469. Si Jesus Nagsasalita kay Barnabas Tungkol sa Batas ng Pagmamahal.

Agosto 10, 1946.

Kaaya-ayang magpahinga sa ibabaw ng maliit na mataas na kapatagan. Ngunit mas mabuti pang makababa sa lambak habang may liwanag pa, sapagkat magiging madilim nang maaga sa ilalim ng makakapal na punungkahoy na bumabalot sa bundok.

Si Jesus ang unang bumangon at Siya ay lumakad upang mahugasan ang Kanyang mukha, mga kamay at mga paa sa munting agos ng tubig mula sa maliit na bukal. Pagkatapos tinawag Niya ang Kanyang mga apostol, na mga natutulog sa damuhan, at inanyayahan silang makapaghanda para sa pag-alis. At habang ginagaya nila Siya, naghahalinhinan, hinuhugasan ang kanilang sarili sa malamig na sapa at pinupuno ang kanilang mga prasko sa magandang agos mula sa bato, si Jesus ay pumunta sa gilid ng maliit na parang hinihintay sila malapit sa dalawang matandang punungkahoy na tumatayong hangganan sa silangang tabi, at tinitingnan Niya ang malayong kagiliran.

Si Felipe ang unang sumama sa Kanya, at tumitingin sa direksiyon na tinitingnan ng kanyang Guro, sinabi niya sa Kanya: «Ang tanawin ay maganda! Hinahangaan Ninyo ito...»

«Oo, ngunit hindi lamang Ako nakatingin sa kagandahan nito.»

«Sa ano, kung gayon? Iniisip kaya Ninyo ang tungkol sa panahon kung kailan ang Israel ay magiging dakila, ang tungkol sa mga lugar sa ibayo ng Lebanon at Orontes, na sa pagdaan ng mga siglo ay nanyamot sa atin at nambabagabag pa rin sa atin, sapagkat ang puso ng kapangyarihan na naniniil sa atin sa pamamagitan ng Embahador nito ay doon nakatira? Ang mga hula tungkol sa kanila na ginawa ng ilang mga propeta ay terible ngang totoo: “Wawasakin ko ang Assyria sa loob ng aking bayan, dudurugin ko siya sa aking mga bundok... Ito ang kamay na nakaunat laban sa lahat na mga nasyon... At sino ang makapagpipigil dito?... Ang Damascus ay titigil sa pagiging isang siyudad, siya ay magiging isang tambak na labí... Iyan ang magiging gantimpala ng ating mga manloloob”. Ganyan ang sinasabi ni Isaiah! At si Jeremiah ay nagsasabi: “Magpapasimula ako ng isang apoy sa loob ng mga pader ng Damascus, tutupukin nito ang mga palasyo ng Ben-hadad”. At iyan ay mangyayari kapag ang Hari ng Israel, ang Pinangakong Isa, ay kinuha ang Kanyang setro, at napatawad na ng Diyos ang Kanyang sambayanan sa pagpapadala sa Haring Mesiyas sa kanila... O! si Ezekiel ay ganyan ang sinasabi: “Mga bundok ng Israel, magpatubo ng mga sanga at mamunga para sa aking sambayanang Israel, na malapit nang bumalik... Pasusundin ko ang aking sambayanan sa iyo, at mapapasakanila ka para sa kanilang sariling lupang-sakop... Hindi ko na muli papayagan na marinig ninyo ang mga insulto ng mga nasyon...” At ang mga salmo ay inaawit kasama si Ethan ang Ezrahite: “Natagpuan ko na ang aking lingkod na si David at pinahiran ko siya ng aking banal na langis. Ang aking kamay ay tutulungan siya... Ang kanyang kaaway ay walang magagawa na kahit ano laban sa kanya... Ang kanyang magagandang kapalaran ay tataas sa ngalan ko... Iuunat niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng karagatan at ang kanyang kanang kamay sa ibabaw ng mga ilog... At gagawin ko siyang aking panganay, at hari sa pagitan ng mga hari ng Lupa”. At si Solomon ay umaawit: “Siya ay tatagal katulad ng araw at buwan... Ang kanyang imperyo ay aabot sa karagatan sa karagatan, at mula sa ilog hanggang sa mga dulo ng Lupa... Ang lahat na mga hari ng Lupa ay pararangalan siya, ang lahat na mga nasyon ay magiging kanyang mga lingkod..”. Kayo, Mesiyas, sapagkat ang lahat na mga tanda ng espiritu at ng laman ay nasa Inyo, ang lahat na mga tanda na binigay ng mga propeta. Aleluya sa Inyo, Anak ni David, Haring Mesiyas, banal na Hari!»

