462. Sa Pangkabukiran na Bahay ni Chuza. Ang Panunuksong Mungkahing Ginagawa kay Jesus at Ibinunyag ng Disipulong Minamahal ni Jesus.

Hulyo 30, 1946.

Sa kabilang baybayin, sa dulo ng tulay, ang isang may-takip na bagon ay naghihintay na.

«Pasok Kayo, Guro. Hindi Kayo mapapagod bagama't ang paglalakbay ay isang mahabang paglalakbay, sapagkat nagbigay ako ng mga tagubilin na magkaroon dito lagi ng magkakabit na mga baka upang hindi makasakit ng damdamin sa mga panauhin na mas masunurin sa Batas... Sila ay kailangan na kaawaan...»

«Ngunit nasaan sila?»

«Nauna na sila sa atin sakay ng ibang mga bagon. Tobit!»

«Panginoon?» sabi ng drayber na naglalagay ng pamatok sa mga baka.

«Nasaan ang ibang mga panauhin?»

«O! Malayo na sa unahan. Sila ay maaaring halos nasa bahay na.»

«Napakinggan ba Ninyo iyon, Guro?»

«At kung Ako ay hindi sumama?»

«O! Nakakatiyak kami na Kayo ay sasama. Bakit Kayo hindi sasama?»

«Sapagkat!! Chuza, Ako ay sumama upang patunayan sa iyo na Ako ay hindi isang duwag. Tanging masasamang tao lamang ang may-karuwagan, ang may mga pagkakasala at dahil dito natatakot ng katarungan... Ng katarungan ng mga tao, nakalulungkot, samantalang kailangan nilang matakot una sa lahat ng tanging katarungan, ng katarungan ng Diyos. Ngunit wala Ako sa pagkakamali at hindi Ako natatakot ng mga tao.»

«Ngunit, Panginoon! Ang lahat na kasama ko ay pinagpipitagan Kayo! Katulad ko. At walang rason kahit ano pa man kung bakit tatakutin namin Kayo! Ibig namin Kayong parangalan, hindi upang insultuhin Kayo!» Si Chuza ay namimighati at halos galit.

Si Jesus, Na nakaupo sa harapan niya, habang nagpapatuloy ang bagon nang dahan-dahan lumalangitngit sa gitna ng berdeng kabukiran, ay tumugon: «Kaysa sa lantaran na digmaan ng mga kaaway kailangan Kong katakutan ang patagong digmaan ng huwad na mga kaibigan, o ang di-makatarungan na kasigasigan ng totoong mga kaibigan na hindi pa nakaiintindi sa Akin. At ikaw ay isa sa kanila. Naaalaala mo ba ang sinabi Ko sa iyo sa Bether?»

«Naintindihan ko Kayo, Panginoon» bulong ni Chuza, ngunit hindi siya labis na nakatitiyak ng kanyang sarili at hindi tinutugunan nang diretso ang tanong.

«Oo. Naintindihan mo Ako.  Sa loob ng mga datíng ng kapighatian at lugod ang iyong puso ay naging kasing liwanag ng kalangitan na may bahaghari pagkatapos ng isang bagyo. At nakita mo ang mga bagay-bagay sa isang makatarungan na pamamaraan. Pagkatapos... Tumalikod ka, Chuza, at tingnan mo ang ating Karagatan ng Galilee. Napakalinaw nitong tingnan sa pagsikat ng araw! Sa loob ng gabi ang hamog ay nilinis ang atmospera at ang malamig na ere ay nakapagpabawas sa pagsingaw ng mga tubig. Ang kalangitan at ang lawa ay dalawang latag ng malinaw na sapiro sinasalamin ang kani-kanilang kagandahan, at ang mga burol, sa buong kapaligiran, ay luntian at malinis na tila nilikha sila ng Diyos sa loob ng gabi. Tingnan ngayon. Ang alikabok ng panabing-dagat na mga daan, bugbog ng mga tao at ng mga hayop, ng init ng araw, na nagagawa ang mga kakahuyan at mga hardin na sumingaw katulad ng mga kaldero sa isang pugon at pinaaapoy ang lawa ginagawa ang tubig nito na sumingaw, tingnan kung gaano nila nagambala ang tanawin. Ang mga baybayin dati ay nagmumukhang malapit, napakalinis nila sa napakalinaw na ere; ngunit tingnan ngayon... Nagmumukha silang dumilim, lumabo at tila nanginginig, katulad ng mga bagay na tinitingnan na may nakatakip na di-purong tubig. Katulad nito ang nangyari sa iyo. Alikabok: ang pagkatao. Araw: ang pagmamalaki. Chuza, huwag balisahin ang iyong sarili...»

Si Chuza ay iniyuyuko ang ulo, pinaglalaruan nang wala-sa-loob ang mga gayak ng kanyang kapa at ang hibilya ng kanyang mamahaling sinturon ng espada. Si Jesus ay tahimik, na ang Kanyang mga mata halos sarado na tila Siya ay inaantok. Si Chuza ay ginagalang ang Kanyang túlog o ang sa akala niya Siya ay tulóg.

Ang bagon ay nagpapatuloy nang dahan-dahan patimog-kanluran, patungo sa magaan na mga pag-alun-alon na pumoporma, sa aking palagay man lamang, sa unang mga terasa ng mataas na kapatagan pumapaikot sa lambak ng Jordan sa silangang tabing ito. Ang kabukiran ay mataba at maganda dahil sa kasaganaan ng mga tubig mula sa ilalim o sa ilang ilog; mga ubas at prutas ay nakabitin sa bawat punungkahoy.

Ang bagon ay iniiwan ang pinakadaan at kinukuha ang isang pribadong daan, pinapasok ang isang abenida na makapal sa mga punungkahoy, sa ilalim nito kung saan ay lilim at malamig na hangin, bilang pagkumpara sa maaraw na daan na nakakatulad ang isang pugon. Ang isang mababang maputing magandang-tingnan na bahay ay nasa dulo ng abenida. Ang mas simpleng mga bahay ay nakakalat dito at doon sa mga bukid at mga ubasan. Tinatawid ng bagon ang isang maliit na tulay at isang tanda ng hangganan, sa kabila nito kung saan ang lootan ay nagiging isang hardin na may isang abenida na may nakakalat na maliliit na bato. Si Jesus ay binukas ang Kanyang mga mata sa ibang ingay ng mga gulong sa maliliit na bato.

«Nakarating na tayo, Guro. Naririto ang mga panauhin, na nakarinig sa atin at ngayon lumalabas» sabi ni Chuza.

At sa katunayan maraming lalaki, lahat may-kaya, ang nagsisiksikan sa pasimula ng abenida at sa pamamagitan ng mapagpasikat na mga pagyuko, ay binabati ang Guro Na dumarating. Nakikita at nakikilala ko si Manaen, Timoneus, Eleazar at sa palagay ko nakikita ko ang iba pang mga tao, na hindi na mga bago sa akin, subalit ang mga pangalan ay hindi ko alam. At mas marami pa ang hindi ko pa kailanman nakita o hindi ko pa man lamang napuna na kilalanin. Marami ang nakasuot ng mga espada, ang iba sa lugar ng mga espada ay nagpapakita ng maramihan na mga palawit ng mga Pariseo, mga pari o mga rabbi.

Ang bagon ay tumigil at si Jesus ang unang bumaba yumuyuko sa isang pangkalahatan na pagbati. Ang mga disipulong sina Manaen at Timoneus ay lumapit at nakikipagpalitan ng personal na mga pagbati sa Guro. Pagkatapos si Eleazar (ang mabuting Pariseo sa bangkete sa bahay ni Ishmael) ay lumapit kasama ang dalawang eskriba na pumilit na makaraan sa pulutong upang sila ay makilala. Ang isa ay ang lalaki na ang kaninong anak ay pinagaling sa Tarichea sa araw ng unang pagpaparami ng mga tinapay, at ang isa ay ang nag-alay ng pagkain sa lahat sa paanan ng bundok ng mga beatitude. At isa pang lalaki ang nagpilit na makaraan sa pulutong: ang Pariseo, na sa bahay ni Jose, noong panahon ng anihan, ay sinabihan ni Jesus ng tungkol sa rason para sa kanyang di-makatarungan na paninibugho.

Si Chuza ay nagpapatuloy sa pagbibigay ng mga introduksiyon na di ko na isusulat para sa kapakanan ng lahat. Sapagkat mahihilo ang isa ng lahat na mga Simon, mga Levi, mga Eleazar, mga Nathanael, mga Jose, mga Philip at patuloy pa; mga Saduseo, mga eskriba, mga pari, mga Herodian karamihan, hindi lang, bagkus sasabihin ko na ang mga Herodian ay ang pinakamarami, iilan na mga proselito at mga Pariseo, dalawang miyembro ng Sanhedrin at apat na pangulo ng sinagoga at isang Essene, na nakarating dito nang hindi ko alam kung papaano.

Si Jesus ay yumuyuko sa bawat pangalan, nagbibigay ng matalas na sulyap sa bawat mukha, at kung minsan ngumingiti nang magiliw kapag, upang mas makilala nang maliwanag, may isang magbabanggit ng tungkol sa mga pangyayari ng nakaraang pakikiharap kay Jesus.

Samakatuwid ang isang Joachim mula sa Bozrah ay nagsasabi: «Ang aking asawang si Maria ay napagaling Ninyo sa kanyang ketong. Pagpalain nawa Kayo.»

