464. Sa Bahay Nina Judas at Anna Malapit sa Lawa ng Merom

Agosto 3, 1946.

Nang sila ay makarating sila ay naiinitan bagama't naglakad sila sa pagitan ng makakapal na lootan na hutók ang mga sanga dahil sa bigat ng hinog na mga bunga. Mula sa maraming magagandang ubasan ay dumarating ang tipikong amoy ng mga baging kapag ang mga kumpol ng ubas ay hinog na at ang mga dahon ay nagsisimula nang matuyo sa taglagas.

Ang unang mga taong nakita ay dalawang magbubukid na mga bumabalik mula sa mga lootan may dalang mga basket ng magagandang mansanas at pinaalám nila ang isang katulong na siya namang naghahatid sa balita sa paligid. Pansamantala ang dalawang magbubukid ay binabati si Jesus at sinasabi sa Kanya na: «maraming disipulo na mga nanggaling sa mga bundok ng Gaulanitis at mula sa Ituraea ang tumigil sa bahay habang patungo sa Herusalem» at na «ang kanilang mga panginoon ay nagpasya na sasabay sa kanila patungo sa mga Tabernakulo dadaan ng Decapolis at Perea.» Ngunit wala silang panahon na matapos ang kanilang pagbibigay impormasyon dahil ang kanilang mga panginoon ay nagmadaling lumabas mula sa bahay upang salubungin ang Guro, pinangungunahan at sinasabayan ng maraming mga disipulo.

Kabilang sa mga disipulo ay halos lahat na dating mga pastol sa Bethlehem at mayroon pa ring iba, katulad ng unang ketongin na napagaling at ang kanyang kaibigan, ang pilay, na pinagaling din, ibig sabihin, ang mga mula sa ibayo ng Jordan, maliban kay Timoneus. Hindi ko nakikita si Isaac, o si Stephen o si Hermas, o si Ermasteus at si Jose mula sa Emmaus, o si Abel mula sa Bethlehem, o si Nicolaus mula sa Antioch o si Juan mula sa Ephesus. Sila ay sinasamahan ng mga katulong at mga magbubukid, kabilang dito ay ang batang lalaki na mahimalang pinagaling ang paralisis noong dating pagpiga ng mga ubas at ang kanyang ina.

«Kapayapaan sa inyong lahat at sa bahay na ito» sabi ni Jesus tinataas ang Kanyang kamay upang sila ay pagpalain.

«Pasok Kayo, Guro, at magpahinga sa ilalim ng aming bubungan. Ang panahon ay mainit pa rin para sa paglalakad sa mga oras na ito. Ngunit bibigyan namin Kayo ng pampalamig at ang mga silid ay malamig sa gabi.

«Titigil lamang Ako dito nang kaunting mga oras. Aalis Ako sa gabi. Ilang mga araw na lamang at kapistahan na ng mga Tabernakulo at marami pa Akong mga lugar na kailangang mapuntahan.»

Ang mga maybahay ay bigo ang pakiramdam ngunit hindi sila namimilit. Sinabi lamang nila: «Umaasa kami na maghihintay Kayo para sa amin. Pipitasin namin ang mga ubas bukas at nakapagsimula na kaming mamitas ng mga prutas. Pagkatapos ng pagpiga makakaalis tayong sabay-sabay, kasama ang mga disipulo Ninyong ito. Kami ay matanda na at ang mga daan ay lubos na hindi ligtas mula nang dumating ang mga samahán ng mga mandarambong, hindi namin alam kung kailan, upang pamugaran ang Jordan. Sila ay nagtatago sa mga bundok ng Rabbah Ammon at Gilead at sa tabi ng lambak ng Jabbok at sinasalakay nila ang mga karabana. Ang mga hukbong Romano ay hinahabol sila... Ngunit... maganda bang makatagpo sila? Mas gusto naming makasama ang mga ito... Sila ay Inyong mga disipulo at ang Diyos ay tiyak na poprotektahan sila.»

