459. Sa Bahay ni Johanna ni Chuza. Mga Sulat Mula sa Antioch.

Hulyo 23, 1946.

Ang lahat na mga naninirahan sa Tiberias ay nagmadaling pumunta sa mga baybayin ng lawa o sa lawa mismo upang makakuha ng kaginhawahan sa hangin na umiihip sa ibabaw ng tubig at nagpapakaluskos sa mga kadahunan ng mga punungkahoy sa loob ng mga hardin sa tabi ng baybayin. Ang mayayamang mamamayan ng bayan na ito, kung saan maraming lahi ang nagkaipun-ipon at naghahalu-halo para sa maraming mga dahilan, ay nakakakuha ng kaginhawahan sa loob ng komportableng mga panlibangan na mga bangka, o mula sa mga lilim ng kanilang berdeng mga hardin pinagmamasdan nila ang mga paggalaw ng mga bangka sa ibabaw ng turkesang tubig, na nawalan na ng manilaw-nilaw na kulay na nagmula sa malakas na pagbuhos ng ulan ng nakaraang gabi. Ang mahihirap na tao, at ang mga bata lalo na, ay patakbu-takbo sa baybayin, kung saan ang maliliit na alon ay nagtatapos upang mamatay, at ang kanilang matitinis na sigawan, kapag ang malamig na tubig ay nababasa sila sa mas mataas pa kaysa sa gusto nila, ay nakakatulad ang tunog ng matinis na sigaw ng mga golondrina.

Ang mga bangka ni Pedro at ni Santiago ay lumalapit sa baybayin at nagmamanyobra patungo sa daungan.

«Hindi. Sa hardin ni Johanna» utos ni Jesus.

Si Pedro ay sumunod nang walang sinasabi at ang bangka, sinusundan ng kakambal nito, ay umikot nang perpekto nag-iiwan ng isang mabulang alon, na napormang katulad ng tandang pananong, at nagmanyobra patungo sa daungang lugar sa hardin ni Chuza, na nilalapitan nito at tumigil. Si Jesus ang unang nakababa at nag-aabot ng Kanyang kamay sa dalawang Maria tinutulungan silang makababa sa piyer.

«Pupunta na kayo ngayon sa pinaka piyer at ipahayag doon ang Panginoon. May makikita kayong isang lalaki, na lalapit sa inyo, nagtatanong kung nasaan Ako. Siya ay ang lalaki mula sa Antioch. Dalhin siya sa Akin pagkatapos na mapauwi ninyo ang mga pulutong.»

«Oo... ngunit... Ano ang aming sasabihin sa mga tao? Kailangan ba namin na sabihin na Kayo ay dumating, o ituro ang Inyong doktrina?»

«Na Ako ay naparito. Sabihin sa kanila na sa pagsikat ng araw Ako ay magsasalita sa Tarichea at pagagalingin Ko ang mga may-sakit na tao. Ang isa sa inyo ay kailangan na tumingin sa mga bangka, o kunin ang isa sa mga disipulo upang gawin iyan, upang nakahanda ang mga bangka sa pag-alis. Lakad, at ang kapayapaan ay sumainyo.» At Siya ay naglakad patungo sa geyt na nagsasara sa daungang plataporma. Ang dalawang Maria ay sinusundan Siya nang nananahimik.

Walang sinuman ang makikita sa malaking hardin, kung saan ang ilang matatatag na rosal ay namumulaklak pa rin, bagama't bihirang-bihira. Ngunit maririnig ang masasayang sigawan ng dalawang maliit na bata na naglalaro.

Ipinapasok ang Kanyang kamay sa isang butas ng geyt, sinisikap ni Jesus na maitulak ang panara nang walang mangyari. Naghahanap Siya ng isang bagay na sa pamamagitan nito makagagawa ng ingay upang makakuha ng atensiyon, ngunit wala Siyang makita. Pagkatapos, naririnig ang mga tinig ng dalawang bata. Tumawag Siya sa malakas na tinig: «Maria!». Ang dalawang tinig ay naging tahimik nang bigla... si Jesus ay inuulit ang tawag: «Maria!»...

Pagkatapos sa gitna ng damuhan, na kasing kinis ng isang alpombra na ang naaalagaang-mabuti na mga rosal nasa gitna nito, ang isang maliit na batang babae ay lumitaw, naglalakad sa pamamagitan ng maiikling nag-aalangang mga hakbang, ang isang maliit na daliri nakariin sa kanyang mga labì, ang kanyang naghahanap na mga mata tinitingnan ang lahat na direksiyon, pagkatapos mga ilang hakbang sa likuran niya ay naroon si Matthias, sinusundan ng isang maliit na kordero kasing puti ng bulà.

«Maria! Matthias!» sigaw ni Jesus.

Ang Kanyang tinig ay ginagabayan nito ang inosenteng mga mata. Ang dalawang bata ay tumingin pagawi sa geyt at nakita nila si Jesus, ang Kanyang mukha nakadiin sa mga baras na bakal, ngumingiti sa kanila.

«Ang Panginoon! Takbo, Matthias, tawagin ang inay... Sabihin kay Elias o kay Micah na pumunta rito at buksan ang geyt...»

«Makakapunta ka, pupuntahan ko ang Panginoon...» at kapwa sila nagsimulang tumakbo na ang kanilang mga kamay nakaunat, katulad ng dalawang paruparo, ang isa maputi, ang isa pa malarosas na may maliit na maitim na ulo.

Ngunit, mabuti na lamang, habang tumatakbo tinatawag nila ang mga katulong, na mga nagmadaling lumabas may mga hawak pa ng pandilig na mga lata at mga kalaykay, upang sa wakas ang geyt ay nabuksan at ang mga bata ay nanilungan sa loob ng mga bisig ni Jesus, Na humahalik sa kanila at tinatawid ang pasukán na daanan hinahawakan sila sa kamay.

«Ang inay ay nasa loob ng bahay kasama ang kanyang mga kaibigan. Lagi nila kaming pinaaalis, sapagkat ayaw nila sa amin» sabi kaagad ni Matthias.

«Huwag magsalita nang mabalasik. Ang inay ay pinaaalis tayo sapagkat ang mga binibining iyon ay mga Romano at nagsasalita pa sila ng tungkol sa kanilang mga diyos at tayo, na nailigtas ni Jesus, ay kailangan na Siya lamang ang makilala. Iyan kung bakit, Panginoon. Si Matthias ay napakabata pa at hindi niya naiintindihan» sabi ni Maria nang may kayumihan na may karunungan ng isang nilikha na naghirap at kung gayon mas magulang at mas adulto kaysa sa masasasbi ng kanyang edad.

«Ang itay ay pinaaalis din kami kapag ang mga taga-Korte ay dumarating. At gusto kung manatili sapagkat halos lahat sila ay sundalo... isang mandirigma... Digmaan! Ang digmaan ay maganda! Nagagawa ang isa na manalo! Mapaaalis nito ang mga Romano. Ibagsak ang Roma! Mabuhay ang Kaharian ng Israel» sigaw ng batang lalaki nang nagmamalaki.

«Ang digmaan ay hindi mabuti, Matthias, at kadalasan ang isa ay hindi nananalo sa digmaan at pagkatapos ang isa mula bilang nasasakupan ay nagiging isang alipin.»

«Ngunit ang Inyong Kaharian ay kailangan na dumating. At upang makarating ito ang isang digmaan ay kailangan na mangyari. At ang lahat ay mapalalayas, si Herodes din, at Kayo ay magiging hari.»

«Maging tahimik, tangang bata. Nalalaman mo na hindi mo kailangan na ulitin kung ano ang naririnig mo. Tama sila sa pagpapaalis sa iyo. Hindi mo ba nalalaman na mapápasamá mo ang itay, ang inay at si Jesus din sa pagsasabi nang ganyan?» sabi ni Maria. At pagkatapos siya ay nagpaliwanag: «Isang araw, at mamang iyon na katulad ng isang prinsipe at isang kamag-anak ni Herodes at Inyo ring disipulo ay pumunta upang makipagusap sa itay. At labis silang nagsisigawan, hindi sila nag-iisa, bagkus kasama ang marami pang mga tao...»

«Lahat sila ay magagandang lalaki, may magagandang espada at nagsasalita sila ng tungkol sa digmaan...» pagputol ni Matthias.

«Manahimik, ngayon! Labis silang nagsisigawan na sila ay aming naririnig, at mula noon ang tangang ito ay wala nang ginagawa bagkus ang magsalita tungkol doon. Sabihin sa kanya na hindi niya kailangang gawin ito... Sinabihan siya ng inay, at ang itay ay binalaan siya na dadalhin siya niya sa tuktok ng Great Hermon, at iwanan siya sa loob ng isang gruta may kasamang alipin na pipi’t bingi, hanggang matuto siyang maging tahimik. At kinakailangan niyang maging tahimik doon, sapagkat kung magsalita siya sa alipin, ang huli ay hindi siya maririnig at hindi tutugon sa kanya, at kung siya ay sumigaw, ang mga agila at mga lobo ay darating upang kainin siya...»

«Isang tunay na nakakatakot na kaparusahan» sabi ni Jesus ngumingiti at hinahaplos ang bata na nawalan ng kanyang katapangan at dumidikit kay Jesus na tila nakakakita na siya ng mga agila at mga lobo nakahandang kainin siya nang ganap, kasama na ang kanyang maliit na walang-hinahon na dila. «Isang tunay na nakakatakot na kaparusahan!» Inuulit Niya.

«Oo, at ako ay natatakot na iyan ang mangyayari sa kanya at na ako ay maiiwan nang walang Matthias, at ako ay umiiyak... Ngunit wala siyang nararamdaman na awa para sa akin o para sa inay at gagawin niya kami na mamatay na durog ang puso...»

«Hindi ko iyan ginagawa nang sadya... Sinasabi ko... kung ano ang naririnig ko... Napakaganda... na isipin na ang mga Romano ay natalo, na sina Herodes at Philip ay napalayas at na si Jesus ay ang Hari ng Israel» pagtatapos niya nang pabulong tinatago ang kanyang mukha sa ilalim ng tunika ni Jesus upang mapahina pa nang lalo ang tunog ng kanyang tinig.

