461. Sa Tarichea. Si Galatia, ang Makasalanan.

Hulyo 27, 1946.

Ang maliit na peninsula ng Tarichea ay umuunat sa lawa napoporma ang isang maliit na ilug-ilugan pagawing timog-kanluran, kung kaya't tamang sabihin na, sa halip na isang peninsula, ito ay isang tangway halos ganap na napalilibutan ng tubig, tanging isang maliit na kapiraso lamang ng lupa ang nagdudugtong dito sa pinakalupa. Ito ay ganito man lamang noon sa mga araw ni Jesus, kung saan ko ito nakikita. Hindi ko alam kung pagkaraan, sa pagdaan ng dalawampung siglo, ang mga buhangin at maliliit na bato na dala ng isang maliit na ilog na dumadaloy patungo lamang sa timog-kanluran na pasukan ay baka nabago nito ang aspekto ng lugar, binabanlikan ang maliit na look at pinalalapad ang kapiraso ng lupa ng tangway. Ang look ay kalmante, maliwanag na asul na may guhit-guhit ng jade kung saan nasasalamin nito ang berdeng mga punungkahoy sumasandal mula baybayin pagawing lawa. Maraming bangka ang banayad na umaalun-alon sa halos kalmanteng tubig.

Ang nakapagtataka sa akin ay ang isang kakaibang dam na, na ang mga arko nito nasa graba ng baybayin, pumoporma ng isang klase ng pasyalan, o isang piyer, sasabihin ko, na humahaba  patungong kanluran. Hindi ko alam kung ito ay isang pampaganda o ginawa para sa kung anong may-pakinabang na pakay na ang tungkol dito ako ay walang nalalaman . Ang pasyalan, o dam, o piyer, ay natatakpan ng isang makapal na pang-ibabaw na lupa kung saan ang mga punungkahoy ay itinanim nang napakarami na, bagama't hindi sila malalaking puno, napoporma nila ang isang berdeng bulwagan sa itaas ng daan. Maraming tao ang namamasyal sa ilalim ng pumapagaspas na bulwagan, na kaaya-ayang pinalalamigan ng ihip ng hangin, ng tubig at ng madadahon na punungkahoy.

Maliwanag na makikita ng isa ang bunganga ng Jordan at ang tubig ng lawa dumadaloy patungo sa ilog, gumagawa ng mga ipu-ipo at mga hadlang sa mga piyer ng isang plataporma, na aking masasabi na isang gawa ng mga Romano, kung titingnan ang arkitektura nito na may malalakas na haligi, na inilagay katulad ng mga breakwater, na sa mga sulok nito ang agos ng tubig ay nababasag na may malaperlas na laro ng liwanag ng wisik ng tubig sa sinag ng araw, habang ang tubig ay ipinipilit ang daan nito patungo sa daanan ng ilog na may malalalim na pampang, pagkatapos na magkaroon ng labis na espasyo sa lawa. Halos sa katapusan ng plataporma, sa kabilang baybayin, ay ang isang maliit na maputing bayan na nasa matabang kaberdehan ng kabukiran. At sa mas malayo pa, sa hilaga, sa silanganing baybayin ng lawa, ay ang nayon na nauuna sa Hippo at ang mga kakahuyan sa itaas ng bangin, na sa ibayo nito ay ang Gamala kitang-kita sa tuktok ng burol.

Si Jesus, kasama ang isang linya ng mga tao na sumunod sa Kanya mula sa Emmaus at lumaki ang bilang kasama ang mga naghihintay na sa Kanya sa Tarichea – kabilang dito ay si Johanna na dumating sa pamamagitan ng bangka – ay binabaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa dam na may mga tanim ng punungkahoy. At Siya ay tumigil sa gitna nito, na ang lawa nasa Kanyang kanan at ang baybayin nasa Kanyang kaliwa. Ang mga taong nakakakita ng lugar sa malilim na daan ay tumitigil doon, kung hindi pumupunta sila sa baybayin, na medyo basa pa pagkatapos ng taib ng nakaraang gabi o dahil sa iba pang mga rason, at medyo nalililiman ng madadahon na sanga ng mga puno sa ibabaw ng dam. Ang ibang mga tao ay hinihingi sa mga mamamangka na lumapit sa baybayin at umuupo sila sa lilim na mga panlayag.

Si Jesus ay itinataas ang Kanyang kamay nagpapakita na ibig Niyang magsalita at ang lahat ay naging tahimik.

«Ito ay nakasulat: “Nagmartsa Kayo upang iligtas ang Inyong sambayanan, upang iligtas sila sa pamamagitan ng Inyong Kristo”. Ito ay nakasulat: “At magbubunyi ako sa Panginoon at magpapakasaya ako sa Diyos aking Jesus”. Ang sambayanan ng Israel ay tiningnan ang mga salitang ito para sa kanilang sarili at binigyan ito ng isang pambansang pampersonal na makasariling ibig-sabihin, na hindi tumutugma sa katotohanan tungkol sa pagkatao ng Mesiyas. Binigyan nila ang mga salitang iyan ng isang makitig na ibig-sabihin na nagpapababa sa kadakilaan ng idea ng tungkol sa Mesiyas na maging isang pangkaraniwang pagpapakita ng pantaong kapangyarihan at ng napakalaking pananagumpay sa mga naghahari na natagpuan ng Kristo sa Israel.