Si Jesus ay ngumingiti nang nakauunawa ngunit hindi nagsasalita ng kahit ano tungkol sa paksa. Siya ay pumasok sa bahay at tinanggap ang mga pampalamig na inialok ng mga maybahay sa paraan ng mga paghuhugas at mga inumin at pagkatapos pinakikinggan Niya ang mga disipulo na nagsasalita sa Kanya tungkol sa kanilang mga nagawa sa mga kabundukan: «Ngunit kaunti lamang ang naging bunga, Guro. Kaunti din sa Caesarea Philippi, kung saan, gayunman, kami ay hindi ginulo. Ngunit babalik kami kasama Kayo. At pagkatapos!»

Si Jesus ay tinitingnan sila. Hindi Niya binabago ang kanilang maling palagay at tumugon: «Kung kayo ay magpupursige, tiyak na mababago ninyo sila. Laging tinutulungan ng Diyos ang Kanyang mga lingkod.»

Si Jesus pagkatapos ay iniwan sila at sinamahan ang maybahay na babae na naghahanda mismo sa mga mesa at inanyayahan Niya siya na lumabas kasama Siya, dahil kailangan Niyang magsalita sa kanya. Ang mabuting matandang babae ay hindi niya ginagawa Siyang ulitin Niya ang Kanyang pakiusap at upang maiwasan ang pumunta sa labas, kung saan napakainit, pinasunod niya si Jesus patungo sa isang mahabang malamig na silid sa hilagang tabi ng bahay.

«Anna, lagi mong sinasabi sa Akin na ibig mong maglingkod sa Akin sa bawat posibleng pamamaraan...»

«Oo, aking Panginoon. Kapwa si Judas at ako. Ngunit hindi Kayo kailanman nagsabi sa amin. Ito ay isang malaking kapistahan para sa amin sapagkat ang Inyong mga disipulo kahit na papaano ay bahagi Ninyo, at sa pagtanggap sa kanila sa bahay, kami ay tila naglilingkod sa Inyo.»

«Sa katunayan ito ay ganyan, sapagkat anuman ang ginawa sa isang disipulo ay ginawa sa Guro at kahit na ang isang baso ng tubig o isang piraso ng tinapay na binigay upang matulungan ang mga nagtatrabaho para sa Akin ay gagantimpalaan ng Diyos Mismo. Ang mga disipulo ay pinangangalagaan ang mga espiritu ng mga naniniwala at ang mga naniniwala ay kailangan na mahalin at tulungan ang mga disipulo tinitingnan na iniwan nila ang lahat at nakahandang ibigay ang kanilang mga buhay upang maipakita sa mga naniniwala ang Daan, ang Buhay at ang Katotohanan na itinuro sa kanila ng Guro nang may tagubilin na ibigay ito sa mga naniniwala.»

«O! Panginoon, hayaan Ninyong tawagin ko ang aking Judas. Ang Inyong salita ay napakabanal!...»

«Tawagin mo ang iyong Judas» sumasang-ayon si Jesus ngumingiti. At ang babae ay lumabas at bumalik ulit kasama ang kanyang asawa kung kanino inuulit niya ang mga salita ng Guro.

«Maniwala sa akin, gagawin namin ito nang kusa. Ngunit kami ay malayo sa dinadaanan, at iyan ang tiyak na dahilan kung bakit ang Inyong mga disipulo ay bihirang pumunta rito» sabi ng matandang lalaki at pakiramdam ko ikinalulungkot niya na siya ay nalalampasan.

«Sasabihin Ko sa kanila na pumunta rito nang madalas. Sa pansamantala hinihingi Ko sa inyo na pagkalooban Ako ng isang grasya...»

«Kayo? Isang grasya para sa amin ang paglingkuran Kayo! Ibigay Ninyo sa amin ang Inyong utos, Panginoon. Kami ay matanda na at hindi namin Kayo masusundan katulad ng ginagawa ng maraming tao. Ngunit nananabik kami na mapaglingkuran Kayo. Ano ito na ibig Ninyo? Kung ang mga ubasan na ito at ang bahay na ito, na mahal-na-mahal sa amin dahil ito ay pag-aari ng aking ama at ang aming mga anak ay dito pinanganak, ay ang nagugustuhan Ninyo, ibibigay namin ito sa Inyo. Hihingin lamang namin sa Inyo na pangakuan kami ng dibinong awa sa aming mga espiritu.»

