456. Sa Gherghesa at ang Pagbabalik sa Capernaum.

Hulyo 16, 1946.

Nakarating sila sa baybayin ng lawa, sa pinakamalapit na nasasakop-na-lugar ng Gherghesa, nang ang mapulang paglubog-ng-araw ay nagiging isang biyoletang mapayapang dapit-hapon. Ang baybayin ay nagsisiksikan sa mga tao na mga naghahanda ng kanilang mga bangka para sa gabing pangingisda o sa paliligo nang malugod sa lawa, na medyo napaaalun-alon ng hanging umiihip sa ibabaw nito.

Si Jesus ay nakita at nakilala kaagad, upang bago Niya mapasok ang bayan, alam na ng mga tao na Siya ay dumating at ang mga pulutong ay nagmadali katulad ng dati upang pakinggan Siya.

Ang isang lalaki ay naninikong makaraan sa pulutong nagsasabing may ilang mga tao na dumating sa umaga mula sa Capernaum naghahanap para sa Kanya at na Siya ay kailangan na pumunta roon kaagad.

«Sa gabing ito mismo. Ako ay hindi titigil dito, at dahil sa ang aming mga bangka ay wala rito, hinihingi Ko na ipahiram mo sa Akin ang iyo.»

«Ayon sa ibig Ninyo, Panginoon. Ngunit maaari ba Kayong magsalita sa amin bago Kayo umalis?»

«Oo, magsasalita Ako, at upang makapagpaalam din sa inyo. Iiwanan Ko na ang Galilee malapit na...»

Ang isang babae, na umiiyak, ay tinatawag Siya mula sa gitna ng pulutong, nakikiusap sa mga tao na siya ay paraanin, upang siya ay sana makapunta sa Guro.

«Siya ay si Arria, ang Hentil na naging isang Hudyo dala ng pagmamahal. Napagaling na Ninyo nang minsan ang kanyang asawa. Ngunit...»

«Natatandaan Ko. Paraanin siya!»

Ang babae ay lumapit. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus umiiyak.

«Ano ang nangyayari sa iyo, babae?»

«Rabbi! Rabbi! Maawa sa akin. Si Simeon...»

Ang isang lalaki mula sa Gherghesa ay tinulungan siyang magsalita: «Guro, hindi niya ginamit nang tama ang kalusugan na Inyong binigay sa kanya. siya ay naging matigas-ang-puso at sakim at ni hindi na nagmumukhang isang Israelita. Ang babae ay totoong mas mabuti pa kaysa sa kanya, bagama't siya ay pinanganak sa isang paganong bayan. At ang katigasan ng kanyang puso at kasakiman ay nakagawa ng mga pagmumurahan at nakakuha ng poot sa kanya. Ang kanyang ulo ay lubhang nasugatan sa isang pag-aaway at ang doktor ay nagsasabi na siya ay tiyak na mabubulag.»

«Kung ganyan ang kaso, ano ang magagawa Ko?»

«Kayo... nagpapagaling... Siya, katulad ng nakikita Ninyo, ay nawawalan ng pag-asa... Siya ay maraming anak. At maliliit pa sila. Ang pagkabulag ng kanyang asawa ay mangangahulugan ng karukhaan para sa pamilya... Totoo na iyon ay pera na kinita sa pamamagitan ng masasamang gawain... Ngunit ang kanyang kamatayan ay magiging isang sakuna sapagkat ang asawa ay laging isang asawa, at ang isang ama ay laging isang ama, kahit na kung sa halip na pagmamahal at tinapay ang binibigay niya ay pagtataksil at mga suntok...»

«Pinagaling Ko siya at sinabi Ko sa kanya: “Huwag nang magkasala pa”. Nagkasala siya nang mas marami pa. Hindi kaya siya nangako na hindi na siya magkakasala pa? Hindi ba’t nanumpa siya na hindi na siya magpapatubo nang labis at magnanakaw, kung pagagalingin Ko siya, na kung posible, isasauli niya kung ano ang ipinatong niya nang may kalabisan, at kung hindi posible gagamitin niya iyon para sa mahihirap?»