Ngunit ang katotohanan ay iba. Ito ay dakila, walang limitasyon, nanggagaling ito sa totoong Diyos, mula sa Tagapaglikha at Panginoon ng Langit at Lupa, mula sa Tagapaglikha ng Sangkatauhan, mula sa Kanyang na nagparami sa mga bituin sa kalangitan at nagpuno sa Lupa ng lahat na klase ng mga tanim, at nilagyan ito ng mga hayop at nilagyan ng mga isda ang mga tubig at ng mga ibon ang ere, at gayon din pinarami Niya ang mga anak ng Tao na Kanyang nilikha upang maging hari ng Sangnilikha at Kanyang paboritong nilikha. Ngayon, papaano ang Panginoon, ang Ama ng lahat ng sangkatauhan, magiging di-makatarungan sa mga anak ng mga anak ng mga anak na pinanganak ng lalaki at Babae, na pinorma Niya sa pamamagitan ng materyal: ng lupa, at may kaluluwa: ang Kanyang dibinong hininga? At papaano Niya tatratuhin ang mga ito nang iba sa mga taong iyon, na tila sila ay hindi nanggaling sa isang pinanggalingan lamang, na tila may ibang mga sanga na nilikha ng ibang sobrenatural na kalaban, hindi Niya, at kung gayon mga estranghero, mga anak sa labas, kahamak-hamak?

Ang totoong Diyos ay hindi isang kaawa-awang diyos ng mga taong ito o iyon, isang diyus-diyusan, isang di-totoong pigura. Siya ay ang kataastaasang Katunayan, ang pansansinukob na Katunayan, ang Tanging Kataastaasang Naririyan, ang Tagapaglikha ng lahat na mga bagay at ng lahat na mga tao. Siya kung gayon ay ang Diyos ng lahat na mga tao. Kilala Niya sila kahit na kung hindi nila Siya nakikilala. Minamahal Niya sila: kahit na kung sila, bilang hindi Siya nakikilala, ay hindi Siya minamahal, o kung hindi nila Siya nakikilala nang mabuti at hindi nila Siya minamahal nang mabuti, o kahit na kung nakikilala nila Siya, hindi nila alam kung papaano nila Siya mamahalin.

Ang pagiging ama ay hindi tumitigil kapag ang isang anak ay mangmang, tanga o masama. Ang isang ama ay nagsisikap na maturuan ang kanyang anak, sapagkat pagmamahal ang maturuan siya. Ang isang ama ay nagtatrabaho nang mabuti upang magawang hindi masyadong tanga ang isang anak na may diperensiya sa pag-iisip. Ang isang ama ay nagsisikap na maitama ang isang masamang anak at magawa siyang mabuti sa pamamagitan ng mga luha, bilang mapagbigay, na may mga kaparusahan na makabubuti at pinatatawad siya nang maawain. Iyan ang ginagawa ng tao-ama. At ang Diyos-Ama kaya ay maaaring mas di-mabuti kaysa sa tao-ama? Kung kaya't ang Diyos-Ama ay minamahal ang lahat na mga tao at gusto ang kanilang kaligtasan. Siya, ang Hari ng isang walang-hangganang Kaharian, ang eternal na Hari, ay tinitingnan ang Kanyang sambayanan, na kinalolooban ng lahat na mga tao na nakakalat sa Lupa, at Siya ay nagsasabi: “Ito ang mga tao ng Aking mga nilikha, ang mga tao na kailangang mailigtas sa pamamagitan ng Aking Kristo. Ito ang mga tao para kung kanino ang Kaharian ng Langit ay nilikha. Panahon na ngayon na iligtas sila sa pamamagitan ng Tagapagligtas”.

Sino ang Kristo? Sino ang Tagapagligtas? Sino ang Mesiyas? Maraming mga Griyego rito, at marami, kahit na kung sila ay hindi mga Griyego, ang nag-aalam kung ano ang ibig sabihin ng salitang Kristo. Ang Kristo kung gayon ay ang konsagradong tao, ang tao na pinahiran ng makaharing langis upang magampanan niya ang kanyang misyon. Kinunsagra sa ano? Baka kaya sa naglalahong kaluwalhatian ng isang trono? Baka kaya sa mas dakilang kaluwalhatian ng pagkapari? Hindi. Siya ay kinunsagra upang ipunin sa ilalim ng isa lamang na setro, sa isa lamang na sambayanan, sa isa lamang na doktrina, ang lahat na mga tao, upang sila ay sana maging magkakapatid sa isa’t isa at mga anak ng isa lamang na Ama, mga anak na nakikilala ang kanilang Ama at sumusunod sa Kanyang Batas upang makabahagi sa Kanyang Kaharian.