At ang Essene ay nagsabi: «Napakinggan ko Kayo nang Kayo ay nagsalita malapit sa Jericho at ang isa sa aming mga kapatid ay iniwan ang mga baybayin ng Salt Sea upang sundan Kayo. At napakinggan ko rin ang tungkol sa Inyo magpatungkol sa himala para kay Elisha ng Engedi. Naninirahan din kami sa bahaging iyan ng kabukiran, sa paghihintay...»

Kung ano ang kanilang hinihintay ay hindi ko alam. Ngunit alam ko na habang sinasabi ang ganito ang Essene ay nagmumukha na may isang kung bago galak na pagka mas-mataas na ere sa ibang naroroon na tiyak na hindi nagpapakita bilang mga mistiko, sa dahilan na nag karamihan sa kanila ay tila kinalulugdan nang masaya ang kayamanan na naibibigay sa kanila ng kanilang mga pusisyon.

Si Chuza ay inalis ang kanyang Panauhin sa seremonyang mga pagbati at pinasunod Siya patungo sa isang komportableng silid-paliguan kung saan iniwanan niya Siya sa kinaugalian na mga paghuhugas, tiyak na kaaya-aya sa labis na init, at bumalik siya sa kanyang mga panauhin, kung kanino siya ay nakikipag-usap nang maapoy, sa katunayan halos umabot sila sa pagtatalu-talo, dahil sa kanilang iba't ibang opinyon. Ang iba ay gustong pasimulan kaagad ang pag-uusap. Alin? Ang iba ay nagmumungkahi na huwag kaagad tuligsain ang Guro bagkus Siya ay kailangan na kumbinsihin muna ng kanilang malalim na paggalang. Ang huling mungkahi ang nangibabaw dahil ito ay suportado ng nakararami at si Chuza, ang maybahay, ay tinawag ang ilang mga katulong upang iutos ang isang bangkete para sa gabi, binibigyan si Jesus ng panahon, «Na pagod, katulad ng makikita ng lahat, na makapagpahinga.» Ang pasyang ito ay tinanggap ng lahat, at sa katunayan nang si Jesus ay makita, ang lahat na mga panauhin ay nagpaalam yumuyuko nang mababa, iniiwan Siyang kasama si Chuza, na nagdadala sa Kanya sa isang malilim na silid kung saan may isang mababang sopa natatakpan ng mamahaling mga sapin.

Ngunit si Jesus, Na kanina pa nag-iisa pagkatapos na maiabot Niya sa isang katulong ang Kanyang mga sandalyas at tunika upang sana ito ay ma-bras at malinisan pagkatapos ng paglalakbay ng nakaraang araw, ay hindi natutulog. Nakaupo sa gilid ng sopa, ang Kanyang walang-saplot na mga paa nasa ibabaw ng alpombra, nakasuot ng maikling tunika o tsaleko na nagtatakip sa Kanyang katawan hanggang sa Kanyang mga siko at mga tuhod, Siya ay nakalubog sa pag-iisip. At kung ang Kanyang kakaunting kasuutan ay nagagawa Siyang magmukhang mas bata sa magandang perpektong pagkakabagay ng Kanyang pagkalalaking katawan, ang katindihan ng Kanyang naiisip, na tiyak na hindi malugod, ay pinakukulubot at pinauurong ang Kanyang mukha sa isang masakit na ekspresyon ng pagkapagod, na nagagawa Siyang magmukhang mas matanda.

Walang ingay sa loob ng bahay, at walang sinumang tao sa kabukiran, kung saan ang mga ubas ay nahihinog sa loob ng nakapaniniil na init. Ang madidilim na kurtina sa mga pintuan at mga bintana ay walang-galaw.

Ang mga oras ay dumaan nang gayon... Ang takipsilim ay tumitindi habang ang araw ay lumulubog. Ngunit ang init ay nananatili. At ang pagninilay-nilay ni Jesus ay nananatili din.

Sa wakas ang bahay ay tila gumigising. Ang isa ay makaririnig ng mga tinig, pagkaluskos ng mga paa, mga utos.

Si Chuza ay dahan-dahan na hinawi ang kurtina upang sumilip nang di nakaiistorbo.

«Pasok ka! Hindi Ako natutulog» sabi ni Jesus.

Si Chuza ay pumasok: siya ay nakasuot na ng isang ginayakan na kapa para sa bangkete. Siya ay tumingin at nakita na ang sopa ay walang tanda ng may humiga rito. «Hindi ba Kayo natulog? Bakit? Kayo ay pagod...»

«Nakapagpahinga Ako sa katahimikan at sa lilim. Sapat na iyan sa Akin.»

«Magpapadala ako sa Inyo ng isang tunika...»

«Hindi. Ang Akin ay tiyak na tuyo. Mas gusto Ko ito. Nagbabalak Akong umalis kaagad pagkatapos ng bangkete. Nakikiusap Ako sa iyo na magkaroon ng isang bagon at bangka na nakahanda para sa Akin.»

«Ayon sa ibig Ninyo, Panginoon. Gusto ko sanang patigilin Kayo rito hanggang pagsikat ng araw bukas...»

«Hindi Ko magagawa. Kailangan Kong umalis...»

Si Chuza ay lumabas yumuyuko... Nakaririnig ako ng maraming tao nagsasalita sa mababang mga tinig...

Mas maraming oras pa ang dumaan. Ang katulong ay bumalik na may dalang linen na damit, na kalalaba pa lamang, mabangong nangangamoy araw, at kasama ang mga sandalyas, na nilinis at pinalambot ng langis o tabâ, at kung gayon kumintab at nababaluktot. Isa pang katulong ang sumunod sa kanya na may dalang palanggana, isang amphora at ilang mga tuwalya at iniwan niya ang lahat sa ibabaw ng isang mababang mesa. Sila ay lumabas...

--- Si Jesus ay sinamahan ang mga panauhin sa bulwagan na naghahati sa bahay mula sa hilaga hanggang timog, napoporma ang kaaya-ayang maaliwalas na silid, nilagyan ng mga upuan at inadornohan ng magaan na mga iba't iba at iba't ibang kulay na mga kurtina, na nagpapabago sa liwanag nang hindi nahaharangan ang hangin. Sa dahilan na ngayon ito ay nakabukas, makikita ng isa ang berdeng hangganan na nakapaikot sa bahay.

Si Jesus ay kahanga-hanga. Bagama't Siya ay hindi natulog, Siya ay tila puno ng lakas at ang Kanyang paglakad ay mahestuwoso katulad ng isang hari. Ang linen na damit, na Kanya pa lamang sinuot, ay ngayon kaputiang-niyebe at ang Kanyang buhok, makinang pagkatapos ng paligo sa umaga, ay banayad na nagniningning pinalilibutan ang Kanyang mukha ng ginintuang kulay nito.

«Halikayo, Guro. Kayo lamang ang aming hinihintay» sabi ni Chuza at pinasunod Siya bago ang lahat patungo sa silid kung saan ang mga mesa ay nakalatag.

Sila ay naupo pagkatapos ng panalangin ng pasasalamat at ng karagdagang paghuhugas ng mga kamay, at ang kainan ay nagsimula, magarbo katulad ng dati, sa katahimikan sa simula. Pagkatapos ang katahimikan ay nasira. Si Jesus ay malapit kay Chuza at si Manaen ay nasa kabila kasama si Timoneus bilang kasama. Ang iba ay inilagay ni Chuza, sa pamamagitan ng karanasan ng isang kortesano, sa mga panabi ng korteng-U na mesa. Ang Essene lamang ang may-katigasan ng ulo na tumangging makisama sa bangkete at maupo sa mesa kasama ang iba pa, at tanging nang ang isang katulong, sa tagubilin ni Chuza, nag-alay sa kanya ng isang mamahaling basket puno ng prutas, siya pumayag na maupo sa isang mababang mesa, pagkatapos ng hindi ko alam kung gaano karaming paghuhugas ng kamay, at pagkatapos na maililis nang pataas ang malapad na mga manggas ng kanyang tunika na kung hindi’y baka ito marumihan, o nililis para sa ilang ritwal, hindi ko alam.

Ito ay kakaibang bangkete dahil sila ay nakikipag-ugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga sulyap kaysa ng mga salita. Nagpapalitan lamang sila ng kaunting mga salita ng kortesiya at magkakatinginan, ibig sabihin, si Jesus ay pinag-aaralan ang Kanyang kapwa mga panauhin at Siya ay pinag-aaralan nila.

Sa katapusan sinenyasan ni Chuza ang mga katulong na umalis pagkatapos na mailagay sa mesa ang malalaking trey ng prutas, na sariwa at malamig pagkatapos na mapanatili sa loob ng isang bubon, at totoong maganda, sasabihin ko na ito ay halos nagyelo dahil natatakpan ito ng parang kinaskas na yelo na karaniwang makikita sa prutas na inilagay sa ice-box. Ang mga katulong ay umalis pagkatapos na masindihan din ang mga lampara, na hindi kinakailangan sa kasalukuyan dahil maliwanag pa sa mahabang paglubog ng araw ng tag-init.

