468. Si Jesus Nagsasalita Tungkol sa Matrimonyo sa isang Biyanang babae.

Agosto 7, 1946.

Ang matabang kakahuyan ng mga bundok kung saan ang Giscala nakalugar ay nakapagbibigay ng pampalamig na berdeng tanawin, mga ihip ng hangin, tubig at mga tanawin na sari-sari’t iba-iba at magaganda ayon sa iba't ibang direksiyon ng daan. Sa pagawing hilaga ay naroroon ang isang serye ng mga taluktok na kakahuyan na may pinaka iba't ibang pagkaberde ang kulay. Sasabihin ko na ang Lupa ay tila tumataas patungo sa asul na arko ng langit, inaalay nito, bilang pagtanaw ng utang-na-loob para sa pagkaloob ng mga tubig at mga sinag ng araw dito, ang lahat na mga kagandahan ng mga tanim ng kalikasan. Sa hilagang-silangan ang mata ay tumitigil nararahuyo pinagninilayan ang hiyas ng Great Hermon na nagbabago ang kulay ayon sa oras at liwanag at itinataas ang pinakamataas na taluktok nito katulad ng isang napakalaking obelisko ng diyamante, ng opalo, ng bawat maputlang sapiro, o ng bawat maselan na rubi, o ng di-masyadong pinatigas na asero – ayon sa kung ang araw ay hinahalikan ito o iniiwan ito at ang gusot na mga ulap na hinipan ng mga hangin ay nagagawa ang paglaro ng liwanag sa walang-katapusan na niyebe nito – pagkatapos ang mata ay bababa sa esmeraldang mga dalisdis ng matataas na kapatagan, sa tabi ng mga  tagaytay, sa mga bangin at mga taluktok, na nasa paanan ng maharlikang higante. Pagkatapos lumalayo pa nang pasilangang-kanluran makikita ng isa ang berdeng kalawakan ng mga kapatagan ng Gaulanitis at Hauran napapanabihan sa silangang dulo ng mga bundok na naglalaho sa malayong manipis na ulap, at sa kanlurang tabi ng iba't ibang kulay na berde na nasa linya ng Jordan at namamarkahan nito ang mga lambak nito. At sa mas malapit, ay ang dalawang lawa, na kasing ganda ng dalawang sapiro: ang lawa ng Merom na nasa loob ng isang mababang pabilog na kapatagan na napatutubigan nang mabuti, at ang lawa ng Tiberias, kasing ganda ng isang maselan na pastel sa gitna ng mga burol na nakapaligid dito, na iba ang hugis at mga kulay, na ang mga baybayin nito laging puno ng mga bulaklak: isang silanganing panaginip na may mga grupo ng mga puno ng palmera na umuundayo ang mga tuktok sa hangin na nanggagaling sa malapit na mga bundok, ang tula ng aming mga lawa na napakaganda para sa kalmanteng mga tubig nila at sa mga kalinangan ng kanilang mga baybayin. At pagkatapos sa timog, ang bundok ng Tabor kasama ang tipikal na taluktok nito, at ang maliit na Hermon, ganap na berde, nakabantay sa kapatagan ng Esdraelon, na ang malawak na abot nito ay nabubunyag sa pamamagitan ng mahabang orisonte na hindi napuputol ng mga kabit-kabit na mga bundok, at sa mas malayo pa, pagawing timog, ang mataas na makapangyarihang mga bundok ng Samaria umuunat sa mas malayo pa sa maabot ng paningin ng tao pagawing Judaea. Ang tanging hindi nakikita ay ang kanlurang tabi, kung saan ang Mount Carmel ay maaaring naroroon, at ang kapatagan na umuunat patungong hilaga, pagawing Ptolemais, kapwa naitatago ng isang kabit-kabit na mga bundok na mas mataas pa kaysa nito, kung kaya't hindi sila makita. Ito ay isa sa mga pinakamagagandang tanawin sa Palestina.

Si Jesus ay nagpapatuloy sinusundan ang daan sa pagitan ng mga bundok, kung minsan nag-iisa, kung minsan sinasamahan ng apostol na ito o iyon.

Tumigil Siya nang minsan upang haplusin ang mga anak ng isang pastol na mga naglalaro malapit sa kawan at tanggapin ang gatas na inialok ng pastol, na nakakilala sa Kanya bilang ang Rabbi na sinalarawan ng ibang mga tao na nakakita na kay Jesus, nagsasabi ang pastol: «Para sa Inyo at para sa Inyong mga kaibigan.»