Ang Kristo, isang hari sa ngalan ng Ama Na nagpadala sa Kanya, ay naghahari dahil ito ang Kanyang naging Kalikasan, ibig sabihin, makalangit, bilang Diyos. Ang Diyos ay inilagay ang mundo bilang ang tuntungan ng Kanyang Kristo, hindi dahil Siya ay kailangan na maniil, bagkus Siya sana ay makapagligtas. Ang Kanyang pangalan sa katunayan ay Jesus, na sa Hebreo ang ibig-sabihin ay Tagapagligtas. Kapag nagliligtas ang Tagapagligtas ng Kanyang sambayanan laban sa pinakamahigpit na patibong at sugat, ang isang bundok ay mapupunta sa ilalim ng Kanyang mga paa at ang isang multitud ng mga tao ng bawat lahi ay pupunuin nito ang bundok upang isagisag na Siya ay naghahari at tumataas sa itaas ng buong Lupa at sa itaas ng lahat na mga tao. Ngunit ang Hari ay magiging hubad na walang kahit anong kayamanan, maliban sa Kanyang Sakripisyo, upang isagisag na mga espirituwal na bagay lamang ang Kanyang inaasikaso, at na ang mga espirituwal na bagay na iyan ay nakukuha at natutubos sa pamamagitan ng espirituwal na katapangan at ng may-kabayanihan na sakripisyo, hindi sa pamamagitan ng karahasan at ginto. Siya ay magiging ganyan upang tumugon sa mga natatakot sa Kanya at sa mga na sa pamamagitan ng huwad na pagmamahal dinadakila at pinabababa Siya habang hinihiling Siyang maging hari ayon sa mundo. Siya ay magiging ganyan sa mga napopoot din sa Kanya dahil lamang sa takot na mapagkaitan sila ng kung ano ang mahal sa kanila. Dahil ang Kanyang tugon ay na Siya ay isang espirituwal na Hari at wala nang iba pa, pinadala upang turuan ang mga espiritu kung papaano magapi ang Kaharian, ang tanging Kaharian na Ako ay pumunta upang itayo.

Hindi Ko kayo bibigyan ng bagong mga batas. Pinagtitibay Ko ang Batas ng Sinai para sa mga Israelita; sa mga Hentil sasabihin Ko: ang batas upang magapi ang Kaharian ay walang iba bagkus ang batas ng birtud na ipinapataw sa sarili ng bawat tao na may marangal na mga moral at na, sa pamamagitan ng pananampalataya sa totoong Diyos, mula sa moral na batas at pantaong birtud ay nagiging isang mas mahigit-pa-sa-tao na moral na batas.

O mga Hentil! Ugali ninyo na iproklamang mga diyos ang dakilang mga tao ng inyong mga bansa, at inilalagay ninyo sila sa pagitan ng maraming di-totoong mga diyos na sa pamamagitan nila pinupuno ninyo ang Olympus, na inyong nilikha upang magkaroon ng isang bagay na mapaniniwalaan, sapagkat ang relihiyon ay isang pangangailangan ng tao, eksaktong katulad na ang pananampalataya ay isang pangangailangan, sapagkat ang pananampalataya ay ang permanenteng estado ng tao at ang kawalang-paniniwala ay ang aksidenteng kaabnormalan. At ang mga tao na itinaas sa ranggo ng mga diyos ay hindi laging karapat-dapat na maging kahit mga tao, dahil sa kadalasan sila ay dakila dahil sa kanilang brutal na lakas, sa kadalasan sa pamamagitan ng makapangyarihan na katusuhan, sa kadalasan din dahil sa kapangyarihan na nakuha nila nang kahit papaano. Kung gayon dala-dala nila sa kanilang mga sarili, bilang mga katangian ng mahigit-pa-sa-tao, ang ilang paghihirap na nakikilala ng isang marunong na tao para sa kung ano ito: mga kabulukan ng walang-pagpipigil na masisimbuyong damdamin. Na Ako ay nagsasalita ng katotohanan ay pinatutunayan ng katotohanan na sa inyong guniguning Olympus hindi pa kayo nakapaglagay ng kahit isa ng mga espiritung iyon na nakadama sa pamamagitan ng pakiramdam na may nakatataas na Naririyan at sila ay ang mga tumatayong nasa gitna sa pagitan ng tao at Dibinidad, na kanilang likas na naramdaman sa pamamagitan ng kanilang mapagnilay-nilay na mabirtud na espiritu. Sa pagitan ng nangangatwiran na espiritu ng isang pilosopo, ng isang tunay na dakilang pilosopo, at ng espiritu ng isang totoong naniniwala na sumasamba sa totoong Diyos, ang puwang ay maliit, samantalang sa pagitan ng espiritu ng naniniwala at ng kaakuhan ng isang tuso o mapangibabaw na tao, o ng isang tao na isang bayani lamang sa isang materyal na paraan, dito ay may isang kalaliman. gayunpaman hindi pa ninyo nailagay sa inyong Olympus ang mga naitaas ng kanilang mabirtud na mga pamumuhay nang napakataas sa karamihang tao na nalalapitan nila ang mga kaharian ng espiritu, samantalang nailagay ninyo ang inyong mga kinatatakutan na malulupit na panginoon, o silang inyong pinupuri bilang mga nagpapaalipin na mga alipin, o inyong hinahangaan bilang buháy na mga halimbawa ng malayang panghayop na mga hilig na tinitingnan ng inyong abnormal na mga gana bilang ang siyang tangka at pakay ng buhay. At kinaiinggitan ninyo ang mga napabilang sa mga diyos, kinaliligtaan ang mga mas nakakalapit sa dibinidad dahil sa kanilang tapat na mga pagsasabuhay at ng doktrina, na kanilang tinuturo at na ayon dito sila ay namuhay nang mabirtud.

