463. Sa Bethsaida at Capernaum. Pag-alis para sa Isang Bagong Paglalakbay.

Agosto 1, 1946.

«Manyobrahin ang bangka patungong Bethsaida» utos ni Jesus Na kasama si Juan sa loob ng isang maliit na bangka, isang tunay na bao, sa gitna ng lawa, na nagiging maliwanag habang lumalabas ang araw.

Si Juan ay sumunod nang walang sinasabi. Ang kung baga isang malakas na ihip ng hangin ay pinupuno nito ang maliit na panlayag at tinutulak ang bangka nang napakabilis na ang bangka ay kumikiling.. Ang silanganing baybayin ay mabilis na dumaraan at ang pakurba ng hilagang tabi ng lawa ay papalapit nang papalapit.

«Dumaong sa harapan ng nayon. Gusto Kong pumunta kay Porphirea nang di nakikita ng sinuman. Magkikita tayo sa dating lugar at hintayin Ako sa bangka.»

«Oo, Guro. At kung may makakita sa akin?»

«Makipag-usap sa lahat nang di nagsasalita kung nasaan Ako. Hindi Ako magtatagal.»

Si Juan ay nakakita ng isang mabuting pagdadaungan sa baybayin dahil naalaala niya ang isang mabuhanging daanan ng tubig mula kung saan ang mga tao ay kumukuha ng buhangin para sa kanilang pangangailangan, napoporma kung gayon ang isang look mga ilang metro ang lapad sa pamamagitan nito kung saan mararating ng isang bangka ang baybayin, na mga kalahating metro ang taas mula sa tubig. Nagmanyobra siya patungo roon. Ang bangka ay kumuskos nang kaunti sa magrabang baybayin ngunit mararating nito ang tuyong baybayin kung saan pinipigil ni Juan ang bangka sa pagkapit sa isang ugat na nakausli mula sa buhangin. Si Jesus ay tumalon sa baybayin. Si Juan ay itinutulak ang sagwan sa baybayin sa pagsisikap na maitulak ang bangka pabalik sa lawa. Siya ay nagtagumpay. Itiningala niya ang kanyang mukha, nagniningning sa pamamagitan ng kanyang mabuting ngiti at nagsabi: «Paalam, Guro.»

«Paalam, Juan» at si Jesus ay lumakad sa pagitan ng mga punungkahoy habang si Juan ay minamanyobra ang kanyang maliit na bangka sa tabi ng baybayin.

Si Jesus ay lumiko pagawing looban at dumaraan sa mga hardin ng gulay sa likuran ng Bethsaida. Siya ay naglalakad nang mabilis upang makapasok sa nayon bago pa ito magising. Nakarating Siya sa bahay ni Pedro nang wala nakikitang sinuman. Kumatok Siya sa pinto. Pagkaraan ng isang sandali ang ulo ni Porphirea ay dumungaw nang maingat sa itaas ng maliit na pader ng terasang bubungan. Nang makita niya si Jesus siya ay napabigkas ng «O!» sa pagkabigla. Sa pamamagitan ng isang kamay inaayos niya ang kanyang buhok – ang kanyang tanging kagandahan – na nakabagsak sa kanyang mga balikat at tumakbong pababa sa maliit na hagdanan, nakapaa lamang katulad niya, sa kanyang pagmamadali sa umagang pagpasok sa banyo.

«Panginoon, Kayo! Nag-iisa lamang?»

«Oo, Porphirea. Nasaan si Marjiam?»

«Siya ay natutulog. Siya ay natutulog pa. Ang bata ay medyo malungkot, kung baga matamlay... at pinababayaan ko siya nang kaunti. Ito ay dahil din sa kanyang edad... siya ay lumalaki... Habang natutulog hindi siya nag-iisip at hindi umiiyak.»

«Umiiyak ba siyang madalas?»

«Oo, Guro. Sa palagay ko iyan ang kanyang kasalukuyang kahinaan. At sinisikap kong mapalakas siya... at paginhawahan siya... Ngunit sinasabi niya: «Ako ay naiwan nang nag-iisa. Ang lahat na aking minamahal ay umaalis. Kapag si Jesus ay hindi na natin kasama...” at sinasabi niya ang ganito na tila malapit na Ninyo kaming iwanan... Siyempre... naghirap siya nang labis sa kanyang pamumuhay... Ngunit si Simon at ako ay minamahal namin siya... labis, Guro, maniwala sa akin.»