Siya ay tumigil muli upang pakinggan ang isang matandang babae na, hindi nag-aalam kung sino Siya, sinasabi sa Kanya ang mga problema ng kanyang pamilya gawa ng isang manugan na babae na may katusuhan at walang-paggalang.

Bagama't naaawa Siya sa matandang babae, hinihimok siya ni Jesus na maging mapasensya at kumbinsihin ang kanyang manugang na maging mabait sa pamamagitan ng kanyang sariling kabaitan: «Kayo ay kailangan na maging isang ina sa kanya, kahit na kung siya ay hindi ninyo anak. Maging sinsiro: kung sa halip ng pagiging inyong manugang siya ay naging inyong anak, ang kanyang bang mga pagkakamali ay lalabas na napakalaki sa inyo?»

Ang matandang babae ay nag-iisip... at siya pagkatapos ay nagtapat: «Hindi... Ngunit ang isang anak ay laging isang anak...»

«At kung ang isa sa inyong mga anak na babae ay magsabi sa inyo na sa loob ng bahay ng kanyang asawa ang kanyang biyanan-na-babae ay minamaltrato siya, ano ang sasabihin ninyo?»

«Na siya ay masama. Sapagkat kailangan niyang ituro ang mga kaugalian ng bahay – katulad na mayroong sariling mga kaugalian ang bawat bahay – nang may kabaitan, lalo na kung ang asawang babae ay bata pa. Sasabihin ko na kailangan niyang isipin noong siya ay isang bagong-kasal na nobya mismo, at kung gaano siya nasisiyahan na minamahal siya ng kanyang biyanan-na-babae, kung siya ay naging masuwerte na magkaroon ng biyanan-na-babae, at kung gaano siya naghirap, kung nagkaroon siya ng isang masamang biyanan. At na huwag niyang gawin na paghirapan ng kanyang manugang kung ano ang hindi niya pinaghirap, o huwag siyang papaghirapin sapagkat nalalaman niya kung ano ang maghirap. O! Ipagtatanggol ko ang aking anak!»

«Ilan taon na ang inyong manugang na babae?»

«Siya ay labing-walong taon, Rabbi. Tatlong taon na siyang kasal kay Jacob.»

«Napakabata niya, Siya ba ay tapat sa kanyang asawa?»

«O! oo. Siya ay isang palaging nasa bahay at siya ay punung-puno ng pagmamahal para sa kanya asawa at para sa maliit na Levi at para sa maliit na batang babae, na ang pangalan ay Anna, katulad ng akin. Siya ay pinanganak noong Paskuwa... Napakaganda ng bata!...»

«Sino ang may kagustuhan na pangalanan siyang Anna?»

«Si Maria ang may gusto! Ang Levi ay ang pangalan ng biyanan na lalaki at tinawag ni Jacob sa kanyang pangalan ang kanyang panganay na anak, at nang si Maria ay pinanganak ang babae sinabi niya: “Ibibigay natin sa kanya ang pangalan ng iyong ina”.»

«At sa inyo bang palagay iyan ay hindi pagmamahal at paggalang?»

Ang matandang babae ay nag-iisip... Iginigiit ni Jesus: «Siya ay tapat, mahal niya ang kanyang bahay, siya ay isang mapagmahal na asawa at ina, nananabik siyang magawa niya kayong masaya... Nabigyan niya sana ng pangalan ang kanyang anak ng pangalan ng kanyang sariling ina, sa halip tinawag niya siya sa pangalan ninyo... pinararangalan niya ang inyong bahay sa pamamagitan ng kanyang asal...»

«O! Iyan ay totoo! Siya ay hindi katulad ng sawing-palad na iyon na si Jezebel.»

«Bueno, kung gayon! Bakit kayo nagrereklamo at nagbibigay ng impormasyon laban sa kanya? Hindi kaya sa palagay ninyo gumagamit kayo ng dalawang sukatàn ng paghusga sa isang ibang paraan sa inyong manugang kaysa kung huhusgahan ninyo ang isang anak na babae ninyo?...»

«Ang problema ay... ay... napagkakaitan niya ako ng pagmamahal ng aking anak. Dati ang anak ko ay lahat sa akin, ngayon mas mahal niya siya kaysa sa akin...» Ang totoong rason ng mga maling-akala ng mga biyanan-na-babae ay umapaw sa wakas mula sa puso ng matandang babae kasama ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

«Ang inyong bang anak ay iniiwan kayo nang may pagkukulang? Siya ba ay pinabayaan kayo mula nang siya ay nag-asawa?...»

