457. MAGING KASING TALINO NG MGA AHAS AT KASING SIMPLE ng mga kalapati.

Hulyo 17, 1946.

«Sa loob ng silid sa itaas ay may ilang mga lalaki mula sa Nazareth. At ang Inyong mga kapatid ay dumating kahapon hinahanap Kayo. At pagkatapos ilang mga Pariseo ang dumating, at maraming may sakit na mga tao. At isang lalaki mula sa Antioch» sabi ng Iskariote nang kaagad makita niya sila na pumapasok sa bahay.

«Sila kaya ay umalis na?»

«Hindi. Ang lalaki mula sa Antioch ay pumunta sa Tiberias, ngunit siya ay babalik pagkatapos ng Sabbath. Ang mga taong may sakit ay nakakalat sa iba't ibang mga bahay. Ngunit ang mga Pariseo ay gusto ang Inyong mga kapatid bilang kanilang mga panauhin at nagbigay ng labis na parangal sa kanila. Nasa bahay sila ngayon ni Simon, ang Pariseo.»

«H’m!...» pabulung-bulong ni Pedro.

«Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka ba natutuwa na pinararangalan nila ang Guro sa Kanyang mga kamag-anak?» tanong ng Iskariote.

«O! kung iyan ay totoong parangal at may-pakinabang na pagpupulong... ako ay masayang-masaya!»

«Ang di magtiwala ay ang manghusga. Ang Guro ay ayaw tayo na maghusga.»

«Siyempre! Ngunit upang makatiyak maghihintay ako bago manghusga. Maiiwasan ko kung gayon na maging isang tanga at isang makasalanan.»

«Tayo na sa itaas, upang makita ang mga tao mula sa Nazareth. Pupuntahan natin ang mga maysakit bukas» sabi ni Jesus.

Ang Iskariote ay kinakausap si Jesus: «Hindi Ninyo magagawa. Iyon ay ang Sabbath. Ibig ba Ninyong pintasan ng mga Pariseo? Kung hindi Ninyo iniisip ang tungkol sa Inyong karangalan, iniisip ko» sabi ni Judas nang napaka pakunwari. At nagtatapos siya: «siyanga pala, dahil nakikita ko na nanabik Kayong mapagaling kaagad ang mga naghahanap para sa Inyo, bueno, pupunta kami at magpapatong kami ng aming mga kamay sa kanila sa Ngalan Ninyo at...»

«Hindi.» Isang napakatalas na «hindi» na hindi nagpapahintulot ng kahit anong pag-uusap.

«Ayaw Ninyong gumawa kami ng mga himala? Ibig Ninyong gawin Ninyo ito Mismo? Bueno... lalakad kami at sasabihin sa kanila na Kayo ay naririto at na Kayo ay nangangako na pagagalingin sila. Magiging masaya sila...»

«Hindi na iyan kinakailangan. Ang mga mangingisda ay nakita na kami. Kung kaya't alam na na Ako ay naririto. At nalalaman nila na pinagagaling Ko ang mga may pananampalataya sa Akin, sa katunayan pumunta sila sa paghahanap para sa Akin.»

Si Judas ay tahimik, di kontento, ang kanyang mukha sa panandalian ay madilim at di kaaya-aya.

Si Jesus ay pumunta sa labas, di pinapansin ang bagyo at ang mabigat na mga patak ng ulan, at Siya ay pumunta sa itaas. Itinulak Niya ang pinto at pumasok. Ang mga apostol ay sinusundan Siya. Ang mga babae ay naroroon na sa itaas nakikipag-usap sa mga Nazareno. Sa isang sulok ay may isang lalaki na di ko kilala.

«Kapayapaan sa inyo.»

«Guro!» Ang mga Nazareno ay yumuko at pagkatapos sinabi nila: «Naririto ang lalaki» tinuturo ang di kilalang tao.

«Halika rito» utos ni Jesus.

«Huwag Ninyo akong isumpa!»

«Upang magawa iyan hindi na kinakailangan na sabihin sa iyo na pumarito. Iyan lamang ba ang salita na mayroon ka para sa Tagapagligtas?» si Jesus ay mahigpit, ngunit kasabay na nanghihimok din.