«Guro» pasimula ni Chuza «maaaring nagtataka Kayo kung bakit namin ginawa ang pagpupulong na ito at kung bakit kami naging napakatahimik. Ngunit ang amin nang kailangang sabihin sa Inyo ay napakabigat at kailangan na di marinig ng walang-kahinahunan na mga tainga. Tayo ngayon ay nag-iisa at tayo ay makapagsasalita na. Katulad sa Inyong nakikita, ang lahat na mga taong naririto ay napakalaki ang paggalang sa Inyo. Kayo ay nasa pagitan ng mga taong nagpipitagan sa Inyo bilang Tao at bilang Mesiyas. Ang Inyong katarungan, Inyong karunungan, mga kaloob na sa pamamagitan nito ang Diyos ay ginawa Kayong guro, ay kilala at hinahangaan namin. Kayo para sa amin ay ang Mesiyas ng Israel. Mesiyas ayon sa espirituwal na idea at sa politikal din na idea. Kayo ang Hinihintay na Isa na siyang magpapatigil sa kapighatian at kawalang-sigla ng isang buong populasyon. At hindi lamang ng sambayanan na ito sa loob ng mga hangganan ng Israel, o kung baga, ng Palestina, bagkus ng Sambayanan ng lahat na Israel, ng di-mabilang na mga kolonya ng Diaspora, nakakalat sa buong Lupa, na nagagawa ang Pangalan ni Jehovah na marinig sa ilalim ng bawat kalangitan at nagagawang malaman ang mga pangako at mga pag-asa, na ngayon ay nangyayari na, ng isang Tagapagsauli na Mesiyas, ng isang Tagapaghiganti, ng isang Tagapagpalaya at tagapaglikha ng totoong kalayaan at ng Amangbayan na Israel, ibig sabihin, ng pinakadakilang Amangbayan sa mundo, ang Amangbayan, reyna at naghahari, na siyang magkakansela ng lahat na alaala ng nakaraan at ng bawat  naririyan na tanda ng pagkaalipin, Hebraismo nagtatagumpay sa ibabaw ng lahat na tao at lahat na bagay, at magpasawalanghanggan, sapagkat iyan ang sinabi at iyan ang isinasagawa. Panginoon, naririto, sa Inyong harapan, ang lahat na Israel sa pangangatawan ng ilang mga grupo ng eternal na sambayanan na ito. Pinarusahan ngunit minamahal ng Kataastaasan Na nagpapahayag na ito ay “Kanya”. Nasa Inyo ang tumitibok na malusog na puso ng Israel sa pamamagitan  ng mga miyembro ng Sanhedrin at ng mga pari, nasa Inyo ang kapangyarihan at kabanalan sa pamamagitan ng mga Pariseo at mga Saduseo, nasa Inyo ang karunungan sa pamamagitan ng mga eskriba at mga rabbi, nasa Inyo ang pulitika at halaga sa pamamagitan ng mga Herodian, nasa Inyo ang kayamanan sa pamamagitan ng mayayamang tao, ng populasyon sa pamamagitan ng mga mangangalakal at mga nagmamay-ari ng lupa, nasa Inyo ang Diaspora sa pamamagitan ng mga proselito, nasa Inyo rin kahit na mga naihiwalay, dahil nakakiling na sila ngayon na magkaisa mula nang makita nila sa Inyo ang Hinihintay na Isa: ang mga Essene, ang di-kailanman-maabot na mga Essene. Tingnan, o Panginoon, ang unang kababalaghan na ito, ang dakilang tanda ng Inyong misyon,  ng katotohanan tungkol sa Inyo. Nang walang karahasan, walang pamamaraan, walang mga ministro, walang mga tropa, walang mga espada, naiipon Ninyo ang lahat ng Inyong sambayanan, katulad na nakokolekta ng isang tangke ang mga tubig ng di-mabilang na mga bukal. Halos wala kahit na anong salita, wala kahit anuman na imposisyon naipon Ninyo kami, isang sambayanan na nahati ng mga kamalasan, ng poot, ng mga ideang politikal at panrelihiyon, at napagkasundo Ninyo kami. O Prinsipe ng Kapayapaan, magbunyi sa pagiging nakapagtubos at nakapagpanumbalik kahit bago pa man mahawakan ang setro at ang korona. Ang Inyong kaharian, ang hinihintay na Kaharian ng Israel, ay nakapagsimula na. Ang aming kayamanan, aming kapangyarihan, aming mga espada ay nasa Inyong paanan. Magsalita! Mag-utos! Ang oras ay dumating na.»

Ang lahat ay sumasang-ayon sa talumpati ni Chuza. Si Jesus, nakakursomano, ay tahimik.

«Hindi ba Kayo magsasalita? Hindi ba Kayo tutugon, Panginoon? Kayo kaya ay baka nagtataka sa sitwasyon... Baka pakiramdam Ninyo Kayo ay di nakahanda at pinagdududahan Ninyo higit sa lahat kung nakahanda ang Israel... Ngunit hindi ito ganito. Makinig sa aming mga tinig. Ako ay nagsasalita, at si Manaen kasama ko, magpatungkol sa Korte. Ito ay hindi na karapat-dapat na naririyan pa. Ito ay ang bulok na kahihiyan ng Israel. Ito ay kahiya-hiyang tirano na nagpapahirap sa mga tao at yumuyukong katulad ng alipin upang bolahin ang mangangamkam. Ang oras nito ay dumating na. Tumaas, o Tala ni Jacob, at itaboy ang kadiliman ng koro na iyon ng mga krimen at kahihiyan. Naririto ang mga tinatawag na mga Herodian: sila ay ang mga kaaway ng mga tagapaglapastangan ng pangalan ng mga Herodes, na sagrado sa kanila. Aking mga kaibigan, nasa sa inyo na ngayon ang magsalita.

«Guro. Ako ay matanda na at naaalaala ko ang kagandahan ng mga araw na nakalipas na. Ang tawagin ang sumamáng mga inapu ni Herodes sa pangalan niya, ay katulad ng tawagin ang isang namamahong labí ng hayop sa pangalan ng isang bayani, labis-labis ang kanilang pagpapahirap sa ating sambayanan.

Si Jesus ay tahimik.

«Guro, sa palagay ba Ninyo kami ay posibleng nagdududa? Sinuri namin ang mga Iskriptura. Kayo ang ipinangakong isa. Kailangan Ninyong maghari» sabi ng isang eskriba.

«Kailangan na Kayo ay maging Hari at Pari. Isang ikalawang Jeremiah, mas dakila pa sa una, kailangan na pumunta Kayo at magdalisay. Ang altar ay nalapastangan. Harinawang ang sigasig ng Kataastaasan ay udyukan Kayo» sabi ng isang pari.

«Marami sa amin ay nakipaglaban sa Inyo. Ang mga natatakot sa Inyong matalinong pamamaraan ng paghahari. Ngunit ang sambayanan ay kasama Ninyo at ang pinakamabubuti sa amin ay kasama ang sambayanan. Kami ay nasa pangangailangan ng isang marunong na tao.»

«Kailangan namin ang isang purong tao.»

«Isang totoong hari.»

«Isang santo.»

«Isang Manunubos. Kami ay mas lalu’t lalo pang napaaalipin sa lahat at sa lahat na tao. Ipagsanggalang kami, Panginoon!»

«Kami ay tinatapakan sa mundo sapagkat bagama't kami ay mas malaki sa bilang at sa kayamanan, katulad namin ang mga tupa na walang isang pastol. Pakilusin Ninyo ang sambayanan sa pamamagitan ng lumang sigaw: “Bumalik sa inyong mga tolda, Israel!”, at mula sa bawat sulok ng Diaspora ang Inyong mga nasasakupan ay iigkas katulad ng isang panikwas, pinatatalsik ang pagiray-giray na mga trono ng malalakas na mga hindi minamahal ng Diyos.

Si Jesus ay nananahimik pa rin. Siya lamang ang nag-iisang nakaupo nang kalmante, na tila ang pinag-uusapan ay walang kaugnayan sa Kanya, sa gitna ng mga apatnapung maiinit-ang-ulo na mga lalaki, na ang kanilang mga argumento ay kaunti lamang ang naiintindihan ko sapagkat sila ay nagsasalita nang sabay-sabay gumagawa ng isang teribleng kagulo. Pinananatili Niya ang Kanyang aktitud at nananatiling tahimik.

Lahat sila ay sumisigaw: «Magsalita ng isang salita! Tumugon!»

Si Jesus ay tumayo nang dahan-dahan, tinutulak ang Kanyang mga kamay sa gilid ng mesa. Nagkaroon ng malalim na katahimikan. Habang ang walumpung umaapoy na mga mata ay nakatitig sa Kanya, ibinuka Niya ang Kanyang mga labì at ang iba ay ganito rin ang ginawa, na tila ibig nilang langhapin ang Kanyang tugon. At ang tugon ay maikli, ngunit may-pasya: «Hindi.»

«Ano? Bakit? Pinagtataksilan ba Ninyo kami? Pinagtataksilan Ninyo ang Inyong sambayanan! Tinatalikuran Niya ang Kanyang misyon! Itinatakwil Niya ang utos ng Diyos!...» Anong pagkakagulo! Anong kaingayan! Maraming mukha ang namumula habang ang mga mata ay umaapoy at ang mga kamay nababalisa nang nananakot... Kaysa sa matatapat na mga tagasuporta nagmumukha silang mga kaaway. Ngunit ganyan ang buhay: kapag ang mga puso ay napaghaharian ng politikal na mga idea, ang mapagpakumbabang mga tao din ay nagiging katulad ng mababangis na hayop laban sa sinuman na kumokontra sa kanilang mga idea.