«Guro, totoo iyan. Ako ay naroroon noon. Ngunit... ang lalaki ay hindi matatag sa kanyang mga pakay.»

«Ang sinabi mo ay totoo. At si Simeon ay hindi ang nag-iisa lamang. Katulad ng sinasabi ni Solomon, marami ang may dalawang pabigat at huwad na mga timbangan, hindi lamang sa materyal na pananaw, bagkus sa kanilang paraan din ng paghusga, pagkilos at pag-asal hinggil sa Diyos. At sinasabi ulit ni Solomon: «Makasisira para sa tao na manila ng mga santo; at ang magsisi pagkatapos na makagawa ng isang panata”. Ngunit napakaraming tao ang gumagawa ng ganyan... Babae, huwag lumuha. Makinig sa Akin at maging makatarungan, sapagkat pinili mo ang relihiyon ng Katarungan. Kung magmungkahi Ako sa iyo ng dalawang pagpipilian, ano ang kukunin mo? Naririto ito: na pagagalingin Ko ang iyong asawa at hayaan siyang mabuhay upang maipagpatuloy sana niya ang kanyang panunuya sa Diyos at makapag-ipon ng mga kasalanan sa kanyang kaluluwa, o kombertihin Ko siya, patawarin siya at hayaan siyang mamatay? Mamili ka. Gagawin Ko anuman ang pagpasyahan mo.»

Ang kaawa-awang babae ay nasa isang kahila-hilakbot na pakikipaglaban. Ang natural na pagmamahal, ang pangangailangan ng isang lalaki na kahit na papaano naghahanap-buhay para sa kanyang mga anak, ay itutulak siyang hingin ang «buhay». Ang kanyang sobrenatural na pagmamahal para sa kanyang asawa ay inuudyukan siyang humingi ng «kapatawaran ang kamatayan». Ang pulutong ay tahimik, hinihintay ang kanyang pasya.

Sa wakas ang kaawa-awang babae, itinatapon muli ang kanyang sarili sa lupa, hinahawakan ang tunika ni Jesus na tila ibig niyang makakuha ng lakas mula dito, ay nanaghoy: «Eternal na Buhay... Ngunit tulungan Ninyo ako,  Panginoon...» at siya ay hinimatay na ang kanyang mukha nasa lupa na tila malapit na siyang mamatay.

«Pinili mo ang mas mabuting bahagi. Pagpalain ka sana. Kakaunti sa mga tao sa Israel ang makakapantay ka sa takot sa Diyos at hustisya. Tumayo. Puntahan natin ang iyong asawa.»

«Ngunit talaga bang gagawin Ninyo siyang mamatay, Panginoon? At ano ang aking gagawin?» Ang taong nilikha ay tumaas muli mula sa apoy ng espiritu katulad ng ibon na nasunog at nabuhay muli ayon sa alamat’ at siya ay naghihirap at siya ay bagabag sa pantaong pananaw...

«Huwag matakot, babae. Ikaw, Ako, ipinagkakatiwala natin ang lahat sa Ama sa Langit at Siya ay kikilos sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal. Makapaniniwala ka ba diyan?»

«Oo, aking Panginoon...»

«Bueno, tayo na, winiwika ang panalangin ng lahat na mga kahilingan at ng lahat na mga konsuwelo.»

At habang naglalakad, napalilibutan ng pulutong at sinusundan ng isang prusisyon ng mga tao, winiwika Niya nang dahan-dahan ang Ama Namin. Ang grupo ng mga apostol ay sumali at ang nagkakasundong koro ay naitataas ang mga salita ng dasal sa ibabaw ng hugong ng mga tao na, nagmimithing mapakinggan ang pagdarasal ng Guro, ay unti-unting nanahimik, upang ang huling mga kahilingan ay mapapakinggan nang napakaliwanag sa loob ng taimtim na katahimikan.

«Ang Ama ay bibigyan ka ng iyong pang-araw-araw na tinapay. Matitiyak Ko sa Ngalan Niya» sabi ni Jesus sa babae at sinasabihan hindi lamang siya bagkus ang lahat na mga tao, nagpapatuloy Siya upang sabihin: «At ang iyong mga kasalanan ay patatawarin, kung patatawarin mo ang lalaking ito na nanakit at naminsala sa iyo. Nangangailangan siya ng iyong kapatawaran upang mapatawad din ng Diyos. At ang lahat ay nangangailangan ng proteksiyon ng Diyos upang hindi mahulog sa pagkakasala katulad ni Simeon. Ilagay iyan sa isip.»