«Alam Ko. Ngunit ang kanyang kaluluwa ay maramdamin... Porphirea, kailan kitang makausap tungkol dito. Iyan kung bakit Ako naparito, nang wala si Simon, sa oras na ito ng araw. Saan tayo makakapunta upang hindi sana tayo mapakinggan ni Marjiam at walang sinuman ang makagagambala sa atin?»

«Panginoon... wala akong iba bagkus ang aking silid, o ang silid kung saan tinatago ang mga lambat... Si Marjiam ay nasa itaas, ako ay naroroon din kanina, upang matakasan ang init, kami ay doon natulog...»

«Pumunta tayo sa pinagtataguan ng mga lambat. Iyan ay mas malayo at hindi tayo mapapakinggan ni Marjiam kung siya ay magigising.»

«Halikayo, Panginoon» at si Porphirea ay pinasusunod Siya patungo sa malaking pangkabukiran na silid puno ng sari-saring bagay: mga lambat, mga sagwan, mga panustos, dayami para sa mga tupa, isang habihan...

Si Porphirea ay nagmamadaling malinisan ang isang klaseng mesa na nakalagay sa tabi ng pader, pinapagpagan ito ng isang kumpol ng tali upang doon makaupo ang Guro.

«Hindi na bale, babae. Hindi Ako pagod.»

Si Porphirea ay tiningala ang kanyang banayad na mga mata sa nalulungkot na pagod na mukha ni Jesus at siya ay tila nagsasabing: «Siyempre pagod Kayo.» Ngunit, bilang sanay sa pagiging tahimik, siya ay hindi nagsasalita.

«Makinig, Porphirea. Ikaw ay isang matalinong babae at isang mabuting disipulo. Ako ay naging giliw-na-giliw sa iyo mula pa nang makilala kita at may malaking lugod na tinanggap kita bilang isang disipulo at ipagkatiwala sa iyo ang bata. Alam Ko na kakaunting mga babae lamang ang kasing dunong at hinahon katulad mo. At alam Ko na ikaw ay nakapananahimik: isang napaka bihirang birtud sa mga kababaihan. Para sa lahat na mga rason na iyan Ako ay naparito upang magsalita sa iyo nang lihim at ipagkatiwala sa iyo ang isang bagay na walang sinuman ang nakaaalam, ni hindi ang mga apostol, ni hindi kahit si Simon. Pinagkakatiwala Ko ito sa iyo sapagkat kailangan Kong sabihin sa iyo kung papaano ka kailangan na kumilos sa hinaharap hinggil kay Marjiam... at sa lahat... Natitiyak Ko na gagawin mo ang hinihiling ng iyong Guro at na ikaw ay magiging kasing hinahon higit pa kailanman...»

Si Porphirea na totoong namula sa pagkakarinig sa papuri ng Panginoon, ay bagkus makatátangò lamang sa pagsang-ayon, dahil siya ay antig-na-antig na makapagbigkas ng kahit anong salita na magsasabi ng kanyang pagsang-ayon; siya sa katunayan ay napaka mahiyain at sanay sa pagiging pinipilit ng mapangibabaw na mga tao na nagbibigay sa kanya ng mga utos nang hindi niya nalalaman kung siya ay makapapayag...

«Porphirea... hindi na Ako muli babalik sa bahaging ito ng kabukiran. Hindi na kailanman, hanggang ang lahat ay nangyari na... Nalalaman mo ang kailangan Kong magawa, hindi ba?...»

Sa mga salitang ito si Porphirea ay nabitiwan ang kanyang buhok, na hinahawakan ng kanyang kaliwang kamay sa kanyang batok at napabigkas ng isang tunog na mas katulad ng isang hikbi kaysa isang sigaw at kanya itong pinipigilan dinidiinan ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay habang siya ay bumabagsak sa kanyang mga tuhod umuungol: «Alam ko, Panginoon, aking Diyos...» At umiiyak nang napakatahimik na ang kanyang pag-iyak ay nabubunyag lamang sa pamamagitan ng mga luha na bumabagsak sa sahig tumatagos sa kanyang mga daliring dumidiin sa kanyang mukha.