«Hindi. Hindi ko masasabi iyan. Ngunit, sa maikling pananalita, pag-aari na siya ngayon ng kanyang asawa...» at siya ay umiiyak umuungol nang mas malakas.

Si Jesus ay nginingiti ang isang tahimik na ngiti na puno ng awa para sa naninibughong matandang babae. Ngunit, bilang napakabait magpakailanman, hindi Niya siya kinagagalitan. Naaawa Siya sa naghihirap na ina at nagsisikap na mapagaling siya. Ipinatong Niya ang Kanyang kamay sa balikat ng babae na tila ibig Niya siyang gabayan, sapagkat siya ay nabubulagan ng mga luha, baka upang maramdaman niya, sa pamamagitan ng hipo ng Kanyang kamay, ang labis na pagmamahal na sana makapagpaginhawa at makapagpagaling sa kanya, at sinabi Niya sa kanya:

«Ina, at hindi ba tama na ganyan iyan? Ang iyong asawa ay ginawa ang ganito sa iyo, at ang kanyang ina ay hindi siya nawala sa kanya, katulad ng iyon sinasabi at iniisip, ngunit sa pakiramdam niya hindi na niya masyadong naaari ang kanyang anak sapagkat nahahati ng iyong asawa ang kanyang pagmamahal sa pagitan ng kanyang ina at sa iyo. At ang ama ng iyong asawa, nang siya naman, ay tumigil sa pagiging ganap na naaari ng kanyang ina, upang mamahal ang ina ng kanyang mga anak. At ganito ito mula sa isang henerasyon hanggang sa isa pa, bumabalik sa panahon ni Eba: ang unang ina na nakakita sa kanyang mga anak na hinahati sa kanilang mga asawa ang pagmamahal na dating ganap na para sa kanilang mga magulang lamang. Ngunit ang Genesis ba ay hindi nagsasabi: “Ito sa wakas ay buto mula sa aking mga buto at laman mula sa aking laman... Ito ang dahilan kung bakit ang isang lalaki ay iiwanan ang kanyang ama at ina at idudugtong ang kanyang sarili sa kanyang asawa at sila ay magiging isang katawan”. Baka ikaw ay tumutol: “Iyon ay salita ng isang tao”.  Oo, ngunit ng kung anong tao? Siya noon ay nasa estado ng inosensiya at grasya. Nasasalamin niya kung gayon nang wala kahit anong kalabuan ang Karunungan na siyang naglikha sa kanya at nalalaman niya ang katotohanan nito. Sa pamamagitan ng Grasya at ng kanyang inosensiya taglay din niya nang walang kakulangan ang iba pang mga kaloob ng Diyos. Sa dahilan na ang kanyang mga pándamá ay napasúko sa kanyang  pangangatwiran, ang kanyang isip ay hindi napanlalabuan ng mga singaw ng kiling sa pagkakasala. At dahil sa ang siyensiya ay proporsiyonado sa kanyang estado, nakapagsalita siya ng mga salita ng katotohanan. Kung gayon siya ay isang propeta noon. Sapagkat nalalaman mo na ang ibig-sabihin ng propeta ay isang tao na nagsasalita sa ngalan ng isa pang tao. At sa dahilan na ang totoong mga propeta ay laging nagsasalita ng tungkol sa mga bagay hinggil sa espiritu at sa hinaharap, kahit pa kung ito ay tila hinggil sa kasalukuyang panahon at sa katawan – sapagkat sa mga kasalanan ng laman at sa mga pangyayari sa kasalukuyang panahon ay nariyan ang mga binhi ng mga kaparusahan ng hinaharap, o ang mga pangyayari sa hinaharap ay may mga ugat sa mga sinaunang pangyayari: halimbawa ang pagdating ng Tagapagligtas ay nagsimula sa kasalanan ni Adan, at ang mga kaparusahan ng Israel, hinulaan ng mga propeta, ay gawa ng asal ng Israel – kung gayon Siya Na nag-uudyok sa kanilang mga labì na magsalita ng mga bagay ng espiritu ay maaaring walang iba bagkus ang Eternal na Espiritu Na nakikita ang lahat sa isang eternal na kasalukuyan. At ang Eternal na Espiritu ay nagsasalita sa pamamagitan ng mga santo, sapagkat hindi Siya maaaring makapanirahan sa loob ng mga makasalanan. Si Adan ay isang santo noon, sapagkat ang katarungan ay kumpleto sa kanya at ang bawat birtud ay nasa kanya, sapagkat ang Diyos ay inilagay nang ganap ang Kanyang mga kaloob sa Kanyang nilikha. Ang tao ay kailangan na magtrabaho nang mas mahirap ngayon, upang makamit ang katarungan at taglayin ang mga birtud, sapagkat ang mga pangganyak ng kasamaan ay nasa loob niya. Ngunit ang ganyang mga pangganyak ay wala noon kay Adan, sa kabaligtaran ang Grasya ay nagawa siyang mas mababa lamang nang kaunti sa Diyos Na kanyang Tagapaglikha. Kung kaya't ang kanyang mga labì ay nagsasalita noon ng mga salita ng grasya. At ito ay isang makatotohanang salita: “Ang isang tao ay iiwanan ang kanyang ama at ina para sa isang babae at idudugtong niya ang kanyang sarili sa kanyang asawa at sila ay magiging isang katawan”. At ito ay absulutong totoo, na ang Kabutibutihang Diyos upang mapaginhawahan ang mga ina at mga ama isinama Niya ang ika apat na Utos sa Batas: “Parangalan mo ang iyong ama at ina”. Isang Utos na hindi nagtatapos sa pag-aasawa ng lalaki, bagkus tumatagal nang higit pa sa kasal. Dati ang mabubuting tao ay kusang pinararangalan din ang kanilang mga kamag-anak pagkatapos na iwanan sila upang magtayo ng isang bagong pamilya. Mula ng panahon ni Moses ito ay isang obligasyon sa pamamagitan ng Batas. At ang pakay nito ay upang mabawasan ang kapighatian ng mga magulang na madalas nakakalimutan ng kanilang mga anak pagkatapos na sila ay mag-asawa. Ngunit ang Batas ay hindi kinakansela nito ang propetikong mga salita ni Adan: “Ang tao ay iiwanan ang kanyang ama at ina para sa kanyang asawa”. Ito ay makatarungan na mga salita at ito ay balido pa. Nasasalamin nito ang kaisipan ng Diyos. At ang kaisipan ng Diyos ay walang-pagbabago sapagkat ito ay perpekto. Kung kaya't, ina, kailangan na tanggapin mo nang walang pagmamakasarili ang pagmamahal ng iyong anak para sa kanyang asawa. At ikaw ay magiging banal din. Sa kabilang dako, ang bawat sakripisyo ay sinusuklian sa Lupa. Hindi ba’t kaaya-aya sa iyo na mahalikan ang iyong mga apo, ang mga anak ng iyong anak? At ang gabi ba ng iyong buhay ay hindi magiging mapayapa at ang iyong huling tulog kalmante kasama ang masarap na pagmamahal ng isang anak na babae malapit sa iyo, bilang kapalit ng mga anak na babae na wala na sa iyong bahay?...»

