467. Pagpapaalam sa Kakaunting mga Naniniwala sa Korazim.

Agosto 6, 1946.

Hindi pa bukanliwayway nang makita ni Jesus ang labing-isang apostol at sa gitna nila ay naroon ang maliit na karpintero na si Jose, na pumuslit sa harapan katulad ng isang palaso nang makita niya kaagad si Jesus, na ang Kaninong mga tuhod kanyang niyayakap nang may kasimplihan ng isa na isa pa ring bata. Si Jesus ay yumuko upang halikan ang kanyang noo at pagkatapos, hinahawakan siya sa kamay, lumakad Siya papunta kay Pedro at sa iba pa.

«Ang kapayapaan ay sumainyo. Hindi Ako umaasa na makita Ko kayo rito.»

«Ang bata ay gumising nang madilim pa at ginusto niyang pumunta na kung hindi’y baka siya máhuli» paliwanag ni Pedro.

«Ang kanyang ina ay mapupunta rito maya-maya kasama ang iba pang mga anak. Gusto niyang batiin Kayo» dagdag ni Judas ni Alfeo.

«Ang babae rin na dati piláy ay darating, at ang anak na babae ni Isaac, ang ina ni Elias at ang iba pa na mga pinagaling Ninyo. Binigyan nila kami ng mabuting pagtanggap sa kanilang mga bahay...»

«At ang iba?»

«Panginoon...»

«Ang Korazim ay nagpupursige sa magaspang na espiritu nito. Naiintindihan Ko. hindi na bale. Ang mabuting binhi ay naihasik na at it ay tutubo isang araw... salamat sa mga ito...» at tinitingnan Niya ang bata.

«Siya ba ay magiging isang disipulo at magkukumberti ba siya ng mga tao?»

«Siya ay isang disipulo, hindi ba’t ikaw, Jose?»

«Oo. Ngunit hindi ako magaling sa pagsasalita, at hanggang sa aking nalalaman, hindi sila nakikinig sa akin.»

«Hindi na bale. Ikaw ay magsasalita sa pamamagitan ng iyong kabutihan.»

Si Jesus ay hinahawakan nang papisil ang maliit na mukha ng bata sa pagitan ng Kanyang dalawang mahahabang kamay at niyuyukuan nang kaunti ang kanyang nakatingalang mukha Siya ay nagsasalita sa kanya.

«Ako ay aalis, Jose. Maging mabuti at maging isang mabuting manggagawa. Patawarin ang mga hindi nagmamahal sa iyo. Maging mapagpasalamat sa mga tumutulong sa iyo. Laging tandaan ito sa isip: na ang Diyos ay naroroon sa mga tumutulong sa iyo at kung gayon tanggapin ang lahat na tulong nang may paggalang, nang hindi nagkukunwari, nang hindi nagsasabing: “Hindi na lang ako gagalaw dahil mayroong nag-aaruga sa akin”, nang hindi sinasayang ang tulong na iyong natatanggap. Magtrabaho, sapagkat ang pagtatrabaho ay banal at ikaw, isang lalaki, ay ang tanging lalaki sa iyong pamilya. Tandaan na sa pagtulong sa iyong ina siya ay iyong pinararangalan. Tandaan iyan upang iyan ay maging halimbawa sa iyong maliliit na kapatid at ang bantayan ang karangalan ng iyong mga kapatid na babae ay isang tungkulin. Mithiin kung ano ang makatarungan at magtrabaho upang makuha ito, ngunit huwag kainggitan ang mayayaman at huwag mithiin na maging mayaman upang magkaroon ng isang kasiya-siyang pamumuhay. Tandaan na ang iyong Guro ay itinuro sa iyo hindi lamang ang salita ng Diyos, bagkus ang pagmamahal para sa trabaho, kababaang-loob at pagpapatawad. Maging laging mabuti, Jose, at isang araw tayo ay magkakasáma muli.»

«Ngunit Kayo ba ay hindi na babalik ulit? Saan Kayo pupunta, Panginoon?»

«Ako ay pupunta kung saan ang kalooban ng Ama Na nasa Langit ay gustuhin na Ako ay pumunta. Ang Kanyang kalooban ay kailangan na laging mas malakas kaysa sa ating mga kalooban, sapagkat iyan ay laging ang perpektong kalooban. Ikaw din, sa loob ng iyong pamumuhay, ay hindi kailangan na ilagay mo ang iyong kalooban nang una sa kalooban ng Diyos. Ang lahat na masunurin na mga tao ay magkikita-kita sa Langit at ito ay magiging isang malaking kapistahan pagkatapos. Bigyan mo Ako ng isang halik, bata.»