«Aleluya!» sigaw nang sabay-sabay ng iba pa na sumama na kina Jesus at Felipe at napakinggan ang mga salita ng huli. At ang aleluya ay umalingawngaw sa mga bangin at mga burol...

Si Jesus ay tinitingnan sila nang malungkot-na-malungkot... At Siya ay tumugon: «Ngunit hindi ba ninyo naaalaala kung ano ang sinabi ni David tungkol sa Kristo, at kung ano ang sinasabi ni Isaiah tungkol sa Kanya... Kinukuha ninyo ang matamis na pulot at ang nakalalasing na alak ng mga propeta... ngunit hindi ninyo iniisip na upang maging ang Hari ng mga hari ang Anak ng tao ay kailangan na inumin Niya ang apdo at ang suka at ramtan ang Kanyang Sarili ng purpura ng Kanyang sariling Dugo... Ngunit ito ay hindi ninyo kasalanan kung ito ay hindi ninyo naiintindihan... Ang inyong pagkakamali sa pag-intindi ay pagmamahal. Gusto Ko ang isang ibang pagmamahal sa inyo. Ngunit sa pansamantala hindi ninyo maibibigay... Ang napakatagal na panahon ng pagkakasala ay kalaban ng mga tao pinipigilan silang makita nila ang Liwanag. Ngunit ang Liwanag ay pababagsakin ang mga pader at papasukin kayo... Tayo na.»

Bumalik sila sa daan-mola na kanilang iniwan upang makaakyat sa malayong mataas na kapatagan at mabilis silang bumaba patungo sa lambak. Ang mga apostol ay nag-uusap-usap sa mababang mga tinig...

Pagkatapos si Felipe ay tumakbong nauna na, sinasamahan ang Guro at nagtanong: «Napamighati ko ba Kayo, Guro. Hindi ko ginusto iyon... Galit ba Kayo sa akin?»

«Hindi, Felipe, hindi Ako galit. Ngunit ibig Ko sana na ikaw man lamang ay makaintindi.»

«Nakatingin Kayo roon na may malalim na mithiin...»

«Sapagkat iniisip Ko kung ilan pang mga lugar ang hindi Ko pa napupuntahan... At hindi Ko na mapupuntahan... sapagkat ang Aking oras ay lumilipad... Gaano kaikli ang panahon ng tao! At gaano kabagal kumilos ang tao!... Gaanong ganyang mga limitasyon ng Lupa ang nararamdaman ng espiritu!... Ngunit... Ama, mangyari nawa ang Inyong kalooban!»

«Ngunit napuntahan na Ninyo ang lahat na mga rehiyon ng lumang mga tribu, aking Guro. Napabanal Ninyo sila nang minsan man lamang, kung kaya't masasabi ng isa na naipon Ninyo sa Inyong mga kamay ang labindalawang mga tribu...»

«Iyan ay totoo. Ngunit, pagkatapos, gagawin ninyo kung ano ang hindi Ko nagawa dahil sa oras.»

«Dahil napatitigil Ninyo ang mga ilog at napapakalma ang mga karagatan, hindi ba Ninyo mapababagal ang oras?»

«Magagawa Ko. Ngunit ang Ama sa Langit, ang Anak sa Lupa, ang Pagmamahal sa Langit at sa Lupa, ay nananabik na magawa ang Pagpapatawad...» at si Jesus ay napailalim sa malalim na pagninilay-nilay na iginagalang ni Felipe iniiwan Siyang nag-iisa at sinasamahan ang kanyang mga kasamahan kung kanino sinasabi niya ang kanyang pakikipagusap.