Ang lalaki ay tinitingnan Siya... Pagkatapos napaiyak siya at itinatapon ang sarili sa lupa siya ay sumigaw: «Kung ako ay hindi Ninyo patatawarin, hindi ako magkakaroon ng kapayapaan...»

«Bakit mo Ako tinanggihan, noong gusto kitang gawing mabuti? Ngayon huli na na gumawa ng mga pagtutuwid. Ang iyong ina ay patay na.»

«Ah! huwag sabihin sa akin! Kayo ay malupit!»

«Hindi. Ako ang Katotohanan. At Ako noon ay ang Katotohanan nang sinabi Ko sa iyo na mapapatay mo ang iyong ina. At Ako ang Katotohanan ngayon. At Ako ay tinawanan mo noon. Bakit mo Ako hinahanap ngayon? Ang iyong ina ay patay na. Ikaw ay nagkasala at nagpapatuloy ka na magkasala bagama't alam mo na nagkakasala ka. Sinabi Ko na sa iyo. Ito ang iyong pinakamabigat na kasalanan: ginusto mong magkasala tinatanggihan ang Salita at ang Pagmamahal. Bakit ka ngayon nagrereklamo na wala kang kapayapaan?»

«Panginoon! Panginoon! Maawa sa akin! Ako ay baliw at pinagaling Ninyo ako, ako ay umasa sa Inyo, bago nawala ko ang lahat na pag-asa, sa lahat. Huwag biguin ang aking pag-asa...»

«At bakit nawala sa iyo ang lahat na pag-asa?»

Sapagkat... ginawa kong mamatay ang aking ina ng kapighatian... at noon ding huling gabi... siya ay pagod... at ako ay walang-awa... pinagbuhatan ko siya ng kamay, Panginoon!!!» Ang isang iyak ng tunay na kawalang-pag-asa ay pinupuno ang silid. «Hinampas ko siya! Namatay siya sa loob ng gabi! At sinabi lamang niya sa akin na maging mabuti. Ang aking Ina!... Pinatay ko siya.»

«Pinatay mo siya maraming taon na ang nakakaraan, Samuel! Mula pa nang tumigil ka sa pagiging makatarungan. Kaawa-awang Esther! Ilang beses Ko siyang nakitang umiiyak! At ilang beses niya Akong pinakiusapan na haplusin siya sa lugar mo... At nalalaman mo kung ilang beses Akong pumunta sa inyong bahay hindi dahil mapagkaibigan Ako sa iyo, na kaedad Ko, bagkus dala ng awa para sa kanya... Hindi kita dapat patawarin. Ngunit dalawang ina ang nakiusap sa Akin na tulungan ka, at ang iyong pagsisisi ay sinsiro. Kung kaya't pinatatawad kita. Sa pamamagitan ng di mapipintasan na pamumuhay kailangan na mabura mo sa mga puso ng iyong kapwa mamamayan ang ala-ala ng makasalanan na Samuel at makuha mong muli ang iyong ina. Makakamit mo iyan kung sa pamamagitan ng isang pamumuhay na makatarungan makuha mo ang Langit at ang iyong ina nang magkasabay. Ngunit tandaan – at tandaan ito nang napakalinaw sa iyong isip – na ang iyong kasalanan ay napakagrabe at dahil diyan ang iyong katarungan ay kailangan na maging malaki sa proporsiyon upang makansela ang iyong utang.»

«O! Kayo ay mabuti! Kayo ay hindi katulad ng disipulo Ninyong iyon na lumabas kaagad pagkatapos na siya ay makapasok. At pumunta lamang siya sa Nazareth upang takutin ako! Ang mga taong ito ay makapagsasabi...»