Akin ngayong sasabihin sa inyong totoo na ibibigay Ko sa inyo ang pamamaraan upang maging mga diyos. Siya na ginagawa ang Aking sinasabi at pinaniniwalaan ang Aking tinuturo, ay aakyatin ang totoong Olympus at magiging diyos, diyos anak ng Diyos, sa isang Langit kung saan walang kurupsiyon na kahit ano at kung saan ang Pagmamahal ay ang tanging batas. Sa isang Langit kung saan magmamahalan tayo sa isa’t isa nang espirituwal, na walang  kapurulan at mga panilò ng mga pandama ginagawa ang mga nakatira na maging palaban sa isa’t isa, na siyang nangyayari sa inyong mga relihiyon. Ako ay naparito hindi upang humiling ng mga gawain na maingay na makabayani. Ako ay naparito upang sabihin sa inyo: mamuhay katulad na maging mga nilikhang pinagkalooban ng kaluluwa at katwiran, hindi bilang mga hayop.  Mamuhay sa isang paraan na marapatin ang mabuhay, totoong mabuhay, sa inyong inmortal na bahagi, sa Kaharian Niya Na naglikha sa inyo. Ako ang Buhay. Ako ay naparito upang ituro sa inyo ang Daan upang makapunta sa Buhay. Ako ay naparito upang magbigay ng Buhay sa inyong lahat, at binibigay Ko ito sa inyo na kayo ay sana bumangon mula sa kamatayan, mula sa inyong mga sepulkro ng kasalanan at idolatriya. Ako ay Awa. Ako ay naparito upang tawagin kayo at ipunin kayong magkakasama. Ako ang Kristong Tagapagligtas. Ang Aking Kaharian ay hindi pag-aari ng mundong ito. Gayunman ang isang kaharian ay itinatatag sa mga puso ng mga naniniwala sa Akin at sa Aking salita, kahit mula sa kasalukuyang mga araw, at ito ay ang Kaharian ng Diyos, ang Kaharian ng Diyos sa loob ninyo.

Ito ay nakasulat tungkol sa Akin na Ako ito Na magdadala ng katarungan sa pagitan ng mga nasyon. Ito ay totoo. Sapagkat kung ang bawat mamamayan ng bawat nasyon ay gagawin ang Aking tinuturo, ang kapootan, mga digmaan, ang mapangibabaw na mga aksiyon ay magtatapos. Ito ay nakasulat tungkol sa Akin na hindi Ko itataas ang Aking tinig upang isumpa ang mga makasalanan o ang Aking kamay upang sirain ang mga nakakatulad ng mga may-bitak na mga tungkod at mauusok na mitsa dahil sa kanilang di-kaaya-ayang pamamaraan ng pamumuhay. Ito ay totoo. Ako ang Tagapagligtas at Ako ay naparito upang palakasin ang mahihina, upang bigyan ng karangalan ang mga may mausok na liwanag dahil sa kakulangan ng kinakailangang esensiya. Ito ay nakasulat tungkol sa Akin na Ako ito Na nagbubukas sa mga mata ng mga bulag, at nagpapalaya sa mga nakakulong at nagdadala ng liwanag sa mga nasa kadiliman ng kulungan. Ito ay totoo. Ang pinakabulag na mga tao ay ang hindi nakakakita sa Liwanag, ibig sabihin, ang totoong Diyos, kahit na sa pamamagitan ng paningin ng kanilang mga kaluluwa. Ako, ang Liwanag ng mundo, ay naparito upang sana sila ay makakita. Ang pinaka-nakakulong ay ang mga preso na ang kanilang mga kadena ay ang kanilang masamang masimbuyong mga damdamin. Ang lahat na iba pang kadena ay nawawala sa kamatayan ng nakakulong. Ngunit ang mga kadena ng bisyo ay tumatagal at nagkakadena ito kahit pagkatapos ng kamatayan ng katawan. Ako ay naparito upang kalagan sila. Ako ay naparito upang mapagaanan mula sa kadiliman ng mga bartulina ng kamangmangan tungkol sa Diyso ang lahat na nainis ng paganismo sa ilalim ng bunton ng mga idolatriya nito.