... Ang lambak ay ngayon malapit na at ang isang daan ay makikita na, isang tunay na pangunahing daan, na mula sa timog ay nagpapatuloy nang pakanluran, lumiliko sa paanan lamang ng bundok at tumatakbo sa tabi lamang nito. Pagkatapos ito ay tumatakbong tuwid patungo sa isang magandang nayon na nakalatag sa berdeng lugar malapit sa isang maliit na ilog, na ang ilalim nito ay natatakpan ng mga bato, na may ilan-ilan na nagpupumilit na mga tambo dito at doon, lalo na sa gitna, kung saan ang isang maliit na daloy ng tubig, ay nagpupumilit sa pagdaloy patungo sa dagat.

Nag-ipun-ipon silang lahat bago kunin ang pangunahing daan, at nakakapaglakad pa lamang sila ng ilang mga metro nang may dalawang lalaki ang lumalapit sa kanila kumakaway ang kanilang mga kamay upang batiin sila.

«Dalawang disipulo ng mga rabbi, at ang isa ay isang Levita. Ano ang kailangan nila?» ang mga apostol ay nagtatanong sa isa’t isa at hindi sila kailanman masaya na makita sila. Hindi ko alam kung papaano nila nasasabi na ang dalawa ay mga disipulo at na ang isa ay isang Levita. Hindi ko pa maintindihan ang ibig sabihin na mga borlas at mga palawit at iba pang mga lihim ng mga damit ng Israelita.

Nang si Jesus ay mga dalawang metro na lamang ang layo sa dalawang lalaki, at nang hindi posibleng magkaroon ng di-pagkakaintindihan dahil ang daan ngayon ay wala nang mga manlalakbay na nagmamadali patungo sa nayon naglalakad o nakasakay sa kabayo, ginantihan Niya ang kanilang paulit-ulit na pagbati at tumigil naghihintay.

«Kapayapaan sa Inyo, Rabbi» sabi ng Levita na kanina pa lamang ay yumuko nang mabababa.

«Kapayapaan sa iyo. At sa iyo» sabi ni Jesus, kinakausap ang isa pa.

«Kayo na ang Rabbi na ang pangalan ay Jesus?»

«Ako.»

«Ang isang babae ay dumating sa bayan bago ang ikaanim na oras at sinabi niya na may nakausap siya sa daan na isang rabbi na mas dakila pa kay Gamaliel, sapagkat bukod sa pagiging marunong Siya ay mabuti. Ang balita ay nakarating sa amin at ang aming mga panginoon ay pinatigil ang aming pag-alis para sa Herusalem at pinadala kaming lahat upang hanapin Kayo: dalawa sa amin sa bawat daan bumababa mula sa Giscala patungo sa mga daan sa kapatagan. Sa kanilang mga pangalan at sa pamamagitan namin sinasabi nila sa Inyo: “Halikayo sa bayan, sapagkat ibig namin Kayong konsultahin”.»

«Bakit?»

«Upang masabi Ninyo ang Inyong opinyon tungkol sa isang pangyayari sa Giscala na ang mga konsekwensiya nito ay tumatagal pa rin.»

«At wala ba kayong dakilang mga doktor sa Israel na makapagbibigay sa inyo ng kanilang mga opinyon? Bakit lumapit sa di-kilalang Rabbi?»

«Kung Kayo ay Siya, Na siyang sinasabi ng mga rabbi, Kayo ay hindi di-kilala. Hindi ba’t Kayo si Jesus ng Nazareth?»

«Ako nga.»

«Ang Inyong karunungan ay kilala ng mga rabbi.»

«At ang kanilang mapait na kapootan para sa Akin ay alam Ko.»

«Hindi sa lahat sa kanila, Guro. Ang pinakadakila at makatarungan na rabbi ay hindi Kayo kinapopootan.»

«Alam Ko. Ngunit ni hindi rin niya Ako minamahal. Pinag-aaralan niya Ako. Ngunit ang rabbi ba na si Gamaliel ay nasa Giscala?»

«Hindi. Siya ay nakaalis na upang makarating sa Sephoris bago ang Sabbath. Siya ay umalis kaagad pagkatapos ng sentensiya.»

«Kung gayon bakit ninyo Ako hinahanap? Kailangan Ko ring ipangilin ang Sabbath at mararating Ko lamang ang lugar na iyon nang nasa oras. Huwag na ninyo Akong pigilan pa.»