«Papaano Ninyo nalalaman na ang aking mga anak na babae, na lahat mas matanda kaysa sa aking anak na lalaki, ay may mga asawa na at naninirahan sa malayo?... Kayo ba ay isang propeta rin? Kayo ay isang Rabbi. Nasasabi ko iyan gawa ng Inyong mga palawit sa Inyong manta at kahit na kung wala Kayo nito, ang Inyong salita ay binubunyag ito. Sapagkat nagsasalita Kayo katulad ng isang dakilang doktor. Kayo kaya ay isang kaibigan ni Gamaliel? Siya ay naririto nang makalawa lamang. Ngayon hindi ko alam... At may kasama siyang maraming mga rabbi, at marami sa kanyang mga paboritong disipulo. Baka kaya náhuli Kayo sa pagdating.»

«Kilala Ko si Gamaliel. Ngunit hindi Ako papunta sa kanya. Ni hindi nga Ako patungo sa Giscala...»

«Ngunit sino Kayo? Kayo ay tiyak na isang rabbi. At nagsasalita pa nga Kayo nang mas higit pa kaysa kay Gamaliel...»

»Kung gayon... gawin ang sinabi Ko sa iyo. At magkakaroon ka ng kapayapaan. Paalam, ina. Magpapatuloy na Ako sa Aking lakad. Kayo ay tiyak na patungo sa bayan.»