Lumapit sa Liwanag at sa Kaligtasan. Lumapit sa Akin sapagkat ang Aking Kaharian ay ang tunay na kaharian at ang Aking Batas ay mabuti! Ang tanging hinihingi Ko sa inyo ay ang mahalin ang Nag-iisang Diyos at ang inyong kapwa, at dahil ito ang itakwil ang mga diyus-diyusan at ang masisimbuyong damdamin na nagpapatigas sa inyong mga puso at ginagawa kayong tigang, sensuwal, mga magnanakaw, mga mamamatay-tao.  Sinasabi ng mundo: “Ating siilin ang mahihirap, ang mahina, ang malungkot.  Gawing ating karapatan ang puwersa, ang karahasan ating ugali, ang di-pagpaparaya, kapootan, kabagsikan, ating mga armas. Ating durugin ang makatarungan na tao, sa dahilan na hindi siya gumaganti, ating siilin ang balo at ang ulila na ang kanilang mga tinig ay mahina”. Sinasabi Ko: maging mabait at mapagpakumbaba, patawarin ang inyong mga kaaway, tulungan ang mahina, maging tapat sa pagbebenta at pagbili, maging mapagbigay din sa paggigiit ng inyong karapatan, nang hindi sinasamantala ang inyong posibilidad na madurog ang mga nasisiil. Huwag ipaghiganti ang inyong mga sarili. Ipaubaya sa Diyos ang pangangalaga na protektahan kayo. Maging mahinahon sa lahat ng inyong mga disposisyon. Maging mga tao hindi mga hayop, at huwag kailanman matakot na kayo ay bumagsak nang napakababa na hindi na kayo muli makakabangon.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na dahil ang maputik na tubig ay maaaring maging puro ulit sumisingaw sa araw na nagpapadalisay dito sa pagpapainit dito, upang ito ay sana tumaas sa kalangitan at bumagsak bilang isang makakabuting ulan o hamog, malaya sa pagpaparumi, maliban na ito ay nakalantad sa araw, kung kaya't ang mga espiritu na lumalapit sa dakilang Liwanag na siyang ang Diyos at sumisigaw sa Kanya: “Nagkasala ako, ako ay dumi, ngunit hinahanap ko Kayo, o Liwanag” ay magiging napadalisay na mga espiritu na tumataas sa kanilang Tagapaglikha. Alisin ang takot sa kamatayan ginagawang pera ang inyong pamumuhay upang mabili ang Buhay. Alisan ang inyong mga sarili ng inyong nakaraan na tila ito ay isang maruming damit at ramtan ang inyong sarili ng birtud. Ako ay ang Salita ng Diyos at sa Kanyang Pangalan sinasabi ko sa inyo na ang mga may-pananampalataya sa Kanya at may mabuting kalooban, ang mga pinagsisisihan ang kanilang nakaraan at gumagawa ng matutuwid na kapasyahan para sa hinaharap, sila man ay mga Hebreo o mga Hentil, ay magiging ang mga anak ng Diyos at tataglayin ang Kaharian ng Langit.

Sa simula ng Aking talumpati tinanong Ko kayo: “Sino ang Mesiyas?”. Ngayon sinasabi Ko sa inyo: Ito ay Ako Na nagsasalita sa inyo at ang Aking Kaharian ay ang inyong mga puso kung pumapayag kayong tanggapin ito, at pagkatapos ito ay magiging sa Langit, na Aking bubuksan sa inyo, kung magpupursige kayo sa Aking Doktrina. Iyan ang Mesiyas at wala nang iba pa. Siya ay ang Hari ng espirituwal na kaharian, ang mga tarangkahan nito ay Kanyang bubuksan sa lahat na mga tao na may mabuting kalooban sa pamamagitan ng Kanyang Sakripisyo.»

Si Jesus ay nakatapos na sa pagsasalita at pupunta na sa maikling hagdanan na magdadala sa isa mula sa dam patungo sa baybayin. Baka ibig Niyang pumunta sa bangka ni Pedro na kumikiling malapit sa isang magaspang na daungan. Ngunit bigla na lamang Siyang tumalikod, tinitingnan ang mga pulutong at sumigaw: «Sino ang nanawagan sa Akin para sa espiritu at sa katawan?»

Walang tumutugon. Inulit Niya ang katanungan at tinitingnan ng Kanyang magagandang mata ang mga pulutong na nagsiksikan sa likuran Niya, hindi lamang sa daan, bagkus pati rin sa ibaba sa baybayin. Wala pa rin tugon.

Si Mateo ay nagwika: «Guro, sino ang nakakaalam kung gaano karami ang nagbuntung-hininga para sa Inyo sa ilalim ng damdamin ng Inyong mga salita...»

«Hindi. Isang kaluluwa ang sumigaw: “Kaawaan” at napakinggan Ko ito. At upang sabihin sa inyo na ito ay totoo tumutugon Ako: “Mangyari sa iyo ang ayon sa hiningi mo sapagkat ang paggalaw ng iyong puso ay makatarungan”. At matangkad katulad Niya, nagmumukha Siyang maganda habang inuunat Niya ang Kanyang kamay nang makapangyarihan patungo sa baybayin.