Isang kakaibang katahimikan ang sumunod sa kaingayan. Ito ay nagmumukhang tila, bilang naubos na ang kanilang lakas, ang pakiramdam ng lahat ay pagod at natabunan. Tinitingnan nila ang isa’t isa nang may-pagtatanong, nangungulila... ang iba ay balisa...

Si Jesus ay tumingin sa paligid at nagsabi: «Alam Ko na ito ang dahilan kung bakit gusto ninyo Ako. At alam Ko na ang tinatangka ninyo ay walang pupuntahan. Mapatótotohanan ni Chuza na sinabi Ko sa kanya sa Tarichea. Ako ay naparito upang patunayan sa inyo na hindi Ako natatakot ng kahit na anong panloloko, sapagkat ang Aking oras ay hindi pa dumarating. Ni hindi Ako natatakot kung ang pananambang sa Akin ay mangyari, sapagkat Ako ay naparito para diyan. At Ako ay naparito upang kumbinsihin kayo. Hindi lahat, ngunit marami sa inyo ay nasa mabuting pananampalataya. Ngunit kailangan Kong itama ang pagkakamali patungo kung saan kayo bumagsak nang walang masamang hangarin. Kita ninyo? Hindi Ko kayo kinagagalitan. Wala Akong kinagagalitan na sinuman, ni kahit na ang mga, na bilang Aking tapat na mga disipulo, ay kailangan na kumilos nang may katarungan at pagpipigil sa kanilang masisimbuyong damdamin sa pamamagitan ng katarungan. Hindi kita kinagagalitan, Aking makatarungan na Timoneus; ngunit sasabihin Ko sa iyo na sa ilalim ng iyong pagmamahal na nananabik na maparangalan Ako ay naririyan pa rin ang iyong kaakuhan na nananabik at nangangarap ng mas mabubuting araw, kung saan makikita mo na hinahampas ang mga humampas sa iyo. Hindi kita kinagagalitan, Manaen, bagama't lumalabas ka na tila nakakalimutan mo ang karunungan at ang ganap na espirituwal na mga halimbawa na nagkaroon mula sa Akin at mula sa Baptista bago sa Akin; ngunit sasabihin Ko na sa loob mo rin ay naririyan ang isang ugat ng pagiging tao na yumayabong muli pagkatapos ng init ng Aking pagmamahal. Hindi kita kinagagalitan, Eleazar, napaka makatarungan dahil sa matandang babae na iniwan sa iyo, laging makatarungan, ngunit hindi ngayon; ni hindi rin kita kinagagalitan, Chuza, bagama't kailangan kitang kagalitan, sapagkat sa loob mo, mas higit pa kaysa sa loob ng lahat na gusto Akong maging hari nang walang masamang hangarin, ang iyong kaakuhan ay buhay. Oo, gusto mo Akong maging hari. Walang panloloko sa iyong sinasabi. Hindi ka pumunta upang ipahúli Ako, upang isuplong Ako sa Sanhedrin, sa hari, sa Roma. Ngunit sa halip na dala ng pagmamahal – akala mo na ang lahat ay pagmamahal ngunit hindi ito ganito -  sa halip na dala ng pagmamahal ikaw ay kumikilos upang maipaghiganti ang iyong sarili para sa mga pananakit na binigay sa iyo ng korte. Ako ay iyong panauhin. Hindi Ko kailangan na banggitin ang katotohanan tungkol sa iyong mga nararamdaman, ngunit Ako ay ang Katotohanan sa lahat, at Ako ay nagsasalita para sa iyong sariling kabutihan. At ganito rin ang para sa iyo Joachim ng Bozrah, at sa iyo, eskriba Juan, at sa iyo, sa iyo, sa iyo.» At tinuturo Niya ang isang ito o ang isang iyon, nang walang masamang loob, bagkus kalungkutan... at Siya ay nagtatapos: «Hindi Ko kayo kinagagalitan, sapagkat alam Ko na ayaw ninyo nito, nang kusa. Ito ay ang Panloloko, ito ay ang Kaaway na tumatrabaho sa loob ninyo, at kayo ay, nang wala kayong nalalaman, ganap na pinaghaharian niya. Ang inyo ring pagmamahal, o Timoneus, o Manaen, o Joachim, at ninyong lahat na tunay na nagmamahal sa Akin, ang inyo ring pagpipitagan, kayo na ang pakiramdam Ako ang perpektong Rabbi, ang lahat din na iyan, ay ginagamit ng Isinumpang Isa upang makapinsala ng mga tao at makapinsala sa Akin. Ngunit sinasabi Ko sa inyo, at sa mga hindi pareho sa inyo ang pakiramdam at, may mga tangka na pailalim na nang pailalim, hanggang sa ito ay maging pagtataksil-sa-bayan at krimen, ay gusto Akong sumang-ayon na maging isang hari, sinasabi Ko: Hindi. Ang Aking Kaharian ay hindi kaharian ng mundong ito. Halikayo sa Akin upang sana maitatag Ko ang Aking Kaharian sa loob ninyo, at wala nang iba pa. At ngayon Ako ay inyong pakawalan.»

«Hindi, Panginoon. Kami ay disididong-disidido. Naihanda na namin ang aming mga kayamanan, nakapaghanda na kami ng mga plano at nagpasyang lumabas sa walang-katiyakan na ito, na nagpapabalisa sa Israel, at siyang sinasamantala ng ibang mga tao upang mapinsala ang Israel. Mga patibong ay inihahanda para sa Inyo, ay totoo. May mga kaaway Kayo sa pinaka-Templo. Ako, isang Nakatatanda, hindi ko iyan ipinagkakaila. Ngunit may paraan upang matapos iyan: ang pagpapahid sa Inyo ng langis. At pumapayag kaming gawin iyan. Hindi ito ang unang pagkakataon na sa Israel ang isang tao ay pinoproklamang hari nang ganyan, upang mabigyan ng katapusan ang pambansang mga kalamidad at mga paglalabanan. Mayroon dito na makagagawa niyan sa ngalan ng Diyos. Gawin natin ito» sabi ng isa sa mga pari.

«Hindi. Hindi iyan naaayon sa batas. Wala kang ganyan na awtoridad.»

«Ang Mataas na Pari ay ang unang nagkagusto niyan, kabaligtaran sa tila siyang mga lumalabas. Hindi na niya mapahintulutan ang kasalukuyang sitwasyon ng paghahari ng Roma at ang maharlikang iskandalo.»

«Huwag magsinungaling, pari. Ang pagwawalang-pakundangan ay dobleng marumi sa iyong mga labì. Baka hindi mo alam at nalóko ka. Ngunit sa Templo ayaw nila iyan.»

«Tinitingnan ba Ninyo ang aming pamimilit ba isang kasinungalingan?»

«Oo, iyan ang tingin Ko. Kung hindi ng lahat ninyo, ng marami sa inyo. Huwag magsinungaling. Ako ang Liwanag at pinaliliwanagan Ko ang mga puso...»

«Maaari Kayong maniwala sa amin» sigaw ng mga Herodian. «Hindi namin gusto si Herodes Antipas o kahit sino pa mang iba.»

«Hindi. Wala kayong minamahal na sinuman bagkus ang inyong mga sarili. Iyan ay totoo. At hindi ninyo Ako mamamahal. Ako ay gagamitin bilang isang panikwas upang mapalayas ang hari at kung gayon mabuksan para sa inyo ang daan patungo sa mas malaking kapangyarihan at magawa ninyong masiil ang sambayanan nang mas lalo pa. Isang panloloko para sa Akin, para sa mga tao, at para sa inyong sarili. Ang Roma ay lilipulin ang lahat pagkatapos ng inyong panlilipol.»

«Panginoon, sa pagitan ng mga kolonya ng Diaspora marami ang nakahandang umalsa... ang aming kayamanan ay susuporta sa kanila» sabi ng mga proselito.

«At ang akin at ang ganap na suporta ng Hauran at Trachonitis» sigaw ng lalaki mula sa Bozrah. «Alam ko ang aking sinasabi. Ang aming mga kabundukan ay makapananatili ng isang sandatahang-lakas na malaya sa mga patibong, at pagkatapos gamitin ito katulad ng isang kawan ng mga agila sa paglilingkod sa Inyo.»

«Ang Perea din.»

«Ang Gaulanitis.»

«Ang lambak ng Gaash ay kasama Ninyo!»

«At kasama Ninyo ay ang mga baybayin ng Salt Sea kasama ang mga lagalag na naniniwala na tayo ay mga diyos, kung papayag Kayo na sumama sa amin» sigaw ng Essene at nagpapatuloy siya sa pamamagitan ng isang mainapóy na talumpati tipikal ng maiinit-ang-ulo na mga tao, ngunit ang kanyang tinig ay nawawala sa loob ng kaingayan.

«Ang mga mamumundok ng Judaea ay pag-aari ng lahi ng malalakas na hari.»

«At ang mga mamumundok ng High Galilee ay mga bayani na may pag-uugali na katulad ng kay Deborah. Ang mga babae din, kahit ang mga bata ay mga bayani!»

«Sa palagay ba Ninyo napakakaunti kami? Nabubuo namin ang napakaraming tropa. Ang lahat ng populasyon ay kasama Ninyo. Kayo ang hari ng semilya ni David, ang Mesiyas! Ito ang sigaw sa mga labì ng marurunong at ng mga mangmang na mga tao, sapagkat ito ang sigaw, ng kanilang mga puso. Ang Inyong mga himala... ang Inyong mga salita... Ang mga tanda...» Ang kalituhan ay gayon na hindi ko masundan ang kanilang sinasabi.