«Natatakot ba Kayo, Guro?»

«Hindi Ako natatakot sapagkat alam Ko na magpahanggang ngayon wala pang kapangyarihan ang binigay sa Aking mga kaaway. Ngunit iniiwan Ko ang lugod ng paghusga sa marurunong na tao.»

«Ano ang ibig Ninyong sabihin?»

«Na hindi Ako nanghuhusga. Ako ay nagpapatawad.»

«Makapaghuhusga Kayo nang mas mabuti kaysa sino pa mang iba. Si Gamaliel ay iyan ang sinasabi. Sinabi niya: “Tanging si Jesus lamang ng Nazareth ang makapaghuhusga nang may katarungan sa kasong ito”.»

«O sige. Ngunit nakapaghusga na kayo. At ang kaso ay hindi na maaaring maayos. Ang Aking opinyon ay nakapagpakalma sana sa masisimbuyong damdamin bago humampas. Kung doon ay may pagkakamali ang may-kagagawan na tao ay baka nakapagsisi at natubos sana ang kanyang sarili. Kung doon ay walang pagkakamali, wala sanang naging kaparusahan, na ayon sa ilang mga tao ay, sa mga mata ng Diyos, pareho sa sinadyang pagpatay.

«Guro! Ngunit papaano Ninyo nalalaman? Ang babae ay nanumpa na nagsalita lamang Kayo sa kanya tungkol sa kanyang mga problema... at... nalalaman Ninyo... Kung gayon Kayo nga ba ay totoong isang propeta?»

«Ako kung Sino Ako. Paalam. Kapayapaan sa inyo. Ang araw ay lumulubog sa kanluran» at Siya ay tumalikod at naglakad patungo sa nayon.

«Nagawa Ninyo ang tamang bagay, Guro! Sila ay tiyak na naghihintay para sa Inyo!» Ang mga apostol ay solido para sa Guro.

Ngunit ang kanilang mga pagpuri at mga pangangatwiran ay naputol kaagad ng dalawang dating lalaki na nakaabot sa kanila nakikiusap kay Jesus na umakyat sa Giscala.

«Hindi. Ang paglubog-ng-araw ay maunahan Ako sa daan. Sabihin sa mga nagpadala sa inyo na sumusunod Ako sa Batas. Lagi Akong sumusunod, kapag ang pagsunod dito ay hindi makasasamâ sa Kautusan na mas mahigit pa kaysa sa pang-Sabbath na batas – ang batas ng pagmamahal.»

«Guro, Guro, nakikiusap kami sa Inyo. Ito lamang ay kaso ng pagmamahal at katarungan. Sumama sa amin, Guro.»

«Hindi Ako makakasama. Ni hindi rin kayo makakabalik nang nasa oras.»

«Mayroon kaming kapahintulutan na gawin ito sa kasong ito.»

«Ano? Ako ay kanilang pinupuna kung pinagagaling Ko ang isang may-sakit na tao at pinatawad siya sa araw ng Sabbath, at kayo ay pinahintulutan na labagin ang Sabbath para sa isang walang-magawang pag-uusap-usap? Sa Israel kaya ay may dalawang sukatán? Humayo! Lakad at hayaan Ako.»

«Guro, Kayo ay isang propeta at kung gayon nalalaman Ninyo. Naniniwala ako diyan at ang taong ito ay naniniwala. Bakit Ninyo kami tinatanggihan?»

«Sapagkat!...» Si Jesus ay tinititigan sila at tumitigil. Ang Kanyang mahigpit na mga mata, na nanlalagos at sumusuot sa kabila ng mga takip ng katawan upang mabasa ang kanilang mga puso, ay sinusuri nang mapanupil ang dalawang lalaki sa harapan Niya. At pagkatapos ang Kanyang mga mata, labis na hindi matatagalan sa kahigpitan, napaka banayad sa pagmamahal, ay nagbago kinukuha ang gayong mapagmahal at maawain na ekspresyon na kung dati ang isang puso ay nanginginig sa takot dahil sa makapangyarihang tingin nito, ngayon ito ay nanginginig sa emosyon sa presensya ng maningning na pagmamahal ng Kristo. «Sapagkat!» Inuulit Niya... «Hindi Ako, bagkus ang mga tao ang tumatanggi sa Anak ng tao, at kailangan Niyang di-pagtiwalaan ang Kanyang mga kapatid. Ngunit sa mga walang malisya ang mga puso sasabihin Ko: “Halikayo” at sinasabi Ko rin: “Mahalin Ako” sa mga napopoot sa Akin...»