Si Jesus ay tumalikod... Sa lahat na mga apostol tanging ang Iskariote lamang ang nawawala.  Kung gayon siya ito na nagmaltrato kay Samuel. Ano ang dapat gawin ni Jesus? Upang hindi mapintasan ang apostol, bilang apostol kung hindi bilang tao, sinabi Niya: «Ang bawat tao ay magiging bagkus mahigpit hinggil sa inyong kasalanan. Kapag ang isang tao ay nakagagawa ng masama dapat isipin niya na ang mga tao ay hinuhusgahan ang gumawa ng masamâ, at binibigyan niya sila ng pagkakataon na manghusga... Ngunit ang isa ay kailangan na hindi magtanim ng sama-ng-loob. Ilagay ang pagkakapahiya na inyong tinanggap sa mga timbangan ng Diyos bilang pagbabayad-kasalanan. Tayo na. Dito, ang makatarungan ay nagbubunyi dahil sa iyong pagkakatubos. Ikaw ay nasa pagitan ng mga kapatid na hindi nanghahamak sa iyo. Sapagkat ang bawat tao ay maaaring magkasala, ngunit ang isang tao ay kasuklam-suklam lamang kung siya ay nagpupumilit sa paggawa ng kasalanan.»

«Pinagpapala ko Kayo, Panginoon. Hinihingi ko sa Inyo na patawarin din ako para sa lahat na beses ko Kayong kinutya... Hindi ko alam kung papaano ko Kayo pasasalamatan... Ang kapayapaan, alam Ninyo, ay bumabalik sa akin» at siya ay lumuluha nang kalmante...

Ang hapunan sa katunayan ay nakahanda na. Ngunit si Judas ay ni wala sa ibaba. Siya ay wala sa bahay. Ang maybahay na babae ay nagpapaliwanag: «Siya ay lumabas. Sinabi niya: “Babalik ako kaagad”.»

«O sige. Tayo ay maupo at maghapunan.»

Si Jesus ay nag-aalay, nagpapalà at nag-aabot ng pagkain. Ngunit ang isang malungkot na anino ay nasa loob ng silid naliliwanagan ng dalawang lampara at ng paapuyan. Sa labas ang bagyo ay nagngangalit pa...

Si Judas ay bumalik, naghihingalo, basang-basa na tila nahulog siya sa lawa. Bagama't tinakpan niya ang kanyang ulo ng kanyang manta, ang kanyang buhok ay nagmumukhang makinis, basa, kumakapit sa kanyang mga pisngi at leeg, nang itinapon niya ang basang talukbong sa sahig. Lahat sila ay nakatingin sa kanya. ngunit walang sinuman ang nagsasalita. Bagama't walang sinuman ang nagtatanong sa kanya ng kahit ano ibig niyang humingi ng paumanhin nagsasabing: «Tumakbo ako sa Inyong mga kapatid upang sabihin sa kanila na Kayo ay naririto. Ngunit sinunod ko Kayo. Hindi ako pumunta sa mga maysakit. Hindi iyon posible, maging ano pa man. Anong lakas ng ulan!... Ngunit ibig kong parangalan ang Inyong mga kamag-anak kaagad... Hindi ba Kayo natutuwa, Guro? Kayo ay hindi nagsasalita!...»

«Ako ay nakikinig. Kunin ito at kumain. At habang naghihintay upang umalis at magpahinga, mag-usap tayo nang tayu-tayo lamang.

Makinig: ito ay nakasulat na tayo ay hindi kailangan ng magsabi ng mga lihim sa isang dayuhan. Sapagkat hindi natin nalalaman ang kanyang mga ugali. Ngunit masasabi ba natin na alam natin ang mga puso kahit na ng ating mga kapwa-mamamayan? O ang mga puso ng ating mga kaibigan? O ng ating mga kamag-anak? Ang Diyos lamang ang tanging nakaaalam sa puso ng tao, at ang tao ay may iisang pamamaraan lamang upang malaman ang puso ng isang kapwa-tao at maintindihan kung siya ay isang tunay na kapwa kababayan, o isang tunay na kaibigan at kamag-anak. Alin ang pamamaraan? Saan ito maaaring makita? Sa ating kapwa at sa ating mga sarili. Sa kanyang mga kilos at mga salita at sa ating matuwid na paghusga. Kung sa pamamagitan ng ating tapat na paghusga nakikita natin na walang mabuti sa mga salita o mga kinikilos ng ating kapwa, o sa mga kinikilos na kinakailangan sa atin, diyan natin masasabi: “Ang taong ito ay walang isang tapat na puso at kailangan ko siyang di pagtiwalaan”. Ngunit kailangan siyang tratuhin nang may pagkakawang-gawa, sapagkat siya ay isang kaawa-awang sawing-palad na naaapektuhan ng pinaka malalang pagkawalang-kaligayahan: ang pagkawalang-kaligayahan ng isang may-sakit na espiritu, ngunit ang kanyang mga kinikilos ay hindi dapat na gayahin, ang kanyang mga salita ay hindi kailangan na tingnan na totoo o matalino, mas lalo na na huwag sundin ang kanyang payo.