«Oo. Ina!... Ang ibang mga rabbi ay hindi napaka mapagpakumbaba sa isang kaawa-awang babae. Siya Na nanganak sa Inyo ay tiyak na mas banal pa kaysa kay Judith, kung binigyan Niya Kayo ng isang mabait na pusong ganyan para sa bawat nilikha.»

«Siya ay banal ngang totoo.»

«Sabihin Ninyo sa akin ang Kanyang pangalan.»

«Maria.»

«At ang Inyo?»

«Jesus.»

«Jesus!...» Ang maliit na matandang babae ay nalilito sa pagtataka. Ang balita ay naparalisa siya at nakapako siya kung saan niya ito napakinggan.

«Paalam, babae. Ang kapayapaan ay sumainyo» at si Jesus ay umalis nang mabilis, halos tumatakbo Siya sa pag-alis bago makapanumbalik ang babae mula sa kanyang pagkagúlat.

At ang mga apostol ay sinusundan Siya nang may malalaking hakbang, sa gitna ng pagwagayway ng mga damit, hinahabol nang walang-mangyari ng mga sigaw ng babae na nangungusap: «Tigil! Rabbi Jesus! Tigil! May gusto akong sabihin sa Inyo...» Sila ay nagdahan-dahan nang ang kakapalan ng kakahuyan ay naitatago na sila muli at hindi na nila makita ang daan na magdadala sa isa sa Giscala at mula kung saan ang mga daanan-ng-mola ay humihiwalay.

«Gaano Kayo nagsalita nang kaganda sa babae» sabi ni Bartolomeo.

«Ang leksiyon ng isang dalubhasa! Sayang na siya ay nag-iisa...» wika ni Santiago ni Alfeo.

«Gusto kong matandaan ang mga salitang iyon...» bulalas ni Pedro.

«Ang babae ay nakaintindi, o halos, pagkatapos ng Inyong Pangalan. Ngayon siya ay magsasalita ng tungkol sa Inyo sa bayan...» sabi ni Tomas.

«Maliban na hindi niya kakantiyawan ang mga putakti pinatatakbo sila upang abutan tayo!» bulong ni Judas Iskariote.

«O! malayo na tayo ngayon!... At ang isa ay hindi nag-iiwan ng mga bakas sa loob ng mga kakahuyan, kung kaya't hindi tayo mamomroblema» sabi ni Andres nang maasahin.

«Kahit na kung tayo ay problemahin... Naibalik Ko ang kapayapaan sa loob ng isang pamilya» tugon ni Jesus sa lahat.

«Gaano sila kaiba! Magkakatulad ang mga biyanan-na-babae!» sabi ni Pedro.

«Hindi. Nakatagpo tayo ng ilan na mabubuti. Naaalaala ba ninyo ang biyanan-na-babae ni Jerusa ng Doco? At ang biyanan-na-babae ni Dorcas mula sa Caesarea Philippi?»

«Siyempre, Santiago... May ilan na mabubuti...» pagsang-ayon ni Pedro; ngunit tiyak na iniisip niya na ang biyanan-na-babae na ito ay isang pahirap.

«Tayo ay tumigil at kumain. Pagkatapos magpapahinga tayo, upang sana makarating tayo sa nayon sa lambak bago gumabi» utos ni Jesus.

At sila ay tumigil sa isang berdeng libis, katulad ng loob ng isang malaking esmeraldang sariwang kabibi na naitanim sa bundok at bukás upang tanggapin ang mga manlalakbay sa loob ng kapayapaan nito. Ang liwanag ay katamtaman, sa kabila ng oras ng araw, dahil ang matataas na punungkahoy ay napoporma nito ang isang kumakaluskos na arko sa ibabaw ng parang. At ang temperatura ay banayad dahil sa ihip ng hangin mula sa mga bundok. Ang isang maliit na bukal ay bumubuhos ng isang malaplatang agos ng tubig sa pagitan ng dalawang maitim na bato at bumubulong nawawala sa pagitan ng makakapal na yerba, sa loob ng isang kanal na hinukay nito, na mga isang dangkal ang lapad at lahat natatakpan ng mga tangkay na tumutubo sa mga pampang, at umuundayo sa magaan na ihip ng hangin; ito pagkatapos ay bababa, sa isang munting talon, sa isang bato sa ibaba. Ang orisonte, katulad ng makikita sa pagitan ng dalawang malalaking puno ng kahoy, ay nagmumukhang malabo at malayo, pagawing mga bundok ng Lebanon, at ito ay maganda...

100711

 

 


Sunod na kabanata