Nakarating na sila ngayon sa bahay na pinapasok ni Jesus kasama ang babae, si Pedro, si Bartolomeo at ang Zealot.

Ang lalaki, nakahiga sa isang maliit na kama, ang kanyang mukha natatakpan ng mga bendahe at ng basang mga kapiraso ng tela, ay balisa at nahihibang. Ngunit ang tinig ni Jesus, o ang Kanyang kalooban, ay nagawa siyang makapanumbalik muli at siya ay sumigaw: «Patawarin ako! Patawarin ako! Hindi na ako muli mahuhulog sa pagkakasala. Patawarin ako katulad ng Inyong ginawa noong nakaraan! At pagalingin ako, katulad noong nakaraan! Arria! Arria! Sinusumpa ko ito. Magiging mabuti ako. Hindi na muli ako gagamit ng karahasan o pandaraya, hindi ako...» ang lalaki ay pumapayag na gumawa ng lahat na mga pangako, natatakot katulad niya ng kamatayan...

«Bakit gusto mo ang lahat na iyan?» tanong ni Jesus. «Upang makapagbayad-kasalanan o dahil natatakot ka ng hukom ng Diyos?»

«Iyan, iyan! Hindi ang mamatay ngayon! Impiyerno... Ako ay nagnakaw, ninakaw ko ang pera ng mahihirap na tao! Nagsinungaling ako. Nanghampas ako ng kapwa at ginawa kong maghirap ang aking kamag-anak. O!...»

«Ang takot ay hindi sapat. Ang pagsisisi ay kinakailangan. Sinsirong matatag na pagsisisi.»

«Kamatayan o pagkabulag! O! anong kaparusahan! Ang hindi na muli makakita! Kadiliman! Kadiliman! Hindi!...»

«Kung ang pagkabulag ng mga mata ay kakila-kilabot, ang pagkabulag ba ng puso ay hindi mas nakakatakot? At hindi ka ba natatakot ng eternal na nakakatakot na kadiliman ng Impiyerno? Ng walang-katapusan na kadahupan sa Diyos? Ng patuloy na pangungunsiyensya? Ang pamimighati ng pagkakapatay mo sa iyong sarili sa magpasawalanghanggan, sa iyong espiritu? Hindi mo ba minamahal ang babaeng ito? Hindi mo ba minamahal ang mga batang ito? At ang iyong ama, ina, mga kapatid, hindi mo ba sila minamahal? Bueno, hindi mo ba naiisip na hindi mo na sila makakasama pang muli kung ikaw ay maisumpa?»

«Hindi! Hindi! Patawarin Ninyo ako! Patawarin Ninyo ako! Pagbabayad-kasalanan dito, oo, dito... Pagkabulag din, Panginoon... Ngunit ang Impiyerno hindi... Huwag gawin na isumpa ako ng Diyos! Panginoon! Nagpapalayas Kayo ng mga dimonyo at nagpapatawad ng mga kasalanan. Huwag itaas ang Inyong kamay upang pagalingin ako, bagkus upang patawarin ako at palayain ako mula sa dimonyo na humahawak sa akin... Ilapat Ninyo ang Inyong kamay sa aking puso, sa aking ulo... Palayain ako, Panginoon...»

«Hindi Ako makagagawa ng dalawang himala. Isipin iyan. Kung palalayain kita sa dimonyo, maiiwanan kita ng iyong sakit...»

«Hindi na bale! Maging ang Tagapagligtas.»

«Mangyari ang ayon sa ibig mo. Tiyakin na magagamit ng iyong sarili ang Aking grasya, na siyang ang huli na maipagkakaloob Ko sa iyo. Paalam.»

«Hindi pa Ninyo ako nahipo. Ang Inyong kamay! Ang Inyong kamay!»