Sinubukan Niyang muli na pumunta sa maikling hagdanan, ngunit si Chuza, na halatang kabababá pa lamang mula sa isang bangka, ay tumayo sa harapan Niya at binati Siyang nakayuko nang mababa. «Maraming araw ko na Kayong hinahanap. Ginawa ko nang ikutin ang lawa sinusundan Kayo lagi, Guro. Kailangan ko Kayong makausap kaagad. Maging aking panauhin. Marami akong mga kaibigang kasama ko.»

«Ako ay nasa Tiberias kahapon.»

«Sinabi nila sa akin. Ngunit ako ay di nag-iisa. Nakikita ba Ninyo ang mga bangkang iyon na naglalayag patungo sa kabilang baybayin? Marami ang mga nakasakay doon na nangangailangan sa Inyo, kasama na ang ilan sa Inyong mga disipulo. Pakiusap, sumama Kayo sa aking bahay, sa ibayo ng Jordan.»

«Walang kabuluhan ito, Chuza. Alam Ko kung ano ang gusto ninyong sabihin sa Akin.»

«Halikayo, Panginoon.»

«Mga may-sakit na tao at mga nagkasala ay naghihintay para sa Akin; pabayaan Ako...»

«Kami rin ay naghihintay para sa Inyo at kami ay may-sakit ng pananabik para sa Inyong ikabubuti. At may ilan ding mga tao na pisikal na may sakit, pati rin...»

«Napakinggan mo ba ang Aking mga salita? Kung gayon bakit ka namimilit?»

«Panginoon, huwag Ninyo kaming tanggihan, kami ay...»

May isang babae na sumiksik upang makaraan sa pulutong. Sa ngayon sapat nang sanay na ako ng mga kasuutang Hudyo upang malaman na siya ay hindi isang Hudyo, at alam ko nang sapat ang... disenteng mga damit upang maintindihan na siya ay di disente. Ngunit upang maitago ang kanyang mga katangian at ang kanyang halina, baka napaka mahiyain, binalot niya ang kanyang sarili sa isang talukbong, na isang kalawakang-asul ang kulay katulad ng kanyang malapad na damit, ngunit nakatatawag-pansin pa rin dahil sa hugis nito na naiiwan ang kanyang magagandang kamay na nakalantad. Itinapon niya ang kanyang sarili sa lupa, gumagapang sa alikabok hanggang marating niya ang manta ni Jesus, na hinawakan ng kanyang mga daliri, hinahalikan ang laylayan nito at umiiyak, humihikbi nang nanginginig.

Si Jesus Na tutugon na sana kay Chuza nagsasabing: «Nagkakamali ka at...» ay tumingin nang pababa at nagsabi: «Ikaw ba ito na nanawagan sa Akin?»

«Oo... ngunit hindi ako karapat-dapat ng grasya na Inyong pinagkaloob sa akin. Hindi ko dapat Kayo tinawagan kahit na ng aking kaluluwa. Ngunit ang Inyong salita... Panginoon... Ako ay isang makasalanan. Kung aalisan ko ng takip ang aking mukha maraming tao ang magsasabi sa Inyo ng aking pangalan. Ako ay... isang kortesano... isang pumatay ng sanggol... at dahil sa aking bisyo ako ay nagkasakit... Ako ay nasa Emmaus, binigyan ko Kayo ng isang alahas... Ibinalik Ninyo ito sa akin... at ang Inyong sulyap... ay nilagos ang aking puso... Sinundan ko Kayo... Kayo ay nagsalita. Inulit ko sa aking sarili ang Inyong mga salita: “Ako ay dumi, ngunit hinahanap ko Kayo, ang Liwanag”. Sinabi ko: “Pagalingin ang aking kaluluwa, at pagkatapos, kung ibig Ninyo, ang aking katawan”. Panginoon, ang aking katawan ay gumaling... at papaano ang aking kaluluwa?...»

«Ang iyong kaluluwa ay napagaling ng iyong pagsisisi. Humayo at huwag nang magkasala pa. Ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na.»

Ang babae ay hinahalikan ang laylayan ng manta ni Jesus muli at tumayo. Sa pagtayo ang kanyang talukbong ay dumaus-os mula sa kanyang mukha.

«Si Galatia! Si Galatia!» sigaw ng marami at nagbabanggit ng mga insulto sa kanya, pumupulot ng maliliit na bato at buhangin at itinatapon ito sa babae na yumukod nang natatakot.

Si Jesus ay itinaas ang Kanyang isang kamay nang mahigpit at nag-aatas ng katahimikan. «Bakit ninyo siya iniinsulto? Hindi kayo nang-insulto noong siya ay makasalanan. Bakit mang-insulto ngayon kung kailan tinutubos na niya ang kanyang sarili?»

«Ginagawa niya iyan sapagkat siya ay matanda na at may sakit» sigaw nang nanunuya ng marami.

Sa katunayan, bagama't siya ay hindi na napakabata, siya ay malayo sa pagiging matanda at pangit, katulad ng sinasabi nila. Ngunit ang mga pulutong ay ganyan.