«Huwag lumuha, Porphirea. Ako ay naparito para diyan lamang. Ako ay nakahanda na... at handa na ang mga na, sa paglilingkod sa Kasamaan, ay mapaglilingkuran ang Mabuti, sa katunayan, sapagkat magagawa nilang makapagsimula ang oras ng Panunubos. Magagawa ito kahit na ngayon sapagkat kapwa sila at Ako ay handa na... at ang bawat mga oras pang daraan o ang pangyayari na mangyayari ay walang magagawa bagkus... pagbutihin ang kanilang krimen... at ang Aking Sakripisyo. Ngunit ang mga oras din na ito, at ito ay magiging napakarami, na daraan bago ang oras na iyon, ay magsisilbi... Mayroon pang kailangan na gawin at sabihin, upang ang lahat na mga bagay na kailangan na mangyari upang Ako ay makilala, ay sana magawa... Ngunit hindi Ako babalik dito muli... Tinitingnan Ko ang lugar na ito sa huling pagkakataon... at Ako ay naparito sa tapat na bahay na ito sa huling pagkakataon... Huwag lumuha... Ayaw Kong umalis nang hindi nagpapaalam sa iyo at binibigay sa iyo ang pagpapalà ng iyong Guro. Isasama Ko si Marjiam. Isasama Ko si Marjiam ngayon habang papunta sa mga hangganan ng Phoenicia at pagkatapos din kapag pupunta Ako sa Judaea para sa mga kapistahan ng mga Tabernakulo. Hindi magkakaroon ng problema sa pagpapadala sa kanya rito bago ang kalaliman ng taglamig. Kaawa-awang bata! Kalulugdan niya ang Aking pakikisama nang matagal-tagal. At pagkatapos... Porphirea, hindi tama na si Marjiam ay naroroon sa pagdating ng Aking oras. Kung kaya't hindi mo siya papayagan na makaalis para sa Paskuwa...»

«Ang alituntunin, Panginoon...»

«Pinatatawad Ko siya hinggil sa alituntunin. Ako ang Guro, Porphirea, at Ako ay Diyos, katulad ng nalalaman mo. Bilang Diyos, makapagpapatawad Ako, nang abante. Ang pagsunod sa Aking inuutos ay kapatawaran mismo sa hindi pagsunod sa alituntunin, sapagkat ang pagsunod sa Diyos na isa ring sakripisyo para kay Marjiam – ay laging mas mataas sa lahat na iba pa. At Ako ay isang Guro. Siya na hindi niya masukat ang kakayahan at ang mga itutugon ng isang disipulo at hindi tinitingnan ang mga kalalabasan na magagawa sa kanya dala ng pagsisikap na makayanan ang isang bagay na higit pa sa kanyang lakas, ay hindi isang mabuting Guro. At kapag nagpapagawa ng mabibirtud na gawain ang isa ay kailangan na maging mahinahon at huwag humingi ng pinakamalaki na hindi maibibigay ng espirituwal na perpeksiyon o ng pangkalahatan na lakas ng taong inaatasan. Sa paghingi ng isang napakalaking pagkontrol sa birtud o sa espiritu kompara sa antas ng espirituwal, moral at pisikal din na lakas na naabot ng isang tao, maaaring magawa ng isa na mawala ang lakas na naipon na pati na rin na magawa ang pagkasira ng tao sa tatlong antas: ang espirituwal, moral at ang pisikal na antas. Si Marjiam, isang kaawa-awang bata, ay naghirap na nang labis at alam-na-alam na ang kabangisan ng kanyang kapwa mga nilikha hanggang sa sila ay halos kanyang kapootan. Hindi niya matitiis ang kung ano ang kalalabasan ng ang Aking Pasyon: isang karagatan ng matinding pagmamahal kung saan doon Ko huhugasan ang mga kasalanan ng mundo, isang karagatan ng maka-satanas na poot na magsisikap na mapangibabawan ang lahat na Aking minamahal at masira ang lahat ng Aking ginawa bilang isang Guro. Sasabihin Ko sa iyong totoo na pati ang malalakas ay yuyuko sa ilalim ng pandidiin ni Satanas, sa loob ng kaunting oras man lamang... Ngunit ayaw Kong si Marjiam ay yumuko o makainom ng nagpapabalisang tubig na iyon... Siya ay inosente... at mahal sa Akin... Ako ay naaawa... labis na naaawa para sa mga naghirap na nang higit pa sa maipahihintulot ng kanilang lakas... Tinawag Ko na sa kabila ang kaluluwa ni Juan ng Endor...»