Si Jesus ay pinagbibigyan siya sa paglalapat ng Kanyang kamay sa ulo at dibdib ng lalaki na, hindi makakita gawa ng mga bendahe at ng sugat, ay nanginginig na naghahapuhap para sa kamay ni Jesus, at nang mahawakan ito, siya ay umiyak dito, nag-aalangan na bitiwan ito, hanggang sa siya ay makatulog katulad ng isang pagod na bata, hawak pa rin ang kamay ni Jesus na nakadiin sa kanyang may-lagnat na pisngi.

Si Jesus ay inalis ang Kanyang kamay nang maingat at lumabas sa silid nang walang-ingay, sinusundan ng babae at ng tatlong mga apostol.

«Gantimpalaan sana Kayo ng Diyos, Panginoon. Manalangin para sa Inyong lingkod.»

«Magpatuloy sa paglago sa katarungan, babae, at ang Diyos ay lagi mong makakasama.» Itinaas Niya ang Kanyang kamay upang pagpalain ang bahay at ang babae at lumabas patungo sa kalsada.

Ang hugong ng pulutong ay naging mas malakas nang ang di-mabilang na mga katanungan ay itinanong. Ngunit si Jesus ay sinenyasan sila na manahimik at na sundan Siya. Bumalik Siya sa pinakakalsada. Ang gabi ay unti-unting bumabagsak. Si Jesus ay sumakay sa isang bangka na pataas-taas malapit sa baybayin at Siya ay nagsalita mula doon.

«Hindi. Siya ay hindi patay at hindi siya napagaling, ayon sa laman. Ang kanyang espiritu ay napagnilayan ang kanyang mga kasalanan at nagpakita ng tamang direksiyon sa kanyang mga naiisip, siya ay napatawad sapagkat hiningi niya na makapagbayad-kasalanan upang mapatawad. Kayo, kayong lahat, ay kailangan na suportahan siya sa kanyang paglalakbay patungo sa Diyos.

Isipin na tayong lahat ay may pananagutan para sa kaluluwa ng ating kapwa. Kapahamakan sa mga nag-iiskandalo! Ngunit kapahamakan din sa mga tao na sa pamamagitan ng kanilang walang-pagpaparayang asal tinatakot ang isang tao na kapapanganak pa lamang sa Kabutihan at sa pamamagitan ng kanilang katigasan napalalayas siya sa landas na kanyang ginustong kunin. Ang bawat tao kahit na papaano ay maaaring maging isang guro at isang mabait na guro sa kanyang kapwa at lalo na kung ang kanyang kapwa ay mahina at walang nalalaman tungkol sa karunungan ng Kabutihan.

Hinihimok Ko kayo na maging mapasensya, masunurin at matiyaga kay Simeon. Huwag magpakita ng poot, sama-ng-loob, ironiya. Kalimutan ang kanyang nakaraan at huwag siyang paalalahanan ng tungkol dito. Ang isang tao na bumangon pagkatapos na mapatawad, pagkatapos na magsisi, pagkatapos ng sinsirong mga kapasyahan, ay payag, ngunit siya ay napahihirapan din ng pabigat, ng pamana ng masisimbuyong damdamin at ng mga kaugalian ng kanyang nakaraang buhay. Kinakailangan na tulungan siya na makawala sa mga ito. At nang hindi nagpapahalata. Nang walang ginagawang mga pagpapakahulugan sa kanyang nakaraan: ang mga ito ay kawalang-pag-iingat kapwa hinggil sa karidad at sa tao. Ang paalalahanan ang isang nagsisising nagkasala tungkol sa kanyang mga pagkakamali ay ang siraan siya ng loob. Ang kanyang nagising na konsiyensya ay sapat na para diyan. Ang paalalahanan ang isang tao ng tungkol sa kanyang nakaraan, ay ang magbigay-daan sa mga pagkabuhay muli ng masisimbuyong damdamin at, kung minsan, sa mga pagbalik sa masisimbuyong damdamin na napangibabawan na, sa bagong kapahintulutan. Sa pinakamagagandang kaso ito ay laging nangangahulugan ng pagdadala sa panunukso.

