyong mga hangganan. Sinuman ang nangangailangan ng mga grasya ay kailangan na maghintay sa mga daanan sa hangganan.»

«Sasabihin ko sa aking kapwa mga kababayan. Ang Diyos ay makasama Ninyo, Guro.»

«Kapayapaan sa iyo, lalaki.»

Si Jesus ay nagpapaalam sa balo, ibig sabihin, ibig Niyang magpaalam sa kanya, ngunit siya ay lumuhod at sinabi ang kanyang mga pasya: «Nagpasya akong iwanan si Samuel dito – mas mabuti siya bilang isang katulong kaysa bilang isang naniniwala – at pupunta ako sa Capernaum upang màlapit sa Inyo.»

«Malapit Ko nang iwanan ang Capernaum, magpakailanman.»

«Ngunit may mabubuting disipulo Kayo doon.»

«Iyan ay totoo.»

«Iyan ang aking pasya... Mapatutunayan ko sa Inyo kung gayon na makahihiwalay ako sa mga kayamanan at makapagmamahal nang may katarungan. Gagamitin ko ang pera na naiipon dito para sa Inyong mahihirap na tao at titingnan ko ang batang lalaki bilang ang una sa mahihirap, kung gusto ng kanyang ina na kunin siya, kahit na kung hindi niya siya minamahal. Pansamantala, kunin ito» at binibigay niya ang isang mabigat na lukbutan kay Jesus.

«Pagpalain ka nawa ng Diyos ng Kanyang mga pagpapalà at ng mga pagpapalà ng mga taong iyong tinutulungan. Malaki ang iyong iniunlad sa loob ng kaunting mga oras.»

Ang babae ay namumula. Siya ay tumitingin sa paligid, pagkatapos inamin niya: «Hindi ako ang nakagawa ng labis na pag-unlad. Tinuruan ako ng Inyong apostol. Ang isang iyon sa banda roon, ang isa na nagtatago sa likuran ng isang lalaki na may maitim na buhok.»

«Si Simon Pedro. Ang Ulo ng mga apostol. Kung gayon, ano ang kanyang sinabi sa iyo?»

«O! nagsalita siya sa akin sa gayon kasimpleng pamamaraan at nang napakabuti! Pinahiya niya ang kanyang sarili, siya ang apostol, tinatanggap na siya rin noon ay katulad ko, di makatarungan sa kanyang mga mithiin. O! hindi ko mapaniwalaan iyan! Ngunit sinabi niya na siya ay nagpursige na maging mabuti upang marapatin ang kanyang ginugusto at na siya ay nagpursige nang lalu’t lalo pa upang maging ganyan, dahil ayaw niyang maging masama ang mabuti na kanyang tinanggap. Alam Ninyo, ang mga bagay na pinag-uusapan namin mismo, mga kaawa-awang tao, ay naiintindihan nang mas mabuti... Nasasaktan ko ba Kayo, Panginoon?»

«Hindi. Nagbibigay ka ng kaluwalhatian sa Diyos sa pamamagitan ng iyong sinseridad at ng iyong mga papuri para sa Aking apostol. Gawin ang ayon sa kanyang pinapayo sa iyo at harinawang laging makasama ninyo ang Diyos kayo na kumikiling sa katarungan.»

Pinagpapala Niya ang balo at Siya ang unang lumabas, nagpapagawing hilagang-kanluran, sa ilalim ng luntian na mga lootan na kumakaluskos sa hangin na bigla na lamang lumitaw.

130611

 

 


Sunod na kabanata