«Patay na ba si Juan? O! Si Marjiam ay sumulat ng maraming rolyo para sa kanya... Isa pang kapighatian para sa bata...»

«Sasabihin Ko sa kanya ang tungkol sa kamatayan ni Juan... Sinasabi Ko kanina na inilayo Ko siya mula sa mundong ito upang hindi rin siya maapektuhan ng dagok ng oras na iyon. Si Juan din ay naghirap nang labis gawa ng mga tao. Bakit gisingin pa ang napatahimik nang mga damdamin? Ang Diyos ay mabuti. Sinusubok Niya ang Kanyang mga anak, ngunit hindi Siya isang padalus-dalos na nag-eeksperimento... O! kung ang mga tao ay nakagagawa ng ganyan ka-labis! Gaano ka-unti ang masisirang mga puso, o simple, mas gaanong kakaunting mapanganib na mga bagyo sa loob ng mga puso! Ngunit bumabalik kay Marjiam,  kailangan niyang huwag pumunta sa susunod na Paskuwa. Huwag magsalita ng kahit ano sa pansamantala. Kapag dumating na ang pagkakataon, sabihin sa kanya: “Ang Guro ay inutusan ako na huwag kang papuntahin sa Herusalem. At pinapangakuan ka Niya ng espesyal na gantimpala kung susunod ka sa Kanya”. Si Marjiam ay mabuti at susunod... Porphirea, iyan ang gusto Ko mula sa iyo, Ang iyong katahimikan, ang iyong katapatan, ang iyong pagmamahal.»

«Anuman ang gustuhin Ninyo, aking Panginoon. Pinararangalan Ninyo nang labis ang inyong kaawa-awang lingkod... Hindi ako karapat-dapat ng labis... Humayo sa kapayapaan, Guro at Diyos. Gagawin ko ang gusto Ninyo....» ngunit ang kapighatian ay napangibabawan siya at siya ay bumagsak na ang kanyang mukha nasa sahig – siya ay laging nakaluhod, nakapahingalay sa kanyang mga sakong, nakatitig sa mukha ni Jesus – bumagsak siya sa sahig nang ganap natatakpan ng manta ng kanyang makintab-na-itim na buhok humihikbi sa isang malakas na tinig: «Gaano katindi, Guro! O! Gaano katindi! Kung ano ang magkakaroon ng katapusan! Kung ano ang magtatapos para sa mundo! Lalo na para sa amin na nagmamahal sa Inyo! At para sa inyong lingkod! Ang Tanging Isa lamang! Ang Tanging Isa lamang Na totoong nagmahal sa akin! Na hindi kailanman namuhi sa akin! Na hindi kailanman naging mapangibabaw sa akin! Na siyang nagtrato sa akin katulad ng iba, bagama't ako ay napaka mangmang, walang-kuwenta at tanga! O! Si Marjiam at ako – sapagkat si Marjiam ang unang nagsabi sa akin – ay ipinalagay na namin ang aming mga isip sa katahimikan ... Ang lahat ay nagsabi na ito ay hindi maaaring totoo... Lahat: Sina Simon, Natanael, Felipe... at ang kanilang mga asawa... at alam nila, sila ay may pinag-aralan... at si Simon oo! Ang aking Simon, kung siya ay Inyong pinili, maaaring mayroon siyang halaga na kung ano! At lahat sila ay nagsasabi na ito ay hindi posible. Ngunit ngayon sinasabi Ninyo na ito ay posible... at hindi namin mapagdududahan ang Inyong salita» Siya ay totoong nangungulila at nakakaantig sa kanyang kapighatian.