Si Jesus, katulad ng isang Solidong bato sa gitna ng bagyo, ay hindi gumagalaw, ni hindi Siya tumutugon. Siya ay di-natitigatig. At ang pagkagulo ng mga panalangin, mga imposisyon, mga rason, ay nagpapatuloy.

«Binibigo Ninyo kami! Bakit gusto Ninyo ang aming kasiraan? Gusto ba Ninyong gawin Ninyo ito nang mag-isa? Hindi Ninyo magagawa. Si Mattathias Macabeo ay hindi tinanggihan ang tulong ng mga Hasidaean at si Judas ay napalaya ang Israel sa pamamagitan ng kanilang tulong... Tanggapin!!!» Ngayon at sa muli lahat sila ay isinisigaw ang salitang ito nang sabay-sabay.

Si Jesus ay hindi bumibigay.

Ang isa sa mga Nakatatanda, isang napakatandang lalaki, ay nagsalita sa isang mababang tinig sa isang pari at isang eskriba, kapwa mas matanda kaysa sa kanya. Sila ay lumapit at humihingi ng katahimikan. Ang matandang eskriba, na tinawag na lumapit sa kanya si Eleazar din at ang dalawang eskriba na nagngangalang Juan, ay nagsimulang magsalita: «Panginoon, bakit ayaw Ninyong isuot ang korona ng Israel?»

«Sapagkat iyan ay hindi sa Akin. Ako ay hindi ang anak ng isang Hebreong prinsipe.»

«Panginoon, baka hindi Ninyo nalalaman. Isang araw ako ay tinawag kasama ang dalawang ito sapagkat tatlong Marurunong na lalaki ang dumating nagtatanong kung nasaan Siya Na pinanganak na hari ng mga Hudyo. Kita Ninyo? “Pinanganak na hari”. Kami, ang punong mga pari at mga eskriba ng sambayanan, ay tinawag ni Herod the Great, upang tumugon. At si Hillel ang Makatarungan ay kasama namin. Ang aming tugon ay: “sa Bethlehem sa Judah”. Kami ay sinabihan na Kayo ay pinanganak doon at dakilang mga tanda ang lumabas sa Inyong kapanganakan. Sa pagitan ng Inyong mga disipulo ay ilang mga saksi sa mga ito. Maitatanggi ba Ninyo na Kayo ay sinamba bilang Hari ng tatlong Mago?»

«Hindi Ko iyan tinatanggihan.»

«Maitatanggi ba Ninyo na mga himala ang umuna sa Inyo, sumabay sa Inyo at sumunod sa Inyo bilang isang tanda mula sa Langit?»

«Hindi Ko iyan tinatanggihan.»

«Maitatanggi ba Ninyo na Kayo ang pinangakong Mesiyas?»

«Hindi Ko iyan tinatanggihan.»

«Bueno, kung gayon, sa ngalan ng nabubuhay na Diyos, bakit ibig Ninyong linlangin ang mga inaasahan ng sambayanan?»

«Ako ay naparito upang gawin ang mga inaasahan ng Diyos.»

«Alin?»

«Ang katubusan ng mundo, ang pormasyon ng Kaharian ng Diyos. Ang Aking Kaharian ay hindi kaharian ng mundong ito. Itabi ninyo ang inyong kayamanan at ang inyong mga armas. Ibukas ang inyong mga mata at mga espiritu upang basahin ang mga Iskriptura at ang mga Propeta at tanggapin ang Aking Katotohanan at mapapasainyo ang Kaharian ng Diyos sa loob ninyo.»

«Hindi. Ang mga Iskriptura ay nagbabanggit ng isang Haring tagapagpalaya.»

«Mula sa makadimonyong pang-aalipin, mula sa kasalanan, mula sa pagkakamali, mula sa laman, mula sa Hentilismo, mula sa idolatriya. O! ano ang ginawa ni Satanas sa inyo, o mga Hebreo, marunong na sambayanan, upang magawa kayong bumagsak sa pagkakamali hinggil sa mga propetang katotohanan? Ano ang kanyang ginagawa sa inyo, o mga Hebreo, Aking mga kapatid, upang kayo ay mabulag? Ano ang kanyang ginagawa sa inyo, Aking mga disipulo, na kayo din ay hindi na makaintindi? Ang pinakamalaking kamalasan ng isang sambayanan at ng isang naniniwala ay ang bumagsak sa maling interpretasyon ng mga tanda. At ang ganyang kamalasan ay nangyayari na ngayon. Ang personal na mga interes, mga maling akala, kabaliwan, huwad na pagmamahal ng amangbayan, lahat nakakatulong upang malikha ang kalaliman... ang kalaliman ng pagkakamali kung saan ang isang sambayanan ay maglalaho nagkakamaling makilala ang Hari nito.»

«Nagkakamali Kayong makilala ang Inyong Sarili.»

«Nagkakamali kayong makilala ang inyong mga sarili at Ako. Ako ay hindi isang pantaong hari. At kayo... tatlo sa apat sa inyo na naipon dito, ay gustong saktan Ako, hindi upang tulungan Ako, at nalalaman ninyo ito. Kayo ay kumikilos dala ng poot, hindi dala ng pagmamahal. Ngunit pinatatawad Ko kayo. Sinasabi Ko sa may matapat-na-puso na mga tao: “Gumising sana kayo, huwag maging mga walang-malay na mga katulong ng kasamaan”. Pakawalan Ako. Wala nang iba pa na kailangang sabihin.»

Lahat sila ay naging tahimik, lubos na nasorpresa...

Si Eleazar ay nagsabi: «Ako ay hindi palaban sa Inyo. Akala ko ginagawa ko ang tamang bagay. At hindi lamang ako ang tanging isa... Ang ilang mabubuting kaibigan ay nag-iisip nang katulad ko.»

«Alam Ko. Ngunit sabihin sa Akin, at maging sinsiro: ano ang sinasabi ni Gamaliel?»

«Ang rabbi?... Sinasabi niya... Oo, sinasabi niya: “Ang Kataastaasan ay ibibigay ang tanda kung Siya ay ang Kanyang Kristo”.»

«Siya ay tama. At ano ang sinasabi ni Jose ang Nakatatanda?»

«Na Kayo ay ang Anak ng Diyos at maghahari bilang Diyos.»

«Si Jose ay isang makatarungan na tao. At si Lazarus ng Bethany?»

«Siya ay naghihirap... Hindi siya masyadong nagsasalita... Ngunit sinasabi niya... na Kayo ay maghahari lamang kapag ang aming mga espiritu ay tinanggap Kayo.»

«Si Lazarus ay marunong. Kapag ang inyong mga espiritu ay tinanggap Ako.  Pansamantala, kasama na ang Aking tinitingnan na mabubuting nakahandang mga espiritu, ay hindi tinatanggap ang Hari at ang Kaharian, at iyan ang nagpapamighati sa Akin.»

«Sa maikling salita, Kayo ba ay tatanggi?» sigaw ng marami.

«Sinabi na ninyo ito.»

«Inilagay Ninyo kami sa kompromiso. Sinisira Ninyo kami, Kayo...» sigaw ng iba: mga Herodian, mga eskriba, mga Pariseo, mga Saduseo, mga pari...

Si Jesus ay iniiwan ang mesa at pinuntahan ang grupo na nagtatapon ng mga sulyap sa Kanya. Anong kumikislap na mga mata! Sila ay di-sinasadyang naging tahimik at sumisiksik sa pader... Si Jesus ay totoong nakaharap sila at sa isang mababang tinig, ngunit may katalasan na humihiwa katulad ng isang laslas, sinabi Niya: «Ito ay nakasulat: “Isang sumpa sa kanya na nanghahampas ng kanyang kapwa nang lihim at tumatanggap ng suhol upang makapatay ng inosenteng buhay”. Sinasabi Ko sa inyo: pinatatawad Ko kayo. Ngunit ang inyong kasalanan ay nalalaman ng Anak ng tao. Kung hindi Ko kayo patatawarin...  Maraming tao sa Israel ang pinaliyab ni Jehovah para sa maliit pang dahilan.» Ngunit Siya ay totoong terible sa pagsasabi ng ganito, na walang naglakas-loob na gumalaw, at si Jesus ay hinawi ang dobleng mabigat na kurtina at lumabas sa bulwagan nang walang sinuman ang mangahas na gumawa ng kahit ano.

Tanging nang ang kurtina ay tumigil lamang sa pag-undayo, ibig sabihin, pagkaraan ng ilang mga minuto, sila nagising.

«Kailangan na abutan natin Siya... Kailangan na pigilin natin Siya...» sabi ng mga pinaka galít sa kanila.

«Kailangan na makuha natin Siya upang patawarin tayo» sabi nang may pagbuntung-hininga ng mas mabubuti, ibig sabihin, sina Manaen, Timoneus, ilang mga proselito, ang lalaki mula sa Bozrah, sa maikling salita, ang may matatapat na puso.

Sila ay nagmadaling lumabas sa silid. Hinahanap nila Siya, tinanong ang mga katulong: «Ang Guro, nasaan Siya?»

Ang Guro? Walang nakakita sa Kanya, ni hindi ang dalawang nasa mga pintuan sa bulwagan. Wala Siya.... Nang may mga sulô at mga lampara hinahanap nila Siya sa loob ng mga nino ng hardin, sa loob ng silid kung saan Siya nagpahinga. Siya ay wala roon, ni hindi nila makita ang manta na Kanyang iniwan sa kama, o ang bag na iniwanan sa bulwagan...