Huwag tuksuhin ang iyong kapwa. Maging mahinahon at mapagkawang-gawa. Kung kayo ay napanatili ng Diyos na hindi nakagawa ng ilang mga kasalanan, papurihan Siya. Ngunit huwag ipagyabang ang inyong katarungan upang mapahiya ang sinuman na hindi naging makatarungan. Matutong maintindihan ang nakikiusap na tingin ng isang nagsisising tao na ibig na kayo ay makalimot at na, kung sa pagkakataon na malaman niya na kayo ay hindi nagpatawad, nakikiusap na huwag man lamang ninyo siyang ipahiya sa pagpapaalaala sa kanya ng kanyang nakaraan. Huwag sabihin: “Siya ay isang ketongin sa kanyang kaluluwa” upang mapangatwiranan ang katotohanan na tinalikuran ninyo siya. Ang isang tao na nagkaroon ng ketong, pagkatapos ng mga puripikasyon kasunod ng kanyang paggaling, ay tinatanggap muli sa samahan ng sambayanan. Ganyan din ang gawin sa kanya na pinagaling sa pagkakasala. Huwag maging katulad ng mga tao na ang tingin sa kanilang mga sarili ay perpekto, samantalang sila ay hindi ganyan sapagkat nagkukulang sila sa karidad sa kanilang mga kapatid. Sa kabaligtaran, sa pamamagitan ng inyong pagmamahal kailangan na palibutan ninyo ang inyong mga kapatid na nakataas nang muli sa grasya, upang ang mabuting pagsasamahan ay sana makapagpigil sa bagong mga kabiguan.

Huwag hilingin na maging mas mapaghanap pa kaysa sa Diyos, Na hindi tumatanggi sa nagkasala na nagsisisi, bagkus pinatatawad siya at tinatanggap siyang muli sa Kanya samahán. At kahit na kung ang nagkasala ay makagawa sa inyo ng isang kapinsalaan na hindi na maibabalik sa dati, huwag ipaghiganti ang inyong mga sarili ngayon na siya ay hindi na ang isang mapaghari-harian na tao na dapat katakutan; bagkus patawarin siya at kaawaan siya nang labis sapagkat nagkukulang siya ng kayamanan na maaaring magkaroon ang bawat tao, kung ito ay kanya lamang gugustuhin: kabutihan. Mahalin siya sapagkat sa pagpapamighati sa inyo nabigyan niya kayo ng pamamaraan na marapatin ang isang mas malaking gantimpala sa Langit. Isama ang inyong pagpapatawad sa kanyang kapatawaran, at ang inyong premyo ay mas lalago pa sa Langit. At huwag kamuhian ang sinuman, kahit na kung siya ay mula sa ibang lahi. Nakikita ninyo na kapag nang-aakit ang Diyos ng isang espiritu, kahit na espiritu ng isang pagano, binabago Niya ito sa gayong paraan na nahihigitan nito sa katarungan ang marami sa piniling sambayanan.

Ako ay lalakad na. Tandaan ngayon at lagi ang mga salitang ito at ang iba pa na Aking binigkas sa inyo.»

Si Pedro, na nakahanda na, ay tinulak ang bangka nang papalayo mula sa pampang sa pamamagitan ng sagwan at sinimulan ang pagpapalaot sinusundan ng dalawa pang ibang mga bangka. Ang lawa, na hindi napaka kalmante, ay nagagawa ang mga bangka na magpakiling-kiling, ngunit walang sinuman ang natatakot sapagkat ang pamamangka ay maikli lamang. Ang mapulang mga lampara ay nasasalamin katulad ng mapulang mga rubi sa maitim na tubig o nababahiran nila ng mapulang kulay ang maputing bula.

«Guro, ang lalaki bang iyon ay makapanunumbalik o hindi? Wala akong naintindihan na kahit ano» tanong ni Pedro pagkaraan ng kaunting sandali, nang hindi niya inaalis ang kanyang kamay sa timon.

Si Jesus ay hindi tumutugon. Si Pedro ay sinenyasan si Juan na nakaupo sa dulo ng bangka sa paanan ni Jesus, na ang kanyang ulo nakasandal sa mga tuhod ni Jesus. At si Juan ay inulit ang tanong sa isang mababang tinig.

«Hindi siya makapanunumbalik.»