«Kung gayon, Guro...»

«Kung gayon pupunta Ako sa nayon para sa Sabbath.»

«Maghintay man lamang para sa amin.»

«Ako ay aalis sa paglubog-ng-araw ng Sabbath. Hindi Ako makapaghihintay.»

Ang dalawang lalaki ay nagkatinginan, sila ay nag-uusap nananatiling nasa likuran; pagkatapos ang isang mas hayag ang mukha at siyang halos laging nagsasalita, ay tumakbong pabalik. «Guro, mananatili akong kasama Ninyo hanggang pagkatapos ng Sabbath.»

Si Pedro, na nasa tabi ni Jesus, ay hinatak ang Kanyang tunika pinipilit Siyang tumingin sa gawi niya at bumulong: «Hindi. Isang espiya.» Si Judas Tadeo na nasa likuran ng kanyang Pinsan, ay nagsabi sa mahinang tinig: «Huwag siyang pagtiwalaan.» Si Natanael, na nauna na kasama si Simon at si Felipe, ay tumalikod at tumitingin nang mabalasik ibig-sabihin: «Hindi» Kahit na ang dalawang pinaka mapagtiwalang mga apostol, sina Andres at Juan, ay iniiling ang kanilang mga ulo mula sa likuran ng nambubuwisit na mamâ.

Ngunit si Jesus ay hindi pinapansin ang kanilang mapaghinalang mga takot at Siya ay tumugon nang kaikli: «Manatili» at ang iba ay kailangan na huwag nang tumutol.

Ang mamâ ay ngayon masaya na at ang kanyang pakiramdam ay tila nasa sariling bahay siya. Naramdaman din niya na kailangang sabihin niya ang kanyang pangalan, kung sino siya, bakit siya nasa Palestina bagama't pinanganak siya sa Diaspora, na siya ay ikinunsagra sa Diyos mula pa nang kanyang kapanganakan, sapagkat siya ay ang «konsolasyon ng kanyang mga magulang» na, nagpapasalamat sa Panginoon sa pagkakaroon ng anak, ipinagkatiwala siya sa mga kamag-anak sa Herusalem, na sana siya ay maging taga-Templo. Doon kung kailan, habang naglilingkod sa Bahay ng Diyos, nakilala niya si Gamaliel at naging kanyang masugid at minamahal na disipulo. «Pinangalanan nila akong Jose sapagkat katulad ng lumang Jose, napagaanan ko ang aking mga magulang ng kapighatian ng pagiging baog. Ngunit ang aking ina ay laging sinasabi “aking konsolasyon” nang ako ay kanyang pinapakain, kung kaya't ako ay naging Barnabas para sa lahat. Ang dakilang Rabbi din ay tinatawag ako nang ganyan sapagkat nakakatagpo siya ng kaaliwan sa kanyang pinakamagagaling na disipulo.»

«Tiyakin na ang Diyos din ay sana sabihin iyan tungkol sa iyo, at higit sa lahat na sana tawagin ka Niya nang ganyan» sabi ni Jesus.

Pinasok nila ang nayon.

«Kabisado mo ba ang lugar na ito?» tanong ni Jesus.

«Hindi, hindi pa ako kailanman napunta rito. Unang pagkakataon kong mapunta rito, sa Naphtali. Ang rabbi ay dinala ako rito kasama ang iba pang mga tao, dahil ako ay nag-iisa. Wala akong mga kamag-anak...»

«Ang Diyos ba ay iyong Kaibigan?»

«Sana. Nagsisikap akong paglingkuran Siya hangga't magagawa ko.»

«Kung gayon hindi ka nag-iisa. Ang isang makasalanan ang nag-iisa.»

«Baka nagkakasala rin ako.»

«Dahil sa ikaw ay ang disipulo ng isang dakilang rabbi, tiyak na nalalaman mo ang mga kondisyon kung saan ang isang aksiyon ay nagiging isang kasalanan.»