Si Jesus ay yumukod upang magpatong ng isang kamay sa ibabaw ng kanyang ulo: «Huwag umiyak nang ganyan... Maririnig ka ni Marjiam... Alam Ko... Walang naniniwala rito, walang gustong maniwala rito... at ang kanilang pinaka natutuhan at pagmamahal ay ang dahilan ng kanilang hindi paniniwala... Ngunit ito ay ganyan... Porphirea, Ako ay aalis na. Bago ka iwanan pinagpapala kita ngayon at magpasawalanghanggan. Laging tandaan na minahal kita at na Ako ay nasisiyahan sa iyong pagmamahal para sa Akin. Hindi Ko sasabihin: magpursige ka rito. Alam Ko na magpupursige ka, sapagkat ang alaala ng iyong Guro ay ang iyong laging konsolasyon at ikaw ay maninilungan diyan. Ang iyong konsolasyon at kapayapaan, sa oras din ng kamatayan. Isipin kung gayon na ang iyong Guro ay namatay upang buksan ang Paraiso sa iyo at na Siya ay naghihintay para sa iyo doon... Ngayon, tumayo. Lalakad Ako at gigisingin Ko si Marjiam at magsasalita sa kanya. Alisin ang mga bakas ng iyong luha at samahan Ako. Si Juan ay naghihintay para sa Akin upang dalhin Ako sa Capernaum. Kung mayroon kang ipapadala kay Simon, ihanda ito. Alalahanin na kakailanganin niya ang kanyang mabibigat na damit...»

Si Porphirea, isang tunay na mapagpakumbaba at masunurin na tao, ay hinahalikan ang mga paa ni Jesus, at nasa punto na siya na tumayo nang ang isang alon ng pagmamahal ay nagawa siyang mawala sa kanyang sarili at, namumulang lubos, kinuha ang mga kamay ni Jesus at hinahalikan ito nang minsan, dalawa, sampung beses. Pagkatapos siya ay tumayo at pinakawalan Siya...

Si Jesus ay lumabas at umakyat sa terasa, dumaan Siya sa ilalim ng isang katulad ng trapal na pinorma ng mga panlayag na hatak ng mga tali, na sa ilalim nito ay may dalawang maliit na kama. Si Marjiam ay natutulog pa rin na ang kanyang mukha padapa, nakadiin sa maliit na unan. Tanging isang pisngi lamang ng kanyang maliit na madilim na mukha at isang mahabang payat na bisig ang makikita sa labas ng kumot na nagtatakip sa kanya.

Si Jesus ay naupo sa sahig malapit sa maliit na kama at banayad na hinahaplos ang kusot na buhok na nasa maputlang pisngi ng natutulog na bata, na gumalaw ngunit hindi pa gumigising. Si Jesus ay inulit ang Kanyang ginawa at yumuko upang halikan sa noo ang mukha na ngayon wala nang takip.

Si Marjiam ay ibinukas ang kanyang mga mata at nakikita si Jesus sa tabi niya, yumuyuko sa kanya. Halos hindi niya ito mapaniwalaan, baka iniisip niya na siya ay nananaginip, ngunit si Jesus ay tinatawag siya at ang bata ay pagkatapos naupo at itinapon ang sarili sa mga kamay ni Jesus at nanilungan doon... «Kayo ay naririto, Guro?»

«Ako ay naparito upang ilayo kang kasama Ko nang mga ilang buwan. Natutuwa ka ba?»

«O! At si Simon?»

«Siya ay nasa Capernaum. Pumunta Ako rito kasama si Juan...»

«Siya rin ba ay bumalik na? Magiging masaya siya! Ibibigay ko sa kanya ang aking sinulat.»

«Hindi Ako nagsasalita ng tungkol kay Juan ng Endor, bagkus kay Juan ni Zebedeo. Natutuwa ka ba?»

«Oo. Gusto ko siya. Ngunit gusto ko rin yung isa pa... halos mahigit pa...»

«Bakit, Marjiam? Si Juan ni Zebedeo ay napakabuti.»

«Oo, ngunit ang isa ay di napakasaya at ako ay di rin masaya, at hindi pa rin ako masaya nang kaunti... Ang mga taong naghihirap ay nakaiintindi at minamahal ang isa’t isa...»