«Makatitiyak kayo na iyan ay mapapasainyo. Ngunit hindi Ako nakikiusap para sa ganyang sakripisyo. Makinig. Ako ay pupunta sa Judaea at ang taglamig ay lumalapit na. Sa Korazim ay may isang balo na maraming anak at ang pinakamatanda ay matanda lamang nang kaunti sa isang bata. Ang kanyang ama ay isang karpintero...»

«Ah! Ang karpintero! O! ang lahat ay nagsalita tungkol sa Inyong ginawa... Ngunit ang Korazim ay hindi nakumberti, bagama't ang Inyong gawa higit pa kaysa sa Inyong salita ay nagawa sana sa iyan. Ang kanilang ina ay nagtatrabaho rito sa panahon ng anihan... Ngunit siya ay hindi malusog... Alam namin, alam namin.»

«Bueno, hindi Ko hinihingi sa inyo na gawin silang mamuhay nang walang ginagawa, bagkus tulungan sila. Kayo ay laging mangangailangan ng isang tao upang kumpunihin ang isang bagay na ito o iyon. Isipin si Jose at gawin ang kanyang makatarungan na gantimpala na makumpleto sa pamamagitan ng inyong awa at pagmamahal.»

«O! Guro! Iyan lamang ba! Sasabihin ko, ano ang sasabihin mo, babae? Sa palagay ko kailangan natin na kunin ang dalawang maliit na batang babae na namumulot dito. Ang bahay ay malaki at ikaw ay matanda na, at si Maria at si Naomi ay matatanda na rin... Para sa maliliit na bagay...»

«Iyan ang ating gagawin, Judas. Sa pag-alaala sa ating maliit na batang babae... Ang aming tanging anak na babae, Panginoon... Siya ay yumabong sa loob ng tatlong taon... at pagkatapos... Napakaraming taon na ang dumaan... ngunit ang aking puso ay kumikirot pa rin... Kung Kayo ay napapunta rito sa amin, hindi sana siya namatay... Hindi sana siya nawala sa akin... Ang isang anak na babae ay laging isang ngiti...» ang matandang babae ay naantig at ang matandang lalaki ay nagbubuntung-hininga.

«Siya ay hindi nawala... Siya ay naghihintay para sa inyo... Siya ay isang inosente at maaari kayong makatiyak na matatagpuan ninyo siya. Kinakailangan na mas matakot pa para sa mga batang iyon na mga adulto ngunit hindi namumuhay nang ganap sa mga pamamaraan ng Panginoon...»

«Iyan ay totoo! Iyan ay totoo!... Nalalaman Ninyo, Panginoon... Nalalaman Ninyo ang lahat. Sa bahay na ito, na napaka payapa, ay may ganyang kapighatian... Guro, ang isa bang sakripisyo ay nakakakuha ng isang grasya kung minsan?»

«Hindi kung minsan. Lagi.»

«Ah! Magandang mapakinggan Kayong nagsasabi nang ganyan. Humayo sa kapayapaan, Guro. Ang balo ng Korazim ay matutulungan at matatagpuan Ninyo sila na masaya sa tagsibol. Sapagkat kung nirerekomenda Ninyo sila para sa taglamig na mga buwan, ang ibig sabihin Kayo ay hindi babalik hanggang tagsibol.»

«Ako ay hindi na babalik... Bababa Ako sa Judaea at hindi na Ako babalik.»

«At ang maliit bang disipulo ay sasama rin sa Judaea?»

«Oo, si Marjiam ay sasama sa Judaea...»

«Isang mahabang paglalakbay, Guro. Nagmumukha siyang napaka masasakitin...»

«Nawalan siya ng isang kamag-anak. Alam ninyo ang kanyang kuwento... at ang bagong kapighatian na ito ay pinanghihina siya.»

«Ito rin ay ang kanyang edad at ang kanyang paglaki... Ngunit nalalaman namin... nalalaman namin ang mabuti na kanyang ginagawa. Isang maliit na guro, isang tunay na maliit na guro... Ang kanyang kamag-anak ay nasa kapatagan ng Esdraelon, hindi ba? At siya ba ay namatay doon? At siya ba ay naghirap doon?»