«Bakit, Panginoon? Ayon sa aking napakinggan, akala ko makapanunumbalik siya upang makapagbayad-kasalanan.»

«Hindi, Juan. Magkakasala siyang muli, sapagkat ang kanyang espiritu ay mahina.»

Si Juan ay ipinahingang muli ang kanyang ulo sa mga tuhod ng Guro nagsasabing: «Ngunit nagawa sana Ninyo siyang malakas...» at ang tunog nito ay katulad ng isang mabait na pamumuna.

Si Jesus ay ngumingiti pinadaraan ang Kanyang mga daliri sa loob ng buhok ni Juan at itinataas ang Kanyang tinig upang ang lahat ay mapakinggan Siya, binibigay Niya ang Kanyang huling sermon ng araw: «Sasabihin Ko sa inyong totoo na sa pagkakaloob din ng grasya, kinakailangan na isipin ang oportunidad nito. Ang buhay ay hindi laging isang regalo, ang kayamanan ay hindi laging isang regalo, ang isang anak ay hindi laging isang regalo, oo, kahit na ang pagkapili ay hindi laging isang regalo. Sila ay nagiging mga regalo at nananatiling ganyan kapag siya na tumatanggap nito ay ginagamit ito nang tama at para sa sobrenatural na mga tangka ng pagpapakabanal. Ngunit kapag ang mabuting kalusugan, kayamanan, mga damdamin, misyon ay ginagamit upang masira ang espiritu ng isa, mas mabuti pang hindi magkaroon ng mga ito. At kung minsan nagbibigay ang Diyos ng gayong kadakilang regalo na hindi na Siya makapagbibigay ng mas dakila pa, sa pamamagitan ng di pagbigay ng kung ano ang gusto ng mga tao na sila ay magkaroon o iisipin nila na tamang magkaroon bilang ang siyang mabuting bagay. Ang ama ng isang pamilya o ang isang marunong na doktor ay alam kung aling mga bagay ang kailangan na ibigay sa mga bata o sa mga taong may sakit upang hindi lumala ang kanilang sakit o hindi sila lalong magkasakit. gayon din naman nalalaman ng Diyos kung ano ang dapat na ibigay sa ikabubuti ng isang espiritu.»

«Kung gayon ang lalaking iyon ay mamamatay? Di-masayang tahanan!»

«Mas magiging masaya ba iyon kung ang isang masamang-tao ay naninirahan doon? At siya ba ay magiging mas masaya kung, habang nabubuhay, kailangan niyang magpatuloy na magkasala? Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang kamatayan ay isang regalo kung ito ay makapagpipigil sa mas marami pang kasalanan at kung mamatay ang isang tao habang nakakasundo pa niyang muli ang Panginoon.»

Ang kilya ng bangka ay kumuskos sa mabuhanging ilalim ng lawa ng Capernaum.

«Nasa oras lamang. Magkakaroon ng isang bagyo ngayong gabi. Ang lawa ay nagngangalit, ang kalangitan ay walang bituin, ito ay kasing itim ng aspalto. Napapakinggan ba ninyo ang atungal sa likuran ng mga bundok? Nakikita ba ninyo ang mga liwanag na iyon? Kulog at kidlat. Uulan ng malakas ano mang sandali ngayon. Bilis! Ating isadsad ang mga bangka na hindi sa atin! Gawin ang mga babae at ang bata na makaalis bago magsimula ang ulan. Hoy, kayo! Tulungan kami!» sigaw ni Pedro sa iba pang mga mangingisda na nagliligpit ng mga lambat at mga basket.

Sa pamamagitan ng lakas ng kanilang mga braso isinadsad nila ang mga bangka habang ang unang mga alon ay humahampas sa kanilang halos hubad na mga katawan at sa graba ng baybayin. Pagkatapos sila ay tumakbo patungo sa bahay habang ang unang malalaking patak ng ulan ay itinataas ang alikabok ng tigang na lupa nagbibigay ng malakas na amoy, at kumikislap na sa itaas ng lawa at ang lunas na napoporma ng mga burol sa paligid ng lawa ay puno ng atungal ng kulog.

150611

 

 


Sunod na kabanata