Huwag pahintulutan ang inyong mga sarili na mápasamâ ng sumusunod na mga kaisipan: “Ako ay malakas at ang kasamaan ng ibang mga tao ay hindi sa akin makakaapekto. Ako ay makatarungan, at kahit na kung ako ay makinig sa di-makatarungan na mga tao, ako ay mananatiling makatarungan”. Ang tao ay isang malalim na kalaliman kung saan ang lahat na mga elemento ng mabuti at masama ay matatagpuan. Ang una, ibig sabihin, ang tulong ng Diyos, ay tumutulong sa ating sa pagpapaunlad at pagiging mga hari; ang huli, ibig sabihin, ang masasamang masisimbuyong damdamin at ang masamang pakikipagkaibigan ay tumutulong sa mga tao na maging mas masasama at maghari nang nakapipinsala. Ang lahat na mga binhi ng kasamaan at ang lahat na pagnanais para sa mabuti ay nakatago sa loob ng tao sa pamamagitan ng nagmamahal na kalooban ng Diyos, at sa pamamagitan ng masamang kalooban ni Satanas, na nang-iimpluwensiya, nanunukso at nanunulsol, samantalang ang Diyos ay nang-aakit, nagpapaginhawa at nagmamahal. Si Satanas ay nagsisikap na makapanghikayat sa masamâ, nagtatrabaho siya upang matalo ang Diyos. At ang Diyos ay hindi laging nananalo, sapagkat ang mga nilikha ay mabigat hanggang sa piliin nila ang pagmamahal bilang kanilang batas, at bilang mabibigat pinababába nila ang kanilang mga sarili at mas madali silang magnasa para sa kahit na anong madalian na kasiyahan at kaluguran ng pinakamababang mga likas na simbuyo ng tao.

Mula sa Aking sinasabi sa inyo tungkol sa kahinaan ng tao, maiintindihan ninyo kung gaano kahalaga na huwag ninyong pagtiwalaan ang inyong sarili at bantayan nang mabuti ang inyong kapwa, kung hindi maisasama ninyo ang lason ng isang di-purong konsiyensya sa kung ano ang nangangasim na sa loob ninyo. Kapag naintindihan ninyo na ang isang kaibigan ay ang dahilan ng pagkasira ng inyong mga puso, kapag ang kanyang mga salita ay nababalisa ang inyong mga konsiyensya, kapag ang kanyang payo ay ang dahilan ng iskandalo, kailangan na talikuran ninyo ang nakapipinsalang pakikipagkaibigan. Kung magpapatuloy kayo magtatapos kayo na nakikita ang inyong mga kaluluwa na namamatay, sapagkat darating kayo sa mga pagkilos na nagpapahiwalay sa Diyos at magpipigil sa tumigas na konsiyensya na makaintindi ng mga inspirasyon ng Diyos. Kung ang bawat tao na nakagawa ng mabibigat na kasalanan ay makapagsasalita o gugustuhin na makapagsalita ipinaliliwanag kung papaano siya nakarating na magawa ang gayong mga kasalanan, makikita ng isa na laging mayroon sa simula ng isang masamang pagkakaibigan...»

«Iyan ay totoo!» pagtanggap ni Samuel ng Nazareth sa isang mababang tinig.