«Si Matthias ay hindi na muli babanggitin ang mga bagay na ito. Mangangako siya sa Akin at pangangatawanan niya ang kanyang pangako. Tama ba iyon? Kung kaya't hindi siya kakainin at si Johanna at si Maria ay hindi mamamatay na durog ang puso. Si Chuza ay hindi mababalisa at Ako ay hindi kapopootan. Sapagkat, kita mo, Matthias? Nagawa mong kapootan Ako, sa pagsasabi ng mga ganyang bagay. Matutuwa ka ba kung si Jesus ay inuusig? Isipin na lamang kung gaano ka makukonsiyensiya kung isang araw kailangan mong sabihin sa iyong sarili: “Ginawa ko ang mga tao na usigin si Jesus Na siyang nagligtas sa akin, sapagkat inulit ko ang aking di-sinasadyang mapakinggan na sinabi ng mga tao”. Sila ay mga tao. At ang mga tao ay kadalasan hindi na makita ang Diyos sapagkat sila ay makasalanan. Dahil hindi nila makita ang Diyos, hindi nila makita ang Karunungan at nakagagawa sila ng mga pagkakamali bagama't mabuti ang kanilang intensiyon, o nakagagawa sila ng sa akala nila iyon ay mabuti. Ngunit ang mga bata ay mabubuti. Ang kanilang espiritu ay nakikita ang Diyos at ang Diyos ay nagpapahinga sa kanilang mga puso. Sa gayon kailangan na naiintindihan nila ang mga bagay sa isang may-karunungan na pamamaraan at masabi na ang Aking Kaharian ay hindi maitatatag sa pamamagitan ng karahasan sa Lupa, bagkus sa pamamagitan ng Pagmamahal, sa loob ng mga puso ng mga tao. At sila ay kailangan na magdasal na sana maintindihan ng mga tao ang Kaharian Kong ito katulad na naiintindihan ito ng mga bata. Ang mga panalangin ng mga bata ay dinadala sa Langit ng kanilang mga anghel at ang Kataastaasan ay ginagawa itong maging mga grasya. At si Jesus ay kinakailangan ang mga grasyang ganito upang mabago ang mga tao, na nag-iisip ng digmaan at ng isang temporal na kaharian, na maging mga apostol na nakaiintindi na si Jesus ay kapayapaan at na ang Kanyang Kaharian ay espirituwal at makalangit. Nakikita mo ba ang maliit na kordero na ito? Ito ba ay makapaggugutay ng kahit ano?»

«Eh! hindi! Kung iyan ay makagagawa niyan, hindi iyan ibibigay ng itay sa amin upang hindi kami magkapira-piraso.»

«Iksakto, tama ka. Ang Ama rin Na nasa Langit ay hindi Ako sana kailanman pinadala kung Ako ay nagkaroon ng kapangyarihan at kalooban na mangatay. Ako ay Kordero at Pastol. Ako ay kasing mapagpakumbaba at maamo katulad ng isang kordero at Ako ay Siya na nangangalap sa pamamagitan ng pagmamahal, na may tungkod ng isang mabuting Pastol at hindi isang sibat at espada ng isang mandirigma. Naintindihan mo ba? At mangangako ka ba sa Akin, sa Akin lamang, na hindi ka na magpakailanman magsasalita ng tungkol sa mga bagay na ito muli?»

«Oo, Jesus. Ngunit... tulungan Ninyo ako... sapagkat sa pamamagitan ng aking sarili...»

«Tutulungan kita. Tingnan, hahaplusin Ko ang iyong mga labì at sa gayon makapananatili itong sarado.»

«Aking Guro. Ito ay isang banal na gabi, dahil pinahihintulutan ako nito na makita ko Kayo!» sabi ni Jonathan dumarating mula sa bahay at pinatitirapa ang sarili sa paanan ni Jesus.

«Kapayapaan sa iyo, Jonathan. Maaari Ko bang makita si Johanna?»

«Siya ay darating. Pinauwi na niya ang mga binibining Romano upang pumunta siya sa Inyo.»

Si Jesus ay tinitingnan siya nang may pagtatanong ngunit hindi nagtanong ng kahit ano. Naglalakad Siya patungo sa bahay nakikinig kay Jonathan na nagsasalita ng tungkol kay Chuza «labis na naiinis kay Herodes» at nagsasabing: «Alang-alang sa aking sinyora nakikiusap ako sa Inyo na patigilin siya, sapagkat ibig niyang gumawa ng mga bagay na walang magagawang mabuti na kahit ano sa Inyo o sa kanya, higit sa lahat sa Inyo.»

Si Johanna ay nagmadali patungo sa Panginoon at hindi inaalala ang kanyang magandang damit pinagpatirapa ang kanyang sarili sa alikabok ng daan at hinahalikan ang mga paa ni Jesus. Nakasuot siya ng isang magandang maputing damit, sa ibabaw nito kung saan mula sa kanyang ulo ay nakabitin ang isang belo na nagmumukhang katulad ng platang piligrina na magkakalapit nang magkakalapit ang pagkakaburda sa pamamagitan ng platang mga sinulid – at hindi ko alam kung papaano ang gayong kagaan na tela na susupurtahan ang platang brokado burda – at sa kanyang ulo ay may manipis na diyadema patulis ang harapan, katulad ng isang mitro na may tampok ng mga perlas, mayroon siyang mabibigat na perlas na hikaw, isang perlas na kuwintas at perlas na mga pulseras at mga singsing: isang tanawin ng kagandahan, kadalisayan at yumi.

«Kapayapaan sa iyo, Johanna.»

«Kapag Kayo ay kasama ko ang kapayapaan ay laging nasa akin at sa aking bahay... Inay!...» at ibig niyang halikan ang mga paa ni Maria, Na, sa halip, ay niyakap siya hinahalikan siya. Isang halik din ang ipinagpalitan kay Maria ni Alfeo.

«Pagkatapos ng pagbati, si Jesus ay nagsabi: «Johanna, kailangan Kong magsalita sa iyo.»

«Naririto ako, Guro. Maria, ang aking bahay ay sa Inyo. Iutos kung ano ang kailangan Ninyo. Sasamahan ko ang Guro...»

Si Jesus ay nakapunta na sa damuhan, kung saan Siya ay maaaring makita ng lahat, ngunit napakalayo na walang makaririnig sa Kanya. Si Johanna ay sinamahan Siya.

«Johanna, kailangan Kong tanggapin ang isang mensahero mula sa Antioch, na tiyak na pinadala ni Syntyche. Iniisip Ko na gawin ito sa loob ng iyong bahay. Dito, sa loob ng iyong hardin...»

«Kayo ang panginoon ng lahat na pag-aari ni Johanna.»

«Ng iyong puso rin?» si Jesus ay tinititigan siya.

«Nalalaman na Ninyo, Guro! Noon ako ay halos nakatitiyak. Ngayon ako ay lubos na nakatitiyak. Si Chuza... Ang pagka-kawalang-pagkakaugnay-ugnayan ng mga lalaki ay talagang malaki! Ang kanilang pagkakakabit sa mga interes ay napakalakas! At ang kanilang awa para sa kanilang mga asawa ay totoong napakakaunti!... Kahit na kami, mga asawa ng pinakamabubuting asawa, ano ba kami? Isang alahas na pinakikita o itinatago ayon sa kapakinabangan nito...  Isang aktor na kailangang tumawa o umiyak, makaakit o makataboy, magsalita o maging tahimik, ipakita o itago ang sarili sa pagsunod sa mga kahilingan ng kanyang asawa... laging sa kanyang interes... Ang aming kapalaran ay laging isang malungkot na kapalaran, Panginoon! At nakapagpápababâ!»

«Bilang kompensasyon ang inyong mga espiritu ay makaka-akyat nang mas mataas.»

«Iyan ay totoo. Nalaman ba Ninyo sa pamamagitan ng Inyong sarili o sila ay nagsalita sa Inyo tungkol dito? Nakita na ba Ninyo si Manaen? Siya ay naghahanap para sa Inyo...»

«Hindi. Wala pa Akong nakitang sinuman. Siya ba ay naririto?»

«Oo, kaming lahat ay naririto... Ang ibig kong sabihin: ang lahat na mga kortesano ni Herodes... at marami upang kapootan siya. Kasama rito ay nariyan din si Chuza dahil si Herodes, sa kalooban ni Herodias, ay nasisiyahan na ipahiya ang kanyang tagapamahala... Panginoon, naaalaala ba Ninyo na sa Bether sinabi ko sa Inyo na gusto niyang maihiwalay niya ako sa Inyo sapagkat natatakot siya na mawala ang pagtingin sa kanya ni Herodes? Ilang mga buwan pa lamang ang nakararaan... At ngayon gusto na niyang ako... Oo, Panginoon. Gusto niyang himukin ko Kayo na tanggapin ang kanyang tulong upang maging hari sa lugar ng Tetrarka... Kailangan kong sabihin sa Inyo sapagkat ako ay isang babae, kung gayon nakapailalim sa lalaki, at isang Judiong babae higit sa lahat, kung gayon nakapailalim sa kalooban ng kanyang asawa nang higit pa kailanman. At sinasabi ko sa Inyo... At hindi ko Kayo pinapayuhan... sapagkat umaasa ako na nalalaman ko na na Kayo... o! hindi Ninyo gagawin ang Inyong sarili na maging isang hari sa tulong ng bayarán na mga maninibat. O!.. ano ba ang aking nasabi! Hindi sana ako nagsalita nang gayon... Hinayaan ko sana Kayong mapakinggan Ninyo muna si Chuza, si Manaen at ang iba pa... At kung ako ay nanatiling tahimik, nagawa ko kaya ang maling bagay?... Panginoon, tulungan akong makita ko kung ano ang makatarungan...»