«Magiging masaya ka ba kung malaman mo na hindi na siya naghihirap at na siya ay napakasaya?»

«Siyempre magiging masaya ako. Ngunit hindi siya maaaring maging masaya maliban na siya ay kasama Ninyo. O... siya kaya ay patay na, Panginoon?»

«Siya ay nasa kapayapaan at tayo ay kailangan na maging masaya niyan, nang hindi nagiging makasarili, sapagkat siya ay namatay bilang isang makatarungan na tao at dahil ang kanyang espiritu ay hindi na nakahiwalay sa atin. Mayroon tayong isa pang kaibigan na nagdarasal para sa atin.»

Dalawang malalaking luha ang bumababa sa napakapayat na maputlang mukha ni Marjiam at siya ay bumulong: «Ito ay totoo.»

Si Jesus ay wala nang sinasabing iba pa, ni hindi Siya gumagawa ng anumang komentaryo tungkol sa pisikal at moral na kalagayan ni Marjiam, na kitang-kita na naging mas mahina. Sa kabaligtaran Siya ay nagsabi: «Tayo na. Nakausap Ko na si Porphirea. Tiyak na naihanda na niya ang iyong mga damit. Ayusin mo ang iyong sarili, sapagkat si Juan ay naghihintay para sa atin. Bibigyan natin si Simon ng isang sorpresa. Hindi ba’t iyan ang kanyang bangka bumabalik sa Capernaum? Baka nangingisda siya sa kanyang daan pabalik...»

«Oo, iyan ang bangka. Saan tayo pupunta, Panginoon?»

«Sa hilaga at pagkatapos sa Judaea.»

«Nang matagal?»

«Oo, nang matagal.»

Si Marjiam, nananabik sa idea na makasama si Jesus, ay bumangon nang mabilis at tumakbong bumaba upang hugasan ang sarili sa lawa, at bumalik siyang basa pa ang buhok, sumisigaw: «Nakita ko si Juan. Kumaway siya sa akin. Siya ay nasa bunganga ng ilog, sa gitna ng mga tambo...»

«Tayo na.»

Sila ay bumaba. Si Porphirea ay sinasarado ang dalawang bag at sinabi niya: «Nagpasya akong ipadala ang mabibigat na damit saka na, sa pamamagitan ng aking kapatid na lalaki na pupunta sa Gethsemane para sa kapistahan ng mga Tabernakulo. Kapwa ikaw at ang iyong ama ay makapaglalakad nang mas mabilis» at habang tinatapos niya ang pagtatali ng mga istrap, binabanggit niya kung ano ang kanyang inihanda: gatas, tinapay, prutas...

«Dadalhin natin ang lahat at kakain tayo sa loob ng bangka. Ibig Kong makaalis bago magsiksikan ang baybayin. Paalam, Porphirea. Pagpalain ka nawa ng Diyos lagi at harinawang ang kapayapaan ng makatarungan ay laging mapasaiyo.  Halika, Marjiam.»...

Nalakad nila ang kaunting haba ng daan nang mabilis at habang pumupunta si Marjiam kay Juan, si Jesus ay pumunta sa bangka, kung saan Siya ay pagkaraan sinamahan ng dalawa na tumakbo sa palumpong ng mga tambo at tumalon sa bangka at kaagad tumulak ng sagwan sa baybayin upang mapalabas ang bangka patungo sa malalim na tubig.

Ang maikling pamamangka ay kaagad natapos at tumigil sila sa maliit na baybayin ng Capernaum hinihintay ang bangka ni Pedro, na parating pa lamang. Ang maagang mga oras ay naipagpaliban sila na matambangan ng mga pulutong at makakain nila ang kanilang tinapay at prutas sa kapayapaan, nakapahinga sa buhangin sa loob ng lilim ng bangka.

Si Simon ay hindi alam kung kanino ang maliit na bangka at kung gayon nang siya lamang ay nakababa sa baybayin at nakita si Jesus na tumayo sa likuran nito, nakilala niya Siya. «Guro! At ikaw. Marjiam! Gaano ka na katagal na naririto?»

«Ngayon lang. Dumaan Ako sa Bethsaida. Bilisan. Kailangan na umalis tayo kaagad...»