«Mauna sa Akin at pumunta sa bangka. Iuuwi kita dadaan sa ibang daan» utos ni Jesus at sinabi Niya sa Kanyang mga apostol: «Panatilihin siya sa gitna ninyo at sabayan siya.»

Ang galit ng pulutong, isinulsol ng ilang di-makapagbatang mga Israelita, ay sumabog laban kay Jesus at sa gitna ng mga sigaw na: «Anathema! Huwad na Kristo! Protektor ng mga puta! Ang Pumoprotekta sa kanila ay sumasang-ayon sa kanila! Malalâ! Sumasang-ayon Siya sa kanila sapagkat kinalulugdan Niya sila» at katulad na mga salita na isinisigaw o kung baga hinahagulhol lalo na ng isang maliit na grupo ng mga baliw na lalaking Hebreo, hindi ko alam kung anong kasta, sa gitna ng ganyang paghagulhol, nagtatapon sila ng mga sandakot na buhangin na tumatama sa mukha ni Jesus nadudumihan ito.

Itinaas Niya ang Kanyang mga kamay at nililinis ang Kanyang pisngi nang walang kahit anong pagprotesta. Hindi lamang, bagkus sa pamamagitan ng isang pagkilos pinatitigil Niya si Chuza at ang ilang mga tao na gustong kumilos sa pagtatanggol sa Kanya at sinabi Niya: «Hayaan sila. Tatanggapin Ko ang mas labis pa para sa kaligtasan ng isang kaluluwa! Pinatatawad Ko sila!»

Si Zeno, ang mamâ mula sa Antioch, na hindi kailanman lumayo sa Guro, ay bumulalas: «Ngayon ay talagang alam ko na kung sino Kayo! Isang totoong diyos at hindi isang huwad na mananalumpati! Ang Griyegong babae ay sinabi sa akin ang katotohanan! Ang Inyong mga salita sa mainit na mga paliguan ay nabigo ako, ngunit ang sa kasalukuyang mga salita ay nagapi ako. Ang mga himala ay namangha ako, ang Inyong pagpapatawad sa mga may kagagawan ay nagapi ako. Paalam, Panginoon. iisipin ko Kayo at ang tungkol sa Inyong mga salita.»

«Paalam, mamâ. Harinawang ang Liwanag ay paliwanagan ang iyong puso.»

Si Chuza ay namimilit ulit habang sila ay patungo sa daungang-lugar, at habang nagkakaroon ng mainitang pag-aaway sa ibabaw ng dam sa pagitan ng mga Romano at mga Griyego sa isang dako at ng mga Israelita sa kabilang dako.

«Halikayo! Kaunting mga oras lamang! Ito ay kinakailangan. Ibabalik ko Kayo mismo. Kayo ay mabait sa mga puta at ibig na Ninyong maging matigas sa amin?»

«O sige. Sasama Ako. Ito sa katunayan ay kinakailangan...» Sinasabihan Niya ang mga apostol na mga nasa loob na ng mga bangka: «Makakalakad na kayo. Sasamahan Ko kayo...»

«Lalakad ba Kayong mag-isa?» tanong ni Pedro na hindi napakasaya.

«Kasama Ako ni Chuza...»

«H’m! At hindi ba kami makakasama? Bakit gusto niya Kayong kasama ng kanyang mga kaibigan? Bakit hindi siya pumunta sa Capernaum?»

«Pumunta kami. Wala kayo roo.»

«Naghintay sana kayo para sa amin. Iyan lang!»

«Sa halip nagpasya kami na sundan ang inyong mga bakas.»

«Halina kayo sa Capernaum ngayon. Bakit kailangan na pumunta ang Guro sa inyo?»

«Tama si Simon» sabi ng ibang mga apostol.

«Ngunit bakit ayaw mong sumama Siya sa akin? Ito kaya ay ang unang pagkakataon na pupunta Siya sa aking bahay? Ako kaya ay hindi ninyo nakikilala.»

«Oo, kilala ka namin. Ngunit hindi namin kilala ang iba.»

«At ano ang ikinatatakot ninyo? Na ako ay kaibigan ng mga kaaway ng Guro?»

«Wala akong nalalaman! Ngunit naaalaala ko ang katapusan ni Juan, ang propeta!»

«Simon! Ako ay sinasaktan mo. Ako ay isang tao na may karangalan. Sinusumpa ko sa iyo na pababayaan ko silang tusukin nila ako bago sila maglakas-loob na hipuin ang buhok ng ulo ng Guro. Kailangan na paniwalaan ninyo ako! Ang aking espada ay nasa paglilingkod sa Kanya...»

«Eh!... Kung ikaw ay kanilang tusukin... Ano ang magiging silbi nito? Pagkatapos... Oo, pinaniniwalaan ko iyan, naniniwala ako sa iyo... Ngunit kapag ikaw ay patay na, Siya na ang susunod. Mas gusto ko ang aking sagwan, ang aking abang bangka sa iyong espada, at higit sa lahat ang aming simpleng mga puso sa paglilingkod sa Kanya.»