Isang halik! Ang bata ay binigyan Siya ng maraming halik lumuluha ng maraming luha, at ang kanyang ina ay nakita siyang ganyan, nakakapit sa leeg ni Jesus, nang siya ay dumating kasama ang pulutong ng kanyang mga anak at ilan-ilan na mga tao, pito lahat, mula sa Korazim.

«Bakit ka umiiyak, anak?» tanong ng babae pagkatapos na batiin ang Guro.

«Sapagkat ang bawat pagpapaalam ay nakapamimighati. Ngunit kahit na kung tayo ay hiwalay tayo ay laging magkakasama kung magpapatuloy ang inyong mga puso na mahalin Ako. Alam ninyo kung papaano Ako mahalin at sa kung ano nakasalalay ang inyong pagmamahal para sa Akin. Sa paggawa ng Aking tinuturo, sapagkat siya na ginagawa kung ano ang itinuro sa kanya ng sinuman, ay nagpapakita na mataas ang kanyang pagpapahalaga sa sinuman na iyon, at ang pagpapahalaga ay laging pagmamahal. Kung kaya't gawin kung ano ang itinuro Ko sa inyo sa pamamagitan ng Aking mga salita at mga halimbawa, at gawin kung ano ang ituturo ng Aking mga disipulo sa inyo sa ngalan Ko. Huwag umiyak. Ang oras ay maikli at malapit na tayong magkasama-sama muli at sa isang mas mabuting paraan. At huwag umiyak dala ng pagkamakasarili. Isipin kung ilan pang mga tao ang naghihintay para sa Akin, kung ilan ang mamamatay nang hindi Ako nakikita, kung ilan ang magmamahal sa Akin nang hindi Ako kailanman nakilala. Nakasama ninyo Ako rito nang makailang beses at ang pananampalataya at pag-asa ay nagawang mas madali para sa inyo gawa ng ating naggagantihan na pagmamahal. Sila sa halip ay kailangan na magkaroon ng isang malaking pananampalataya, isang bulag na pananampalataya, upang masabi nila: “Siya ay totoo ngang ang Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas, at ang Kanyang salita ay makatotohanan”. Isang malaking pananampalataya upang magkaroon ng malaking pag-asa ng eternal na buhay at agaran na makamit ang Diyos pagkatapos ng isang makatarungan na pamumuhay, kakailanganin nilang mahalin Siya Na hindi nila kailanman nakilala, Na hindi nila kailanman narinig, Na hindi nila kailanman nakitang gumawa ng mga himala. gayunpaman, tanging kung sila ay magmamahal lamang nang ganyan, magkakaroon sila ng eternal na Buhay. Kailangan na pagpalain ninyo ang Panginoon Na nagpahalaga sa inyo sa pagkaloob sa inyo na makilala Ako. Humayo na kayo. Maging tapat sa Batas ng Sinai at sa Aking bagong kautusan na mahalin ang lahat katulad ng magkakapatid, sapagkat naririyan ang Diyos sa pagmamahal, Mahalin din ang mga napopoot sa inyo, sapagkat ang Diyos ay ang unang nagbigay ng halimbawa ng pagmahal sa mga tao na, sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan, ay nagpapakita ng kapootan sa Diyos. Laging magpatawad dahil ang Diyos ay nagpatawad sa pamamagitan ng pagpadala sa Kanyang Salita Na Tagapagtubos upang makansela ang Kasalanan, ang dalhan ng sama-ng-loob at pagkakahiwa-hiwalay. Paalam. Harinawang ang Aking kapayapaan ay mapasainyo. Gawin ang inyong mga puso na maalaala ang Aking mga gawa, upang mapalakas ang mga ito laban sa mga salita ng mga magsisikap na makumbinsi kayo na Ako ay hindi ang inyong Tagapagligtas. At itago ang Aking pagpapalà para maging lakas ninyo sa mga pagsubok ng buhay sa hinaharap.»

Si Jesus ay inuunat ang Kanyang mga kamay inuulit ang pagpapalà ni Moses sa maliit na kawan na nakapatirapa sa Kanyang paanan. Pagkatapos Siya ay tumalikod at umalis...

080711

 

 


Sunod na kabanata