«Kung ano ang makatarungan ay nasa iyong puso, Johanna. Ni hindi sa pamamagitan ng mga kawal ng Romano, o sa pamamagitan ng mga maninibat ng Israel gagawin Ko ang Aking sarili na hari, kahit na kung ang Roma at Israel ay magpasya na papayapain ang rehiyon na ito sa pamamagitan Ko. Sapat na ang Aking naintindihan upang mapagdugtung-dugtong ang mga pangyayari. Si Matthias ay nakapagsalita ng walang-kahinahunan na mga salita. Si Jonathan ay nakapagbanggit ng tungkol sa mga tao na bilang naiinis. Sinasabi mo ang iba pa. Bubuuin Ko kung gayon ang larawan: ang isang katangahang idea tungkol sa Aking Kaharian ay inuudyukan ang mabubuting tao, na mga hindi pa makatarungan, katulad ni Manaen, na lumikha ng mga pag-alsa na may kakayahan na makapagtatag ng kaharian ng Israel ayon sa nakapirming idea ng karamihan ng mga tao. Ang isang matalas na masimbuyong pangangailangan na maipaghiganti ang kanilang mga sarili laban sa isang pang-iinsulto ay inuudyukan ang iba pa, kasama rito ang iyong asawa, na ganyan din ang gawin. Ang katusuhan ng mga Pariseo, mga Saduseo, mga eskriba at ni Herodes din ay lumalaro sa dalawang motibo na iyan upang magtagumpay ang pagpapalayas sa Akin, sa pamamagitan ng ipakita Ako sa mga mata ng mga naghahari sa atin kung ano ang hindi Ako. Pinauwi mo ang mga binibining Romano upang sabihin ito sa Akin, upang hindi mapagtaksilan si Chuza, si Manaen o ang ibang mga tao. Ngunit sasabihin Ko sa iyong totoo na sa katunayan ang mga Hentil ay naiintindihan Ako nang higit pa kaysa ng sino pa man. Tinatawag nila Akong isang pilosopo, baka tinitingnan nila Ako na isang nananaginip-nang-gising, isang di-realista, isang di-masayang tao, ayon sa kanilang mentalidad na ibinabasi ang lahat na bagay sa karahasan. Ngunit naintindihan nila, naintindihan nila ito man lamang: na Ako ay hindi para sa Lupa, na ang Aking Kaharian ay hindi para sa Lupa. Hindi sila natatakot sa Akin, bagkus sa mga sumusunod sa Akin. Tama sila. Ang Aking mga tagasunod, ang iba dala ng pagmamahal, ang iba dala ng pagmamalaki, ay labis na may kakayahan na gumawa ng kahit ano upang maging totoo ang kanilang iniisip: ang gawin Ako, Ako Na Hari ng mga hari, Ako Na pansansinukuban na Hari, na maging isang kaawa-awang hari ng isang maliit na nasyon... Talagang kailangan Kong bantayan nang mabuti ang patibong na ito, dahil ito ay tumatrabaho sa loob ng lilim, pinakikilos ng Aking totoong mga kaaway, na wala sa loob ng gusali ng prokonsul sa Caesarea, o sa loob ng gusali ng Gobernador sa Antioch, o sa Antonia. Sila ay nasa ilalim ng “tephilim”, sa mga palawit at zizith ng mga pananamit ng Hudyo at lalo na sa ilalim ng malalapad na tephilim at malalambot at maliruy-liroy na zizith nakakabit sa malalapad na damit ng mga Pariseo at mga eskriba upang mapatunayan ang kanilang mas lalo pang pagsunod sa Batas. Ngunit ang Batas ay nasa mga puso, wala sa mga kasuutan... Kung ito ay nasa kanilang mga puso, ang mga napopoot sa isa’t isa, ngunit ngayon ay nagkakaisa na kinakalimutan ang kanilang poot na makagawa ng kapinsalaan – ang poot na naghuhukay ng malalalim na bangin sa pagitan ng isang grupo ng Israel at ng isa pa at na ngayon hindi na magkahiwalay bagkus naging magkalebel na sapagkat ang mga bangin ay natambakan na ng poot para sa Akin – kung ang Batas ay nasa kanilang mga puso at hindi nakabitin o nakakabit sa kanilang mga kasuutan, mga noo, mga kamay, katulad na katulad ng isang taong-bundok na nagsusuot ng mga anting-ating, mga kabibi, mga buto, mga tuka ng buwitre dala ng pamahiin o bilang mga dekorasyon, kung ang Batas na ito ay nasa kanilang mga puso, kung ang Karunungan ay hindi isinulat sa tephilim bagkus sa mga himaymay ng kanilang mga puso, maiintindihan nila kung sino Ako at hindi nila Ako sasalungatin upang sirain Ako bilang Salita at bilang Tao. Kailangan Ko kung gayon na ipagsanggalang ang Aking sarili sa mga kaibigan at sa mga kaaway, di makatarungan kapwa sa kanilang pagkapoot at pagmamahal. Kailangan na subukan Kong gabayan ang kanilang pagmamahal at mapatahimik ang kanilang pagkapoot. Ginagawa Ko ito, upang magawa ang Aking tungkulin. At gagawin Ko ito hanggang maitayo Ko Aking Kaharian, binabasâ ang mga bato sa pamamagitan ng Aking Dugo upang masimento sila. Kapag nawisikan Ko na kayo ng Aking Dugo, ang inyong mga puso ay hindi na magbabagu-bago. Ako ay nagsasalita ng tungkol sa mga puso na tapat sa Akin. Ng sa iyo, Johanna, na naiipit ng dalawang puwersa at ng dalawang pagmamahal na nasa iyo at sa loob mo: si Chuza at Ako.»

«Ngunit mananalo Kayo, Panginoon.»

«Oo, mananalo Ako.»

«Ngunit subukan na mailigtas din si Chuza... Mahalin ang aking minamahal.»

«Minamahal Ko siya na nagmamahal sa iyo.»

«Mahalin si Chuza na nagmamahal sa Inyo...»

«Ang kasinungalingan ay hindi nababagay sa noo na iyan na kasing puro ng mga perlas na inaadornohan nito at ngayon namumula sa pagsisikap na mahimok ang sarili at Ako tungkol sa pagmamahal ni Chuza para sa Akin.»

«Subalit minamahal niya Kayo.»

«Oo. Para sa kanyang sariling interes. Katulad ng para sa kanyang interes hindi niya Ako minahal sa Zio at Siram... Ngunit naririto na si Simon ni Jonah kasama ang estranghero. Tayo na at salubungin sila...»

Pumunta sila hanggang sa layo ng malaking pasilyo sa likuran ng bahay, kung baga isang palikong portiko kaysa isang pasilyo, bukas sa parke, na umaabot hanggang sa layo ng bahay. Ang palikong pasilyo, bukas sa hardin, ay adornado ng malalaking haligi na may mga sanga ng mga rosal sa kasalukuyan walang mga bulaklak at ng maselan na mga sanga ng hasmin puno ng bulaklak, at ng iba pang purpurang mga gapang na tanim, na ang mga pangalan ay hindi ko alam.

«Kapayapaan sa iyo, dayuhan. Kinailangan mo ba Ako?»

«Kalusugan at kaluwalhatian, Panginoon. Hinahanap ko Kayo. Mayroon akong isang sulat para sa Inyo. Ang isang Griyegong babae ay ibinigay ito sa akin sa Antioch. Ako ay... Hindi, hindi na ako isang Griyego, sapagkat ako ay naging isang Romanong mamamayan upang ipagpatuloy ang aking kontratang pagtatrabaho. Ako ay tagatustos ng pagkain sa mga tropang Romano. Kinapopootan ko sila. Ngunit may pakinabang na magtustos sa kanila ng mga pagkain. Para sa kanilang ginawa sa atin, kailangan ko sigurong haluan ng abeto ang kanilang harina. Ngunit kailangan nilang lahat na malason. Ang kakaunti ay walang silbi. Ito ay magiging malala... Akala nila sila ay pinahihintulutan na gawin ang kahit ano dahil sila ay malakas. Sila ay mga barbaro, kompara sa mga Griyego. Ninakawan nila tayo ng lahat upang madekorasyunan ang kanilang sarili ng ating sining at magmukhang sibilisado. Ngunit kung iyong kakaskasin ang pangibabaw na may kulay sa pamamagitan ng kulay ng ating sibilisasyon, lagi kang makakakita ng Amulius, isang Romulus, isang Tarquinius... Makakakita ka lagi ng isang Brutus, ang mamamatay-tao ng kanyang tagatangkilik. Sa kasalukuyan sila ay may Tiberius! Hindi pa rin sapat sa kanila! Mayroon silang Selanus. Mayroon sila ng nararapat sa kanila. Mga espada, mga tanikala, ang mga krimen na kanilang ginawa ay bumabalik laban sa kanila at kinakain ang laman ng mga hayop na Romano. Napakaliit pa rin. Ngunit ang Batas ay hindi papalya. Kapag ang halimaw ay lumaki nang lumaki, ito ay babagsak dahil sa sariling bigat nito at mabubulok. At ang sinakop ay tatawanan ang dambuhalang labí at magiging ang mga panalunan muli. Mangyari ito. Harinawang ang mga paa ng mga panalunan ay durugin siya na dumurog sa lahat sa kanyang brutal na pananakop... Ngunit patawarin ako, Panginoon. Ako ay nádala muli ng aking walang-katapusan na kapighatian... Sinasabi ko kanina na ang isang Griyegong babae ay nagbigay sa akin ng isang sulat para sa Inyo at sinabi niya sa akin na Kayo ang perpektong Mabirtud na Tao. Mabirtud... Bata pa Kayo na maging ganyan... Ang dakilang mga espiritu ng Hellas ay ginugol ang kanilang buong mga pamumuhay upang maging mabirtud nang kaunti...Gayunman ang babae ay sinabi sa akin ang tungkol sa Inyong Idea. Kung talagang naniniwala Kayo sa kung ano ang Inyong tinuturo, Kayo ay dakila... Totoo ba na Kayo ay nabubuhay upang ihanda ang Inyong Sarili na mamatay upang maibigay sa mundo ang karunungan na mamuhay bilang mga diyos at hindi bilang mga hayop, katulad ng ginagawa sa kasalukuyan ng mga tao? Totoo ba na pinangangatawanan Ninyo na iisang kayamanan lamang ang karapat-dapat na makuha: ang kayamanan ng mga birtud? Totoo ba na Kayo ay pumunta upang manubos ngunit na ang panunubos ay nagsisimula sa aming mga sarili, sinusundan ang Inyong itinuturo? Totoo ba na kami ay may kaluluwa at na ito ay kailangan na pangalagaan namin, sa dahilan na ito ay isang dibinong bagay, walang-kamatayan, walang-pagkabulok gawa ng kalikasan nito, subalit na sa pamamagitan namin, namumuhay bilang mga hayop, mapagkakaitan namin ito ng dibinong karakter nito, bagama't hindi namin ito masisira? Tumugon, o Dakilang Isa!»