«Nakatakas Siya sa atin! Siya ay isang Satanas! Hindi. Siya ay Diyos. Nagagawa Niya ang gusto Niya. Pagtataksilan Niya tayo! Hindi. Makikilala Niya tayo sa kung ano tayo.» Ang hinaing ng iba't ibang mga opinyon at gantihan na mga insulto. Ang mabubuti ay sumisigaw: «Nailigaw ninyo kami. Mga traydor! Nakinikinita sana namin ang lahat na ito!» Ang masasama, ibig sabihin, ang  karamihan, ay tumutugon nang nananakot, at dahil nawala na ang panakip-butas at kung gayon hindi ito masisi, ang dalawang grupo ay nag-aaway-away...

At nasaan si Jesus? Nakikita ko Siya, ng Kanyang sariling kagustuhan, nang Siya ay napakalayo na, malapit sa tulay sa bunganga ng Jordan. Siya ay naglalakad nang mabilis, na tila Siya ay dala ng hangin. Ang Kanyang buhok ay umaalon sa paligid ng Kanyang maputlang mukha at ang Kanyang manta ay pumapagaypay katulad ng isang panlayag habang Siya naglalakad Siya nang may malalakas na hakbang. Pagkatapos, nang Siya ay nakatitiyak na Siya ay nasa malayo nang distansiya, lumublob Siya sa damuhan na putikan malapit sa baybayin at kinuha ang silanganin na pampang at kaagad nang makita Niya ang unang mga bato ng mataas na bangin, nagsimula Siyang umakyat, di inaalintana ang panganib na akyatin ang mala-bangin na baybayin sa malabong liwanag. Umakyat Siya hanggang sa layo ng isang batong nakausli sa ibabaw ng lawa at tinatanawan ng isang matandang puno ng terebinto. Siya ay naupo roon, ipinatong Niya ang Kanyang isang siko sa ibabaw ng isang tuhod Niya at ang Kanyang babà sa ibabaw ng Kanyang palad, at tumititig na ang Kanyang mga mata nakatinging sa dumidilim na malawak na espasyo, nakikita lamang dahil sa Kanyang puting mga kasuutan at sa kaputlaan ng Kanyang mukha, Siya ay nananatiling walang-galaw...

Ngunit may sumunod sa kanya: si Juan. Si Juan ay halos hubad, ibig sabihin, suot niya ang maikling tunika ng mga mangingisda, ang kanyang buhok ay unát at makinis tipikal sa mga tao na kagagaling sa tubig, siya ay humihingal at gayunpaman namumutla. Nilalapitan niya ang kanyang Jesus nang dahan-dahan: siya ay tila isang anino na dumadausdos sa magaspang na bangin. Siya ay tumigil sa di napakalayo. Pinagmamasdan niya si Jesus... Hindi siya gumagalaw. Kamukha niya ang isang bato na nakapirmi sa bato. Ang kanyang madilim na tunika ay nagagawa pa siyang mas di kapuna-puna: tanging ang kanya mukha at hubad na mga paa at mga kamay lamang ang makikita sa kadiliman ng gabi.

Ngunit nang kanyang marinig, kaysa makita si Jesus na umiiyak, hindi na niya matiis at nilapitan niya Siya at pagkatapos tinawag Siya: «Guro!»

Napakinggan ni Jesus ang bulong at tumingala: inipon Niya ang Kanyang mga damit nakahanda nang tumakas.

Ngunit si Juan ay sumigaw: «Ano ang kanilang ginawa sa Inyo, Guro, na hindi na Ninyo nakikilala si Juan?»

At si Jesus ay nakilala ang Kanyang minamahal. Iniunat Niya ang Kanyang mga kamay at itinapon ni Juan ang sarili sa dibdib ni Jesus at silang dalawa ay iniiyakan ang dalawang kapighatian at isa lamang na pagmamahal.

Nang ang kanilang pag-iyak ay humupa si Jesus ang una na makita ang mga bagay-bagay nang malinaw. Naramdaman Niya at nakikita Niya si Juan na halos walang-damit, na may basang tunika, naninigas sa lamig at walang saplot ang mga paa. «Papaano na naririto ka sa ganitong kalagayan? Bakit hindi mo sinamahan ang iba?»

«O! Huwag Ninyo akong pagalitan, Guro. Hindi ako makapanatili... Hindi ko Kayo mapabayaan na umalis... Inalis ko ang aking mga damit, lahat maliban nito, tumalon ako sa lawa at lumangoy pabalik sa Tarichea, at mula doon tumakbo ako sa tabi ng baybayin patungo sa tulay at pagkatapos sinundan ko Kayo. Nanatili ako sa kanal malapit sa bahay, nakahandang pumunta upang tulungan Kayo, o malaman man lamang kung Kayo ay kanilang dudukitin o sasaktan. At nakarinig ako ng maraming mga tinig nag-aaway, pagkatapos nakita ko Kayo na tumakbo lampas sa akin. Kamukha Ninyo ang isang anghel. Upang masundan Kayo nang hindi Kayo nawawala sa aking paningin bumagsak ako sa mga kanal at mga putikan at lahat ako ay puno ng putik. Maaaring narumihan ko ang Inyong manta... Pinagmamasadan ko Kayo mula nang Kayo ay mapunta rito... Umiiyak ba Kayo?... Ano ang kanilang ginawa sa Inyo, aking Panginoon? Ininsulto ba nila Kayo? Kayo ba ay kanilang hinampas?»

«Hindi. Gusto nila Akong gawing hari. Isang kaawa-awang hari, Juan! At marami ang walang masamang hangarin, sila ay kumikilos dala ng pagmamahal, para sa isang mabuting pakay... Karamihan sa kanila... upang maisuplong Ako at mawala Ako...»

«Sino sila?»

«Huwag magtanong?»

«At ang iba?»

«Ni huwag tanungin ang kanilang mga pangalan. Kailangan na huwag kang mapoot o mamintas... nagpapatawad Ako...»

«Guro... mayroon bang mga disipulo doon?... Sabihin sa akin iyan lamang.»

«Oo, mayroon.»

«At mga apostol?»

«Hindi, Juan. Walang apostol.»

«Talaga, Panginoon?»

«Talaga, Juan.»

«Ah! Harinawang purihin ang Panginoon para diyan... Ngunit bakit pa Kayo lumuluha, Panginoon? Kasama Ninyo ako, minamahal ko Kayo sa katauhan ng lahat. AT si Pedro rin, si Andres at ang iba pa... Nang makita nila akong tumalon sa lawa sinabi nila na ako ay baliw at si Pedro ay nagngangalit, at ang aking kapatid ay nagsabi na ibig kong malunod sa mga ipu-ipo. Ngunit pagkaraan naintindihan nila at sumigaw sila sa akin: “Samahan ka sana ng Diyos. Sige. Sige...” Mahal namin Kayo. Ngunit walang nagmamahal sa Inyo katulad ng pagmamahal ko, bagama't ako ay isa lamang kaawa-awang bata.»

«Oo. Walang katulad mo. Giniginaw ka, Juan! Halika rito, sa ilalim ng Aking manta...»

«Hindi, sa Inyong paanan, ganito... Aking Guro! Bakit ang lahat ay hindi Kayo minamahal katulad ng pagmahal ng kaawa-awang bata na ako?»

Si Jesus ay kinabig siya sa Kanyang puso, nakaupo sa tabi niya. «Sapagkat wala sila ng katulad sa iyong puso ng isang bata...»

«Gusto nilang gawin Kayong isang hari? Ngunit hindi pa ba nila naiintindihan na ang Inyong Kaharian ay hindi kaharian ng Mundong ito?»

«Hindi nila naiintindihan!»

«Nang hindi nagbabanggit ng kahit anong pangalan, sabihin Ninyo sa akin ang tungkol sa lahat na ito, Panginoon...»

«Ngunit hindi mo ba sasabihin ang sasabihin Ko sa iyo?»

«Kung ayaw Ninyo, Panginoon, hindi ko iyan babanggitin...»

«Hindi ka magbabanggit ng tungkol dito, maliban kung ang mga tao ay gustong ipakita Ako bilang isang pangkaraniwan na popular na lider. Iyan ay mangyayari isang araw. Ikaw ay naroroon at sasabihin mo: “Siya ay hindi isang hari ng Lupa sapagkat ayaw Niyang maging ganito. Sapagkat ang Kanyang Kaharian ay hindi kaharian ng mundong ito. Siya ay ang Anak ng Diyos, ang Nagkatawang-Tao na Salita, at hindi Niya matanggap kung ano ang pag-aari ng lupa. Ginusto Niyang pumunta sa mundo at magkaroon ng isang katawan upang tubusin ang mga katawan at mga kaluluwa at ang mundo, ngunit hindi Siya nakapailalim sa karangyaan ng mundo o sa mga panggaganyak ng kasalanan, at walang pagkamakalaman at pagkamakamundo sa Kanya. Ang Liwanag ay di nakabalot sa Kadiliman, ang Walang-hangganan ay hindi tumatanggap ng may-hangganang mga bagay, bagkus ang mga nilikhang limitado ng laman at kasalanan, ginawa Niyang mga nilikhang mas nakakatulad Niya Mismo sa pagtataas sa mga naniniwala sa Kanya sa totoong pagkahari, at itinatayo ang Kanyang Kaharian sa loob ng mga puso ng mga tao, bago itayo ito sa Langit, kung saan ito ay magiging kumpleto at eternal kasama ang lahat na mga nailigtas”. Sasabihin mo iyan, Juan, sa lahat na ang tingin sa Akin ay ganap na isang tao lamang at sa mga nangangatawan na Ako ay ganap na espirituwal lamang, sa mga tumatanggi na Ako ay napaiilaliman ng panunukso... at ng kapighatian... Sasabihin mo sa mga tao na ang Tagapagtubos ay umiyak... at na sila, ang mga tao, ay natubos din ng Aking mga luha...»