Si Pedro ay tinitingnan Siya ngunit hindi nagsasalita ng kahit ano. Kasama ang kanyang mga kasamahan binababa nila ang mga huling isda, ang mga bag ng mga damit, kasama na ang kay Juan, na sa wakas ay makapagbibihis. At si Simon ay nagtanong ng kung ano sa kanyang kasamahan, na sumenyas ibig-sabihin: «Sandali...»

Pumunta sila sa bahay at pumasok. Ang natitira pang mga apostol ay naipon doon.

«Magmadali. Aalis tayo kaagad. Kunin ang lahat sapagkat hindi na tayo babalik dito» utos ni Jesus.

Ang mga apostol ay nagtitinginan at ang isang grupo ay sumisenyas sa iba. Ngunit sila ay sumunod. Sa katunayan sa palagay ko sila ay nagmadali upang sila ay makapag-usap-usap sa ibang mga silid...

Si Jesus ay nananatili sa loob ng kusina kasama si Marjiam at Siya ay nagpapaalam sa mga may-bahay. Ngunit hindi Niya sinasabi sa kanila: «Hindi na muli Ako babalik» ni hindi Niya sinasabi ang ganyan sa mga mamamayan ng Capernaum na nasasalubong Niya sa mga kalsada at bumabati sa Kanya. Binabati Niya sila sa isang simpleng paraan, katulad ng Kanyang laging ginagawa kapag umaalis. Tumigil lamang Siya sa bahay ni Jairus. Ngunit si Jairus ay hindi pa nakabalik...

Sa pontanya natagpuan Niya ang maliit na matandang babae na naninirahan malapit sa bahay ng ina ng maliit na si Alfeo at sinabi Niya sa kanya: «May isang balo na pupunta rito malapit na. Hahanapin ka niya. Siya ay maninirahan dito. Maging mapagkaibigan sa kanya at maging napakabuti sa bata at sa kanyang mga kapatid... Gawin iyan sa isang banal na paraan, sa Aking pangalan...»

Siya ay nagpapatuloy nagsasabing: «Gusto Ko sanang makapagpaalam sa lahat na mga bata...»

«Makapagpapaalam Kayo, Guro. Bakit hindi Kayo nagpahinga? Kayo ay pagod-na-pagod. Nagmumukha Kayong maputla at ang Inyong mga mata ay pagod. Hindi ito mabuti para sa Inyo... Mainit pa at Kayo ay tiyak na hindi natulog ni sa Tiberias o sa bahay ni Chuza...»

«Hindi Ako makatulog, Simon. Kailangan Kong makapunta sa ilang mga lugar at ang oras ay maikli...»

Sila ay malapit sa baybayin. Si Jesus ay tinawag ang mga manggagawa ni Pedro at nagpapaalam sa kanila sinasabihan sila na dalhin ang maliit na bangka sa nayon bago ang Hippo at ibigay iyon kay Saul ni Zachariah.

Kinuha Niya ang malilim na daan sa tabi ng ilog. Nagpapatuloy Siya sa daan na ito hanggang sa layo ng isang pagsanga ng daan at nagpatuloy sa sumangang daan.

«Saan tayo pupunta, Panginoon?» tanong ni Simon na magpahanggang ngayon ay nagsasalita sa kanyang mga kasamahan sa isang mababang tinig.

«Kay Judas at Anna at pagkatapos sa Korazim. Ibig Kong magpaalam sa Aking mabubuting kaibigan...»

Ang mga apostol ay mas lalong nagkakatinginan nang patagilid sa isa’t isa at nag-uusap usap sa mabababang tinig.

Sa huli si Santiago ni Alfeo ay pumunta sa harapan at sinamahan si Jesus Na nauuna sa kanilang lahat kasama si Marjiam. «Kapatid, hindi na ba tayo babalik ulit sa mga lugar na ito, dahil sinasabi Ninyo na ibig Ninyong magpaalam sa Inyong mga kaibigan? Gusto namin malaman.»

«Siyempre, kayo ay babalik. Ngunit pagkaraan ng maraming buwan.»

«At papaano Kayo?»