«Iyan ay totoo. Ang lahat na iyan ay totoong totoo.»

«Sa ngalan ni Jove! Ang amin ding Pinakadakilang Isa ay nagsasabing totoo. Ngunit ang tunog nito ay katulad ng himig na nagkukulang ng isang nota, katulad ng isang lira na nagkukulang ng isang kuwerdas. Paminsan-minsan nakakadama ang isa ng isang walang-laman na espasyo, na hindi kailanman tinawid ng pilosopo. Napunuan Ninyo ito, kung talagang Kayo ay naparito hindi lamang upang magturo bagkus upang mamatay din, hindi pinipilit ng sinuman, bagkus sa pamamagitan ng Inyong sariling kalooban na sundin ang Diyos, na dahil dito ang Inyong kamatayan ay nagiging isang sakripisyo sa halip na isang pagpapakamatay.... Sa ngalan ng dibinong Pallas! Wala sa aming mga diyos ang nakagawa niyan kailanman. Hinihinuha ko kung gayon na Kayo ay mas mataas sa kanila. Sinasabi ng Griyegong babae na sila ay wala naman talaga, at na Kayo lamang ang naririyan... Kung gayon ako ba ay nagsasalita sa isang Diyos? At ang isang Diyos ba ay makikinig nang ganito sa isang tagatustos ng pagkain, sa isang miserableng magnanakaw na napopoot sa kanyang mga kaaway? Bakit Kayo nakikinig sa akin?»

«Sapagkat nakikita Ko ang iyong kaluluwa.»

«Nakikita Ninyo ito?!!! Ano ang katulad nito?»

«Pilipit, marumi, may buhok na mga ahas, mapait, mangmang, bagama't ang iyong katalinuhan ay ibang-iba sa katalinuhan ng isang barbaro. Ngunit sa loob ng iyong pangit na templo mayroon kang isang altar na naghihintay, katulad ng altar sa Aeropagus, at naghihintay ito para sa gayon din na bagay: sa totoong Diyos.»

«Para sa Inyo, kung gayon, sapagkat ang Griyegong babae ay nagsasabi na Kayo ang totoong Diyos. Ngunit, sa ngalan ni Jove, ang Inyong sinasabi tungkol sa aking kaluluwa ay totoo. Kayo ay mas maliwanag at nakatitiyak kaysa sa Delphic na orakulo. Ngunit nagtuturo Kayo ng kapayapaan, pagmamahal at pagpapatawad. Mahihirap na birtud. At nagtuturo Kayo ng kahinahunan at lahat na klase ng katapatan... Ang maging lahat na iyan ay ang maging mga diyos na mas dakila pa kaysa sa mga diyos, sapagkat sila... o! sila ay hindi mga mapagpakalma, tapat, mapagbigay!... Sila ang perpeksiyon ng masamang masisimbuyong damdamin ng mga tao, maliban kay Minerva na marunong man lamang... Kahit na si Diana!... Puro ngunit malupit... Oo, ang maging katulad ng Inyong tinuturo ay ang maging mas dakila pa kaysa sa mga diyos. Kung ako ay maging ganyan... sa ngalan ng pinakamagandang si Ganymede! Ang lalaking ito ay dinukot ng Olympic na agila at naging isang dibinong tagadala ng kopa. Ngunit si Zeno mula sa pagiging tagatustos ng pagkain sa barbarong mga naghahari ay magiging diyos... Ngunit hayaan na isipin ko ang kaisipan na ito, at sa pansamantala mababása Ninyo ang sulat ng babae...» at ang mamâ ay nagsimulang maglakad nang manhik-manaog katulad ng isang pagalagala.

Si Pedro, bilang pagod at nakikita na ang pag-uusap ay isang mahabang pag-uusap, ay naupong komportable sa isang upuan sa bulwagan, at nagsisimula nang makatulog nang mapayapa sa malamig na lugar, sa ibabaw ng malambot na mga kutson... Ngunit maaaring natutulog siya nang nakabukas ang isang mata, sapagkat nagising siya ng ingay ng pagsira ng selyo at ng paglaladlad ng pergamino, at tumayo siya, kinukuskos ang kanyang inaantok na mga mata. Nilapitan niya ang Guro, Na nagbabasa nang nakatayo sa ilalim ng isang tsandelyer na gawa sa mga piraso ng mica ng maselan na biyoleta na kulay. Sa dahilan na ang ilaw ay malabo, tama lamang na maliwanagan ang lugar nang hindi ito napagkakaitan ng alindog ng liwanag-ng-buwan sa maliliwanag na gabi, hinahawakan ni Jesus ang pergamino nang mataas upang makita ang mga salita, at si Pedro, na masyadong mas maliit kaysa sa Guro, nakatayo sa tabi Niya, ay pinahahaba ang leeg, nakatayo sa mga daliri ng kanyang mga paa, upang makakita, ngunit hindi magtagumpay.

«Iyan ay si Syntyche, eh? Ano ang sinasabi niya?» dalawang beses siyang nagtanong at siya ay nakikiusap: «Basahin nang malakas, Guro!»

At si Jesus ay tumugon: «Oo, siya ito... Mamaya...» at nagpatuloy Siya sa pagbabasa, at nang natapos Niya ang unang pahina, nirolyo Niya ito, inilagay Niya ito sa mga tiklop ng Kanyang sinturon at nagsimulang basahin ang ikalawang pahina.

«Anong haba ang kanyang sinulat, eh? Kumusta si Juan? At sino ang lalaking iyon?» si Pedro ay kasing kulit ng isang bata.

Si Jesus ay nakalublob nang nakalublob na hindi na Siya nakikinig sa kanya. Ang ikalawang pahina ay natapos na rin at iniligpit katulad ng una. «Masisira ang mga iyan diyan. Ibigay iyan sa akin. Itatago iyan...» at tiyak na iniisip niya: «at titingnan ko iyan.» Ngunit nang itinaas niya ang kanyang mga mata upang tingnan ang kamay ni Jesus na inirorolyo ang ikatlo at huling pahina, nakakita siya ng isang luha na nagningning sa mga pilikmata ni Jesus. «Guro?! Umiiyak ba Kayo?! Bakit, Guro?» sabi niya, at idinidikit niya ang kanyang sarili sa Kanya niyayakap Siya sa pamamagitan ng kanyang maikling maskuladong kamay.

«Si Juan ay patay na...»

«O! Kaawa-awang tao! Kailan siya namatay?»

«Sa pagsimula ng tag-init... gustung-gustong makita tayo...»

«O! kaawa-awang Juan... Mangyari pa... siya ay nasa kanya nang katapusan!... At ang kanyang pamimighati sa pag-alis... Ang lahat dahil sa ilang mga ahas! Sana nalaman ko ang mga pangalan nila!... Magbasa nang malakas, Panginoon. Gustung-gusto ko si Juan!»

«Mamaya. Babasahin Ko ito sa inyo mamaya. Maging tahimik ngayon.»

Si Jesus ay nagbabasa nang maasikaso... Si Pedro ay pinahahaba pa nang lalo ang kanyang sarili upang makakita... Ang pagbabasa ay tapos na. Si Jesus ay nirorolyo ang pahina at nagsabi: «Tawagin ang Aking Ina.»

«Hindi ba Kayo magbabasa?»

«Hinihintay Ko ang iba pa... Sa pansamantala pauuwiin Ko ang lalaking iyon.»

At habang si Pedro ay papasok sa bahay kung saan naroroon ang mga babaeng disipulo kasama si Johanna. si Jesus ay nilapitan ang Griyego: «Kailan ka aalis?»

«O! Kailangan kong pumunta sa Prokonsul sa Caesarea at pagkatapos sa Joppa pagkatapos na mabili ko ang ilang mga bagay. Ako ay aalis sa loob ng isang buwan, tamang-tama para maiwasan ang mga bagyo ng Nobyembre . Uuwi ako sa pamamagitan ng dagat. Kailangan ba Ninyo ako?»

«Oo, upang makapagpadala ng sagot. Ang Griyegong babae ay nagsabi na mapagkakatiwalaan kita.»

«Sinasabi nila na kami ay huwad. Ngunit nagagawa rin namin na hindi maging ganito. Mapagkakatiwalaan Ninyo ako. Maihahanda Ninyo ang sulat at hanapin ako sa mga Tabernakulo sa bahay ni Cleanthe; tinutustusan niya ako ng keso ng Judaea para sa hapag-kainan ng mga Romano. Ito ay ang ikatlong bahay pagkatapos ng pontanya sa nayon ng Bethpage. Hindi Kayo magkakamali.»

«Ni hindi ka rin magkakamali kung magpapatuloy ka sa landas na iyo nang nilalakaran. Paalam, lalaki. Ang sibilisasyon ng Griyego ay dinadala ka patungo sa sibilisasyon ng Kristiyano.»

«Hindi ba Ninyo ako kagagalitan para sa pagkapoot?»

«Sa pakiramdam mo ba kailangan kitang pagalitan?»

«Oo, sapagkat hindi Kayo sumasang-ayon sa kapootan bilang ito ay isang kasuklam-suklam na masimbuyong damdamin at kinamumuhian Ninyo ang paghihiganti.»

«At ano ang opinyon mo sa bagay na ito?»

«Sa palagay ko siya na hindi napopoot at nagpapatawad ay mas dakila pa kaysa kay Jupiter.»

«Abutín, kung gayon ang kadakilaan na iyan... Paalam, lalaki. Mahalin sana ng iyong pamilya si Sintike, at sa pagkatapon na inyong kinaroroonan sa kasalukuyan kunin ang mga landas na magdadala sa eternal na Amangbayan: sa Langit. Ang mga naniniwala sa Akin at nagsasabuhay ng Aking mga salita ay magkakaroon ng Amangbayan na iyan. Harinawang ang Liwanag ay paliwanagan ka. Humayo sa kapayapaan.»