«Oo, Panginoon. Gaano ang Inyong ipinaghihirap, Jesus!...»

«Gaano Ako nanunubos! Ngunit pinagiginhawahan mo Ako sa Aking paghihirap. Tayo ay aalis dito pagsikat ng araw. Makakakita tayo ng isang bangka. Kung sabihin Ko sa iyo na tayo ay makakapagpatuloy nang walang mga sagwan, maniniwala ka ba sa Akin?»

«Paniniwalaan ko Kayo kahit kung sabihin Ninyo na tayo ay makakapagpatuloy nang walang bangka...»

Sila ay nananatiling magkayakap, nakabalot lamang sa manta ni Jesus, at si Juan, pagod katulad niya, ay nagtapos sa makatúlog sa init, katulad ng isang bata sa loob ng mga bisig ng ina nito.

--------------------

Hulyo 31, 1946.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ito ay para sa mga tao na may matutuwid na puso na ang pang-ebanghelyong pahinang ito, di alam at napaka nagpapaliwanag, ay binibigay. Si Juan, nang sinusulat ang kanyang Ebanghelyo pagkaraan ng maraming taon, ay nagpapahiwatig nang sandali lamang tungkol sa nangyari. Binubunyag niya sa mga tao ang detalyeng ito, na ang tungkol dito sila ay walang nalalaman, at kung gayon nasusunod niya ang gusto ng kanyang Guro, Na ang Kaninong dibinong kalikasan ay kanyang pinakikita nang mas maliwanag kaysa sa kahit sino pang ibang ebanghelista, at binubunyag niya ito nang may pagkabirhen na kahinhinan na siyang bumabalot sa lahat ng kanyang mga pagkilos at mga salita na may maalagang pagpapakumbabang kakimian.

Si Juan, kung kanino Ko pinagtatapat ang pinaka mabibigat na mga pangyayari sa Aking buhay, ay hindi kailanman gumawa ng kahit anong pagpapasikat na pagpapakita ng Aking mga pabor. Sa kabaligtaran, kung babasahin ninyo siya nang tama, makikita ninyo na siya ay tila naghihirap sa pagbubunyag ng mga ito at sasabihin: “Kailangan kong sabihin ito sapagkat ito ay totoo at naitataas nito ang aking Panginoon, ngunit pakiusap na patawarin ako kung ako ay kailangan na lumabas bilang ang siya lamang na nakaaalam nito” at babanggitin niya sa kaunting mga salita ang detalye na siya lamang ang nakaaalam.

Basahin ang unang kabanata ng kanyang Ebanghelyo, kung saan nagkukuwento siya tungkol sa kanyang pagkakatagpo sa Akin: “Si Juan Bautista ay kasama na muli ang dalawa sa kanyang mga disipulo... Naririnig ito, ang dalawang disipulo... Si Andres, ang kapatid ni Simon Pedro, ay ang isa sa dalawa na nakarinig sa mga salita ni Juan at sumunod kay Jesus. Ang unang natagpuan ni Andres...” Hindi niya binabanggit ang kanyang sarili, sa kabaligtaran nagtatago siya sa likuran ni Andres, na kanyang inilalagay na nauuna.

Siya ay kasama Ko sa Cana, at sinasabi niya: “Si Jesus ay kasama ang Kanyang mga disipulo... at ang Kanyang mga disipulo ay naniwala sa Kanya”. Ang iba ang nangangailangan na maniwala. Siya ay naniniwala na. Ngunit inilalagay niya ang kanyang sarili kasama ng iba, na tila kailangan niyang makakita ng mga himala upang maniwala.

Bagama't siya ay saksi sa unang pagpapalayas sa mga mangangalakal sa Templo, sa talumpati kay Nicodemus, sa nangyari sa babaeng Samaritano, hindi siya kailanman nagsasabi: “Ako ay naroroon”, bagkus pinananatili niya ang patakaran na kanyang ginamit sa Cana at nagsasabi: “Ang Kanyang mga disipulo” din kahit na kung siya ay nag-iisa o may kasamang iba. At siya ay nagpapatuloy nang ganyan, hindi kailanman binabanggit ang kanyang pangalan, laging inilalagay ang kanyang kasamahan sa unahan, na tila hindi siya ang naging pinaka tapat, ang laging tapat at perpektong tapat na disipulo.

Alalahanin kung gaano niya kaselan na binanggit ang tagpo sa Huling Hapunan, dahil pinakikita nito na siya ang paborito at kinikilalang ganyan din ng kanyang ibang mga kasamahan na lumalapit sa kanya kapag gusto nilang malaman ang mga lihim ng Guro: “Kung kaya't ang mga disipulo ay nagsimulang magkatinginan sa isa’t isa nagtatanong  kung ano ang ibig Niyang sabihin. Ang isa sa mga disipulo, ang isang minamahal ni Jesus, ay nakasandal sa Kanyang dibdib. Si Simon Pedro ay sumenyas sa kanya at nagtanong: ‘Sino ang Kanyang tinutukoy?’. At siya, nakasandal katulad niya sa dibdib ni Jesus, ay tinanong Siya: ‘Sino iyon, Panginoon?”.

Ni hindi niya binabanggit ang kanyang pangalan bilang tinatawag patungo sa Gethsemane kasama ni Pedro at ni Santiago. Ni hindi niya sinasabi: “Sinundan ko ang Panginoon”. Sinasabi niya: “Si Simon Pedro at isa pang disipulo ay sumunod sa Kanya, at sa dahilan na ang disipulong ito ay kilala ng mataas na Pari, sumama siya kay Jesus patungo sa palasyo ng mataas na Pari”. Kung wala si Juan hindi sana Ako nagkaroon ng kaginhawahan na nakikita siya at si Pedro sa loob ng mga unang oras pagkatapos na Ako ay nahúli. Ngunit si Juan ay hindi nagyayabang ng tungkol dito.

Isa sa mga pangunahing personahe sa loob ng mga oras ng Aking Pasyon, ang tanging apostol na nagmamahal, naaawa, may-kabayanihang nasa malapit sa Kristo, malapit sa Kanyang Ina, sa harapan ng laganap na kabangisan ng Herusalem, di rin niya binabanggit ang kanyang pangalan sa namumukod na yugto ng krusipiksiyon at ng tungkol sa mga salita ng Namamatay na Kristo: “Babae, ito ang Iyong anak”, “Ito ang iyong ina”. Siya ay ang “disipulo”, ang di-pinangangalanan na disipulo, na walang ibang pangalan bagkus ang isa na kanyang kaluwalhatian pagkatapos na ito ay maging ang kanyang bokasyon: “ang disipulo”.

Kahit pagkatapos ng karangalan ng pagiging ang “anak” ng Ina ng Diyos hindi siya nasisiyahan at sinasalarawan ang Resureksiyon sinasabi niyang muli: “Si Pedro at ang isa pang apostol (na nasabihan ni Maria ni Lazarus tungkol sa walang-laman na sepulkro) ay  lumabas at pumunta... Sila ay tumakbo... ngunit ang isa pang apostol ay tumakbong mas mabilis kaysa kay Pedro at nakarating nang una, at siya ay yumuko at nakita niya... ngunit hindi siya pumasok...” Isang pagpapakita ng magiliw na kababaang-loob! Siya, ang paborito, ang tapat na disipulo, ay hinayaan si Pedro, ang hepe, bagama't isang duwag na makasalanan, na makapasok nang una. Hindi niya siya hinuhusgahan. Siya ay ang kanyang Pontipise. Hindi lamang, bagkus, sinusuportahan niya siya sa pamamagitan ng kanyang kabanalan, sapagkat ang mga “hepe” din ay maaaring mangailangan, sa katunayan talagang nangangailangan sila ng mga nasasakupan na susuporta sa kanila.

Ilang mga nasasakupan ang mas mabuti pa kaysa sa kanilang mga “hepe”! O banal na mga nasasakupan, huwag kailanman tumangging maging maawain sa inyong mga “hepe”, na namamaluktot sa ilalim ng bigat na hindi nila mabata, o nabulag o nalasing ng banidad ng mga karangalan. O! banal na mga nasasakupan, maging ang mga Simon ng Cyrene para sa inyong mga Superyor, at ikaw din, Aking munting Juan, sapagkat Ako ay nagsasalita sa iyo sa katauhan ng lahat, ng lahat na mga “Juan” na tumatakbong una at pinasusunod ang mga “Pedro”, at pagkatapos titigil ginagawa silang makapasok, dala ng paggalang para sa kanilang tanggapan, at na – o! anong obra maestra ng kababaang-loob! – upang hindi mapahiya ang mga “Pedro” na, walang kakayahan na makaintindi at makapaniwala, gagawin ito hanggang sa sila ay lumabas at magawa ang mga tao na maniwala na sila din ay mapurol at di-makapaniwala katulad ng mga “Pedro”.