«Ang lahat, Panginoon ay kasalanan. Ang tao ay nagkakasala nang patuloy, sapagkat ang mga alituntunin ay mas marami kaysa sa mga sandali ng isang araw. At ang konsiderasyon at mga sirkunstansiya ay hindi tayo laging natutulungan na maiwasan ang kasalanan.»

«Totoo na ang sirkunstansiya higit sa lahat ang madalas nagdadala sa atin sa kasalanan. Ngunit ikaw ba ay may isang maliwanag na kuru-kuro tungkol sa pangunahing katangian ng Diyos?»

«Katarungan.»

«Hindi.»

«Kapangyarihan.»

«Hindi rin.»

«...Kahigpitan.»

«Malayo kailanman.»

«gayunpaman ganito ito sa Sinai at kahit pagkatapos pa...

«Ang Kataastaasan ay noon nakita sa gitna ng kidlat na pumapaikot sa mukha ng Ama at Tagapaglikha na may kakila-kilabot na mga sinag sa ulo. Talagang hindi mo nalalaman ang totoong mukha ng Diyos. Kung kilala mo Siya at ang Kanyang espiritu, malalaman mo na ang pangunahing katangian ng Diyos ay Pagmamahal, at maawain na Pagmamahal.»

«Alam ko na ang Kataastaasan ay minahal tayo. Tayo ang piniling sambayanan. Ngunit nakapanghihilakbot ang paglingkuran Siya!»

«Kung alam mo na ang Diyos ay pagmamahal, papaano mo nasasabi na Siya ay nakapanghihilakbot?»

«Sapagkat sa pamamagitan ng pagkakasala nawawalan tayo ng Kanyang pagmamahal.»

«Naitanong Ko na sa iyo kung nalalaman mo ang mga kondisyon kung saan ang isang aksiyon ay nagiging isang kasalanan.»

«Kung ito ay hindi isang aksiyon ng anim na raan at labintatlong mga alituntunin, o ng mga tradisyon, disisyon, mga kaugalian at mga panalangin, bukod sa sampung utos ng Batas, o kung ito ay hindi sumasang-ayon sa itinuturo ng mga eskriba, diyan ito isang kasalanan.»

«Kahit na kung hindi ito ginagawa ng tao nang may ganap na kaalaman at perpektong kapahintulutan ng kalooban?»

«Oo, kahit na. Sapagkat sino ang makapagsasabi: “Hindi ako nagkakasala”? Sino ang makakaasa na magkaroon ng kapayapaan kay Abraham pagkatapos ng kamatayan?»

«Ang mga espiritu ba ng mga tao ay perpekto?»

«Hindi, sapagkat nagkasala si Adan at nasa atin ang diperensiyang iyan. Ginagawa tayo nitong mahina. Nawala sa tao ang Grasya ng Panginoon, ang tanging lakas na makapagsusuporta sa atin...»

«At nalalaman ba iyan ng Panginoon?»

«Nalalaman Niya ang lahat.»