Ang mamâ ay nagpaalam at umalis. Siya pagkatapos ay tumigil, bumalik at nagtanong: «Hindi ko ba Kayo mapapakinggan na magsalita?»

«Magsasalita Ako pagsikat ng araw, sa Tarichea. Pagkatapos magpapagawi Akong Syro-Phoenicia at pagkatapos, hindi Ko alam kung sa pamamagitan ng aling daan, patungo sa Herusalem.»

«Hahanapin ko Kayo. At pupunta ako sa Tarichea bukas upang tingnan kung Kayo ay mabisang magsalita katulad na Kayo ay marunong.»

Umalis siya sa wakas.

Ang mga babae ay nasa bulwagan at kasama si Pedro  sila ay nagkukumentaryo tungkol sa kamatayan ni Juan. Ang iba ring mga apostol ay dumating, ang mga iniwan sa bayan upang paalamin ang mga tao na ang Rabbi ay darating sa Tarichea sa susunod na umaga. Lahat sila ay nagsasalita tungkol sa kaawa-awang Juan ng Endor at nananabik na makaalam.

«Namatay siya, Anak!»

«Oo. Siya ay nasa kapayapaan.»

«Siya ay totoong natapos na sa paghihirap.»

«Siya ay talagang napalaya na sa pagkakakulong .»

«Hindi niya kinailangan na ipaghirap ang huling pagpapahirap ng pagkakapatapon.»

«Isang karagdagan na puripikasyon.»

«O! ayaw ko ng ganyan na puripikasyon para sa aking sarili. Yung iba... ngunit hindi ang mamatay na malayo sa Guro!»

«Gayunman... tayong lahat ay mamamatay nang ganyan... Guro... isama Ninyo kami!» sabi ni Andres pagkatapos na makapagsalita ang iba.

«Hindi mo alam kung ano ang iyong hinihingi, Andres. Ito ang inyong lugar hanggang sa tawagin Ko kayo. Ngunit pakinggan kung ano ang sinusulat ni Sintike.

“Si Sintike ni Kristo bumabati kay Kristo Jesus.

Ang lalaking magdadala sa Inyo ng mga pahinang ito ay isang kababayan ko. Nangako siyang hahanapin niya Kayo hanggang makita Kayo, gagamitin bilang huling paraan ang Bethany, kung saan iiwanan niya ang sulat kay Lazarus, kung sakaling hindi siya magtagumpay na makita Kayo saan mang lugar. Siya ay isa na bumabawi, hangga't sa magagawa niya, para sa lahat na pagkakamali na tinanggap niya at ng kanyang mga ninuno mula sa Roma. Ang Roma ay hinampas sila nang tatlong beses, sa maraming paraan at sa pamamagitan ng dating mga sistema nito. Sinasabi niya, nang may Griyego katatawanan, ginagatasan na niya ngayon ang mga baka ng Tiber upang maisuka nila ang mga Griyegong kambing. Siya ang tagatustos ng pagkain sa Gobernador at sa maraming pamilya ng mga Romano ng maliit na Roma na ito at dakilang reynang bayan ng Silangan. Higit pa rito, pagkatapos ng mga kakanin para sa mayayamang tao, sa pamamagitan ng kanyang matalinong mga pamamaraan ng ugaling-alipin ng pambobola itinatago ang kanyang di mapagaling na kapootan, naging matagumpay siya na makuha ang kontrata para sa pagtustos ng pagkain sa mga kawal sa silangan. Hindi ko sinasang-ayunan ang kanyang mga pamamaraan. Ngunit ang lahat ay may kanya-kanyang mga pamamaraan. Mas gugustuhin ko ang tinapay na hiningi sa kalsada kaysa sa mga kaha ng ginto na binibigay sa kanya ng naniniil. At lagi akong kikilos nang ganyan, kung hindi ako inuudyukan ng iba pang rason, na walang maibibigay na mabuti sa akin, na gayahin ang Griyego para sa aking sariling pakay.

Matapos man ang lahat, siya ay isang mabuting tao at ang kanyang asawa ay mabuti din katulad ng kanyang tatlong anak na babae at ng kanyang anak na lalaki, nakilala ko sila sa maliit na eskuwelahan sa Antigonea at sa pamamagitan ng pamahid napagaling ko ang ina na nagkasakit nang pagsimula ng tagsibol at kung gayon nagsimula akong pumunta sa kanilang bahay. Maraming pamilya ang nagugustong tumanggap sa akin bilang isang tagapagturo at tagaburda: nobleng mga pamilya at mga negosyante tao, ngunit mas ginusto ko ang isang ito para sa isang rason na walang kaugnayan sa kanilang pagiging mga Griyego. Ipaliliwanag ko ang sitwasyon sa Inyo.

Nakikiusap ako na tiisin si Zeno, kahit na kung hindi Kayo makapagsang-ayon sa kanyang mentalidad. Katulad niya ang isang tigang na lupa, na tila may mga bubog ang ibabaw, ngunit mabuting lupa ang ilalim. Umaasa akong maaalis ko ang matigas na pangibabaw na ito na gawa ng labis na kapighatian at sa gayon mailantad ang mabuting lupa. Ito ay magiging malaking tulong sa Inyong Simbahan, dahil si Zeno ay kilalang-kilala at nakakaugnay ang maraming tao sa Asya Menor at Gresya, bilang karagdagan sa Cyprus at Malta at kahit sa Iberia, kung saan may mga kamag-anak siya at mga kaibigan kahit saan, mga Griyego na inuusig katulad niya mismo, pati na rin mga sundalong Romano at mga mahistrado, na maaaring magiging maypakinabang na maypakinabang sa Inyong layunin isang araw.

Panginoon, habang nagsusulat, mula sa terasa ng bahay nakikita ko ang Antioch kasama ang mga daungan nito sa ilog, gusali ng Gobernador sa isla, ang makaharing mga kalsada at mga pader na may daan-daan na makapangyarihang mga tore, at kung ako ay tatalikod makikita ko ang tuktok ng Sulpius nangingibabaw sa akin pamamagitan ng kuwartel nito, at ang isa pang gusali ng Gobernador. Ako kung gayon ay nasa pagitan ng dalawang pagpapakita ng kapangyarihang Romano, ako, isang abang babae, nag-iisa. Ngunit hindi ako natatakot nito. Sa kabaligtaran sa aking palagay kung ano ang hindi nagagawa ng bagsik ng mga elemento at ng lakas ng isang nagrerebeldeng nasyon, ay gagawin ng kahinaan na hindi nakikipagpagalingan sa sinuman, ng tila kahinaan na minamaliit ng malalakas, ang kahinaan Niya Na siyang tunay na lakas sapagkat nasa Kanya ang Diyos: Kayo.

Sa palagay ko, at sinasabi ko sa Inyo, na ang Romanong lakas na ito ay magiging Kristiyanong lakas kapag makilala Kayo nito at na ang ating gawain ay kailangan na magsimula sa mga muog ng paganong Romanong espiritu, sapagkat sila lagi ang magiging mga panginoon ng mundo at ang isang Kristiyanong Romanong espiritu ay mangangahulugan na pansansinukuban na Kakristiyanuhan. Kailan? Hindi ko alam. Ngunit sa pakiramdam ko ito ay mangyayari. Kung kaya't tinitingnan ko ang mga saksing ito ng kapangyarihang Romano na ngumingiti, iniisip ang araw kung kailan ilalagay nila ang kanilang sagisag at kanilang kapangyarihan sa serbisyo ng Hari ng mga hari. Tinitingnan ko ang mga ito katulad ng nakatingin ang isa sa matulungin na mga kaibigan na hindi pa nagmamalay ng kanilang kapakinabangan, at na makagagawa ng mga pagpapahirap bago sila masakop, ngunit kapag sila ay masakop, dadalhin nila Kayo at ang kaalaman ng tungkol sa Inyo hanggang sa layo ng dulo ng mundo.

Ako, isang kaawa-awang babae, ay nangangahas na magsabi sa aking nakatatandang mga kapatid sa Inyo, na kapag dumating na ang panahon, ang pananakop ng mundo sa Inyong Kaharian ay kailangan na magsimula hindi sa Israel, saradung-sarado sa Mosaic na katigasan nito pinalalaki pa ng Pariseong katigasan at ng katigasan ng iba pang mga grupo na kailangan malupig, bagkus mula sa Romanong mundo at mula sa mga ramipikasyon ito. Ang pananakop ng mga kaluluwa patungo sa Katotohanan ay kailangan na magsimula mula sa mga galamay na sa pamamagitan nito ang Roma ay nananakal ng bawat pananampalataya, bawat pagmamahal, bawat kalayaan na hindi umaayon sa gusto niya at walang pakinabang sa kanya.

Nalalaman Ninyo iyan, Panginoon. ngunit ako ay nagsasalita para sa aking mga kapatid na hindi makapaniwala na kami rin, ang mga Hentil, ay ninanais din namin ang Kabutihan. Sinasabi ko sa aking mga kapatid na sa ilalim ng paganong mga baluti ay may mga pusong nabigo ng paganong kawalang-laman, nasusuka na sa kanilang pamumuhay, pamumuhay na kanilang ginagawa sa simpleng dahilan na iyon ang kaugalian, pagod ng kapootan, ng bisyo, ng karahasan. May mga tapat na espiritu na walang nalalaman kung saan sasandal upang makakita ng kasiyahan sa kanilang paghahanap para sa Kabutihan. Bigyan sila ng isang pananampalataya na maaaring makapagbigay sa kanilang ng kasiyahan. Mamamatay sila alang-alang dito, dinadala ito nang mas malayo pa sa unahan, katulad ng isang sulô sa kadiliman, katulad ng ginagawa ng mga atleta ng Hellenic na mga palarô”.»

Si Jesus ay nirorolyo ang unang pahina at habang ang mga nakikinig ay nagbibigay ng komentaryo tungkol sa estilo, lakas at mga idea ni Sintike, at sila ay nagtatanong kung bakit wala na siya sa Antigonea, nilaladlad ni Jesus ang pangalawang pahina.