«Oo, babae. Bakit ka nagtatanong?»

«Sapagkat... Guro, hindi dapat na sinasabihan ko Kayo, Na isang Guro. Ngunit ako ay isang babae at isang ina at ako ay umiyak... Sasabihin ko: bakit gusto Ninyo na dalhin siya patungo sa mga lugar na iyon? Iwanan siyang kasama ko hanggang sa layo man lamang ng Herusalem... Mararamdaman ko na ako ay tila pababa sa banal na Siyudad kasama muli ang aking mga bata-pang mga anak na lalaki... at siya ay hindi mapapagod at hindi na muli maghihirap. Ang iba pang mga disipulo ay sasama rin...»

Si Jesus ay nag-iisip. Siya ay tumutol: «Si Marjiam ay masayang kasama Ko at Ako kasama siya.»

«Oo, ngunit kung sasabihan Ninyo siya, magiging masaya siyang sumunod. Magkakahiwalay lamang kayo nang kaunting mga araw. Ano ba ang mahigit lamang sa dalawang linggo para sa isang napakabata? May panahon siyang kalugdan ang Inyong pakikisama...»

Si Jesus ay tinitingnan siya at ang matandang lalaki, na alam-na-alam na ang oras na natitira upang kalugdan ang Tagapagligtas ay hindi napakahaba. Ngunit hindi Siya nagsasalita ng kahit ano. Inuunat Niya ang Kanyang mga kamay na tila upang sabihin: «Mangyari ang ayon sa ibig ninyo» at sinabi lamang Niya: «Kung gayon, tawagin si Marjiam at si Simon.»

Ang matandang lalaki ay lumabas at bumalik kasama ang dalawa. Si Simon ay tumitingin sa paligid nang mausisa. Siya ay tila nagsususpetsa ng kung sino ang nakaaalam kung ano. Ngunit nang mapakinggan niya ang rason siya ay kumalma at nagsabi: «Pagpalain nawa kayo ng Diyos! Ang bata ay nanghihina at, upang sabihin ko sa inyo ang katotohanan, inisip ko na hindi mabuti ang palakarin siya nang napakalayo...»

«Ngunit payag akong sumama! Kasama ko noon ang Guro, at kung isinasama Niya ako ang ibig sabihin nito kaya ko ang sumama... Nagagawa Niya ang lahat nang maayos...» at ang tinig ni Marjiam ay halos nabubulunan ng mga luha.

«Iyan ay totoo, Marjiam. Ngunit ang isa ay kailangan na maging masunurin. Ang mga ito ay dalawang mabuting mga kaibigan: sa Akin at sa lahat na Aking mga kaibigan. Sumang-ayon Ako sa kanilang gusto at ikaw...»

«Ayon sa gusto Ninyo, aking Guro. Ngunit sa Herusalem...»

«Sa Herusalem sasama ka sa Akin» nangangako si Jesus. At si Marjiam, isang mabuting bata, ay hindi tumutugon.

Iniwan nila ang silid at si Jesus ay sinamahan ang mga disipulo na masayang-masaya dahil sa di-inaasahang pagpupulong.

Ang matandang maybahay na lalaki ay paligid-ligid sa grupo. Si Jesus ay napuna ito at tinatanong siya.

«Bueno, ang katotohanan ay ibig kong mapakinggan Kayong magsalita. Kayo ay pagod, nakikita ko iyan. Ngunit bago ang hapunan, bago tayo lumakad upang magpahinga, sapagkat Kayo ay magpapahinga hanggang gabi man lamang, hindi ba Kayo magsasalita kahit ano man lang?»

«Magsasalita Ako bago umalis. Kung kaya't ang mga katulong ng bahay at ng mga bukid ay mapapakinggan din Ako. Ang iyong asawa ay tinatawag na tayo ngayon, kita mo?...»

At si Jesus ay tumayo at pumasok sa silid kung saan ang mga mesa ay naihanda na para sa pinagpalang mga panauhin.

030711

 

 


Sunod na kabanata