«Kung gayon, sa palagay mo ba Siya ay walang awa tinitingnan kung ano ang nagpapahina sa tao? Sa palagay mo ba magpapataw Siya sa may-sakit na mga inapu ng kung ano ang naipapataw Niya sa unang Adan? Naririyan ang kaibahan na hindi mo tinitingnan. Ang Diyos ay Katarungan, sang-ayon Ako. Siya ay Kapangyarihan, sang-ayon Ako.  Maaari din Siyang Kahigpitan sa di-nagsisising nagkasala na nagpupursige sa kanyang pagkakasala. Ngunit kapag nakikita Niya na ang isa sa Kanyang mga anak – ang lahat na mga tao ay mga anak sa ibabaw ng Lupa na isang oras ng eternidad para sa espiritu, na nagiging adulto sa espirituwal na iksaminasyon nito ng eternal na mayoriya sa sandali ng partikular na paghuhukom – kapag nakikita Niya na ang isa sa Kanyang mga anak ay nagkakamali dahil siya ay wala sa kanyang pag-iisip, o mahinang makakilala ng kaibahan, o hindi masyadong nakapag-aral, o dahil siya ay napakahina sa isa o mas higit pang mga bagay, sa palagay mo ba na ang Kabanalbanalang Ama ay huhusgahan siya nang may katigasan na kahigpitan? Sinabi mo ito mismo, na ang tao ay nawalan ng Grasya, ang lakas upang makalaban sa Tukso at mga panggaganyak. At nalalaman ito ng Diyos. At ang isa ay hindi kailangan na katakutan ang Diyos at iwasan Siya katulad ng ginawa ni Adan pagkatapos na magkasala siya. Ngunit ang tao ay kailangan na tandaan na Siya ay Pagmamahal. Ang Kanyang mukha ay sumisinag sa mga tao, hindi upang gawin silang mga abo, bagkus upang paginhawahan sila katulad na nagpapaginhawa ang araw sa pamamagitan ng mga sinag nito. Ang Pagmamahal, hindi ang kahigpitan ang sumisinag mula sa Diyos: mga sinag ng araw, hindi mga kislap ng kidlat, maging ano pa man... Ano ang ipinataw ng pagmamahal ng Kanyang sariling kalooban? Isang pasanin na hindi madadala? Isang kodigo ng di-mabilang na mga kabanata na madaling makalimutan? Hindi. Sampung utos lamang, upang mapigilan katulad ng isang bisiro ang hayop na tao, na kung walang pampigil ay napupunta sa kasiraan. Ngunit kapag ang tao ay nailigtas, kapag ang Grasya ay naibalik sa kanya, kapag ang Kaharian ng Diyos ay naitatag, ibig sabihin, ang Kaharian ng pagmamahal, ang mga anak ng Diyos at mga nasasakupan ng Hari ay bibigyan ng iisang utos lamang na maglalaman na ng lahat: “Mahalin ang inyong Diyos nang inyong buong sarili at ang inyong kapwa katulad ng inyong sarili”. Sapagkat, maniwala, o tao, na ang Diyos-Pag-ibig ay bagkus magpapagaan sa pamatok at gagawin itong kalugod-lugod at ang pagmamahal ay gagawin itong kaaya-aya na maglingkod sa Diyos, kapag Siya ay hindi na kinatatakutan bagkus minamahal, minamahal para sa Kanyang Sarili at minamahal sa ating mga kapatid. Gaano magiging kasimple ang huling Batas! Katulad na ang Diyos ay simple, Na perpekto sa Kanyang kasimplehan. Makinig: mahalin ang Diyos nang iyong buong sarili, mahalin ang iyong kapwa katulad ng iyong sarili. Magnilay. Ang nakapapagod bang anim na raan at labintatlong mga alituntunin at ang lahat na mga panalangin at mga pagpapalà ay hindi pa kasama sa dalawang pangungusap na ito, na wala ng walang-silbing mga salita, na hindi relihiyon bagkus pang-aalipin sa mga mata ng Diyos? Kung minamahal mo ang Diyos tiyak na pararangalan mo Siya sa bawat oras ng araw. Kung minamahal mo ang iyong kapwa, wala kang gagawin na kahit ano na magpapamighati sa kanya. Hindi ka magsisinungaling, magnanakaw, papatay o manunugat, hindi ka gagawa ng pangangalunya, Hindi ba’t ganito ito?»

«Ganyan nga... Makatarungan na Guro, ibig kong manatili sa Inyo. Ngunit si Gamaliel ay nawalan na ng kanyang pinakamagagaling na disipulo patungo sa Inyo... Ako...»

«Hindi pa ito ang oras para sa iyo na pumunta sa Akin. Kapag ito ay dumating na, ang iyong pinaka guro ay sasabihin ito sa iyo, sapagkat siya ay isang makatarungan na tao.»

«Makatarungan siya, hindi ba? Sinasabi ba Ninyo ito?»

«Sinasabi Ko iyan sapagkat iyan ang katotohanan. Hindi Ako isang nanunulak na matumba ang mga tao upang makataas sa ibabaw ng mga natumba. Kinikilala Ko ang mga karapatan ng lahat... Ngunit tayo ay kanila nang tinatawag... Maaaring nakakita na sila ng mga matutuluyan para sa atin. Tayo na...»

110711

 

 


Sunod na kabanata