Si Jesus ay gumawa ng pag-iwas... Si Marjiam ay umalis nang maingat at sinamahan ang iba, ibig sabihin, ang lahat, maliban kay Santiago ni Alfeo, na kasama si Jesus, at kay Judas Iskariote na nag-iisa, sa likuran nilang lahat, medyo mapanglaw, na tila siya ay matamlay.

«Kapatid, ano ang nangyari sa Inyo?» tanong ni Santiago nagpapatong ng isang kamay sa balikat ni Jesus.

«Bakit mo Ako tinatanong?»

«Sapagkat... hindi ko alam. Kaming lahat ay nagtatanong. Kayo ay tila nagbago... Kayo ay dumating kasama si Juan lamang... Sabi ni Simon na Kayo ay naging panauhin ni Chuza... Kayo ay di nagpapahinga... Kakaunting tao lamang ang Inyong binabati... Lumalabas na ayaw Ninyong bumalik dito... At ang Inyong mukha... Kami ba ay hindi na karapat-dapat na masabihan? Ni kahit ako... Gustung-gusto Ninyo ako... Sinabihan Ninyo ako ng mga bagay na ako lamang ang nakaaalam...»

«Mahal pa rin kita. Ngunit wala Akong sasabihin. Nawalan Ako ng isang araw na higit pa sa Aking inaasahan. Kailangan na mapunuan Ko ito.»

«Kinailangan bang pumunta sa hilaga?»

«Oo, kapatid, kinailangan iyon.»

«Kung gayon... O! Naghirap Kayo. Nakikita ko ito...»

Si Jesus ay niyayakap siya, nilalagay ang Kanyang kamay paikot sa balikat ng Kanyang pinsan: «Si Juan ng Endor ay patay na. Nalaman mo ba?»

«Sinabi sa akin ni Simon nang naghahanda ako ng aking mga damit. Ano pa?...»

«Humiwalay Ako sa Aking Ina.»

«Ano pa?» Si Santiago, na mas maliit kaysa kay Jesus, ay tinitingala Siya, nang namimilit, nagtatanong.

«At masaya Ako na makasama ka, makasama kayong lahat, si Marjiam. Isasama Ko siya nang kaunting mga buwan. Kailangan niya ito. Siya ay malungkot at naghihirap. Nakita mo na ba siya?»

«Oo. Ngunit iyan ay walang pakialam sa pinag-uusapan... Ayaw Ninyong magsalita sa akin. Hindi na bale. Minamahal ko Kayo kahit na kung hindi Ninyo ako tinitingnan bilang isang kaibigan.»

«Santiago, ikaw ay mahigit pa sa isang kaibigan sa Akin. Ngunit ang Aking puso ay nasa, pangangailangan ng pahinga...»

«At kung gayon iyan ay nangangailangan din ng hindi pagsalita ng kung ano ang nagpapamighati sa Inyo.  Alam ko. Ito ba ay si Judas na siyang nagpapamighati sa Inyo?»

«Si Judas? Ang iyong kapatid?»

«Hindi. Ang isa pa.»

«Bakit tinatanong mo Ako niyan?»

«Hindi ko alam. Habang wala Kayo, ang isang mensahero, hindi namin alam kung kanino, ay hinahanap si Judas nang makailang beses. Tinatanggihan niya siya lagi, ngunit...»

«Sa ganang inyong lahat, ang bawat ginagawa ni Judas ay laging isang krimen. Bakit nagkukulang kayong lahat sa karidad?...»

«Sapagkat siya ay mabalasik-na-mabalasik. Iniiwasan niya ang kanyang mga kasamahan. Hindi niya gusto...»

«Hayaan lang siyang mag-isa. Nakasama natin siya sa loob ng dalawang taon at siya ay naging laging ganyan... Isipin kung gaano magiging masaya ang dalawang matanda. At nalalaman mo ba kung bakit Ako pupunta roon? Ibig Kong irekomenda ang maliit na karpintero sa kanila...

Sila ay lumalayo nagsasalita. Sa likuran nila, sa isang grupo, ay dumarating ang mga apostol na naghintay para kay Judas, upang hindi siya maiwanan na nag-iisa, bagama't siya ay halatang ayaw na magpakita na gusto niyang may makasama siya.

020711

 

 


Sunod na kabanata