Si Pedro, na nananatiling nakaupo magpahanggang ngayon, ay mas lumapit muli na tila ibig niyang makarinig nang mas mabuti at siya ay nagsimulang tumayo sa dulo ng mga daliri ng kanyang mga paa upang makakita, sumisiksik kay Jesus.

«Simon, napakainit, at sinisiksik mo Ako» sabi ni Jesus ngumingiti. «Bumalik ka sa lugar mo.  Wala ka pa bang napapakinggan magpahanggang ngayon?»

«Napakinggan? Oo, may napakinggan na. Ngunit hindi ko nakita. At ngayon ibig kong makita sapagkat iyon ay sa puntong ito na ang hitsura Ninyo ay nagbago at Kayo ay umiyak... At hindi lamang dahil kay Juan... Nalalaman namin na siya ay malapit nang mamatay...»

Si Jesus ay ngumingiti, ngunit upang mapigilan si Pedro sa pagsulyap-sulyap sa pergamino mula sa Kanyang likuran, Siya ay sumandal sa pinakamalapit na haligi, pinababayaan na Siya ay lumalayo sa liwanag ng tsandelyer na, bilang kapalit, naliliwanagan nang maningning ang Kanyang mukha, sa halip na ang pergamino.

Si Pedro, na ganap na disidido na makakita at makaintindi, ay humila ng isang bangkito sa harapan ni Jesus at naupo tinititigan ang mukha ng Guro.

«Ako ay kumbinsidung-kumbinsido dito na kapag ako ay nag-iisa, iniiwan ko ang Antigonea para sa Antioch, dahil nakatitiyak ako na mas marami ang aking magagawa sa lugar na ito, kung saan, katulad sa Roma, ang lahat na lahi ay nagtutugma at naghahalô, kaysa kung saan naghahari ang Israel... Ako, isang babae, ay hindi makalalakad upang sakupin ang Roma. Ngunit kung ang Roma ay labas sa aking maaabot, ikakalat ko ang binhi mula sa pinakamagandang anak ng Roma, ang siyudad na katulad-na-katulad ng kanyang ina sa Buong Mundo... At sa gaano karaming mga puso ito babagsak? Sa gaano karami ito tutubo? Sa gaano karami ito madadala sa iba pang mga lugar hinihintay ang mga apostol upang patubuin ito? Hindi ko alam. Hindi ko hinihingi na ako ay sabihan. Magtatrabaho ako at inaalay ko ang aking trabaho sa Diyos, Na aking nakilala at Siyang nagbibigay kasiyahan sa aking espiritu at sa aking talino. Naniniwala ako sa Diyos na ito bilang ang tanging makapangyarihang Diyos. Alam ko na hindi Niya binibigo ang mga puno ng mabuting kalooban. Iyan ay sumasapat na sa akin at sumusuporta sa akin sa aking gawain.

Guro: si Juan ay namatay noong ikaanim na araw bago ang “nones” ng Hunyo ayon sa mga Romano, halos sa bagong buwan ng Tammuz ayon sa mga Hudyo. Panginoon... bakit sabihan Kayo ng nalalaman na Ninyo? Ginagawa ko ito para sa aking mga kapatid. Si Juan ay namatay bilang isang makatarungan na tao, at tinitingnan kung ano talaga ang kanyang ipinaghirap, sasabihin ko namatay siya bilang isang martir. Tinulungan ko siya sa pamamagitan ng lahat na awa na ang isang babae ay maaaring magkaroon, sa pamamagitan ng lahat na paggalang na maaaring magkaroon ang isa para sa isang bayani, sa pamamagitan ng lahat na pagmamahal na mayroon ang isa para sa isang kapatid. Ngunit iyan ay hindi nakapagpigil sa akin na maghirap nang labis, na ako, hindi dala ng pagkasuklam o kapaguran, bagkus dala ng awa, ay nanalangin sa Eternal na Ama na tawagin siya sa kapayapaan. Madalas niyang sabihin: ‘Sa kalayaan’.

Anong mga salita ang kanyang binanggit! Ang isang tao ba, na bumagsak nang napakababa sa mundo-ng-nasa-ilalim, ayon sa kanyang madalas sabihin, ay makatataas sa labis na kaliwanagan ng Karunungan? O! ang kamatayan ay totoo ngang ang misteryo na nagbubunyag ng ating pinagmulan, at ang buhay ay ang tanawin na nagtatakip sa misteryo. Isang tanawin na binibigay sa atin na walang kahit anong krukis at kung saan makagagawa tayo ng kahit na anuman ang ating gustuhin. Nakagawa siya ng maraming mga guhit dito, ngunit hindi lahat iyon ay maganda. Ang huling mga guhit, gayunpaman, ay makalangit. Mula sa malungkot na kalangitan ng mundo-ng-nasa-ilalim, kung saan nakaguhit doon ang pantaong kapighatian at pantaong karahasan, siya ay nakatawid, katulad ng isang matalinong artisano, sa mas lalo at lalo pang nag-iilaw na mga tanda, inaadornohan ng mga birtud ang katapusan ng kanyang Kristiyanong pamumuhay at naabot ang nakasisilaw na kaningningan ng isang kaluluwa na nawawala sa Diyos. Sinasabi ko sa Inyo: siya ay hindi nagsalita, bagkus inawit niya ang kanyang huling tula. Siya ay hindi namatay: siya ay bumangon. At hindi ko masabing eksakto kung kailan na ang nagsasalita ay ang tao o ang nagsalita ay ang espiritu na ng anak ng Diyos.

Panginoon, nalalaman Ninyo na nabása ko ang lahat na gawa ng mga pilosopo sa paghahanap para sa isang pastulan para sa aking kaluluwa na natatalian ng dobleng tanikala ng pagkaalipin at ng paganismo. Ngunit iyon ay mga gawa ng mga tao. Dito ito ay hindi ang tinig ng tao: iyon ay mga salita ng isang mas-mataas sa tao, ng isang makaharing espiritu, mas mahigit pa nga: ng isang medyo-dibinong espiritu. Tinitingnan ko ang misteryo, na sa kabilang dako, ay hindi maiintindihan ng mga taong nagbigay sa amin ng pag-aruga: sila ay mababait sa taong ito ngunit sila ay mga Israelita sa pinakamalawak at kumpletong ibig-sabihin ng salita... At noong sa mga huling pasada ng pagmamahal si Juan ay walang iba bagkus isang ekspresyon ng pagmamahal, pinaalis ko ang lahat at ako lamang ang tumanggap ng kung ano ang tiyak na nalalaman na Ninyo...

Panginoon... ang taong iyon ay patay na, at “bilang nakalabas na sa wakas sa kulungan, ay pinasok na niya ang kalayaan” ayon sa madalas niyang sabihin sa ilalim ng kanyang hininga sa kanyang mga huling araw, at na ang kanyang mga mata nagtatalik sa kasiyahan, dinidiin ang aking kamay at binubunyag sa akin ang Paraiso sa pamamagitan ng kanyang mga salita. Ang taong iyon ay namatay tinuturuan ako kung papaano mamuhay, magpatawad, maniwala, magmahal. Namatay siyang inihahanda ako para sa huling yugto ng Inyong buhay. Panginoon, nalalaman ko ang lahat. Sa mga gabi ng taglamig tinuturuan niya ako tungkol sa mga propeta. Alam ko na ang Aklat katulad ng isang totoong Israelita. Ngunit alam ko na rin kung ano ang hindi sinabi sa Aklat... Aking Guro at aking Panginoon... gagayahin ko siya! At gugustuhin ko na magkaroon ng gayon din na pabor, ngunit sa palagay ko mas makabayani ang hindi hingin ito, at gawin ang Inyong kalooban...”»

Si Jesus ay nirorolyo ang pergamino at kukunin na sana ang ikatlo.

«Hindi, Guro! Hindi maaari ito... Mayroon pang iba. Hindi posible na ang pahina ay natapos kaagad!» bulalas ni Pedro. «Hindi Ninyo binabasa ang lahat! Bakit, Panginoon? Kayo, lahat kayo! Magprotesta. Si Sintike ay mas marami pang sinulat para sa atin kaysa para sa Kanya at hindi Niya binabasa ang sulat sa atin.»

«Huwag mamilit, Pedro!»

«Namimilit ako! Siyempre namimilit ako! Alam Ninyo, na ang Inyong mga mata ay pumunta sa ibaba ng pergamino nang bigla na lamang; ang pergamino ay nasisinag at hindi Ninyo binasa ang huling mga linya. Hindi ako mananahimik hanggang basahin Ninyo muli ang hulihang bahagi ng pergamino. Dati... Kayo ay lumuluha!... Ano? Mayroon bang dahilan para sa pagluha sa kung ano ang Inyong nabasa? Siyempre nalulungkot kami na mapakinggan na siya ay patay na... ngunit ang ganyang pagkamatay ay hindi nagagawa ang mga tao na lumuha! Sa palagay ko namatay siya ng isang masamang kamatayan, nawawala ang kanyang espiritu... Sa halip... Sige na, basahin ito! Inay! Juan! Kayo na nakakakuha ng lahat...»

«Pakinggan siya, Anak, at kung ito ay isang bagay na kapigha-pighating malaman, iinumin namin lahat ang kalis...»

«Mangyari ang ayon sa ibig ninyo...

“Alam ko na ang Aklat katulad ng isang totoong Israelita. Ngunit alam ko na rin kung ano ang hindi nakasulat sa Aklat, ibig sabihin, na ang Inyong Pasyon ay hindi maaantala, sapagkat si Juan ay patay na, at nangako Kayo sa kanya ng isang maikling paghihintay sa Limbo. Sinabi niya sa akin. Sinabi niya sa akin na nangako Kayo na dadalhin siya bago niya malaman kung gaano kalayo ang mararating ng kapootan ng Israel laban sa Inyo at kung gayon maiwasan siyang mapoot sa mga magpapahirap sa Inyo dala ng pagmamahal para sa Inyo. Siya ngayon ay patay na... at Kayo kung gayon ay malapit nang mamatay... Hindi. Malapit nang mabuhay. Ang talagang mabuhay sa pamamagitan ng Inyong Doktrina, na ang Inyong Sarili Mismo nasa amin, ang Inyong Dibinidad nasa amin pagkatapos na ang Inyong Sakripisyo ay maibigay sa amin ang buhay ng aming mga kaluluwa, ang Grasya, pakikiisa sa Ama, sa Anak, sa Espiritu Santo.