Basahin ang huling kabanata sa lawa ng Tiberias. Sa muli si Juan ang ito na, inuulit ang pinakita nang makailang beses, siyang nakakilala sa Panginoon sa Tao na nakatayo sa baybayin, at pagkatapos na mapagsaluhan ang pagkain, sa tanong ni Pedro: “At papaano siya?”, siya pa rin “ang disipulo”, walang nang iba pa.

Pinaliliit niya ang kanyang sarili sa lahat ng tungkol sa kanya. Ngunit kapag may kailangang sabihin na baka magpapatingkad sa Nagkatawang-Tao na Salita ng Diyos nang may paningning-pang-paningning na dibinong liwanag, diyan ni Juan inaalis ang takip at magbubunyag ng isang lihim.

Sa ikaanim na kabanata ng kanyang Ebanghelyo sinasabi niya: “Nang Kanyang mabatid na gusto nila Siyang dukutin upang gawin Siyang hari, tumakas Siyang pabalik patungo sa burol nang Siya Mismo”. At ang oras na iyon sa buhay ng Kristo ay nalaman ng mga naniniwala upang sana malaman nila na ang Kristo ay nápailalim sa marami at magulong mga panunukso at mga pakikipaglaban sa Kanyang ilang pagkakakilanlan na mga katangian ng Tao, Guro, Mesiyas, Tagapagtubos, Hari at ang mga tao at si Satanas – ang eternal na manunulsol ng mga tao – ay hindi nagpaliban ng panloloko sa Kristo upang paliitin, gibain at sirain Siya. Ang kasamaan ni Satanas at ng tao ay inatake ang Tao, ang Eternal na Pari, ang Guro pati na rin ang Panginoon, nagtatago sa mga dahilan na lubos na katanggap-tanggap bilang mabubuting dahilan at kanilang kinanti at tinukso ang lahat na masisimbuyong damdamin ng mamamayan, ng taong makabayan, ng anak, ng tao, upang makita kung saan ang kahinaan nito na kanilang dapat na tutukan. 

O! Aking mga anak, na pinagninilayan lamang ang panimulang panunukso at ang huli, at tinitingnan lamang ang huling bahagi ng Aking gawain ng Tagapagtubos na isang “kapaguran”, at ang Aking huling mga oras lamang ang siyang matindi, at ang Aking huling dinanas mapait at nakalulungkot kunin ang Aking lugar nang isang oras lamang, at isip-isipin na kayo ang binibigyan nila ng mungkahi ng kapayapaan sasamahan ng mga makabayan, ng kanilang tulong, ng posibilidad na magawa ang kinakailangan na mga puripikasyon upang mailagay ang kabanalan sa inyong minamahal na Bansa, ng posibilidad na maibalik sa dati at maipon nang magkakasama ang napaghiwa-hiwalay ng mga galamay ng Israel, na mabigyan ng katapusan ang kapighatian, pagkaalipin at paglalapastangan. At hindi Ko ibig-sabihin na: palitan Ako, iniisip na kayo ay inalok ng isang korona. Hinihingi Ko lamang sa inyo na magkaroon ng Aking Puso ng Tao nang isang oras at sabihin sa Akin: kung ano ang nararamdaman ninyo pagkatapos ng mapanghalinang mungkahi? Mga panalunan tapat sa dibinong Idea, o kung baga ng natalong idea? At lalabas ba kayo mula rito na mas banal at mas espirituwal nang higit pa kailanman, o sisirain ninyo ang inyong mga sarili sa pagpayag sa panunukso o sumusuko sa mga pananakot? At may anong klaseng puso kayo lalabas mula rito, pagkatapos na malaman kung hanggang saan inutusan ni Satanas ang kanyang mga sandatahang lakas na sugatan Ako sa Aking misyon at sa Aking mga nararamdaman, inililigaw, sa maling daan, ang Aking mabubuting disipulo at pinipilit Akong hayagan na labanan ang Aking mga kaaway, sa ngayon naalisan na ng maskara at nagawang galit-na-galit ng katotohanan na ang kanilang mga binabalak ay natuklasan?

Huwag tumayong may mga kompas at maliliit na panukat na mga kasangkapan, may mga microscope at pantaong siyensiya, may mapagdunung-dunungan na pangangatwiran ng mga eskriba nagsisikap na sukatin, ikumpara at pag-usapan kung si Juan ay nagsabi ng katotohanan at kung hanggang saan ito o iyon ay totoo. Huwag paibabawan ang pangungusap ni Juan sa kabanata na pinakita kahapon upang malaman kung ang mga balangkas ay tumatama. Si Juan ay di nagkamali dala ng pagka-ulianin na kahinaan, ni hindi nagkamali ang munting Juan dala ng kahinaan sa pagkakasakit. Ang huli ay ikinuwento kung ano ang kanyang nakita. Ang dakilang si Juan, maraming mga taon pagkaraan ng nangyari ay sinabi kung ano ang nalalaman niya at pagkatapos na may-katalasan na mapagdugtung-dugtong ang mga lugar at ang mga pangyayari ibinunyag ang lihim, na siya lamang ang nakaaalam, tungkol sa may-masamang-hangarin na pagtatangkang ginawa sa pagkokorona sa Kristo.

Sa Tarichea, pagkatapos ng unang himala ng mga tinapay, ang mga tao ay nagsimulang isipin na gawin ang Rabbi mula sa Nazareth na hari ng Israel. Si Manaen, ang eskriba at marami pang ibang mga tao ay naroroon at sa dahilan na sila ay hindi pa espirituwal na perpekto bagkus mga taong matatapat ang puso, kinuha nila ang idea at sinuportahan ito upang parangalan ang Guro, upang mabigyan ng katapusan ang di-makatarungan na pananalungat sa Kanya, dahil sa pagkakamali ng pagpapakahulugan sa mga Iskriptura, isang pagkakamaling nakakalat sa buong Israel na nabulag ng mga panaginip ng pantaong paghahari. Umaasa rin sila na mapabanal ang Amangbayan na nahawaan ng maraming bagay.

At marami, katulad na ito ay natural, ang tumanggap sa idea nang simple.

At marami ang patagong tinanggap ito upang saktan Ako. Ang kapootan laban sa Akin ay nagawa ang huli na magkasama-sama, ginagawang makalimutan nila ang kapootan ng mga kasta na siyang naghahati sa kanila, at pumasok sila sa kasunduan na tuksuhin Ako upang mabigyan ng isang legal na hitsura ang krimen na yarí na sa loob ng kanilang mga puso. Ang kanilang inaasahan ay ang Aking kahinaan at Aking pagmamalaki. At ang Aking pagmamalaki at kahinaan, at ang Aking kalalabasan na pagtanggap ng korona na inaalok nila sa Akin, ay magbibigay ng katwiran sa mga paratang na ibig nilang palabasin laban sa Akin. At pagkatapos... At pagkatapos magsisilbi itong mabigyan ng kapayapaan ang kanilang tusong mga espiritu na nakararamdam ng pangungutya ng konsiyensya, sapagkat sasabihin nila sa kanilang mga sarili, umaasang mapaniniwalaan nila ito: “Ang Roma, hindi kami, ang nagparusa sa manunulsol na Nazareno”. Ang legal na pagpaalis sa kanilang Kaaway, ganyan ang Tagapagligtas sa kanila...

Iyan ang mga rason para sa tinangkang proklamasyon. Iyan ang kapaliwanagan ng kanilang susunod na mas mapait na kapootan. At iyan, sa huli, ang dakilang leksiyon ng Kristo. Naiintindihan mo ba ito? Iyan ay leksiyon tungkol sa kababaang-loob, katarungan, pagsunod, lakas, kahinahunan, katapatan, pagpapatawad, tiyaga, pangangalaga, pagbata, hinggil sa Diyos, hinggil sa misyon ng isa, hinggil sa mga kaibigan, hinggil sa mga nananaginip nang gising, hinggil sa mga kaaway, hinggil kay Satanas, hinggil sa mga tao na kanyang mga instrumento ng panunukso, hinggil sa mga bagay, hinggil sa mga idea. Ang lahat ay kailangan na pagnilay-nilayan, tanggapin, tanggihan, mahalin o hindi mahalin, nakatingin sa banal na tinatangka ng tao: ang Langit, ang Kalooban ng Diyos.

Munting Juan. Ito ay naging isa sa mga oras ni Satanas para sa Akin. Dahil nagkaroon ang Kristo ng mga oras na ito, kung gayon ang maliliit na Kristo ay magkakaroon din. Ang isa ay kailangan na ipaghirap ang mga ito at pangibabawan ito na may kababaang-loob at pagtitiwala. Ang mga ito ay hindi sa wala itong isang pakay. At isang mabuting pakay. Ngunit huwag matakot. Sa loob ng mga oras na ganyan ang Diyos ay hindi nagpapabaya, bagkus sinusuportahan Niya ang mga matatapat. Pagkatapos ang Pagmamahal ay bababa upang gawin ang matatapat na maging mga hari. At mas higit pa, kapag tapos na ang oras ng Lupa, ang matatapat ay tataas sa Kaharian, sa kapayapaan magpasawalanghanggan, panalunan magpasawalanghanggan...

Ang Aking kapayapaan, munting Juan, may korona ng mga tinik... Ang Aking kapayapaan...»

010711

 


Sunod na kabanata