«Ngunit naroon si Manaen kasama ko. Nagtitiwala ka ba kay Manaen? At naroon din si Eleazar, ang Pariseo, ang isang kilala ninyo, at si Timoneus, ang ulo ng sinagoga, at si Nathanael ben Fada. Hindi mo siya kilala, ngunit siya ay importanteng lider at ibig niyang magsalita sa Guro. At naroon si Juan, pinangalanang Antipas mula sa Antipatris, isang paborito ni “Herod the Great”, ngayon matanda na at makapangyarihan, ang may-ari ng buong lambak ng Gaash, at...»

«Tana na iyan! Nagbabanggit ka ng malalaking pangalan, ngunit walang ibig-sabihin iyan sa akin, maliban sa dalawa... at sasama rin ako...»

«Hindi. Ibig nilang magsalita sa Guro...»

«Ibig nila! At sino sila? Ibig nila?! At ako ayaw ko. Sakay sa bangka, Guro, at tayo na. Wala akong pakikinggang sinuman, ayaw ko, wala akong pinagkakatiwalaan bagkus ang aking sarili. Sige na, Guro. At makakalakad ka na sa kapayapaan at sabihin sa mga taong iyon na kami ay hindi mga hampaslupa. Alam nila kung saan nila kami matatagpuan» at kanyang tinutulak si Jesus nang kung baga magaspang habang nagpoprotesta si Chuza sa isang malakas na tinig.

Si Jesus ay inayos ang usapan nagsasabing tiyakan: «Huwag matakot, Simon. Walang masama ang mangyayari sa Akin. Alam Ko. At mas mabuti nang sumama Ako. Para sa Aking sariling kapakanan. Subukan na unawain Ako...» at tinititigan Niya siya na tila gusto Niyang sabihin: «Huwag mamilit. Intindihin Ako. May mga rason na nagpapayo sa Akin na sumama.»

Si Simon ay nagbigay nang may pag-aalinlangan. Ngunit siya ay pumayag, na tila siya ay natalo... gayunpaman pabulung-bulong siya sa pagitan ng kanyang mga ngipin na may di-kontentong ekspresyon.

«Lumakad nang hindi nag-aalala, Simon. Personal kong ibabalik sa inyo ang iyo at aking Panginoon» nangangako si Chuza.

«Kailan?»

«Bukas.»

«Bukas?! Ganyan ba katagal magpalitan ng kaunting mga salita? Ngayon tayo ay nasa pagitanna ng ikatlo at ikaanim na oras... Kung Siya ay wala pa sa amin bago gumabi, kami ay pupunta sa inyo, ilagay iyan sa isip. At kami ay hindi nag-iisa...» at sinasabi niya ito sa tono ng pananalita na hindi nag-iiwan ng pagdududa tungkol sa kanyang mga intensiyon.

Si Jesus ay nagpatong ng isang kamay sa balikat ni Pedro. «Sinasabi Ko sa iyo, Simon, na hindi nila Ako sasaktan. Magpakita ng katibayan na naniniwala ka sa Aking totoong kalikasan. Sinasabi Ko sa iyo. Alam Ko. Hindi nila Ako sasaktan. Ibig lang nilang ipaliwanag ang mga bagay-bagay sa Akin... Lakad... Dalhin ang babae sa Tiberias, makakatigil kayo sa bahay ni Johann, makikita ninyo kung gayon na hindi nila Ako dinudukot nang may mga bangka at armadong mga tao...»

«Tama, ngunit alam ko ang kanyang bahay (at tinuturo niya si Chuza). Alam ko na may lupa sa likuran niyon, iyon ay hindi isang isla, naroon ang Galgala at Gamala, Aera, Arbela, Gerasa, Bozrah, Pella at Ramoth at marami pang ibang mga bayan!...»

«Ngunit huwag matakot, sinasabi Ko sa iyo! Maging masunurin. Bigyan mo Ako ng isang halik, Simon. Lakad! At kayo, rin» at Kanyang hinahalikan at pinagpapala sila. Nang makita Niya na ang bangka ay nakaalis na sumigaw Siya sa kanila: «Hindi ito ang Aking oras. At hanggang sa sandaling iyan, wala at walang sinuman ang makapagtataas ng isang kamay laban sa Akin. Paalam, Aking mga kaibigan.»

Binalingan Niya si Johanna na maliwanag na nagmumukhang balisa at nag-aalala at sinabi Niya sa kanya: «Huwag matakot. Mabuting bagay na ito ay kailangan na mangyari. Humayo sa kapayapaan.» At sinabi Niya kay Chuza: «Tayo na. Upang ipakita sa iyo na hindi Ako natatakot. At upang pagalingin ka...»

«Wala akong sakit, Panginoon...»

«May sakit ka. Sasabihin ko sa iyo. At maraming kasama mo. Tayo na.»

Pumunta Siya sa mabilis na mayaman na bangka at naupo. Ang mga mananagwan ay nagsimulang magsagwan sa kalmanteng mga tubig gumagawa ng isang detur upang maiwasan ang isang malakas na agos sa katapusan ng lawa, kung saan ang tubig ay umaagos patungo sa ilog.

250611

 

 


Sunod na kabanata