«Huwag pagtiwalaan ang mga tao na pagkatapos na makipag-away sa inyo, ay tatambakan kayo ng mga parangal at mga regalo. Huwag pagtiwalaan ang mga pumupuri sa bawat pagkilos ninyo at pumupuri sa lahat na tao at sa lahat na bagay: pinupuri ang makukupad bilang masisipag, ang mga nangangalunya bilang tapat na mga asawa, ang mga magnanakaw bilang tapat na mga tao, ang mararahas na tao bilang mga mapagpakumbaba, ang mga sinungaling bilang sinsiro, ang masasama bilang matapat at tinuturo nila ang pinakamasasama bilang ang mga pambihira. Ginagawa nila ito upang sirain kayo at gamitin ang inyong pagbagsak para sa kanilang maarteng mga tinatangka. Iwasan ang mga tao na gusto kayong malasing sa pamamagitan ng mga papuri at mga pangako upang magawa kayong gawing ang mga bagay-bagay, na hindi ninyo gagawin kung kayo ay hindi lasing. At kapag kayo ay nanumpa ng katapatan sa isang tao, huwag makialam sa mga bagay tungkol sa kanyang mga kaaway. Lalapitan ka lamang nila upang mapinsala siya na kanilang kinapopootan at gagawin ito sa pamamagitan ng iyong pinaka tulong. Panatilihin na nakabukas ang inyong mga mata. Sinabi Ko: maging kasing talino ng mga ahas bukod sa pagiging kasing simple ng mga kalapati. Sapagkat ang kasimplihan ay banal kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa espirituwal na mga bagay, ngunit ang mamuhay sa mundo nang hindi nasisira ang sarili at ang kanyang mga kaibigan, kinakailangan na magkaroon ng katalinuhan na sa pamamagitan nito matutuklasan ninyo ang katusuhan ng mga napopoot sa mga santo. Ang mundo ay isang pugad ng mga ahas. Kailangan na makilala ninyo ang mundo at ang mga sistema nito. Pagkatapos, naninirahang katulad ng mga kalapati hindi sa Putikán kung saan naroroon ang mga ahas, bagkus sa panilungan ng isang mataas na bangin, magkaroon ng simpleng mga puso ng mga anak ng Diyos. At magdasal at magdasal, sapagkat sasabihin Ko sa inyong totoo na ang dakilang Serpiyente ay sumasagitsit sa paligid ninyo, kung kaya't kayo ay nasa malaking panganib at ang mga hindi nagmamatyag ay mawawala. Oo, sa pagitan ng mga disipulo may ilan na mawawala nang may malaking katuwaan ni Satanas at may walang-hangganang kapighatian ng Kristo.»

«Sino, Panginoon? Baka isang hindi kasama sa atin, isang proselito, isang... isang hindi taga-Palestina, isang...»

«Huwag mag-imbestiga. Hindi ba’t nakasulat na ang abominasyon ay papasok, at nakapasok na sa Templo? Ngayon, kung posible na magkasala sa loob ng Banal na Lugar, ang isa bang Galilean o isang Judaean sa pagitan ng Aking mga tagasunod ay hindi magkakasala? Maging mapagmatyag, Aking mga kaibigan. Bantayan ang inyong mga sarili at ang ibang mga tao, pakinggan kung ano ang sinasabi sa inyo ng ibang mga tao at kung ano ang sinasabi sa inyo ng inyong mga konsiyensya. At kung hindi kayo makakita nang maliwanag sa pamamagitan ng inyong mga sarili mismo, pumunta sa Akin, dahil Ako ang Liwanag.»

Si Pedro ay nagmamadali at pabulung-bulong ng kung ano nakatayo sa likuran ni Juan na iniiling ang kanyang ulo sa pagtanggi. Si Jesus ay ibinaling ang Kanyang tingin at nakita Niya... Si Pedro ay nagpakita ng isang aktitud at nagkukunwaring aalis. Si Jesus ay tumayo, ngumingiti Siya nang malumanay... Pagkatapos inaawit Niya ang mga panalangin, pinagpapala at pinauuwi ang mga pulutong. At Siya ay nananatiling nag-iisa upang ipagpatuloy ang pagdarasal.

150611

 

 


Sunod na kabanata