Guro, aking Tagapagligtas, aking Hari, aking Diyos... ako ay malakas na natutukso, hindi lang, bagkus, malakas nang tinukso na samahan Kayo ngayon na si Juan ay natutulog ang kanyang katawan nasa libingan at nagpapahinga na ang kanyang kaluluwa nasa paghihintay. Ibig kong pumunta sa Inyo upang makasama ang iba pang mga babaeng disipulo malapit sa Inyong altar. Ngunit ang mga altar ay kailangan na adornohan ng hindi lamang biktima, bagkus ng mga girnalda rin sa karangalan ng Diyos kung Kanino ang parangal ng sakripisyo ay pinagdiriwang. Inilalatag ko ang aking biyoletang girnalda ng isang malayong disipulo sa paanan ng Inyong altar.  Inilalatag ko diyan ang pagsunod, ang gawain, ang sakripisyo ng di Kayo nakikita at naririnig... Ah! Ito ay totoong magiging mahirap! Ito ay totoong mahirap na ngayon na ang Inyong sobrenatural na pakikipagusap kay Juan ay tapos na at hindi ko na ito kalulugdan pa!... Panginoon, itaas ang Inyong kamay sa Inyong lingkod na sana magawa niya tanging ang Inyo lamang na Kalooban at malaman sana niya kung papaano niya Kayo paglilingkuran”.»

Si Jesus ay inirorolyo ang pergamino at tinitingnan ang mga mukha ng mga nakikinig.  Ito ay mapuputla. Ngunit si Pedro ay bumubulong: «Hindi ko maintindihan kung bakit Kayo lumuluha... Akala ko mayroon pang ibang bagay...»

«Ako ay lumuluha sapagkat kinukumpara Ko ang pumatay-ng-kanyang-asawa, ang galerang alipin ng nakaraan at ang hentil na babaeng alipin sa napakaraming tao sa Israel.»

«Alam ko na! Namimighati Kayo na ang mga Hebreo ay mas mababa sa mga Hentil, at ang mga pari at mga prinsipe sa galerang mga alipin. Tama Kayo. Ito ay katangahan ko! Anong babae nga siya! Nakalulungkot na kinailangan niyang umalis...»

Si Jesus ay nilaladlad ang ikatlong pergamino.

«”At na sana magaya niya sa lahat ang disipulo at kapatid na nasa kapayapaan na, at nagpapahinga na doon pagkatapos na matapos ang lahat na puripikasyon... sa Inyong karangalan at makapagpabawa sa Inyong mga paghihirap”.»

«Ah! tiyak na hindi!» Si Pedro ay tumalon nang may kaliksihan sa upuan bago makapunta si Jesus sa tabi, at nakita na hindi posible na naroroon na kaagad si Jesus sa Kanyang tinitingnan. Kailangan na isaisip na ang pergamino ay romorolyong pataas habang nabibitawan ang mataas na parte at kung gayon maraming linya ang naitatago sa itaas ng pergamino.

Si Jesus ay tiningala ang Kanyang ulo, at nang mas may mapanglaw kaysa malungkot na hitsura, Kanyang malumanay ngunit matatag na nilayuan ang Kanyang apostol at nagsabi: «Pedro, alam ng iyong Guro kung ano ang mabuti para sa inyo! Hayaang ibigay Ko sa inyo kung ano ang makagagawa sa inyo ng mabuti...»

Si Pedro ay naantig ng mga salitang ito at lalo na ng paraan ng pagtingin sa kanya ni Jesus, nangungusap nang husto, ang Kanyang mga mata nagniningning na may mga luha na malapit nang bumaba sa Kanyang mukha. Siya ay bumaba mula sa bangkito nagsasabing: «Sumusunod ako... Ngunit ano ang kailanman maaaring naririyan?»

At si Jesus ay nagpapatuloy sa pagbabasa:

«”At ngayon na nakapagsulat na ako ng tungkol sa ibang mga tao magsusulat ako tungkol sa aking sarili. Iniwan ko ang Antigonea pagkatapos ng paglilibing kay Juan. Hindi dahil sa ako ay minaltrato. Bagkus dahil naramdaman ko na iyon ay hindi ang aking lugar. Bakit naramdaman ko ang ganyan? Hindi ko alam. Naramdaman ko ito. Katulad ng sinabi ko sa Inyo, napalapit na ako sa maraming pamilya, sapagkat maraming tao ang pumunta sa amin. Mas ginusto kong mamalagi sa pamilya ni Zeno, sapagkat iyon ay nasa kapaligiran kung saan gusto kong magtrabaho.

Ang isang Romanong babae ay ginusto mapunta ako sa kanyang magandang bahay malapit sa mga Kulumnata ni Herodes. Ang isang napakayaman na babaeng Syrian ay inanyayahan ako bilang tagapagturo sa isang pagawaan ng tela, na itinayo ng kanyang asawa, isang lalaking taga-Tyre, sa Seleucia. Ang isang balo na proselito, ina ng pitong anak na mga babae, nakatira malapit sa tulay ng Seleucus, ay ginusto ako dala ng paggalang kay Juan, na tagapagturo ng kanyang mga anak na lalaki. Ang isang Griyego-Assyrian na pamilya na may mga tindahan sa isang kalsada malapit sa Circus ay kinausap ako na manirahan sa kanila sapagkat maaaring mapakinabangan ako kapag ang mga laro ay dinaraos. Panghuli ang isang Romano, isang senturyon sa palagay ko, tiyak na isang sundalo, na nananatili rito sa gawain na hindi ko eksaktong alam at napagaling din ng pamahid, ay namilit na mapunta ako sa kanya. Hindi. Ayaw ko ng mayayamang tao o mga mangangalakal. Gusto ko mga kaluluwa, Griyego at Romanong mga kaluluwa, sapagkat sa pakiramdam ko ang pagkalat ng Inyong Doktrina sa mundo ay kailangan na magsimula sa kanila.

At naririto ako sa bahay ni Zeno, sa mga dalisdis ng bundok ng Sulpius, malapit sa kuwartel. Ang muog ay namimintong nananakot mula sa tuktok. Gayon man, magaspang katulad nito, mas mabuti na ito kaysa sa mayayamang mga gusali ng mga Onpholus at mga Nympheus at may mga kaibigan ako doon. Ang isang sundalo, na ang pangalan ay Alexander ay kilala Kayo. Ang simpleng puso ng isang bata na nasa loob ng malaking katawan ng isang sundalo. At ang pinaka manananggol mismo, na dumating dito kamakailan lamang mula sa Caesarea, ay may isang matuwid na puso sa ilalim ng kanyang manta. Si Alexander ay mas malapit sa Katotohanan. Ngunit upang makuha ang mga taong ito at ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pinakamaliit na kaalaman ng tungkol sa Inyo ay nangangahulugan na ikalat ang binhi ng ganyang kaalaman sa hilaga, timog, silangan at kanluran, sapagkat ang mga sundalo ay katulad ng mga butil na tinatahipan, o kung baga, katulad ng ipa na ikinakalat kahit saan ng ipu-ipo ng hangin, sa kaso natin ng kalooban ng mga Caesar at ang ng mga hinihingi ng mga kapangyarihan.

Kapag isang araw ang Inyong mga apostol, katulad ng mga ibon na pinakawalan upang lumipad, ay kakalat sa mundo, malaking tulong sa kanila na makatagpo sa lugar ng kanilang apostolado ng isa, isa lamang, kahit isang tao lamang na nakaaalam na Kayo ay napunta sa mundo. Para sa idea na ito pinagagaling ko rin ang mga sumasakit na mga galamay ng matatandang gladyador at ang mga sugat ng mga nakababata. Iyan ang dahilan kung bakit hindi ko na iniiwasan ang mga babaeng Romano at pinagpapasyensiyahan ko na ang mga taong nagpapamighati sa akin... Lahat. Para sa Inyo. Kung ako ay nagkakamali, payuhan ako ng Inyong karunungan. Hinihingi ko lamang sa Inyo na isipin – at nalalaman Ninyo na ang aking mga pagkakamali ay nagagawa ng kawalang-kakayahan at hindi ng kasamaan.

Panginoon, ang Inyong lingkod ay nagkuwento sa Inyo nang labis... isang wala lamang ng kung ano ang nasa aking puso. Ngunit nakikita Ninyo ang aking espiritu. Panginoon... Kailan ko makikita ang Inyong mukha? Kailan ko makikita ang Inyong Ina? Ang aking mga kapatid?... Ang buhay ay isang dumaraan na panaginip. Ang ating pagkakahiwalay ay daraan. Ako ay mapapasainyo, at kasama sila, at ito ay magiging lugod at kalayaan para sa akin, sa akin din, katulad ng para kay Juan.

Pinagpapatirapa ko ang aking sarili sa Inyong paanan, aking Tagapagligtas. Pagpalain ako sa pamamagitan ng Inyong kapayapaan. Kay Maria ng Nazareth, sa mga babaeng disipulo, kapayapaan at mga pagpapalà. Sa mga apostol at mga disipulo, kapayapaan at mga pagpapalà. Sa Inyo, Panginoon, kaluwalhatian at pagmamahal”.

Natapos Ko na ang pagbabasa. Inay, sumama sa Akin. Makapaghihintay kayo sa Akin, o magpahinga. Hindi na Ako papasok muli. Sasamahan Ko ang Aking Ina upang magdasal. Johanna, kung may maghahanap sa Akin, Ako ay nasa balag malapit sa lawa.»

Si Pedro ay inakay si Maria sa tabi at nagsalita sa Kanya nang nananabik, ngunit sa isang mababang tinig. Si Maria ay ngumingiti sa kanya at bumulong ng kung ano. Pagkatapos sinamahan Niya ang Kanyang Anak sa landas na halos hindi makita sa gabi.

«Ano ang kailangan ni Simon ni Jonah?»

«Gusto niyang makaalam, Anak. Katulad niya ang isang bata... isang malaking bata... Ngunit siya ay mabuti.»

«Oo, napakabuti. At pinakikiusapan niya Kayo, Na napakabuti, na makaalam... Nalaman niya ang mahihinang punto: Kayo at si Juan. Alam Ko. Nagkukunwari Ako na hindi Ko nalalaman, ngunit alam Ko. Ngunit hindi Ako laging makakapayag, upang masiyahan siya... Hindi na kinakailangan, Jonathan. Makapananatili rin kami sa dilim» sabi ni Jesus nakikita si Jonathan na nagmamadali patungo sa Kanya dala ang isang platang lampara at ilang mga kutson na kanyang inilalagay sa ibabaw ng mesa at sa mga upuan sa loob ng balag.

«Sinabi ni Johanna sa akin na dalhin ito. Kapayapaan sa Inyo, Guro.»

«At sa iyo.»

Sila ay nananatiling nag-iisa.

«Sinasabi Ko kanina na hindi Ko siya laging mapagbibigyan. Ngayong gabi iyon ay imposible. Kayo lamang ang tanging isa na masasabihan Ko ng kung ano ang Aking nilampasan. Iyan kung bakit gusto Ko Kayong makasama, at upang makasama Ko rin Kayo, Inay... Ang makasama Kayo sa huling mga oras bago maghiwalay ay ang makakuha ng labis na magiliw na lakas upang magkaroon ng sapat para sa maraming oras ng pag-iisa sa mundo na hindi nakaiintindi sa Akin o napagkakamalan Ako. At ang makasama Kayo sa unang mga oras kapag Ako ay bumabalik ay ang makakuha ng bagong lakas kaagad sa pamamagitan ng Inyong kabaitan, pagkatapos ng lahat na kalis na Aking ininom sa mundo... at mga kalis na napakapait at nakakasuka.»

Si Maria ay hinahaplos Siya nang walang sinasabi. Nakatayo sa tabi Niya, habang Siya ay nakaupo, Siya ay ang Ina Na pinagiginhawahan ang Kanyang Anak. Ngunit ginawa Siya ng Kanyang Anak na maupo at sinabihan: «Makinig...» at pagkatapos si Maria, sa maasikasong aktitud, nauupo sa harapan Niya, ay naging ang disipulo na nakabitin sa mga labì ni Jesus Guro.

«Nagsasalita ng tungkol sa Antioch isinulat ni Sintike: “Ako ay hindi marunong at kung gayon hindi ko masasabi kung saan nagtatapos ang kalooban ng mga tao at kung saan nagsisimula ang kalooban ng Diyos, ngunit ang isang kalooban, na mas malakas kaysa sa aking mithiin, ay nadala ako rito at iniisip ko kung iyon ay ang kalooban ng Diyos. Isang bagay ang tiyak – at halos nakatitiyak ako na iyon ay sa pamamagitan ng grasya ng Langit – mahal ko na ang bayan na ito ngayon, dahil sa pamamagitan ng mga taluktok ng Casius at ng Amanus na nakabantay dito sa dalawang tabi at ng berdeng mga taluktok ng maitim na mga Bundok sa mas malayo pa, napaaalalahanan ako nito ng tungkol sa aking nawalang Amangbayan. At ito ay tila sa akin ang aking unang hakbang pabalik sa aking lupain, hindi ang pagod na hakbang ng isang hapong manlalakbay bumabalik upang mamatay, bagkus ng isang mensahero ng buhay parating upang magbigay ng buhay sa kanya na siyang kanyang ina. Ito ay tila sa akin na mula rito, nakapagpahinga nang mabuti katulad ng isang golondrina bago ipagpatuloy ang kanyang paglipad at napakain ng Karunungan, ako ay lilipad na pabalik sa bayan kung saan ako pinanganak at mula kung saan gusto kong, gusto kong makataas patungo sa Liwanag pagkatapos na maibigay ang Liwanag na iyan na binigay sa akin.

Nalalaman ko na ang aking mga kapatid sa Inyo ay hindi sasang-ayon sa idea na ito. Gusto nila na ang Inyong Karunungan ay para sa kanila lamang. Ngunit nagkakamali sila. Isang araw maiintindihan nila na ang mundo ay naghihintay at na ang mundong iyan na ngayon ay kinasusuklaman ay ang mas mabuting mundo. Inihahanda ko ang daan mula sa kanila. Hindi lamang dito, bagkus kasama ang lahat na pumupunta rito at pagkatapos aalis patungo sa ibang mga bansa at walang pagkakaiba sa akin kung sila ay mga Hentil o mga proselito, mga Griyego o mga Romano, o kung sila ay taga ibang mga kolonya ng imperyo o ng Diaspora. Nagsasalita ako sa kanila, pinupukaw ko sa kanila ang mithiin na makilala Kayo... Ang karagatan ay hindi nagawa ng isang ulap na ibinubuhos ang tubig nito dito. Ito ay nagawa ng mga ulap at mga ulap at mga ulap na ibinubuhos ang kanilang mga tubig sa Lupa at dumadaloy patungo sa karagatan. Ako ay magiging isang ulap. Ang dagat ay magiging ang Kakristiyanuhan. Ibig kong ikalat ang kaalaman tungkol sa Inyo upang maka-ambag na maporma ang karagatan ng Kakristiyanuhan. Ako, isang Griyegong babae, ay alam kung papaano magsalita sa mga Griyego, hindi labis sa pamamagitan ng kanilang wika katulad na ito ay sa pag-unawa sa kanila... Ako, dating alipin ng mga Romano, ay alam kung papaano makitungo sa mga Romano, na ang kanilang maseselan na punto ay nalalaman ko. At sa dahilan na ako ay namuhay sa pagitan ng mga Hebreo alam ko rin kung papaano makitungo sa kanila, lalo na rito kung saan maraming mga proselito. Si Juan ay namatay para sa Inyong kaluwalhatian. Mamumuhay ako para sa Inyong kaluwalhatian. Pagpalain ang aming mga espiritu”.

At sa mas ibaba pa, kung saan siya ay nagsasalita tungkol sa kamatayan ni Juan, kung saan hindi Ko pinabasa si Simon, isinulat niya: “Namatay si Juan pagkatapos na maisagawa ang bawat puripikasyon, pati ang huling puripikasyon, sa pagpapatawad sa lahat na pumatay sa kanya sa pamamagitan ng kanilang asal at pinilit Kayong paalisin siya. Alam ko ang kanilang mga pangalan, ang pangalan man lamang ng pinakadahilan. Si Juan ay binunyag ito sa akin sa pagsasabing: ‘Huwag siyang pagkatiwalaan kailanman. Siya ay isang taksil. Pinagtaksilan niya ako, pagtataksilan niya Siya at ang Kanyang mga kasamahan. Ngunit pinatatawad ko ang Iskariote katulad na patatawarin siya ni Jesus. Ang kalaliman kung saan siya nakahiga ay napakalalim na na ayaw kong gawin ito na maging mas malalim pa sa hindi pagpatawad sa kanya sa pagpatay sa akin sa pamamagitan ng paghiwalay sa akin kay Jesus. Ang aking pagpapatawad ay hindi makaliligtas sa kanya. Walang makapagliligtas sa kanya, sapagkat siya ay isang dimonyo. Kailangan na huwag kong sabihin iyan, dahil ako ay dati isang mamamatay-tao, ngunit sa kaso ko ang isang pananakit ay nagawa akong baliw. Nagrereklamo siya laban sa mga walang nagawa sa kanya na pananakit at magtatapos siya sa pagtataksil sa kanyang Tagapagligtas. Ngunit pinatatawad ko siya sapagkat ang kabaitan ng Diyos ay ginawa ang kanyang kapootan laban sa akin na maging isang mabuting bagay para sa akin. Kita mo?  Nakapagbayad-kasalanan ako para sa lahat. Siya, ang Guro, ay sinabi sa akin kagabi. Napagbayaran ko na ang lahat. Palabas na ako ngayon sa kulungan. Papasok na akong talaga sa kalayaan, malaya na kahit sa bigat ng alaala tungkol sa kasalanan ni Judas ng Kerioth sa isang kaawa-awang sawing-palad, na nakatagpo ng kapayapaan malapit sa kanyang Panginoon’.

Ako rin, sinusundan ang halimbawa ni Juan, ay pinatatawad siya para sa pag-agaw niya sa akin mula sa Inyo, mula sa Inyong banal na Ina, mula sa aking mga babaeng kapatid na mga disipulo, mula sa pakikinig at pagsunod sa Inyo hanggang kamatayan, upang maparoon ako sa Inyong pananagumpay ng Tagapagtubos. At ginagawa ko ito alang-alang sa Inyo, sa Inyong karangalan at makabawa sa Inyong mga paghihirap. Maging nasa kapayapaan, aking Panginoon. Ang pangalan ng kahiya-hiyang tao ay hindi kailanman daraan sa aking mga labì, ni walang kahit anong daraan ng kung ano ang aking narinig mula kay Juan nang ang kanyang kaakuhan ay nakipagusap sa Inyong di-nakikitang nagpapasaya na Presensya. Ako ay nagdududa kung kailangan kong pumunta upang makita Kayo bago manatili sa aking bagong tirahan. Ngunit naramdaman ko na mapagtataksilan ko ang aking sarili sa pamamagitan ng aking takot para sa Iskariote at baka masira ko Kayo sa Inyong mga kaaway. Kung kaya't ginawa ko rin na isang sakripisyo ang konsolasyon na iyan...nararamdaman na ang sakripisyo ay tiyak na hindi magiging walang-bunga at walang-gantimpala”.

Iyan na iyan, Inay. Mababasa Ko ba iyan kay Simon?»

«Hindi. Ni hindi sa kanya o sa iba pa. Sa Aking pamimighati masaya Ako para sa banal na kamatayan ni Juan... Anak, tayo ay magdasal na sana maramdaman niya ang ating pagmamahal at... at na si Judas ay hindi sana maging ang kahihiyan... O! Ito ay nakakatakot!... Gayunman... tayo ay magpapatawad...»

«Tayo ay magdasal...» Sila ay tumayo at nagdarasal sa loob ng kumukurap-kurap na ilaw ng lampara sa gitna ng takip ng mga nakabitin na mga sanga, habang ang alimbukay ay nababasag nang may tiyempo sa baybayin...

220611

 

 


Sunod na kabanata